Espiritwalismo: Ang Dakilang Panlilinlang (Parte 2 Ng 2)
| Aming ibinalik sa website ng WLC, sa Banal na Kasulatan ay sinipi ang mga Pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito’y orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. I-click rito upang idownload ang Restored Names Version (RNV) ng Banal na Kasulatan. Ang RNV ay isang hindi-WLC na pinagkukunan. –Pangkat ng WLC |

Hindi Nalalaman Ng Patay Ang Anumang Bagay
13. Nalalaman ba ng patay ang anumang bagay, o mayroong anumang alaala?
Sapagkat nalalaman ng mga buhay, na sila’y mangamamatay: ngunit hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagkat ang alaala sa kanila ay nakalimutan. Mangangaral 9:5.
14. Ano ang idinadagdag ng taong pantas, na inaalis magpakailanman ang ideya na ang patay ay bumabalik sa lupa upang makipag-ugnayan sa mga nabubuhay?
Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw. Mangangaral 9:6.
15. Pagkatapos, kapag ang mga himala ay isinagawa ng mga espiritu na nagpapalagay na mga pumanaw na mahal natin sa buhay, saan natin sila maaaring ihinala?
Sapagkat sila’y mga espiritu ng mga demonyo, na nagsisigawa ng mga tanda; na pinaparoonan nila ang mga hari sa buong sanglibutan, upang tipunin sa pagbabaka sa dakilang araw ni Yahuwah, na Makapangyarihan sa lahat. Pahayag 16:14.
16. Ano ang magiging katangian ng mga pagtalikod sa mga huling araw mula sa pananalig?
Ngunit hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba’y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonyo. 1 Timoteo 4:1
Nasa Liga Kasama Si Satanas
17. Paano lilinlangin ni Satanas ang mga tao?
At hindi katakataka: sapagkat si Satanas man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan. 2 Corinto 11:14.
TALA: Sa hinaharap, ang mga pamahiin ni Satanas ay gaganap ng mga bagong anyo. Ang mga kamalian ay ipapakita sa isang kaaya-aya at nakakaakit na paraan. Ang mga huwad na teorya, dinamitan ng mga kasuotan ng liwanag, ay ipapakita sa bayan ni Yahuwah. Kaya si Satanas ay susubukan na mandaya, at kung posible, ang mismong hinirang.
18. Ano ang papel ng kanyang mga ahente bago ang katapusan?
Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang mga ministro naman ay magpakunwari na waring ministro ng katuwiran. 2 Corinto 11:15.

19. Ang mga himala ba ay palaging patotoo ng kapangyarihan ni Yahuwah?
“At siya’y gumagawa ng mga dakilang tanda, na ano pa’t nakapagpapababa ng kahit apoy mula sa langit hanggang sa lupa sa paningin ng mga tao. At nadadaya niya ang mga nananahan sa lupa dahil sa mga tanda na sa kaniya’y ipinagkaloob na magawa sa paningin ng hayop” Pahayag 13:13-14.
Sagot: Hindi.
20. Sinubukan ba ni Satanas na gawing huwad ang pagbabalik ni Yahushua noong 70 AD sa pamamagitan ng mga tanda at himala?
Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Kristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Kristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang. Mateo 24:23, 24.
Sagot: Oo.
21. Ano ang mangyayari sa mga nagsasagawa ng mga tanda at himala sa kanyang muling pagdating?
Na papatayin ng Panginoong Yahushua ng hininga ng kaniyang bibig, at sa pamamagitan ng pagkahayag ng kaniyang pagparito ay lilipulin; Siya, na ang kaniyang pagparito ay ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan, At may buong daya ng kalikuan sa nangapapahamak. 2 Tesalonica 2:8-10.
Sagot: Sila’y malilipol ni Yahushua sa Kanyang pagbabalik.
TALA: Ang Tagapagligtas ay nagbabala sa kanyang bayan laban sa panlilinlang sa puntong ito, at malinaw na nahulaan ang paraan ng kanyang muling pagdating.
Marami at marami pa, ang mga kaganapan sa iba’t ibang panig ng mundo ay pabilis nang pabilis tungo sa isang hindi mapipigilang sukdulan.
Sa malapit na pagsusuri ng maraming panahon sa kasaysayan, gayunman, natagpuan natin na ang bawat salinlahi ay mayroong naiisip na ‘nakakakumbinsing dahilan’ upang ipalagay na sila’y nasasaksihan ang mismong mga huling kaganapan na humahantong sa huling pagbabalik ni Yahuwah. Sinasabi naming ‘huli’ dahil, sa madasaling pag-aaral, dumating na natanto namin ang maraming bagay kabilang ang –
(a) Paulit-ulit nagbabala si Kristo Yahushua na ang kanyang pagbabalik ay kukunin maging ang mga mananampalataya sa pagkagulantang. Walang ibinibigay ang Kasulatan na “mga tanda ng panahon” upang ipahiwatig kung kailan ang pagbabalik ng Tagapagligtas, kaya ang bawat mananampalataya ay dapat mabuhay sa patuloy na paghahanda para sa kanyang pagbabalik, kahit kailan pa iyon.
(b) Ipinupunto ng Kasulatan kay Yahushua ang ‘muling pagdating’ – maraming beses – bago ang kanyang huling pagdating upang kumpletuhin ang kaharian sa lupa at ibigay ito kay Yahuwah.
Sapagkat nauunawaan natin ngayon, ang kanyang ‘ikalawang pagdating’ ay noong paghahatol sa taong 70 AD, ang pagkawasak ng Jerusalem – ito ang pagwawakas ng Israelitang panahon/mundo/sistema ng pag-aalay, atbp. Sa kanyang Olibong Diskurso, lahat ng sinabi niya [bago sa berso 35 ng Mateo 24] ay nagaganap sa panahon ng umiiral na salinlahi na IYON na tumatanggap ng pahayag. Ang kanyang ‘HULING’ pagdating ay inilarawan PAGKATAPOS ng berso 35.
Mateo 24:
35 Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.
36 Ngunit tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.
42 Mangagpuyat nga kayo: sapagka't hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.
1 Tesalonica 4:16, 17:
16 Sapagkat ang Panginoong Yahushua din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ni Yahuwah: at ang nangamatay kay Kristo ay unang mangabubuhay na maguli;
17 Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin si Yahushua sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoong Yahushua tayo magpakailan man.
Ang pagdating na ito ay walang posibilidad ng paghuwad nito. Ito’y malalaman—masasaksihan ng buong sanlibutan.
TALA:
SIPI: Mayroong higit pa sa isa na “paririto” ni Kristo sa Bagong Tipan. Karamihan sa ating mga kasulatan ay nakasentro sa “muling paglitaw” ni Kristo, na naganap noong 70 AD. Ito’y tinawag na “ikalawa” sa kanyang “unang” personal na paglitaw.
22. Ano ang sasabihin ng mga, napanatili ang kanilang pag-ibig sa katotohanan?
At sasabihin sa araw na yaon, Narito, ito’y ating Eloah; hinintay natin Siya, at ililigtas Niya tayo: ito si Yahuwah Eloah; ating hinintay Siya, tayo’y matutuwa at magagalak sa Kaniyang pagliligtas. Isaias 25:9.
Para balaan ay para maghanda; gagawin mo na ba ang salita ni Yahuwah na batayan ng iyong buhay?







