Yahushua Ay Sinamba, Kaya Siya Si Yahuwah. Talaga?
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Ang angkin na si “Yahushua ay dapat na si Yahuwah dahil siya ay sinamba” ay:
1. Biblikal na mali ang impormasyon o biblikal na mangmang. Anu-ano ang Hebreo at Griyegong salita na isinalin bilang “pagsamba”? Sino ang nararapat na sinamba? Tama ba na sabihin, “Tanging si Yahuwah lamang ang maaaring sambahin”?
2. Balintuna, ang angkin na si “Yahushua ay sinamba, kaya siya si Yahuwah” ay anti-Kristo buhat nang tinatanggihan nito na si Kristo Yahushua ay isang tao. Iyong mga gumagawa ng isang angkin ay iginigiit na sinasamba lamang nila si Yahuwah. Sila’y hindi sumasamba ng isang tao. Sila’y tumanggi na yumuko sa harap ng itinalagang taong Mesias ni Yahuwah.
Ang mga mananampalataya ng “Pagdiyos ni Kristo” ay sumasalungat sa kanilang sarili. Nais nilang igiit na si Yahushua ay “ganap na tao.” Kung si Yahushua ay “ganap na tao,” gaya ng inaangkin ng mga Trinitaryan, sila’y sumasamba ng isang tao. Ngunit pagkatapos, sila’y lumingon at tinanggihan na sila’y sumasamba ng isang tao. Mananampalataya ng Pagkadiyos ni Kristo: ikaw ba’y sumasamba ng isa na ganap na tao, o hindi? Gumawa sa iyong kaisipan.
Tingnan natin ang dalawang punto na ito nang medyo malapit.
Biblikal Na Mangmang
Paano ang salitang “pagsamba” ay ginamit sa Bibliya, at sino ang sinamba?
|
Una, ang angkin na “Yahushua ay dapat na si Yahuwah dahil siya ay sinamba” ay biblikal na kamangmangan. Marami ang nakabatay sa kung paano natin ipapaliwanag ang terminong “pagsamba.” Paano ang salitang “pagsamba” ay ginamit sa Bibliya, at sino ang sinamba? At narito ang isang mahalagang katanungan: Bakit sila sinasamba? Maaari ba silang sinasamba nang tama at hindi bilang si Yahuwah? Maaari ba ang Mesias ni Yahuwah, halimbawa, na sambahin hindi dahil siya si Yahuwah kundi siya ang Mesias ni Yahuwah? Biblikal na nararapat ba na angkinin: “Tanging si Yahuwah lamang ang maaaring sambahin”?
Kailangan kong sabihin, ang angkin na ito na si “Yahushua ay dapat na si Yahuwah dahil siya ay sinamba” ay medyo nakakadismaya sa akin dahil ang angkin ay lubos na halata na, biblikal, na mali. Mabuti, dahil sa kalabuan ng terminong “pagsamba” sa Ingles/Tagalog at ang mga pagpapalagay ng mga pagsasalin ng Ingles/Tagalog na Bibliya, magbibigay tayo ng ilang lundo sa mga karaniwang tao na narinig ang angkin na ito at inuulit lamang ang anong narinig nila.
Subalit upang angkinin na si “Yahushua ay si Yahuwah dahil siya ay sinamba” ay hindi mapapatawad para sa isang pastor o guro ng Bibliya na medyo kakaunti ang nalalaman sa Griyego o Hebreo. At sa kasamaang-palad, mayroon akong mga mag-aaral at pastor ng seminaryo na tinapos ang seminaryo ang nagsasabi sa akin, “Kung si Yahushua ay sinamba, dapat siya si Yahuwah.” Napakamot-ulo ang aking reaksyon, “Talaga? Gumawa kang isang munting pag-aaral ng Bibliya. Alamin kung anu-ano ang mga salitang Hebreo at Griyego na isinalin bilang ‘pagsamba’ sa Bibliya, at tingnan para kanino iyong mga salita ay inangkop. Mayroon pa ba sa Bibliya na sinasamba nang tama at hindi si Yahuwah?”
