Ang liwanag at katotohanan ay kapwa lumalago sa mga sumusunod sa Kordero. Kaya, ang bawat Naghahanap ng Katotohanan na matapat na nakatuon sa pagsunod sa kalooban ni Yahuwah ay, sa huli’y haharap sa sumusulong na liwanag na naiiba sa naunang pinaniwalaan o sinanay. Ang pag-ampon ng bagong patotoong ito ay hahantong sa kanya na humiwalay at bumukod mula sa mga kasamang sumasamba dati, na hindi tinanggap ang mga patotoong ito.
Ang taong may matapat na puso na hindi dumadalo sa simbahan maliban kung pinaniniwalaan niya ang mga itinuturong doktrina na mga patotoong pinagtibay ng Langit. Dahil dito, naging isang napakadaling bagay na lituhin ang katapatan sa simbahan ng sinuman sa katapatan kay Yahuwah. Isang bilang ng madalas sipiing mga teksto ng Bibliya ay lumilitaw na itinataguyod ang ideya na ang Simbahan ay ang tarangkahan sa Langit. Syempre, ilang simbahan ay itinuturo na ang pagiging kasapi sa kanilang sekta ay isang pangangailangan para makamit ang pagpasok sa mala-perlas na tarangkahan.
Isa sa pinakalaganap na sipiing teksto ng Bibliya ay ang pahayag na ginawa ni Yahushua kay Simon Pedro:
“At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magtatagumpay laban sa kanya. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit, at anumang iyong talian sa lupa ay ang natalian na sa langit; at anumang iyong kalagan sa lupa ay ang nakalagan na sa langit.” (Mateo 16:18-19, FSV)
Ang bersong ito ng Bibliya ay ginamit ng Simbahang Katoliko na itinuro na ang kaligtasan ay eksklusibo sa komunyon nito sa loob ng mahigit 1,500 taon.
Iba pang teksto ng Bibliya ay ginamit rin para itaguyod ang paniniwala at malakas na katapatan sa “Simbahan.” “At bawat araw ay idinaragdag sa kanila [ni Yahuwah] ang mga inililigtas.” (Mga Gawa 2:47, MBB)
Sa bersyon King James ng Kasulatan, ang salitang “simbahan” ay ginamit nang 80 beses, lahat ay natagpuan sa Bagong Tipan. Ang problema ay, ang kahulugan ng salitang Ingles ng “simbahan” ay hindi angkop sa kahulugan ng orihinal na salita. Ang salitang ginamit ay ĕkklēsia (Strong’s #1577) at nangangahulugang “isang panawagang lumabas” na kakaiba at napakalayong kahulugan mula modernong pagkakaunawa ng “simbahan.”
Ang diksyunaryo ay binigyang kahulugan ang simbahan bilang:
Isang partikular na katawan ng mga Kristyano na nagkakaisa sa ilalim ng isang anyo ng eklesiyastikong pamahalaan, sa isang kredo, at gamit ang kaparehong ritwal at mga seremonya . . . ang organisadong katawan ng mga Kristyano sa anumang partikular na distrito, siyudad, estado, o bansa; . . . anumang organisadong katawan ng mga Kristyano na sumasaklaw sa kaparehong edipisyo para sa pagsambang pangrelihiyon . . . na ginagawa sa organisadong Kristyanong pagsamba. (Webster’s New Universal Abridged Dictionary)
Ito ay lubos na naiiba mula sa aktwal na salita ng Bagong Tipan na tinutukoy na isang panawagang lumabas. Ang tinimpla na pagkalito ay ang katunayan na maraming tao ay itinuturing na ang “simbahan” at “sekta” ay halos na kaparehong liwanag.
Ang sekta ay “isang klase, kalipunan o koleksyon ng mga indibidwal, tinawag sa kaparehong pangalan.” (American Dictionary of the English Language, 1828) “Pang-sekta” ay nangangahulugang “itinataguyod, o sa ilalim ng kontrol ng isang pangrelihiyong organisasyon.” (Webster’s New Universal Abridged Dictionary)
Ang diin, ito man ay “simbahan” o “sekta,” ay isang organisadong grupo na pinamamahalaan ng ilang herarkikong istruktura. Madalas naiisip ng mga tao ang katawan ng mga mananampalataya na nagtataguyod kasama ang mga handog na pinangasiwaan ng namamahalang katawan, sa marami o kaunting antas, ang pagtakbo ng grupo. Ang pamumuno ay madalas mayroong kapangyarihan na pakahulugan ang istruktura ng mga paniniwala at mga gastusin.
Marahil ang pinakamahalaga ay ang katunayan na ang pamumuno ng isang organisadong “simbahan” ay ipinalagay ang responsibilidad na makipagtulungan sa pamahalaan sa pagpupulong tungkol sa mga pangangailangan na isasaalang-alang na isang legal na entidad. Upang makilala bilang sekta, ilang tiyak na kinakailangang legal, na inilatag ng Estado, ay dapat makamit. Ang mga pangangailangang ito ay naiiba mula sa iba’t-ibang bansa.
Mayroong iba’t-ibang dahilang ibinigay para sa paghahangad ng pagkilala bilang isang organisadong simbahan mula sa pamahalaan. Sa ilang bansa, ilegal na bumuo para sa pagsamba maliban kung ang grupo ng mga mananampalataya ay mayroong pagkilala mula sa kanilang pamahalaan. Sa iba pang bansa, ito ay para lamang sa mga dahilan ukol sa pananalapi kaya ang simbahan ay hindi magbabayad ng buwis.
Bilang isang sekta, bilang kinikilalang legal ng pamahalaan, ay hindi, sa pakahulugan, isang kasalanan. Gayunman, ito’y bumubukas ng pintuan para kay Satanas na makontrol ang simbahan sa huli’y babaguhin ang mga legal na kinakailangan. Kapag ang mga doktrina ng simbahan ay naging mali sa pulitikal na aspeto, nakatutukso na baguhin ang teolohiya upang mapanatili ang ninanais na legal na pagkilala at ang mga kasama nitong benepisyo.
Ito ang nangyari, sa malaki man o maliit na antas, sa lahat ng mga sekta. Kapag ang isang simbahan ay naging isang legal na entidad na kinilala ng Estado nito, umiiral sa pahintulot nito, inilalagay ito sa ilalim ng kontrol ng pamahalaan. Anuman ang pinapahintulutan ng Estado na gawin, ang Estado ay maaari ring bawiin ito.
Ang mga pantahanang simbahan ay hindi lamang isang alternatibong anyo ng pagsamba para sa bayan ni Yahuwah sa mga nalalabing araw ng kasaysayan ng daigdig. Sa halip, ito na lamang ang natitirang buhay na karapatan para sa lahat na “sumamba sa espiritu at katotohanan.” (Juan 4:24)
Lahat ng organisadong sekta ay kinakalkula ang kanilang mga araw ng pagsamba ng modernong kalendaryong Gregorian – ang kalendaryo ni Pope Gregory XIII, ito rin mismo ay isang rebisyon ng paganong kalendaryong Julian. Tulad nito, walang organisadong simbahan sa katunayan ang sumasamba sa Manlilikha sa Kanyang mga banal na araw na dapat ay kinakalkula ng Kanyang itinakdang paraan ng pagpapanatili ng oras: ang kalendaryong luni-solar.
Sa Kanyang dakilang maibiging-kabaitan at awa, pinapatawad ni Yahuwah ang kamangmangan na humahantong sa pagsamba sa mga paganong pagdiriwang. “Pinalampas [ni Yahuwah] ang mga panahon ng kamangmangan. Subalit ngayo'y ipinag-uutos niya sa lahat ng tao sa lahat ng dako na magsisi.” (Mga Gawa 17:30, FSV) Sa pagbabalik ng kaalaman ng tunay na Sabbath, kalkulado ng orihinal na kalendaryo ng Paglikha, wala nang kailangan pa na manatili sa kamangmangan. Lahat ng natutunan ang katotohanan ay ngayo’y mayroong responsibilidad na sundin ang katotohanan.
