Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Ito’y sinisiyasat ang nauugnay at hindi mapaghihiwalay na mga papel ng parehong lalaki at babae sa tahanan at Ekklesia. Nilikha tayo ni Yahuwah upang tuparin ang Kanyang layunin sa napakadakilang mga pagpapala, ngunit ang ating pang-kulturang kaisipan ay pinilipit ang ating pagkakaunawa ng Kasulatan. Sa maraming pagkakataon, ang mga papel ng mga kasarian ay binaligtad. Hindi tayo maaari sa kapayapaan hanggang tuparin natin ang nilalayon ni Yahuwah.
Narito, ating sisiyasatin ang position ng babae sa pamilya at Ekklesia ayon sa Kasulatan. Ang papel ng lalaki dahil dito ay nagiging napakalinaw, at ang hindi maiiwasang mga kutya ng mga manunuya, kabilang ang kasalukuyang ‘samahang liberal ng mga kababaihan, atbp.’ ay kukupas sa harap ng kalayaan na inalok ni Yahushua.
Sa Simula
Ang papel ni Adan/lalaki mula sa simula.
Genesis 1:26.
Nilikha ng Elohim si Adan ayon sa Kanyang larawan upang magkaroon ng kapangyarihan sa lahat ng nilikha, ngunit walang ‘kailangang lingkod’ para sa kanya.
Genesis 2:18.
Pinangalanan ni Adan ang mga nilikha, nagpapatotoo ng kanyang kapangyarihan sa kanila.
Mga kaparehong halimbawa: Muling pinangalanan si Jacob bilang Israel, si Abram ay naging Abraham, pinangalanan ni Yahuwah ang Kanyang anak na si “Yahushua,” pinangalanan ng mga magulang ang kanilang mga anak, muling pinangalanan ni Yahushua si Simon na Kepha o Pedro. Pinangalanan ni Yahuwah ang Kanyang sarili sapagkat walang nakahihigit. Ang tao, gayunman, ay naghahangad ng kadakilaan sa pagpapangalan sa Kanya (Adonai, Panginoon, Diyos, atbp.).
Ang solusyon sa kakulangan ng ‘kailangang lingkod’ ay – si Eba.
Genesis 2:21-24 Ang babae ay nananatili na pinakamahusay na kaloob ni Yahuwah sa lalaki at nararapat na ibigin at itatangi ngayon bilang isang gawa ng pasasalamat kay Yahuwah.
Pinangalanan ni Adan ang kanyang “babae” (Hebreo: Isha), Eba (“Chawah”, sa Genesis 3:20). Siya ang “kailangang lingkod” ng lalaki at hindi magkakaroon ng kapangyarihan sa kanya. Maaari tayong makatiyak na wala siyang problema sa pagkakaunawa ng kanyang layunin (ng babae). Kung matupad ang kontribusyon ng babae, matatanggap niya ang isang katumbas na gantimpala (Mga Bilang 31:26-27, 1 Samuel 30:24).
Sila’y sumuway at bumagsak.
Ang pagsuway kay Yahuwah ay naghatid ng pinaka hindi mapaniniwalaang pagkawasak na naitala. Ito’y nagdulot ng kamatayan ng unang bugtong na Anak ni Yahuwah, si Yahushua, para sa ating mga kasalanan.
Genesis 3:1-15.
Nagsimula nang mabuti si Eba sa pagsipi ng mga salita ni Yahuwah, gaya ng ginawa ni Yahushua sa Mateo 4:1-10. Gayunman, siya’y sumuko sa tukso kaya maaari siyang bumangon na mangibabaw sa nilikhang antas at maging kagaya mismo ni Yahuwah, “magiging gaya ng Kataas-taasan” (Isaias 14:14). Ang pagkawasak ng sanlibutan ay ang resulta. “At si Adam ay hindi nadaya, kundi ang babae nang madaya ay nahulog sa pagsalangsang.” Bigo siya na pangunahan, panaigin at pawalang-bisa ang kanyang mga gawa sa kalagayang ito. 1 Timoteo 2:14.
