Paghahanda sa Sakuna: Ang Tungkulin ng Kristyano
Nakahanda ka na ba sa mga araw na paparating? Nalalaman mo ba kung paano maghanda?
Walang duda, tayo ay nabubuhay sa mga araw ng pagtatapos ng kasaysayan ng daigdig. Sa mga lumipas na taon, sinumang nagturo ng katapusan ng sanlibutan ay pinagtawanan at binalewala. Ngayon, gayunman, dahil sa mga bagong pangyayari sa mundo, ang mga tao ay nagising na sa pagkaseryoso ng mga panahon kung saan tayo nabubuhay.
Ang katunayan na ang katapusan ay malapit na ay lumikha ng isang pag-aalinlangan sa mga mananampalataya. Sa kaalaman na ang katapusan ay malapit na, ano ang tungkulin ng isang Kristyano?
Syempre, ang pinakamahalagang mga paghahanda na maaaring gawin ng sinuman ay espiritwal. Ito ay isang bagay na dapat na magawa sa isang indibidwal na batayan. Walang sinumang maliligtas sa relasyon ng iba sa Ama. Ngunit ano naman ang mga pisikal na paghahanda? Ilan sa mga Kristyano ay natatakot na ang mga pisikal na paghahanda ay nagpapakita ng kakulangan ng pananampalataya sa kakayahan ni Yahuwah na magbigay.
Ang katotohanan ay, ang pisikal na paghahanda para sa mga paparating na araw ay isang Biblikal na kahalagahan. Ito’y hindi nagpapakita ng kakulangan ng pananampalataya kay Yah. Kabaligtaran nito, maraming mga sipi sa Kasulatan ang nagtuturo ng kahalagahan ng pamumuhay ng pananalig ng tao sa pamamagitan ng mga paghahandang pisikal!
Ipinahayag ni Solomon:
“Ang mabait na tao ay nakakakita ng kasamaan at nagkukubli: nguni’t dinadaanan ng musmos at nagtitiis.” (Kawikaan 22:3, ADB)
Ipinakita ng Hebreo 11 si Noe bilang isang halimbawa ng pananampalataya.
“Sa pamamagitan ng pananampalataya, pinakinggan ni Noe ang babala ng Diyos tungkol sa mga bagay na hindi pa niya nakikita, kaya’t siya’y gumawa ng isang daong para sa kaligtasan ng kanyang sambahayan. Sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanlibutan, at siya’y naging tagapagmana ng pagiging matuwid na bunga ng pananampalataya.” (Hebreo 11:7, FSV)
Maaaring panatilihin ni Yahuwah si Noe at ang kanyang pamilya mula sa baha. Tiyak na mayroon Siyang kapangyarihan na gawin ito! Gayunman, si Noe ay kailangan na makipagtulungan. Ibinigay ni Yahuwah ang babala, ngunit nasa pasya ni Noe na kumilos batay sa babalang iyon.
Si Jose rin, ay naghanda para sa pitong taon ng pagkagutom. Sa panahon ng pitong araw ng kasaganaan, siya ay nagpagawa ng malawak na kamalig upang magtago ng mga butil na gagamitin sa panahon ng paparating na taggutom. Maaaring magpadala si Yah ng mana para panatilihin ang mga buhay sa panahon ng pitong taon ng pagkagutom. Muli, Siya ay may kapangyarihan na gawin ito!
Ngunit hindi ito kung paano Siya gumawa.
Si Yah ay nagbibigay ng babala. Nasa atin ang pasya kung kikilos sa payong iyon. Sa pakikinig sa kautusan na ibinigay at gumawa ng mga paghahanda, tayo ay nabuhay sa pananampalataya sa salita ni Yah. Ang Kasulatan ay naglalaman ng mga lubos na detalyadong babala ng mga pangyayari sa hinaharap. Ang mga propesiyang ito ay ipinakita na ang panahon ay paparating kapag ang lahat ng tumangging tanggapin ang tanda ng halimaw ay pagbabawalan ng karapatang magbili o magbenta.
Syempre, si Yahuwah ay mayroong kapangyarihan na panatilihin ang Kanyang bayan sa mga ganoong krisis. Gayunman, ang mga kwento ng Kasulatan ay ipinapakita na ang mga mananampalataya ay hindi lamang uupo, maging kampante, at asahan si Yahuwah na ang bahala sa lahat.
Gumagawa si Yahuwah sa Kanyang bayan sa pamamagitan ng pagpapala ng kanilang mga pagsisikap, ngunit ang bawat isa ay gagawin kung ano ang maaari nilang paghandaan. Una, makiusap para sa banal na patnubay. Manalangin nang lubos na partikular. Ang mga tiyakang panalangin, ay nakakakuha ng mga tiyakang kasagutan. Sunod, simulang mag-ipon ng mga impormasyon. Habang ginagawa mo ito, ipapakita sa iyo ang susunod na hakbang na gagawin. At ang susunod. At ang susunod.
Sa bawat hakbang ng landas, manalangin nang tiyakan, mag-ipon ng mga impormasyon, at lumakad nang pasulong sa pananampalataya.
Mayroong kalinga sa maraming bilang at madalas ang mga tao ay naghahangad ng kumpirmasyon na ginagawa nila ang tamang bagay sa pagpapaligid ng sarili sa iba na ginagawa (o pinaniniwalaan) ang kaparehong bagay.
Gayunman, ito ay maaaring isang patibong. Ang mga grupo ay nakakaakit ng mas maraming pansin. Ang bayan ni Yah ay tinawagan na manatiling mag-isa at may kaligtasan sa pagiging kalat-kalat. Kaunti rito, ang kaunti roon na nabubuhay nang tahimik ay nang-aakit ng kaunting atensyon.
Ang lahat ay kailangan si Yah na manguna nang pang-indibidwal dahil ang bawat isa ay mayroong tiyak at natatanging kalagayan. Bawat bansa ay naiiba, gaya rin ng klima at mga batas ng bawat isa. Bawat pamilya, at bawat indibidwal, ay mayroon, tiyakang pangangailangan na nangangailangan ng direkta, banal na patnubay.
Madalas ang mga tao ay nais na maging konektado sa iba na gumagawa rin ng mga paghahanda para sa araw na paparating. Muli, nakikita nila na may kaligtasan sa maraming bilang. Nais nila ang kasiguraduhan ng pagkakaroon ng isang ugnayan na naiisip nila gaya ng ginagawa nila.
Wala namang mali dito, ngunit laging tandaan na ang iyong kaligtasan ay nasa kay Yahuwah. Sinasabi ng Kawikaan: “Ang kabayo ay handa laban sa kaarawan ng pagbabaka: nguni’t ang pagtatagumpay ay sa kay Yahuwah.” (Kawikaan 21:31)
Ang pakikipag-ugnayan sa iba ay maaari lamang magawa matapos matanggap ang isang malinaw na direktiba mula kay Yahuwah na ito ay Kanyang kalooban. Ang grupo ay tangi lang na malakas gaya ng pinakamahinang kawing nito. Dapat na magtatag ng isang ugnayan ng iba kung direktang inutos ni Yah sa iyo na ang ibang tao ay maaasahan at ligtas na pagkatiwalaan.
Si Yahuwah lamang ang nakakaalam ng hinaharap; Siya lamang ang nakakaalam kung sino ang nananatiling matapat sa Kanya sa mga araw na paparating. Ang sinuman ay maaaring sabihin, “Matanda na ako; Mahina na ako; Nahihirapan akong maghanda.” Tandaan: Hindi mo ginagawa ito sa iyong sariling lakas. Si Yahuwah ang gagawa nito para sa iyo, ngunit kailangan mong gawin ang iyong bahagi sa pamumuhay sa iyong pananampalataya.
Ipinahayag ni Santiago:
“Mga kapatid, ano ang pakinabang kung sabihin man ng isang tao na mayroon siyang pananampalataya, ngunit hindi naman ito nakikita sa gawa? Maililigtas ba siya ng ganoong uri ng pananampalataya? Halimbawang ang isang kapatid ay walang maisuot at walang makain sa araw-araw, at ang isa sa inyo ay magsabi sa kanya, ‘Pagpalain ka ni Yahuwah; magbihis ka't mabusog,’ ngunit hindi naman ninyo ibinibigay ang mga kailangan ng kanyang katawan, ano'ng pakinabang niyon? Gayundin naman, ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay patay.
“Ngunit may magsasabi: Mayroon kang pananampalataya, at mayroon naman akong gawa. Ipakita mo sa akin ang pananampalataya mong walang kalakip na gawa, at ipapakita ko naman sa iyo ang aking pananampalataya sa pamamagitan ng aking mga gawa.” (Santiago 2:14-18, FSV)
Wala nang panahon para itama ang mga pagkakamali. Kapag gumawa ka ng ganap na pagsuko sa Ama, kapag matukoy mo na sundin ang Kanyang patnubay sa lahat ng bagay, pangungunahan ka Niya at iyong pamilya sa isang landas na ligtas na sundan.
Huwag nang maghintay! Magsimula na! Wala nang maraming oras na nalalabi! Kapag ikaw ay naghintay hanggang ang mga ulo ng balita ay nagpahayag ng kagipitan, ikaw ay matagal na naghintay.