Hindi Ba “Lahat Ng Nilikha” Ay Mabuting Kainin Ngayon?
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
“Lahat ng nilikha ni Yahuwah ay mabuti at walang dapat tanggihan, sa halip ay dapat tanggapin na may pasasalamat, dahil ito ay nagiging malinis sa pamamagitan ng salita ni Yahuwah at ng panalangin.” (1 Timoteo 4:4, 5)
Gagawa ito nang mabuti sa atin upang maunawaan ang konteksto ng mga kaisipang ito. Sa berso 3, sinasabi ni Pablo na may mga tao sa kanila na mag-uutos na “ipagbabawal ang mga pagkaing nilikha ni Yahuwah upang tanggaping may pasasalamat ng mga sumasampalataya at nakauunawa ng katotohanan.”
Ang tanging mga nilikha na itinuro ni Yahuwah sa sangkatauhan na kainin ay malinis (Levitico 11; Deuteronomio 14).
|
Ang susing parirala ay “nilikha ni Yahuwah upang tanggaping may pasasalamat.” Ang tanging mga nilikha na itinuro ni Yahuwah sa sangkatauhan na kainin ay malinis (tingnan ang Levitico 11; Deuteronomio 14). Kaya dahil dito, ang mga nilikha na sinasabi ng mga huwad na guro na iwasan ay mga malilinis na nilikha! Ngunit bakit iiwas mula sa mga malilinis na nilikha? Hindi sinasabi ni Pablo ang tungkol sa mga taong walang karne kundi ang mga huwad na guro na nag-aangkin na ang mga malilinis na nilalang ay nagiging ritwal na marumi dahil ang mga ito’y hinatid mula sa mga pagano na nag-alay ng hayop para sa kanilang mga diyos. Hinirap din ni Pablo ito sa mga mananampalatayang ng Corinto:
“Kaya’t tungkol sa pagkain ng mga inialay sa mga diyus-diyosan, alam natin na walang totoong diyos na inilalarawan ng mga diyus-diyosan sa sanlibutan, at walang ibang Yahuwah maliban sa isa. Sapagkat kahit may tinatawag na mga diyos, sa langit man o sa lupa, gaya ng pagkakaroon ng maraming ‘mga diyos’ at maraming ‘mga panginoon,’ ngunit para sa atin ay may iisang Diyos, ang Ama, na siyang pinagmulan ng lahat ng mga bagay, at para sa kanya tayo’y nabubuhay, at may iisang Panginoon, si Kristo Yahushua, na sa pamamagitan niya ay nagkaroon ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan niya, tayo’y nabubuhay. Subalit hindi lahat ng mga tao ay may ganitong kaalaman. At may ibang nasanay na sa mga diyus-diyosan hanggang ngayon ay kumakain na para bang totoong inialay sa diyus-diyosan ang pagkain, at dahil mahina ang kanilang budhi, inaakala nilang sila’y nadungisan. Ngunit ‘hindi tayo napapalapit kay Yahuwah dahil sa pagkain.’ Walang nawawala sa atin kung hindi tayo kumain, at wala rin naman tayong napapala kung tayo’y kumain.” (1 Corinto 8:4-8)
Kaagad, makukuha natin ang konteksto ng anong tatalakayin ni Pablo. Hindi siya nakikipagtalo kung o hindi ang mga maruruming nilikha ay ngayon na sa anuman ay angkop para kainin ngunit ang tatalakayin ay “tungkol sa pagkain ng mga inialay sa mga diyus-diyosan.” Sa kanyang talakayan, sinasabi ni Pablo na ayos na ayos lang para sa iyo na kainin ang pagkain na naunang inalay sa ibang diyos dahil, “para sa atin ay may iisang Diyos, ang Ama, na siyang pinagmulan ng lahat ng mga bagay.” Muli, ang mga malilinis na nilikha na pinag-uusapan natin dito. Walang anumang bigat ng seremonyal na ritwal ang magpaparumi na tinatawag na malinis ng isang tunay na Yahuwah.
Hindi lamang maling paniniwala na ang mga malilinis na hayop ay nagiging ritwal na marumi na inalay sa isang diyus-diyosan o lumapat sa isang maruming hayop, kundi sila’y may maling paniniwala na ang isang Hudyo ay nagiging marumi kapag dumiit sa isang Hentil! Itinama ni Yahuwah ang pagkakaunawa ni Pedro nito sa Mga Gawa 10 noong ibinigay Niya kay Pedro ang pangitain ng malilinis at maruruming hayop na magkasamang ibinaba sa lupa.
Nagpapatuloy si Pablo sa pagsasabi na hindi lahat ay mayroong kaalamang ito ng isang tunay na Diyos at Kanyang Anak, kaya kapag kinakain nila ang karneng ito, mali ang paniniwala nila na sila’y dinungisan sapagkat ang kanilang budhi ay mahina dahil sa kanilang paniniwala na kapag kinain nila ito, sila’y “kumakain na para bang totoong inialay sa diyus-diyosan ang pagkain.”
Pagkatapos, si Pablo ay nagpapayo sa atin na mag-ingat kapag kumakain ng karneng ito sa kanilang presensya:
“Ngunit mag-ingat kayo, baka ang kalayaan ninyong ito ay maging sanhi ng pagkakasala ng mahihina. Sapagkat kapag may nakakita sa iyo, ikaw na mayroong alam, na nakikisalo ka sa pagkain sa loob ng templo ng diyus-diyosan, hindi kaya ang kanyang mahinang budhi ay mahikayat na kumain ng mga bagay na inialay sa mga diyus-diyosan?” (1 Corinto 8:9, 10)
Sinasabi ni Pablo rito na kung ang mga mayroong mahinang budhi ay nakikitang ika’y kumakain ng pagkaing inalay sa isang diyus-diyosan, ang kanilang budhi ay maaaring magsimulang makakuha ng tiwala na ayos lang kumain ng pagkaing inalok sa mga diyus-diyosan para sa maling dahilan. Maaari nilang maisip na ayos lang sa iyo sa paniniwala sa ibang diyos at ikaw ay walang problemang kumain “ng mga bagay na inialay sa mga diyus-diyosan.” Nagpapatuloy si Pablo:
“Kaya’t sa pamamagitan ng iyong kaalaman ay napapahamak ang mahina; alang-alang sa kapatid na ito ay namatay si Kristo. Sa gayong paraan, dahil sa pagkakasala sa mga kapatid at pagsugat sa kanilang mahinang budhi, ay nagkakasala kayo laban kay Kristo. Kaya’t kung ang pagkain ay nagtutulak sa aking kapatid upang magkasala, hinding-hindi na ako kakain ng karne kahit kailan, upang hindi ko maitulak sa pagkakasala ang aking kapatid.” (1 Corinto 8:11-13)
Nagbibigay ng payo sa atin si Pablo na huwag kainin ito sa kanilang presensya dahil sa kanilang mahinang budhi. Ito ay kung bakit sinabi ni Pablo, “Ngunit hindi tayo napapalapit kay Yahuwah dahil sa pagkain. Walang nawawala sa atin kung hindi tayo kumain, at wala rin naman tayong napapala kung tayo’y kumain” sa berso 8. Kaya kahit ayos lang na kainin ang pagkaing iyon, huwag kakainin ito sa kanilang presensya, o ikaw ang magtutulak sa kanila na magkasala. Ipinagpapatuloy ito ni Pablo sa kabanata 10:
“Kainin ninyo ang lahat ng ipinagbibili sa pamilihan nang walang pagtatanong (kung ito man ay inalay sa mga diyus-diyosan o hindi) dahil sa budhi, sapagkat ‘ang lupa ay sa Panginoon at ang lahat ng naririto.’ Kung anyayahan kayo ng isa sa mga hindi sumasampalataya at nais ninyong pumunta, anumang ihain sa inyo ay kainin ninyo (kahit na ito’y inalay sa mga diyus-diyosan) nang walang pagtatanong dahil sa budhi. Ngunit kung may magsabi sa inyo, ‘Inialay ito bilang handog sa templo,’ ay huwag ninyong kainin, alang-alang sa taong nagsabi, at dahil sa budhi. Ang tinutukoy ko ay ang budhi niya, hindi ang sa iyo …” (1 Corinto 10:25-29)
Kaya sa ngalan ng budhi ng hindi nananalig, huwag kainin ang pagkain na inalay sa mga diyus-diyosan kung sinasabi nila sa iyo na ito’y inalay sa mga diyus-diyosan at kahit na nalalaman na ayos na ayos lang na kainin mo. Noong sinasabi ni Pablo, “anumang ihain sa inyo ay kainin ninyo,” hindi niya sinasalita ang tungkol sa maruruming karne, kundi ang karne na inalay sa mga diyus-diyosan dahil “para sa atin ay may iisang Diyos, ang Ama, na siyang pinagmulan ng lahat ng mga bagay, at para sa kanya tayo’y nabubuhay, at may iisang Panginoon, si Kristo Yahushua, na sa pamamagitan niya ay nagkaroon ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan niya, tayo’y nabubuhay.”
Gayong sinabi ito, bumalik tayo sa 1 Timoteo:
“Lahat ng nilikha ni Yahuwah ay mabuti at walang dapat tanggihan, sa halip ay dapat tanggapin na may pasasalamat, dahil ito ay nagiging malinis sa pamamagitan ng salita ni Yahuwah at ng panalangin.” (1 Timoteo 4:4, 5)”
Muli, hindi sinasabi ni Pablo ang tungkol sa “bawat nilikha” hinggil sa mga baboy, ulang, talaba, atbp. Sinasabi niya kung paano ang bawat malilinis na nilikha ay mabuti dahil ang mga ito’y “pinabanal ng salita.” Ang mga ito’y matatagpuan sa Levitico 11 at Deuteronomio 14.
Ang tanging pagkain na angkop para kainin ay ang mga bagay na nasa pagkakatugma sa Kautusan ng plano ni Yahuwah…
|
Subalit hindi ba sinasabi ni Pablo na ito’y maaaring “pinabanal ng panalangin”? Hindi, hindi rin sinasabi ni Pablo na ang panalangin para sa maruming nilikha ay ginagawa ang mga bagay na iyon na angkop kainin; hindi hihigit sa panalangin sa isang sigarilyo na gawing mabuti para sa iyong kalusugan. Naiisip mo ba na ang panalangin sa isang baso ng gasolina ay agad gagawin na mabuti para sa iyo na inumin? Ang tanging pagkain na angkop para kainin ay ang mga bagay na nasa pagkakatugma sa Kautusan ng plano ni Yahuwah, gaano man kahaba o katapat ang iyong panalangin:
“Siyang naglalayo ng kanyang pakinig sa pakikinig ng kautusan, maging ang kanyang dalangin ay karumaldumal.” (Kawikaan 28:9)
Sa konteksto ng anong magaganap sa katapusan ng panahon, nagbabala si Isaias:
“Silang [walang kabuluhang pagtatangka] nangagpapakabanal, at nangagpapakalinis na nagsisiparoon sa mga halamanan [upang mag-alay sa mga diyus-diyosan], sa likuran ng isa sa gitna, na nagsisikain ng laman ng baboy, at ng kasuklam-suklam, at ng daga; sila’y darating sa isang wakas na magkakasama, sabi ni Yahuwah.” (Isaias 66:17)
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Kevin J. Mullins.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC