Kung si Kristo ay “malapit nang” dumating, nasaan siya?
Halos 2,000 taon ang nakalipas, ang mga mananampalataya ay pinangakuan na ang Tagapagligtas ay malapit nang bumalik. Ang mga hindi mananampalataya ay ipinunto sa maliwanag na bigong propesiyang ito bilang isang dahilan na pagdudahan. Basahin para matutunan kung paano mapagkasundo ang suliraning ito.
|
Ang mga hindi mananampalataya ay nagpapakasaya sa panunukso sa pananalig ng mga mananampalataya. Isang partikular na paboritong panunuya ukol sa katunayan na ang Kasulatan ay itinuturo na ang Tagapagligtas ay “malapit nang” dumating ngunit, halos 2,000 taon ang nakalipas, hindi pa siya dumarating. Ito ay hindi anumang bagay para sumuko at mawalan ng pananalig. Sa katunayan, ang pangungutyang ito ay nahulaan!
Nagbabala si Pedro: “Una sa lahat, dapat ninyong malaman na sa mga huling araw ay darating ang manlilibak at lilibakin kayo. Ang mga taong ito'y namumuhay ayon sa kanilang sariling pagnanasa. Sasabihin nila, ‘Nasaan ang pangako ng kanyang pagdating? Namatay na ang ating mga ninuno ngunit wala pa ring pagbabago mula nang likhain ang mundong ito.’” (2 Pedro 3:3-4, FSV)
Kailan ang “malapit na”?
Minsan, ang “malapit na” sa Kasulatan sa katunayan ay tumutukoy sa mga pangyayaring humahantong sa pagbabalik ni Yahushua sa halip na sa aktwal na pagbabalik. Si Kristo mismo, sa pagbibigay ng isang pinagsamang propesiya ng pagkawasak ng Jerusalem at ng katapusan ng sanlibutan, ay nagsabi: “Gayundin naman, kapag nakita ninyo ang lahat ng mga pangyayaring ito, alam ninyong ito ay malapit na, nasa may pintuan na. Tinitiyak ko sa inyo, hindi lilipas ang salinlahing ito, hanggang hindi nagaganap ang lahat ng mga ito.” (Mateo 24:33-34, FSV)
Kapag ang Bagong Tipan ay inilarawan ang pagbabalik ni Yahushua na “malapit na,” o “nandyan na,” ito ay hindi nangangailangang nagbibigay ng isang tiyak na panahon para sa kanyang pagbabalik. Sa halip, ito ay nagtatatag na ang Mesias ay dumarating. Ang kanyang walang pagkakasalang buhay at inosenteng kamatayan ay nakamit na ang tagumpay, at nagtakda ng isang proseso na nagtitipon sa lahat na tumugon sa mensahe ng mabuting balita.
“Malapit na” at/o hindi inaasahan
Ang batang pinangakuan ng isang parangal “malapit na,” ay agad nagpapahiwatig ng isang gumagawang kahulugan ng salita: sa nalalapit na hinaharap; sandali para maganap. Gayunman, ang salitang isinalin na “malapit na” sa Tagalog, ay nagmula sa salitang Griyego na tachu na maaaring isama ang isang ganap na karagdagang kahulugan na hindi matatagpuan sa ating modernong “malapit na.”
Ang tachu ay maaari ring nangangahulugan na biglaan, sa sindak o hindi inaasahan. Ito ay ginamit sa pangwakas na mga salita ni Kristo na ipinahayag: “Tingnan mo, ako'y malapit nang dumating [tachu]; dala ko ang aking gantimpala, upang gantimpalaan ang bawat isa ayon sa kanyang ginawa.” (Pahayag 22:12, FSV) Sa ibang salita, ang pagbabalik ni Yahushua ay biglaan; hindi inaasahan.
Ang mga may-akda ng mabuting balita ay itinuro na si Yahushua rin ay hindi nalalaman kung kailan siya magbabalik. Ipinahayag ng Mateo 24:36: “Subalit tungkol sa araw at oras na iyon ay walang nakaaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, maliban sa Ama.” Kung ang Tagapagligtas mismo ay hindi nalalaman kung kailan siya magbabalik, tiyak na hindi niya mahuhulaan ang panahon ng kanyang pagbabalik.
Isa sa mga pinaka hindi nauunawaang pahayag tungkol sa pagsasaoras ng pagbabalik ni Yahushua ay ginawa mismo ni Kristo: “Tinitiyak ko sa inyo, may ilan sa nakatayo rito, na hindi makalalasap ng kamatayan, hanggang sa makita nila ang Anak ng Tao na dumarating na naghahari sa kanyang kaharian.” (Mateo 16:28, FSV) Syempre, lahat ng nakarinig ng mga salitang iyon ni Yahushua ay namatay na, ngunit ang pahayag ay nananatiling totoo.
Ginawa ni Yahushua ang pahayag na ito sa harap ng bundok ng transpigurasyon. Ang pagbabagong-anyo ni Yahushua, nasaksihan nila Pedro, Santiago, at Juan, ay isang uri ng kanyang pagbabalik na sa hinaharap pa. Malinaw na ipinahayag ni Pedro:
Nang ipaalam namin sa inyo ang tungkol sa kapangyarihan at pagdating ng ating Panginoong Kristo Yahushua, hindi kami gumawa ng mga alamat na katha lamang ng tao. Kami mismo ay saksi sa kanyang kadakilaan.
Sapagkat tinanggap niya mula kay Yah Ama ang karangalan at kaluwalhatian, nang dumating sa kanya ang isang tinig mula sa Marangal na Kaluwalhatian na nagsasabi, “Ito ang minamahal kong Anak, na siya kong kinalulugdan. (2 Pedro 1:16-17, FSV)
Tayong mga buhay pa at nananatili
Isa pang teksto na nagdulot ng pagkalito sa mga mananampalataya ay kung saan si Pablo ay lumilitaw na inangkin na buhay pa kapag dumating si Yahushua: “Ito ang sinasabi namin sa inyo na aral ng Panginoon: tayong mga buháy pa at nananatili sa pagdating ng Panginoon ay hindi mauunang makipagtagpo sa Panginoon kaysa mga namayapa.” (1 Tesalonica 4:15, FSV)
Hindi ipinahayag ni Pablo na buhay pa siya para masaksihan ang pagbabalik ni Yahushua. Sa halip, ito lamang ay isang simpleng napapabilang na takda. Hindi nalalaman ni Pablo kung buhay pa siya sa muling pagdating ni Kristo o namatay na. At lantaran, wala siyang pakialam ano pa man.
Gaya ng aking pinakahihintay at inaasahan, hindi ako mapapahiya sa anumang kadahilanan, kundi sa pagkakaroon ko ng buong katapangan, si Kristo ay dadakilain ngayon, tulad ng dati, sa aking katawan, sa pamamagitan man ng buhay o ng kamatayan. Sapagkat para sa akin ang mabuhay ay si Kristo, at ang mamatay ay pakinabang. Kung ako man ay mabubuhay sa katawan, ito'y mangangahulugan na mas maraming bagay pa ang ibubunga ng aking gawain. Ngunit hindi ko alam kung alin ang aking pipiliin. Ako’y naiipit sa dalawang ito: Nais ko nang lumisan at makapiling si Kristo, sapagkat ito’y lalong mabuti. Subalit ang manatili sa katawan ay higit na kailangan para sa inyong kapakanan. (Filipos 1:20-24, FSV)
Malapit nang dumating ang kaharian ni Yah
Ang Lumang Tipan ay mayaman sa mga propesiya na naglalarawan ng misyon ng Mesias. Ang mga gawa ni Yahushua ay tinupad ang gawa at mga himala na nahulaan sa Mesias. Ang kanyang pagdating ay isang uliran. Ito’y natupad, sa isang limitadong diwa, ang mga propesiya na maaabot ang sukdulang katuparan sa kanyang pagbabalik, kung kailan ang kaharian ni Yahuwah ay itatakda sa lupa.
Ang kaharian ni Yah ay nangangailangan ng isang taong hari na uupo sa trono ni David. “Maghahari siya magpakailanman sa sambahayan ni Jacob at ang paghahari niya ay walang katapusan.” (Lucas 1:33, FSV) Ang pangangailangang ito ay natupad sa pamamagitan ng kahanga-hangang kapanganakan ng Tagapagligtas. Ang katiyakan ng kaharian ni Yah ay inilabas sa bato. Kaya naitala ni Mateo: “Mula noon ay nagsimulang mangaral ng ganito si Yahushua, “Magsisi kayo, sapagkat malapit nang dumating ang kaharian ng langit.” Siya ang nakaupo sa trono ni David!
Ang kanyang kaharian, sa panahong iyon, ay isang espiritwal na kaharian, ngunit ang uliran ay matutupad sa katapat na uliran sa kanyang pagbabalik kung kailan ang lupa ay ginawang bago at ang Bagong Jerusalem ay bababa patungo sa lupa, magiging tahanan ng mga naligtas kasama ang Tagapagligtas.
Dapat na tandaan na ang muling pagdating ni Yahushua ay malapit na gaya ng sandali ng kamatayan. Bawat araw, libu-libong tao ang bumabangon at pumapasok sa trabaho, hindi alintana na ang atake sa puso, aksidente sa sasakyan, o pagnanakaw na may pagpatay ay nangangahulugan na ang kanilang mga buhay ay nagwakas na. Yakapin ang mabuting balita at tanggapin ang kaligtasan ngayon.
Para sa bawat isa sa atin, ang muling pagdating ng Tagapagligtas ay malapit na gaya ng ating huling paghinga. Ang susunod na may malay na sandali ay ang muling pagkabuhay sa kanyang pagbabalik. Tanggapin ang kaligtasan ngayon. Pagkatapos, kung mamamatay o mabuhay tayo sa pagdating ni Yahushua, tayo ay nasa kapayapaan at pagkakasundo kay Yah.