Ang kasagutan sa katanungang iyon ay “OO, MARAMING tao.” Napakaraming tao, aktwal na tao, na niyukuan nang tama, oo, “sinamba” sa Bibliya. Kaya dahil dito, malinaw na mali na angkinin na si “Yahushua ay sinamba, kaya siya si Yahuwah.”
Hindi gaanong kailangan ng maraming pag-aaral ng Bibliya upang makita na ang mga salita sa Hebreo at Griyego para sa “pagsamba” ay inangkop nang tama sa mga tao sa maraming konteksto.
|
Hindi gaanong kailangan ng maraming pag-aaral ng Bibliya upang makita na ang mga salita sa Hebreo at Griyego para sa “pagsamba” ay inangkop nang tama sa mga tao sa maraming konteksto.
Ang pangunahing salita na sangkot sa angkin na si “Yahushua ay Yahuwah dahil siya ay sinamba” ay ang salitang Hebreo na shahah הִשְׁתַּחֲוָה at ang katapat nito sa Griyego, proskyneō προσκυνέω.
shahah שחה הִשְׁתַּחֲוָה
(BDB): “yumuko, nakaluhod ang sarili, sa harap ng isang monarka o nakatataas, sa pagpupugay.”
proskyneō προσκυνέω
(dumupa at) sumamba, nagbigay-galang, nakaluhod ang sarili sa harap, pamimitagan, sumalubong nang may dakilang respeto
Ang mga termino sa Hebreo at Griyego ay pangunahing nangangahulugan na “yumuko” at “nagbigay-galang” sa isang nakakataas, kung ang nakakataas ay tao o banal.
Narito ang ilang halimbawa:
Genesis 22:5 At sinabi ni Abraham sa kaniyang mga alila, “Maghintay kayo rito sangpu ng asno, at ako at ang bata ay paroroon doon; at kami ay sasamba, at pagbabalikan namin kayo.” (ADB)
נִֽשְׁתַּחֲוֶ֖ה προσκυνέω
Genesis 23:7 At tumindig si Abraham, at yumukod sa bayan ng lupain, sa mga anak nga ni Heth. (ADB) וַיִּשְׁתַּ֥חוּ προσκυνέω
Nagsasagawa ng parehong kilos si Abraham sa harap ni Yahuwah at sa harap ng mga anak ni Heth. Ngayon, syempre, ang mga anak ni Heth at si Yahuwah ay sinasamba para sa magkaibang dahilan. Sinamba ni Abraham ang mga anak ni Heth dahil sa kung sino sila. Sinamba ni Abraham si YAHUWAH dahil si YAHUWAH ay Diyos. Ngunit ang kaparehong pandiwa ay ginagamit.
Ito ang isang dahilan ako’y medyo nabigla noong ang aking mga kailangan ay nagsulat at nagsabi sa akin, si “Yahushua ay Yahuwah dahil siya ay sinamba.” Ako’y nagbasa ng Bibliya sa Hebreo sa loob ng mahigit 30 taon noon, at ang angkin na iyon ay kakaiba, banyaga pa nga sa akin dahil maaari kong makita na ang salita na madalas isalin bilang “pagsamba” ay marapat na angkop sa iba, hindi lamang si Yahuwah.
Marami pang ibang halimbawa ng mga tao na sinamba nang tama sa Bibliya (ang mga kapatid ni Jose ay sinamba siya, halimbawa), ngunit ako’y lalaktaw patungo kay David. Nalalaman mo ba na si David ay sinamba si Saul?
1 Samuel 24:8 Si David naman ay tumindig pagkatapos, at lumabas sa yungib, at hiniyawan si Saul, na sinasabi, Panginoon ko na hari. At nang lumingon si Saul ay iniyukod ni David ang kaniyang mukha sa lupa, at nagbigay-galang.
Ang “nagbigay-galang” ay וַיִּשְׁתָּֽחוּ. Syempre, ang Bibliya ay hindi sinasabi na si David ay sinamba si Saul bilang Yahuwah. Sa halip, pinararangalan ni David si Saul dahil si Saul ay Mesias ni Yahuwah.
Ang salita na madalas isalin bilang “pagsamba” ay marapat na angkop sa iba, hindi lamang si Yahuwah.
|
Maraming tao ang sumamba kay David sa Bibliya. Mabuti para sa kanila sapagkat si David ay ang itinalagang Haring Mesias ni Yahuwah.
Isang halimbawa si Abigail. 1 Samuel 25:23: “At nang makita ni Abigail si David, ay nagmadali siya, at lumunsad sa kaniyang asno, at nagpatirapa sa harap ni David at yumukod sa lupa.”
Ang parirala na isinalin na “yumukod sa lupa” ay ang ating salita na shahah, proskyneō. Isa pa, nais kong itala na si Abigail ay tinawag si David na “Panginoon” nang 13 beses sa kabanatang iyon. Siya ay isang matalinong babae. Tinawag niya si Haring David na “Panginoon,” at sumamba siya.
Narito ang isang naninipa. Si Haring David ay sinamba kasama si YAHUWAH sa 1 Paralipomeno 29:20.
“At sinabi ni David sa buong kapisanan, Ngayo’y purihin ninyo si YAHUWAH ninyong Diyos. At ang buong kapisanan ay pumuri kay YAHUWAH, ang Diyos ng kanilang mga magulang, at iniyukod ang kanilang mga ulo, at sumamba kay YAHUWAH, at sa hari.”
Ang salitang Hebreo, וַיִּשְׁתַּחֲווּ ay ginagamit sa YAHUWAH at Haring David.
Pagkatapos, paano naman ang Awit 72, isang koronasyon na Awit para kay Haring Solomon? Sa Awit 72:11, sinasabi ng Mang-aawit kay Solomon, “Oo, lahat ng mga hari ay magsisiyukod sa harap niya: lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya.” Ang salitang Hebreo para sa “magsisiyukod” ay ang salitang שחה na isinalin bilang “pagsamba.”
Sinasalita ang tungkol sa bayan ng Israel, sinasabi ng Isaias 45:14, “Ganito ang sabi ni Yahuwah, Ang yari ng Egipto, at ang kalakal ng Etiopia, at ang mga Sabeo, sa mga taong matatangkad, ay magsisiparito sa iyo, at sila’y magiging iyo; sila’y magsisisunod sa iyo, sila’y magsisidaang may tanikala; at sila’y יִשְׁתַּחֲווּ mangagpapatirapa sa iyo, sila’y יִתְפַּלָּלוּ magsisipamanhik sa iyo, na mangagsasabi, ‘Tunay na si Yahuwah ay nasa iyo; at walang ibang Diyos.’”
Si Haring David ay sinamba kasama si YAHUWAH sa 1 Paralipomeno 29:20.
|
Mayroong daan-daang halimbawa ng mga tao na marapat na sinamba sa Lumang Tipan. Paano naman sa Bagong Tipan? Ang salitang Griyego na proskyneō ay limitado lamang sa pagsamba kay Yahuwah?
Ang kasagutan ay hindi.
Mateo 2:8 “Sila’y kanyang pinapunta sa Bethlehem at pinagbilinan ng ganito, ‘Pumunta kayo at hanapin ninyong mabuti ang sanggol. Kapag siya’y nakita na ninyo, balitaan ninyo ako, upang makapunta rin ako at sumamba sa kanya.’”
Mateo 8:2 “Lumapit sa kanya ang isang ketongin at lumuhod sa harapan niya, nakikiusap, ‘Panginoon, maaari mo po akong gawing malinis, kung nanaisin mo.’”
Mateo 9:18 “Habang sinasabi ni Yahushua ang mga ito sa kanila, dumating ang isang pinuno at nanikluhod sa kanya. ‘Kamamatay po lamang ng aking anak na babae, ngunit puntahan ninyo at ipatong ang inyong kamay sa kanya, at siya’y mabubuhay.’”
Mateo 18:25-26 “Sapagkat wala siyang maibayad, ipinag-utos ng kanyang panginoon na ipagbili siya, gayundin ang kanyang asawa at mga anak, at samsamin ang lahat ng kanyang ari-arian upang siya’y magbayad. 26 Kaya’t lumuhod ang alipin, at nakiusap, ‘Bigyan pa po ninyo ako ng palugit at makababayad din ako sa lahat ng utang ko sa inyo.’”
Sa Aklat ng Pahayag, ang mga mananampalataya kay Yahushua ay sinamba.
|
Sa Aklat ng Pahayag, ang mga mananampalataya kay Yahushua ay sinamba. Para sa Iglesya sa Filadelfia, sinabi ni Yahushua: Pahayag 3:8-9 “Alam ko ang mga gawa mo. Tingnan mo, naglagay ako sa harapan mo ng isang bukás na pinto, na walang sinumang makapagsasara nito. Maliit lang ang iyong kapangyarihan, gayon ma’y tinupad mo ang aking salita at hindi mo ikinaila ang aking pangalan. 9 Tingnan mo ang mga kabilang sa sinagoga ni Satanas na nagsasabing sila’y mga Judio ngunit hindi naman, at nagsisinungaling lamang—papupuntahin ko sila sa inyo at pasasambahin sa inyong paanan, at malalaman nilang ikaw ang aking minahal.”
FSV: “Papupuntahin ko sila sa inyo at pasasambahin sa inyong paanan.”
Ngunit hindi ba ang Lumang Tipan at si Yahushua ay sinasabi, “sambahin lamang si Yahuwah”?
Deuteronomio 8:19 (ikumpara sa Exodo 20:2-5): “Kung iyong kalilimutan si Yahuwah mong Diyos, at ikaw ay susunod sa ibang mga diyos, at iyong paglilingkuran sila, at iyong sasambahin sila ay aking pinatototohanan laban sa inyo sa araw na ito, na kayo’y tunay na malilipol.”
Yahushua: “…Sapagkat nasusulat, ‘Ang Panginoong Yahuwah ang iyong sasambahin at siya lamang ang iyong paglilingkuran.’” (Mateo 4:10)
Ang kautusang ito ay palaging nagaganap sa mga konteksto kung saan ang pagsamba sa ibang diyos bilang Yahuwah ay nasa tampulan. Ang punto ay tangi lamang sasambahin o pararangalan si Yahuwah bilang Diyos—wala nang iba.
Balintuna, upang sambahin si Yahushua, o ang Trinidad, bilang Diyos ay idolatrya. Sinabi ni Yahuwah na sambahin ang walang iba kundi Siya bilang Diyos. Ilang katauhan ang nasa panghalip na “siya”? Kung ang Trinidad ay hindi Diyos, at ika’y sumasamba sa Trinidad bilang Diyos, ikaw magpapasya – ikaw ba’y gumagawa ng idolatrya?
Mayroong isang naiibang salitang Griyego na isinalin bilang sambahin o paglingkuran, λατρεύω latreuo, na para lamang kay Yahuwah sa Bagong Tipan. Ito’y hindi inangkop kay Yahushua. Ito ay ang salita na ginamit ni Yahushua noong sinabi niya tungkol kay Yahuwah na “siya lamang ang iyong paglilingkuran” (Mateo 4:10). Muli, ito ay nasa konteksto ng paglilingkod kay Yahuwah bilang Diyos, at wala nang iba.
Upang sambahin ang isang maestro, isang panginoon, o ang hari ay hindi nilalabag ang kautusang ito dahil ang mga ito’y hindi sinasamba bilang Diyos.
|
Upang sambahin ang isang maestro, isang panginoon, o ang hari ay hindi nilalabag ang kautusang ito dahil ang mga ito’y hindi sinasamba bilang Diyos. Ang dahilan na ako’y yuyuko sa harap ng sinuman ay gumagawa ng lahat ng pagkakaiba. Kung ako’y yuyuko sa harap, oo, sinasamba ang hari dahil siya ay hari, hindi ko nilalabag ang kautusan na sambahin lamang si Yahuwah bilang Diyos.
Si Yahushua ay pinarangalan at sinamba, hindi bilang si Yahuwah, na sisira sa kautusan, kundi bilang isa na itinalaga ni Yahuwah bilang Hari at Saserdoteng Mesias. Si Yahushua ay pinarangalan at sinamba bilang isa na namatay para sa atin at isa na pinagkalooban ng lahat ng awtoridad sa langit at lupa.
Ang paradaym ng parangalan o pagsamba na ibinigay sa Mesias ni Yahuwah ay malinaw mula sa mga berso katulad ng 1 Paralipomeno 29:20 (kay Yahuwah at David) at Awit 72:11 (kay Solomon). Pinararangalan natin si Yahuwah sa pagpaparangal sa Anak ni Yahuwah, itinalagang Hari ni Yahuwah (1 Samuel 25:24-25, 30 at Filipos 2:9). Kung ang mga tao ay sinamba ang mga itinalagang hari ni Yahuwah, sina David at Solomon, lalo na, ang mas kahanga-hanga na Anak ni David (Awit 110:1) na “umiibig at nagpalaya sa atin mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang dugo, at ginawa tayong isang kaharian, mga pari para sa kanyang Diyos at Ama.”
Ang tao na si Yahushua ay hindi lamang pinarangalan at sinamba bilang Panginoong Mesias bago ang kanyang kamatayan at muling pagkabuhay, kundi dahil pangunahin sa itinaas na posisyon na ibinigay ni Yahuwah Ama sa bumangon, itinaas na si Yahushua. Filipos 2:9-11: Kaya naman siya’y lubusang itinaas ni Yahuwah, at ginawaran ng pangalang higit na mataas kaysa lahat ng pangalan; upang sa pangalan ni Yahushua ang bawat tuhod ay lumuhod, ang mga nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa, at ipahayag ng bawat bibig na si Kristo Yahushua ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ni Yahuwah Ama.
Lahat ng sangkatauhan ay luluhod at ipapahayag na ang taong Yahushua ay ang Panginoon (hindi Yahuwah), para sa karangalan ni Yahuwah ang Ama (ang nag-iisang Diyos).
Tinatanggihan Ang Pagiging Tao Ni Yahushua
Upang sabihin na kung si Yahushua ay sinamba, dapat siya si Yahuwah ay para tanggihan na si Yahushua ay isang tao. Ito ay ang espiritu ng anti-Kristo.
Tayo ba’y yuyuko sa harap ng taong Mesias ni Yahuwah, Hari, o tayo’y ikinakahiya ang taong Mesias ni Yahuwah?
|
Tayo ba’y yuyuko sa harap ng taong Mesias ni Yahuwah, Hari, o tayo’y ikinakahiya ang taong Mesias ni Yahuwah? Tatanggi ba tayo na yumuko sa itinalagang taong Hari ni Yahuwah, sinasabi sa ating puso, “Hindi Yahuwah, hindi namin tinatanggap ang taong Mesias na ito, ang taong ito na si Yahushua ng Nazaret. Kailangan mong magbigay ng isang naiibang Mesias. Yahuwah, namatay ka”?
Kung ano ang inaangkin ng mga Trinitaryan ay tama, na “tanging si Yahuwah ang maaaring sambahin,” at si Yahushua ay sinamba, pagkatapos si Yahushua ay hindi isang tao.
Sinamba si Yahushua, kaya ayon sa angkin ng Pagkadiyos ni Kristo, siya’y hindi maaari na isang tao. Hindi maaari na siya’y isang tao, hindi rin ang basal na “kalikasan ng tao.” Kung ang isang tao ay hindi dapat sambahin, mismo, ang hindi personal na kalikasan ng tao ay hindi marapat na sambahin. Ang angkin ng Pagkadiyos ni Kristo ay tinatanggihan na si Yahushua ang Mesias, dumating bilang katawan at si Yahushua, ang Mesias ay katawan sapagkat hindi isang tao at hindi rin basal na katawan ng tao na karapat-dapat ng pagsamba.
Sinabi sa isa pang paraan, kung inaangkin mo na walang sinuman ang yuyuko o sasamba ng isang tao, sinasabi mo na si Yahushua ay hindi isang tao.
Gaano man nais ng mga Trinitaryan na igiit na si Yahushua ay ganap na tao at ganap na Diyos, ang angkin na ito na si “Yahushua ay dapat na si Yahuwah dahil siya ay sinamba” ay tinatanggihan ang pagiging tao ni Yahushua.
Simple lamang. Kung ang mga Trinitaryan ay sinasabi nila na hindi maaari at hindi yuyuko sa isang tao, sila’y tinatanggihan ang pagiging tao ni Yahushua. Muli, ang mga mananampalataya ng Pagkadiyos ni Kristo ay nagsasalita mula sa parehong panig ng kanilang mga bibig. Nais nilang sabihin na si Yahushua ay “ganap na tao,” ngunit sila’y lumingon at sinasabi sa iyo na hindi ka maaaring yumuko at sambahin ang isang tao. Gumawa sa iyong kaisipan. Si Yahushua ba ay ganap na tao? Kung siya nga, ikaw ay sumasamba sa isang tao.
Hindi Isang Biblikal Na Angkin, Kundi Sa Halip Ay Isang Angkin Ng Tradisyon
Wala kay Yahushua o sa anumang manunulat ng Bagong Tipan ang gumagawa ng “argumento” na ito, nagsasabi, “Yahushua ay dapat na si Yahuwah dahil siya ay sinamba.”
|
Dapat na bigyang-diin na ang angkin na ito, si “Yahushua ay dapat na si Yahuwah dahil siya ay sinamba,” ay isa lamang hinuha. Ang ideyang ito ay hindi isang angkin na ginagawa ng Bibliya kay Yahushua. Wala kay Yahushua o sa anumang manunulat ng Bagong Tipan ang gumagawa ng “argumento” na ito, nagsasabi, “Yahushua ay dapat na si Yahuwah dahil siya ay sinamba.” Ito ay isang angkin mula nang matapos ang panahon ng Bagong Tipan ay ginawa ng mga huling komentarista. Ito ay isang angkin batay sa isang huwad na pilosopikong saligan at kalabuan ng wika. Ang angkin ay ito: “Ang pagsamba kay Yahushua ay sinisira ang aking huwad na hindi biblikal na teolohikong saligan.”
Ano naman ang tungkol sa dalawang pagkakataon sa Aklat ng Pahayag na si Juan ay sumamba sa harap ng kanyang gabay na anghel, at sinasabi ng anghel, “Huwag mong gawin iyan! Ako ay kapwa mo lingkod”? Kung si Juan ang Tagapagpahayag ay naiisip gaya ng mga modernong Trinitaryan, dapat niyang naiisip na ang anghel na gumabay sa kanya ay si Yahuwah sapagkat “tanging si Yahuwah ang maaaring sambahin.” Ang patotoo ay si Juan ang Tagapagpahayag ay sumamba upang igalang ang anghel.
Ngunit ang anghel ay sinasabi kay Juan na ngayon, sapagkat ang itinaas na tao na si Yahushua ay nasa kanang kamay ni Yahuwah, ang awtoridad ay muling naayos. Si Yahushua, isang tao at bilang kinatawan ng sangkatauhan, ay mayroong kapangyarihan sa lahat ng mga anghel. “Hayaan ang lahat ng mga anghel ni Yahuwah ay sumamba (yumuko) sa harap niya.”
Isang Mas Mabuting Landas
Kaya naririto ang isang mas mabuting biblikal na pagkakaunawa ng pagsamba:
Mayroon lamang isang Diyos, יהוה, Yahuwah, Ang Ama.
Sinasamba natin si Yahuwah bilang Diyos. Sinasamba natin ang walang iba bilang Diyos kundi si Yahuwah lamang, Ang Ama.
Sinasamba natin si Yahushua bilang Mesias na nag-alay ng kanyang buhay para sa atin at ang isa na binigyan ni Yahuwah ng lahat ng awtoridad sa langit at sa lupa, hindi lamang sa panahong ito, kundi rin sa panahon na darating.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Bill Schlegel.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC