Kailan ang Anak ni Yahuwah ay Dumating sa Pag-Iral? (Bahagi 2)
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami'y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
4. Ang pagiging Anak ni Yahushua ay nahulaan sa Lumang Tipan at dahil dito’y panghinaharap. Walang anak ang maaaring umiral bago ang kanyang pagsilang (= ang kanyang pagdating sa pag-iral, Griyego: gennao; tingnan ang Lucas 1:35, Mateo 1:20 at 1 Juan 5:18). Kung ang isang anak ay buhay na bago pa siya nabuhay bilang isang tao, ito’y imposible at hindi maka-Kasulatang ideya ng isang pagpasa sa sinapupunan na itinuro ni Justin Martyr noong 150 AD. Ang konsepto ng isang bago naging tao at dahil dito’y hindi taong Mesias ay humantong sa ideyang hindi-Biblikal ng Pagkakatawang-tao ng Anak, ang ikalawang kasapi ng isang Trinidad.
Ang Bibliya ay lubos na malinaw tungkol sa pinagmulan ng Anak:
Isaias 7:14: “Isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake,” siya na magiging Anak sa hinaharap.
2 Samuel 7:14 (pansinin ang 7:14 sa kaparehong teksto!): “Ako'y magiging kaniyang ama, at siya'y magiging aking anak” (inangkop kay Yahushua sa Hebreo 1:5).
Isaias 9:6: “Sapagka’t sa atin ay ipinanganak ang isang bata” (propetikong nagdaang panahunan, ibig sabihin ay “ibibigay sa atin”).
Awit 2:7: “Ikaw ay aking anak; sa araw ito ay naging ama mo ako” (“Sa araw na ito ay ipinanganak kita,”) Sinipi sa Hebreo 1:5 at Mga Gawa 13:33 ng pagdating tungo sa pag-iral ni Yahushua.
Awit 89:26-27: “Siya'y dadaing sa akin, ‘Ikaw ay Ama ko, Yahuwah ko,’ …Akin namang gagawin siyang panganay ko, na pinakamataas sa mga hari sa lupa.”
Lahat ng mga pahayag na ito ay tungkol sa panghinaharap na paglilihi sa panganay na Anak ni Yahuwah. Ang Anak ay ipinangako at hindi umiiral bago ipinanganak. Mayroong dakilang pagkakaiba.
5. Ang Anak ay itinaas lamang sa kadakilaan matapos ang kanyang muling pagkabuhay. Filipos 2:8-9: “Ibinaba niya ang kanyang sarili, at naging masunurin hanggang sa kamatayan…Kaya naman siya’y lubusang itinaas ni Yahuwah, at ginawaran ng pangalang higit na mataas kaysa lahat ng pangalan.” Nakamit ni Yahushua ang kataas-taasang posisyon na iyon sa ilalim ni Yahuwah, na imposible kung taglay na niya ito!
Mga Isyu sa Pagsasalin
Ang salitang Griyego na kai sa Filipos 2:9 na “Kaya naman” (o “at”) ay hindi kailangang isalin nang hiwalay dahil ito ay bahagi ng isang Griyegong parirala na tamang isinalin bilang “dahil dito” o “sapagkat ito”, “at para dito”, o “iyon ay kung bakit” o “sa kadahilanang ito” (NASB sa Lucas 1:35. Ang dio kai sa Lucas 1:35 ay nangangahulugang “dahil dito” siya ay magiging Anak ni Yahuwah).
Isa pa ang pariralang “lubusang itinaas” sa Filipos 2:9 ay hindi tiyak dahil ito’y nagpapahiwatig ng isang paghahambing ng dalawang mataas na posisyon. Mas tumpak na ang salitang “lubos” na ipinapakita ang Griyego bilang [pasukdol: “sa pinakamataas na posisyon” (NIV); “itinaas siya sa pinakamataas na karangalan” (NLT). Kaya ang parehong ESV at NRSV ay: “Dahil dito itinaas siya ni Yahuwah nang lubos.” (Karamihan sa ibang pagsasalin ay magkakatulad.)
Si Yahushua Ay Wala sa Kanyang Sukdulang Pangunahing Posisyon Bago ang Muling Pagkabuhay
Colosas 1:18: “At siya ang ulo ng katawan, ang iglesya. Siya ang pasimula [‘pangunahin’ sa ESV at iba pa] sa lahat ng bagay.”
Hebreo 1:4: “Yamang siya ay higit pang dakila sa mga anghel, ang pangalan na kaniyang minana ay higit pa kaysa sa kanilang pangalan.” Ito ay dahil sa “pagkatapos niyang gawin ang paglilinis sa ating mga kasalanan” (berso 3). Hindi nito sinasabi na siya ay naibalik sa ilang nakaraang pamana, iyon ay ang ikalawang posisyon sa sanlibutan, kundi ngayon lamang na siya ay karapat-dapat sa ganoong pamana dahil siya ay “naging masunurin hanggang sa kamatayan” at “gawin ang paglilinis sa ating mga kasalanan.”
Hebreo 5:8: “Bagaman siya ay isang anak, natutunan niyang sumunod mula sa mga bagay na kaniyang tiniis.” Matapos lamang ang proseso ng pagkakatuto na humantong sa kanyang pagiging masunurin hanggang sa kamatayan, siya ay naging pangunahin at nakamit ang kanyang pinakamataas na posisyon na sunod kay Yahuwah (Awit 110:1, kung saan siya ang “panginoon ko” (adoni) at tiyak na hindi isang ikalawang Yahuwah).
6. Nagsalita ba ang Anak bago ang kanyang naitalang buhay?
Hebreo 1:2: “Ngunit sa mga huling araw na ito, Siya'y [Yahuwah] nagsalita sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak.” Si Yahushua, ang Anak, ay naging tagapagsalita ni Yahuwah lamang sa “mga huling araw na ito” samantalang si Yahuwah ay unang ginamit ang mga propeta at mga anghel bilang Kanyang mga ahente (Hebreo 1:1; 2:2). Kung si Yahushua ay unang naging arkanghel (Miguel), pagkatapos, bilang isang mensahero at bilang isang “tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan” (Daniel 12:1), siya malamang ay nagsasalita na para kay Yahuwah bago ang “mga huling araw na ito.” Subalit ang Hebreo 1:5 ay ipinapakita na ang Anak ay hindi isang anghel: “Sinabi ba ito ni Yahuwah kailanman sa kahit kaninong anghel, ‘Ikaw ang aking Anak, naging Ama mo ako ngayon?’”
7. Ang Anak ay hindi bumalik sa Ama. Hindi kailanman sinabi ni Yahushua na siya ay babalik sa Ama kung una na niyang kasama ang Ama, subalit:
“…at papunta sa Diyos” (Juan 13:3).
“Sapagkat ako’y pupunta sa Ama” (Juan 14:12, 28; 16:28).
“Dahil pupunta ako sa Ama” (Juan 16:10, 17).
“Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama” (Juan 20:17).
Si Yahushua ay umalis sa lupa papunta sa kanyang Ama. Hindi niya kailanman sinabi na babalik siya sa kanyang Ama.
Mga Isyu ng Hindi Pagkakaunawaan
Ang “pagsusugo” kay Yahushua ay ang pagkomisyon sa kanya mula sa kapanganakan. Lahat ng mga propeta ay isinugo at ito ay walang kinalaman na buhay na siya bago pa isinilang.
Pagsusugo kay Jeremias
Jeremias 1:5, 7, 10: “Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; inihalal kitang propeta sa mga bansa…sapagka't saan man kita susuguin ay paroroon ka…Tingnan mo, aking pinapagpupuno ka sa araw na ito.”
Ang pagsusugo ay hindi nangangahulugan na si Jeremias ay literal na umiiral na bago pa isilang at bumaba mula sa langit, kundi siya’y kinomisyon sa kapanganakan.
Pagsusugo kay Juan Bautista
Juan 1:6: “Isinugo ni Yahuwah ang isang taong nagngangalang Juan.”
Ang pagpapadala kay Juan ay hindi nangangahulugan na siya ay literal na umiiral bago pa isilang at bumaba mula sa Langit. Ito lamang ay isang pagkokomisyon ni Yahuwah sa kanya.
Pagsusugo ng mga Alagad
Juan 17:18: “Kung paanong isinugo mo ako sa sanlibutan, isinugo ko rin sila [mga alagad ni Yahushua] sa sanlibutan.”
Ang pagsusugo sa mga alagad sa kaparehong paraan gaya kay Yahushua na “isinugo sa sanlibutan” ay hindi nangangahulugan na sila’y umiral na bago pa isilang.
Pagsusugo kay Yahushua
Galacia 4:4: “Isinugo ni Yahuwah ang kanyang Anak. Isinilang siya ng isang babae.”
Si Rengstorf sa The Theological Dictionary of the New Testament ay sinabi: “Pangwika, walang suporta para sa sanaysay na sa Galacia 4:4, ang ex sa exapostellein ay nagpapahiwatig na bago ang pagsusugo, ang isang isinugo ay nasa presensya na ng isa na nagsugo sa kanya” (Vol. 1, p. 406).
Roma 8:3: “Sa pamamagitan ng pagsusugo sa kanyang sariling Anak sa anyo ng makasalanang pagkatao.”
1 Juan 4:14: “Nakita namin at pinatunayang sinugo ng Ama ang Anak upang maging Tagapagligtas ng sanlibutan.”
1 Juan 4:9: “Isinugo ng Diyos sa sanlibutan ang kanyang kaisa-isang Anak.”
Si Yahushua ay Itinindig at Pagkatapos ay Isinugo
Mga Gawa 3:26: “Nang itindig ni Yahuwah ang kaniyang lingkod na si Yahushua, siya ay isinugo muna sa inyo.”
Kaya walang nilalang bago naging tao na itinindig sa langit at pagkatapos ay isinugo sa lupa. Ang pagsusugo ay dumating matapos si Yahushua na itindig sa kapanganakan, gaya ni Jeremias na itinindig sa panahon ng kanyang kapanganakan hanggang sa pagiging isang propeta.
Ano Naman sa 1 Timoteo 3:16?
“Na ipinakita sa laman” (KIT). “Siya ay inilabas sa laman” (NRSV).
Sinabi ni James Dunn sa atin na ang “ipinakita” (ephanerothe) ay nangahulugan lamang na “maihayag”:
“Walang anumang pahiwatig ng naunang pagtatago (Juan 9:3; Roma 3:21; 2 Corinto 3:3; 4:10; 5:10; 1 Juan 3:5, 8), kaya ang konteksto ay nagiging mas mahalaga sa pagtukoy sa nilayong kahulugan ng teksto…Sa kasong ito, walang indikasyon na ang kaisipan ay layon na isama ang isang ikatlong yugto ng pag-iral bago ang paglitaw sa lupa…[iyon ay] walang anumang intensyon ng pagpapahiwatig ng isang naunang [umiral bago isilang] pagtatago.”1
Ikumpara ang Juan 9:3: “Sa pamamagitan niya, ang mga gawa ni Yahuwah ay maihayag.” Ang “mga gawa” na ito ay hindi literal na umiiral na bago ang pagsilang.
1 Corinto 10:4: “Ang Batong iyon ay si Kristo”
Ito ay tipolohiya sa pagtukoy kay Kristo na sinasamahan ang mga Kristyano sa buhay. Ang Kristyanong karanasan ay binabasa pabalik tungo sa mga karanasan ng pagpapalaya sa mga Israelita mula sa Egipto at ang kanilang paglibot sa ilang tungo sa ipinangakong lupain. Sinabi sa atin ni Pablo nang dalawang beses na siya ay nagsasalita sa siping ito nang “tipikal.”
Pagdaan sa Dagat na Pula/ Kaulapan = Kristyanong bautismo.
Ang mapaghimalang mana = patuloy na suplay ng espiritwal na pagkain.
Pagtama sa bato (tsur) sa Rephidim = Si Kristo sa laman ay sinaktan para sa mga kasalanan ng sangkatauhan.
Ang pabulusok ng tubig = ang pagbibigay ng banal na espiritu.
Pagtama sa bato (sela) sa Kadesh = Si Kristo na ating Punong Saserdote ay hindi lamang sinaktan nang dalawang beses kundi para lamang iharap. Subalit “muli nilang ipinapako sa krus at inilalagay sa kahihiyan ang Anak ng Diyos” (Hebreo 6:6).
Ang tubig ay lumabas nang sagana = ang pagbibigay ng banal na espiritu
Ang dalawang insidente ng bato ay nasa magkabilang dulo ng paglilibot (Exodo 17 at Mga Bilang 20). Kaya si Pablo sa walang paraan ay sinasabi na si Kristo ay literal na umiral bilang isang bato o siya ay umiral sa panahon ng paglilibot sa ilang.
Ang Anak ni Yahuwah Mismo (Hindi Lamang ang Katawan) Ay Inalay
Hebreo 10:5: “Kaya't nang dumating si Kristo sa sanlibutan, sinabi niya, ‘…ngunit ipinaghanda mo ako ng isang katawan.’”
Ang katawang ito ay hindi isang bagay kung saan ibinuhos ang Anak rito! Kung ganon ang kaso, tanging ang katawan lamang ni Yahushua ang inalay. Gayunman, malinaw mula sa Kasulatan na ang Anak ni Yahuwah mismo ay namatay (Roma 5:10). Ang Anak ni Yahuwah ay ang sakripisyong inalay bilang “Kordero” ni Yahuwah.
Dagdag na mga Komento ng mga Nangungunang Iskolar ng Bibliya
Noong 1950s, ipinagkaloob ni Pope Pius ang mga Katolikong iskolar ng kalayaan para sa isang pinakamalalim na pagsisiyasat ng mga Kasulatan nang walang takot ng anumang akusasyon ng pagiging erehe tungkol sa anong natuklasan nila. Sa kaparehong panahon, isang bilang ng mga obispo at mga iskolar mula sa Church of England ay nagtipun-tipon sa pulong upang talakayin ang isyu kung sino nga si Yahushua. Ang Lutheran Church ay naging sangkot din sa mga kaparehong pagsisiyasat.
Ang mga konklusyon ay nakakagulat mula sa mga simbahang ito. Subalit ang mga awtoridad, kardinal, at iba pa ay nagsimulang pagbawalan ang mga napag-alaman ng mga iskolar na ito, nagreresulta sa pagtiwalag o “pagsasantabi” sa ilan sa mga iskolar. Sa kabutihang-palad, ang mga mananaliksik na ito ay nagsulat ng maraming aklat na bukas sa debate na patuloy pa rin hanggang ngayon. Ang sumusunod ay iilang maiiksing sipi mula sa kanilang mga malalawak at detalyadong talakayan ng katanungan kung sino si Yahushua.
James Dunn, Propesor ng Kabanalan: “Walang indikasyon na si Yahushua ay nag-isip o nagsalita tungkol sa sarili niya bilang umiral na kasama ang Diyos bago ang kanyang kapanganakan…Ang isang ganap na walang tigil sa pagitan ng sariling pahayag at mga sumunod na angkin ni Yahushua tungkol sa kanya ay bumubuo ng isang nakamamatay na kapintasan.”2
Karl-Josef Kuschel, Katolikong teologo: “Ang kristolohiya ng Maka-Hudyong Kristyanismo, na naging makapangyarihan sa loob ng maraming dekada at nalaman ang walang pag-iral bago ang pagsilang na kristolohiya, ay patuloy na isinasantabi at sa huli’y itinuring na erehe…Ang isang kristolohiya ngayon ay hindi maingat na ginagamit ang dogmatikong tema ng ‘umiral bago isilang’ at ipinakilala ito sa pagpapatupad ng Bagong Tipan sa Bagong Tipan ng isang ideya na hindi nakapaloob sa anyong ito.”3
Propesor James Mackey: “Anong tumpak, ayon sa terminong ito na ‘umiral bago isilang,’ ano pa, at sa anong diwa ginagawa ito? Ang makatuwirang landas sa diumano’y umiral bago isilang ay pasikut-sikot lang.”4
1 Christology in the Making, pp. 236-237.
2 Christology in the Making, p. 254.
3 Born Before All Time? pp. 392-394.
4 The Christian Experience of Yahuwah as Trinity, p. 51.
Ito ay isang hindi WLC na artikulong isinulat ni Ray Faircloth.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC