Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Paano maaaring gawin ni Yahushua ang mga gawa ni Yahuwah at nagtuturo na may awtoridad ni Yahuwah at subalit hindi si Yahuwah? Ang kasagutan ay ang tuntunin ng pagka-ahente, isang konsepto na nauunawaan ng mga teologo at akademiko ngunit na medyo hindi nalalaman ng karaniwang tao.
Sa The Principle of Agency in the Old Testament at sa the New Testament, natutunan natin na ang isang ahente ay isa na “pinahintulutan na gumawa para sa o sa kinalalagyan ng isa pa.”
|
Sa The Principle of Agency in the Old Testament at sa the New Testament, natutunan natin na ang isang ahente ay isa na “pinahintulutan na gumawa para sa o sa kinalalagyan ng isa pa.” Sa terminong Hebreo, ang ahente o ang “isinugo” ay tinawag na shaliah. Ang termino ay nagmumula sa pandiwang shelach na nangangahulugang para ipadala. Ang katumbas sa Bagong Tipan ay apostol o apostolos sa Griyego, at ibig sabihin nito: isang tagapagbalita, isinugo para sa isang misyon. Ayon sa Theological Dictionary of the New Testament, ang isinugo ay itinuring na legal na kinatawan ng nagpadala. Ang “mukha-sa-mukha” na aspeto ay isa sa mga tampok ng pagka-ahente sa mga Hudyo na pangunahing banyaga sa ating Kanluraning kaisipan. Ipinapaliwanag ni Propesor Marianne Thompson ang natatanging ugnyan sa pagitan ng ahente at nagpadala:
Isang karaniwang kasabihan sa mga rabi ay “ang isa na isinugo ay gaya ng isa na nagsugo sa kanya” o “isang ahente ng tao ay katumbas sa sarili niya.” Sapagkat ang saliah [shaliah] ay maaaring kumilos sa ngalan ng isa na nagsugo sa kanya, kapag ang isa ay nakikitungo sa saliah, ito ay parang nakikitungo sa isa na nagpadala sa taong iyon.1
Halimbawa, sa mga naunang paskil, nakita natin kung saan si Moises ay tinawag na “Yahuwah” dahil siya ang ahente ni Yahuwah. Dagdag pa, natutunan natin na si Jose ay nakita bilang katumbas ng Paraon dahil siya ang ahente ng hari. Natuklasan natin na ang mga gawa ng mga alagad ni Yahushua ay inilarawan bilang kanya, isang angkin na katanggap-tanggap sa kulturang iyon dahil ang mga alagad ay itinalaga niya. Nalalaman ang tungkol sa tuntunin ng pagka-ahente at nagagawang makilala ito ay nakatutulong sa atin na mas maunawaan ang Kasulatan. Bilang isang pastor at may-akda, sinasabi ni David Burge, ang pagka-ahente “ay ang susi upang maunawaan ang relasyon sa pagitan ng isang tunay na Diyos at Kanyang Anak, si Kristo Yahushua.”2 Kapag ito ay nasa kaisipan, ating siyasatin ang Bagong Tipan sapagkat ito’y nauugnay kay Yahushua, ang taong ahente ni Yahuwah.
Si Yahushua Ay Isinugo Ni Yahuwah.
Ang wika ng pagka-ahente ay ginamit na may kaugnayan kay Yahushua sa buong Kasulatan. Mahigit tatlumpung beses, ang Bagong Tipan ay nagsasalita tungkol kay Yahushua na isinugo ni Yahuwah, karamihan sa mga ito ay nagaganap sa mga kasulatan ni Juan. Ayon sa mga siping ito, ang bumabalantok na layunin para sa pagpapadala kay Yahushua ay upang ituro ang ebanghelyo ng kaharian ni Yahuwah at maging Tagapagligtas ng sanlibutan.
Lucas 4:43 Kaya’t sinabi niya sa kanila, “Kailangan ko ring ipangaral sa ibang bayan ang mabuting balita tungkol sa paghahari ni Yahuwah sapagkat isinugo ako para rito.”
1 Juan 4:10 at 14 Ganito ipinamalas ang pag-ibig: hindi dahil inibig natin si Yahuwah, kundi Siya ang umibig sa atin at isinugo Niya ang Kanyang Anak bilang alay para sa pagpapatawad ng ating mga kasalanan... 14 Nakita namin at kami’y nagpapatotoo na isinugo ng Ama ang Kanyang Anak bilang Tagapagligtas ng sanlibutan.
Iyong mga naniniwala na si Yahushua ay si Yahuwah ay naiisip na ideya niya na iligtas ang sanlibutan o kahit papaano siya ay gumanap ng isang katumbas na papel bilang isang kasapi ng tatluhang pangkat na nagpatupad ng plano. Gayunman, sinasabi sa atin ni Yahushua sa mga tiyak na termino na si Yahuwah Ama ang gumagawa at hindi ang kanyang sarili:
Juan 8:42 Sinabi ni Yahushua sa kanila, “Kung si Yahuwah ang inyong Ama, iibigin sana ninyo ako dahil ako ay galing kay Yahuwah at naparito. Hindi ako naparito dahil sa aking sariling kagustuhan, dahil isinugo Niya ako.”
Ang isang ahente na nagmumula sa ngalan ng nagpadala, sa kahulugan ay, hindi ang nagpadala. Sinasabi ni Yahushua nang hindi bababa sa anim na beses sa ebanghelyo ni Juan lamang na hindi siya nagsasalita o gumagawa sa kanyang sariling kagustuhan.
|
Ang isang ahente na nagmumula sa ngalan ng nagpadala, sa kahulugan ay, hindi ang nagpadala. Sinasabi ni Yahushua nang hindi bababa sa anim na beses sa ebanghelyo ni Juan lamang na hindi siya nagsasalita o gumagawa sa kanyang sariling kagustuhan. Maging ang pagsusuko ng kanyang sariling buhay ay tinupad sa utos ng Ama. Lahat ng ito ay pinapanatili sa tuntunin ng pagka-ahente.
Bilang Ahente Ni Yahuwah, Ginawa Lamang Ni Yahushua Ang Kalooban Ng Isa Na Nagsugo Sa Kanya.
Ang pagpapadala ni Yahuwah kay Yahushua upang matupad ang Kanyang kalooban ay isang napakahalagang paksa sa Bagong Tipan. Paulit-ulit na ipinahayag ni Yahushua na ang ginawa niya lamang ang kalooban ng Ama at hindi ang kanyang pansarili. Halimbawa:
Juan 5:30 “Hindi ako gumagawa nang ayon sa aking sariling kapangyarihan. Humahatol ako ayon sa naririnig ko. At ang hatol ko ay makatarungan, sapagkat hindi ko hangad ang sariling kalooban kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.”
Kung si Yahushua ay si Yahuwah, aasahan natin na ang kanyang kalooban ay magiging pareho kay Yahuwah Ama at sa paggawa ng kalooban ni Yahuwah, matutupad rin ang sarili niyang kalooban. Gayunman, maraming beses, ipinapakita ng Kasulatan na sina Yahushua at Yahuwah ay mayroong naiibang kalooban. Sapagkat ganito, pinili ni Yahushua na gawin lamang ang kalooban ni Yahuwah, na nagsugo sa kanya. Ito’y nananatiling sakdal sa batas ng pagka-ahente. Ayon sa isang pinagkukunan, ang isang shaliah o ahente ay “nagsasagawa ng isang gawa ng legal na kahalagahan para sa pakinabang ng nagpadala sa halip na sa pansarili.”3
Bilang Ahente Ni Yahuwah, Nagsasalita Lamang Si Yahushua Ng Mga Salitang Ibinigay Sa Kanya.
Hindi bababa sa siyam na beses, sinabi ni Yahushua na ang kanyang mga salita ay nagmula, hindi sa sarili niya, kundi kay Yahuwah Ama na nagsugo sa kanya.
|
Iyong mga naniniwala at nanindigan na si Yahushua ay isang diyos na umiral bago isinilang sa langit bilang Salita ni Yahuwah. Kaya bilang Salita ni Yahuwah, inaasahan natin siya na nagsasalita sa kanyang sariling salita at pagpapadala ng kanyang mga pagtuturo. Anong natuklasan natin, gayunman, ay hindi ginagawa ni Yahushua ang ganoong bagay. Hindi bababa sa siyam na beses, sinabi ni Yahushua na ang kanyang mga salita ay nagmula, hindi sa sarili niya, kundi kay Yahuwah Ama na nagsugo sa kanya. Halimbawa:
Juan 7:15-17 Nagtaka ang mga Hudyo. Ang sabi nila, “Paanong nalaman ng taong ito ang mga kasulatan gayong hindi naman siya nakapag-aral?” 16 Kaya’t sumagot si Yahushua, “Hindi sa akin ang itinuturo ko, kundi sa Kanya na nagsugo sa akin. 17 Ang sinumang naghahangad na gawin ang kalooban ng nagsugo sa akin ay makaaalam kung ang itinuturo ko ay galing kay Yahuwah o nagsasalita lamang ako mula sa sarili.”
Juan 8:28 Kaya sinabi ni Yahushua, “Kapag itinaas ninyo ang Anak ng Tao, mauunawaan ninyo na ako siya, at wala akong ginagawang mula sa sarili ko, kundi, sinasabi ko ang mga bagay na ito na ayon sa itinuro sa akin ng Ama.
Gaya ng itinuro ni Yahuwah kay Moises kung anong sasabihin, itinuro rin ni Yahuwah kay Yahushua kung anong sasabihin.
|
Hindi kapani-paniwala, ang Dakilang Guro, na madalas itawag kay Yahushua, ay mayroong Guro! Gaya ng itinuro ni Yahuwah kay Moises kung anong sasabihin, itinuro rin ni Yahuwah kay Yahushua kung anong sasabihin. Dagdag pa, paulit-ulit na ipinahayag ni Yahushua na ang pinagkukunan ng kanyang mga salita, na tinatawag nating mensahe ng mabuting balita, ay hindi nagmumula sa kanya kundi ipinagkaloob sa kanya ni Yahuwah.
Juan 12:49-50 “Sapagkat hindi galing sa akin ang sinasabi ko. Ang Ama na nagsugo sa akin ang nagbigay sa akin ng utos kung ano ang aking sasabihin at bibigkasin. 50 At alam kong ang kanyang utos ay buhay na walang hanggan. Kaya, ang sinasabi ko ay sinabi sa akin ng Ama.”
Juan 14:24 “Ang hindi nagmamahal sa akin ay hindi tumutupad sa aking mga salita, at ang salitang naririnig ninyo ay hindi sa akin, kundi mula sa Ama na nagsugo sa akin.”
Si Yahushua ay taong ahente ni Yahuwah na kinomisyon Niya na magsalita ng banal na patotoo sa sanlibutan. Sinabi ni Yahushua:
Juan 8:40 “Subalit ngayon ay gusto ninyo akong patayin, isang taong nagsasabi sa inyo ng katotohanang narinig ko kay Yahuwah; hindi ito ang ginawa ni Abraham.
Ginawa Lamang Ni Yahushua Ang Mga Gawa Ng Isa Na Nagsugo Sa Kanya.
Bilang karagdagan sa pagsasalita ng mga salita ni Yahuwah lamang, bilang Kanyang ahente, ginawa lamang ni Yahushua ang mga gawa ni Yahuwah na ibinigay sa kanya na gawin:
Juan 4:34 Sinabi ni Yahushua sa kanila, “Ang pagkain ko’y gawin ang kalooban Niya na nagsugo sa akin, at tuparin ang Kanyang gawain.
Kung si Yahushua ay si Yahuwah, aasahan natin siya na sabihing “aming gawa” o kahit papaano, “aking gawa,” ngunit sa halip ay sinasabi niya na tinupad niya lamang ang gawa ng tunay na Diyos, na tinutukoy niya bilang Ama.
|
Kung si Yahushua ay si Yahuwah, aasahan natin siya na sabihing “aming gawa” o kahit papaano, “aking gawa,” ngunit sa halip ay sinasabi niya na tinupad niya lamang ang gawa ng tunay na Diyos, na tinutukoy niya bilang Ama.
Juan 17:1 at 3-4 Matapos sabihin ni Yahushua ang mga ito, tumingala siya sa langit at sinabi, “Ama, dumating na ang oras... 3 At ito ang buhay na walang hanggan, ang makilala ka nila na Ikaw, ang tanging tunay na Diyos, at si Kristo Yahushua na iyong isinugo. 4 Niluwalhati kita sa lupa sa pagtupad ko sa gawaing ibinigay mo sa akin.
Mismo, ang mga gawa ay nagsisilbing patotoo, na hindi siya si Yahuwah, kundi siya ang taong ahente ni Yahuwah. Sa Araw ng Pentecostes, itinuro ni Pedro:
Mga Gawa 2:22 “Pakinggan ninyo ito, mga Israelita. Itong si Yahushua na taga-Nazareth ay isang lalaki na pinatunayan sa inyo ni Yahuwah sa pamamagitan ng mga himala, mga kababalaghan at mga tandang ginawa ni Yahuwah sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat naganap ang mga ito sa gitna ninyo.”
Juan 5:36 “Ngunit ako mismo ay may patotoo na higit kaysa patotoo ni Juan, sapagkat ang mga gawaing ibinigay sa akin ng Ama upang gampanan, na siya namang ginagawa ko, ay nagpapatunay na ako ay sinugo ng Ama.
Maraming Kristyano ang naniniwala na ang dahilan kung bakit nakakagawa ng mga himala si Yahushua ay dahil siya ay isang diyos. Ngunit hindi ito ang kaso. Nagbibigay ng kredito si Yahushua kay Yahuwah sa pagsasagawa ng mga himala:
Juan 14:10 “Hindi ba kayo naniniwalang ako ay nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay hindi galing sa akin; ang Amang nananahan sa akin ang gumagawa ng kanyang mga gawain.”
Mga Gawa 10:38 “Kung paanong si Yahushua na taga-Nazareth ay binuhusan ni Yahuwah ng Banal na Espiritu at ng kapangyarihan; kung paanong naglibot siya na gumagawa ng mabuti at nagpapagaling ng lahat ng mga pinahihirapan ng diyablo, sapagkat kasama niya si Yahuwah.”
Bilang Ahente Ni Yahuwah, Ganap Na Binigyan Si Yahushua Ng Awtoridad Ni Yahuwah.
Hindi dumating si Yahushua sa kanyang sariling awtoridad, gaya ng aasahan natin kung siya si Yahuwah, ngunit nasa kapangyarihan ng Isa na nagsugo sa kanya.
|
Bilang ahente ni Yahuwah, si Yahushua ay binigyan ng awtoridad upang tuparin ang kanyang misyon. Hindi dumating si Yahushua sa kanyang sariling awtoridad, gaya ng aasahan natin kung siya si Yahuwah, ngunit nasa kapangyarihan ng Isa na nagsugo sa kanya:
Juan 5:43 “Naparito ako sa ngalan ng aking Ama, at hindi ninyo ako tinatanggap; subalit kung may isang darating sa sarili niyang pangalan, siya’y inyong tatanggapin.”
Juan 10:25 Sumagot si Yahushua sa kanila, “Sinabi ko na sa inyo ngunit hindi kayo naniniwala. Ang mga ginagawa ko sa pangalan ng aking Ama ang nagpapatotoo tungkol sa akin.
Upang dumating sa ngalan ng sinuman ay nangangahulugan na dumating ka sa kanilang awtoridad. Nakamit ni Yahushua ang kanyang pagka-ahente sa awtoridad ni Yahuwah na ibinigay sa kanya. Kung si Yahushua ay si Yahuwah, hindi na niya kailangan ng ibinigay na awtoridad; tataglayin niya na lang ito nang likas. Ngunit kung si Yahushua ay taong ahente ni Yahuwah, kailangan niya ng banal na kapangyarihan at awtoridad ni Yahuwah upang makamit ang kanyang misyon.
Ang Ahente Ay Itinuturing Bilang Ang Nagpadala.
Ipinapaliwanag ni Propesor Thompson ang isa sa mga pinakamahalagang aspeto ng tuntunin ng pagka-ahente gayong iniuugnay ito kay Yahushua at Yahuwah: ang ahente ay itinuturing bilang ang nagpadala.
Si Yahushua ay ipinakita sa Ebanghelyo [ni Juan] laban sa senaryo ng konsepto ng mga Hudyo sa pagka-ahente, at dagdag pa, laban sa pagkakaunawa na mayroong isang pangunahing ahente kung saan gumagawa si Yahuwah sa pamamagitan niya…Sapagkat si Yahushua ay ang pangunahing ahente ni Yahuwah, kapag ang isa ay humaharap sa kanya, ang isa ay humaharap kay Yahuwah.”4
Ang Encyclopedia of Jewish Religion ay inilagay ito sa ganitong paraan:
Ang pangunahing punto ng Hudyong kautusan ng pagka-ahente ay ipinahayag sa salawikain, “ang isang ahente ng tao ay itinuturing bilang tao mismo.” Dahil dito, anumang gawa na tinupad ng isang nararapat na hinirang na ahente ay itinuring bilang tinangka ng pangunahin…5
Ang pangunahing punto ng Hudyong kautusan ng pagka-ahente ay ipinahayag sa salawikain, “ang isang ahente ng tao ay itinuturing bilang tao mismo.” Dahil dito, anumang gawa na tinupad ng isang nararapat na hinirang na ahente ay itinuring bilang tinangka ng pangunahin…5
|
Dahil dito, ang tuntunin ng pagka-ahente ay tumutulong sa atin na maunawaan at ipaliwanag nang tama ang mga tiyak na sipi na lumilitaw na nagsasabing si Yahushua ay si Yahuwah. Halimbawa:
Juan 5:18 Dahil dito, lalong nagsumikap ang mga Judio na patayin siya, dahil hindi lamang niya nilabag ang tuntunin ukol sa Sabbath, kundi sinabi rin niyang sarili niyang Ama si Yahuwah, sa gayo’y ipinapantay ang sarili niya kay Yahuwah.
Juan 10:30 “Ako at ang Ama ay iisa.”
Juan 12:44-45 At pagkatapos, sumigaw si Yahushua, “Ang sinumang sumasampalataya sa akin ay hindi sa akin sumasampalataya kundi sa kanya na nagsugo sa akin. 45 At ang nakakikita sa akin ay nakakakita sa kanya na nagsugo sa akin.”
Juan 20:28 Sumagot si Tomas, “Panginoon ko at Diyos ko!”
Ang mga siping ito at iba pa gaya ng mga ito ay madalas ginamit upang “patunayan” ang pagkadiyos ni Yahushua. Subalit kapag ang Kasulatan ay binabasa sa tradisyonal na Hebreong kaisipan na karaniwan sa unang siglo, makikita natin na si Yahushua ay nakikipag-usap lamang sa kanyang pagka-ahente. Si James McGrath, propesor at iskolar ng Bagong Tipan, ay ipinapahayag ang pagka-ahente ni Yahushua noong isinusulat niya:
At ang pangunahing ideya tungkol sa pagka-ahente sa sinaunang mundo ay lumilitaw na isinabuod sa parirala mula sa rabinikong literatura nang madalas na sinipi sa mga kontekstong ito: ‘Ang isa na isinugo ay katulad ng isa na nagsugo sa kanya.’ Ang resulta ay ang ahente ay hindi lamang maaaring isagawa ang mga banal na tungkulin kundi inilarawan rin sa banal na wika, nakaupo sa trono ni Yahuwah o kasama ni Yahuwah, at maging ang pagtataglay sa Banal na pangalan.6
Ito ay kung bakit sinabi ni Yahushua na sinuman na tumatanggap sa kanya, tumatanggap din sa Isa na nagsugo sa kanya:
Mateo 10:40 “Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin.”
Kapag tinanggihan mo ang ahente, sa kalikasan, tinanggihan mo ang nagpadala.
|
Kabaligtaran, upang tanggihan o suwayin si Yahushua ay upang tanggihan at suwayin si Yahuwah dahil siya ang isinugo sa ngalan ni Yahuwah. Kapag tinanggihan mo ang ahente, sa kalikasan, tinanggihan mo ang nagpadala.
Juan 5:23 Sa gayon, ang lahat ay magpaparangal sa Anak tulad ng pagpaparangal nila sa Ama. Ang sinumang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi rin nagpaparangal sa Ama na nagsugo sa kanya.
Lucas 10:16 “Ang nakikinig sa inyo ay sa akin nakikinig, at ang mga ayaw tumanggap sa inyo ay ako ang ayaw nilang tanggapin. At ang ayaw tumanggap sa akin ay ayaw tumanggap sa nagsugo sa akin.”
Yahushua, Ang Sukdulang Ahente.
Ang batas ng pagka-ahente ay tumutulong sa atin na maunawaan ang mga sipi na naunang ginamit upang itaguyod ang ikaapat na siglo na doktrina na si Yahushua ay ganap na Diyos. Ito’y nagbibigay ng kalinawan kung sino si Yahushua, ang kanyang paglilingkod, at ang kanyang relasyon kay Yahuwah ang Ama. Bagama’t may mga hindi mabilang na matatapat na ahente, parehong sa nakalipas at kasalukuyan, nilampasan silang lahat ni Yahushua bilang sukdulang ahente ng Kataas-taasang Yahuwah. Maging ang mga demonyo ay kinikilala siya bilang ganoon:
Lucas 8:28 Nagsisigaw ito nang makita si Yahushua, at nagpatirapa sa harap niya at sinabi nang malakas, “Ano ang pakialam mo sa akin, Yahushua, Anak ng Kataas-taasang Yahuwah? Nakikiusap ako na huwag mo akong pahirapan.”
Tiyakan, nalalaman ng mga demonyo kung sino si Yahushua. Ang demonyong ito ay tinukoy si Yahushua, hindi bilang ang Kataas-taasang Yahuwah, kundi bilang Kanyang anak, isang terminong itinatalaga sa kanya bilang Mesias o Kristo.
Bilang bugtong na Anak ni Yahuwah, ang pagka-ahente ni Yahushua ay natatangi kaya isinugo siya ni Yahuwah upang mapagkasundo ang lahat ng mga bagay tungo kay Yahuwah sa pamamagitan ng kanyang sakripisyong kamatayan.
|
Bilang bugtong na Anak ni Yahuwah, ang pagka-ahente ni Yahushua ay natatangi kaya isinugo siya ni Yahuwah upang mapagkasundo ang lahat ng mga bagay tungo kay Yahuwah sa pamamagitan ng kanyang sakripisyong kamatayan. Dagdag pa, siya lamang ang itinaas sa kanang kamay ni Yahuwah para sa kanyang pagtalima at pinagkalooban ng awtoridad upang mamuno sa mundo sa ngalan ni Yahuwah. Hindi nakapagtataka na tinutukoy ni Pablo si Yahushua bilang huling Adan. Hindi na dapat nakagugulantang sa atin na matagpuan na ang pagnanais ni Yahushua na luwalhatiin si Yahuwah na nagsugo sa kanya ay ang pagbubuyo para sa pagdadala ng kanyang pagka-ahente. Sinasalita ang kanyang sarili, sinabi ni Yahushua:
Juan 7:18 “Ang nagsasalita mula sa kanyang sarili ay naghahangad ng sariling karangalan. Ngunit ang nagsisikap na parangalan ang nagsugo sa kanya, ang taong ito ay tapat, at hindi nagsisinungaling.”
Paano naman tayo dapat tutugon kay Kristo Yahushua, ang taong ahente ni Yahuwah? Pahihintulutan natin si Yahushua na sagutin ang katanungan sa kanyang mga salita:
Juan 6:29 Sinagot sila ni Yahushua, “Ito ang gawain ni Yahuwah, na kayo ay manampalataya sa kanyang isinugo.”
1 Marianne Meye Thompson, “Gospel of John,” in Dictionary of Yahushua and the Gospels, Joel B. Green, ed. 1992 (Downers Grove, IL: Intervarsity Press, 1992), p. 377
2 David Burge, Divine Agency in the Scriptures, 8-10-15, https://sandrahopper.blogspot.com/2015/ accessed 7-5-19
3 Shaliah, Wikipedia, nakuha 6-30-19, https://en.wikipedia.org/wiki/Shaliah#Biblical_sources
4 Thompson, Ibid.
5 Agent (Heb. Shaliah), The Encyclopedia of Jewish Religion, R.J.Z. Werblowsky, G. WiYahuwaher, (New York: Adama Books, 1986), p. 15.
6 James F. McGrath, The Only True God: Early Christian Monotheism in its Jewish Context, (University of Illinois Press, 2009) p. 14.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://onegodworship.com/jesus-the-human-agent-of-God/
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC