Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Nalalaman nating lahat ang nakakaakit na kwento ni Daniel sa yungib ng mga leon. Ngunit narinig mo ba ang tunay na pagwawakas nito? Naiisip mong narinig mo nga, ngunit mayroon akong sorpresa sa iyo! Hindi ang mga naninirang-puri kay Daniel at kanilang mga asawa’t anak na ang kanilang mga buto ay naging tanghalian sa nakamamatay na araw na iyon. Sa halip, ayon sa modernong bersyon nito, si Daniel mismo ang nilamon sa yungib ng ilang modernong “iskolar” at “komentarista.” Unti-unti, piraso sa piraso, ang tao na itinalaga ni Yahushua bilang “propeta Daniel” (Mateo 24:15) na may laman ng kanyang propetikong sulat ay tinanggal sa kalmot mula sa ating mahalagang Kasulatan, hanggang sa matira na lang ay mga buto ng isang dayupay na kalansay, ngayo’y nakakainsultong inilarawan bilang isang “malasagisag na may-akda” na nagsulat ng mapanglait na katawagan na propesiyang ex eventu (naganap na bago isulat).1
Ibig sabihin nito sa kwento, ayon sa mga modernong komentarista ng Bibliya, malinaw na si Daniel ay hindi isang propeta ni Yahuwah, dahil isinulat ang kanyang aklat sa panahon ng mga Macabeo, mga 165 BC, o mga 400 taon ang nakalipas sa panahon ng pagkakatapon sa Babilonya noong 586 BC. Sa halip na pangunahin, makasaysayang talaan ng testimonya ni Daniel na dinala mula sa kanyang lupain ni Haring Nabucodonosor, itong huling “Daniel” ay nagsulat matapos ang pangyayaring ito. Ang kanyang mga propesiya ay hindi talulikas na ipinakita ng isang Yahuwah na nagpahayag ng katapusan mula sa simula. Ang kanyang mga “propesiya” ay sa katunayan, nakalipas na kasaysayan na nagbabalatkayo bilang propesiya. Si Daniel, tayo’y inanyayahan na maniwala, isinulat sa kanyang aklat bilang isang “talinghaga” sa anyo ng apokaliptong kategorya ay makikita natin ang maka-Hudyong apokaliptong literatura na tipikal na binuo sa panahon ng mga Macebeo na pag-aalsa.
Gayunman, tayo’y dagdag na tiniyak ng komentaryong ito, tayo’y hindi dapat magulantang. Ang layunin ng huling Daniel na ito, gaya ng mga nalalabi ng ani ng mga manunulat sa pagitan ng dalawang tipan, ay sapat na. Ang mga manunulat ng mga aklat gaya ng 1 Ezra, 2 Baruch, 4 Enoc, at iba pa ay hiniling na himukin ang pagtitiis ng bayan ni Yahuwah ng mensahe na sa huli’y dudurugin ni Yahuwah ang mga paganong bansa at kaya ibibigay Niya ang gantimpala sa mga hinirang. Upang makamit ang kanilang pampanitikan na layunin gaya ng mga apokaliptong manunulat ay tumanaw lamang sa mga naunang kasaysayan ng kanyang bayan, at muling ipinaliwanag ang nakaraang iyon sa liwanag ng kanilang kasalukuyang pagtitiis, maging ang nakalipas na kasaysayan ay ipinasa bilang propesiya. At kaya dahil dito, karamihan sa mga “iskolar” at “komentarista” ngayon ay inilagay si Daniel sa kaparehong kategorya.
Ayon sa kaugalian, ang mga modernong iskolar na ito ay pinangatuwiranan ang kanilang mga argumento sa ilalim ng apat na pamulaan. Pinanindigan nila na si Daniel ay mayroong mga kasaysayang hindi tumpak, o posibleng mas katamtaman, anunismo. Nanindigan sila na may walang pagkakasundong wika (iyon ay gumamit si Daniel ng mga salitang Griyego, at isinulat sa isang huling Hebreo at Aramaikong istilo). Nanindigan sila na may mga doktrinal na pagkaligaw at, may kaugnayan sa maiksing artikulong ito, nanindigan sila na may mga propetikong kamalian at walang katiyakan. Ang ganito ay modernong ikot.
Sinabi ko bang moderno? Aba, aba, aba. Inalala ko ang isang kritikong nagngangalang Porphyry na isinilang noong 233 AD sa Tyre, Syria. Si Porphyry ay isang alagad ng tanyag na Neo-Platonikong pilosopo na si Plotinus. Siya ay isang mapait na katunggali ng Kristyanismo at nagsulat ng labing-limang aklat na pinamagatang Against the Christians. Maaari kong sabihin, si Porphyry ay ang unang kritiko na nanindigan na ang aklat ni Daniel ay hindi propesiya, at hindi isinulat ni Daniel, kundi binuo sa panahon ng Macabeo na pag-aalsa. Sinubukan niyang higupin ang lahat ng propetikong hangin ng “propeta Daniel” sa pagsakdal ng kanyang aklat bilang bogus. Ngayon, maaari kong ideskargo si Porphyry dahil siya ay isang tapat at kaaway na mapanghinala. Ang kanyang layunin ay para siraan ang Kristyanismo. Siya’y walang kahihiyan na kinapopootan ang Kristyanismo. Ngunit hindi ko maaaring ideskargo ang mga kasalukuyan na sila’y nagsasalita para kay Kristo habang inaampon ang kaparehong paraan ni Porphyry upang maglabas ng duda sa anong napakalinaw na paboritong aklat na binasa, inibig at ganap na pinaniwalaan mismo ni Yahushua.
Kaya anong masasabi natin dito? Walang puwang rito na ipahayag sa detalye ang ganoong kabigat na isyu. Panandalian, itala natin ang kakaunting may kinalaman na punto. Una, ang aklat ni Daniel ay palaging kabilang sa Hebreong kanoniko ng Kasulatan. Kung ang aklat ay orihinal sa bahagi ng tinatawag na “Ang mga Propeta” o “Ang mga Sulat” ay walang kaugnayan. Matapos ang pagtatalo, walang sinuman ang hindi sasang-ayon na ang aklat ay kabilang sa banal na kanoniko ng Hebreong Bibliya, at palaging matatag. (Ang ibang lubos na maharlikang aklat ay hindi kasama; mga aklat gaya ng 1 Macabeo o Sirach (Ecclesiasticus). Ang dalawang gawang ito, halimbawa, ay mataas na pinahalagahan ng mga Hudyo ng panahon, ngunit wala sa kanoniko, hindi itinuring na banal na nakapupukaw.) Ang dahilan ay ang sinaunang sinagoga ay pinaniwalaan na matapos ang panahon ni propeta Malakias, walang anumang propetikong tinig sa loob ng 400 taon hanggang marinig ang tinig ni Juan Bautista. Sinasabi dito, iyong mga nanindigan na si Daniel ay isang impostor na manunulat noong 165 BC ay nais tayo na maniwala na ang aklat ni Daniel ay ipinuslit tungo sa kanoniko ng mga tao na nalalaman na sina Nehemias at Malakias ang mga tunay na huling propeta ng panahon ng Lumang Tipan; ng mga tao na iginagalang ang kanilang banal na Kasulatan na banal na nakapupukaw. Isang paulit-ulit na kalungkutan sa 1 Macabeo ay “walang propeta sa lupain”! Ang naghihingalong pari na si Mattahias sa 1 Macabeo 2:49-70 ay ginamit ang halimbawa ni Daniel at kanyang tatlong kasama upang tipunin ang kanyang mga anak na nananatiling matapat kay Yahuwah ng Israel. Umapela siya sa tinig ng isang nakalipas na propeta dahil walang nabubuhay na “propeta Daniel” sa lupaing ito. Sa kabuuan: Kung si Daniel ay isinulat sa panahon ng pagitan ng dalawang tipan, siya ay “hindi propeta”! Ang katunayan ay siya’y isang propeta dahil nagsulat at nagsalita siya sa harap ni Yahuwah at pinatahimik ang Kanyang mga propeta sa loob ng 400 taon at humantong sa maringal na anunsyo ni Juan Bautista sa ilang.
Ikalawa, ang bawat mag-aaral ng Bibliya ay nalalaman na ang Septuagint, ang LXX (ang Griyegong bersyon ng Hebreong Bibliya) ay isinalin mga taong 300 hanggang 250 BC sa panahon ng mga Ptolemies ng Egipto. At hulaan kung ano? Ang aklat ni Daniel na binabasa mo at binabasa ko ngayon ay nasa Septuagint! Kung susundin mo ang matematika, malalaman mo na ang 250 BC ay kronolohiko bago ang 165 AD.
Ikatlo, at para sundan, palagi kong iniibig ang kwento ni Alexander ang Dakila na isinalaysay ni Josephus (manunulat noong 80 AD). Sa kanyang Antiquities of the Jews, Book XI, Chapter 8, sinabi sa atin ni Josephus ang isang matatag na kwento kung paano sa panahon ng paglusob sa Tyre ang dakilang Griyegong mananakop ay tinanong ang mga Hudyo para sa mga probisyon ng kanyang hukbo. Si Jaddua, ang mataas na pari, ay tumanggi sa pakiusap ni Alexander. Ang dahilan na ibinigay niya ay ang mga Hudyo ay may sinumpaang katapatan sa Persyanong hari, si Dario. Noong nasakop ni Alexander ang Tyre, marubdob siyang nagmartsa sa Jerusalem upang turuan ng leksyon ang mga Hudyo.
Tila si Jaddua ang mataas na pari ay sinabihan ni Yahuwah sa isang panaginip kung ano ang dapat gawin ng mga Hudyo. Lahat ng mga pari ay nakasuot ng puti. Si Jaddua naman ay sinuot ang kanyang pananamit, isang kulay pulang balabal, kasama ang baluti at ang gintong mitra. Sinundan ng prusisyon ng mga pari sa puting kasuotan, at umawit ng awit ng Sion, ang mga Hudyo ay tumungo upang batiin si Alexander, nakasakay sa puting kabayo kasama ang kanyang mabangis at hindi matinag na hukbo. Ayon kay Josephus, ipinakita ni Jaddua kay Alexander ang mga propesiya ni Daniel, mababasa sa kabanata 8:1-8 at 15-22. Ang mga siping ito na humula sa pagdating ng wala pang talo na si Alexander sa entablado ng mundo. Malinaw, lubos na matagumpay si Alexander kaya siya nag-alok ng mga handog at sinamba ang Diyos ng mga Hudyo. Ang kapansin-pansing punto ay nangyari ito mga 330 BC. Ang kritiko, syempre, kahit papaano’y alinsunod noong itinapon ang talaan ni Josephus na isang sinungaling na mananalaysay na nagsulat din matapos ang kaganapan. Ang hindi maitatangging katunayan gayunman ay nananatili: winasak ni Alexander ang bawat siyudad sa Syria na kaalyado ni Dario, maliban sa Jerusalem. Mismo, hindi lamang kinaawaan ni Alexander ang Jerusalem at ang Templo, kundi lubos na pinaboran ito. Bakit? Bueno, isipin mo nang mabuti. Sinabi sa atin ni Josephus ang isang tunay na makatuwirang pagpapaliwanag: Ang impresyon na ginawa sa kanya sa pagbabasa ng aklat ni propeta Daniel. Si Alexander ay pinalapag noong natanto niya na siya ang bituin ng talulikas na prediksyong ito na isinulat ilang henerasyon bago ang kanyang pagdating!
