Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami'y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Bilang 1: “Ngunit para sa atin ay may iisang Diyos, ang Ama” (1 Corinto 8:6)
Nakahanda ka bang paniwalaan ito? Ito ang tamang-tama: “Hindi ba iisa ang ating Ama? Hindi ba’t iisang Diyos ang lumalang sa atin?” (Malakias 2:10).
Ang karamihan sa mga simbahan ay tinanggihan ang monoteismong ito at sinabi, “Kami’y naniniwala sa isang Diyos: ang Ama, Anak at Espiritu Santo.” Walang teksto ng Bibliya, maliban sa isang halata, lantarang korapsyon sa 1 Juan 5:7 (nilaktawan mula sa mga modernong tagapagsalin), ang nagsasabi na ang isang Diyos ay ang Ama, Anak (“Salita”) at Espiritu Santo.
Sinabi ni Hesus sa Juan 17:3 na ang Ama ay “iisang tunay na Diyos.” Si Augustine, tinawag (nang mali, naiisip namin) bilang isang Kristyanong artistang teologo, ay pinanday ang tekstong iyon, binabago ang pagkakasunod ng mga salita, iniiba ang kahulugan, upang masabi na ang Ama at ang Anak ang tanging tunay na Diyos.
Ang salitang “Diyos” ay nangangahulugan na Ama sa Bagong Tipan ay binanggit nang mga 1300 beses. Ang salitang “Diyos” sa Bibliya ay hindi kailanman nangahulugan sa Ama, Anak at Espiritu Santo. Ang Isang Diyos ay binigyang-kahulugan bilang isang iisang banal na Katauhan, libu-libong beses, sa mga isahang personal na panghalip: Ako, Akin, Ko, Ikaw, Iyo, Mo, Siya, Kanya, Niya.
Ang simbahan ay nahanap ang sarili nito sa isang suliranin sa panahong sinusubukan nitong itugma ang doktrina ng Pagkadiyos ni Hesus at Pagkadiyos ng Ama sa monoteismo. Sapagkat ayon sa mga saksi ng Bagong Tipan, sa mga pagtuturo ni Hesus na may kinalaman sa mnonoteismo ng Lumang Tipan at Hudaismo, walang elemento ng pagbabago ano pa man.
|
Ang mga nangungunang Trinitaryan ay inako ang sukdulang kawalan ng katuwiran ng kanilang doktrina. Sinabi ni Kardinal J.H Newman na ang pinakamalapit na maaari nating marating sa pagsasalita ng Trinidad ay “para sabihin na ang isang bagay ay dalawang bagay” (Select Treatises of Athanasius in Controversy with the Arians, 1895, p. 515).
Si Dr. Hey, nagbibigay ng panayam sa Cambridge tungkol sa Trinidad ay sinabi, “Ito’y maaaring magsilbi para magtaguyod ng katamtaman, at, sa huli, pagkakasundo, kung kami’y naging masipag sa lahat ng panahon upang kumatawan sa aming sariling doktrina [ng Trinidad] ay bilang ganap na hindi mauunawaan” (Lectures in Divinity, Vol. 2, p. 253).
Si Dr. Martin Werner ng Bern, Switzerland, ay tumpak na ipinahayag ang Trinidad na pasalangsang: “Ang simbahan ay nahanap ang sarili nito sa isang suliranin sa panahong sinusubukan nitong itugma ang doktrina ng Pagkadiyos ni Hesus at Pagkadiyos ng Ama sa monoteismo. Sapagkat ayon sa mga saksi ng Bagong Tipan, sa mga pagtuturo ni Hesus na may kinalaman sa monoteismo ng Lumang Tipan at Hudaismo, walang elemento ng pagbabago ano pa man. Ang Marcos 12:29 ay naitala ang kumpirmasyon ni Hesus mismo, nang walang anumang pasubali, ng kataas-taasang monoteistikong pag-amin ng pananampalataya ng relihiyong Israelita sa ganap na anyo nito…Ang mga paraan kung saan ang simbahan ay hangad na ipakita ang kasunduan ng doktrina nito tungkol sa Pagkadiyos ng parehong Ama at Anak sa monoteismo, ay nanatiling lubos na hindi tiyak at pasalungat” (Formation of Christian Dogma, 1957, p. 241).
Ang mga Trinitaryan ay bigong paniwalaan ang berso sa ibabaw, na nagbibigay ng kahulugan sa isang Diyos bilang Ama (1 Corinto 8:6). Upang itaguyod ang kanilang pagkalito, sasabihin nila nang matapang na si Hesus ay “isang Panginoon,” at kaya siya rin ay Diyos! Ang pagkasira ng lohika ay ang katunayan lamang na si Hesus ay isang panginoon na Kristo/Mesias na hindi ang isang Panginoong Diyos (Awit 110:1; Lucas 2:11).
Ang Talatinigan ni Kristo at ng mga Mabuting Balita ay ipinahayag ang simpleng katunayan: “Para sa mga tao ng Bagong Tipan, ang Diyos ay ang Diyos ng Lumang Tipan, ang Nabubuhay na Diyos, isang Katauhan, mapagmahal, nagpapalakas, naghahangad ng katuparan ng isang walang hanggang layunin ng awa, ang kasiyahan ng Kanyang mapagmahal na kalikasan…Ang monoteismo ng Lumang Tipan ay hindi kailanman naging mahirap na unawain, dahil ang Diyos ng Lumang Tipan ay hindi isang pagkabatid, o isang laman [esensya], kundi palaging isang Katauhan” (Vol. 1, p. 807).
Si Murray Harris, isang Trinitaryan, ay sinabi: “Ito’y hindi tila wala sa katuwiran na imungkahi ang isang katanungan gaya nito: Para sa mga tinutukoy na may-akda ng Hebreo noong sinabi niya (1:1), ‘Noong una, nagsalita ang Diyos sa ating mga ninuno sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta.’ Iyon ay hindi ang Banal na Espiritu sa anumang sukdulang diwa ay patunay mula sa punto na wala sa Luma at Bagong Tipan ang Espiritu ay hayagang tinawag na ‘Diyos.’ At, sa kabila ng katunayan na katumbas na YHVH ng LXX [Septuagint] na — kurios [Panginoon] — ay karaniwang ginagamit kay Hesus sa Bagong Tipan kaya ito’y naging titulo na lamang sa halip na tamang pangalan, hindi posible na ang theos [Diyos] sa Hebreo 1:1 ay nagpapahiwatig kay Kristo Hesus, para sa kaparehong pangungusap (sa Griyego) na naglalaman ng ‘(nagsalita ang Diyos…) sa mga huling araw ay nagsasalita sa atin sa pamamagitan ng Anak.’ Sapagkat ang may-akda ay binibigyang-diin ang pagpapatuloy ng dalawang bahagi ng banal na pahayag (‘Nagsalita ang Diyos…nagsalita sa huli’), ang sangguniang ito sa isang Anak ay nagpapakita na ang theos [Diyos] ay naunawaan na ‘Diyos Ama.’ [Walang nagsabi kailanman na ‘Diyos Anak’!]
Ang simbahan sa huli, matapos ang mga panahon sa Bibliya, ay tuluyan nang nawala ang isipan nito sa pagbabanta na mawawalan ng kaligtasan ang sinuman na hindi susunod sa tatluhang kahulugan ng Diyos.
|
“Katulad nito, ang pagkakaiba ay ginawa sa pagitan ng theos [Diyos] bilang isa na nagsasalita sa parehong panahon [ng Luma at Bagong Tipan] at ang ‘Anak’ bilang kanyang huling paraan ng pagsasalita ay nagpapakita na sa kaisipan ng may-akda, hindi ito ang Tatluhang Diyos ng Kristyanong Teolohiya na nagsasalita sa mga ninuno sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang propeta. Iyon ay para sabihin, para sa may-akda ng Hebreo (para rin sa lahat ng mga manunulat ng Bagong Tipan, ang isa ay maaaring ipahiwatig) ‘ang Diyos ng ating mga ninuno,’ si Yahweh, ay walang iba kundi ‘ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo’ (ikumpara sa Mga Gawa 2:30 at 2:33; 3:13 at 3:18; 3:25 at 3:26; itala rin ang 5:30).
“Ang ganitong konklusyon ay ganap na naaayon sa karaniwang paggamit ng Bagong Tipan ng theos [Diyos]. Magiging hindi tama para sa Elohim o YHVH na tumukoy sa Trinidad sa Lumang Tipan, kapag sa Bagong Tipan ang theos [Diyos] ay karaniwang tinutukoy ang Ama lamang at malinaw na hindi sa Trinidad.”1
Ito’y lubos na isang konsesyon! Ang “Diyos” sa Kasulatan ay hindi kailanman nangangahulugan na Tatluhang Diyos!
Ang simbahan sa huli, matapos ang mga panahon sa Bibliya, ay tuluyan nang nawala ang isipan nito sa pagbabanta na mawawalan ng kaligtasan ang sinuman na hindi susunod sa tatluhang kahulugan ng Diyos. Nagbibigay ng panayam tungkol sa Trinidad sa Oxford, si Dr. Leonard Hodgson, ang Regius na propesor, ay nagdagdag ng ilang katalusan sa isang matrahedyang kalagayan. Isinulat niya: “Ang Kredong Athanasian ay isang lubos na nakapagtuturong dokumento, sapagkat ipinapakita nito na, noong ang isang tangka ay ginawa upang ipahayag ang pananampalatayang Kristyano sa mga tuntunin ng talinghaga [metapisikang pilosopiya] ng panahon, ang maaari lamang gawin ay maglatag ng isang serye ng mga pagsalungat at sabihin na ikaw ay paparusahan kung hindi ka maniniwala sa mga iyon [!]…Ang unang palagay na ginawa sa kaisipan sa pakikinig ng Kristyanong doktrina ng Trinidad na ito ay lubos na hindi kapani-paniwala.”2
“Ang patotoo ay ang mga kredong ito ay nilabag ang Shema. Para kay Hesus, ang Shema ay ang sentrong tuntunin…Paano ito kung ang isa na sumunod sa kredo ni Hesus, ay isa na maaaring ituring na erehe ng isang itinatag na simbahan? Paano ito na kailangan nating pabayaan/pagharian/pawalang-bisa ang pinakadakilang kautusan sa lahat? ‘Ang Panginoon nating Diyos ay isang Panginoon’ (Deuteronomio 6:4; Marcos 12:29).
Wala sa pagkalitong ito, kabilang ang pagpatay, labanan at pagtitiwalag, ay kinailangan kung ang numero uno sa ibabaw ay pinaniwalaan! “Ngunit para sa atin ay may iisang Diyos, ang Ama” (1 Corinto 8:6)
|
“Sinabi ni Propesor Les Hardin: ‘Sa atin na nasa Kristyanong pananampalataya na tradisyonal na binasa ito bilang isang Trinitaryan na pahayag; naniniwala kami na ang Diyos ay tatluhan — Ama, Anak at Espiritu Santo — at ang bersong ito ay pinapanatili tayo sa paniniwala na may tatlong diyos…Sa konteksto, gayunman, ito ay hindi gumagawa ng lubos na saysay, at ito ang teolohikong kontrobersya sa mga bariles ng tinta ng impresor na natapon.’ (Ang nasayang na tinta ay tila mamarak sa paghahambing sa dugo ng marami na ang mga buhay ay kinuha dahil sila’y nanindigan para sa Diyos na isa at nag-iisa lamang, ang Ama.)
“Tama si Hardin sa pagtatanong sa anong saysay ang matatagpuan sa pagsasabi na ang Diyos ay tatluhan. Ang mga matatapang na kaluluwa sa lahat ng mga siglo ay may lakas ng loob na tanungin ang lohikang ito. Ang ilan ay namuhay upang isulat ang tungkol dito…Sinasabi ba natin na ang Panginoon ng Katuwiran, ang Nag-iisa na pinagmulan ng lahat ng katalinuhan, sa katunayan ay pinagtitibay ang isang hindi maunawaang teorya tungkol sa kung Sino ba talaga Siya? Talaga?”3
Wala sa pagkalitong ito, kabilang ang pagpatay, labanan at pagtitiwalag, ay kinailangan kung ang numero uno sa ibabaw ay pinaniwalaan! “Ngunit para sa atin ay may iisang Diyos, ang Ama” (1 Corinto 8:6)
At wala rito ang kailangan kung ang mga nagsisimba ay nakinig kay Hesus na nagpahayag na “ang Panginoon na ating Diyos ay isang Panginoon” (Marcos 12:29). Ang isang Panginoon ay nangangahulugan na isang Katauhan. Ang Diyos ay isang Katauhan gaya ng ipinahayag ng numero uno sa ibabaw. Ito’y marapat at sapat na upang matugunan ang lahat ng katanungan tungkol sa isang Diyos: “Ngunit para sa atin ay may iisang Diyos, ang Ama.”
Bakit hindi mo ibinibigay ang iyong maalab na atensyon sa anong sinabi ni Hesus, na inaangkin mo na sinusundan mo, binigyang-kahulugan bilang “ang pinakadakila sa lahat ng kautusan”? Sinabi ni Hesus, sa pagtatapos ng kanyang sermon ng paglilingkod: “Ang Panginoon nating Diyos ay isang Panginoon” (Marcos 12:29).
Ang “Isang Panginoon” ay nangangahulugan na isang Katauhan, hindi na hihigit pa sa isa! (Itanong mo pa sa isang dalawang taong gulang!) Para sabihin na ang Diyos ay tunay na “tatlong Katauhan” ay nilalabag ang Kasulatan.
|
Ito’y eksakto sa sinipi sa Griyegong pagsasalin (LXX) ng Lumang Tipan at sa Bagong Tipan. Ang “Isang Panginoon” ay nangangahulugan na isang Katauhan, hindi na hihigit pa sa isa! (Itanong mo pa sa isang dalawang taong gulang!) Para sabihin na ang Diyos ay tunay na “tatlong Katauhan” ay nilalabag ang Kasulatan. Isang kaibigan na iskribang Hudyo ay naunawaan at itinaguyod ang mga salita ni Hesus: “Tama po, Guro! Totoo ang sinabi ninyo. Iisa nga ang Diyos at wala nang iba liban sa Kanya.” (= isang Katauhan, Marcos 12:32). Ang iskribang Hudyo ay kumatig sa kanyang sariling kahulugan ng Diyos, ganap na sumasang-ayon kay Hesus, sa pagdagdag ng Deuteronomio 4:35, 39: “Wala ng iba liban sa Kanya. Walang ibang Diyos liban kay YHVH.”
Ang isyu ay ito: Sumasang-ayon ka ba kay Hesus, o ang iyong katapatan kay Hesus at iyong kahulugan ng Diyos ay hindi malinaw sa Diyos at tao? Ang mga Kristyano ay dapat kasing-tunog ni Hesus at may kaisipan gaya niya (1 Corinto 2:16). Tayong lahat ay sumasang-ayon sa “Panalangin ng Panginoon.” Ngunit tayo’y nagpapahayag ba ng katumbas na pananalig “ang kredo ng Panginoon,” ang kanyang kahulugan ng Diyos at ating “katapatan” sa Diyos at Kanyang Mesias?
Ang pahayag ni Pablo na “Ngunit para sa atin ay may iisang Diyos, ang Ama” (1 Corinto 8:6) ay inulit lamang ang sinabi na ni Hesus at ang Kasulatan nang libu-libong beses, na ang Diyos ay isang “Siya, Niya,” nag-iisang isa, mapagmahal na Ama. Si Hesus, syempre ay ang “isang panginoong Mesias/Kristo” nang daan-daang beses; nagsisimula sa Lucas 2:11. Si Hesus ay “ang taong Mesias” ng 1 Timoteo 2:5, isa pang pahayag ni Pablo.
Ang Awit 110:1 ay ang pinakamadalas sipiing berso galing sa Lumang Tipan sa Bagong Tipan. Hindi nakakapagtaka na si Hesus, ang panginoong guro (Juan 13:13), ay agad tumungo upang itanong ang kanyang tanyag na huling katanungan tungkol sa dalawang panginoon na nasa Awit 110:1. Si YHVH, ang Panginoong Diyos, syempre, ay tinukoy sa Awit na isang Panginoong Diyos lamang, binati ang isang orakulo sa ikalawang panginoon, ang Mesias, na hayagan na hindi Diyos, kundi “aking [taong] panginoon,” hindi “aking Panginoon.” (Ang malaking titik sa ikalawang panginoon ng Awit 110:1 ay nakakalinlang).
1 Murray Harris, Jesus as God, p. 47, talababa 112.
2 Christian Faith and Practice, p. 78, 80.
3 Barbara Buzzard, “Praying Like Jesus: The Shema,” Focus on the Kingdom, August 2020.
Ito ay pinakaiksi mula sa isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Ginoong Anthony Buzzard.
Ang mga pangalan at mga titulo na karaniwang sinusubukang iwasan ng WLC (gaya ng Diyos, Hesus, atbp.) ay iniwang buo sapagkat ang mga ito’y ginamit ng may-akda sa orihinal na artikulo dahil ang mga ito’y pinakamadalas gamitin sa mas malawak na konteksto ng isang sipi sa isang pagsisikap na ilarawan ang kamalian ng doktrina ng trinidad. Para sa isang pagpapaliwanag kung bakit ang WLC ay itinataguyod ang paggamit ng “Yahuwah” para sa Ama at “Yahushua” para sa anak, sumangguni sa sumusunod: Bakit Yahuwah at Yahushua Lamang.