''Iwanan ang aming katawan at makapiling na ang Panginoon''
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami'y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
“Hindi kami pinanghihinaan ng loob, kahit na mas gusto naming iwanan ang aming katawan at makapiling na ang Panginoon” (2 Corinto 5:8, ASND). Ang pariralang ito ay karaniwang ginamit upang ituro na sa kamatayan ang isang Kristyano ay lumalagpas sa mundong ito kasama si Yahushua sa isang walang katawan na estado. Ngunit ang isang walang katawang estado ay tiyak na hindi ninanais ni Pablo. Ipinunto ni Pablo, sa halip, ang isang bagong katawan, isang imortal na katawan, isang niyumatiko na “pinananabikan nating maisuot ang katawang panlangit” (berso 2). Ang isang imortal, walang katawan na kaluluwa o espiritu na nakaligtas mula sa katawan bilang nabubuhay, gumagana, mahalagang katauhan ay sumasalamin sa nakakalasong Griyegong impluwensya na pumasok sa simbahan, ilang siglo ang lumipas at mayroong mapaminsalang impluwensya sa mensahe ng ebanghelyo.
Ginagamit ni Pablo ang kaparehong ekspresyon ng “mabihisan” sa 1 Corinto 15:54 at ipinaliwanag niya ang pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan sa hinaharap para sa mga mananampalataya. Ang mga Kristyano ay makakamit ang kanilang bagong niyumatikong imortal na katawan hindi sa panahon ng kamatayan, kundi sa muling pagkabuhay kung kailan si Yahushua ay babalik. Ang konteksto sa parehong tanyag na siping ito (2 Corinto 5:1-9) at sa 1 Corinto 15 kasama ang marami pang teksto ng Bibliya ay nagbibigay sa atin ng “ang nalalabi ng istorya.” Sapagkat sinabi nila, ang isang teksto na walang konteksto ay madalas isang pagdadahilan. Ang ating gantimpala (2 Timoteo 4:8; Pahayag 22:12) ay ibabangon mula sa kamatayan sa pagbabalik ni Kristo (1 Corinto 15:23). Ang ating pagpasok tungo sa walang hanggang kaharian ni Yahuwah at ang Kanyang Kristo (2 Timoteo 4:1; 2 Peter 1:11) ay dapat ring antabayanan ang kanyang pagbabalik.
Gayunman ang iisang pariralang ito sa 2 Corinto 5:8 ay madalas sinipi upang patunayan na sa kamatayan, ang mga Kristyano ay agad tutungo sa kanilang gantimpala sa langit sa isang walang katawang estado nang wala ang pakinabang ng pagbabalik ni Yahushua o ang muling pagkabuhay. Sinimulan lamang ni Pablo sa pagpapaliwanag ang kanyang nais na mawala mula sa kasalukuyang katawan na ito, itong mahina, mortal, namamatay na katawan na “dinadaing” natin (berso 4). (“Napakalungkot kong tao! Sino ang sasagip sa akin mula sa katawang ito na nagdudulot ng kamatayan?” Roma 7:24). Naghahangad si Pablo na “mabihisan ng ating panlangit na tahanan…hindi sa nais naming matagpuang hubad, kundi ang mabihisan” ng ating muling binuhay na katawan (berso 2-4; 1 Corinto 15:21-23).
Upang sumagisag sa pansamantalang katawan na ito, gumamit siya ng mga anyo gaya ng “makalupang tolda” at “tolda.” Upang sumagisag sa ating muling binuhay, walang kamatayan na katawan, gumamit siya ng mas matibay na anyo gaya ng “gusali,” “isang bahay na hindi gawa ng kamay ng tao” at “walang hanggan sa sangkalangitan” (dalawang beses). Mismo, kapag tayo’y namatay, ang kasalukuyang makalupang (mortal na) katawang ito ay “mawawasak” (berso 1). Iyon mismo ay hindi ang ninanais ni Pablo. Ang kondisyong iyon ay maihahalintulad sa “walang bihis” at “hubad.” Kabaligtaran, ninanais ni Pablo ang kabaligtaran ng “walang bihis” at “hubad” (patay, literal). Nasasabik siya na “mabihisan,” kaya kung magsalita, sa ating “panlangit na tahanan.” “Sa ngayon tayo ay dumadaing, nasasabik na mabihisan ng ating panlangit na tahanan, sapagkat kapag tayo ay nabihisan na, hindi tayo madadatnang hubad” (berso 2-3).
Ang dakilang muling pagkabuhay na kabanata (1 Corinto 15) ay binigyan ito ng dagdag na paliwanag. “Sapagkat ang may pagkabulok ay kailangang magbihis ng walang pagkabulok, at itong may kamatayan ay magbihis ng kawalang kamatayan. Ngunit kapag itong may pagkabulok ay mabihisan ng walang pagkabulok at itong may kamatayan ay mabihisan ng kawalang kamatayan, ay mangyayari ang salitang nasusulat, ‘Ang kamatayan ay nilamon na ng tagumpay’” (1 Corinto 15:53-54). Ikumpara ito sa ating teksto: “upang ang may kamatayan ay lunukin ng buhay” (2 Corinto 5:4). Ang ating pag-asa ay tiyak na hindi magiging isang espiritung walang katawan. Ang ating pag-asa ay para magkaroon ng isang bagong katawan, isang mahalagang katawan, isang “maluwalhating katawan.”
Dapat tayong maghintay kay Yahushua na darating mula sa langit: “Ngunit tayo’y mamamayan ng langit at naghihintay tayo ng Tagapagligtas mula roon, ang Panginoong Kristo Yahushua. Babaguhin niya ang kalagayan ng ating mga hamak na katawan upang maging katulad ng kanyang maluwalhating katawan, sa pamamagitan ng kapangyarihang kumikilos sa kanya upang maipailalim niya sa kanyang sarili ang lahat ng bagay” (Filipos 3:20-21).
Isaalang-alang ang kabuuan ng larawan, makatuwiran na pagtibayin na si Pablo ay ipinahayag ang kanyang pagkasabik na iwanan ang kasalukuyang “katawan ng kamatayan.” Umaasa siya nang lubos sa panahong makakapiling niya ang Panginoon sa muling pagkabuhay (at hindi bago nito), dahil para makapiling ang Panginoon ay magmamana ka ng isang katawan gaya nito. “Ito ang alam natin: kapag nahayag na ang Anak, tayo’y magiging katulad niya, sapagkat makikita natin siya sa kanyang tunay na kalikasan” (1 Juan 3:2). “Tingnan ninyo ang aking mga kamay at aking mga paa. Ako ito. Hipuin ninyo ako at masdan; sapagkat ang espiritu ay walang buto at laman, at nakikita ninyong mayroon ako ng mga ito” (Lucas 24:39).
Kung ang ninanais na estado ay para lamang na walang katawan upang makapiling si Yahushua, pagkatapos, ang muling pagkabuhay ng katawan ay pagpapalubha at isang paghulaw. Hindi, ang kinasasabikang estado ay para ibangon mula sa kamatayan kapag ang Panginoon ay bumalik. Pagkatapos ang puntod ay dapat isuko ang biktima nito. “Huwag kayong magtaka, sapagkat darating ang oras na ang lahat ng nasa libingan ay makaririnig sa kanyang tinig, at ang mga gumawa ng mabubuting bagay ay babangon tungo sa buhay, at ang mga gumawa ng masasamang bagay ay babangon tungo sa paghatol” (Juan 5:28-29).
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni David Burge.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC