Ang Doktrina Ng Mga Panghalip Na Inilapat Sa Patotoo ni Kristo Ng Sarili Niya
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Bilang 1. Ang Doktrina ng mga Panghalip ay ipinahayag.
Ang mga panghalip ay mga salitang ginamit bilang mga panghalili para sa mga pangalan ng tao o bagay upang maiwasan ang madalas ng pag-uulit ng kaparehong salita o tunog. Isang personal na panghalip ang isang panghalili para sa pangalan o titulo ng isang tao, at ipinapahiwatig nito ang lahat na ang pangalan o titulo na ipinapahiwatig nito kung ginamit sa kaparehong lugar.
Halimbawa: Si Abraham ay isang mabuting tao, siya ay kaibigan ni Yahuwah, at inibig siya ni Yahuwah at gumawa ng isang tipan kasama niya. Sa pangungusap na ito, isang beses ginamit ang niya at dalawang beses ang siya bilang panghalili para sa pangalang Abraham. Ang kahulugan ay magiging kapareho sa sumusunod na anyo: Si Abraham ay isang mabuting tao, si Abraham ay kaibigan ni Yahuwah, at inibig si Abraham ni Yahuwah at gumawa ng isang tipan kasama si Abraham. Siya at niya, dahil dito, ay mga panghalip. Ang salitang pantao ay ginamit sa anumang intelihenteng katauhan – kay Yahuwah, kay Kristo Yahushua, sa sinumang anghel, o sa sinumang tao, nasa katawan man o sa labas ng katawan.
Bilang 2. Ang Doktrina ng mga Panghalip ay inilapat.
Hayaan ang mga naunang pangungusap na ilapat sa paraang Trinitaryan ng pagpapaliwanag ng patotoo ni Kristo na sumasangguni sa kanyang pagkadepende kay Yahuwah. Nalalaman nang mabuti na ang mga Trinitaryan ay inampon ang ipotesis na ito na si Kristo ay si Yahuwah at tao sa isang katauhan. Narito’y mayroon tayong dalawang natatanging kaisipan sa isang katawan, ipinalagay na nagkaisa at nakilala sa isang katauhan, si Kristo Yahushua. Ang posibilidad ng ganoong pag-iisa ay hindi ko tatanggihan o tatalakayin. Ako’y walang kabatiran sa paksang iyon. Ngunit inaamin ang ipotesis na tama, malinaw na ang tao ay walang halaga sa Diyos sa katauhang ito. Ang Kabanalan ay dapat na sa kabuuan, ukol sa kasapatan, sa mga operasyon, at ang kaluwalhatian ni Kristo. Sa kasong ito, sa unang ipinahayag, ilan sa mga bagay ay maaaring tunay na pagtibayin ng isang bahagi ng tao, na hindi maaari sa pagiging angkop ay sabihin ang iba. Subalit kapag sinasabi ni Kristo o sinumang tao, kaya ko, o hindi ko kaya ito o iyon, ang panghalip na niyayakap ko ang lahat ng mga kapangyarihan ng katauhan. Lahat ay aaminin na magiging masagwa para sa akin na sabihin na, “Hindi ko maisip,” na inaasahan upang linisin ko ang aking sarili mula sa kamalian na tinanong sa pagsasabi na nagsalita lamang ako ng aking katawan o aking hinliliit. Ganoon kaawa-awa ang pamamaraan na inampon sa pagpapaliwanag ng wika ni Kristo. Sinabi niya, “Wala akong magagawa sa sarili ko lamang; ang Ama na nasa akin, ang gumagawa ng mga gawa.” “Higit ang Ama kaysa sa akin.” Kapag ang ganoong wika ay hinimok bilang patotoo na si Kristo ay hindi ang may kasarinlan na Yahuwah, ang mga Trinitaryan ay makikipagsapalaran na sabihin na, sa mga ganoong pagpapahayag, “nagsasalita lamang si Kristo ng kanyang pantaong kalikasan. Bilang isang tao, siya ay umaasa, subalit bilang isang Diyos, siya ay may kasarinlan.”
Hayaan ngayon na ipalagay na, sa paglilitis kay Kristo sa harap ng Sanhedrin ng Hudyo, siya’y tinanong dahil sa kanyang ibig sabihin sa madalas na pagpapahayag ng kanyang pagkadepende kay Yahuwah; ipinalagay rin na ibinigay ang Trinitaryan na pagpapaliwanag, sinasabi, “Sinasalita ko lamang ang pantaong kalikasan ko lamang; subalit ako si Yahuwah, katumbas sa aking Ama. Sa katunayan, ako ang Diyos ni Abraham, na sinamba ng iyong mga ninuno, at ipinahayag na sasambahin mo.” Hindi ba ang kanyang mga paghahatol ay mayroong batayan para sa isang mas malubhang akusasyon kaysa sa nagkaroon sila sa kanyang angkin na siya ang Anak ni Yahuwah? Malamang ay hindi sila lubos na makatarungan nang sinabi sa kanya, “Marahil ang wika na inampon mo sa iyong pagtuturo sa mga tao ay malabo at mapanlinlang, o anumang sinabi mo ay tiyak na mali. Iginigiit, dahil ginawa mo, na ikaw ay walang magagawa sa iyong sarili bilang isang buong pagpapahayag na ikaw ay walang angkin na itinuring bilang si Yahuwah. Paano mo aasahan ngayon na maniwala sa pagsasabi na ikaw ay Diyos na katumbas sa Ama? Dagdag pa, sino ang unang nakarinig nitong Ama ng Diyos ni Abraham?”
Subalit walang ganoong mabigat na akusasyon na maaaring dalhin ng kanyang kaaway laban sa “Tapat at Totoong Saksi.” Hindi kailanman, naniniwala ako, ang Mesias, sa anumang pagkakataon, sumasalungat sa kanyang patotoo tungkol sa kanyang pagtitiwala, para ipahiwatig maging sa kanyang mga apostol na siya ay Diyos at tao sa isang katauhan; o siya sa anumang diwa o paraan ang malayang Yahuwah. Hindi rin lumilitaw na ang kanyang mga apostol ay naunawaan siya upang igiit ang kanyang kasarinlan o pag-iral sa sarili.
Bilang 3. Ang pangangalaga ni Juan upang maiwasan ang mga maling pagkaunawa.
Si Juan ay isang alagad na inibig ni Yahushua, ang huli sa mga Ebanghelista na nagsulat ng kanyang kasaysayan, at ang nagtala ng mga diskurso kung saan si Kristo ay pinakatahasang iginiit ang kanyang pagkadepende kay Yahuwah, para sa kanyang komisyon at awtoridad, kanyang karunungan at kapangyarihan, sa lahat ng sinabi at ginawa niya. Sa maraming pagkakataon, nagpamalas si Juan ng espesyal na pangangalaga upang ang mga salita ni Kristo ay maunawaan o upang maiwasan ang anumang maling pagkaunawa ng kanyang ibig sabihin. Hindi lamang niya ipinaliwanag ang ilan sa mga pangalan at titulo, gaya ng Cephas, Thomas, Siloam, Rabi, at Mesias, kundi isinalaysay niya rin ang kahulugan ng Kristo sa ilang pagkakataon, kung saan mali ang pagkakaunawa sa kanya ng kanyang mga tagapakinig at ilan sa mga ito ay marahil mali din ang pagkaunawa ng mga mambabasa ng kanyang kasaysayan.
Sa ikalawang kabanata, sinabi sa atin na sinabi ng mga Hudyo kay Yahushua: “Anong tanda ang maipakikita mo sa amin, yamang ginawa mo ang mga bagay na ito?” Sumagot si Yahushua at sa kanila’y sinabi, “Igiba ninyo ang templong ito, at aking itatayo sa tatlong araw.” Sa kanilang tugon, ang mga Hudyo ay ganap na ipinakita na hindi nila naunawaan kung ano ang ibig niyang sabihin tungkol sa templo. Dahil dito’y hindi ipinalagay ni Yahushua ang pananagutan sa kanya upang itama ang kanilang pagkakamali. Ngunit baka ang mga mambabasa ay humantong sa isang kawalan tungkol sa kahulugan ni Kristo, dahil dito’y ipinapaliwanag ni Juan: “Datapuwa’t sinasalita niya ang tungkol sa templo ng kaniyang katawan” (berso 18-21).
