Ang Buwan ay Maysakit at Iba Pang Tunggak na Palagay
Sinuman ay maaaring lumikha ng kalendaryo. Sa lahat ng panahon, maraming nakagawa sa iba’t ibang antas ng katumpakan. Ang kalendaryo ay isang lamang pamamaraan ng pagsukat ng panahon. Sapagkat ang pagdaan ng panahon ay sinukat lamang ng paggalaw, lahat ng mga kalendaryo ay batay sa mga natantong paggalaw ng araw, buwan at mga bituin na nakikita mula sa daigdig.
Ang Kristyano, sa kamangmangan, ay ginamit ang isang pagano/kapapahang kalendaryong solar sa loob ng mahigit 1,500 taon. Sa awa, ang Langit ay itinaas at pinarami ang liwanag sa paksa ng kalkulasyon, nagpapakita na si Yahuwah ay mayroong kalendaryo na ginagamit ang pinagsamang galaw ng araw at buwan. Sapagkat ang mga matatapat na tao ay lumingon sa mga ekstra-Biblikal na literatura para sa patotoo, iba’t ibang teorya ang lumitaw kung paano gumagana ang tunay na Biblikal na kalendaryo. Isang iminungkahing kalendaryo, isang patnyarka/makapari na kalendaryo, ay ginagamit ang mga aklat nina Enoch, Jasher, at Jubilee upang bumuo ng isang kalendaryo na isinama ang pagkakaiba ng panahon sa pagitan ng mga taong lunar at solar sa bawat isang taon, sa halip na bawat dalawa hanggang tatlong taon, gaya sa kalendaryong luni-solar ng Paglikha.
Naniniwala ang WLC na ang kalendaryo ni Yahuwah ay dapat batay sa ebidensyang nakapaloob sa Kasulatan, sa halip na iba, ekstra-Biblikal na mga pinagkukunang ito. Simple lang ang dahilan: Ang Banal na Kasulatan, isinulat sa kanilang mga orihinal na glyph (mga katangian), ay makukuha. Sa kabilang dako, ang mga teksto nina Enoch, Jasher, at Jubilee na isinulat sa mga orihinal na glyph ay hindi makukuha. Iba’t ibang retaso ang natagpuan sa mga Dead Sea Scrolls at iba pang lugar ay pinatunay lamang ang pag-iral ng mga aklat na ito. Sila’y hindi nagbibigay ng kumpletong manuskrito, hindi pinasama ng napakaraming taon ng pagkakasipi at maramihang pagsasalin.
Noong nilito ni Yahuwah ang mga wika ng mundo sa Babel, naglikha Siya ng isang espesyal na wika para sa mga magiging depositaryo ng Kanyang kautusan. Ang sinaunang Hebreo, hindi tulad sa karamihan sa mga modernong wika, ay isang wika ng mga pandiwa, hindi mga pangngalan. Ang pangngalan ay nagbibigay ng katawagan sa mga bagay: kabayo, mansanas, bata.
Ang mga pandiwa, sa kabilang dako, ay inilalarawan kung ano ang ginagawa ng mga pangngalan (matulog, lumaki, tumakbo) o pagiging (nga, ay, naging, maging).
Habang sumusulong ang teknolohiya, ang mga pangngalan ay idinagdag sa mga wika sa lahat ng panahon. Ang sinaunang Hebreo, sa kabilang dako, ay gumamit ng mga pariralang pandiwa upang pangalanan ang mga bagay. Ang resulta ay isang lubhang naglalarawang wika – at isa na talagang imposibleng pasamain dahil ang pagkilos at mga estado ay nananatiling pareho. “Upang maglakad” ay patuloy na paglakad. “Para umawit” ay patuloy na pag-awit. Ang mga wika na batay sa mga pangngalan ay palaging pinapasama sa lahat ng panahon.
Maraming tao ang nanindigan na imposible na malaman, kung alinman, sa maraming pagsasalin ng Bibliya ang tama. Sa kasalukuyan, mayroong mahigit 40 pagsasalin at pakahuluganan sa Ingles lamang. Gayunman, sa tulong ng mga kompyuter at internet, posible na makuha ang lubos na tumpak na mga pagsasalin ng Lumang Tipan. Ang mga websites gaya ng mechon-mamre.org ay nagbibigay ng mga teksto ng Kasulatan na nakasulat sa mga orihinal na glyph. Sa paggamit ng mga kompyuter, ang isang salita na ginamit nang 400 beses sa Lumang Tipan ay maaaring siyasatin sa konteksto upang tiyakin na ang kahulugan ay eksakto.
Iningatan ni Yahuwah ang tatlong saksi na nagpapatibay ng kalendaryo ng Paglikha na isang kalendaryong luni-solar na binubuo ng 12 lunasyon na may ika-13 lunasyon na isinama sa bawat dalawa hanggang tatlong taon. Ang mga ito ay: 1) ang pag-iral ng mga orihinal na glyph; 2) ang katumpakan ng agham ng astronomya; at 3) ang naisulat na talaan ng kasaysayan.
Ang mga ekstra-Biblikal na mga aklat nina Enoch, Jasher, at Jubilee ay naglalaman ng maraming impormasyon na kawili-wili, mahalaga, at nakapagtuturo. Gayunman, sila’y nagkukulang ng tatlong saksi na nagtatatag ng kalendaryo ng Paglikha. Ang isang bukas na kaisipan ay dapat na panatilihin kapag nagbabasa ng anumang ekstra-Biblikal na pinagkukunan. Ang Banal na Kasulatan ay ang nag-iisang batayan, ibinigay sa mga taong lingkod, kung saan ito ang hahatol sa lahat ng ibang isinulat. “Ang lahat ng mga kasulatan ay ihininga ni Yahuwah at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, pagtutuwid, at pagsasanay sa katuwiran, upang ang lingkod ni Yahuwah ay maging karapat-dapat at lubusang maihanda sa lahat ng mabubuting gawa.” (Tingnan ang 2 Timoteo 3:16, 17.)
Kapag nagbabasa ng Enoch, Jasher, at Jubilee, ang naghahangad ng katotohanan ay dapat kunin kung ano ang mabuti at iwanan ang nalalabi. Sila’y hindi dapat gamitin bilang tiyak na mga awtoridad kung paano kalkulahin ang kalendaryo. Upang lumikha ng isang “patnyarka/makapari” na kalendaryo mula sa mga ekstra-Biblikal na pinagkukunang ito, ang mga tiyak na hindi mapatunayang pagpapalagay ay dapat na gawin. Ang mga sumusunod ay kakaunti lamang sa marami:
Unang Palagay
Isang website ang nagtataguyod na isang kalendaryo ay inakalang batay sa aklat nina Enoch, Jasher, at Jubilee, inaangkin na ang buwan ay “maysakit” mula noong panahon ni Ezechias at hindi na gumagana nang may katumpakan. Walang ebidensya na nagtataguyod ng angkin na ito. Ito ay, at maaari lamang, isang pagpapalagay. Ito’y ganap na hindi naaayon sa ipinakitang katangian ni Yahuwah na nangangailangan ng pagsamba sa isang tiyak na panahon at pagkatapos ay sisirain ang Kanyang sariling pamamaraan ng pagpapanatili ng oras o baguhin ito sa ganoong paraan dahil hindi na maaaring pagkatiwalaan.
Pinabulaanan ng Kasulatan ang pagpapalagay na ang buwan ay “maysakit” at walang kakayahan ng pagtatala ng oras. Halos 3,000 taon matapos ang Paglikha, isinulat ni David, sa kanyang awit ang tungkol kay Yahuwah bilang Manlilikha: “Kaniyang itinakda ang buwan sa mga panahon: nalalaman ng araw ang kaniyang paglubog.” (Awit 104:19, ADB) Ang salitang “itinakda” ay nagmula sa âsâh (#6213) at nangangahulugan na “gumawa o lumikha, sa pinakamalawak na diwa at pinakamahabang paggamit.”1 Ang salitang “panahon” ay nagmula sa Hebreong salita na mô’êd (#4150). Ibig sabihin nito ay:
-Isang tipanan, iyon ay isang matibay na panahon o kapanahunan; lalo na ang isang pagdiriwang . . . sa pagpapahiwatig, isang pagpupulong (itinipon para sa isang tiyak na layunin); sa teknikal ay ang kongregasyon, isang lugar ng pagpupulong . . .2
Ang salita ay naging malapit na nauugnay sa lahat ng mga pagtitipon para sa pagsamba kay Yahuwah. Ang Levitico 23, na nagbalangkas ng mga taunang kapistahan ni Yahuwah, ay tinutukoy ang mga kapistahan ng kaparehong salita na ito. Ang Awit 104:19 ay malinaw na ipinahayag na nilikha ni Yahuwah ang buwan para sa isang tiyak na layunin: ang gawa ng pagtatakda ng mga panahong itinalaga para sa pagsamba.
Ang kaisipang ito ay inulit sa Awit 89, na isang awit na nagtatanghal sa katapatan ni Yahuwah. Ang awit ay nagbubukas sa mga salitang banal na nakapupukaw: “Aking aawitin ang kagandahang-loob ni Yahuwah magpakailan man: aking ipababatid ng aking bibig ang Iyong pagtatapat sa lahat ng sali’t saling lahi. Sapagka’t aking sinabi, ‘Kaawaan ay matatayo magpakailan man: ang pagtatapat Mo’y Iyong itatatag sa mga kalangitlangitan.’” (Awit 89:1 at 2)
Ang buwan ay walang “sakit”! Sa halip, ito’y mahuhulaang paggalaw na ginamit sa pamamagitan ng pagkapukaw bilang isang halimbawa kung paano maaasahan at mapananaligan ang salita ng Makapangyarihan!
Ang tipan ko’y hindi ko sisirain,
Ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking mga labi.
Minsan ay sumampa ako sa pamamagitan ng aking kabanalan.
Hindi ako magbubulaan kay David;
Ang kaniyang binhi ay mananatili magpakailan man;
At ang kaniyang luklukan ay parang araw sa harap ko.
Matatatag magpakailan man na parang buwan,
At tapat na saksi sa langit. Selah. (Awit 89:34-37, ADB)
Ang napakagandang siping ito ay ikinumpara ang hindi nabibigong katapatan ng mga pangako ni Yahuwah sa sigurado at mahuhulaang mga paggalaw ng buwan, tumungo nang napakalayo nang tawagin ang buwan na “tapat na saksi sa langit” ni YAH. Ang tiyak na salita ni Yahuwah ay walang iniiwang silid para sa buwan na “maysakit” at hindi mapagkakatiwalaan para sa katuparan ng paggalaw nito upang mamahala ng panahon at mga pagtitipon para sa pagsamba.
Ikalawang Palagay
Ipinalagay na ang Kasulatan ay walang nilalamang talaan ng ika-13 buwan na idinagdag na nagpapatugma ng maiksing taong lunar sa mahabang taong solar sa bawat dalawa hanggang tatlong taon. Gayunman, ito ay hindi tama. Isang ika-13, idinagdag na buwan ang maaaring matagpuan sa aklat ni Ezekiel kung saan ang propeta ay sinabi na isadula ang isang talinghaga ng paglusob sa Jerusalem. Sinabihan siya na manatili sa kanyang kaliwa sa loob ng 390 araw at, noong natapos na niya, ay lumipat sa kanan sa loob ng 40 araw para sa kabuuan na 430 araw. Dahil ang mga petsa ay ibinigay noong natanggap niya ang mga tagubilin at noong natapos na niya, malinaw na sinunod niya ang mga tagubilin ni Yahuwah sa panahon ng isang embolismikong taon o hindi siya makakauwi sa kanyang tahanan gaya ng naitala sa Ezekiel 8:1. (Para sa dagdag na impormasyon, basahin ang Isang Ika-13 Buwan?? Ang Banal na Katiyakan ng Kalendaryong Luni-Solar.)
Ikatlong Palagay
Ang pagpapalagay ay ginawa na ang panahon ay “maghihilom” sa walang hanggan dahil ipinahayag ng Pahayag 21 na ang araw at buwan ay hindi na kailangan. Ang pagpapalagay na ito ay gumagawa ng isang maling paggamit ng anong naitala ng Pahayag. Sinabi ng Pahayag 21:23 at 24: “Hindi na kailangan pa ng lungsod ang araw o buwan upang tumanglaw doon, sapagkat ang kaluwalhatian ni Yahuwah ang liwanag nito, at ang Kordero ang ilaw nito. Sa pamamagitan ng liwanag nito ay lalakad ang mga bansa, at ang mga hari sa daigdig ay magdadala ng kanilang kaluwalhatian sa lungsod.”
Ipinahayag ng Kasulatan na sa Bagong Lupa, ang kaluwalhatian ni Yahuwah ay magbabaha sa lupa ng mga sinag ng walang tigil na kaluwalhatian, ginagawa ang araw at buwan na hindi kailangan bilang isang pinagkukunan ng liwanag. Gayunman, hindi nito ibig sabihin na sila’y titigil sa pag-iral sa kanilang mga papel na itinakda ng Langit bilang mga tagapanatili ng oras. Nahulaan ng Isaias 66:22 at 23: “Sapagka’t kung paanong ang mga bagong langit at ang bagong lupa, na aking lilikhain ay mananatili sa harap ko, sabi ni Yahuwah, gayon mananatili ang inyong lahi, at ang inyong pangalan. At mangyayari, na mula sa Bagong Buwan hanggang sa panibago, at mula sa isang Sabbath hanggang sa panibago, paroroon ang lahat na tao upang sumamba sa harap Ko, sabi ni Yahuwah.”
Ikaapat na Palagay
Upang “patunayan” na ang patnyarka/makapari na kalendaryo, ang angkin ay ginawa na si Yahushua ay nagpanatili ng isang naiibang kalendaryo mula sa pinanatili ng pangunahing kaparian ng kanyang panahon. Ang pagpapalagay na ito ay madaling pinatotoo na mali ng katunayan na noong tinanong ni Yahushua, “Sino sa inyo ang makasusumbat sa akin ng kasalanan?” (Juan 8:46, FSV), hindi sila makasagot. Maging si Pilato, sa paglilitis kay Yahushua, ay ipinahayag, “Wala akong makitang kasalanan ng taong ito.” (Lucas 23:4, FSV)
Ang paboritong paratang ng mga Hudyo ay ang pagsira sa Sabbath. Kung tunay ngang pinanatili ni Yahushua ang Sabbath sa isang naiibang araw sa kanila, ang mga kaparian at Levites ay tiyak na tatangkain na patayin si Yahushua sa mga kalapitang iyon.
Ikalimang Palagay
Inangkin na pinanatili ni Yahushua ang Paskua nang isang araw na maaga alinsunod sa kalendaryong Essene. Ito ay mali. Lahat ng mga sanggunian ng Kasulatan sa huling hapunan ay ipinapakita na ito ay hindi Paskua dahil si Yahushua at ang mga alagad niya ay gumamit ng tinapay na may pampaalsa sa halip na tinapay na wala nito.
Upang pag-isipan ang isang patnyarka/makapari na kalendaryo batay sa mga aklat nina Enoch, Jasher, at Jubilee, ang malinaw na ebidensya ng Kasulatan ay dapat na isantabi. Dagdag pa, ang makasaysayang talaan ay dapat rin balewalain.
Ang Banal na Kasulatan lamang ang natatanging mapagkakatiwalaang batayan para sa pagtatatag ng doktrina. Ang kalendaryo na kinakalkula ang mga banal na araw ng sinuman ay hindi dapat batay sa mga pagpapalagay at may depektong konklusyon. Nagpapatuloy ang WLC sa pagtataguyod ng kalendaryong luni-solar ng Paglikha bilang tanging pamamaraan ng pagsukat ng panahon na itinalaga ng Langit.
1 Hebrew-Greek Key Word Study Bible, Hebrew and Chaldee Dictionary, p. 92.
2 Ibid., p. 63.