Ang “Salita” sa Isaias: Isang Susi sa Pagkakaunawa sa Bagong Tipan
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami'y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Ang dahilan kung bakit pinili ni Juan na tawagin ang…Anak sa titulong Logos ay nagdulot ng maraming pagsasaliksik. Ito ay karaniwang ipinalagay na mayroong isang Griyegong karanasan (ang logos ay isang prominenteng konsepto sa metapisikal na pilosopiya) at isang Hebreong karanasan (sapagkat ang salita ni Yahuwah ay halos bigyan ng katauhan sa mga bahagi ng Lumang Tipan — halimbawa ay ang Kawikaan 8).”1
Sa pagkakaunawa ng Hebreong karanasan ng “salita” sa Lumang Tipan at kung pinili ni Juan na gamitin ang konseptong iyon para sa Mesias, si Isaias ay partikular na matulungin. Ang propeta ay nagbigay ng detalyadong paglalarawan ng “salita ni Yahuwah.”
|
Sa pagkakaunawa ng Hebreong karanasan ng “salita” sa Lumang Tipan at kung pinili ni Juan na gamitin ang konseptong iyon para sa Mesias, si Isaias ay partikular na matulungin. Ang propeta ay nagbigay ng detalyadong paglalarawan ng “salita ni Yahuwah.” At sapagkat ang mga manunulat ng Bagong Tipan ay madalas dumukot mula kay Isaias, nakapapaliwanag na basahin ang kanyang konsepto ng “salita” tungo sa kanilang mga isinulat, lalo na sa magandang balita ni Juan.
Ang mga maaagang kabanata ni Isaias ay naglalaman ng “salita” sa tipikal na diwa ng Lumang Tipan na ito, bilang pagtuturo o kautusan ni Yahuwah. Ang magkasingkahulugan na pagkakatulad ng Isaias 2:3 at 5:24 ay binigyang-kahulugan “ang salita ni Yahuwah” bilang Kanyang kautusan. Ang huling dalawang linya ng 2:3 ay binasa: “Sapagkat mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ni Yahuwah ay mula sa Jerusalem.” Katulad nito, binigyang-kahulugan ng Isaias 1:10 “ang salita” bilang pagtuturo ni Yahuwah: “Mga pinuno ng Israel, pakinggan ninyo si Yahuwah! Ang inyong mga gawa ay kasinsama ng sa Sodoma at Gomorra. Kaya’t pakinggan ninyo at pag-aralan ang katuruan ni Yahuwah ng ating bayan.”
Gayunman, sa Isaias 9:8, ang konsepto ng “salita” ay pinalawak sa pamamagitan ng pagsasatao. “Ang Panginoon ay nagpadala ng isang salita sa lahi ni Jacob, at naliliwanagan ang Israel.” Bagama’t dito ang “salita” ay maaaring isalin na “mensahe,” ang isang komentarista ay nagpapahiwatig ng isang mas personal na interpretasyon: “Ang salita ay pareho sa kalikasan at kasaysayan ang mensahero ng Panginoon: Ito’y mabilis na tumatakbo sa lupa, at kapag isinugo ng Panginoon, dumarating sa mga tao upang mangwasak o magpagaling, at hindi bumabalik sa nagpadala nang walang bisa.”2 Ang paglalarawan ng mensahero ay maaaring ikumpara kay Kristo. Ang “salita” rito ay tumutupad sa sarili nito; ito ay mayroong mas personal na kapangyarihan kaysa sa isang simpleng mensahe o pagtuturo.
“Ang damo ay natutuyo, ang bulaklak ay nalalanta; nguni't ang salita ng ating Yahuwah ay mamamalagi magpakailan man” (Isaias 40:8). Ang isang komentarista ay ipinaliwanag ang bersong ito: “Ang tao at kanyang kapangyarihan ay panandalian lamang, samantalang ang salita, ang ipinahayag na layunin, ni Yahuwah ay nananatili magpakailanman.”3 Ang “ipinahayag na layunin” sa konteksto ay nagpapahiwatig sa magandang balita ng pagpapakita ng kaluwalhatian ng Panginoon. Narito, inilarawan ni Isaias kung ano ang isang eksklusibong Bagong Tipan na konteksto ng salita bilang mensahe ng kaharian. Isa pang komentarista ay ipinaliwanag ang siping ito:
“Ang mga tao na nabubuhay sa laman saanman ay mahina, namamatay, may takda; si Yahuwah, bagkos, ay ang makapangyarihan sa lahat, walang hanggan, nalalaman ang lahat; at gaya Niya, ang Kanyang salita, na itinuring na karwahe at pagbigkas ng Kanyang pananabik at pag-iisip, ay isang bagay na hindi hiwalay mula sa Kanya, at dahil dito’y kapareho Niya.”4
Kawili-wili na ang parehong komentaristang ito, sa pagpapaliwanag kay Isaias, ay nilinaw ang Juan 1:1. Noong simula pa lamang ay naroon na ang Salita — “Ipinahayag na layunin ni Yahuwah” o “ang karwahe at pagbigkas ng Kanyang pananabik at pag-iisip” — at ang Salita ay kasama ni Yahuwah, at “kapareho Niya.” Ang salitang ito ay naging laman kay Yahushua.
Sa pagsasatao ng “salita,” ginawang malinaw ni Isaias na ito ay higit pa sa isang simpleng komunikasyon, pagtuturo o kautusan. Sa halip, inilarawan niya na “Isang pagbigkas na tiningnan ng mga Hebreo na halos isang personal na kapangyarihan na tumutupad sa sarili nito.”
|
Ang Isaias 45:23 at 55:11 ay magkapareho sa isa’t isa sa kanilang paglalarawan ng “salita ni Yahuwah.” Parehong ipinaliwanag na ito’y inilabas mula sa bibig ni Yahuwah sa pagkamatuwid, at hindi babalik. “Hindi babalik sa akin na walang bunga, kundi gaganap ng kinalulugdan ko, at giginhawa sa bagay na aking pinagsuguan” (55:11). Si Yahushua, ang sukdulang pagsasatao ng “salita” ay hindi umakyat tungo kay Yahuwah nang hindi nagtatagumpay na tuparin ang ninanais ni Yahuwah para sa Kanya. Isang pagpapaliwanag ng komentarista sa “salita” rito ay sakdal na inilarawan si Kristo:
“Habang ito’y lumalabas mula sa bibig ni Yahuwah, ito’y nakakakuha ng hugis, at sa hugis na ito ay nakatago ang isang banal na buhay, dahil sa banal na pinagmulan nito; at kaya ito tumatakbo, sa pamamagitan ng buhay mula kay Yahuwah, pinagkalooban ng banal na kapangyarihan, nabigyan ng banal na mga komisyon, gaya ng isang matulin na mensahero sa pamamagitan ng kalikasan at daigdig ng tao, narito para tumunaw ng yelo, at para magpagaling at magligtas; at hindi babalik mula sa kurso nito hanggang maisakatuparan ang kalooban ng nagsugo. Ang pagbabalik ng salita na ito sa Diyos ay ipinalagay ang banal na kalikasan nito.”5
Sa pagsasatao ng “salita,” ginawang malinaw ni Isaias na ito ay higit pa sa isang simpleng komunikasyon, pagtuturo o kautusan. Sa halip, inilarawan niya na “Isang pagbigkas na tiningnan ng mga Hebreo na halos isang personal na kapangyarihan na tumutupad sa sarili nito.”6 At kaya tumulong si Isaias sa pagkakaunawa ng “salita” sa Juan 1:1 bilang tumutupad sa sarili, personal na kapangyarihan ni Yahuwah, na naging laman kay Yahushua at nakamit ang layunin ni Yahuwah.
1 Merrill Tenney, ed., The New International Dictionary of the Bible, Grand Rapids: Zondervan, 1987, p. 1069.
2 F. Delitzsch and C.F. Keil, Commentary on the Old Testament, Peabody, MA: Hendrickson, 1989, p. 256.
3 Arthur Peake, ed., A Commentary on the Bible, London: Thomas Nelson and Sons, 1919, p. 461.
4 Keil and Delitzsch, p. 143.
5 Ibid., p. 359.
6 Peake, p. 468.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Sarah Buzzard.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC