✓ Kalibugan
✓ Kasakiman
✓ Katamaran
✓ Kapooton
✓ Kainggitan
✓ Kapalaluan
✓ Katakawan
Habang ang mismong Kasulatan ay hindi naglalaman ng ganitong tiyak na listahan, ang mga tuntunin ng Kasulatan ay ipinapakita na ang mga pitong bisyong ito ay tunay na mga daanan kung saan si Satanas ay naghahangad na makakuha ng kontrol sa mga kaluluwa. Ang unang anim ay nakikitungo sa mga damdamin at pagganyak. Ang katakawan, gayunman, ay naiiba sapagkat ito’y nakikitungo sa mga kilos.
Karamihan sa mga tao ay binigyang-kahulugan ang katakawan bilang pagkain lamang nang sobra. Iyong mga payat ay madalas nararamdamang mas nakatataas sa mga sobra sa bigat, ipinapalagay na ang tao na mas mabigat, ay dapat na kumain nang mas marami. Ang katakawan, gayunman, ay sumasaklaw nang higit pa sa simpleng pagkain ng karagdagang hatid ng panghimagas.
Ang tanging paraan para kay Yahuwah na makipag-usap sa kaluluwa ay sa pamamagitan ng kaisipan. Kaya, anuman na nagpapadilim sa kaisipan o nagpapamanhid sa mga pandama ay dapat na iwasan ano man ang kabayaran. Ang sobrang pagkain ay maaaring magpalabo ng kaisipan, gayon din ang kapeina, tabako, mga droga, alkohol, mga pagkaing mayayaman at mga pagkain na mabigat sa pampalasa.
Ang mga pinakamahuhusay na pagkain para sa pagtataguyod ng espiritwal na paglago ay mga pagkaing ibinigay kay Adan at Eba sa Eden: mga prutas, mani at butil. Matapos ang pagkakasala, ang mga gulay, na naging pagkain ng mga hayop, ay nadagdag sa kanilang dyeta. Kasunod ng pagbaha, kung kailan ang karamihan sa lupa ay lubog pa sa tubig at ang mga anak ni Noe ay wala pang pagkakataon na magtatag ng mga hardin, ilang “malilinis” na karne ay pinahintulutan. Habang nagbigay si Yahuwah ng pahintulot sa mga tao na kumain ng karne, ito ay hindi kailanman ang pinakamahusay na pagkain para sa katawan ng tao. Sa katunayan, matapos ang pagdagdag ng karne sa dyeta, ang haba ng buhay ng sangkatauhan ay mabilis na bumaba sa punto na si Shem ay nadaig nang pitong henerasyon ng kanyang mga inapo – kabilang si Abraham!
Lahat ng naghahangad ng pagkamatuwid ay mahahanap na ang pagbabalik sa napakasimpleng dyeta, malaya sa malalakas na pampalasa, asukal, mantika, additibo, pampreserba ay magiging isang napakadakilang pagpapala sa laban para magtagumpay sa pagkakasala. Ang napakahalagang alituntunin na ito ay malinaw na naunawaan ng mga ina nina Daniel, Ananias, Misael, at Azarias. Ang mga makadiyos na kababaihan na ito ay nabuhay sa lubos na mapanganib na panahon sa kasaysayan ng Israel. Naniwala sila sa mga propesiya ni Jeremias na ang Jerusalem ay babagsak sa mga hukbo ng Babilonya at ang mga tao ay ikukulong. Sa pananalig, itinaas nila ang kanilang mga anak para manatili sa alituntunin ano pa man ang kabayaran.
Noong si Daniel at kanyang tatlong kaibigan ay ikinulong sa Babilonya, ang pagsasanay na natanggap nila sa kanilang tahanan at pagkabata ay hindi nakalimutan.
At ipinagtakda ng hari sila ng bahagi sa araw sa pagkain ng hari, at sa alak na kaniyang iniinom, at sila'y kakandilihin na tatlong taon; upang sa wakas niyao'y mangakatayo sila sa harap ng hari.
Nguni't pinasiyahan ni Daniel sa kaniyang puso na siya'y hindi magpapakahamak sa pagkain ng hari, o sa alak man na kaniyang iniinom: kaya't kaniyang hiniling sa pangulo ng mga bating na siya'y huwag mapahamak. (Daniel 1:5, 8, ADB)
Gaya ng marami ngayon, ang prinsipeng namumuno sa mga bating ay naniwala na ang mabigat na pagkaing ihinandog ng hari ay nakakataas sa simpleng pagkaing hinihiling ni Daniel at kanyang mga kaibigan. Ang tugon niya:
Ako'y natatakot sa aking panginoong hari, na nagtakda ng inyong pagkain at ng inyong inumin: sapagka't bakit niya makikita na ang inyong mga mukha ay maputla kay sa mga binata na inyong mga kasinggulang? isasapanganib nga ninyo ang aking ulo sa hari. (Daniel 1:10, ADB)
Nalaman ni Daniel na karamihan sa ibang bilanggong Hebreo ay naibigan ang mga mayayamang pagkain, mga kakaibang putahe at mga pinong alak na inaalok ng hari. Sila’y kumakain ng mga maruruming karne ng mga pagano, pinapabayaan ang kautusan ni Yahuwah. Matalinong tinanong niya si Melzar, ang bating na direktang namumuno sa kanya, sa loob ng panahon ng paglilitis. Ito ay sapat na para sa mga epekto ng pagkain ng dalawang naiibang uri ng pagkain para tumalima.
Kaya sinabi ni Daniel sa tagapangasiwa na pinuno ng mga bating na namahala sa kanya, sina Ananias, Misael, at Azarias,
“Ipinamamanhik ko sa iyo, na subukin mo ang iyong mga lingkod, na sangpung araw; at bigyan kami ng mga gulay na makain, at tubig na mainom. Kung magkagayo'y masdan mo ang aming mga mukha sa harap mo, at ang mukha ng mga binata na nagsisikain ng pagkain ng hari; at ayon sa iyong makikita ay gawin mo sa iyong mga lingkod.”
Sa gayo'y dininig niya sila sa bagay na ito, at sinubok niya sila na sangpung araw. At sa katapusan ng sangpung araw ay napakitang lalong maganda ang kanilang mga mukha, at sila'y lalong mataba sa laman kay sa lahat na binata na nagsisikain ng pagkain ng hari. Sa gayo'y inalis ng katiwala ang kanilang pagkain, at ang alak na kanilang inumin, at binigyan sila ng mga gulay. (Daniel 1:11-16, ADB)
Dapat na tandaan ang kapangyarihan ng mga salita: “Nilayon ni Daniel sa kanyang puso.” Gaano man pakitunguhan nang magiliw ng hari ng Babilonya, siya pa rin ay isang bilanggo ng digmaan. Ito ay hindi isang panukala ng isang pagkain, kundi ang kanyang magiging pagkain magpakailanman. Upang tumangging kainin ang anumang hinandog bilang isang kabutihan at isang papuri ay maaaring ituring na isang insulto. Ipinagsapalaran ni Daniel ang kanyang buhay para manindigan sa anong nalalaman niya na tama sa dyeta. Kung nakatanggap man siya ng pahintulot na kumain nang simple o hindi, hindi niya kakainin ang mga pambihirang pagkain ng hari – maging buhay niya man ang kapalit.
Pinagpala ni Yahuwah ang katapatan ni Daniel at kanyang mga kaibigan:
Tungkol nga sa apat na binatang ito, pinagkalooban sila [ni Yahuwah] ng kaalaman at katalinuhan sa lahat ng turo at karunungan: at si Daniel ay may pagkaunawa sa lahat na pangitain at mga panaginip. At sa katapusan ng mga araw na itinakda ng hari sa paghaharap sa kanila, ipinasok nga sila ng pangulo ng mga bating sa harap ni Nabucodonosor. At ang hari ay nakipagsalitaan sa kanila; at sa kanilang lahat ay walang nasumpungang gaya ni Daniel, ni Ananias, ni Misael, at ni Azarias: kaya't sila'y nanganatili sa harap ng hari. At sa bawa't bagay ng karunungan at unawa, na inusisa ng hari sa kanila, nasumpungan niya silang makasangpung mainam kay sa lahat ng mahiko at mga enkantador na nangasa kaniyang buong kaharian. (Daniel 1:17-20, ADB)
Nangako si Yahuwah: “Sapagka't yaong mga nagpaparangal sa akin ay aking pararangalin, at yaong mga humahamak sa akin ay mawawalan ng kabuluhan.” (1 Samuel 2:30, ADB) Pinanatili ni Yahuwah ang pangakong ito kay Daniel at kanyang mga kaibigan. Gagawin Niya rin ito sa lahat ng ipinasya sa kanilang puso, gaya ni Daniel, walang gagawin na magdadala ng kahihiyan sa kanilang Manlilikha.
Ang gana ay naging isa sa mga pangunahing paraan ni Satanas upang makakuha ng kontrol sa mga tao mula pa noong nagkasala si Adan sa pagkain ng ipinagbabawal na pagkain. Sa gana ng pagkain kaya ang Tagapagligtas, sa ilang ng tukso, ay unang sinubok. Kung saan ang tao ay unang nagkasala, iyon ang dapat unang mapagtagumpayan ni Yahushua. Nagawa Niya ito at ibibigay Niya ang tagumpay sa lahat nang kusang-loob na maghahangad nito.
Ngayon, higit pa kaysa sa anumang ibang panahon sa kasaysayan, ang gana sa pagkain ay isang epektong kasangkapang ginamit ni Satanas. Ang mga pampahusay ng lasa, at ang mga additibo at mga pampreserba ay idinadagdag sa kasalukuyang pagkain sa katunayan ay pinapasigla ang gana, ginagawa ang mga tao na mas maramdamang gutom. Ang mga pagkaing genetically modified (GM) ay nagpakita ng pagbabago ng genetikong ayos ng mamimili. Si Dr. Stanley Ewen, isang kasangguning histopathologist sa Aberdeen Royal Infirmary ay may hayagang pagkabahala na ang isang virus ng cauliflower sa mga pagkain GM na maaaring magpataas ng panganib ng kanser sa tao. Nanawagan pa siya ng pagsusuri ng tubig bukal malapit sa mga bukiring lumilikha ng mga pagkaing GM.
Isang kamakailang pag-aaral ay tiyak na pinatunayan na ang |
Noong Setyembre ng taong 2012, ang Unibersidad ng Caern sa Pransya ay inilabas ang kauna-unahang pangmatagalang pag-aaral ng mga daga na binigyan ng mais na GM, isa sa pinakalaganap kainin na mga pagkaing genetically modified. Ang mga resulta ay pinatunayan na ang mais na GM ay nagdulot ng mga tumor sa mga daga.
Ang mga manok, mga baka na gumagawa ng gatas at mga hayop na pinalaki para sa karne ay karaniwang inusisang puno ng mga hormon ng paglaki at iba’t ibang antibyotiko, lahat sa isang tangka na gumawa ng mas maraming salapi sa paglikha ng mas marami pang mga itlog, gatas at karne. Ang mga ito’y dumarating sa mga produktong itlog, gatas at karne nilikha at mayroong epekto sa mga kumakain.
Ang Bisphenal A, o BPA, ay isa pang produkto na sumasalakay sa katawan ng tao. Ito ay isang plastik na additibo na ginamit sa mga bote at para iguhit sa mga lata para panatilihin ang kasariwaan ng lasa. Ang problema ay ito’y naglalabas ng estrogen sa mga pagkain at inumin na nakabalot rito. Isang bagong pag-aaral ay “natuklasan ang ‘nakakahimok’ na ebidensya na ang plastik na additibo . . . ay maaaring magdulot ng negatibong salpok sa sistemang pampag-anak ng mga kababaihan at magdudulot ng pinsala sa kromosoma, mga depekto sa panganganak at pagkalaglag.” (Tingnan ang http://www.foxnews.com/health/2012/09/25/study-links-bpa-to-birth-defects-miscarriage/.)
Lahat ng mga “modernong” additibong ito sa mga pagkain na kinakain natin ay mayroong epekto, hindi lamang sa ating katawan, kundi sa ating kaisipan rin. Ang katawan na may sakit o pagod ay hindi at hindi maaaring magkaroon ng kaliwanagan ng kaisipan na mayroon ang malusog na pangangatawan. Ang “marahang bulong na tinig” ni Yahuwah ay nagiging mas mahirap na makilala kapag ang kaisipan ay nababalutan ng hamog mula sa inilagay sa katawan. Kaya, ang kontrol ng gana ay nagiging isang tungkulin at taimtim na obligasyon.
Ang dyeta na nilikha ng Manlilikha para kay Adan at Eba sa kanilang estadong walang kasalanan, ay ang patuloy na pinakamahusay na dyeta para sa mga magtatagumpay sa kasalanan. Ang vegan o dyeta batay sa halaman, ay hindi lamang ang pinakamalusog na dyeta, kundi ang pinakaligtas rin, sapagkat ito ay malaya mula sa mga hormon ng paglago, ang mga kemikal at ang mga sakit na napakalaganap sa karaniwang dyeta batay sa karne.
Totoo na ang Kasulatan ay nagtala na si Yahushua ay kumakain ng isda. Makatuwiran rin na pagtibayin na Siya rin ay kumain rin ng malinis na karne, kabilang ang kordero ng Paskua o bisiro sa hapunang Paskua. Naitala ng Kasulatan kung kailan si Yahuwah ay binisita si Abraham sa Kanyang landas sa Sodoma at Gomorra ang araw bago ang kanilang pagkawasak, Siya ay pinanatili ni Abraham at ang dalawang anghel na kasama Niya, sa isang hapagkainan.
At tumakbo si Abraham sa bakahan at nagdala ng isang bata at mabuting guya, at ibinigay sa alipin; at siya'y nagmadali, upang lutuin. At siya'y kumuha ng mantekilla, at ng gatas, at ng guyang niluto niya, at inihain sa harapan nila; at siya'y tumayo sa siping nila sa lilim ng punong kahoy; at sila'y nagsikain. (Genesis 18:7-8, ADB)
Ilan sa mga tao ay naniniwala at itinuturo na ang karne ay hindi dapat kainin, maging buhay man ang kapalit. Ang iba ay maaaring masaktan at sumama ang loob, magdulot sa mga tao na lumayo sa katotohanan, sa pagtanggi sa karne na inihanda ng mga hindi kumakain ng gulay. Ang mga kwento sa Kasulatan nina Yahuwah at Yahushua na kumakain ng karne ay nagbibigay ng balanseng parametro kung saan ang bayan ni Yahuwah ay maaaring maunawaan ang lahat ng alituntunin ng reporma sa dyeta.
Isinilang si Yahushua na isang Israelita. Siya ay nabuhay sa buhay ng isang Israelita at kumain ng mga pagkaing mayroon sa panahong iyon kung kailan walang paraan na i-preserba at palamigin ang mga sariwang pagkain. Gayunman, ang karne ng Kanyang panahon ay hindi naglalaman ng mga sakit at mga hormon na nagpaparumi sa mga karne ng kasalukuyan. Sa mga tumangging kumain ng karne, kahit na ang karne ay ang lahat na mayroon para i-preserba ang buhay, ang halimbawa ni Yahushua ay itinuturo na ang pagpapanatili ng buhay ay isang dakilang alituntunin na hindi dapat pabayaan. Ang buhay ay isang mahalagang kaloob at habang ang sinuman ay dapat na matatag sa alituntunin, ang pagpapanatili ng buhay mismo ay isang alituntunin rin. Bilang isang patakaran, ang pinakamahusay na pagpapanatili ng buhay ay ang pag-iwas ng mga produktong karne na nagdadala ng sakit at nagpapaulap sa kaisipan. Gayunman, kung ang pagkagutom ay ang tanging ibang alternatibo, ang pagkain ng mga malilinis na karne, maayos na tinanggalan ng dugo, ay katanggap-tanggap, bagama’t hindi kanais-nais.
Ang pagtanggap ni Yahushua sa mabuting pakikitungo ni Abraham ay itinuturo ang kabutihan at kagandahang-loob sa mga hindi nalalaman ang anumang mas mabuti o sino, sa pagtatangka na magbigay ng mabuting pakikitungo, wala nang mas mabuti pang ibibigay. Palaging mas mahusay na magkamali sa panig ng kabutihan. Hindi ibig sabihin nito na iyong mga may mas mabuting nalalaman o mayroong daanan sa mga pampalusog na pagkain ay maaaring kainin ang anumang nais nila. Sa halip, ito ay nangangahulugan lamang na kapag ikaw ay nasa kaparehong kalagayan, hayaan ang kabutihan at pagkamaalalahanin sa ibang tao ang magdikta ng iyong mga gawa.
Ang tagumpay sa gana ay isa sa pinakamahalaga at pinakamahirap na laban na mapagtagumpayan. Sapagkat si Satanas ay naghahangad ng mas maraming paraan para pasamain ang mga katawan at mga kaisipan ng mga tao, ang isang simple, malusog na dyeta ng mga pagkaing hinanda bilang natural sa paraan habang posible ay magiging kapaki-pakinabang sa pagkamit ng tagumpay sa bumagsak na kalikasan ng tao. Iyong mga nakamit ang tagumpay sa gana sa pagkain, gaya ni Daniel at kanyang mga kaibigan at maging si Yahushua mismo, ay mahahanap ang iba pang tagumpay ay susunod sa serye nito.
Gaya ng ibang mga kasalanan, si Yahushua ang kasagutan sa bawat tukso at pagkagumon.
Kaya nga, dahil mayroon tayong isang Dakilang Kataas-taasang Pari na pumasok na sa kalangitan, at iyon ay si Yahushua na Anak ni Yahuwah, matatag nating panghawakan ang ating ipinahahayag. Sapagkat mayroon tayong Kataas-taasang Pari na marunong makiramay sa ating mga kahinaan. Tulad natin ay tinukso rin siya sa lahat ng mga paraan, gayunma'y hindi siya nagkasala. Kaya't lumapit tayo na may lakas ng loob sa trono ng biyaya, upang tumanggap tayo ng awa, at makatagpo ng biyaya na makatutulong sa panahon ng ating pangangailangan. (Tingnan ang Hebreo 4:14-16.)
Isuko ang iyong buhay, ang iyong kalooban, ang iyong katawan kay Yahushua. Siya ay naghihintay upang ibigay sa iyo ang tagumpay sa lahat ng gumagambalang kasalanan. Pumasok sa kagalakan ng matagumpay na pamumuhay sa pamamagitan Niya.