Upang magpatuloy na dumalo sa isang simbahan na ipinakita ng patotoo ngunit hindi sumunod ukol rito ay nagbibigay ng kahihiyan kay Yahuwah. Sapagkat ang simbahan na pinagpala ng presensya ni Yahuwah, lahat ng nalamang liwanag ay dapat sundin. Ang isang kamalian, itinangi at kinapitan sa harap ng sumusulong na liwanag, ay tatanggihan ang simbahan sa banal na presensya.
Lahat ng tunay na nagmamahal sa Sabbath at sa Manlilikha ay ibabahagi ang katotohanan ng Biblikal na ikapitong araw ng Sabbath sa mga mahal nila sa buhay. Kapag ang patotoong ito ay tinanggal, ang tao na matapat at masunurin na niyakap ang sumusulong na liwanag ay iniwan ng walang ibang pagpipilian kundi lumabas mula sa pakikisama sa simbahan na walang sasang-ayon sa kanya. “Makalalakad baga ang dalawa na magkasama, liban na sila'y magkasundo?” (Amos 3:3, ADB)
Ang tanging organisadong katawan ng mga mananampalataya na kinikilala ni Yahuwah ay ang Tinawagang Lumabas na ang Lider ay si Yahushua at namamahalang katawan ay batay sa Langit. Tungkol kay Yahushua, na pinuno ng tanging grupo ng mga mananampalataya na kinikilala ng Langit, isinulat ni Pablo:
Siya ang ulo ng iglesya [ang mga Tinawagang Lumabas] na kanyang katawan. Siya ang pasimula, siya ang panganay na binuhay mula sa kamatayan, upang siya'y maging pangunahin sa lahat. (Colosas 1:18, MBB)
Ang tunay na “simbahan” ay kinabibilangan ng mga Tinawagang Lumabas, nakakalat sa balat ng lupa. Hindi man kilala sa lupa, ngunit minamahal at pinarangalan sa Langit. Sila ang mga sumusunod sa kanilang Tagapagligtas nang may malalim at tapat na pag-ibig, kusang-loob na tatalikuran ang lahat upang parangalan Siya na may buhay na walang hanggan.
Sila’y para kay Yahushua at nabibilang na mga kasapi ng pamilya ng Langit – isang mas masaganang kaluwalhatian at mas mabigat na karangalan kaysa sa pumasok bilang kasapi ng pinakamalaking makalupang simbahan.
Sa halip, ang nilapitan ninyo ay ang . . . kinaroroonan ng di mabilang na anghel. Ang dinaluhan ninyo ay masayang pagtitipon [Tinawagang Lumabas] ng mga panganay na anak, na ang mga pangalan ay nakatala sa langit. Ang nilapitan ninyo ay [si Yahuwah] na Hukom ng lahat, at ang mga espiritu ng mga taong ginawang ganap. Nilapitan ninyo si [Yahushua], ang Tagapamagitan ng Bagong Tipan . . . . (Hebreo 12:22-24, MBB)
Ipinahayag ng Tagapagligtas ang isang mahalagang alituntunin noong sinabi Niya kay Pilato: “Ang kaharian ko'y hindi sa sanlibutang ito. Kung sa sanlibutang ito ang aking kaharian, ipinaglaban sana ako ng aking mga tauhan upang hindi maipagkanulo sa mga Hudyo. Ngunit hindi mula sa sanlibutang ito ang aking kaharian!” (Juan 18:36, MBB)
Gaya ni Yahushua na nasa sanlibutan ngunit hindi ng sanlibutan, gayon din ang Kanyang mga tagasunod. Sila’y hindi hahanay sa mga organisadong katawang pangrelihiyon na, para sa ngalan ng kaginhawaan, sumasamba sa isang huwad na kalendaryo. Ang Lider ng Tinawagang Lumabas ay si Yahushua. Sapagkat ang Kanyang presensya ay nakatago sa lahat maliban sa itim ng Kanyang mata sa pananampalataya, kaya ang pagsamba ay isang pribadong bagay sa pagitan ng indibidwal na kaluluwa at ni Yahuwah. Ito ay hindi isang panlabas na pagsasagawa sa entablado ng isang herarkikong istruktura kung saan ang iyong mga paniniwala ay dapat may pagkakatugma sa karamihan kapag tinanggap ka na maging kasapi. Ang ganitong pagkakatugma, ay hindi kailanman pinagtibay ni Yahuwah.
Ang pagsamba na katanggap-tanggap kay Yahuwah ay hindi nangangailangan ng isang grupo. Ang mga Tinawagang Lumabas ay kakaunti at madalas nalalaman lamang kay Yahuwah. Sa darating pang panahon, ipapadala Niya ang iba sa iyo ngunit maaaring pangunahan ka Niya na sumamba sa Kanya nang mag-isa. Sapagkat nagsasalita si Yahuwah sa Kanyang mga anak sa munting tinig, nalalaman Niya na ang iyong pinakadakilang pangangailangan ay sambahin Siya nang mag-isa sa katahimikan at munting tinig, upang marinig ang Kanyang bulong nang malinaw, tutugunan ang iyong sariling mga espiritwal na pangangailangan.
Ang huling mensahe ng babala ng Langit ay ipinakita sa sanlibutan sa Pahayag 18 kung saan ang mga umiibig kay Yahuwah ay mga tinawagang lumabas ng Babilonya:
Pagkatapos ng mga ito, nakita ko ang isa pang anghel na bumababa mula sa langit. Taglay niya ang dakilang kapangyarihan; at naliwanagan ng kanyang kaluwalhatian ang daigdig. Sumigaw siya nang napakalakas, “Bumagsak na, bumagsak na ang tanyag na Babilonia! Tirahan na ito ng mga demonyo, kulungan ng bawat maruming espiritu, kulungan ng bawat maruming ibon, at kulungan ng bawat marumi't nakapandidiring hayop. Sapagkat lahat ng bansa ay uminom ng alak ng kanyang kahalayan, at sa kanya’y nakiapid ang mga hari ng daigdig, at mula sa kapangyarihan ng kanyang kaluhuan, ang mga mangangalakal ng daigdig ay nagpayaman.” Pagkatapos, mula sa langit ay narinig ko ang isa pang tinig na nagsasabi, “Lumabas kayo mula sa kanya, bayan ko, upang kayo'y hindi makabahagi sa kanyang mga kasalanan, at upang sa kanyang mga salot ay hindi kayo madamay; sapagkat abot na sa langit ang kanyang mga kasalanan, at binalingan [ni Yahuwah] ang kanyang mga kasamaan.” (Pahayag 18:1-5, FSV)
Ang alak ay isang nakakalasing na inumin na nagpapamanhid sa kaisipan at pinapalito ang mga pandama. Ang “alak” ng Babilonya kung saan ang buong daigdig ay nilasing ay ang pagpapatibay ng huwad na kalendaryo para sa pagtalimang pangrelihiyon. Wala sa mga sumagot sa panawagan na lumayo sa Babilonya ang matatagpuan sa kanyang mga simbahan, sumasamba sa huwad na mga banal na araw.
Malinaw ang Kasulatan. Ang nalalabing “simbahan” ay hindi ang huling organisadong sekta. Sa halip, sila ang huling nalalabi ng Tinawagang Lumabas. Sila ang tinawagang lumayo mula sa lahat ng mga sekta. Ipinapakita ng Kasulatan ang huling henerasyon na sa huli'y humiwalay mula sa Babilonya, kanyang mga simbahan, at mula sa lahat ng mga maling doktrina at mga kasanayan.
Sumapi sa mga Tinawagang Lumabas ngayon. Parangalan Siya na umiibig sa iyo at isinuko ang buhay ng Kanyang Anak para sa iyo at sambahin Siya nang malaya mula sa lahat ng mga pagkakamali at tradisyon. Sumama sa ekklesia ng pasimula.