Sa kabanata 6:64, sinabi ni Yahushua sa kanyang mga tagapakinig, “Datapuwa’t may ilan sa inyong hindi nagsisisampalataya.” Ipinapaliwanag ni Juan, “Sapagka’t talastas na ni Yahushua buhat pa nang una kung sino-sino ang hindi nagsisisampalataya, at kung sino ang sa kaniya’y magkakanulo.”
Juan 7:38, 39: Sinabi ni Yahushua, “Ang sumasampalataya sa akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, ay mula sa loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig na buhay. Sa metaporikong wikang ito, sinisiyasat ni Juan, “Nguni’t ito’y sinalita niya tungkol sa Espiritu, na tatanggapin ng mga magsisisampalataya sa kaniya: sapagka’t hindi pa ipinagkakaloob ang Espiritu [iyon ay hindi ibinigay mula sa bumangong Kristo]; sapagka’t si Yahushua ay hindi pa niluluwalhati.”
Juan 11:11, 12, 13: Sinabi ni Yahushua sa kanyang mga alagad, “Si Lazaro na ating kaibigan ay natutulog; nguni’t ako’y paroroon, upang gisingin ko siya sa pagkakatulog.” Sinabi nga ng mga alagad sa kaniya, “Panginoon, kung siya’y natutulog, ay siya’y gagaling. Ipinapaliwanag ni Juan, “Sinalita nga ni Yahushua ang tungkol sa kaniyang pagkamatay: datapuwa’t sinapantaha nila na ang sinalita ay ang karaniwang pagtulog.”
Juan 12:32: Sinabi ni Yahushua, “At ako, kung ako’y mataas na mula sa lupa, ang lahat ng mga tao ay palalapitin ko sa akin din.” Muling ipinapaliwanag ni Juan, “Datapuwa’t ito’y sinabi niya, na ipinaaalam kung sa anong kamatayan ang ikamamatay niya.”
Juan 13:10, 11: Habang naghuhugas ng mga paa ng mga alagad niya, sinabi ni Yahushua, “At kayo’y malilinis na, nguni’t hindi ang lahat.” Ang dahilan para sa pangungusap na ito ay ibinigay ni Juan: “Sapagka’t nalalaman niya ang sa kaniya’y magkakanulo; kaya’t sinabi niya, Hindi kayong lahat ay malilinis.”
Juan 21:18: Sinabi ni Yahushua kay Pedro, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Nang ikaw ay bata pa, ikaw ay nagbibihis, at ikaw ay lumalakad kung saan mo ibig; nguni't pagtanda mo’y iuunat mo ang iyong mga kamay, at bibigkisan ka ng iba, at dadalhin ka kung saan hindi mo ibig.” Narito’y idinadagdag ni Juan, “Ito nga’y sinalita niya, na ipinaalam kung sa anong kamatayan ang iluluwalhati niya kay Yahuwah.”
Sa huling kabanatang nabanggit, iniuugnay ni Juan na “Pagkakita nga ni Pedro sa kaniya ay nagsabi kay Yahushua, ‘Panginoon, at ano ang gagawin ng taong ito?’ Sinabi sa kaniya ni Yahushua, ‘Kung ibig kong siya’y manatili hanggang sa ako’y pumarito, ay ano nga sa iyo? sumunod ka sa akin.’” Iniugnay ang katanungan at kasagutan, ipinapahayag at itinatama ni Juan ang isang pagkakamali na naganap: “Kumalat nga ang sabing ito sa gitna ng mga kapatid, na ang alagad na yaon ay hindi mamamatay: gayon ma’y hindi sinabi ni Yahushua, sa kaniya na hindi siya mamamatay; kundi, Kung ibig kong siya’y manatili hanggang sa ako’y pumarito, ay ano nga sa iyo?”
Ngayo’y hayaan na lubhang isaalang-alang kung gaano kadalas si Kristo sa isang direktang anyo ay ipinahayag ang kanyang pagkadepende kay Yahuwah o tanggihan ang kasapatan sa sarili – at gaano ito katiyak na si Juan ay nalalaman ang ganoong wika na inangkop upang ikintal ang paniniwala na si Kristo ay hindi ang may kasarinlan na Yahuwah. Maaari tayong magtanong, kung bakit hindi nagbigay si Juan ng pagpapaliwanag, gaya sa mga hindi gaanong madaliang kaso, at sinasabi, “Ang mga bagay na ito ay sinasalita ni Kristo ang kanyang pantaong kalikasan, at hindi ang sarili niya bilang Diyos?” Sigurado kung nalalaman o pinaniwalaan ni Juan na si Kristo ay isang may kasarinlan na tao o katauhan, nalalaman niya rin na ang ganoong pagpapaliwanag ay mas malawak ang kahalagahan kaysa sa anumang kasalukuyang magtatagpuan sa kanyang Ebanghelyo. Kung siya ay isang Trinitaryan, gaya ng mga nasa modernong panahon, hindi siya magdudusa ng ganoong bigat ng mga pagpapatotoo na naglalarawan ng personal at sukdulang pagkadepende ni Kristo na dumaan nang walang pagpupunyagi na neutralisahin ito sa ilang pagpapaliwanag. Kung itinuring ni Juan si Kristo bilang si Yahuwah, gaano man munti ang kahalagahan na isisiwalat sa kanya upang ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ni Kristo sa pagtulog ni Lazaro o ang templo ay itatayo niya sa loob ng tatlong araw, ikumpara sa pagsasalaysay ng anong ibig sabihin niya sa isang daang sipi na nagpahiwatig na siya’y isang nakadependeng katauhan, at tinanggap ang lahat ng kanyang kasapatan mula sa Ama!
Wala sa aking puso na ipanawagan sa katanungan ang pagkamatuwid o katapatan ng aking mga kaibigang Trinitaryan. Ako’y napilitang magtaka na kung hindi nila nakikita na ang kanilang pagpapaliwanag ng mga salita ng ating Panginoon na ipinaparatang sa kanya nang ganoong isang kaugalian ng paggamit ng malabo at mapanlinlang na wika, sapagkat ito’y guguho ng katangian ng anumang ibang tao. Kung isang katauhan na may kasarinlan, hindi ko alam kung anong wika ang maaari niyang gamitin na mas huwad at mapanlinlang kaysa sa mga bagay na naitala ni Juan na sinabi niya. Subalit ang wikang ito ay hindi ipinaliwanag ng sarili niya, o ng kanyang maingat at magkasundong alagad. Hindi siya o si Juan na ito’y ipinahiwatig na, sa pagsasalita ng kanyang pagiging depende, hindi niya sinabi ang kanyang buong katauhan dahil si Moises ay gagawin din ang paggamit ng kaparehong wika. Hindi ba ito ekstraordinaryong pamamaraan ng pagpaparangal ng Mesias, upang igiit ang kanyang kasarinlan bilang Diyos sa gastos ng kanyang pagkatotoo? Ngunit ito’y tila gagawin sa mismong dakilang tiwala ng kanyang mga alagad na Trinitaryan. Gayunman, hayaan ang bawat Trinitaryan na itanong sa sarili kung nararamdamang ligtas sila sa madalas na paggamit ng ganoong mapanlinlang na wika, nang walang pagpapaliwanag, sapagkat sa kanyang teorya na ipinaparatang kay Yahushua kung saan ang labi ay walang lalang? Maaari ko bang sabihin na ang isang mabuting tao ay mangikli sa katatakutan sa kaisipan ng pag-aampon ng ganoong kasanayan?
Bilang 4. Ang Trinitaryan na pagpapaliwanag ay wala sa pag-alinsunod sa kanyang sariling ipotesis.
Maaari na akong sumulong nang isa pang hakbang. Kung si Kristo Yahushua ay personal na may kasarinlan na Diyos, ang kanyang mga pagpapahayag ng pagkadepende sa Ama ay hindi maaaring tumpakan, sa isang diwa na ipinaglaban ng mga Trinitaryan. Sapagkat sa kanilang ipotesis ay hindi ang pantaong kalikasan ay nagkaisa sa Ama, kundi isang ikalawang katauhan, may kasarinlan bilang Ama. Ngayon, sinong hindi makakakita na ang kasapatan sa sarili ay humahadlang sa posibilidad ng personal na pagkadepende? Kung si Kristo ay personal na may kainaman sa sarili, paano ang kanyang pantaong kalikasan ay nangangailangan ng anumang tulong mula sa ibang tao? Subalit si Kristo ay iginiit ang kanyang pananalig sa Ama. Hindi niya sinabi, “Ang aking kalikasan ng tao ay walang maaaring gawin sa sarili nito, ngunit ako bilang Diyos ang gumagawa ng gawa.” Kundi sa pagsasalita ng sarili bilang isang natatangi, isang katauhan, bilang Mesias, ang Anak ni Yahuwah, sinasabi niya, “Sa sarili ko ay wala akong maaaring gawin.” “Ang mga salita na sinasabi ko sa iyo, ay hindi mula sa sarili ko: kundi sa Ama na nananahan sa akin, Siya ang gumagawa ng gawa.” “Kung ibigin ninyo ako, kayo’y magalak na sinabi ko na ako’y tutungo sa aking Ama, sapagkat higit ang Ama kaysa sa akin.” “Wala akong gagawin sa sarili ko, kundi sa pamamagitan ng Ama na nagturo sa akin, sinasalita ko ang mga bagay na ito.”
Maaari ba ang mga pahayag na ito ay may bisa kung si Kristo ay gaya ng Ama, may kasapatan sa sarili at may kasarinlan? Kung ito ay isang partikular na layon ni Kristo na ilagay ang kanyang mga alagad sa kanilang pangangalaga laban sa pagpapadiyos sa sarili niya, para bagang nalalaman ko kung anong wika ang maaaring ginamit niya na mas mabuting inangkop pa sa isang layuning iyon. Kung sinabi niya, “Hindi ako Diyos, kundi umaasang Anak at Sugo ni Yahuwah,” ang Trinitaryan ay maaari pa ring sabihin na “sinasabi niya lamang ang kanyang pantaong kalikasan.”
Isa pang katanungan ang nagaganap. Kung ang Mesias ay ang personal na nabubuhay na Diyos, anong okasyon o motibo ang maaari niyang sabihin ng pagkadepende ng kanyang pantaong kalikasan sa isang naiibang katauhan? Hindi ba ang kanyang walang hanggang karunungan at kapangyarihan ay sapat upang matugunan ang lahat ng mga depekto at ninanais ng kanyang pantaong kalikasan? At saka, anong motibo ang maaaring umiral para sa kanya upang sabihin ang pagkadepende ng kanyang pantaong kalikasan sa isang paraan na dapat malamang ipinapahiwatig ang pananalig ng kanyang buong pagkatao? Ang katanungan kung siya ay isang nakadepende o isang may kasarinlan ay isa ng dakilang kahalagahan. Ito’y lubos na tiningnan sa araw na ito ng kanyang mga kaibigan ng lahat ng mga denominasyon. Hindi maaari sa ibang paraan ay isaalang-alang ng Mesias at kanyang mga apostol. Kung, pagkatapos, sa isang paksa na napakalubha at kawili-wili sa sangkatauhan, maaari niyang nakagawiang magsalita sa wika na napakalabo, mapanlinlang, ganap na inangkop upang iligaw ang parehong natuto at mangmang, anong tiwala ang maaaring ilagay sa anumang sinabi niya sa ibang paksa? Kung paulit-ulit niyang sasabihing “Wala akong magagawa para sa sarili ko,” habang sa katunayan, maaari niyang gawin ang lahat ng bagay para sa sarili, anong ebidensya ang maaari nating makuha na wala siya sa lahat ng sinabi niya sa isang nagkubling kahulugan, direktang sumasalungat sa mga salita niya na likas na ipinarating? Isang bagay na mas malubha, sa aking pananaw, kaysa sa likas na dignidad ng Mesias ay sangkot sa kasalukuyang katanungan – iyon ay, ang kanyang moral na kagandahang-loob, pagkamatuwid, kabutihang-loob, at kanyang pagkatotoo bilang isang Guro na isinugo mula kay Yahuwah.
Bilang 5. Dalawang mahahalagang teksto ang isinaalang-alang.
Sa magiliw na panayam sa pagitan ni Kristo Yahushua at kanyang mga apostol, sandali bago ang pagpako sa krus, sinabi niya sa kanila, “Sapagka’t ang Ama rin ang umiibig sa inyo, sapagka’t ako’y inyong inibig, at kayo’y nagsisampalataya na ako’y mula kay Yahuwah.” Sa kanyang panalangin na agarang sumunod, habang nagsasalita tungkol sa mga apostol, sinabi niya sa kanyang Ama, “Ngayon ay nangakilala nila na ang lahat ng mga bagay na sa akin ay ibinigay mo ay mula sa iyo: Sapagka’t ang mga salitang sa akin ay ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; at kanilang tinanggap, at nangakilala nilang tunay na nagbuhat ako sa iyo, at nagsipaniwalang ikaw ang nagsugo sa akin.”
Ang mga siping ito ay nararapat ng malubhang atensyon ng mga Kristyano. Upang malaman mismo na si Kristo Yahushua ay “mula kay Yahuwah” at “nagsipaniwalang si Yahuwah ang nagsugo sa kanya” ay dapat lubos na naiiba mula sa nalalaman na si Kristo ay Diyos, katumbas ng Ama, at naniniwala na siya ay isang may kasarinlang katauhan. Ito’y dapat aminin ng mga Trinitaryan, sapagkat ipinintas nila ang pananalig ng mga unitaryan bilang erehe o depektibo. Gayunman, tunay silang naniniwala na si Kristo ay “mula kay Yahuwah” at isinugo ni Yahuwah. Subalit sa tingin ko’y dapat na pag-aari na si Kristo Yahushua, sa kanyang panalangin, pinagtibay ang pananalig ng kanyang mga apostol sa pagsasabi, “at sila’y nagsipaniwalang ikaw ang nagsugo sa akin” — at iyon rin nang wala kahit bahagyang pagpapahiwatig na sila’y naniwala, o kailanma’y naniwala, na siya ang nabubuhay na Diyos.
Maaari kong idagdag na sa unang sipi, ibinigay ni Kristo sa kanilang ang isang taimtim na katiyakan ng pag-ibig ni Yahuwah para sa kanila at ipinahayag kung bakit sila’y lubos na iniibig ni Yahuwah. Hindi niya sinabi, “Iniibig kayo ng Ama dahil naniwala kayo na ako’y Diyos na kanyang kapantay,” — kundi ito ang kanyang mga salita: “Sapagka’t ang Ama rin ang umiibig sa inyo, sapagka’t ako’y inyong inibig, at kayo’y nagsisampalataya na ako’y mula kay Yahuwah.” Matapos marinig ang marami at nakasisindak na pamimintas na ipinataw sa lahat ng naniniwala na si Kristo ay hindi si Yahuwah, kundi ang iniibig na Anak na “mula kay Yahuwah,” sapagkat itinalaga at isinugo ng Ama; sinong mag-aakala na ang ganoong teksto na nasa harapan natin ay maaaring matagpuan sa Bibliya? Kung si Kristo ay hindi gumawa ng isang pagkakamali tungkol sa batayan ng nagpapatibay na pag-ibig ni Yahuwah sa mga apostol, mayroong tiyak na lilitaw na isang dakilang pagkakaiba ng opinyon at pakiramdam sa pagitan ni Yahuwah at napakaraming Trinitaryan. Ang pananalig ay pinagtibay ni Yahuwah at Kanyang Anak ay pinintas ng mga Trinitaryan bilang mapanglait sa marami na inakalang sila’y lehitimong orthodox sa kanilang mga pananaw ng Mesias.
Maaaring walang pakinabang rito na sabihin, “Ito lamang ang pantaong kalikasan na ang mga apostol ay naniwalang ‘mula kay Yahuwah.’” Ang kanilang pag-ibig kay Kristo, at ang kanilang paniniwala na siya’y nagmula kay Yahuwah, ay ang mga tanging batayan sa anong sinabi: “ang Ama ay iniibig kayo.” Dagdag pa, ang paniniwala na si Kristo ay “mula kay Yahuwah” ay ang tanging artikulo ng pananalig na nabanggit sa teksto. Kung ang doktrina na si Kristo ay isang may kasarinlang Diyos na tama o mali, ito’y tiyak na hindi isang paniniwala sa doktrinang ito na nagtiyak sa mga apostol ng pag-ibig ng Ama.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Noah Worcester, D.D., 1827.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC