Paghahanda sa Sakuna: Mga Benepisyo ng Probinsyang Pamumuhay
“Pinatatakan nito ang kanang kamay o noo ng lahat—ang mga hamak at ang mga dakila, ang mayayaman at mahihirap, ang mga malaya at mga alipin, upang walang sinuman ang makabili o makapagtinda kung walang tatak ng pangalan ng halimaw o bilang ng pangalan nito.” (Pahayag 13:16 at 17, FSV) |
Sa lahat ng kaguluhan at pagbabaka-sakali sa tanda ng halimaw, ang isang punto na nakakaligtaan ay ang pagdating ng panahon kung kailan “walang sinuman ang makabili o makapagtinda kung walang tatak ng pangalan ng halimaw o bilang ng pangalan nito.”
Syempre, ang pinakamahalagang paghahanda na maaaring gawin ng sinuman ay espiritwal. Ngunit nais rin ni Yahuwah na ang mga mananampalataya ay gumawa rin ng mga pisikal na paghahanda. Sapagkat Siya ay nagbigay ng mga propesiya ng Bibliya—kaya ang mga Kristyano ay maaaring malaman kung ano ang darating at maghanda, espiritwal at pisikal.
Lisanin ang mga siyudad!
Isang mahalagang bahagi ng pisikal na paghahanda ay lumayo sa mga siyudad. Sa mga araw na paparating, ang mga siyudad ay magiging mga mapanganib na lugar. Sa bayan, ang iyong pag-iral ay ganap na batay sa kakayahang bumili ng pagkain at tubig, pagbayad ng renta, kuryente, petrolyo, atbp.
Sa ibang salita, ang kakayahan mong umiral ay ganap na batay sa kakayahan na bumili at magbenta. Sa kadahilanang ito kaya mahalaga na ang lahat ng bayan ni Yahuwah ay agad na magsimulang gumawa ng mga paghahanda na lisanin ang mga siyudad. Ito ay hindi isang bagay na maaaring gawin nang magdamag. Ito’y nangangailangan ng panalangin at banal na patnubay, kaya walang sinumang magpapaliban sa pagsisimula ng proseso.
Magpalaki ng iyong sariling pagkain
Ang probinsyang pamumuhay ay isang mahalagang pangangailangan para sa huling henerasyon. Hindi lamang ito makabubuti para sa iyong pisikal na kalusugan, kundi ito’y nagpapahintulot sa iyo na magkaroon ng pagkakataon na magpalaki ng iyong sariling kakainin. Simulang maghanap ng isang lugar sa probinsya kung saan maaari mong pangunahan ang iyong pinagkukunan ng pagkain. Matutunan kung anong partikular na pagkain ang lalago nang mabuti sa iyong lugar. Bawat lugar sa daigdig ay may tiyak na batayang sangkap na mabuting angkop para sa pagpapalaki sa klima na iyon. Matutunan kung anong lumalaki nang mabuti saan ka man namumuhay.
Tandaan na ang mga binhi na binago ang genetiko ay hindi nagbibigay ng mga halaman na ang mga binhi ay hindi nagbibigay ng mas maraming halaman. Siguraduhin na gumamit ng mga hinirang na binhi kaya palagi kang may paraan na magtanim para sa susunod na ani. Kung hindi ka pa nagpalago ng isang hardin, simulan na rin ang pagsasaliksik. Ang mga kasanayang ito ay dapat na kailangan ng sinuman.
Pagpapanatili ng Pagkain at Pagkakaimbak
Karagdagan sa pagpapalaki ng iyong pagkain, matutunan ang iba’t ibang paraan ng pagpapanatili ng pagkain na pinapalaki mo. Ang ilang pagkain ay maaaring panatilihin sa pamamagitan ng paglalata o pagpapatuyo, pagpapaalat o pagpapalamig. Matutunan kung anong pamamaraan ang pinakamahusay para sa mga pagkain na lumalaki sa iyong klima.
Matutunan kung paano ang pinakamahusay na pagpapanatili ng mga tuyong pagkain rin. Ang mga dahon ng laurel na idinagdag sa mga tuyong patani ay hindi lalapitan ng mga insekto. Ang mga itlog na pinalubog sa lalagyan na may tubig, o sodium silicate, ay maaaring magtagal ng isang taon. Ito ay impormasyon na ipinamana sa mga henerasyon, subalit kinalimutan na ng mga tao ngayon na mayroong madaling pinagkukunan sa mga palengke o grocery stores.
Sa mga huling araw na ito, karamihan sa mga pagkain ay kulang na sa sustansya. Ang tuntunin ng pagkain para sa mahusay na nutrisyon ay mas mahalaga pa sa pagpapanatili sa isang mahigpit na gulay lang na dyeta. Ang pangangailangang pandyeta ng lahat ay naiiba at ito’y dapat na kunin sa talaan. Sa probinsya, maaari kang magpalaki ng mga manok at kambing, maging baka. Kapag ang iyong pag-aari ay may malaking palaisdaan, isaalang-alang ang produksyon ng mga isda rito. Ang punto ay para magkaroon ng sariwa, malusog na mga hayop. Ang pagpapalaki ng mga hayop sa isang komersyal na kapaligiran ay madalas may sakit na o pinalaki nang puno ng mga antibyotiko.
Ito’y nangangailangan ng panahon para matutunan kung paano mamuhay nang malaya mula sa mga pinalaki at binentang pinagkukunan ng pagkain sa komersya. Simulan na ngayon!
Sa isang probinsyang kapaligiran, may pagkakataon ka rin na gumawa ng mga koneksyon sa ibang namumuhay sa malapit lang. Maging pamilyar. Matutunan ang mga produktong ginagawa nila. Makaya na magbarter at mangalakal para sa anong kailangan ay isang paraan na maaari mong ibigay sa iyong pamilya kapag ang pagbili at pagbenta ay tinanggal na.
Ano ang sa kalagayan ng tubig?
Kapag naghahanap ng lupa sa probinsya, siguraduhin na ang pinagkukunan ng tubig ay hindi nakabatay sa kuryente. Ang isang taong ikot ng pagtakbo ng batis na may sapat na buhos para magbigay ng grabidad na agos ng tubig ay uliran, ngunit hindi lamang na solusyon. May iba pang pagpipilian, gaya ng mga solar panels o mano-manong pagbomba para sa mga balon. Ang ilan ay mayroong bukal na maaaring paunlarin.
Maraming lugar sa mundo ang nag-iipon ng tubig ulan mula sa bubong. Kapag may sistema ng pagsasala, ito’y maaaring inumin. Anuman ang pinagkukunan mo ng tubig, gawing tiyak na may paraan ka na makuha ito kapag hindi ka na bumili ng kuryente. Kung walang tubig, ang piraso ng lupain ay walang halaga ano pa man.
Mga Tungkulin sa Klima
Ang mga kasukdulan ng klima ay nagpapakita ng natatanging pagsubok sa pamumuhay sa probinsya. Ang mga lugar na nakararanas ng matinding init ay kailangan na magsaliksik ng mga paraan upang pahanginan ang kanilang mga tahanan nang makalikasan, gaya rin sa mga lugar ng matinding lamig na kailangan ng plano para sa ikalawang pinagkukunan ng pagpapainit, muli, hindi umaasa sa kuryente.
Ang simpleng pamumuhay, namuhay nang tahimik sa isang probinsya ay uliran para sa pagpapaunlad ng mga katangiang naaangkop sa Langit. Ang palagiang artipisyal na pagpapasigla ng buhay sa siyudad, ang matatag na pagkakalantad sa mga makamundong batayan, ay mayroong nakapipinsalang epekto sa kaluluwa. Lalo na ang mga bata na dapat palakihin sa isang mala-probinsyang kapaligiran. Ang isang buhay sa kalikasan ay nilalapit ang puso sa Manlilikha.
Probinsyang Pamumuhay: Kailangan para sa Huling Henerasyon
Hindi posible na gumawa ng ganoong pagbabago ng istilo ng pamumuhay kung walang pagmamalasakit sa sarili at banal na patnubay. Ito’y nangangailangan ng mas maingat na kaisipan at paghahanda upang gumawa ng paglipat sa isang maingat na naplanong paraan. Gayunman, kung ibababa mo ang lahat sa Ama, gagabayan ka Niya sa lokasyon na makakabuti para sa iyo. Papaganahin Niya sa iyo ang mga nararapat na pagbabago kaya ikaw at iyong pamilya ay magiging ligtas sa mga paparating na araw.
Ito ay isang proseso na nangangailangan ng ilang panahon, at wala nang maraming panahong nalalabi! Manalangin para sa patnubay. Simulan nang mag-ipon ng mga impormasyon ngayon at habang ginagawa mo ito, makikita mo ang susunod na hakbang na gagawin. Ang panahon ay darating kung kailan hindi ka makakabili o makakabenta maliban na lang kung sasang-ayon ka na tanggapin ang tanda ng halimaw. Maging handa sa oras ngayon sa paglisan sa mga siyudad patungo sa mga tahanan sa probinsya kung saan maaari kang magpalaki ng iyong pagkain at maging malaya mula sa mga panghihimasok ng mga kaaway.