Ikaapat, noong ang mga Dead Sea Scrolls ay dumating sa liwanag noong 1947, natutunan natin na ang komunidad ng Qumran sa kanilang pag-aari ang maraming sinaunang teksto at retaso ng mga Hebreong propetikong Kasulatan. Kabilang sa mga mahahalagang pinagkukunan ay mga retaso ng mga aklat ng propetang sina Isaias at Daniel, kasama ang iba pa. Sa kanyang aklat na Expository Sermons on the Book of Daniel, nagkomento si W. A. Criswell: “Ang mga balumbon ni Daniel ay naitala pabalik sa panahong ang mga kritiko ay sinasabi na si Daniel ay isang huwad. Ang mga balumbon ni Daniel…ay bahagyang nakasulat sa Hebreo at bahagyang nakasulat sa Aramaiko, at ang Aramaiko ay hindi karaniwang Aramaiko ng ibang dokumento ng panahon ng Macabeo, kundi ang silanganang Aramaiko ng ikaanim na siglo BC. Kung nasaan ang Bibliya, kung nasaan si Isaias, naroroon si Daniel. At ang Hebreong wika ni Daniel sa mga Qumran Scrolls ay ang mabuti, klasiko, Biblikal na Hebreo ng Lumang Tipan, hindi ang Hebreo ng panahon ng Macabeo.” Unawain ang salpok ng pahayag na ito. Sa ganap na lingguistikang batayan, si Daniel ay binuo ilang daang taon bago ang mga modernong komentarista ay nais tayo na maniwala na ito’y binuo. Ang tunay na “propeta Daniel” ay nahulaan ang ilang daang taon bago ang Macabeo. Ang tunay na “propeta Daniel” ay talulikas na ipinakita ang utos ni Yahuwah sa hinaharap bago ang mga kaganapan ay matupad sa kasaysayan. Naipasa ni Daniel ang pagsubok na itinakda ni Yahuwah para sa pagiging lehitimong propeta (halimbawa: Deuteronomio 18:21-22).
Ikalima, isaalang-alang ito. Ang propetang si Ezekiel sa 14:14, 20 at sa 28:3 ay nabanggit ang isang tiyak na Daniel kasama ang dalawang dakilang bayani ng Hebreong Bibliya – sina Noe at Job. Tandaan na si Ezekiel ay nagsulat noong panahon ng pagkakatapon sa Babilonya at isang kasabayan ni Daniel. Tinawag niya si Daniel na “marunong” at “matuwid.” Para bagang mahirap isipin na si Yahuwah ay tatawagin ang isang tao na nagsulat noong 165 BC, nagpapanggap na Kanyang propeta (ngunit sa katunayan ay tumatanaw nang ex eventu at nagpapaliwanag sa paggunita) alinman sa marunong at matuwid. Hindi! Ang Daniel na nabanggit ni Ezekiel ay tanyag mula sa kanyang pagiging banal at sa karunungan sa kaparehong liga kay Noe at Job. Pinatutunayan ni Ezekiel si Daniel na isang tunay na bayani gaya ng isa na nababasa ko sa aking Bibliya ngayon. O maaari din ba nating batikusin ang propetikong paninindigan ni Ezekiel? Nakikita ba natin kung saan tayo tiyak na dadalhin ng guhit ng katanungang ito?
Ikaanim, ating isaalang-alang ito: Ang manunulat ni Daniel sa aking Bibliya ay nagpapatotoo na siya ay isang “tagakita,” iyon ay, isang propeta, at si Yahuwah ay nagparamdam sa kanya sa pangitain at nagsalita sa kanya sa pamamagitan ng mga anghelikong tagapagbalita at sa iba pang paraan. Halimbawa sa Daniel 8:1, nagpatotoo siya, “isang pangitain ay napakita sa akin, sa aking si Daniel, pagkatapos noong napakita sa akin nang una.” Tiyak na sinabi sa atin “sa aking si Daniel” ang tiyak na mga taon na ipinaliwanag niya ang mga panaginip ni Nabucodonosor: “At nang ikalawang taon ng paghahari ni Nabucodonosor ay nanaginip si Nabucodonosor ng mga panaginip” (Daniel 2:1). Si Daniel ay nagpatotoo hindi lamang sinabi ni Yahuwah sa kanya ang pagpapaliwanag ng panaginip ni Nabucodonosor kundi tumayo siya sa harap ng hari at ipinakita ang kahulugan sa panahon ng ikalawang taon ng hari sa kanyang trono. Isa pa sa Daniel 7:1, mababasa natin, “Nang unang taon ni Belsasar na hari sa Babilonia, ay nagtaglay si Daniel ng isang panaginip at mga pangitain ng kaniyang ulo sa kaniyang higaan.” Pagkatapos ay sa kabanata 8, muli, ang taimtim na pahayag ni Daniel ay mababasa, “Nang ikatlong taon ng paghahari ng haring Belsasar, ang isang pangitain ay napakita sa akin, sa aking si Daniel.” Ang ating pagpipilian ay ang mga sumusunod: ang Daniel na umaangkin na siya nga at nagsasabi ng totoo noong itinala ang mga pangitaing ito at mga nakapupukaw na interpretasyon nito, o siya ay isang impostor.
Ang ideya na ang aklat ni Daniel ay nasa kaparehong kategorya gaya ng ibang manunulat sa panahon ng pagitan ng dalawang tipan ay mali para sa mga dahilan na binalangkas sa ibabaw nito. Sa katunayan, si Daniel ang modelo! Si Daniel ang kauna-unahan (at ang natatangi) na lehitimong apokaliptong manunulat sa Hebreong Bibliya. Lahat ng mga sumunod na apokaliptong manunulat ay sinundan lamang ang kanilang sarili batay sa orihinal na propetang si Daniel ng panahon ng pagkakatapon sa Babilonya!
At kung hindi mo paniniwalaan ang isang salita na aking isinulat, ako’y nasa ikapitong lugar na sa huli’y aapela sa aking Panginoon at Yahushua Mesias. Tinawag niya si Daniel na “propeta” (Mateo 24:15). Ang ating Panginoong Yahushua ay hindi sinabing, “Daniel ang mapagpanggap”! Hindi niya rin hinirang na “Daniel ang tao sa talinghaga!” Hindi niya sinabi, “si Daniel ang komentarista na tumingin sa likod ng kanyang balikat tungo sa kanyang mga hinalinhan.” Ano pa man, hindi. Ang ating Panginoong Yahushua mismo ay naniwala na ang espiritu ng propesiya ay nagpatotoo sa pamamagitan ni Daniel. O malamang si Yahushua na inangkin ang bawat salita na sinasabi niya ay nagmula sa Ama ay malungkot na pagkakamali sa huli?
Bilang pagwawakas: Upang tanggalin si Daniel bilang isang lehitimong saksi sa mga makasaysayang kaganapan na nakabalangkas sa aklat na nagdadala ng kanyang pangalan, upang tanggalin si Daniel bilang isang lehitimong propeta na pinakitaan ni Yahuwah ng mga kapansin-pansing detalye ng mga kaganapan sa hinaharap mula sa Babilonya hanggang sa mismong katuparan ng kasalukuyang masamang panahon, ay para bantaan ang buong diwa ni Yahushua, ang kanyang mga apostol at ang mismong banal na Kasulatan. Nakamamatay na muling isulat ang kwento. Ito ay para makita si Daniel na nilamon ng kanyang mga kritiko!
Kaya sino sa atin ang magiging marangal gaya ng nababalisang hari ng Medo at Persya na sa pagtulog ay iniwan siya gaya ng paglipas ng gabi ni Daniel sa yungib ng mga leon? Tayo ba ay hindi mababahala gaya ng hari ng malawak na imperyo para sa integridad ni Daniel, noong siya’y nag-ayuno sa gabi, tumangging maabala ng anumang masayahing aliwan, at bago ang araw ay sumikat sa umaga at nagmamadali sa kanyang padyama upang itanong kay Daniel, “Ang iyo bagang Yahuwah na iyong pinaglilingkurang palagi ay makapagliligtas sa iyo sa mga leon?” (Daniel 6:18-20). Mayroon akong kutob na ang nabubuhay na Yahuwah ay magpapadala ng kanyang anghel upang itikom ang lahat ng mga salungat na bibig at mananggalang “Daniel ang Propeta” sa Araw na papalapit na.
1 Isang maalituntuning teolohiko o makasaysayang termino na tumutukoy sa isang propesiya na isinulat matapos ang may-akda ay taglay na ang impormasyon tungkol sa mga kaganapan na “nahulaan.” Wikipedia
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Greg Deuble.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC