Si Claudia ay nabagabag.1 Ang pinakamalaking pagdiriwang ng taon ay paparating at siya ay wala pang regalong maibibigay sa kanyang pamilya. Isang bagong-lipat na mag-aaral mula sa Europa na patuloy na nagpupunyagi sa muling pagtatayo matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang kanyang mayaman na pamilya na tila para sa kanya ay mayroon na ang lahat sa mundo na sinuman ay ninanais.
Ano pa ang maaari mong ibigay sa mga tao na mayroon na ang lahat?
Ang kanyang pamilya ay napakabuti at mapagbigay sa kanya. Nalalaman niya na sa paparating na pagdiriwang ay bubuhusan siya ng mga regalo gaya ng nagawa nila sa kanilang mga anak. Ano pa ba ang maaari niyang ialok sa mga tao na wala nang kailangan at maaaring bumili para sa kanila ng anumang bagay na tumama sa kanilang guni-guni?
Ang dakilang araw ay papalapit nang papalapit. Sa huli, dalawang araw bago nito, nalaman ni Claudia kung ano ang maaari niyang gawin. Sumakay ng bus patungong bayanan, siya ay pumunta sa isang department store at bumili ng pinakamagandang damit-pambata na maaaring bilhin ng kanyang salapi at ibinalot pang-regalo. Nilisan ang pamilihan, lumapit siya sa guwardya at nagtanong, “Paumanhin, alam mo po ba kung saan maaari akong makahanap ng mahirap na pamilyang namumuhay?”
Tumingin siya sa kanya nang may alinlangan at lumayo. Lumapit naman siya sa isang pulis.
“Isang mahirap na pamilya? Hindi mo nais na mapunta doon, binibini. Ang bahaging iyon ng siyudad ay hindi ligtas. Umuwi ka na lang at magkaroon ng isang masayang okasyon.”
Ang siyudad ng New York ay abala sa anumang oras ng taon at dalawang araw bago ang isang pangunahing okasyon ay walang pagbubukod. Dama ni Claudia ang pag-iisa habang ang mga abalang mamimili ay nagmamadali. Nagsimula na siyang maglakad nang hindi nalalaman kung saan tutungo para tapusin ang kanyang plano, nag-aalala na siya ay mabibigo.
Sandali matapos nito, dumating siya sa kalsada na hindi sagana sa mga nadaanan niya simula ng tumapak sa Amerika. Narito, ang mga gusali ay mas mababa; ang mga tao, hindi gaanong mabuti sa mga kasuotan. Narinig niya ang kuliling at, sa kanyang ginhawa, nakita ang isang tao sa isang pulang uniporme na nagpapatunog ng kuliling na sumunod sa isang balde ng paghahandog ng Salvation Army. Nalalaman niya ang Salvation Army. Sila rin ay galing sa Europa.
Natitigilan, nahihiya, natatakot na muling itaboy, lumapit si Claudia sa lalaki. “Paumanhin, alam mo po ba kung saan maaari akong makahanap ng mahirap na pamilyang namumuhay?”
Ang lalaki, na isang mabuting ingkong, nadama na mayroong mas higit sa katanungan. Sa kanyang lakas ng loob, ang kanyang mga salita, sa nasumpungang Ingles, ay bumagsak sa nakikiramay na mga pandinig.
Ang opisyal ng Salvation Army ay naunawaan. “Oo, may kilala akong isang mahirap na pamilya. Napakarami, sa katunayan. Ang trabaho ko’y halos tapos na. Kung makapag-antay ka ng kaunting minuto, dadalhin kita sa isa.”
Tumawag ng isang taxi cab sa sandaling lumipas, ang lalaki ay nagbigay ng mga direksyon sa isang mataas na paupahang gusali. Ito’y tiyak na mahirap. Hindi pa nalalaman ni Claudia na ang ganoong kahirapan ay umiiral sa Amerika. Ang opisyal ng Salvation Army ay lumabas at binuksan ang pintuan para kay Claudia. Niluglu niya ang kanyang ulo.
“Hindi. Pakiusap, kunin mo ang regalo sa kanila. Hindi ito akin para magbigay. Pakiusap na ipaliwanag: ito ay regalo mula sa sinuman na mayroon nang lahat.”
Ang drayber ng taxi cab ay hinatid siya pauwi at hindi na tinanggap ang kanyang bayad. Nakinig siya sa kanilang pag-uusap at siya rin ay isang tao ng pagkakaunawa rin.
Ang dakilang araw ng pagdiriwang ay dumating. Ang mga patung-patong na regalo ay hindi nabigo. Si Claudia, gaya ng inaasahan niya, nakatanggap ng napakaraming regalo. Noong nabuksan na ang lahat, nahihiya at nag-aalangan, sinubukan niya, sa kanyang pautal-utal na Ingles, para ipaliwanag kung bakit wala na siyang dapat tanggapin.
“Pakiusap na unawain ninyo. Nais ko kayong bigyan ng lubos na espesyal na regalo. Ngunit lubos na mayroon na kayo. Wala na po kayong kailangan na maaari kong ibigay. Walang akong bagay na mabibili na maaaring magpakita ng pasasalamat mula sa puso para sa lahat ng ginawa nyo po sa akin. Dahil dito, kaya ako bumili ng pinakamagandang damit na pambata na maaari kong makita at ibinigay ito sa isang mahirap na pamilya. Sila’y mas nangangailangan. Ibinigay ko iyon sa ating ngalan. Isang regalo mula sa inyo.”
Ang pasasalamat ng mahirap na pamilya ay para sa kanila, ipinaliwanag ni Claudia, hindi sa kanya. Ito ay kanyang regalo para sa kanila, na mayroon nang lahat.
Ang katahimikan ay bumalot sa kwarto. Lumuha ang mga mata ng kanyang pamilya. Ang kagandahan ng kanyang kaloob ng pag-ibig ay naalala nang matagal matapos bumalik sa tahanan si Claudia at nagpatuloy pa, sapagkat ito’y pumukaw sa kanila na “gawin din ito” sa mga sumunod na taon.
Ang puso na umiibig, ay nais na magbigay. Ang pasasalamat para sa pag-ibig ay nakatanggap ng tugon sa pagpapahayag nito sa pagbibigay bilang kapalit.
Ngunit ano ang ibibigay mo sa isa na mayroon nang lahat?
Si Yahuwah ay mayroon nang lahat. Sa katunayan, Siya ay pinagmulan ng lahat ng bagay! Ano ang maaaring ibigay ng isang tao sa kanyang Manlilikha na lahat ng bagay ay nagmula sa Kanya?
Si Yahuwah mismo ay sinabi sa atin kung anong uri ng kaloob ay pinaka pinahahalagahan Niya:
Ang dalisay at walang kapintasang relihiyon sa harap ng ating Yahuwah Elohim at Ama ay ito: ang dalawin ang mga ulila at ang mga balo sa kanilang kahirapan, at panatilihing malinis ang sarili mula sa karumihan ng sanlibutan. (Tingnan ang Santiago 1:27.)
Hindi na kailangan ni Yahuwah ang isang bagong kasuotan. Wala Siyang magagamit para sa isang aklat, isang relo o ang pinakabagong gadget. Ang mga kaloob na itinatangi ni Yahuwah ay mga kaloob na ibibigay Niya sa lupa: pagmamahal, mabubuting gawa; mga salita ng kasiyahan at pagbibigay ng lakas ng loob; mga pagkain at kasuotan para sa mga nangangailangan nito; mga makalangit na patotoo para sa nagugutom na kaluluwa. “Tinitiyak ko sa inyo, yamang ginawa ninyo ito sa isa sa pinakahamak sa mga kapatid kong ito, sa akin ninyo ito ginawa.” (Mateo 25:40, FSV)
Anumang bagay na natupad para magbigay ng ginhawa at karunungan sa naghihirap o ang kamangmangan ng iba ay tinanggap ni Yahuwah bilang isang personal na kaloob, ibinigay sa Kanya. Tiniyak ni Yahushua: “Tandaan ninyo ito: sinumang magpainom sa inyo ng isang basong tubig dahil sa pangalan ko ay hindi maaaring mawalan ng gantimpala.” (Marcos 9:41, FSV) Maging ang pagpapagaan ng uhaw ng sinuman, ay tinanggap bilang katuparan para kay Yahuwah!
Simple lamang ang dahilan: nararamdaman nila Yahuwah at Yahushua ang lahat ng bagay na naramdaman ng kanilang mga makalupang anak. “Sapagkat mayroon tayong Kataas-taasang Pari na marunong makiramay sa ating mga kahinaan. Tulad natin ay tinukso rin siya sa lahat ng mga paraan, gayunma'y hindi siya nagkasala.” (Hebreo 4:15, FSV) Dahil dito, kapag ang sinuman ay naghihirap sa gutom, nararamdaman rin ni Yahuwah ang kirot ng pagkagutom. Isang kaloob ng pagkain ang nagbibigay ng ginhawa at saya mula sa sakit na nadama ng nagugutom na tao, at dahil dito, ay nagbibigay rin ng ginhawa kay Yahuwah mula sa kirot kapag ang isa sa Kanyang anak ay nagdurusa.
Ang mga salita ng pag-asa at pananalig ay sinabi para hikayatin ang isang nabagabag, nasasaktang kaluluwa, pinapaluwag ang emosyonal na sakit na nadama ni Yahuwah kapag ang isa sa Kanyang mga anak ay malungkot at nanghina ang loob. Malamang ang pinakadakilang kaloob sa lahat na maaaring ibigay ay ang kaalaman ng katotohanan. Ang karamihan ay nabubuhay sa kalumbayan at pagkabulag na dulot ng kamalian at pamahiin. Ibibigay sa kanila ang kaloob ng patotoo, upang sila’y magsaya sa kaligtasan ni Yahuwah at maligtas sa Kanyang walang hanggang kaharian, ay isang kaloob na espesyal na itinatangi ng Makalangit na Ama.
Mahalaga para sa mga tao na taglay ang pantahanang ekklesia at walang organisadong istruktura kung saan ibibigay nila ang kanilang mga salapi para maunawaan ang mga tuntunin ng pagbabalik ng mga ikapu at handog. Ang WLC ay hindi tumatanggap ng mga ikapu at paghahandog at kapag ang isang tao ay walang pakikisama sa simbahan, maaaring mahirap na malaman kung ano ang ginagawa sa mga pondong iyon. Mayroong ilang paraan ang sinuman para maaaring ibalik kay Yahuwah kung ano ang Kanya – maging kapag ang isa’y lumalahok sa pantahanang ekklesia.
Mayroong pagkakaiba sa pagitan ng mga ikapu at mga handog. Ang mga ikapu ay ibinibigay kay Yahuwah para sa hayagang layunin ng pagsusulong ng Kanyang gawa sa lupa, sa pagtataguyod man ng Kanyang mga alagad, o sa pagpapalaganap ng mabuting balita. Ang tipikal na handog, sa kabilang dako, ay mga kaloob na ibinigay kay Yahuwah, galing sa pasasalamat at pag-ibig. Ang mga kaloob ng pag-ibig na ito ay maaaring kunin ang iba’t ibang anyo at kabilang ang higit pa sa salapi.
Mga Handog
Si Yahushua ay hindi lamang ang Tagapagligtas. Siya rin ay ating halimbawa kung paano mamuhay. Siya ang pinakadakilang guro sa buong mundo, ngunit bago pa magturo sa mga tao ng mga patotoo ng kaligtasan, una niya munang tinutugunan ang mga pisikal na pangangailangan ng mga tao. Pinapagaling niya ang kanilang mga sakit, nagbibigay ng paningin sa mga bulag, pandinig sa mga bingi, ginhawa sa mga sinaniban ng diyablo, at katapangan sa kahinaan ng puso. Kapag kailangan, siya pa nga ang nagbibigay ng pagkain para sa kanila! Kapag ang kanilang mga puso ay pinainit ng pasasalamat, ang mga tao ay mas bukas na makinig sa mga salita ng banal na patotoo na nais niyang ibahagi.
Sa pagsunod sa kanyang halimbawa, ganap na katanggap-tanggap para sa mga mananampalataya na gamitin ang kanilang mga handog sa pagpapaluwag ng kahirapan sa nakapaligid sa kanila. Ang Kasulatan ay puno ng pagpapayo para magpakita ng awa at kabutihan sa mga nangangailangan.
Ganito ang sinalita ni Yahuwah ng mga hukbo, na nagsasabi, Mangaglapat kayo ng tunay na kahatulan, at magpakita ng kaawaan at ng kahabagan ang bawa't isa sa kaniyang kapatid, At huwag ninyong pighatiin ang babaing bao, ni ang ulila man, ang taga ibang lupa, ni ang dukha man. (Tingnan ang Zacarias 7:9, 10.)
Kung may kilala kang matanda na hindi sapat ang nakakain, ang isang kaloob ng pagkain na makakatulong sa kanya mula sa pagkabalisa, ay isang paghahandog ng pag-ibig na ikinagagalak ni Yahuwah na matanggap. Ito ay kaugalian ng taos-pusong Israelita na dalhin ang pagkain sa mga pulubi sa ikaanim na araw ng sanlinggo kaya ang kanilang mga nais ay maaaring matugunan at sila’y hindi na mamalimos sa mga banal na oras ng Sabbath.
Kapag mayroong nag-iisang ina na nagpupunyagi na itaguyod ang kanyang mga anak, ang mga kaloob na dyaket at bota sa taglamig na tumugon sa isang tiyak na pangangailangan ay katanggap-tanggap na paghahandog kay Yahuwah, sapagkat kung kailan ang pagkabalisa ng Kanyang makalupang anak ay naaliwan, ang Kanyang sariling paghihirap sa kanila ay naaliwan rin.
Ang puso ng pag-ibig ni Yahuwah ay palaging hinawakan kailanman na mayroong pagdurusa. Ang Kanyang atensyon ay nakatuon sa mga nangangailangan, at sinuman na gumagawa para paluwagin ang pangangailangang iyon, ay gumagawa kasama si Yahuwah at ang mga kaloob ay ibinibigay, mga tunay na paghahandog na ibinigay sa Kanya.
Ang naaawa sa dukha ay nagpapautang kay Yahuwah, at ang kaniyang mabuting gawa ay babayaran sa kaniya uli. (Tingnan ang Kawikaan 19:17.)
Ang kaloob ay naiiba sa pautang. Ang kaloob ay ibinigay nang walang anumang pag-asa ng pagbabalik. Ang pautang, sa kabilang dako, ay hiram lamang para sa isang tiyak na panahon nang may pag-asa na ito’y babalik sa may-ari sa kinamamayaang petsa. Imposible na lamangan si Yahuwah sa pagbibigay. Siya ang pinagmulan ng lahat ng pagbibigay. Ang mga handog na ibinigay sa mahihirap at nangangailangan ay itinuturing ni Yahuwah na isang pautang. Sinisigurado Niya na ang nagbibigay ay hindi maiiwan sa nais, kundi higit na babalik sa anumang bagay na ibinigay para tulungan ang iba. Pinapanatili pa nga ni Yahuwah ang isang talaan ng pagkain at mabuting pakikitungo na ibinigay para pagpalain ang Kanyang mga hinirang, at sisiguraduhin ang nagbibigay ay makakatanggap ng isang ganap na gantimpala. “Ang may magandang-loob na mata ay pagpapalain: sapagka't nagbibigay ng kaniyang tinapay sa dukha.” (Kawikaan 22:9, ADB)
“Buksan ninyong lagi ang inyong tahanan para sa mga dayuhan. Ang ilang gumawa nito ay nagpapatuloy ng mga anghel nang hindi namamalayan.”2 Ang mga salitang ito ay nawalan ng lakas sa lumipas na mga panahon. Ang ating Makalangit na Ama ay patuloy na inilalagay sa landas ng Kanyang mga anak ang mga pagkakataon na mga pagpapalang ikinaila; at ang mga ipinabuti ang mga pagkakataong ito ay makakakita ng dakilang kagalakan. “At kung magmamagandang-loob ka sa gutom, at iyong sisiyahan ng loob ang nagdadalamhating kaluluwa; kung magkagayo'y sisilang ang iyong liwanag sa kadiliman, at ang iyong kadiliman ay magiging parang katanghaliang tapat; at papatnubayan ka [ni Yahuwah] na palagi, at sisiyahan ng loob ang iyong kaluluwa sa mga tuyong dako, at palalakasin ang iyong mga buto; at ikaw ay magiging parang halamang nadilig, at parang bukal ng tubig, na ang tubig ay hindi naglilikat.”3
Sa ating modernong mundo, madali na kumuha ng masyadong limitadong pananaw sa ano ang bumubuo sa mga “ikapu at handog.” Madali na maliban kung ang salapi na ibinigay upang itaguyod ang isang organisasyon, ito’y hindi maaaring bilangin bilang ikapu o handog. Gayunman, ito’y hindi naaayon sa Kasulatan.
Ang sinunang Israel ay isang agraryong lipunan: ang mga tao ay, para sa malawak na bahagi, mga magsasaka, rantsero at pastol. Ang ikapu ay maaaring bayaran sa pamamagitan ng mga hayop, galon ng langis, bushel ng prutas, supot ng butil o bariles ng gawgaw. Ang mga paghahandog ay maaaring anumang bagay na ninanais ng isa para ibigay kay Yahuwah.
Ang babae na mabuti sa pananahi, ay maaaring magburda ng isang mainam na piraso ng damit, o maghabi ng isang bagay sa kanyang habihan. Kapag ang kanyang pamilya ay naglakbay sa tolda para sa Pista ng mga Tolda, ang kanyang asawa ay maaaring magdala ng mga supot ng butil bilang ikapu sa pagdami ng kanyang bukirin, ngunit maaari rin siyang magdala ng isang personal na handog: isang kaloob ng pag-ibig upang ipakita ang kanyang pasasalamat kay Yahuwah para sa Kanyang mga pagpapala sa buong taon.
Habang hindi lahat ay maaaring makapaglakbay bawat taon sa Jerusalem para sa kapistahan, ang pahintulot ay ginawa rin para sa mga, sa isang matuwid na dahilan, hindi makakaya ang paglalakbay. Ang ikalawang ikapu ay itinira para sa hayagang layunin ng pagtulong sa mahihirap sa isang tahanan para sa isang taunang kapistahan. Nagbibigay ng kalinga si Yahuwah para sa nagdurusa, may sakit at matanda. Gumawa Siya ng pagkakaloob para sa lahat na magbahagi sa mga pagpapala ng mga kapistahan.
Iyong mga lubos na mahirap na tustusan ang gastos ng paglalakbay patungong Jerusalem ay maaari pa ring maramdaman ang mga pagpapala ng isang masaganang ani at ang espiritwal na pista sa pagtanggap sa mabuting pakikitungo ng mga higit na mayroon nito. Kaya ang buong kabuhayang Hebreo ay batay sa isang sistema ng pagbibigayan at pagtulong sa mahirap at nangangailangan. Ang ganitong mga kaloob, bagama’t hindi salapi, ay itinuturing na mga paghahandog at tinanggap ni Yahuwah bilang mga regalong ibinigay sa Kanya.
Siyang nagbibigay sa dukha ay hindi masasalat: nguni't siyang nagkukubli ng kaniyang mga mata ay magkakaroon ng maraming sumpa. (Kawikaan 28:27, ADB)
Mga Ikapu
Hindi katulad ng paghahandog, ang ikapu ay hindi isang kaloob na ibinibigay kay Yahuwah. Ang ikapu ay nabibilang na sa Kanya! Sa katunayan, ang lahat ng bagay ay nabibilang sa Manlilikha. Siya ang nagmamay-ari ng lahat dahil Siya ang lumikha sa lahat!
Manumbalik kayo sa akin, at ako'y manunumbalik sa inyo, sabi [ni Yahuwah] ng mga hukbo. Nguni't inyong sinasabi, Sa ano kami manunumbalik?
Nanakawan baga ng tao [si Yahuwah]? Gayon ma'y ninanakaw ninyo ako. Nguni't inyong sinasabi, Sa ano ka namin ninakawan? Sa mga ikasangpung bahagi at sa mga handog. (Malakias 3:7-8, ADB)
Mapagpalang pinahihintulutan ni Yahuwah na gamitin natin ang siyam sa sampu ng anumang bagay na ibinibigay Niya sa atin. Ang tangi Niyang pakiusap ay ibabalik ang isa sa sampu sa Kanya. Habang ang mga handog ay marahil na anumang kaloob na ibinigay sa pag-ibig kay Yahuwah, sa katauhan ng Kanyang mga hinirang, ang ikapu ay para sa hayagang layunin ng pagsusulong ng Kanyang patotoo sa lupa.
Ito ay maaaring magawa sa pagtataguyod ng Kanyang mga alagad nang direkta; salapi man, pagkain, o anuman na maaaring ibigay para sa kanilang suporta sa pagpapalaganap ng mabuting balita. Ang ikapu ay maaaring ibalik sa isang bilang ng ibang paraan. Anumang paggugol na nagtataguyod ng pagpapalaganap ng patotoo ay tanggap bilang pagbibigay ng ikapu. Kabilang dito ang pagbili ng mga Bibliya at ibang espiritwal na materyal na ibabahagi sa iba.
Iyong mga walang sariling impresor, ay maaaring ibalik ang kanilang ikapu sa paglilimbag ng mga artikulong puno ng patotoo sa mga Internet Cafés at magpagawa ng materyal na kopya. Ang mga ito’y maaaring ibahagi sa iba. Ang WLC Free Store ay may bahagi rin ng mga Kasangkapan sa Pagpapalaganap ng Patotoo na mapapakinabangan para sa pagbabahagi ng katotohanan rin. Ang gawa ng kaligtasan ay maaaring lubos na isulong kapag ang lahat ng may ikapu ay ilalagay ito nang direkta tungo sa gawa ng pagsusulong ng patotoo sa loob ng kanilang kabilugan ng impluwensya.
Nangako si Yahuwah na masagana pang pagpapalain ang mga nagbalik sa Kanya ng ikapu na nabibilang sa Kanya.
Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi [ni Yahuwah] ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan.
At aking sasawayin ang mananakmal dahil sa inyo, at hindi niya sisirain ang mga bunga sa inyong lupa; ni malalagasan man ng bunga sa di panahon ang inyong puno ng ubas sa parang, sabi [ni Yahuwah] ng mga hukbo.
At tatawagin kayo ng lahat na bansa na mapalad: sapagka't kayo'y magiging maligayang lupain, sabi [ni Yahuwah] ng mga hukbo. (Malakias 3:10-12, ADB)
Nangako si Yahuwah ng isang higit sa kalikasang pagpapala sa lahat ng magtitiwala sa Kanya nang sapat sa walang pagkasarili na pagbabalik sa Kanya ng mga ikapu at handog. Walang sinuman na dapat maramdaman na ang kanyang ikapu ay napakaliit sa bilang, o ang kanyang kaloob ay hindi gagawa ng pagbabago. Si Yahuwah ang nagbibigay ng paglago! (Tingnan ang 1 Corinto 3:6, 7.)
Ano pa man ang nagawa ng sinuman, o ang halaga ng mga ikapu at handog na ibinalik niya, tumitingin si Yahuwah sa puso, at sa sukat ng pagnanais ng nagbibigay, Siya ang nagbibigay ng paglago.
Ang isang maliit na kaloob, ibinigay mula sa isang dalisay na puso ng pag-ibig, sa mapagpakumbabang pananalig, ay matatanggap ang isang mas dakilang gantimpala kaysa sa libu-libong dolyar na ibinigay mula sa isang motibo ng paghahangad sa sarili at pagmamataas.
Nais ni Yahushua na masiguro ang lahat na maunawaan ang puntong ito. Isang araw, habang siya ay nasa Templo kasama ang kanyang mga alagad,
At siya'y tumunghay, at nakita ang mga taong mayayaman na nangaghuhulog ng kanilang mga alay sa kabangyaman. At nakita niya ang isang dukhang babaing bao na doo'y naghuhulog ng dalawang lepta.
At sinabi niya, Sa katotohana'y sinasabi ko sa inyo, Ang dukhang babaing baong ito ay naghulog ng higit kay sa kanilang lahat. Sapagka't ang lahat ng mga yaon ay nangaghulog sa mga alay ng sa kanila'y labis; datapuwa't siya, sa kaniyang kasalatan ay inihulog ang buong kaniyang ikabubuhay na nasa kaniya. (Lucas 21:1-4, ADB)
Ang mayaman na nagbigay ng maraming salapi, ay marami pang nalalabi. Ang dukhang bao ay may dalawang lepta na lamang na maibibigay. Gayunman, nagbigay siya nang higit pa kaysa sa kanilang lahat, dahil “inihulog ang buong kaniyang ikabubuhay na nasa kaniya.” Sa ibang mga salita, ang maliit na halaga ng salapi na pinanatili niya sa araw na iyon, ay ang ibinigay niya: ibinigay niya ang lahat.
Bilang bunga, ang kanyang gantimpala ay magiging mas dakila kaysa sa mayaman na nagbigay ng napakarami, subalit marami pa ring nalalabi. Sa isang araw sa Langit, ang Tagapagligtas ay ipapakita sa kanya ang bunga ng kanyang walang pagkasariling pagbibigay: ang mga misyonaryo at mga doktor ay ipinadala sa lahat ng bahagi ng mundo, ang mga ospital ay itinayo, ang mga paaralan at tahanan para sa mga ulila ay itinaguyod. Anumang nagsimula bilang isang maliit na patak sa dalawang lepta, lumago at lumago hanggang ito’y namaga tungo sa isang makapangyarihang karagatan ng kabutihan at pagbibigay, pumukaw sa lahat at ginawang posible sa kanyang halimbawa ng pagbibigay na kinalimutan ang pagkamakasarili. Dakila ang kanyang magiging gantimpala!
Ano ang nasa iyong kamay? Ano ang nasa iyong kapangyarihan na ibabalik kay Yahuwah? Ang anyo ng kaloob ng pag-ibig ay hindi mahalaga. Ang halaga ng ikapu ay hindi gumagawa ng pagkakaiba. Ang lahat ng nabibilang ay ang pag-ibig na nagdidikta sa kaloob. Lahat ng mahalaga ay ang pagnanais na gumawa kasama si Yahuwah sa pagpapalaganap ng Kanyang patotoo.
Hindi kailanman kahit pa ang pinakamaliit na kaloob ay mabibigo sa pagtanggap ng isang masaganang gantimpala. Dakila ang magiging gantimpala ng lahat ng ibibigay kung ano ang mayroon sila para sa Panginoon.
1 Ang pangalan ay binago para protektahan ang sarilinan.
2 Hebreo 13:2
3 Tingnan ang Isaias 58.