Ang sanlibutan ay naghihintay nang may sabik na paghinga. Ito’y isang sakuna na hindi pa ipinalagay. Ang posibilidad para sa kawalan ay walang limitasyon. Wala pang krisis sa ganitong laki ang umiral. Ano ang ibig gawin ni Yahuwah? Ano ang maaaring gawin ni Yahuwah?
Noong hinatid ni Satanas sina Adan at Eba sa kasalanan, ito’y hindi kusang-loob na gawa. Ito’y maingat na ginawa, mahusay na binalangkas na atake laban sa mismong pundasyon ng banal na pamahalaan. Ang nakataya ay ang banal na kautusan, kung saan ang kagalakan ng lahat ng mga nilikha ay nananahan. Ang banal na kautusan ay isang sipi ng banal na katangian. Ang kasalanan ay nanawagan na batikusin ang mismong katangian ni Yahuwah na PAG-IBIG magpakailanman: “Ang pag-ibig ay mula kay Yah. Ang sinumang umiibig ay anak na ng Yah at nakikilala niya si Yah, . . . sapagkat si Yah ay pag-ibig.” (Tingnan ang 1 Juan 4:7-8.)
Naniwala si Satanas na binitag niya si Yahuwah sa isang imposibleng sitwasyon. Ang banal na kautusan ay ipinataw ang kamatayan bilang kaparusahan sa lahat ng pagsalangsang. Kung sina Adan at Eba ay nagkasala at kinain ang bunga ng Puno ng Buhay, magwawagi si Satanas sa pagkakaroon ng mga imortal na makasalanan, nagpapatunay na si Yahuwah ay isang sinungaling. Sa kabilang dako, kung parusahan ni Yahuwah ang makasalanang magpares ng kamatayan, maaaring ilarawan Siya ni Satanas na mapaghiganti at hindi nagpapatawad. Ngunit, kung patawarin ni Yahuwah ang magpares nang walang kaparusahan, maaari pa ring angkinin ni Satanas na si Yahuwah ay isang sinungaling – sa pagbabago ng Kanyang kautusan para patawarin ang makasalanan.
Sa panahong ito ng malubhang kapahamakan, ipinakita ni Yahuwah ang Kanyang karunungan at ginulantang si Satanas ng isang dating hindi nalalamang tanda ng banal na katangian. Inabot ni Yahuwah ang kagandahang-loob kay Adan at kay Eba. Ito’y nagpasindak kay Satanas. Hindi niya nauunawaan ang kagandahang-loob.
Ang kagandahang-loob ay “ang libreng hindi nakuha [hindi tampat] na pag-ibig at pagpabor ng Diyos . . . .” (Noah Webster, American Dictionary of the English Language, 1828) Wala pang nagkasala noon kaya wala pang nangangailangan ng kagandahang-loob noon. Ito ay isang lingid na kalidad.
Noong humarap sa kagimbal-gimbal na kagipitan ng kasalanan, inabot ni Yahuwah ang hindi pa nakukuha, hindi tampat na kapatawaran sa bumagsak na sangkatauhan habang sa kaparehong panahon ay hindi binabago ang sakdal, banal na kautusan. Ipinangako Niya ang buhay ng Kanyang Anak na mamatay sa lugar ng nagkasalang tao. “Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang walang-bayad na kaloob ni Yahuwah ay buhay na walang hanggan kay Kristo Yahushua na ating Panginoon.” (Tingnan ang Roma 6:23.)
Habang ipinapaliwanag ang kahanga-hanga, ngunit patuloy na legal na transaksyon kay Nicodemo, ipinaliwanag ng Tagapagligtas: “Sapagkat ganoon inibig ni Yahuwah ang sanlibutan, kaya ipinagkaloob Niya ang Kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat isinugo ni Yahuwah ang Anak sa sanlibutan, hindi upang hatulan ang sanlibutan kundi upang sa pamamagitan Niya ay maligtas ang sanlibutan.” (Tingnan ang Juan 3:16-17.)
Sa pag-aalay ng buhay ng Kanyang Anak, si Yahuwah ay maaaring “patunayan . . . ang Kanyang katarungan, na Siya'y matuwid at Siya ang nagtuturing na matuwid sa may pananampalataya kay Yahushua.” (Tingnan ang Roma 3:26.) Ang kautusan, na hindi maaaring mabago sapagkat ito “ay banal at ang tuntunin ay banal, matuwid, at mabuti” (Roma 7:12), ay mananatili ngunit ang mga makasalanan ay binibigyan ng ikalawang pagkakataon na pumili sa pagsunod at buhay, o rebelyon at kamatayan. Sila’y pinahintulutan ng ikalawang pagkakataon para pumili dahil ang kailangan ng kautusan ay natugunan sa kamatayan ni Yahushua.
Hinawakan nang mahigpit ni Pablo ang malayong naabot na kahalagahan ng banal na gawang ito ng kagandahang-loob noong isinulat niya:
Sa Kanya'y nakamtan natin ang katubusan sa pamamagitan ng Kanyang dugo, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng Kanyang biyaya, na masagana Niyang ipinagkaloob sa atin. Sa buong karunungan at pagkaunawa, ipinaalam Niya sa atin ang hiwaga ng Kanyang kalooban, ayon sa mabuting layunin na Kanyang itinakda kay Kristo. Ang layuning ito, na Kanyang tutuparin pagdating ng takdang panahon, ay upang tipunin kay Kristo ang lahat ng mga bagay na nasa kalangitan at ang mga bagay na nasa ibabaw ng lupa. (Efeso 1:7-10, FSV)
Tiyak ang lahat ay sasang-ayon na si Yahuwah ay mapagmahal kapag Siya ay nagpapatawad ng mga makasalanan, na Siya ay mabuti kapag Siya ay nagpapatawad ng mga makasalanan. Ngunit sinasabi ni Pablo na Siya ay matalino at maunawain! Ito’y halos katunog ng pagpapalagay na si Yahuwah ay matalino at maunawain kapag Siya ay nagpapatawad.
Ang paghuhunos-dili ay nagpapahiwatig ng babala sa paglilimi at pagtatanong sa pinaka-angkop na paraan upang makamit ang mga mahahalagang layunin, at ang pagsasanay ng katalinuhan [karunungan] sa pagkilala at pagpili sa kanila. Ang paghuhunos-dili ay naiiba mula sa karunungan dito, sapagkat ang paghuhunos-dili ay nagpapahiwatig ng mas maingat at paglalaan kaysa sa karunungan, o ang pagsasanay nang higit sa paghula at pag-iwas sa kasamaan, kaysa sa pagbabalangkas at pagsasagawa ng alinman ang mabuti. (Noah Webster, American Dictionary of the English Language, 1828)
Maaaring sabihin ni Pablo na si Yahuwah ay matalino at maunawain dahil nauunawaan niya na ang plano ng kaligtasan ay pinagtibay na ang banal na kautusan ay magpakailanmang banal at hindi nagbabago, habang patuloy na tinutubos at sinasagip ang naligaw na sangkatauhan. Ang masalimuot ngunit ganap na pumapalibot na plano ay nanawagan para sa Tagapagligtas ng Sangkatauhan na maging parehong Tagapag-adya at Nakatatandang Kapatid sa bawat anak ni Adan. “Sapagkat ang mga kinilala niya noong una pa man ay itinalaga rin niya na maging katulad sa larawan ng kanyang Anak, upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid.” (Roma 8:29, FSV)
Si Yahushua ay ang Tagapagligtas sa kabutihan ng katunayan na ang Kanyang kamatayan ay ang nagpahintulot kay Yahuwah na maging makatarungan at patuloy pang pinangangatuwiran ang mga makasalanan. Ang mga patotoong ito ay itinuro saanman ang Kristyanismo ay naririnig. Anong hindi masyadong nauunawaan ay ang Tagapanguna ng ating Kaligtasan ay ating Nakatatandang Kapatid rin.
Bilang ating Nakatatandang Kapatid, nagbigay si Yahushua para sa atin ng isang halimbawa kung paano mamuhay sa walang kasalanang buhay. Ito ay isang makapangyarihang patotoo na sinubukang itago ni Satanas sa pamamagitan ng iba’t ibang kasinungalingan. Isa sa pinakalaganap sa mga kasinungalingang ito ay ang paniniwala na si Yahushua ay kinuha mismo ang kalikasan ni Adan bago ang pagbagsak. Ito ay isang problema dahil ang kalikasan ni Adan bago ang pagbagsak ay naiiba sa kanyang kalikasan matapos siyang nagkasala. Kung kinuha ni Yahushua ang kalikasan ni Adan bago ang pagbagsak, hindi Siya maaaring maging ating Nakatatandang Kapatid at ating halimbawa dahil Siya ay mayroong kalamangan sa atin. Ito’y maaaring itaguyod ang mga orihinal na paratang ni Satanas kay Yahuwah na isang hindi mapagmahal at hindi makatarungan.
Si Yahushua ay mayroong kalikasan natin. Naranasan Niya ang lahat ng bagay ng sinumang anak ni Adan na maaaring pagdusahan. Hinimok ni Pablo ang katunayan bilang pangunahing dahilan na magkaroon ng pananampalataya sa Kanya bilang ating Tagapagligtas.
Kaya nga, dahil mayroon tayong isang Dakilang Kataas-taasang Pari na pumasok na sa kalangitan, at iyon ay si Yahushua na Anak ni Yahuwah, matatag nating panghawakan ang ating ipinahahayag. Sapagkat mayroon tayong Kataas-taasang Pari na marunong makiramay sa ating mga kahinaan. Tulad natin ay tinukso rin siya sa lahat ng mga paraan, gayunma'y hindi Siya nagkasala. Kaya't lumapit tayo na may lakas ng loob sa trono ng biyaya, upang tumanggap tayo ng awa, at makatagpo ng biyaya na makatutulong sa panahon ng ating pangangailangan. (Tingnan ang Hebreo 4:14-16.)
Kung ang Tagapagligtas ay walang kaparehong kalikasan na ibinabahagi nating lahat, hindi Siya magiging halimbawa sa atin. Dagdag pa, ang buong plano ng kaligtasan ay nawawasak kung kinuha ni Yahushua ang kalikasan ni Adan bago ang pagbagsak dahil walang nilalang na isinailalim sa kamatayan habang tinataglay ang isang hindi pa bumagsak na kalikasan.
Ang katunayan na si Yahushua ay tinukso “siya sa lahat ng mga paraan, gayunma'y hindi Siya nagkasala” ay nagbibigay sa lahat ng lakas ng loob upang tayo rin ay maaaring magtagumpay sa kaparehong bagay na nagawa ng Tagapagligtas. Ang lihim sa alinsunurang tagumpay ni Yahushua sa laban sa pagkakasala at kay Satanas ay nakita sa Kanyang katumbas na alinsunurang pagtitiwala sa kalakasan ng Kanyang Ama. Malinaw Niyang sinabi: “Hindi ako gumagawa nang ayon sa Aking sariling kapangyarihan.” (Juan 5:30, FSV) Sa pagtitiwala nang ganap sa Kanyang Makalangit na Ama, ibinigay kay Yahushua ang kalakasan para mamuhay ng isang walang kasalanang buhay at magtagumpay gaya ng lahat na maaaring magtagumpay. Wala Siyang sinanay na kapangyarihan na hindi natin pribilehiyo na sanayin gayon din sa pananampalataya sa Kanya. Kung, sa anumang paraan, si Yahushua ay mayroong dakilang kalamangan sa mga taong pinuntahan Niya para iligtas, kaya ang mga paratang ni Satanas kay Yahuwah na hindi makatarungan ay mapapatunayang totoo.
Malinaw na ipinakita ng Kasulatan na si Yahuwah ay parehong maawain at matuwid.
Ganito ang sabi ni Yahuwah:
Huwag magmapuri ang pantas sa kaniyang karunungan,
O magmapuri man ang makapangyarihan sa kaniyang kapangyarihan,
Huwag magmapuri ang mayaman sa kaniyang kayamanan;
Kundi magmapuri sa ganito ang lumuluwalhati,
Na kaniyang nauunawa, at kaniyang nakikilala Ako,
Na Ako ang Panginoon na nagsasagawa sa lupa ng kagandahang-loob, kahatulan at katuwiran;
Sapagka't sa mga bagay na ito ay nalulugod Ako,” sabi ni Yahuwah. (Tingnan ang Jeremias 9:23, 24.)
Hindi magiging makatuwiran na hawakan ang sangkatauhan sa isang mas mataas na batayan kaysa sa kinailangan ng Anak ni Yahuwah. Hindi rin magiging mahabagin na parusahan ang mga makasalanan para sa kabiguan na makamit ang mataas na batayan maliban na lang kung ang tagumpay ay walang bayad na inalok sa lahat. Ang plano ng kaligtasan ay pinatahimik ang lahat ng mga paratang ni Satanas laban sa banal na pamahalaan. Ang krus ay nagdala ng parehong Katarungan at Awa sa isang bigkis na hindi kailanman masisira. “Tunay na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa kanila na nangatatakot sa Kaniya; upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa aming lupain. Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong; katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.” (Awit 85:9 at 10, ADB)
Maraming Kristyano ngayon ang naniniwala na sila’y magkakasala at magpapatuloy pa sa pagkakasala hanggang sa Muling Pagdating. Ito ay isang kasinungalingan ng diyablo. Ang mismong panghuling aklat ng Bibliya ay naglalaman ng isang taimtim na babala para sa lahat ng dapat pakinggan: “Tingnan mo, Ako'y malapit nang dumating; dala Ko ang Aking gantimpala, upang gantimpalaan ang bawat isa ayon sa kanyang ginawa.” (Pahayag 22:12, FSV) Wala nang ikalawang pagkakataong ibibigay sa Muling Pagdating. Kapag Siya ay dumating, dala ni Yahushua ang gantimpala kasama Siya. Ngayon na ang panahon para dalhin ang iyong buhay sa kaayusan. Ngayon, habang ang awa ay patuloy pang umiiral, ang panahon para sumuko kay Yahuwah at tanggapin ang Kanyang tulong sa pagtatagumpay sa lahat ng nalalamang kasalanan. Ang Kanyang mapagmahal na imbitasyon ay patuloy pang inaabot: “O manghawak sana siya sa Aking lakas, upang siya'y makipagpayapaan sa Akin; oo, makipagpayapaan siya sa Akin.” (Isaias 27:5, ADB)
Si Yahuwah ay may ganap na kamalayan sa bawat iisang bagay tungkol sa iyo: iyong mga pag-asa, iyong mga pangarap, iyong mga pagpupunyagi, iyong mga kahinaan, iyong mga lihim na kasalanan na walang nakakaalam – at iniibig ka Niya ano pa man. “Walang nilalang na makapagtatago sa harapan ng Diyos na ating pagsusulitan. Sa mga mata niya ang lahat ng bagay ay hubad at hayag.” (Hebreo 4:13, FSV)
Si Yahuwah ay pag-ibig; si Yahuwah ay matuwid. Bilang matuwid at mahabaging Makalangit na Ama, hindi Niya inaasahan ang imposible ng Kanyang mga anak sa lupa. Nalalaman Niya na wala kang lakas sa iyong sarili na mapagtagumpayan ang namana at nalinang na mga pagkahilig sa kasamaan. Narito ang kung saan maraming nabibigo. Kapag sa una sila’y naging mga Kristyano, sila’y tinanggap sa pananampalataya, ang kapatawaran ni Yahuwah para sa mga kasalanan ng nakaraan. Ngunit sila’y bigo sa alinsunurang tagumpay sa pang-araw-araw na pamumuhay kapag sila’y nagsimulang mamuhay na parang ang tagumpay ay biglaang nagiging batayan sa kanila. Hindi ganito. Ang kabiguan ay nasa lahat ng umaasa sa kanilang pansariling lakas ng kalooban para mapagtagumpayan ang kasalanan.
Ang lihim ng kung paano mapagtatagumpayan ang kasalanan ay makikita sa Filipos 4:13: “Ang lahat ay magagawa ko sa pamamagitan ni Yahushua na nagbibigay-lakas sa akin.” Sa pamumuhay sa isang ganap na buhay habang taglay ang kalikasan ni Adan matapos ang pagbagsak, parurusahan ni Yahushua ang kasalanan sa laman, kaya tinitiyak ang tagumpay para sa lahat, sa pananampalataya, angkinin ang Kanyang tagumpay sa kanilang ngalan.
Sapagkat nararapat na ang [Eloah] na lumikha sa lahat at siyang patutunguhan ng lahat ng mga bagay ay nagdadala ng maraming anak tungo sa kaluwalhatian, at gawing sakdal ang tagapagtatag ng kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng mga pagdurusa. Sapagkat iisa ang pinagmulan ng gumagawang banal at ng mga ginawang banal. Dahil dito'y hindi Siya nahihiya na tawagin silang mga kapatid.
Kaya, yamang nakikibahagi ang mga anak sa laman at dugo, at Siya man ay nakibahagi rin sa mga bagay na ito, upang sa pamamagitan ng kamatayan ay Kanyang mapuksa ang may kapangyarihan sa kamatayan, samakatuwid ay ang diyablo, at mapalaya silang lahat na dahil sa takot sa kamatayan ay nasa ilalim ng pagkaalipin sa buong buhay nila. . . Kaya’t kailangang Siya ay maging kagaya ng Kanyang mga kapatid sa lahat ng mga bagay, upang Siya ay maging isang maawain at tapat na Kataas-taasang Pari sa mga bagay na nauukol sa [Eloah], upang gumawa ng handog na pantubos sa mga kasalanan ng mga tao. Palibhasa'y naranasan Niyang tuksuhin, Siya'y may kakayahang tumulong sa mga tinutukso. (Tingnan ang Hebreo 2:10, 11, 14-18.)
Ganap at saganang tulong ang ibinigay sa lahat ng ipagkakatiwala ang lahat ng mga bagay sa kanilang Manlilikha at Tagapagligtas. Ang Jeremias ay naglalaman ng isang napakagandang pangako para sa lahat, sa pananampalataya, ay maangkin ang tagumpay ni Yahushua sa kasalanan: “Kundi ito ang tipan na Aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ni Yahuwah, Aking itatala ang Aking kautusan sa kanilang kalooban, at Aking isusulat sa kanilang puso; at Ako'y magiging kanilang Elohim, at sila'y magiging Aking bayan.” (Tingnan ang Jeremias 31:33.)
Kunin si Yahuwah sa Kanyang salita; piliin, ngayon, na tanggapin ang kaligtasan na ginawa Niyang makakamit para sa iyo. “Kung magagawa mong sumampalataya, mangyayari ang lahat sa sinumang may pananampalataya.” (Marcos 9:23, FSV)