Ang Roma 1:3-4 Ba Ay Patunay Na Si Yahushua Ay May Dalawahang Kalikasan?
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Maraming iskolar ay isinaalang-alang ang sulat ni Pablo sa iglesya sa Roma na kanyang pinakamahusay na doktrinal na paglalahad. Hindi nakapagtataka na ang mga Trinitaryan ay sinasaliksik ang mga pahina nito para patunayan ang dalawahang kalikasan ni Kristo at, sa implikasyon, ang doktrina ng Trinidad. Isang sipi na madalas ipakita bilang tekswal na ebidensya ay matatagpuan sa Kabanata 1:
Roma 1:1-4 1 Akong si Pablo ay alipin ni Kristo Yahushua. Tinawag ako ni Yahuwah na maging apostol at ihiniwalay para sa ebanghelyo ni Yahuwah. 2 Ito ay ang ipinangako niya noong nakaraang panahon, sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta, sa banal na kasulatan. 3 Ito ay patungkol sa kaniyang Anak na mula sa lahi ni David ayon sa laman. 4 Itinalaga siya na Anak ni Yahuwah sa pamamagitan ng makapangyarihang paraan ayon sa Espiritu ng kabanalan at sa pamamagitan ng pagkabuhay muli mula sa mga patay. Siya ay si Kristo Yahushua na ating Panginoon.
Maraming iskolar ay isinaalang-alang ang sulat ni Pablo sa iglesya sa Roma na kanyang pinakamahusay na doktrinal na paglalahad.
|
Ang nilayon na ebidensya ay nakasentro sa berso tatlo at apat:
na mula sa lahi ni David ayon sa laman
ayon sa Espiritu ng kabanalan at sa pamamagitan ng pagkabuhay muli mula sa mga patay
Marami ay nauunawaan na ang dalawang sugnay na ito ay alinman na bago si Pablo na kredong pag-amin o posible na bahagi ng isang himno tungkol sa Anak ni Yahuwah. Ang iba ay nababatid ang mga ito bilang pagbubuod ng isang umiiral na kredong pahayag, nagtatala na isang katulad na tema ay lumilitaw sa kanyang mga sulat kay Timoteo (1 Timoteo 3:16 at 2 Timoteo 2:8). Ano pa man kung ang mga parirala ay nauna bago ang apostol o nagmula sa kanya, sinasabi ng mga Trinitaryan ang pagsasabay ng mga parirala ay naghahatid ng paniniwala ni Pablo na si Yahushua ay taglay ang dalawang kalikasan, isang tao at isang banal. Sa ibang salita, ang kanyang pantaong kalikasan ay naiisip na inilarawan ng parirala na “ayon sa laman,” habang ang isang inakalang banal na kalikasan ay kumatawan sa parirala na “Anak ni Yahuwah…ayon sa Espiritu ng kabanalan.”
Pagsasalin vs. Interpretasyon ng Roma 1:3-4
Ang Amplified Bible ay inilalagay ang kabuuang bigat nito sa paniwala na ang mga bersong ito ay sumangguni sa isang dalawahang kalikasan ni Yahushua kapag ito’y malayang nagdadagdag ng interpretasyon nito sa Biblikal na teksto:
Roma 1:3-4 (Amplified Bible) 3 [ang Mabuting Balita] tungkol sa Kanyang Anak… Tungkol sa kanyang pagiging tao [kanyang pantaong kalikasan], siya’y ipinanganak mula sa lahi ni David [upang tuparin ang mga pangako ng tipan]; 4 subalit tungkol sa kanyang pagka-Diyos [kanyang banal na kalikasan], pinatunayan ng Banal na Espiritu na siya ay Anak ni Yahuwah sa pamamagitan ng isang makapangyarihang gawa [matagumpay at mahimala], ang kanyang muling pagkabuhay.
Sa isang panahon, ang NIV Bible ay nagdagdag ng isang kaparehong pagpapaliwanag sa berso 3:
Tungkol sa kanyang Anak, sa kanyang pagiging tao, siya’y ipinanganak mula sa lipi ni David.
Isang mas kamakailang bersyon ng NIV ay marapat na binago ang pagsasalin upang maliitin ang pagkiling nito.
Ilan sa mga komentarista ng Bibliya ay sinalungguhit ang mga ito at ibang pagsasalin sa pagpapaliwanag ng wika ni Pablo upang mangahulugan na ang Mesias ay mayroong dalawang kalikasan. Halimbawa, isinusulat ni Bension sa kanyang komentaryo sa Roma, “Ang parehong kalikasan ng ating Panginoon ay nabanggit rito; ngunit ang tao ay unang nabanggit, dahil ang banal ay hindi ipinamalas sa kabuuang patotoo nito hanggang matapos ang kanyang muling pagkabuhay.”1
Si Coffman ay sumasali sa koro sa pamamagitan ng kanyang interpretasyon ng sipi:
Pinagtitibay ni Pablo ang dalawahang kalikasan ni Kristo, ang kanyang pagkabanal at pagkatao, sa siping ito. Para sa katawan na kinuha ni Yahushua noong nagpasya siya na pumasok sa ating makalupang pamumuhay, ito’y nagmula sa lipi ni David, na ipinalabas sa talaangkanan nina Mateo at Lucas, ang mismong kauna-unahang berso ng Bagong Tipan na nagbibigay-pugay sa kanya bilang “Anak ni David.” Gayunman, ito lamang ang sangkatauhan ni Yahushua na nagmula sa pamamagitan ni David. Sa kanyang kabuuan, si Kristo ay bumaba mula sa hindi pagkatao ngunit kapwa umiiral kasama ng Ama… [berso 4] ay ang katumbalikan ng naunang berso, na nakikitungo sa pantaong kalikasan ni Kristo, at ito sa kanyang makalangit na kalikasan.2
Sa isa pang madalas pinanggalingan na komentaryo, ang may-akda ay nagpapahayag na ang ayon sa laman ay tinutukoy ang tao na kalikasan ni Yahushua, “nagpapahayag, syempre, na siya ay mayroong isa pang kalikasan, na agarang sinasalita ng apostol.”[3] Ang may-akda ay nililinaw sa pagsasabi na kung:
Ang “ayon sa laman” ay nangangahulugan rito, “sa kanyang pantaong kalikasan,” itong hindi pangkaraniwang ekspresyon [dahil sa espiritu ng kabanalan] ay dapat na mangahulugan na “sa kanyang ibang kalikasan,” na nakita na “Anak ng Diyos”—isang walang hanggan, hindi nilikhang kalikasan.4
Hindi kumakapit si Pablo sa isang dalawahang kalikasan na Kristolohiya dahil ang doktrina ay umunlad sa panahon ng ikalawa hanggang ikaapat na siglo, kabilang iyong mga binagong-loob mula sa Griyegong pilosopiya tungo sa Kristyanismo.
|
Kawili-wili, ang may-akda ay inaamin, “Ang isa ay maaaring magtaka na kung ito ang kahulugan, ito’y hindi ipinahayag nang mas simple.”5 Mismo, maaaring payak na ipahayag ni Pablo ang isang paniniwala sa dalawahang kalikasan ng Kristolohiya kung niyakap niya ang ganoong posisyon. Ngunit hindi niya ginawa. Sa halip, isinaalang-alang ni Pablo ang paniniwala na ang isang diyos ay maaaring maging isang tao na isang kasuklam-suklam na teolohiya, at malakas niyang pinabulaanan ito noong nagsermon siya laban rito sa siyudad ng Listra sa Mga Gawa 14. Hindi kumakapit si Pablo sa isang dalawahang kalikasan na Kristolohiya dahil ang doktrina ay umunlad sa panahon ng ikalawa hanggang ikaapat na siglo, kabilang iyong mga binagong-loob mula sa Griyegong pilosopiya tungo sa Kristyanismo.
Habang ang naunang kaalaman ay ipinaliwanag ang mga magkabalalay na pahayag ni Pablo bilang patunay ng tinatawag na dalawang kalikasan ni Kristo, ang mas kamakailang karunungan ay nagbibigay ng isang mas layon na pananaw. Ang iskolar ng Bagong Tipan na si Douglas Moo ay nagtatala na ang “[dalawahang kalikasan na] interpretasyon ay may ilang tagapagtaguyod, ngunit ang kanilang mga bilang ay lumiliit.”6
Halimbawa, sa halip na pagsasangguni sa isang dalawahang kalikasan ni Kristo, ang teologo na si Ernst Kasemann ay nagsasabi na ang dalawang parirala ay nagsasalita ng dalawang yugto ng paglilingkod ni Yahushua:
Ipalagay na ang mga pariralang Anak na mula sa lahi ni David ayon sa laman at Anak ng Diyos dahil sa Espiritu ng kabanalan ay hindi mga sanggunian sa isang dalawahang kalikasan ng Mesias. Anong pakikipag-usap ni Pablo sa kanyang mga tagapakinig noong unang siglo? Isang pagsusuri ng mga pariralang ito sa liwanag ng konteksto ng Roma 1 at ibang sipi ni Pablo ay makatutulong sa atin sa isang nararapat na pagkakaunawa ng kanilang kahulugan at ang teolohiya at Kristolohiya ng apostol.
Ang Ayon Sa Laman Ay Patunay Ng Isang Dalawahang Kalikasan?
Ang paggamit ng salitang laman ni Pablo (Griyego: sarx) ay sumasalamin sa iba’t ibang kahulugan sa Kasulatan. Halimbawa, ang salita ay nagpapakilala ng literal na pisikal na laman ng isa, ang katawan ng tao. Ito’y maaari ding tumukoy sa sangkatauhan sa pangkalahatan. Dagdag pa, sa Bibliya, ang laman ay ginamit upang ilarawan ang kahinaan at kasaktinan sa kasalanan.
Ang pariralang ayon sa laman, ay nagaganap nang 18 beses sa Lumang Tipan, walo sa mga tao ay lumilitaw sa Roma. Walang pagbubukod, ang parirala ay naglalarawan ng mga bagay o mga pagnanais na nauukol sa panlupang katawan. Ito’y ganap na naiiba sa mga bagay o mga pagnanais na nauukol sa espiritu, iyon ay, ang kaharian ni Yahuwah. Ginagamit ni Pablo ang ayon sa laman nang apat na beses upang ipahiwatig ang isang lipi. Ganoon ang kaso sa teksto na ating isinaalang-alang:
Roma 1:3 patungkol sa kaniyang Anak na mula sa lahi ni David ayon sa laman.
Kabaligtaran sa mga naniniwala sa pagkadiyos ni Kristo, ang ayon sa laman ay hindi isang natatanging pagpapahayag na ginamit upang ilarawan ang isang ipinalagay na nagkatawang-tao na katauhan.
|
Kabaligtaran sa mga naniniwala sa pagkadiyos ni Kristo, ang ayon sa laman ay hindi isang natatanging pagpapahayag na ginamit upang ilarawan ang isang ipinalagay na nagkatawang-tao na katauhan. Ang apostol ay gumagamit ng kaparehong parirala upang ipahiwatig ang kanyang angkan. Walang alinlangan, sina Pablo at Yahushua ay nagbabahagi ng isang karaniwang Israelitang lipi na ayon sa laman:
Roma 9:3-5 3 Ito ay sapagkat hinangad ko pa na ako ay sumpain at ihiwalay mula kay Kristo alang-alang sa aking mga kapatid, sa aking mga kamag-anak ayon sa laman. 4 Sila ay ang mga taga-Israel. Sa kanila ang pag-ampon, ang kaluwalhatian at mga tipan, at ang pagbibigay ng kautusan. Sa kanila rin ang paglilingkod at mga pangako. 5 Sa kanila nagmula ang mga ninuno at si Kristo, sa pamamagitan ng laman, ay nagmula sa kanila. Siya ang pinakadakila sa lahat, ang Diyos na pinupuri magpakailanman. Siya nawa.
Sa isa pang kaganapan sa Roma, ang apostol ay gumagamit ng ayon sa laman upang ilarawan ang lipi ng mga Hudyo, sa pagkakataong ito ay mula pa sa Ama na si Abraham:
Roma 4:1 Ano nga ngayon ang sasabihin natin sa natagpuan ni Abraham na ating ninuno ayon sa laman?
Dahil dito, kung ang ayon sa laman ay nagpapahiwatig na si Yahushua ay umiral bago naging tao, ganon din sina Abraham, Pablo, ang mga Hudyo, at ang mga mananampalataya buhat nang ang parirala ay ginamit upang ilarawan ang mga taong ito rin. Subalit syempre, walang sinuman ang magtatanggol ng ganoong interpretasyon.
Ang paggamit ni Pablo ng ayon sa laman sa Roma ay hindi isang natatanging paglalarawan na nilayon upang ipaliwanag ang lipi ng tao ng ipinalagay na taong-Diyos. Para makatiyak, wala saanman sa Kasulatan ang naglalarawan o nagpapahiwatig sa ayon sa laman ng isang estado ng pagkakatawang-tao, hindi rin ito ginamit upang magsalaysay sa pagitan ng dalawang kalikasan na isina-teorya. Sa kasong ito, ito lamang ay simpleng paglalarawan ng makasaysayang pinagmulan ng isa. Ang mga unang siglong Hudyo ay madaling matutukoy ang mga pangungusap ni Pablo bilang ebidensya na tinupad ni Yahushua ang pangako ni Yahuwah na ang Mesias ay magiging isang supling ni David.
Ang Espiritu Ng Kabanalan Ay Patunay Ng Isang Banal Na Kalikasan?
Habang maraming ang maaaring magkasundo na ang paggamit ng ayon sa laman ay hindi sa at sa sarili nito ay nagtataguyod ng matapos ang Biblikal na doktrina ng dalawahang kalikasan ni Kristo, sila’y naggigiit na kapag kaisa ng pariralang Anak ni Yahuwah…ayon sa Espiritu ng kabanalan, ito’y malakas na nagtataguyod ng isang taong-Diyos na Kristolohiya. Ngunit ang parirala na ito ba ay nagpapahiwatig na si Yahushua ay mayroong banal na kalikasan?
Maraming walang hinalang mambabasa ng Bibliya ay ipinapaliwanag ang titulong Anak ng Diyos na katumbas ng Diyos Anak, isang titulo na hindi kailanman lumilitaw sa Kasulatan.
|
Maraming walang hinalang mambabasa ng Bibliya ay ipinapaliwanag ang titulong Anak ng Diyos [Elohim/Yahuwah] na katumbas ng Diyos Anak, isang titulo na hindi kailanman lumilitaw sa Kasulatan. Bilang karagdagan kay Yahushua, ang terminong anak ni Yahuwah ay ginamit para sa Israel, mga anghel, mga hari, at mga Kristyano. Anong pagkakaiba ni Yahushua mula sa ibang mga anak ni Yahuwah ay sinabi na siya ang tanging bugtong na Anak ni Yahuwah. Siya ang tanging hinirang at pinahiran ni Yahuwah na maging Mesias. Sa pagwawakas na ito, ang Anak ni Yahuwah ay kasingkahulugan ng Mesias, Kristo, at Hari ng Israel. Halimbawa:
Juan 1:47-51 47 Nakita ni Yahushua si Natanael na papalapit sa kaniya, sinabi niya ang patungkol kay Natanael: “Narito, ang isang totoong taga-Israel, sa kaniya ay walang pandaraya.” 48 Sinabi sa kaniya ni Natanael: “Papaano mo ako nakilala? Sumagot si Yahushua at sinabi sa kaniya: Bago ka pa tawagin ni Felipe ay nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos.” 49 Sumagot si Natanael at sinabi sa kaniya: “Guro, ikaw ang Anak ni Yahuwah. Ikaw ang Hari ng Israel.”
Lucas 4:40-41 40 Nang papalubog na ang araw, dinala nila kay Yahushua ang mga taong may iba’t ibang karamdaman. Ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa bawat isa sa kanila at pinagaling sila. 41 Lumabas din ang mga demonyo sa marami sa kanila. Ang mga demonyo ay sumisigaw at nagsasabi: “Ikaw ang Mesias, ang Anak ni Yahuwah!” Sila ay sinaway niya at hindi pinagsalita dahil alam nila na siya ang Mesias.
Iyong mga nabubuhay sa unang siglo ay hindi kailanman naunawaan na ang Anak ni Yahuwah upang mangahulugan na si Yahushua ay mismo isang diyos. Ang Biblikal na iskolar na si N. T. Wright ay sumasang-ayon:
Ang “Mesias” o “Kristo,” ay hindi nangangahulugan na ‘ang banal.’ Ang paggamit ng mga salita bilang takigrapya para sa banal na pangalan o katauhan ni Yahushua ay lubos na nakaliligaw. Medyo madali na mangatuwiran na si Yahushua (katulad ng maraming unang siglong Hudyo) ay naniwala na siya ang Mesias. Mas mahirap, at isang lubhang kakaibang bagay, na magtaltalan na naiisip niya na siya sa ilang diwa ay tinukoy sa Diyos ng Israel. Sa kontekstong ito, ang pariralang ‘Anak ng Diyos’ ay sistematikong nakaliligaw dahil sa Hudaismo bago at hindi Kristyano, ang pangunahing sanggunian nito ay alinman sa Israel o ang Mesias, at napapanatili nito ang mga kahulugan sa maagang Kristyanismo…16
Ang propesor ng teolohiya na si Douglas McCready ay sumang-ayon:
Habang ang ilan ay ginamit ang titulong Anak ng Diyos upang mangahulugan sa pagkadiyos ni Yahushua, hindi ang Hudaismo at hindi maging ang paganismo ng panahon ni Yahushua ay naunawaan ang titulo sa paraang ito, hindi rin ang maagang simbahan.17
Upang maunawaan ang Anak ni Yahuwah upang mangahulugan na si Yahushua ay mayroong isang banal na kalikasan ay isang posisyon na hindi maaaring itaguyod nang Biblikal.
|
Upang maunawaan ang Anak ni Yahuwah upang mangahulugan na si Yahushua ay mayroong isang banal na kalikasan ay isang posisyon na hindi maaaring itaguyod nang Biblikal.
Tungkol sa pariralang Espiritu ng kabanalan, isang sukatin ay ipinapakita na ang Roma 1:4 ay ang natatanging pagkakataon na ito’y ginamit sa Kasulatan. Gayunman, upang makakuha ng kalinawan, maaari tayong tumingin sa ibang sipi kung saan si Pablo ay gumagamit ng isang kaparehong parirala, ayon sa Espiritu. Halimbawa:
Roma 8:4-5 4 Upang matupad ang matuwid na hinihiling ng kautusan sa atin na mga lumalakad nang hindi ayon sa makalamang kalikasan kundi ayon sa Espiritu. 5 Ito ay sapagkat sila na mga ayon sa makalamang kalikasan ay nag-iisip ng mga bagay ukol sa laman. Ngunit sila na mga ayon sa Espiritu ay nag-iisip ng mga bagay ukol sa Espiritu.
Dito at sa ibang sipi, ang ayon sa Espiritu ay isa lamang sanggunian sa Banal na Espiritu, iyon ay, ang Espiritu ni Yahuwah. Hindi kailanman ginagamit ni Pablo ang salitang Espiritu o ang pariralang ayon sa Espiritu upang sumangguni sa ipinalagay na banal na kalikasan ni Yahushua. Sa halip, ito ay kasingkahulugan ng Banal na Espiritu.
Ang iskolar ng Bagong Tipan na si Thomas Schreiner ay sumasang-ayon. Nagsusulat siya sa kanyang komentaryo sa sulat para sa taga-Roma:
Wala saanman ang parirala ay nagpapakilala ng banal na kalikasan ni Yahushua. Tayo’y mas marahil magkakaroon ng sanggunian rito sa Banal na Espiritu…. Ang pagkakaiba ay hindi sa pagitan ng dalawang kalikasan ni Yahushua kundi sa pagitan ng laman at Banal na Espiritu.18
Ang iskolar ng Bagong Tipan na si James D.G. Dunn ay nagsusulat na ang Espiritu ng kabanalan “…ay halos tiyakan na naunawaan ni Pablo at ng mga unang siglong Kristyano bilang kahulugan ng Banal na Espiritu, [iyon ay,] ang Espiritu ay inilalarawan ng kabanalan, [o isa na isang] nakikibahagi ng kabanalan ng Diyos…”19
Ang konteksto ng Roma 1:4 ay dagdag na nagtataguyod ng pagkakaunawang ito. Ipinapakita nito ang paggamit ni Pablo na ang Espiritu ng kabanalan ay hindi sa sanggunian sa isang banal na kalikasan kundi sa halip sa muling pagkabuhay ni Yahushua mula sa mga patay, isang himala na nagsilbi upang patunayan ang tao mula sa Nazaret ay ang Mesias.
Layunin Ni Pablo
Ang pagsasabay ni Pablo ng laman at espiritu sa Roma 1:3-4 ay hindi natatangi. Upang makatiyak, ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang elemento ay isang sentrong tema sa Roma. Kaya dahil dito, ang paggamit ni Pablo ng mga termino ay hindi nilayon na maglarawan ng isang isina-teoryang taong-diyos. Sa halip, ang apostol ay gumagamit ng mga parirala upang bigyang-diin ang pagbabagong-anyo na ginawa ni Yahushua noong muli siyang binuhay ni Yahuwah mula sa mga patay. Ang Mesias ay tumungo mula sa isang inapo o anak ni David hanggang sa pagiging Anak ni Yahuwah sa kapangyarihan.
Ang Mesias ay tumungo mula sa isang inapo o anak ni David hanggang sa pagiging Anak ni Yahuwah sa kapangyarihan.
|
Ang teologo na si Colin Kruse, sa kanyang komentaryo sa Roma, ay nagsusulat, “Ilan ay kinuha [ang pagpapares ng ayon sa laman at ayon sa Espiritu] upang makilala ang pantao at banal na kalikasan ni Kristo, iyon ay, ang kanyang pagiging tao at pagiging diyos, ngunit ito ay tila hindi.” Si Kruse, gaya ni Kasemann, ay nakikita ito bilang isang sanggunian sa kung paano si Yahushua ay maunawaan bago at matapos ang kanyang muling pagkabuhay.20
Dagdag pa, ang iskolar ng Bagong Tipan na si Ben Witherington ay nagsusulat:
[Ang Espiritu ng kabanalan] ay hindi tungkol sa kung ano si Kristo ayon sa kanyang banal na kalikasan kundi tungkol sa anong nangyari kay Yahushua sa muling pagkabuhay noong muli siyang binangon mula sa mga patay at itinalaga o minarkahan siya bilang Anak ng Diyos sa kapangyarihan…Ang hindi pangkaraniwang parirala na Espiritu ng kabanalan…tumutukoy sa epekto ng Banal na Espiritu kay Yahushua—pumapasok si Yahushua sa isang ganap na pinabanal o niluwalhati na kondisyon noong siya ay muling binuhay mula sa mga patay sa pamamagitan ng Espiritu.21
Ang Kristolohiya Ni Pablo
Ang Kristolohiya ni Pablo, ipinahayag sa Roma, ay dapat rin na siyasatin upang matukoy kung tayo ay mauunawaan nang tama ang kahulugan ng ayon sa laman at ayon sa Espiritu. Hindi na tayo lalayo sa pagtingin sa kanyang mga panimulang pangungusap sa Kabanata 1 upang matuklasan kung sino ang pinaniniwalaan niya na si Yahushua. Dalawang beses sa Roma 1, ang apostol ay malinaw na nakikilala si Yahuwah, na sinasabi niya ang Ama, at si Yahushua, na nababatid niya ang Kristo.
Roma 1:7 Sumusulat ako sa inyong lahat, na mga nasa Roma, na mga inibig ni Yahuwah at tinawag na mga banal. Sumainyo ang biyaya at kapayapaang mula kay Yahuwah na ating Ama at Panginoong Kristo Yahushua.
Roma 1:8 Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa aking Diyos para sa inyong lahat sa pamamagitan ni Kristo Yahushua. Nagpapasalamat ako na ang inyong pananampalataya ay nababalita sa buong sanlibutan.
Para kay Pablo, mayroong iisang Diyos. Si Yahushua ay hindi ang isang Diyos, ngunit sa halip, siya ay ang tao na pinahiran ng Diyos upang mamagitan sa pagitan ng iisang Diyos na ito at ng sangkatauhan.
|
Ang Diyos ni Pablo ay hindi ang Kristo ni Pablo. Sa halip, ang apostol ay nagpasalamat sa kanyang Diyos sa pamamagitan ni Yahushua, ang Kristo, hindi iyong nagpasalamat sa Diyos, na ang Kristo. Ang kaparehong teolohiya at Kristolohiya ay nakita rin, kabilang sa ibang lugar, sa Unang Timoteo:
1 Timoteo 1:2 at 2:5 Ako ay sumusulat sa iyo, Timoteo. Ikaw ay tunay kong anak sa pananampalataya. Sumaiyo ang biyaya, kahabagan at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at kay Kristo Yahushua na ating Panginoon…Ito ay sapagkat may iisang Diyos at iisang Tagapamagitan sa pagitan ng Diyos at ng mga tao. Siya ay ang taong si Kristo Yahushua.
Para kay Pablo, mayroong iisang Diyos. Si Yahushua ay hindi ang isang Diyos, ngunit sa halip, siya ay ang tao na pinahiran ng Diyos upang mamagitan sa pagitan ng iisang Diyos na ito at ng sangkatauhan. Si Yahushua na hindi ang iisang Diyos ay nakita rin sa huling kabanata ng Roma.
Roma 16:27 Sa iisang matalinong Diyos, ang kaluwalhatian ang siyang sumakaniya magpakailanman sa pamamagitan ni Kristo Yahushua. Siya nawa!
Pinaka kapansin-pansin, nagsusulat si Pablo para sa iglesya sa Roma, hindi sa Diyos si Yahushua [kundi si Yahuwah] ngunit si Yahushua ay mayroong iisang Diyos:
Roma 15:5-6 Ang Diyos ang nagbigay sa inyo ng pagtitiis at pagpapalakas-loob upang magkaroon kayo ng iisang kaisipan sa isa’t isa ayon kay Kristo Yahushua. Gagawin niya ito upang sa nagkakaisang kaisipan at nagkakaisang bibig ay luwalhatiin ninyo ang Diyos na Ama ng ating Panginoong Kristo Yahushua.
Upang ipaliwanag ang ayon sa laman at ang Espiritu ng kabanalan upang mangahulugan na si Pablo ay naniwala na si Yahushua ay nagiging isang taong-diyos ay para pabayaan ang konteksto ng Roma at kanyang Kristolohiya na ipinahayag sa nalalabi ng kanyang sulat.
Pagwawakas
Kabaligtaran sa anong pinaniniwalaan ng mga Trinitaryan, ang nagkakaibang mga parirala na matatagpuan sa Roma 1:3-4 ay hindi nagpapakilala, hindi nagpapahiwatig, ng isang isina-teorya na dalawahang kalikasan ni Yahushua na pinatunayan sa paggamit ni Pablo ng kapareho o katulad na mga parirala sa kanyang ibang kasulatan. Dagdag pa, ang konteksto ng Roma 1 at 16, kasama ang teolohiya at Kristolohiya saanman sa Bagong Tipan, ay nagpapakita na ang Kristo ni Pablo ay hindi ang Diyos ni Pablo.
Sa halip, ang layunin ni Pablo sa Roma 1:3-4 ay upang turuan ang iglesya sa Roma na si Yahushua ay ang katuparan ng pangako ni Yahuwah upang itaas ang isang inapo ni David para maging Mesias. Ang muling pagkabuhay ni Yahushua mula sa mga patay ay ang makapangyarihang paraan ni Yahuwah upang ipakita na ang tao na si Yahushua ay ang itinaas na Anak ni Yahuwah.
1 Benson Commentary of Old and New Testaments, Roma 1:3-4, StudyLight.org
2 James Burton Coffman, Romans, Coffman’s Commentaries on the Bible, StudyLight.org
3 Roma 1, Jamieson-Fausset-Brown Bible Commentary, Biblehub.com
4 Ibid.
5 Ibid.
6 Douglas J. Moo, The Challenge for the Translator, lumilitaw sa The Challenge of Bible Translation: Communicating God’s Word to the World, Zondervan, 2003, pahina 374.
10 Ernst Kasemann, Commentary on Romans, William B. Eerdmans, Grand Rapids, MI, 1980, pahina 11-12.
11 1 Corinto 15:39; 2 Corinto 12:7.
12 Roma 3:20; Galacia 2:16.
13 1 Pedro 1:24; Roma 7:14-20.
14 Ang ilan ay naniniwala na ang parirala na “pinakadakila sa lahat, ang Diyos na pinupuri magpakailanman” sa berso ay nasa sanggunian kay Yahushua. Ang teoryang ito ay partikular na tinugunan sa artikulong ito.
15 Para sa halimbawa, tingnan ang 2 Samuel 7:12-13, 16; Awit 89:3-4, 19-37, 49; 132:11-12.
16 N.T. Wright, “Yahushua’ Self-Understanding” NTWrightPage – nakuhang blog post noong 4-15-19.
17 Douglas McCready, He Came Down From Heaven, (Downers Grove, IL: InterVarsity Press, 2005), pahina 56.
18 Thomas R. Schreiner, Romans, Baker Exegetical Commentary on the New Testament, Baker Academic, Grand Rapids, MI, 1998, pahina 43.
19 James D.G. Dunn, 38 A World Biblical Commentary, Thomas Nelson, 1988, page 15.
20 Colin Kruse, Paul’s Letters to the Romans, Pillar New Testament Commentary, Wm. B. Eerdman’s, Grand Rapids, MI, 2012, pahina 42.
21 Ben Witherington III at Darlene Hyatt, Paul’s Letter to the Romans: A Socio-Rhetorical Commentary, Wm B Eerdman’s Publishing, Grans Rapids, 2004, pahina 32.
27 Ginawang Panginoon at Kristo ni Yahuwah si Yahushua. Mga Gawa 2:22-23, 36.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://onegodworship.com/is-romans-13-4-proof-jesus-has-dual-natures/
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC