Matutunan kung Paano Makukuha ang Di Pa Nagagamit na Banal na Lakas!
Hinabi sa buong Kasulatan ay isang tuntunin ng hindi mailarawang kapangyarihan, naghihintay lamang na makuha ng sinuman na aangkinin ito sa pananalig. |
Ipinahayag ng Kasulatan na hindi maaaring magsinungaling si Yahuwah. Ang dahilan ay simple lamang: anumang ipapahayag ni Yahuwah ay mangyayari agad sa panahong sinasabi Niya ito!
Kung tayo ay nakatayo sa isang madilim na kwarto at sinabi ko sa iyo, “May liwanag,” nagsisinungaling ako. Kailangan kong pindutin ang bukasan ng ilaw o magtirik ng kandila para tuparin ang aking pahayag.
Hindi kailangan ni Yahuwah na gawin iyon. Kapag sinabi Niya, “May liwanag,” may liwanag. Iyon ay dahil ang salita mismo ni Yahuwah ay naglalaman ng banal na kapangyarihan o lakas na gawin kung ano ang sinasabi Niya.
Ang kagulat-gulat na konseptong ito ay binigkas sa Isaias 55 at hinihikayat ang mga mananampalataya na tumawag kay Yah para sa tulong:
Inyong hanapin si Yahuwah samantalang Siya'y masusumpungan, magsitawag kayo sa Kaniya samantalang Siya'y malapit: Lisanin ng masama ang kaniyang lakad, at ng liko ang kaniyang mga pagiisip; at manumbalik siya kay Yahuwah, at kaaawaan Niya siya; at sa aming Eloah, sapagka't Siya'y magpapatawad ng sagana.
Sapagka't ang Aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay Aking mga lakad, sabi ni Yahuwah. Sapagka't kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon ang Aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang Aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip.
Sapagka't kung paanong ang ulan ay lumalagpak at ang niebe ay mula sa langit, at hindi bumabalik doon, kundi dinidilig ang lupa, at pinasisibulan at pinatutubuan ng halaman, at nagbibigay ng binhi sa maghahasik at pagkain sa mangangain; magiging gayon ang Aking salita na lumalabas sa bibig Ko: hindi babalik sa Akin na walang bunga, kundi gaganap ng kinalulugdan ko, at giginhawa sa bagay na Aking pinagsuguan. (Isaias 55:6-11, ADB)
Ang mismong salita ni Yah ay naglalaman ng kapangyarihan na makamit anuman ang ipahayag Niya! Gaya ng ulan na isang aktibong ahente na namumulaklak sa lupa ng buhay, sinasabi ng Ama, “magiging gayon ang Aking salita na lumalabas sa bibig Ko: [ang Aking salita ay] hindi babalik sa Akin na walang bunga, kundi [ang Aking salita] gaganap ng kinalulugdan ko, at giginhawa sa bagay na Aking pinagsuguan.” |
Ito ang lihim sa pagkuha sa banal na kapangyarihan. Ang mismong salita ni Yah ay naglalaman ng kapangyarihan na makamit ang anumang ipahayag Niya! Gaya ng ulan na isang aktibong ahente na namumulaklak sa lupa ng buhay, sinasabi ng Ama, “magiging gayon ang Aking salita na lumalabas sa bibig Ko: [ang Aking salita ay] hindi babalik sa Akin na walang bunga, kundi [ang Aking salita] gaganap ng kinalulugdan ko, at giginhawa sa bagay na Aking pinagsuguan.”
Hayaan ang iyong pananampalataya na makuha ang katunayang ito at ang iyong espiritwal na paglalakad ay magiging isa sa mga walang patid na tagumpay.
Ang Papel ng Pananampalataya
Ang pananampalataya ay mayroong mahalagang papel na gagampanan. Binigyang-kahulugan ang pananampalataya bilang: “Ang pagsang-ayon ng kaisipan sa patotoo ng ano ang ipinahayag ng iba, nananahan sa kanyang kapangyarihan at katapatan, nang walang ibang ebidensya; ang kahatulan na anong ipinapahayag ng iba o pinatutunayan ay ang katotohanan.”1
Ang tunay na pananampalataya ay hindi kailanman na bulag. Sa halip, ito’y batay sa personal na pagkilala sa Manlilikha bilang isang Nabubuhay sa walang limitasyong kapangyarihan at walang hanggang pag-ibig. Kapag naunawaan mo ang kapangyarihang iyon upang magtagumpay ay naghihintay lamang sa iyong pangangailangan rito, sa pamamagitan ng pananampalataya, maaari mong angkinin ang anumang pangakong ibinigay. Kapag nagawa mo ito, maging sigurado na ang pangako ay natupad na (sa sandaling iyon!) Ito ay dahil ang banal na kapangyarihan ay kailangan upang tuparin ang pangako na nakapaloob na sa mga salita mismo.
Ang malapit na koneksyong ito sa pagitan ng banal na kapangyarihan at pananampalataya ay isang bagay na paulit-ulit na itinuro ng Tagapagligtas. Pagpasok niya sa bahay, lumapit sa kanya ang mga bulag, at sinabi ni Yahushua sa kanila, “Naniniwala ba kayong kaya kong gawin ito?” Sinabi nila sa kanya, “Opo, Panginoon.” Hinawakan niya ang kanilang mga mata at sinabi, “Mangyari sa inyo ang inyong pinaniniwalaan.” (Mateo 9:28-29, FSV)
Noong ang mga alagad ay tinanong kung bakit hindi nagawang palayasin ang demonyong sinasaniban ang bata, ipinaliwanag ni Yahushua: “Maliit kasi ang inyong pananampalataya. Sapagkat tinitiyak ko sa inyo, kung mayroon kayong pananampalataya na kasinlaki ng binhi ng mustasa, sasabihin ninyo sa bundok na ito, ‘Lumipat ka roon mula rito,’ at ito'y lilipat. Walang anuman na hindi ninyo kayang gawin.” (Mateo 17:20, FSV)
Ang banal na kapangyarihan o lakas ay hindi nakapaloob sa pananampalataya ng tao. Ang pananampalataya ay hindi iilang salamangkang bulong. Sa halip, ang pananampalataya ay ang kamay na kinuha ang kapangyarihan na nakapaloob na sa pangako.
Paano ito gumagana
Ang kwento ng senturyon ay isa sa pinakamakapangyarihang paglalarawan ng pananampalataya na hawak ang banal na kapangyarihang nakapaloob sa banal na salita.
Nang pumasok si Yahushua sa Capernaum, lumapit sa kanya ang isang senturyon. Nakiusap ito sa kanya, na nagsasabi, “Panginoon, ang aking lingkod ay nakaratay sa bahay, paralisado at hirap na hirap sa kanyang karamdaman.”
Sinabi ni Yahushua sa kanya, “Pupunta ako roon at pagagalingin ko siya.”
Ngunit sumagot ang senturyon, “Panginoon, hindi po ako karapat-dapat na papuntahin kayo sa ilalim ng aking bubungan. Sapat na pong bumigkas kayo ng salita at gagaling na ang aking lingkod. Ako man ay isang taong nasa ilalim ng kapangyarihan ng iba, at may nasasakupang mga kawal. Sinasabi ko sa isa, ‘Humayo ka,’ at humahayo nga siya. Sinasabi ko naman sa iba, ‘Lumapit ka,’ at lumalapit nga siya. Sa aking utusan, ‘Gawin mo ito,’ at ginagawa nga niya.”
Nang marinig ito ni Yahushua, namangha siya at sinabi niya sa mga sumunod sa kanya, “Totoong sinasabi ko sa inyo, kaninuman sa Israel ay hindi ko nakita ang ganito kalaking pananampalataya. (Mateo 8:5-10, FSV)
Ang senturyon ay hindi na kailangan si Yahushua para pumunta at hawakan ang maysakit na lingkod. Nalalaman niya na ang kapangyarihan na tuparin ang kanyang pakiusap ay nakapaloob sa salitang sinabi. Ang kanyang pananampalataya ay nakuha ang kapangyarihang nakapaloob sa pangako ay natupad na ang pangako. At iyon ay sapat na sa kanya.
Paggamit ng Kapangyarihan
Kapag naunawaan na ang kapangyarihan na tuparin ang anumang pangako ay nakapaloob na sa mismong pangako, lahat ng mga pahayag ni Yahuwah ay nagiging mga pahayag na kusang natutupad kapag kinuha sa pananampalataya!
Noong ang babae ay nahuling nakikiapid, dinala siya sa Tagapagligtas, mahinhin niyang sinabi sa natatakot na babae: “Hindi rin kita huhusgahan; humayo ka, at huwag nang magkasala.” (Juan 8:11, FSV) Sa mga salitang “humayo ka, at huwag nang magkasala” ay ang kapangyarihan na magpapagana sa kanya na gawin ang mismong bagay na iyon. Ang kapangyarihang iyon ay nandoon pa rin, naghihintay lamang para sa kamay ng pananampalataya na kunin at angkinin ito.
Ito ay kung paano tayo magtatagumpay sa anuman at bawat nalalamang kasalanan. Binuksan ni Pedro ang kanyang ikalawang sulat sa napakagandang paliwanag:
Sumagana nawa sa inyo ang biyaya at kapayapaan ni Yah sa pamamagitan ng inyong pagkakilala sa kanya at sa ating Panginoong Yahushua. Ipinagkaloob niya sa atin sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Yah ang lahat ng bagay na kailangan natin sa buhay at sa pamumuhay nang tapat sa kanya. Ito'y sa pamamagitan ng ating pagkakilala sa kanya na tumawag sa atin ayon sa kanyang karangalan at kaluwalhatian. Sa pamamagitan ng mga ito'y ibinigay niya sa atin ang kanyang mga mahahalaga at dakilang pangako upang kayo'y maging kabahagi sa kanyang kalikasan bilang Eloah, yamang nakaiwas na kayo sa kabulukang nasa sanlibutan dahil sa masamang pagnanasa. (2 Pedro 1:2-4, FSV)
Nagbigay si Yahuwah ng isang pangako upang matugunan ang bawat pangangailangan.
“Kaya't lumapit tayo na may lakas ng loob sa trono ng biyaya, upang tumanggap tayo ng awa, at makatagpo ng biyaya na makatutulong sa panahon ng ating pangangailangan.” (Hebreo 4:16, FSV)
1 Noah Webster, American Dictionary of the English Language, 1828 ed.