Ang lalaki ay mayroong papel sa pagkakaroon ng mga anak, ngunit ang pangako ng tagumpay laban kay Satanas ay ibinigay sa babae. Si Yahushua ay mayroong Yahuwah bilang Kanyang Ama dahil sa Kanyang mala-birhen na kapanganakan ng isang babae. Bigo si Adan na sanayin ang kanyang kapangyarihan sa ahas, ngunit si Yahushua ay hindi nagpatalo at bagama’t sugatan, napagtagumpayan niya ang lahat ng mga tukso. Kaya siya ay karapat-dapat na tanggapin ang lahat ng kapangyarihan at awtoridad (Mateo 28:18). Maaaring maging lider ng sanlibutang ito si Satanas, ngunit sa Mesias tayong muli ay mayroong kapangyarihan laban sa kanya – Lucas 10:19, Colosas 2:12, 2 Timoteo 2:11. Nakalulungkot, ilan ay pinili na maging mga anak ni Satanas – 1 Juan 3:8-10.
Ang pagdadala ng mga anak ng Elohim ay kalooban ni Yahuwah para sa pag-aasawa kung saan ang mga kalalakihan at kababaihan ay dapat na makipagtulungan at hindi magiging mga sagabal. Malakias 2:13-16.
Ang kasalukuyang tulin ng diborsyo ay napakalinaw na ebidensya ng ating kawalan ng pagkakaunawa ng kalooban ni Yahuwah – sapagkat ang isang lalaki ay magiging kagaya ni Yahushua (Efeso 5:25) at isang babae/ang Ekklesia, ang kanyang asawa (Efeso 5:22). Ito ay para itayo ang kaharian ni Yahuwah at wasakin ang mga gawa ng diyablo.
Ginawang malinaw ng Genesis 3:16 na ang babae ay mananatili sa ilalim ng kapangyarihan ng kanyang asawa. Ang mahinang pasya ni Adan ay pinarusahan dahil “dininig niya ang tinig ng kanyang asawa.” (Genesis 3:17-19). Gayunman, ang awtoridad ng lalaki upang baligtarin/panaigin ang mga pasya ng kanyang anak na babae o asawa ay nananatili. (Mga Bilang 30:3-13).
Sa Kasulatan ang asawang lalaki ay itinuring bilang “Bah’al” (salitang Hebreo #1166) o May-ari/Panginoon ng asawang babae.
Kawikaan 12:4 – (ADB) Ang mabait <2428> na babae <802> ay putong <5850> sa kaniyang asawa <1167>: nguni’t siyang nakahihiya <954> <8688> ay parang kabulukan <7538> sa kaniyang mga buto <6106>.
Ang salitang ito na isinalin bilang “asawa” ay ang salitang Hebreo #1167 “Bah’al” sa Strong’s Lexicon ay nangangahulugang “Panginoon, kaya isang asawa o (pigura) isang pagmamay-ari.” Ito ay isinalin bilang “may-ari” nang 14 na beses sa Ang Dating Biblia (ADB).
Ang isang lalaki ay ang “Panginoon/May-ari” ng kanyang asawa, at ang isang matuwid na asawang lalaki ay ituturing siya nang may respeto/dignidad/karangalan. Si Yahushua ang “asawa ng babaeng ikakasal”, ang ekklesia, mga kalalakihan, mga babaeng anak, ang “babaeng ikakasal” ay binili ng kanyang buhay: 1 Corinto 6:19-20. Ang kapangyarihan ng lalaki sa isang babae ay isang resulta ng itinatag na katunayang ito.
Ang “Bagong Tipan?”
Ilan ay inangkin na sa “Bagong Tipan,” ang isang babae ay “pinalaya,” maaari na siyang gumanap ng pamumuno sa ekklesia at kapantay sa awtoridad ng lalaki sa pag-aasawa. Ngunit walang teksto ng “bagong tipan” ang sumasalungat sa “Lumang Tipan.” Sa halip, mayroong pagtataguyod:
1 Pedro 3:5-6 / Genesis 18:12 tinatawagan ni Sara si Abraham na “Adonai” na nangangahulugan na “Panginoon ko.” Isa pa, “tumalima si Sara kay Abraham.” Ang salitang “tumalima” sa 1 Pedro 3:6 sa ibabaw ay Strong’s #5219. Ang terminong “mababang-loob” ay katumbas sa “tumalima.” Ang lalaki ay nanatili sa kapangyarihan.
Tingnan rin – Colosas 3:18, Tito 2:3, Efeso 5:22
Ang mga kalalakihan ay dapat na “manguna sa halimbawa – maging kagaya ni Yahushua, na hindi dumating para paglingkuran kundi para maglingkod!”
Efeso 5:23, 24, 1 Corinto 11:3
Ang papel ng babae ay lubusan ang kahalagahan. Ang mga tungkulin ng lalaki at babae sa pag-aasawa at sa ekklesia ay hindi mapaghihiwalay. Anumang pagkasaliwa ay tuluyang magdudulot sa kaparehong kapahamakan na nasaksihan sa Eden. Ang buong kalupaan ay naghihinagpis dahil rito.
Katahimikan sa Pagtitipon
Ang 1 Corinto 14:34 ay isa sa maraming kontrobersyal na teksto dahil ito ay sumasalungat sa ating kultura ng “malayang” kababaihan at mahihinang kalalakihan. Ang dahilan na ang mga kababaihan ay mananatiling tahimik sa pagtitipon ay sila’y magiging “mababang-loob” sa lalaki. Kinukuha niya ito sa kanyang sarili upang gabayan ang pagtitipon sa kanyang katanungan sa halip na ang pagtitipon ay pamamahalaan ng mga kalalakihan. Ang mga kalalakihan ay dapat na mamuno sa pagtitipon/pamilya/ang sanlibutan tungo sa pagtalima sa kalooban ni Yahuwah.
Ang mga Kababaihan ay maaaring Umawit, Magbasa ng Kasulatan, at Manghula.
Ang isang babae ay maaaring umawit, magbasa ng Kasulatan, magsalita ng mga pangitain “Kaya sinabi ni Yahuwah” – ngunit hindi para abalahin ang pagtitipon. (1 Corinto 14:31-32).
1 Corinto 14:20 Dapat maging tiyakan ang mga kalalakihan na nasa pagkakatugma sa kalooban ni Yahuwah sa lahat ng mga bagay.
1 Timoteo 2:8-14 ay nagbibigay ng mga tuntunin na susundin. Ang mapagpakumbabang puso ng babae ay naipapakita sa moda ng pananamit – sa isang mababang-loob na diwa na tumutupad sa mga kautusan ni Yahuwah.
1 Timoteo 2:15 Pinagpala ni Yahuwah ang babae sa pagdadala at pag-aaruga ng mga bata.
Mga Babaeng Lingkod na Pinagpala ni Yahuwah
Lucas 1:38, 46-48 Si Maria ay isang babaeng lingkod ni Yahuwah. Ang Griyego ay nangangahulugan na “isang babaeng alipin.” Sundin ang kanyang halimbawa at ibubuhos ni Yahuwah ang Kanyang Espiritu sa iyo – Mga Gawa 2:17-18.
Ang mapagmataas na mga kababaihan, inaangkin na ‘puno ng espiritu’ ay pinili na pangunahan ang mga kalalakihan sa pagtitipon. Si Maria ay hindi kailanman inangkin ang isang papel na nagtuturo. Ang kanyang kababaang-loob at kaamuan ay ang nagdadala ng pagpapala.
Ang babaeng propeta na si Debora
Ang mga samahang “liberal ng mga kababaihan” ay hangad na pangatuwiranan ang kanilang pamumuno sa pagtitipon sa pagsipi ng kwento ni Debora, ngunit siya ay isang babaeng propeta na may pangalan upang magpahayag na “Sinabi ni Yahuwah”.
Mga Hukom 4:4-9 ay inilarawan si Barac bilang ‘matakutin’ at si Debora bilang ‘positibong’ hukom.
Mga Hukom 5:2-9 kinilala ni Debora ang papel ng lalaki sa pamamala. Nagsalita lamang siya ng salita ni Yahuwah bilang isang babaeng propeta. Hinatid ni Yahuwah si Barak upang pabagsakin si Jabin, at nagbunyi si Debora noong ang mga lider ay kinuha ang kanilang papel.
Ipinahayag ni Yahuwah kung paano hindi naangkop para sa kababaihan sa papel ng pamumuno:
Sa Isaias 3:12 – ang mga bata at kababaihan ay inilarawan bilang mga maniniil at mga pinuno. Hindi niya nilayon ang mga kababaihan na maging mga pinuno, hindi rin ang mga anak na maging mga maniniil.
Aquila, Priscila
Mga Gawa 18:24-26 Sina Aquila at Priscila ay mag-asawa. Walang nagpapahiwatig na si Priscila ay iniwan ang kanyang papel bilang isang kailangang lingkod at suporta sa kanyang asawa.
Mayroon bang mga babaeng apostol?
Ang Roma 16:7 ay hindi pinangatuwiranan ang mga samahang liberal ng mga kababaihan sa pagtitipon. Ilan ay sinasabi na ang bersong ito kung saan sina Andronico at Junias ay mga “apostol” at si “Junias” ay isang babae. Hindi nito sinasabi na sila’y mga apostol. Sinabi nito na sila’y kilalang kasama ng mga apostol. Tulad nito, sila’y mahalaga sa mga mata ng mga apostol. Ang Griyegong balarila ay itinataguyod ang pagkakaunawang ito. Dagdag pa, hindi malinaw kung ang Junias ay isang pangalan ng lalaki o babae.
Kay Yahushua, lahat ay isa.
Galacia 3:27 Ang ilan ay pinagtibay mula sa bersong ito na ang mga kababaihan ay ‘kapantay’ sa mga kalalakihan sa pagtitipon.
“Isa kay Yahushua” ano ang ibig sabihin nito?
Sa Juan 17:20-21, nanalangin si Yahushua na tayong lahat ang magiging “isa”. Ang ating pag-iisa kay Yahushua at Yahuwah ay hindi ginagawa tayo na kapantay Nila.
Sa 1 Corinto 11:3, ang mga kababaihan ay HINDI nakababa sa mga kalalakihan. Ang lahat ay pantay-pantay pang-espiritwal sa mga mata ni Yahuwah. Sila lamang ay mayroong naiibang papel/tungkulin.
Sa Lucas 10:2, ang mga manggagawa ay parehong kasarian na kusang tatanggapin ang kanilang mga papel. Ang kanyang mga babaeng lingkod ay may kababaang-loob, tahimik, mahinhin, ang mga maybahay, masunurin sa kanilang mga asawang lalaki – at dakila ang gantimpala sa pagkabuhay.
Paglilingkod ng mga babae
Sa Mateo 27:55, ang salitang “pinaglilingkuran” sa bersong ito ay ang kaparehong salitang Griyego na isinalin bilang “dyakono” sa ibang berso. Ang pagiging isang “dyakonisa” sa ekklesia ay hindi nangangahulugan na ang babae ay namamahala o nagtuturo sa mga lalaki.
Sa Roma 16:1, si Febe ay isang dakilang ‘lingkod’ kay Pablo at sa iba. Siya ay hindi lider o guro ni Pablo. Si Febe ay naglingkod sa iba’t ibang pamamaraan upang itaguyod at tulungan ang kapatid.
Ang “dyakono” ay ginamit rin sa ibaba –
Lucas 8:1, ang mga babaeng ito ay ginamit ang kanilang mga paninda upang paglingkuran si Yahushua bilang isang ‘tulong’ sa kanya.
Lucas 4:38-39 ang biyenang babae ni Simon ay “naglingkod sa kanila”. Siya’y nagluto/naghanda ng hapag-kainan para sa kanyang mga panauhin.
Mga Gawa 9:36-39 Isang ebidensya ng mga mabubuting gawa ni Dorcas ay ang mga damit na nilikha niya – isang pagpapala sa pagtitipon.
Mga mabubuting gawa sa Mesias
Ipinunto ng 1 Timoteo 5:9 ang ilan sa mga mabubuting gawa ng mga kababaihan:
[a] Pagpapalaki ng mga bata.
Ang pagiging ina ay isang paglilingkod sa Ekklesia! Kapag ang isang pagtitipon ay puno ng inutusang tahanan, ito ay isang nilalayon/napakagandang halimbawa sa sanlibutan.
Kawikaan 14:1 isang babae ay maaaring wasakin o itayo ang kanyang tahanan, kaya sa isang pagtitipon. Ang mga bata ay maaaring matuto na isang rebelde gaya ni Satanas o maging isang anak ni Yahuwah sa pamamagitan ng kanyang halimbawa.
[b] “kung siya ang naghugas ng mga paa ng hinirang” Ang pagsusuot ng mga sandal sa maruming kalsada na dinaanan ng mga hayop, ginawang sapilitan ang paghuhugas ng mga paa. Ito ay hindi na pinahahalagahan ngayon dahil sa ating moda ng paglalakbay at nakasuot ng sapatos, atbp. Gayunman, ang paghuhugas ng paa ay patuloy na pagpapakita ng kababaang-loob. Ang paglilingkod ni Yahushua ay inihalimbawa sa paghuhugas ng mga paa ng kanyang mga alagad.
[c] “kung pinatirahan niya ang mga banyaga.” Ang paglilingkod sa iba at pakikitungo sa lahat ng kanilang pangangailangan sa isang malinis na tahanan ay maaaring pagtatanggi sa sarili.
Hebreo 13:1-2, Mga Gawa 16:14-15, 1 Pedro 4:9
Sa 1 Corinto 16:15-16, ang sambahayan ni Estefanas ay dumalo upang paglingkuran ang mga hinirang.
[d] “kung hinalinhan niya ang naghihirap” at “kung siya ay masipag na sumusunod sa bawat mabuting gawa.”
Sa Mateo 25:31-46, ang mga pangangailangan sa Ekklesia ay lubos na personal kay Yahushua. Pakinggan ang kanyang babala sa tekstong ito.
Wala ang hindi kasali mula sa paglilingkod.
Mateo 20:27, 28
Nakatuon si Yahushua sa paglilingkod sa iba. Kapareho din ito sa katawan. Ang paghalinhan sa naghirap/gutom/kahinaan. Ang mga gawa sa likod ng eksena ay bukas na gagantimpalaan ni Yahuwah. Ang layunin ng mga kababaihan ay hindi kailanman turuan o pamahalaan ang mga kalalakihan. Sila’y dapat gabayan at turuan ang mga bata at ang mga mas batang babae:
Tito 2:1
Kapag ang mga babae ay bigo na ibigin ang kanilang mga asawa’t anak, nagkukulang ng pagpipigil sa sarili, gumagawa sa labas ng tahanan, atbp., ito’y nagdadala ng pagsisisi at ang salita ni Yahuwah ay nilait. Ito ay mahalaga para sa mga nakatatandang babae na ituro ang mga tuntuning ito sa mga mas bata, kaya ang salita ni Yahuwah ay mapapalaganap at hindi malalait!
Mateo 23:11 – Siya na pinakadakila sa inyo ay magiging iyong lingkod.
Ang Makalangit na Ama ay ang pinakadakilang Lingkod, Siya ay patuloy na naglilingkod sa ating lahat – sa pagbibigay sa atin ng buhay, lahat ng nilikha, maging ang Kanyang bugtong na Anak para sa ating kaligtasan.
Juan 5:19 “Walang magagawa ang Anak para sa sarili niya, kundi nakikita niya ang gawa ng Ama;”
Ang paglilingkod ng buhay na nakasentro kay Yahushua ay nangangailangan ng katapangan. Ang mga duwag ay hindi makakapasok sa kaharian!
Pahayag 21:8 – “Ngunit ang mga duwag ay makukuha ang kanilang bahagi sa lawa ng apoy at asupre.”
Sa bawat bilang sa kanilang nararapat na papel, ang Ekklesia ay lumitaw sa dakilang kapangyarihan at liwanag, ipinapakita ang nilayong paglikha ni Yahuwah:
Mateo 5:14-16 Nawa’y ang iyong liwanag ay kuminang kaya maaari nilang luwalhatiin ang iyong Ama sa Kalangitan.
Kaya mapapakinggan nila:
Mateo 25:21 – ‘Magaling, mabuti at tapat na lingkod!’
Ang artikulong ito ay batay sa isang mas mahabang artikulong isinulat ng lingkod ni Yahuwah Ama, Kapatid na Tom Martincic.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC