Ang espiritung ipinahayag ng mga modernong albularyo at iyong mga inangkin na |
Nagsimulang mahina. Isang tahimik, napakaliit na tunog ang bumasag sa katahimikan ng kumbento. Ngunit ito’y dumating muli. Nakahanap ba ng daanan ang pusa tungo sa abadiya?
Ang ikalawang pusa ay sumama sa una. Saan nanggaling ang mga hayop na ito? Ang punong pryora ay mabilis na sumaklang pababa sa isang pasilyo. Ang mga hayop ay walang lugar sa mga banal na bulwagang ito! Sinundan niya ang tunog sa isang maliit na kuwarto kung saan ang isang mongha ay tahimik na nagsasaayos. Bakit nakatayo lamang siya rito, nagsasaayos? Bakit hindi niya subukang hulihin ang pusa at paalisin ito?
Ang mongha ay lumingon. Gumalaw ang kanyang labi. “Meow?”
Kaagad, pababa mula sa bulwagan, dumating ang isang tugon: “Meow!”
Nagmadali ang Punong Ina sa kasunod na kwarto. Dalawang mongha ang napatingin sa sindak at magalang na nagtanong, “Meow?”
Ang mga madre ay gumagawa ang ganoong raket! Subalit isa pang tinig ang sumama. Ito’y kumakalat! Hindi na magtatagal bago ang impeksyon ng pusa ay lumaganap sa karamihan ng ibang mga mongha sa kumbentong Pranses. Pagkatapos ay may kakaibang nangyari. Ang mga nangingiyaw na madre ay nagsimulang magsabay-sabay sa kanilang awitin ng pusa! Sa tiyak na oras ng araw, sama-sama silang nagngiyaw sa loob ng ilang oras. Walang nagawa ang pryora para pigilan sila.
Ang ingay ay nagsimulang mag-abala sa mga tao sa nakapaligid na bayan. Ang mga taong-bayan ay kinatakutan na ang mga madre ay sinapian at inulat ang insidente sa pamahalaan. Ang mga sundalo ay ipinadala para siyasatin ang dahilan ng kakaibang kababalaghang ito. Matapos libutin ang kumbento, inanunsyo ng mga sundalo na sinumang mongha na patuloy sa pagngiyaw ay lalatiguhin.1
Ang problema’y nalutas. Wala nang pagngingiyaw! Ilang siglo ang lumipas, nanatili itong kawili-wiling pag-aaral ng kaso ng walang hihigit kundi tumpok na isterismo na huramentadong tumakbo sa mga nababatong nakapinid.
Ang mga madre ng Pransya ay hindi lamang ang mga Kristyanong napagalaw ng kapangyarihan ng pahiwatig.
Subalit, habang kagulat-gulat gayong ito’y ipinahiwatig, hindi ito ang huling pagkakataon na ang malawak na isterismo at kapangyarihan ng pahiwatig ay nakaimpluwensya sa mga Kristyano.
[Ang WLC sa alinmang paraan ay hindi itinataguyod ang anuman sa mga kasanayan o tradisyon ng Simbahang Katoliko. Ang kwento sa ibabaw ay ibinahagi lamang sa ngalan ng paglalarawan. Inimungkahing Basahin: Ang Mga Halimaw ng Pahayag]
Pinaslang sa Espiritu
Sa kanyang unang sulat para kay Timoteo, nagbabala si Pablo: “Maliwanag na sinasabi ng Espiritu na sa mga huling araw ay iiwan ng iba ang pananampalataya at susunod sa mga mapanlinlang na espiritu at mga turo ng mga demonyo.” (1 Timoteo 4:1) Ang karismatikong pagtuturo ng “pinaslang sa espiritu” ay isa ng doktrina ng mga demonyo.
Ito ay minsang tinukoy bilang “bumagsak sa Espiritu” o ang “kalabit ng kapangyarihan.” Ito’y madalas nagaganap kapag ang sinuman ay naghahangad ng paggaling.
Ang terminong “pinaslang sa espiritu” ay ginamit sa mga kabilugan ng Karismatiko ng mga Simbahang Kristyano upang italaga ang isang ipinalagay na paggalaw ng Banal na Espiritu sa isang tao. Ang angkin ay ang Banal na Espiritu ay gumagalaw nang may ganoong kapangyarihan sa isang tao, kaya ang tao ay “pinaslang.” Hindi ibig sabihin nito na ang tao ay namatay, kundi siya ay nagtagumpay sa presenya ng Espiritu kaya siya bumagsak sa lupa na ganap na nanaig.2
Syempre, kay Yah, lahat ng bagay ay posible. Bilang Manlilikha at Makapangyarihan, sakdal na posible na maaari Niya, mismo, darating sa isang tao na may ganoong lakas kaya siya ay maaaring magtagumpay. Ang problema ay hindi kung ito man ay maaaring gawin ni Yahuwah o hindi, kundi ang ganitong paniniwala—at sa pagpapahaba, at ganitong pagsasanay—ay Biblikal.
Ang mga tagapagtaguyod ng pagsasanay na ito ay nagsipi ng iba’t ibang sipi ng Kasulatan sa isang tangka na patunayan na ito’y naganap sa mga panahon ng Bibliya. Gayunman, isang maingat na pagsusuri ng mga siping ito ay ipinapakita na hindi maaaring gamitin ang mga ito para itaguyod ang “pagbagsak/pinaslang sa Espiritu” nang hindi binabaluktot ang Kasulatan.
Ang isa ay ang madalas isiping berso na naglalarawan ng paghahandog sa templo ni Solomon.
Nangyari nga, nang ang mga nangagpapakakak at mga mangaawit ay nangagkakatugma, upang mangagpatunog ng isang tunog na maririnig sa pagdalangin at pasasalamat sa Panginoon; at nang kanilang itaas ang kanilang tinig na katugma ng mga pakakak, at mga simbalo, at mga panugtog ng tugtugin at magsipuri kay Yahuwah, na magsipagsabi, Sapagka't siya'y mabuti; sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man: na nang magkagayo'y ang bahay ay napuno ng ulap; sa makatuwid bagay ang bahay ni Yahuwah,
Na anopa't ang mga saserdote ay hindi mangakatayo na mangakapangasiwa dahil sa ulap: sapagka't napuno ng kaluwalhatian ni Yahuwah ang bahay ng Elohim. (2 Cronica 5:13-14)
Pansinin na walang iisang halimbawa sa mga berso sa ibabaw ang naglalarawan na sinuman ay bumabagsak sa ilalim ng kapangyarihan ni Yah, o maging ang anumang nagaganap na paggaling. Ito’y ubos na kabaligtaran. Ang berso 11 ay ipinahayag, sa bahagi, “Sapagka’t ang lahat na saserdote na nangahaharap ay nangagpakabanal.” Ito ay laban sa Leviticong kodigo para sa sinumang tao sa hindi nasa sakdal na kalusugan na maglingkod sa harap ni Yahuwah, kaya, syempre, wala sa mga saserdoteng dadalo ang maghahangad ng paggaling o di kaya’y wala sila doon. (Tingnan ang Levitico 21:16-23.)
Tinukoy din ng mga tagapagtaguyod ang pagdakip sa Tagapagligtas sa Hardin ng Gethsemane. Noong tinanong ni Yahushua kung sino ang hinahanap nila, “Si Yahushua ng Nazareth,” sagot nila. Sinabi ni Yahushua, “Ako iyon.” Si Judas, na nagkanulo sa kanya ay nakatayong kasama nila. Nang sabihin ni Yahushua sa kanila na siya iyon, napaatras sila at bumagsak sa lupa. (Juan 18:5-6)
Isa pang tanyag na bersong ginamit para patunayan ang kasanayang ito na Biblikal, ay makikita sa kwento ng pagbabagong-loob ni Saulo ng Tarsus. “Sa kanyang paglalakbay papalapit sa Damasco, biglang kumislap sa palibot niya ang isang liwanag mula sa langit. Bumagsak siya sa lupa at nakarinig ng isang tinig na sa kanya'y nagsasabi, “Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig?” (Mga Gawa 9:3-4)
Hindi ang pagbagsak ng masama sa pagdakip kay Yahushua, hindi rin ang pagbagsak ni Saulo ay maaaring gamitin para itaguyod ang modernong paniniwala ng pagbagsak sa Espiritu dahil iyong mga lumalapit sa iba’t ibang modernong albularyo ay mga tipikal na lubos na matapat na mananampalataya, sa pinakamahusay ng kanilang kaalaman, ay tama kay Yah sapagkat sila’y naghahangad ng Kanyang pagpapala.
Mayroong kakaunting halimbawa sa Kasulatan kung saan ang tao ni Yah ay nagtagumpay sa makalangit na kadakilaan, kaluwalhatian, at banal na kapangyarihan. Walang paltos, gayunman, kapag ang direksyon kung saan sila bumagsak ay ibinigay, ito ay palaging pasulong, papunta sa kanilang mga mukha sa isang gawa ng pagsamba. Halimbawa: “Gayon ma'y narinig ko ang tinig ng kaniyang mga salita; at nang aking marinig ang tinig ng kaniyang mga salita, ako nga'y nagupiling sa isang mahimbing na pagkakatulog, na ang aking mukha ay pasubsob. At, narito, isang kamay ay humipo sa akin, na nagtayo sa akin sa aking mga tuhod at sa mga palad ng aking mga kamay.” (Daniel 10:9-10, ADB)
Ito ay ganap na naiiba kaysa sa anumang bagay na nagaganap kapag ang mga tao ay pinaslang sa Espiritu sa kasalukuyan. Noong bumagsak si Daniel, ang anghel ay agad na inabot siya para palakasin. Si Juan ang Tagapahayag din, ay agad na pinalakas noong nagtagumpay sa kapangyarihan ni Yah: “At nang siya'y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan. At ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang matakot; ako'y ang una at ang huli.” (Pahayag 1:17, ADB)
Ang mga ebanghelista at mga modernong albularyo na pumapaslang sa espiritu ay hindi umaabot para palakasin iyong mga ipinalagay na nagtagumpay sa kapangyarihan ni Yahuwah. Sa halip, lumilitaw na parang sila’y nagsasaya sa pagpapakita ng “kanilang” kapangyarihan. Mismo, marami sa kanila ay mayroong “mga tagasalo” para siguraduhin na iyong mga nakatayo na mapapaatras o babagsak pababa ay hindi masasaktan.
Magkatulad sa Isa na Mapagpakumbaba at Mababa?
Sa kabila ng mga pag-iingat na ito, ang mga tao ay nasaktan na dati. Ang pamilya ni Ella Peppard ay naghatid ng maraming-milyon na halaga ng demanda laban sa ebanghelistang si Benny Hinn para sa mga sugat na natamo niya sa isang paggaling—mga sugat na ipinalagay nila na nag-ambag sa kanyang kamatayan.
“Si Peppard, 85, namatay noong Setyembre 23, 1986, mula sa baradong arterya matapos siyang maospital para sa nabaling balakang. Nagdusa siya sa bali, 15 araw nang mas maaga sa panahon ng isang paggaling sa Faith Tabernacle.”3
Si Peppard ay naghihintay sa pila para matanggap ang pagpapala ni Hinn noong tinamaan siya ng lalaking nakatayo sa harapan niya nang napakatigas, kaya siya lumipad nang paatras, nagpabagsak sa kanya patalikod at bumali sa kanyang balakang.
Sa halip na pagbibigay ng tulong medikal, inutos ni Hinn na si Peppard ay paalisin mula sa entablado at ilagay sa isang upuan malapit sa harapan ng simbahan, ang sinabi sa demanda.
Noong ang isang tagahatid ay nag-alok ng tulong medikal para kay Peppard, sinabi ng mga saksi na pinigil ni Hinn ang tagahatid at sinabi, “Pabayaan mo siyang mag-isa. Pagagalingin siya ng Diyos.”4
Sa isa pang insidente kung saan sangkot si Hinn, kanyang anak at dalawang tanod ay dinakip para sa pamamalo at pagpapahirap ng isang pipi at bingi na lumapit sa entablado na may dalang tubig, naghahangad ng pagpapala.
Si Hestephenson Araujo, 21, ay inulat na nangailangan ng paggamot sa ospital matapos ang insidente ... sa isang pangrelihiyong krusada sa Manaus, hilagang Brazil.
Kinulong ng pulisya si Joshua Hinn, 21, kasama ang dalawang tanod ni Benny Hinn, sa hinala ng pagpapahirap matapos ang tatlong tao diumano’y kinandado si Ginoong Araujo sa isang treyler at pisikal na sinaktan siya. ...
Ang mga tao’y kinuha si Ginoong Araujo sa isang treyler na nakaparke malapit sa entablado kung saan inangkin na ikinulong siya sa loob, pinalo at sinuntok sapagkat nais nilang malaman kung sino siya.
Dahil hindi marinig ng mga tao o tumugon sa kanilang mga nais, ang pisikal na agresyon ay nagpatuloy, sinabi ng pulis.
Ang mga opisyal ng pantaktikang pangkat ay sumambulat sa treyler matapos ang nababahalang mga kasapi ng publiko ay tinawag ang pulis.5
Ito ay ganap na hindi naaayon sa mga aksyon ni Yahushua o sinuman sa mga apostol! Si Robert Liichow, minsan na mismong sangkot sa samahang ito, ngayo’y naghahangad na liwanagin ang mga tao sa kamalian nito. Sinulat niya:
Ang halatang tanong ay ito – kung ang Diyos ay nagpapabagsak ng mga tao, bakit natin kailangang saluhin sila? ... Ipinaliwanag nila ang pagpapahayag na ito bilang direktang dulot ng kapangyarihan at presensya ng Banal na Espiritu. Kung ito nga, Siya ba ay sapat nang malakas na makita tungo rito na iyong mga pinapabagsak nang dakila ay hindi nasaktan sa Kanyang pagpapala? Ang mga simbahang ito ay nagtalaga ng mga tagasalo dahil (1) nalalaman nila ang mga tao ay kinukunwari lang ang pagbagsak nang maraming beses, ito ay isang palatuntunang tugon. (2) Sila’y nagkukulang ng pananampalataya sa kanilang pansariling pagpapahayag ng mga paniniwala. Syempre ang Diyos ay hindi dakila para pangalagaan ang Kanyang bayan.
Kasama ng mga tagasalo ay mayroon kaming mga babaeng kapatid ... na nasa likod o nasa tabi ng mga tagasalo na may malaking pilas ng materyales. Ang kanilang paglilingkod ay upang ilagay ang mga pilas na ito sa mga binti at katawan ng mga kababaihan. Bakit? Dahil maraming beses kung kailan ang mga babae na pinaslang sa espiritu ay babagsak sila sa lubos na mga malalaswang posisyon.
Mayroon kaming mga pangyayari kung kailan ang mga minamalas na mga babae na nararamdaman na ang kanilang mga kasuotan ay maaaring gumapang pataas sa kanilang katawan nang lubos, at ang kanilang mga paa ay tatabingi sa hindi tamang mga anggulo. Noong ang Panginoon ay pinili na pahiyain ang Kanyang mga babaeng anak sa paraang ito, narito kami para agad takpan ang kanilang kahihiyan. Ito ba ay isang bagay na maaaring gawin [ni Yahuwah Elohim] sa Kanyang mga babaeng anak?6
Paglaya
Nangako si Yahushua, “At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana'y magpapalaya sa inyo.” (Juan 8:32, ADB) Marami at maraming mga tao ang minsan na aktibong kabilang sa samahang ito ay naging malaya sa panlilinlang. Sila’y nagbabala na sa iba tungkol sa kakaibang paniniwalang ito. Isa sa mga ito ay Mark Haville. Noong tinanong kung paano siya lumaya, ang tugon ni Haville ay ang simpleng pagbabasa ng Kasulatan.7
Si Mike Wright, isa pang kapatid na hindi na naniniwala na itinataguyod ng Bibliya ang kasanayang ito, ay ipinunto ang isa pang problema sa paniniwalang ito: iyon ay ang kauring panggigipit. Isinulat niya:
Nagsalita si Benny Hinn sa isang panalangin sa almusal at nanood akong nanalangin siya para sa aking ina sa isa pang gilid ng mesa. Ang grupo ng Full Gospel Businessmen na sinamahan ang namumukong superstar na ito ay gumanap gaya ng isang kadre ng mga bantay sa paligid ng pangulo, nagtataas ng mga dakilang inaasahan at kagalakan, at mapaghiwatig na kapangyarihan at reputasyon sa pamamagitan lamang ng paraan kung saan sila’y lalapit at gagalaw sa karamihan ng tao.
Si Nanay ay hindi pinaslang sa espiritu, kundi sinabi niya sa akin na – kung si Benny ay matagal na pinanatili ang kanyang kamay na nagtulak sa kanyang noo paatras – marahil siya ay aatras. Ito ay marahil kanyang nahiyang tugon sa katunayan na siya hindi ‘sapat na matapat, o sapat na mamunga, o sapat na matuwid’ para pagpalain sa (ipinapalagay na) kahanga-hangang gawa ng Banal na Espiritu. (Ito ang kauna-unahang tanaw ko ng pagkakasala nang ganap – madalas tahasan – inilagay sa naghahangad o tatanggap).8
Ang panggigipit ay inilalagay sa sinuman na naghahangad ng pagpapala o paggaling para ipakita ang isang pisikal na tugon sa kapangyarihan ng Espiritu. Kapag wala sila kahit isa, ipinalagay (sa mga nanonood at indibidwal) na ang kamalian ay nasa tao dahil sa kakulangan ng sapat na pananampalataya. Ito’y kauring panggigipit na hinatid para pasanin sa espiritwal na lupain. Pinagtibay ni Wright sa malungkot na pagsiyasat:
Maaari akong maghatid ng mahigit tatlumpung taong katumbas ng mga kwento sa iyo, at ang konklusyon ng lahat ng mga ito ay tayo’y (hindi nalalamang) lumalahok sa isang sayaw – nalinlang ng mga tao na may nalamang mas mabuti o sinuman na dapat may nalalamang mas mabuti. Napag-aralan ang salita [ni Yah] sa bagay na nakakapagod ngayon, aming malinaw na tinutuligsa ang pagtuturo ng pinaslang sa espiritu. Wala saanman ang kasanayan ay matatagpuan sa Bibliya, at tanging sa mga kaaway [ni Yah] nanggaling ang isang napakalaking pwersa na nagdudulot sa kanila na bumagsak paatras. Sa bawat ibang kaso na tiniyak, ang mga tao na dumating sa presenya [ni Yahuwah] ay bumabagsak nang kusa at pasulong, sa kanilang mukha, (sa isang mapagpakumbabang pagsamba) – o, ... sila’y NAMATAY.9
Isipan Sa Isipan
Ang karanasan ng “pinaslang sa espiritu” ay madalas nasasaksihan sa mga malalaking pagtitipon o sa mga ebanghelistikong pagsisikap, kung saan ang mangangaral ay mayroong isang espesyal na oras ng pagpapagaling. Siya ay liligid, ilalagay ang kanyang kamay sa noo ng isang maysakit, at babagsak nang paatras. Ang ilang “mga modernong albularyo” gaya ni Benny Hinn, ay gagawin pa ngang isang katatawanan ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu, iwinawagayway at hinahampas ang kanyang ternong dyaket sa madla o maging ang pag-ihip sa kanila, kung saan, mahuhulaan, sila’y malulugmok.
Si Mark Haville, nabanggit kanina lang, ay natanong sa isang panayam kung paano gumagana ang pinaslang sa espiritu. Naglista siya ng mga sumusunod:
- Ang mga tao ay bukas sa pahiwatig. Ang isang tao ay maaaring humantong sa isang mahiwatig na estado ng isipan, o binagong estado ng kamalayan, kung saan sila’y mas sandal sa tagapagsalita at mga reaksyon ng mga nasa paligid nila.
- Ang mga lider ng palatuntunan ay pumipili ng mga musika na tumutugma sa pulso ng isang tao. Ang tibok sa karamihan sa mga papuri at pagsambang musika ay humahanay nang mabuti sa sistemang kardyo-baskular.
- Ang mga tagapaglibang ay nauunawaan ang kapangyarihan ng pang-grupong dinamika. Ito ay kung bakit ang mga komedyante at mga rakista ay may paunang gawa na “painitin ang madla.” Ang pang-grupong dinamika ay gumagana rin pabor sa mga modernong albularyo. Kapag ang inaasahan ng lahat ng nanonood ay ikaw ay babagsak kapag natamaan sa noo, karamihan sa mga tao ay babagsak.
- Ang mga paulit-ulit na padron ng pananalita, at maging ang mga tiyak na tono ng tinig, ay maaaring makatulong sa panghihikayat ng mga mapaniwalang takda ng isipan. Ang neuro-lingwistikong palatuntunan at Eriksonian hipnosis ay nilusob maging ang mga Kristyanong denominasyon na hindi Pentecostal, na may ilang pastor na ipinagmamalaki ang kanilang kakayahan na hipnotismohin ang kanilang mga kongregasyon.
- Ang mga tao sa ganoong kapaligiran ay bukas na dalhin sa hipnotismo. Kaya, sa isang sandali ng panahon, ang kanilang mga karamdaman ay maaaring mahayag na wala na. Ang mga sumunod na pag-aaral, gayunman, ay inilabas na ang karamihan sa mga tao sa unang paglingap na sila’y gumaling, ay sa katunayan, hindi pala.
Hinawakan ni Charles S. Price ang isang programa sa British Columbia kung saan 350 katao ang naniwala na sila’y gumaling. Anim na buwan ang lumipas, gayunman, ang isang sumunod na pag-aaral ay inilabas ang lubos na nakakagambalang resulta. Sa 350 katao na naniwalang gumaling, 301 ang may sakit pa rin, 39 ang namatay sa katunayan, at lima ang nasiraan ng loob. Tanging lima lang ang inangkin na sila’y pinagaling.10
Inamin ni Harville na ang mga eksaktong kasanayan, ginamit nang may katumpakan ang mga kaparehong pamamaraan, ay ginamit sa mga relihiyong silangan at iba’t ibang mahiwagang tradisyon mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Nagbabala si Pablo kung paano si Satanas ay maaaring magbagong-anyo tungo sa isang anghel ng liwanag, nagpahayag: “At hindi kataka-taka! Sapagkat si Satanas man ay nagpapanggap na isang anghel ng liwanag. Kaya't hindi malayong mangyari na ang kanyang mga lingkod ay magpanggap na mga lingkod ng katuwiran. Ang kanilang wakas ay magiging ayon sa kanilang mga gawa.” (2 Corinto 11:14-15, FSV) Ito ay tiyak na nangyayari sa mga samahang Pentecostal na ito: binagong mga estado ng kamalayan, mga espiritwal na kawalan ng kamalayan, hipnosis, atbp. Sa paggamit ng Kristyanong terminolohiya, panalangin kay “Hesus”, pananawagan para sa “paggaling”, nagpapaalala sa mga mananampalataya na magkaroon ng pananampalataya, ang mga Kristyanong guro na ito ay dinamitan ang mga mahihiwagang kasanayan ng kasuotan ng liwanag.
Habang ang paggaling na pananampalataya at ibang hayagang pagpapakitang ipinalagay sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu ay nasa palibot sa loob ng mahabang panahon, ang kasanayan ay nakatanggap ng isang malaking palatuntunan sa Toronto Airport Church, sa Toronto, Canada, noong 1994. Isa sa mga nagtatag ng samahang ito, si Paul Goldee11, ay unang naniwala na ito ay matapat na kay Yahuwah. Gayunman, matapos makita ang ilan sa mga tao ay tumatahol gaya ng mga aso, o kumikilos sa mga paraang makahayop habang ipinapalagay na nasa ilalim ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, nagsimula siyang batikusin kung ito nga ay tunay na galing kay Yah. Nagbabala siya:
Ngayon, nais kong sabihin na ito ay isang bagay na napakadilim ... Ngayon, naniniwala ako na ang espiritung iyon ay isang bogus na espiritu, isang huwad na espiritu at hindi ang Banal na Espiritu ng Kasulatan. ... Nais kong sabihin na ito ay hindi kailanman na totoo, lehitimong pagpapahayag ng Banal na Espiritu dahil ang bunga ng simbahang iyon ay bulok. ... Ang Banal na Espiritu Santo, sa mismong pangalan, ay Banal. Siya ay hindi manghihikayat sa mga tao na gumawa ng anumang bagay na masama.
Ang mga tao ... ay nilikha sa larawan [ni Yah]. Bakit nais pababain [ni Yahuwah] ang sangkatauhan sa pamamagitan ng paggawa sa kanila na maging gaya ng mga hayop? May anumang bagay ba na naipahayag sa mga pagtitipong ito na salungat sa Banal na Kasulatan, kaysa sa ito ay hindi [kay Yahuwah] dahil [si Yah] ay hindi nagbabago. ... Huwag yakapin ito; huwag isipin na ito ay isang bagay ng liwanag. ... Ito ay hindi [kay Yah] ... ito ay isang pakana ng demonyo at ... ito’y magdadala ng ganap na pagkawasak sa mga lalaki, mga babae, at mga bata na yumayakap nito.12
Ang Kasulatan ay naglalaman ng walang sanggunian sa mga unang mananampalataya na nagpakasasa sa anuman sa garapal, hindi marangal na mga pagpapakita na nasaksihan sa mga “pinaslang sa Espiritu.” Ang Biblikal na pagsamba ay banal, sapagkat si Yahuwah ay banal. Ang kagalakan ni Yah ay hindi kailanman sinisira ang personal na dignidad ng indibidwal. Isa sa mga bunga ng espiritu ay ang pagpipigil sa sarili. Aktibo bang wawasakin ni Yahuwah ang isang bagay na sinusubukan Niyang itanim sa iyong katangian?
Kabaligtaran sa pamali-mali at hindi marangal na kilos ng mga tao na sinabing "pinaslang sa espiritu" sa mga mayroong tunay na karanasan sa nakakapaggaling na paghipo ni Panginoong Yahushua: Dumating sila sa kabilang lawa, sa lupain ng mga Geraseno. Pagbaba ni Yahushua mula sa bangka, sinalubong siya ng isang lalaking galing sa libingan. Ang lalaking ito'y sinasaniban ng maruming espiritu. Siya'y naninirahan sa mga libingan at hindi mapigilan kahit ng tanikala. Madalas siyang iposas at itanikala, ngunit nababali niya at nalalagot ang mga gapos. Walang may sapat na lakas na makasupil sa kanya. Araw-gabi siyang nagsisisigaw sa mga libingan at sa mga kabundukan, at sinusugatan ang sarili sa pamamagitan ng mga bato. Malayo pa ay natanaw na niya si Yahushua. Patakbo siyang lumapit at lumuhod sa harap niya. Sumigaw siya nang malakas, “Yahushua, Anak ng Kataas-taasang Yahuwah, ano’ng kailangan mo sa akin! Alang-alang sa Elohim, huwag mo akong pahirapan!” Sinabi niya ito sapagkat iniutos sa kanya ni Yahushua, “Ikaw na maruming espiritu, lumabas ka sa taong ito!” Tinanong siya ni Yahushua, “Ano ang pangalan mo?” Sumagot siya, “Lehiyon ang pangalan ko sapagkat marami kami.” Nagmakaawa siya kay Yahushua na huwag silang palayasin sa lupaing iyon. Noon nama'y may isang malaking kawan ng mga baboy na nagsisikain sa libis ng bundok na malapit doon. Nakiusap sila kay Yahushua, “Hayaan mo na lamang na makapasok kami sa mga baboy.” Pinayagan naman sila ni Yahushua. Lumabas ang mga masamang espiritu mula sa lalaki at pumasok sa mga baboy. Ang kawan na may dalawang libo ay kumaripas ng takbo papunta sa matarik na bangin patungong lawa at nalunod. Nagtakbuhan ang mga tagapag-alaga ng kawan, at ibinalita sa lungsod at sa mga karatig-nayon ang naganap. Kaya't nagdatingan ang mga tao upang tingnan kung ano ang nangyari. Paglapit nila kay Yahushua, nakita nila ang lalaking dating sinaniban ng maruming espiritu na nakaupo, nakadamit, at matino ang pag-iisip. At sila'y natakot. (Marcos 5:1-15, FSV) Tandaan: Ang pagbabago na dinadala ni Yahuwah ay ang kabaligtaran ng naranasan ng mga tao na “pinaslang sa espiritu.” Ang Espiritu ni Yah, sa sipi sa ibabaw, ay pinatahimik ang pamali-maling kilos ng taong sinapian ng mga demonyo at ibinalik sa isang normal na kaisipan. Iyong mga nagtataguyod ng hindi Biblikal na kasanayan ng pinaslang sa espiritu ay nagpapakita ng kabaligtaran nito; sila’y binabago mula sa isang malinaw at normal na estado ng kaisipan tungo sa walang ingat at maligaw na pamali-maling estado ng damdamin o pagkilos. |
Tunay na Biblikal na Espiritwalidad
Ang Kasulatan ay nagpapaalala sa mga mananampalataya: “Suriin ninyong mabuti ang lahat ng bagay; panghawakan ninyo ang mabubuti. Layuan ninyo ang lahat ng anyo ng kasamaan.” (1 Tesalonica 5:21-22, FSV) Nananawagan si Yahuwah sa mga Kristyano ngayon na bumalik sa tunay, Biblikal na espiritwalidad. Ang isang tunay na koneksyon kasama ang Makapangyarihan ay hindi dumarating sa isang maingay na grupo. Ang isang kapani-paniwalang espiritwal na karanasan ay dumarating sa indibidwal, kapag sa katahimikan, ang nag-iisang kaluluwa ay maaaring marinig ang isang marahang bulong na tinig.
Si Elias sa Bundok Horeb ay itinuro na si Yahuwah ay hindi nasa dakila, at napakalakas na hangin na pumupunit ng bundok. Siya ay hindi nasa mga lindol na nagdulot sa lupa na mayanig. Siya ay wala sa isang nagngangalit na saligutgot ng isang bagyo ng apoy. Sa halip, ang Manlilikha ng Lahat ay piniling magsalita, isa-sa-isa kasama ang Kanyang lingkod sa isang marahang bulong na tinig. (Tingnan ang 1 Mga Hari 19:11-12.)
Ang aral na ito ay para sa atin ngayon. Nalalaman ng Ama ang pananabik ng iyong puso para sa isang malapit, matalik na koneksyon kasama Siya. Hindi Niya ito pababayaan nang hindi nasisiyahan. Ang pagnanais na iyon ay nakatanim sa iyong puso mula sa Kanya!
Hayaan ang iyong halimbawa ay kagaya ng Tagapagligtas. “Kinabukasan, madaling araw pa’y bumangon na si Yahushua at lumabas na ng bahay. Nagtungo siya sa isang di-mataong lugar, at doon ay nanalangin.” (Marcos 1:35, FSV) Marahil ika’y nakatira sa isang mataong malasilid na gusali. Siguro ika’y napapaligiran ng mga hindi mananampalatayang kasapi ng pamilya. Ngunit ikaw din, ay maaaring kumuha ng iyong pansariling natatanging lugar.
Marahil ang iyong mapag-isang lugar ay ang iyong silid tulugan. Marahil ito’y iyong kumon. Marahil ito’y iyong kotseng nakaparke sa dulong bahagi ng loteng parkihan ng pamilihang groceri. Marahil ang tangi lang tahimik na maaari mong makuha ay pagsarhan ang iyong sarili sa palikuran. Saan ka man mag-ukit ng isang tahimk na espasyo upang tumutok at makinig sa nananatiling marahang bulong na tinig, ang iyong Ama ay lalapit sa iyo, at personal na magsasalita sa iyo.
Ang kasanayan ng “pinaslang sa espiritu” ay umaasa nang mabigat sa madamdaming kaguluhan.
Sa paghahangad ng isang pagpapala, inabandona nila ang patotoo kapalit ng isang talulikas na karanasan. Ito’y hindi isang Biblikal na karanasan kundi marahil ay isang talulikas. Sa paggawa nito, hindi nila sinasadyang maging bukas sa panlilinlang sa pagtanggap nito nang walang anumang pagsubok ... Ang mga tao ay sumuko sa pinakamatandang palabas, sa kanilang paghahangad ng isang pagpapala, inabandona nila ang patotoo kapalit ng isang talulikas na karanasan nang walang pagsusulit ng pinagmulan para sa patotoong Biblikal.13
Ang banal na katotohanan ay hindi nagtitiwala sa emosyon, kundi umaapela sa kaisipan. Sinasabi ni Yahuwah, “Magsiparito kayo ngayon, at tayo'y magkatuwiranan.” (Isaias 1:18, ADB) Makatuwirang ikumpara ang teolohiya sa Banal na Kasulatan. Huwag ikumpara ang teolohiya sa emosyon dahil ang damdaming matayog na naranasan ng mga tagapanood sa isang konsyerto ng mga rakista ay kaparehong diwa ng pagkakaisa at sobrang tuwa na maaari mong makuha sa pag-awit ng mga himno kasama ang 2,000 ibang mga mananampalataya sa isang kampo ng pagtitipon.
Ang emosyon ay hindi dapat na tanggapin bilang patunay ng anumang bagay, bayaan ang isang bagay na napakahalaga gaya ng kaligtasan. Ang kaligtasan ay nangangailangan ng pagsisisi at pananampalataya kay Yahuwah, hindi ang ilang kalugod-lugod na kawalang-malay o madamdaming pagtakas ng guni-guni.
Kung ikaw ay nasalang sa ganoong hindi makatuwiran, madamdaming pagpapakita, pakiusap, huwag kunin ang aming salita para rito na ito ay hindi Biblikal. Basahin ang Kasulatan para sa iyong sarili! Patunayan ang lahat ng mga bagay sa salita ni Yahuwah. Isantabi na alinmang hindi sumasang-ayon sa Kanyang salita at kumapit sa alinmang mabuti. Palaging magpapalugod si Yahuwah sa mga kaluluwang gutom sa pananabik na mapalapit sa Kanya.
1 J. F. C. Hecker, Epidemics of the Middle Ages, p. 127.
2 Matt Slick, “What Does It Mean To Be Slain In The Spirit?” Christian Apologetics and Research Ministry.
3 http://newsok.com/article/2225326
4 Ibid.
6 http://www.ovrlnd.com/FalseDoctrine/slaininthespirit.html, pinahalagahan sa orihinal.
7 https://www.youtube.com/watch?v=YCJ9v_-aJho
8 http://www.bereanresearchinstitute.com/03_Doctrines/D.0003_Slain_in_the_Spirit.html, binigyang-diin.
9 Ibid., binigyang-diin.
10 Tingnan si Nader Mikhaiel at kanyang, The Toronto Blessing and Slaying in the Spirit, tinukoy sa http://www.ukapologetics.net/slain.htm.
11 Tingnan ang https://www.youtube.com/watch?v=FfmAIxz1yBs&spfreload=5. Ang apelyedo ni Paul ay maaaring mali ang pagbaybay, sapagkat ang audio ay bahagyang magulo at mahirap na makuha.
12 Ibid.