Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami'y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
“Kung, sa panahong iyon, ang mga patay na aklat ay maaaring ituon sa apoy, gaano pa ang maraming buhay na aklat, na ibig sabihin, mga tao?”1
Ito ang kwento ni Edward Wightman, isang pangalan na hindi kilala ng mga modernong mag-aaral ng Bibliya, subalit nalalaman sa kasaysayan bilang panghuling tao sa Inglatera na sinunog nang buhay sa istaka para sa erehya.2 Gaya ng karamihan ng ganitong kaso, ito ay isang kwento na pinaghaharian ng pampulitikal at pangrelihiyong klima ng panahong ito, isang kapaligiran na matatag na kontrolado ng mga tao na pinahawak ang lahat ng bagay na tinutukoy ni Edward Wightman sa Kristyanong pananampalataya. Maraming pinagkukunan ang may pagkiling sa kanilang paglalarawan ng “erehe” bilang ilang uri ng sinapian ng diyablo, may problema sa pag-iisip. Subalit si Wightman ay isang respetadong negosyante at lider ng isang komunidad, na ang pagiging masigasig para sa kanyang pananampalataya at kalayaan sa pamamahayag ay sukdulang naghatid sa kanya sa atensyon ng Hari ng Inglatera, si James I. Ang kasigasigang pangrelihiyon ni James bilang “Tagapagtanggol ng Pananampalataya” ay humatong sa kanya na ilagda ang pinakahuling pagbitay sa pamamagitan ng pagsunog nang buhay sa istaka noong 1612.
Mula sa Burton-upon-Trent, sa Staffordshire ang mga magulang ni Wightman. Isinilang siya rito noong 1566 at gaya ng karamihan sa mga residente ay binautismuhan sa tradisyonal na paniniwala. Dumalo siya sa paaralan ng balarila sa Burton at pinasok ang negosyo ng pagtetela ng pamilya ng kanyang ina. Noong 1593 ay pinakasalan niya si Frances Darbye.
Naging sangkot siya sa mga Puritans at noong 1596 ay napili bilang sa mga lider na itinalaga upang imbestigahan ang pagsapi ng diyablo sa 13 taong gulang na si Thomas Darling. Ito’y nagpapahiwatig na sa kalagitnaan ng 1590s, si Wightman ay isang mahalaga at respetadong pampublikong tao, nakikibahagi sa bagong binuong samahan na nagsimulang humawak sa kalipunan at pulitika sa Burton. Ang pagkakasangkot niya sa kaso ni Darling ay patunay ng isang punto ng pag-ikot sa kanyang buhay, ginagawa siyang ganap na palasunod sa posibilidad ng hindi namamagitang espiritwal na pamamagitan. Inangkin na si Darling ay hindi lamang sinapian ng diyablo, ngunit naging okupado sa isang serye ng “mga espiritwal na digmaan” kung saan ang parehong makademonyo at makaanghel na mga tinig ay sinabing nagmula sa kanya. Ito ay isang bagay na, makikita natin, nakaapekto sa paraan na pinaghihinalaang tradisyonal na paniniwala ni Wightman sa huli.
Ang kanyang paunang pagpanaog sa “erehya” ay nasangkot ang kanyang pagkakaunawa ng pagiging mortal ng kaluluwa, isang pananaw na umuunlad na naging mas radikal at hindi pangkaraniwan.3 Sa pagitan ng 1603/04 at 1610/11, ang kanyang kilos ay naging mas matapang at mas malakas. Ayon sa mga talaan ng hukuman, siya ay isang mapanlikhang manunulat, bagama’t ang kanyang mga isinulat ay hindi natagpuan. Dumating siya sa atensyon ng mga lokal na awtoridad ng simbahan at isang mandamyento para sa pagkakadakip sa kanya ang inilabas. Ang utos ay nagpayo sa mga kawal ng Burton na dalhin siya agad sa harap ni Obispo Richard Neil para sa interogasyon.
Nagsimula siyang pagsama-samahin ang isang kompendyum ng kanyang teolohiya para sa paparating na pagdinig at pagtanggol. Malamang ay naiisip na siya kahit papaano’y pahintulutan ang kanyang kaso, nagpadala siya ng mga kopya nito sa mga kasapi ng klero sa isang pagsisikap na pampataas ng suporta. Ngunit matapos nito, marahil bilang isang panghuling paraan, nagpadala siya ng isang kopya kay Haring James I, isang kilos na sukdulang nagtatak ng kanyang kapalaran.
Dumating si James I sa tronong Ingles noong 1603, “naiisip ang kanyang sarili na isang maaasahang hukom ng mga katanungang pangrelihiyon at naglaan na taimtim na kunin ang kanyang titulo na ‘Tagapagtanggol ng Pananampalataya.’”4 Magmula noong 1607, siya’y sumagupa sa isang labanan ng mga aklat sa mga Katolikong tagapagtanggol sa Panunumpa ng Katapatan, para sa kanya at sa paghihikayat sa iba na sumulat sa kanyang pagtanggol. “Isa sa mga pangunahing parte ng kaso ng hari ay ang pagpapanatili ng kanyang katolikong paniniwala sa pamamagitan ng kanyang pagsunod sa tatlong dakilang kredo ng simbahan, ang mga Apostol, ang Nicene, at ang Athanasian.”5
May ganap na kamalayan si Wightman sa matatag na paninindigan ng hari, subalit siya’y nakatakda at kusang-loob na labanan ang kanyang Estado at Simbahan. Sa mga dakot ng bahagi ng kanyang sanaysay ng pagtanggol na nakaligtas, tinutukoy niya ang doktrina na “pinaka kinamumuhian ni Yahuwah mismo…ang karaniwan na natanggap ang pananampalataya na nakapaloob sa tatlong imbensyon ng mga tao na iyon, tinatawag na Tatlong Kredo…ang Kredong [Apostol], Nicene at Athanasius, na ang pananampalataya sa nakalipas na 1,600 taon ay namayani sa buong mundo.”6
Sa panahong ito, si Wightman ay ganap nang ibinukod ang sarili mula sa lahat ng ibang grupo, nananawagan na usisain ang lahat ng mga aspeto ng Kristyanong pananampalataya, nagtatalo “na ang pagbinyag sa mga sanggol ay isang kasuklam-suklam na kasanayan…[at nagpapatunay na] ang sakramento ng bautismo ay dapat pangasiwaan sa tubig para sa mga sumampalataya nang may sapat na edad ng pagkakaunawa mula sa paglililo hanggang sa pananampalataya.”7
Ngunit ang tuluyang nagbaybay ng kanyang katapusan ay ang kanyang mabigat na pag-alis mula sa Trinidad at kalikasan ni Yahuwah. Marahil sa mga puntong ito, siya’y masidhi sa pagtanggi sa mga pormula ng Kredong Nicene ng taong 325 at ang sumunod na Kredo ng Constantinople ng taong 381. Inangkin niya na ang doktrina ay isang katha at pinanatili niya na si Kristo ay “isang Nilalang lamang at hindi parehong Yahuwah at tao sa isang tao…[Bagama’t hindi ibig sabihin nito na si Kristo ay gaya ng lahat ng ibang tao], isang sakdal na tao nang walang kasalanan.”8 Mas handa na si Haring James sa pagtitiyak ng pagbitay kay Wightman, magmula sa mga taon ng pamamagitan ay nagpatupad siya ng isang dalawahang kampanya laban sa erehya sa sariling bayan at sa ibayong-dagat.
Matapos ang ilang buwan na napasailalim sa isang serye ng mga kumperensya nang may “mga natutunang kabanalan,” muling hinatid si Wightman kay Obispo Neil sa kahuli-hulihang pagkakataon. Ayon kay Wightman, ang Obispo ay sinabi sa kanya “na maliban kung talikuran ko ang aking mga opinyon ay susunugin niya ako sa istaka sa Burton bago ang lahat ng mga sumunod na araw.”9 Ang panghuling hatol at ang listahan ng mga singil ay isinama “ang mga masasamang erehya nina Ebion, Cerinthus, Valentinian, Arius, Macedonius, Simon Magus, Manichees, Photinus, at ng mga Anabaptists at ibang pangunahing erehe, at dagdag pa, ng ibang isinumpang opinyon na ibinuga ng kalikasan ni Satanas.”
Ang Simbahan ni Saint Mary at ang Kuwadrado ng Merkado sa Lichfield ngayon (Litrato ni: Patrick Comerford) |
Siya ay inutos na ilagay “sa isang pampubliko at bukas na lugar sa ibaba ng siyudad na nabanggit at sa harap ng mga tao’y nasusunog sa pagkasuklam ng nasabing krimen at para magpakita ng halimbawa sa ibang Kristyano na sila dapat ay hindi mahulog sa kaparehong krimen.”10
Noong siya ay tuluyan nang hinatid sa istaka ang kanyang katapangan ay iniwan siya. Habang ang apoy ay umilaw, sinabi na agad siyang sumigaw para magsisi, bagama’t siya ay “mabuti ang pagkakasunog.” Ngunit hindi ito nagtagal, mga dalawa o tatlong linggo ang lilipas, siya muli ay dinala sa hukuman at, hindi na kinatatakutan ang namamasong apoy, tumanggi at “mas isinumpa nang mapangahas kaysa dati.” Ang hari ay agad inutos ang kanyang panghuling pagbitay, at noong Abril 11, 1612, muli siyang dinala sa istaka.
“Siya [Wightman] ay muling dinala sa istaka kung saan ang pakiramdam ng init ng apoy ay pinagsisihan, ngunit sa lahat ng kanyang pagsigaw, ang serip ay sinabi sa kanya na siya’y hindi na makakakostas sa kanya at ipinag-utos ang mga pangningas na ilagay sa kanya, nagpaingay, siya’y naging abo sa pagkasunog.”11
Sa mga sumunod na buwan matapos ang pagbitay sa kanya, isang bilang ng mga pangrelihiyong radikal ang halos nakilala ang kaparehong kapalaran, bagama’t ang pagbagsak ng mga obispo at ang pagbibigay-wakas sa Mataas na Komisyon noong 1640-42 ay hindi nagbigay ng anumang pagbabago sa konstitusyon. Noong Mayo 2, 1648, isang bagong “Ordinansa para sa Kaparusahan ng mga Kalapastanganan at Erehya” ang binuo.12 Ang oposisyon mula sa mga independyente at kalihim, gayunman, ay sinadya na ang ordinansa ay hindi ipinatupad. At tanging sa sipi ng isa pang batas noong 1677 (“ipinagbabawal ang pagsusunog ng mga erehe”13), ang posisyon ni Wightman sa kasaysayan bilang ang pinakahuling tao sa Inglatera na sinunog sa istaka para sa erehya, ay sinigurado. Ang pagbanggit sa kanyang kaso ay dumating halos 100 taon ang lumipas sa isang dakot ng mga manunulat sa pagkapukaw ng 1689 Toleration Act. Ang tanging agarang resulta ay ang isang minoryang oposisyon sa kanyang pagbitay, isang paglipat ng pampublikong opinyon na maaaring humantong sa isang kaukulang paghina sa kasanayan.
Samantala, si Haring James I ay tila nawalan ng pananalig sa pamamaraan na ito ng pagpapahina ng erehya at nakikita na ang erehya ay nananatiling buhay, “pinili sa publiko na ang mga erehe mula ngayon, pinarusahan man, ay dapat tahimik at pribadong baldaduhin ang sarili sa bilangguan sa halip na kariktan sila, at para maglibang sa iba, sa kataimtiman ng isang pampublikong pagbitay.”14
1 ‘Matthieu Ory, Inquisitor of Heretical Pravity for the Realm of France, Paris, 1544’. Lawrence Goldstone, Nancy Goldstone, Out of the Flames, Broadway, 2003.
2 Makitid na nakalusot ang isa pang inakusahang anti-Trinitaryan at erehe, si Bartholomew Legate, sinunog sa London, tatlong linggong mas maaga.
3 Sa isa sa kanyang maagang pampublikong mensahe, inangkin niya na “ang kaluluwa ng tao ay namamatay kasama ang katawan at hindi lumalahok alinman sa kasiyahan ng Langit o sa pighati ng Impyerno, hanggang sa pangunahing Araw ng Paghuhukom, kundi kasamang natutulog sa katawan hanggang dun” M. W. Greenslade, ‘The 1607 Return of Staffordshire Catholics,’ Staffordshire Catholic History, 4, 1963–4, p 6–32; Clarke, Lives of Two and Twenty English Divines, p. 147.
4 Earl Morse Wilbur, A History of Unitarianism, Harvard, 1945, p. 177.
5 F. Shriver, ‘Orthodoxy and Diplomacy: James I and the Vorstius Affair,’ ante, lxxxv, 1970, p 453-4; James VI and I, The Workes of the Most High and Mightie Prince, Iames by the Grace of Yahuwah, King of Great Britaine, London, 1616, p 302.
6 Bodleian Library, ms Ashmole, A True Relation of the Commissions and Warrants for the Condemnation and Burning of Bartholomew Legate and Thomas Withman, 1521 B, 7, 1a–1b, London, 1651, p 8.
7 Ibid., p 8-9, 23. 8 Ibid., p 5. 9 Lincolnshire Archives Office, D&C, Ciij/13/1/2/2, fo. 1r.
8 Ibid., p 5. 9 Lincolnshire Archives Office, D&C, Ciij/13/1/2/2, fo. 1r.
10 Robert Wallace, Antitrinitarian Biography, E. T. Whitfield, 1850, pp. 567-568.
11 George Birkhead, Michael C. Questier, Newsletters from the Archpresbyterate of George Birkhead, Cambridge University Press, 1998, p. 153.
12 “Pangunahin, iyong tatluhang Yahuwah, ang muling pagkabuhay, ang huling paghuhukom, at ang Bibliya ay ang Salita ni Yahuwah…ang pagbabalik sa dati ay pinarusahan bilang krimen sa kamatayan nang walang pakinabang ng klero” (Felix Makower, The Constitutional History and Constitution of the Church of England, Ayer, 1972, p. 193).
13 Ang pagsusunog sa istaka ay nanatili sa aklat ng kautusan sa Inglatera hanggang 1790, bilang kaparusahan sa isang babae na pumatay sa kanyang asawa.
14 A. J. Loomie, Spain and the Early Stuarts 1585–1655, Aldershot, 1996, ch. 10.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Carlos Jimenez.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC