Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Mahalaga ang mga huling salita ng sinuman, ngunit ang mga huling salita ni Yahushua ay nagdadala ng ilang natatanging kahalagahan. Bago nalagot ang kanyang hininga, binigkas ni Yahushua ang parirala, “Naganap na.”
Pagkatapos nito, nang malaman ni Yahushua na ang lahat ay naganap na, sinabi niya, upang matupad ang Kasulatan, “Nauuhaw ako.” Isang sisidlang puno ng maasim na alak ang naroon. Kaya isinawsaw nila sa maasim na alak ang isang espongha at inilagay ito sa sanga ng isopo at inilapit sa bibig ni Yahushua. Matapos tanggapin ni Yahushua ang alak, sinabi niya, “Naganap na.” Pagkatapos, yumuko siya at isinuko ang kanyang espiritu. [Juan 19:28-30]
Ang pariralang iyon ay ang pagsasalin ng isang salita, “tetelestai,” sa orihinal na wika ng Bibliya. Ang sagana at maingat na piniling salitang ito ay puno ng makapangyarihang kahulugan. Ating siyasatin ang ilang sa mga tapyas ng kahalagahan nito.
Tetelestai – Ang Pagsasakripisyo Ay Nakamit
Ang bawat Hudyo rito ay agarang makikilala ang salitang ito na katumbas ng isang pariralang Hebreo na ginamit sa sistema ng pagsasakripisyo sa Lumang Tipan. Bawat taon, sa banal na Araw ng Pagbabayad-sisi ng mga Hudyo, ang Kataas-taasang Saserdote ay papasok sa templo at gagawa ng isang espesyal na alay para sa mga kasalanan ng bayan ng Israel. Matapos ang pagpaslang sa alay na hayop, lilitaw siya mula sa pook ng sakripisyo at ipapahayag sa naghihintay na madla, “Naganap na” sa Hebreo. Sa pag-aalay na ito, ang lahat ng mga kasalanan ng Israel ay simbolikong inilagay sa kordero na pinatay at pinarusahan sa kanilang kinalalagyan. Subalit ang Bibliya ay itinuturo na ang sistema ng pagsasakripisyo na ito ay hindi kailanman nakumpleto o natapos dahil ang pag-aalay ng kordero na iyon ay hindi sakdal at pansamantala. Ngunit noong si Yahushua ay namatay sa krus, siya’y naging sakdal, ganap at panghuling alay para sa lahat ng kasalanan. Ang Aklat ng mga Hebreo ay inilalarawan kung paano si Yahushua ang naging sukdulang Kordero ni Yahuwah, at sa pamamagitan ng kanyang pagbabayad-sisi, ang gawa ng kapatawaran ay ganap na nakumpleto.
Kaya sa pagsasabi, “Naganap na,” naghuhudyat si Yahushua sa mundo ng mga Hudyo na wala nang mga kailangang pag-aalay o templo dahil ang kanyang gawa ay naghatid ng sukdulang katuparan sa anong pagbabala ng sistema ng pagsasakripisyo.
|
Minsan lamang siya pumasok sa Dakong Kabanal-banalan, at ang bisa nito'y magpakailanman. Sa kanyang pagpasok, ang kanyang ihinandog ay ang kanyang sariling dugo, at dahil dito ay nakamit natin ang walang hangang katubusan...Subalit ngayon, minsanan siyang nagpakita sa pagtatapos ng panahon upang pawiin ang kasalanan sa pamamagitan ng pag-aalay ng kanyang sarili. [Hebreo 9:12, 26]
Kaya sa pagsasabi, “Naganap na,” naghuhudyat si Yahushua sa mundo ng mga Hudyo na wala nang mga kailangang pag-aalay o templo dahil ang kanyang gawa ay naghatid ng sukdulang katuparan sa anong pagbabala ng sistema ng pagsasakripisyo.
Tetelestai – Ang Gawa Ay Nakumpleto Na
Sa panahon ng Bagong Tipan, kapag ang isang manggagawa ay natapos ang isang araw ng paggawa o proyekto, sasabihin niya sa kanyang amo, “Tetelestai.” Ito’y hudyat na anumang itinalaga sa kanya na gawin ay nakumpleto na. Katulad nito, kapag ang isang masining ay natapos ang isang piraso ng sining, mayroong isang sandali ng paglalabas kung saan ipapahayag niya na “tetelestai.” Ito rin, ay hudyat na ang kanyang obra maestra ay nakumpleto na. Wala nang pag-aayos ang kinakailangan. Ang gawa ay nakumpleto na. Noong si Yahushua ay dumating sa sanlibutang ito, sinabi niya sa atin na ang kanyang gawa ay magkaloob ng kaligtasan sa isang naligaw at nasirang sanlibutan.
Sapagkat naparito ang Anak ng Tao upang hanapin at iligtas ang naligaw. [Lucas 19:10]
Sa kanyang mga huling salita, nakipag-usap si Yahushua na ang gawa na layunin ng kanyang pagdating ay nakamit ang katuparan. Ang tungkulin ng pagkamit ng kaligtasan ng sanlibutan ay nakumpleto sa kanyang gawa sa krus. Wala nang dagdag pa o pagbabago ang kailangan—ang kaligtasan ay nakumpleto.
Tetelestai – Ang Utang Ay Nabayaran Nang Ganap
Marahil ang pinaka karaniwang paggamit ng “tetelestai” sa panahon ni Yahushua ay sa pagkolekta ng mga utang. Kapag ang isang tao ay tuluyan nang nabayaran ang isang utang, sila’y maglalabas ng isang resibo na tinatakan ng salitang “tetelestai,” ibig sabihin ay ang kanilang pagkakautang ay nabayaran na nang ganap. Ito’y pagpapatunay na wala na silang pananagutan para sa anumang utang na iyon at ang lahat ng bagay na pinagkakautangan nila ay ganap at permanente nang binayaran. Sinasabi ng Bibliya na ang ating kasalanan ay lumikha ng isang utang kay Yahuwah at isa na hindi natin maaaring bayaran sa sarili natin. Subalit noong namatay si Yahushua, siya ang nagbayad ng ating kasalanan nang minsan at tuluyan. Muli, ang Aklat ng mga Hebreo ay inilalarawan ang kawakasan ng kabayaran ni Yahushua para sa ating mga kasalanan.
Ngunit minsan lamang naghandog si Kristo ng iisang alay na panghabang-panahon para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Pagkatapos nito’y umupo siya sa kanan ni Yahuwah…Dahil mayroon nang kapatawaran sa mga kasalanan, hindi na kailangang mag-alay pa para sa mga ito. [Hebreo 10:12-13, 18]
Naganap Na
Lahat ng mga pananarinari ng tetelestai ay nagtatagpo upang makipag-usap sa isang napakagandang patotoo—nakumpleto ni Yahushua ang gawa ng kaligtasan nang minsan at tuluyan. Ibig sabihin ay hindi na tayo magdadagdag ng anuman, kumpletuhin ang anuman, o tapusin ang anuman pagdating sa ating kaligtasan—nagawa nang lahat iyon ni Yahushua. Kaya ngayon, kapag ilalagay natin ang ating pananalig sa mga natupad na gawa ni Yahushua, maaari tayong mamahinga sa tiwala sa ating kaligtasan at hangarin si Yahuwah nang buong puso natin.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Micheal Maynard.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC