Panginoon Ko At Diyos Ko: Nakuha Ito Ng Trinitaryan Nang Mali
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Sumagot si Tomas, “Panginoon ko at Diyos ko!” (Juan 20:28)
Para sa mga Trinitaryan at iyong mga naniniwala sa “pagkadiyos ni Kristo,” ang bersong ito ay slam dunk na ebidensya na si Yahushua ay si Yahuwah.
Ngunit ito ba? Naniniwala ako na ang interpretasyon ng “pagkadiyos ni Kristo” ay hindi pinapansin at sumasalungat sa pagtuturo ni Yahushua sa Mabuting Balita ni Juan. Mayroong mas mabuting paraan upang maunawaan ang mga salita ni Tomas.
Aling “Diyos” ang ibig sabihin ni Tomas noong sinabi niya na “Diyos ko”?
Kung naiisip mo na nakilala ni Tomas ang isang ikalawang katauhan ng Diyos kay Yahushua, isang diwa ng Diyos, o isang “nagkatawang-tao na Diyos Anak”, sa tingin ko’y hindi ka nakikinig at sumasalungat sa anong sinasabi ni Yahushua sa atin sa Ebanghelyo ni Juan.
Si Yahushua, sa Mabuting Balita ni Juan, ay sinabi na ito ay si Yahuwah, ang Ama na nakita ni Tomas kay Yahushua.
“…paniwalaan ninyo ang mga gawa, upang malaman ninyo at maunawaan na ANG AMA AY NASA AKIN.” (Yahushua, sa Juan 10:38, ikumpara sa Juan 14:10-20)
Isang Hamon
Hayaan akong hamunin ikaw na pag-isipan kung ganoong biblikal na banyaga ang angkin ng Trinitaryan. Inaangkin ng Trinitaryanismo iyon dahil nakita ni Tomas ang minsang patya, ngayo’y muling nabuhay, laman at buto na Yahushua, “tinawag ni Tomas si Yahushua na kanyang Diyos.” Maging matapat sa iyong sarili. Ilagay ang iyong sarili sa lugar ni Tomas sa unang siglo na Jerusalem. Kung nakita mo at hinawakan ang namatay-ngunit-ngayon-ay-muling-nabuhay-na-tao na si Yahushua, maiisip mo na si Yahushua ay si Yahuwah, o maiisip mo na si Yahuwah (nalalaman bilang Ama) ay binangon si Yahushua mula sa mga patay?
Kabaligtaran sa interpretasyon na “pagkadiyos ni Kristo,” hindi bigo si Tomas na makilala ang gawa ng Ama, ang Isang Walang Hanggang Nagbibigay-Buhay Na Diyos, sa muling pagkabuhay ni Yahushua mula sa mga patay.
|
Ilan sa mga Sinaunang Malapit sa Silanganan at Griyegong relihiyon ay naniwala sa kamatayan at muling pagkabuhay ng kanilang diyos. Ang mga mananamba ni Baal, halimbawa, ay inangkin na namatay si Baal at muling nabuhay. Ngunit hindi katulad ng mga pagano, ang mga Hudyo na biblikal ang kaisipan ay naniwala na ang walang hanggang Yahuwah ay walang kamatayan, at hindi bumalik sa buhay. Sa halip, ang tanging Diyos, si Yahuwah, ang Ama, ay nangako na muling bubuhayin ang mga tao mula sa mga patay. Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit si Yahuwah ay tinawag na “ang Ama” – sapagkat Siya ay nagbibigay ng buhay sa mga tao sa parehong panahong ito at sa panahong darating.
Kabaligtaran sa interpretasyon na “pagkadiyos ni Kristo,” hindi bigo si Tomas na makilala ang gawa ng Ama, ang Isang Walang Hanggang Nagbibigay-Buhay Na Diyos, sa muling pagkabuhay ni Yahushua mula sa mga patay. Mismo, kinilala ni Tomas ang Ama, nakikita ang dalawang “katauhan” na sangkot sa muling pagkabuhay ni Yahushua:
1. “Panginoon ko” ay si Yahushua, ang Mesias, na naghirap at namatay ngunit muling nabuhay mula sa mga patay.
2. “Diyos ko” ay ang Ama, na muling nagbuhay kay Yahushua mula sa mga patay.
Ang pagpapaliwanag ng Trinitaryan na “pagkadiyos ni Kristo” ng Juan 20:28 ay bigo na makita o makilala ang Ama na muling nagbuhay sa namatay na Yahushua.
Reaksyon Ng Mga Apostol Sa Muling Pagkabuhay Ni Yahushua:
“Binuhay siyang muli ni Yahuwah mula sa mga patay!”
Hindi: “Siya si Yahuwah!”
Mahigit 30 sanggunian sa Bagong Tipan ang nagpapahayag na si Yahuwah ay muling binuhay si Kristo Yahushua mula sa mga patay.
|
Sa lahat ng ibang lugar sa Bibliya kung saan ang mga apostol ay tumugon sa mulng pagkabuhay ni Yahushua, ang Mesias mula sa mga patay, sila’y hindi tumugon sa pagpapahayag na, “Ito’y nagpapatotoo na si Yahushua ay si Yahuwah.” Sa halip, sila’y tumugon sa pagpapahayag na: “Si Yahuwah (ang Ama) ay muling binuhay si Panginoong Yahushua mula sa mga patay” (Mga Gawa 2:22-24, 2:36, 4:10, 5:30, 10:40, 13:30-37; Roma 1:4, 10:9, Galacia 1:1, 1 Pedro 1:21, atbp.) Mahigit 30 sanggunian sa Bagong Tipan ang nagpapahayag na si Yahuwah ay muling binuhay si Kristo Yahushua mula sa mga patay. Ang reaksyon ng ibang apostol ay patotoo na si Tomas ay tumutugon sa kaparehong paraan. “Ang Yahushua na ito ay muling binuhay ni Yahuwah at kaming lahat ay mga saksi” (Mga Gawa 2:32).
Ang mga apostol, kabilang si Tomas, ay nakita ang kanilang Diyos sa gawa ng muling pagkabuhay ni Yahushua mula sa mga patay.
Upang bigyang-diin, wala saanman sa Bagong Tipan na ang muling pagkabuhay ni Yahushua ay ipinaliwanag ng mga apostol upang ipakita ang pagkadiyos ni Yahushua. Sa halip, ang mga apostol ay ipinaliwanag ang muling pagkabuhay ni Yahushua bilang gawa ni Yahuwah (ang Ama), ang Tagabigay ng Buhay, na nagtalaga kay Yahuwah bilang Panginoong Mesias o Kristo, Anak ni Yahuwah, tagapagligtas, at hukom (Mga Gawa 2:22-36, 3:15, 5:30-31, 13:23-40, 17:31, Roma 1:4, 10:9, Galacia 1:1, atbp.). Ang Ama (si Yahuwah) ay ginawang kilala, ipinakita, at kinatawan ng muling nabuhay na Anak (Juan 1:18).
Nakikita Si Yahuwah, Ngunit Walang Sinuman Ang Nakakita Kay Yahuwah
Juan 12:45 at Juan 1:18
Ilang araw bago siya ipako sa krus, sumigaw si Yahushua sa Jerusalem, “At ang nakakakita sa akin ay nakakakita sa kanya na nagsugo sa akin” (Juan 12:44-45). Ang Isa na nagsugo kay Yahushua ay si Yahuwah (ang Ama, Juan 3:16, 5:23, 20:21). Kapag nakikita natin si Yahushua, maaari nating makita si Yahuwah (ang Ama) na nagsugo sa kanya. Mayroong dalawang “katauhan” na nakita rito. 1) Yahushua, na isinugo ni Yahuwah, at 2) Yahuwah, ang Ama na nagsugo kay Yahushua.
Ngunit paano maaaring sabihin ni Yahushua, “ang nakakakita sa akin ay nakakakita sa kanya na nagsugo sa akin” at “ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama” (Juan 12:45, 14:9) kapag ang kaparehong Ebanghelyo ay nagpapahayag, “Walang taong nakakita kailanman kay Yahuwah” (Juan 1:18)?
Sapagkat ang Juan 1:18 ay gumagamit ng “nakakita” nang literal at si Yahushua ay gumagamit ng “nakakakita” nang matalinghaga (Juan 10:6; 16:25, 29). Ang salitang “nakikita” ay madalas ginamit sa isang matalinghagang diwa upang mangahulugan na “mahiwatigan, makilala, maunawaan,” gayong maaari nating sabihin, “Nakikita ko kung anong ibig sabihin mo.”
Nakikita natin si Yahuwah ang Ama kay Yahushua dahil si Yahushua ay sakdal na kumakatawan kay Yahuwah at sapagkat si Yahuwah ay nasa likod ng mga eksena at sangkot sa lahat ng nauukol at ginawa ni Yahushua.
|
Kumakatawan si Yahushua sa isang katauhan, tiyakan si Yahuwah, ang Ama na nagsugo sa kanya. Nakikita natin si Yahuwah ang Ama kay Yahushua dahil si Yahushua ay sakdal na kumakatawan kay Yahuwah at sapagkat si Yahuwah ay nasa likod ng mga eksena at sangkot sa lahat ng nauukol at ginawa ni Yahushua. Kapag nakikita natin si Yahushua, nakikita natin, iyon ay nahihiwatigan si Yahuwah (ang Ama). Noong nakita ni Tomas na muling nabuhay si Yahushua mula sa mga patay, nakita niya, iyon ay, naunawaan na si Yahuwah (ang Ama) ay gumagawa.
Maging bago pa ang kanyang kamatayan at muling pagkabuhay, maaaring sabihin ni Yahushua na ang mga apostol ay nakita ang Ama dahil ang Ama ay nakita, iyon ay, nakikilala sa mga gawa na ginawa ni Yahushua (Juan 14:7-9). Sa pamamagitan ng mga gawa ni Yahushua, ang mga apostol ay maaaring “malaman at maunawaan na ang Ama ay nasa akin at ako ay nasa Ama” (Juan 10:38).
“Walang taong nakakita kailanman kay Yahuwah; ang bugtong na Anak, na nasa kandungan ng Ama, siya ang nagpakilala sa Kanya.”
Sa pag-aangkin na nakita ni Tomas si Yahuwah, ang “pagkadiyos ni Kristo,” ang interpretasyon ng mga salita ni Tomas ay direktang sumasalungat sa pahayag ng Mabuting Balita ni Juan na “walang taong nakakita kailanman kay Yahuwah.”
“Panginoon, Ipakita Ninyo Sa Amin Ang Ama”
(Juan 14:8, Hindi “Panginoon, ipakita ninyo sa amin ang Yahuwah Anak”)
Tinatanong namin muli. Noong sinabi ni Tomas, “Panginoon ko at Diyos ko,” aling Diyos ang nakikita ni Tomas?
Sinasabi ng Trinitaryanismo na nakita ni Tomas ang “nagkatawang-tao na Diyos Anak” o Espiritu ni Yahuwah. Sinabi ni Yahushua na nakikita ni Tomas “ang Ama” (Yahuwah).
Juan 14
Ang gabi bago ang pagpako sa krus kay Yahushua, sinabi ni Yahushua kay Tomas: “Kung kilala ninyo ako, makikilala rin ninyo ang Ama ko. Mula ngayon, SIYA’y kilala na ninyo at SIYA’y nakita na ninyo” (Juan 14:7).
Tandaan na si Yahushua ay nagsasalita kay Tomas. Upang makilala si Yahushua ay para makilala at makita ang Ama. Siya (ang Ama) ay nakita na ni Tomas. Muli, ang salitang “nakikita” ay ginamit sa matalinghagang diwa ng “pagkakaunawa” at “pagkakilala.”
Upang magpahiwatig na nakikita o nalalaman ni Tomas ang isang naiibang Diyos maliban kay Yahuwah ang Ama sa muling nabuhay na Yahushua ay nagiging bingi sa mga pagtuturo ni Yahushua at sumasalungat sa sinabi ni Yahushua kay Tomas.
Pagkatapos, sa susunod na berso, sa walang alinlangan na patuloy na pakikinig ni Tomas, tanong ni Felipe:
“Panginoon, ipakita ninyo sa amin ang Ama” (Juan 14:8).
Sa hiling ni Felipe, “Panginoon, ipakita ninyo sa amin ang Ama,” sangkot ang dalawang “katauhan”:
1) Panginoon – ay si Yahushua.
2) ang Ama – ay si Yahuwah.
Dalawang “katauhan” ngunit isa lamang sa kanila ay si Yahuwah. Ang dalawang “katauhan” na ito na nakikilala at nakikita ni Tomas sa muling pagkabuhay ni Yahushua mula sa mga patay.
…para kay Felipe, katulad kay Yahushua, Moises at Pablo, mayroon lamang “nag-iisang Diyos, ang Ama” (Deuteronomio 6:4; Marcos 12:29-32; Juan 5:44, 17:3; 1 Corinto 8:6; Efeso 1:17, 4:6; 1 Timoteo 2:5)
|
“Panginoon, ipakita ninyo sa amin ang Ama.” Maaari tayong magtaka kung bakit hindi tinanong ni Felipe kay Yahushua na ipakita sa mga apostol ang “Diyos Anak”? Bakit hindi tinanong ni Felipe kay Yahushua na ipakita sa kanila ang Trinidad? Bakit interesado lamang si Felipe na makita ang Ama? Maaari ba para kay Felipe, na walang ganoong bagay gaya ng “Diyos Anak” o “Diyos ang Trinidad” at para kay Felipe, katulad kay Yahushua, Moises at Pablo, mayroon lamang “nag-iisang Diyos, ang Ama” (Deuteronomio 6:4; Marcos 12:29-32; Juan 5:44, 17:3; 1 Corinto 8:6; Efeso 1:17, 4:6; 1 Timoteo 2:5)?
Tumugon si Yahushua kay Felipe, si Tomas ay patuloy sa pakikinig:
“Matagal na tayong magkasama Felipe, at hindi mo pa rin ako kilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama. Bakit mo sinasabing, ‘Ipakita mo sa amin ang Ama’? Hindi ba kayo naniniwalang ako ay nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay hindi galing sa akin; ang Amang nananahan sa akin ang gumagawa ng KANYANG mga gawain. Maniwala kayo sa akin na ako ay nasa Ama at ang Ama ay nasa akin; ngunit kung hindi, maniwala kayo dahil sa mga gawang ito” (Juan 14:9-11).
Maaari pa bang gawin ni Yahushua ito nang mas malinaw? Ang Ama ay nasa kay Yahushua. “Ang Amang nananahan sa akin ang gumagawa ng KANYANG mga gawain….”
Nakikita At Naniniwala
Nais na makita ni Felipe ang Ama. “Panginoon, ipakita ninyo sa amin ang Ama.” Ipinakita ni Yahushua kay Felipe, Tomas at lahat ng mga apostol ang Ama. Ito ay ang Ama na ipinakita ni Yahushua at iyon ang nakita ni Tomas.
Ipinahayag ni Yahushua nang paulit-ulit na ang kanyang mga salita at mga gawa ay nagpapakita na ang Ama ay gumagawa at sa pamamagitan ni Yahushua (ikumpara sa Mga Gawa 2:22). Ang mga teologo ng “Pagkadiyos ni Kristo” ay pinababayaan si Yahushua at sa halip ay lumilikha ng isang kathang-isip na “Diyos Anak” na kanilang nakikita kay Yahushua. Ngunit ang “Yahuwah Anak” ay hindi gumagawa o hindi rin sa pamamagitan ni Yahushua. Wala kay Yahushua o sinuman sa Kasulatan ang nagbabanggit ng “Yahuwah Anak.” Upang magpalagay na mayroong ibang katauhan ng Diyos kay Yahushua bukod sa Ama ay hindi pinapansin ang sinabi ni Yahushua sa mga apostol nang paulit-ulit. Sinabi ni Yahushua nang patuloy na ang Ama ay gumagawa sa kanya at sa pamamagitan niya. Sinabi ni Yahushua na ipapakita niya sa mga apostol ang Ama. Nakita (nakilala) ni Tomas ang Ama.
Muling Pagkabuhay: “Kapag makikita ninyo akong muli, malalaman ninyo na ako ay nasa Ama’
Patuloy si Yahushua sa kanyang talakayan sa gabing iyon kasama sina Tomas, Felipe, at ibang apostol. Sinabi ni Yahushua na higit sa lahat ay makikita siya matapos ang kanyang kamatayan at muling pagkabuhay na makikilala (makikita) nila si Yahuwah ang Ama ang gumagawa kay Yahushua: “Sandaling panahon na lamang at hindi na ako makikita ng sanlibutan, ngunit makikita ninyo ako. Dahil ako ay buhay, kayo rin ay mabubuhay. Sa araw na iyon ay malalaman ninyo na ako ay nasa Ama, at kayo ay nasa akin, at ako ay nasa inyo” (Juan 14:19-20).
Tuluyang Nakuha Ito Ni Tomas, Kapag Nakikita Mo Si Yahushua, Nakikita Mo Ang Ama.
Mga walong araw matapos sinabi ni Yahushua kay Tomas at Felipe na makikita nila ang Ama sa kanya (walong araw matapos muling nabuhay si Yahushua mula sa mga patay), nakita at nahawakan ni Tomas ang minsang patay ngunit ngayo’y buhay na laman-at-buto-na-tao na si Yahushua (Lucas 24:39). Tuluyang nakilala ni Tomas (naunawaan at pinaniwalaan) kung ano ang sinasalita ni Yahushua. Ang buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Yahushua ay ipinakita ng Ama, ang tanging Diyos (Juan 17:3), ang Tagabigay ng Buhay. Nakita ni Tomas (iyon ay naunawaan, nakilala) na ang muling pagkabuhay ni Yahushua ay ang gawa ni Yahuwah ang Ama na ang Ama ay nagbigay ng buhay kay Yahushua, na ang mismong Ama ay nasa kay Yahushua, ang Ama na kinilala ng muling nabuhay na Yahushua, ang Ama ay ipinahayag sa muling nabuhay na Yahushua, ang muling nabuhay na Yahushua na kumakatawan sa Ama. Gaya ng sinabi ni Yahushua, “Maniwala kayo sa akin na ako ay nasa Ama at ang Ama ay nasa akin…” (Juan 14:11). Sa huli’y nagawa ni Tomas.
Ang buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Yahushua ay ipinakita ng Ama, ang tanging Diyos (Juan 17:3), ang Tagabigay ng Buhay.
|
Panginoon Ko, At Yahuwah Ko
Hindi sinabi ni Tomas kay Yahushua, “IKAW ang aking Panginoon at aking Diyos”. Ikumpara ang mga salita ni Nathanael kay Yahushua noong ipinahayag ni Nathanael na si Yahushua ay parehong Hari ng Israel at Anak ni Yahuwah: “Sinagot siya ni Nathanael at sinabi, ‘Rabbi, ikaw ang Anak ni Yahuwah! Ikaw ang Hari ng Israel!” (Juan 1:49).
Hindi katulad sa pahayag ni Nathanael, hindi naglalaman ng “ikaw” ang kay Tomas dahil naunawaan ni Tomas na may nakikita siyang isa pang “katauhan” na gumagawa sa muling nabuhay na Yahushua, ang Ama. Ang bulalas ni Tomas ay mayroong dalawang titulo para sa dalawang magkaibang “katauhan”: “Panginoon ko” (Yahushua) at “Diyos ko” (ang Ama) dahil sinabi ni Yahushua kay Tomas – nang maraming beses! – na “kapag nakikita mo ako,” sa kasong ito, muling nabuhay mula sa mga patay, “nakikita ninyo ang Ama” (Juan 12:45, 14:19-20).
Tinatawag Ang “Diyos Anak,” “Diyos Anak,” Nasaan Ka?
Walang “nagkatawang-tao na Diyos Anak” ang umiiral sa Ebanghelyo ni Juan o Kasulatan. Ang “Diyos Anak” ay kailanman walang kredito sa kung sino at ano ang ginagawa ni Yahushua. Maraming Trinitaryan ang nag-aangkin na si Yahushua ay ginawa kung ano ang ginawa niya at sinabi kung ano ang sinabi niya: “sapagkat si Yahushua ay si Yahuwah.” Ngunit ang Trinitaryan na angkin ay sumasalungat sa Bibliya, lalo na sa Mabuting Balita ni Juan. Sinasabi ni Yahushua sa Mabuting Balita ni Juan:
- Ang Ama ay “ang tanging tunay na Diyos” (Juan 17:1, 3).
- Ang Ama ay nasa kay Yahushua. Ang mga gawa ni Yahushua ay ang mga gawa ng Ama. Ang Ama ay ginawa ang mga gawa kay Yahushua (10:32, 10:37, 14:10, ikumpara sa Mga Gawa 2:22).
- Ang mga salita ni Yahushua ay mga salita ng Ama (Juan 8:48, 12:49-50, 14:10, ikumpara sa Deuteronomio 18:18).
- Ang kaluwalhatian ni Yahushua ay mula sa Ama (Juan 1:14, 8:54, 17:5).
- Ipinahayag at ginawang kilala ng Ama si Yahushua (Juan 1:18, 14:10-11).
- Kung nalalaman ng mga tao si Yahushua, malalaman nila ang Ama (Juan 8:19, 12:45, 14:7-11).
- Sapagkat sinalita ni Yahushua ang mga salita ng Ama at dahil sa mga mapaghimalang gawa ni Yahushua na mula sa Ama, ang mga tao ay maaaring “malaman at maunawaan na ang Ama ay nasa akin at ako ay nasa Ama” (Juan 10:38, 12:49, 14:10).
Muli, walang indikasyon ng isa pang banal na katauhan, isang tinatawag na “nagkatawang-tao na Diyos Anak” sa gawa o “kay” Yahushua.
“Maniwala Kayo Sa Akin”: Ang Muling Pagkabuhay O Pagkadiyos?
Anong sinabi ni Yahushua sa mga apostol upang paniwalaan ang gabi bago siya ipinako sa krus? “Maniwala kayo sa akin na ako ay Diyos”? Malayong-malayo dito. “Maniwala kayo sa akin na ako ay nasa Ama at ang Ama ay nasa akin…” (Juan 14:11).
Noong ang ibang apostol ay sinabi kay Tomas na nakita nila ang muling nabuhay na Yahushua, hindi naniwala si Tomas na nabuhay si Yahushua (Juan 20:25), literal na binangon ni Yahuwah mula sa mga patay.
Ito ay ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Yahushua, ang Mesias, na sa huli’y itinuro ng mga apostol, hindi ang pagkadiyos ni Yahushua (Mga Gawa 2:22; 1 Corinto 1:23, 2:2, 15:3-6, 12; 1 Pedro 1:21, atbp.).
|
Ito ay isang paniniwala sa muling pagkabuhay ni Yahushua mula sa mga patay – ang pangunahing ebidensya na ang Ama ay nasa kay Yahushua – na inutos ni Yahushua. “Maniwala kayo sa akin na ako ay nasa Ama at ang Ama ay nasa akin… Naniwala ka ba dahil nakita mo ako? Mapapalad ang mga hindi nakakita subalit sumasampalataya” (Juan 14:11, 20:29).
Ito ay ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Yahushua, ang Mesias, na sa huli’y itinuro ng mga apostol, hindi ang pagkadiyos ni Yahushua (Mga Gawa 2:22; 1 Corinto 1:23, 2:2, 15:3-6, 12; 1 Pedro 1:21, atbp.).
Diyos Ko At Diyos Mo, Aking Ama At Iyong Ama: Konteksto At Layunin Ni Juan Sa Kasulatan
Ang pagkakaunawa na ang deklarasyon ni Tomas na “Diyos ko” na tumutukoy sa Ama ay umaangkop sa konteksto ng Juan 20. Ang pagpapaliwanag kay Tomas na tumatawag kay Yahushua na “Diyos ko” ay hindi umaangkop sa konteksto.
Sa araw ng kanyang muling pagkabuhay, sa mga salita na naitala lamang ni Juan ang 11 berso bago ang pahayag na “Diyos ko” ni Tomas, sinabi ni Yahushua kay Maria Magdalena, “Pumunta ka sa mga kapatid ko at sabihin mo sa kanila, ‘Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos’” (Juan 20:17). Si Yahushua ay may isang Diyos, na iisang Diyos ng mga apostol. Ang Diyos nina Yahushua at Tomas ay tinatawag na ang Ama. Sinabi ni Yahushua na siya ay kapatid ni Tomas, hindi Diyos ni Tomas.
Iyong mga nais na angkinin na “tinawag ni Tomas na Diyos si Yahushua” ay dapat na ipaliwanag mula sa Kasulatan kung bakit si Yahuwah ay may isang Diyos dahil ang “pagkadiyos ni Kristo” na pagpapaliwanag ay nangangahulugan na ang “Diyos-Yahushua” ay may isang Diyos. Isa pa, kung si Tomas ay kapatid ng “Diyos-Yahushua,” ibig sabihin ba nito na si Tomas ay (isang) Diyos?
Sinasabi Sa Atin Ni Juan Kung Bakit Naitala Niya Ang Mga Tanda/Himala.
Dagdag pa, dalawang berso matapos naitala ni Juan ang pahayag ni Tomas, ipinahayag ni Juan kung bakit naitala niya ang mga tanda na ginawa ni Yahushua.
“Marami pang ibang himala na ginawa si Yahushua sa harap ng kanyang mga alagad na hindi naisulat sa aklat na ito. Subalit ang mga ito ay isinulat upang kayo ay sumampalataya na si Yahushua ang Kristo, ang Anak ng Diyos, at sa inyong pagsampalataya, kayo ay magkaroon ng buhay sa pamamagitan ng kanyang pangalan” (Juan 20:30-31).
Hindi sinasabi ni Juan na naitala niya ang mga himala na ito kaya maniniwala tayo na si Yahushua ay si Yahuwah. Sa halip, naitala ni Juan ang mga tanda kaya maaari tayong sumampalataya na si Yahushua ay ang “Kristo/Mesias, ang Anak ni Yahuwah.”
|
Hindi sinasabi ni Juan na naitala niya ang mga himala na ito kaya maniniwala tayo na si Yahushua ay si Yahuwah. Sa halip, naitala ni Juan ang mga tanda kaya maaari tayong sumampalataya na si Yahushua ay ang “Kristo/Mesias, ang Anak ni Yahuwah.” Ang “Kristo/Mesias” sa Bibliya ay hindi kailanman na isang titulo para sa isang diyos. Gayundin, ang “Anak ni Yahuwah” sa Bibliya ay hindi kailanman na isang titulo para sa isang diyos kundi ang titulo para sa tao na Hari ng Israel (2 Samuel 7:14, Awit 2:7, 89:26, Juan 1:49, 11:27).
Naniniwala ba tayo kay Juan? O hindi natin pinapansin si Juan at paniniwalaan ang ibang tao na nagsasabi na isinulat ni Juan ang kanyang aklat upang sabihin sa atin na si Yahushua ay si Yahuwah? Bakit ang Trinitaryanismo ay tumatanggi na paniwalaan si Juan kapag si Juan ay nagsasabi sa atin ng dahilan ng pagsulat niya?
Ang konteksto ng Juan 20, kabilang ang mga kaganapan at mga pahayag ng may-akda ng Mabuting Balita ni Juan ay agaran bago at matapos ang deklarasyon ni Tomas, nagpapakita na ipinahayag ni Tomas na si Yahushua ay kanyang Panginoon at ang Ama ay ang kanyang Diyos.
Panginoon At Yahuwah, Dalawang Magkaibang Titulo Sa Ebanghelyo Ni Juan
Ang Bagong Tipan ay patuloy na gumagamit ng mga parehong titulo na ginamit ni Tomas upang ibukod si Yahuwah (ang Ama) at si Panginoong Kristo Yahushua. Si Yahuwah ay hindi ang Panginoong Kristo Yahushua. Ang Panginoong Kristo Yahushua ay hindi si Yahuwah. Marami, maraming biblikal na halimbawa kung saan si Panginoong Kristo Yahushua ay naiiba mula kay Yahuwah. Narito ang iilan:
- “Idinadalangin ko kay Yahuwah ng ating Panginoong Kristo Yahushua, ang Ama ng kaluwalhatian, na bigyan kayo ng Espiritu ng karunungan” (Efeso 1:17).
- “Sumainyo ang biyaya at kapayapaang mula kay Yahuwah na ating Ama at mula sa Panginoong Kristo Yahushua” (1 Corinto 1:3, ikumpara sa Efeso 1:3, Roma 15:6, 1 Pedro 1:3).
- “Purihin si Yahuwah at Ama ng ating Panginoong Kristo Yahushua, ang Ama ng mga kahabagan” (2 Corinto 1:3).
Si Yahuwah ay palaging pinagkakaiba mula kay Panginoong Kristo Yahushua. Ang Panginoong Kristo Yahushua ay palaging pinagkakaiba mula kay Yahuwah. Ang Panginoong Kristo Yahushua sa Bagong Tipan ay may isang Diyos na muling nagbuhay sa kanya mula sa mga patay. Ang Diyos ni Panginoong Yahushua ay ang nag-iisang Diyos, tinatawag rin na ang Ama (Juan 17:1, 3; Roma 15:6; Efeso 4:6).
Sa Mabuting Balita ni Juan, si Yahuwah ay hindi tinawag na Panginoon maliban kung nagsisipi si Juan ng isang sipi na direktang mula sa Lumang Tipan, na ang pangalan ni Yahuwah na Yahuwah. Ngunit ito ay bihira, tatlong beses lamang sa Ebanghelyo ni Juan (1:23, 12:13, 38). Sa labas ng mga siping iyon mula sa Lumang Tipan, ang Mabuting Balita ay hindi tinutukoy si Yahuwah bilang Panginoon. Sa ibang dako, tinawag si Yahushua na Panginoon nang 40 beses sa Ebanghelyo ni Juan, lahat ay ginamit bilang isang marangal na titulo na nagsasaad ng kapangyarihan, “Panginoon, Guro, Ginoo.” Narito ang iilang halimbawa:
“Naniniwala ka ba sa Anak ng Tao?” “Sino siya, Ginoo? Sabihin mo sa akin upang maniwala ako sa kanya” (Juan 9:35-36).
“Opo, Panginoon, naniniwala ako na ikaw ang Kristo, ang Anak ni Yahuwah” (Juan 11:27).
“Ang mga alipin ay hindi higit kaysa kanilang Panginoon” (Juan 13:16, 15:20).
“Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon, at tama kayo, dahil gayon nga ako” (Juan 13:13).
Ama, Ito Ang Buhay Na Walang Hanggan.
Sa Mabuting Balita ni Juan, ipinahayag ni Yahushua na pagtanggap ng buhay na walang hanggan (buhay sa panahong darating, muling binuhay na buhay) ay sangkot ang nalalamang dalawang “katauhan”:
Sa Mabuting Balita ni Juan, ipinahayag ni Yahushua na pagtanggap ng buhay na walang hanggan (buhay sa panahong darating, muling binuhay na buhay) ay sangkot ang nalalamang dalawang “katauhan”: “Ama…ito ang buhay na walang hanggan, ang makilala ka nila na tanging tunay na Diyos, at si Kristo Yahushua na iyong isinugo” (Juan 17:1, 3).
|
“Ama…ito ang buhay na walang hanggan, ang makilala ka nila na tanging tunay na Diyos, at si Kristo Yahushua na iyong isinugo” (Juan 17:1, 3). Sila ang dalawang “katauhan” na nakita ni Tomas sa muling binuhay tungo sa walang hanggang buhay na si Yahushua. Ang “Diyos ko” ay ang Ama, Ang “Panginoon ko” ay si Kristo Yahushua. Ang Trinitaryan na interpretasyon ng deklarasyon ni Tomas ay binabalewala ang Ama, ang tanging tunay na Diyos, ang Tagabigay ng Buhay (Juan 1:13).
Nakikita Si Yahuwah Na Gumagawa Sa Mga Kaganapan Ng Mga Tao
Isang sentrong biblikal na tema ay ang mga tao ay dapat na makayang makilala o makita si Yahuwah na gumagawa sa mga gawa, minsan sa mapaghimala, na si Yahuwah ay gumagawa sa lupa sa pamamagitan ng mga tao. Ang mga Israelita ay maaaring makilala na si Yahuwah ang naghatid sa kanila upang makalaya mula sa Egipto sa mga mapaghimalang gawa na isinagawa ni Yahuwah sa pamamagitan ni Moises (Exodo 29:46, Deuteronomio 4:35).
Nakita ng Cananeo kung ano ang ginawa ni “Yahuwah mong Diyos…sa dalawang hari ng mga Amorrheo, na nasa dako roon ng Jordan”. Nakita nila si Yahuwah sa mga tagumpay na naganap sa pamamagitan ni Moises at Josue (Josue 9:9-10).
Ang Reyna ng Seba ay maaaring makita na si “Yahuwah mong Diyos” ang naglagay kay Solomon sa luklukan bilang hari (2 Paralipomeno 9:8). Hindi siya nabigo na makilala si Yahuwah bilang isang responsable para sa kadakilaan ni Solomon.
Noong nagpagaling si Yahushua ng isang paralitiko, “Nang makita ito ng napakaraming tao, natakot sila at nagbigay-luwalhati kay Yahuwah na nagkaloob ng gayong kapangyarihan sa mga tao” (Mateo 9:6-8).
Noong binuhay ni Yahushua ang isang patay, “Niluwalhati nila si Yahuwah sa pagsasabing, ‘Dumating sa atin ang isang dakilang propeta at dinalaw ni Yahuwah ang kanyang bayan’” (Lucas 7:15-16). Ang mga tao ay hindi nabigo na makilala, luwalhatiin at paniwalaan si Yahuwah sa himala na nakakapagbalik ng buhay na isinagawa sa pamamagitan ni Yahushua.
Noong si Yahushua ay pinagaling ang marami sa baryo ng Decapolis, “namangha ang maraming tao nang makita nilang nakapagsasalita ang mga pipi, lumalakas ang mga paralitiko, nakalalakad ang mga piláy, at nakakikita ang mga bulag. At pinuri nila si Yahuwah ng Israel.” Muli, ang mga Hentil na ito ay maaaring makita ang Diyos ng Israel na gumagawa kay Yahushua.
Sa isang pahayag na sangkot rin ang tagumpay sa kamatayan, kinilala ni Pablo ang gawa ni Yahuwah sa pamamagitan ni Yahushua: “Subalit salamat kay Yahuwah! Pinagtatagumpay niya tayo sa pamamagitan ng ating Panginoong Kristo Yahushua” (1 Corinto 15:57).
Buod
“Subalit salamat kay Yahuwah! Pinagtatagumpay niya tayo sa pamamagitan ng ating Panginoong Kristo Yahushua” (1 Corinto 15:57).
|
Ang pahayag ni Tomas sa Juan 20:28 ay ipinagmamalaki bilang isa sa mga pangunahing piraso ng ebidensya sa Bibliya para sa “pagkadiyos ni Kristo” at para sa Trinidad. Ngunit ang interpretasyon ng “pagkadiyos ni Kristo” ay nakukuha ito nang lubos na kamalian.
Inaangkin ng Trinitaryanismo na ito ang “Diyos Anak” kay Yahushua. Ngunit sinabi ni Yahushua na si Yahuwah ang Ama, ang tanging tunay na Diyos, ay ang nasa kanya (Juan 8:40, 10:38, 14:9-10, 17:3).
Dapat ba tayong maniwala sa Trinitaryanismo o kay Yahushua?
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Bob Schlegel.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC