Habang ang liwanag ay nagpapatuloy sa pagsulong sa itinalagang paraan ng pagpapanatili ng panahon ng Manlilikha, ang kalendaryong luni-solar, ganon din ang oposisyon sa patotoong ito. Habang ang isang pagsalungat ay nasagot, isa pa ang ipapakilala sa kinalalagyan nito.
Isang pagsalungat, partikular, na madalas inaalok ng mga hindi matapat na kinuha ang panahon upang lubusang pag-aralan ang pinakamahalagang paksa na ito ay ang Biblikal na salaysay ng mana. Ang ilan ay ginagamit ang katahimikan ng Kasulatan tungkol sa kung paano ang mana ay nauugnay sa mga Araw ng Bagong Buwan at Ika-30 araw ng buwan bilang isang “patotoo” na ang Lunar Sabbath ay hindi maka-Kasulatan.
Ang pagsalungat ay tumutungo gaya nito:
“Ipinapahayag ng Exodo 16 na ang mana ay bumagsak lamang sa anim na araw ng paggawa, ngunit hindi sa Ikapitong Araw ng Sabbath. Walang nabanggit na mana na nauugnay sa Araw ng Bagong Buwan o sa ika-30 araw ng buwan. Dahil dito, ang mga Israelita ay dapat na sinisiyasat ang mga sanlinggong patuloy na umiikot, gaya ng ginagawa natin ngayon.”
Habang totoo na ang Exodo 16 ay hindi nagbibigay ng mga detalye kung paano ang mana ay nauugnay sa Araw ng Bagong Buwan o ika-30 araw ng buwan1, ang Kasulatan ay hindi nananahimik sa bagay na ito. Ipinalagay ng marami na ang mga anak ng Israel ay kumain lamang ng mana sa loob ng 40 taon. Ito, gayunman, ay hindi totoo.
Sa Exodo 12:30-32, mababasa natin:
“At si Faraon ay bumangon sa kinagabihan, siya at lahat ng kaniyang mga lingkod, at lahat ng mga taga-Egipto, at nagkaroon ng isang malakas na hiyawan sa Egipto; sapagka’t walang bahay na di mayroong isang patay. At kaniyang tinawag si Moises at si Aaron sa kinagabihan, at sinabi, ‘Kayo’y bumangon, umalis kayo sa gitna ng aking bayan kayo at sangpu ng mga anak ni Israel; at kayo’y yumaong maglingkod kay Yahuwah, gaya ng inyong sinabi. Dalhin ninyo kapuwa ang inyong mga kawan at ang inyong mga bakahan, gaya ng inyong sinabi, at kayo’y yumaon: at pagpalain din naman ninyo ako.’” (Tingnan ang Exodo 12:30-32.)
Noong ang Faraon ay tuluyang sumang-ayon na hayaan ang Israel na maging malaya, ipinadala sa kanila ang lahat ng kanilang mga kawan at bakahan. Habang hindi natin malaman nang may katiyakan ang eksaktong bilang ng mga hayop na isinama ng mga anak ng Israel, maaari natin ipalagay nang matiwasay na ang bilang ay hindi bababa sa daan-daang libo dahil mayroong 600,000 kalalakihan, bukod sa mga kababaihan at mga bata, na nilisan ang Egipto sa exodo (Exodo 12:37). Ang exodo ay hindi isang munting samahan! Ang anak ng Israel ay pinagpala ni Yahuwah nang lubos sa panahon ng kanilang pananatili sa Egipto.
Ang mga nakalistang paghahandog sa unang tatlong kabanata ng Levitico ay nagpapatotoo sa kasaganaan ng mga hayop ang Israel2. Halimbawa:
“Salitain mo sa mga anak ni Israel at sabihin mo sa kanila, Pagka ang sinoman sa inyo ay naghahandog ng alay kay Yahuwah, ang ihahandog ninyong alay ay galing sa mga hayop, sa mga bakahan at sa kawan. Kung ang kaniyang alay ay handog na susunugin na kinuha sa bakahan, ang ihahandog niya’y isang lalake na walang kapintasan: sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ihahandog niya, upang tanggapin sa harap ni Yahuwah.” (Tingnan ang Levitico 1:2-3.3)
Bilang karagdagan na magawang kainin ang karneng ibinigay ng kanilang inalagaang hayop, ang mga anak ng Israel ay mayroong langis at harina kung saan ihahanda sa hapag-kainan. Ito ay nakita sa mga pagtuturo ni Yahuwah para sa konsagrasyon ng kaparian:
“At ito ang bagay na iyong gagawin sa kanila na ibukod sila, upang sila’y mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote: kumuha ka ng isang guyang toro at ng dalawang lalaking tupang walang kapintasan. At tinapay na walang lebadura, at mga munting tinapay na walang lebadura na hinaluan ng langis, at mga manipis na tinapay na walang lebadura na pinahiran ng langis: na gagawin mo sa mainam na harina ng trigo. At iyong isisilid sa isang bakol, at dadalhin mo na nasa bakol, sangpu ng toro at ng dalawang tupang lalake. At si Aaron at ang kaniyang mga anak ay iyong dadalhin sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at iyong huhugasan sila ng tubig.” (Exodo 29:1-4, ADB)
Ang katunayan na ang Israel ay pinagpala ng langis ng olibo at harina sa panahon ng kanilang pananatili sa ilang ay maaari ding makita sa kautusan ni Yahuwah tungkol sa mga ilawan ng tolda at ang handog na tinapay ay mananatili sa harapan Niya.
At sinalita ni Yahuwah kay Moises, na sinasabi, “Iutos mo sa mga anak ni Israel na dalhan ka ng langis na dalisay na oliva, na hinalo para sa ilawan, upang laging papagliyabin ang ilawan. . . . At kukuha ka ng mainam na harina, at magluluto ka niyan ng labing dalawang munting tinapay: tigdadalawang ikasampung bahagi ng isang epa ang bawa’t munting tinapay. At ilalagay mong dalawang hanay, anim sa bawa’t hanay, sa ibabaw ng dulang na dalisay sa harap ni Yahuwah. . . . At magiging kay Aaron at sa kaniyang mga anak; at kanilang kakanin sa dakong banal: sapagka’t kabanalbanalang bagay sa kaniya sa mga handog kay Yahuwah na pinaraan sa apoy sa pamamagitan ng palatuntunang walang hanggan.” (Tingnan ang Levitico 24:1-9.)
Hindi lamang ang Israel ay pinagpala ng kasaganaan ng mga hayop, langis, at harina na ihahanda sa hapag-kainan, kundi sila rin ay pinahintulutan na bumili at mangalakal kung kinakailangan sa iba’t ibang bayan na niloob na dumating tungo sa kanila. Ito ay malinaw na nakita sa kautusan ni Yahuwah kay Moises noong ang mga anak ng Israel ay naghahanda upang dumaan sa pamamagitan ng Seir sa lupain ni Esau.
At si Yahuwah ay nagsalita sa akin, na sinasabi, “Malaon na ninyong naligid ang bundok na ito: lumiko kayo sa dakong hilagaan. At iutos mo sa bayan, na iyong sabihin, Kayo’y dadaan sa hangganan ng inyong mga kapatid na mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir; at sila’y matatakot sa inyo. Magsipagingat nga kayong mabuti: Huwag kayong makipagkaalit sa kanila; sapagka’t hindi ko ibibigay sa inyo ang kanilang lupain, kahit ang natutungtungan ng talampakan ng isang paa: sapagka’t ibinigay ko kay Esau, na pinakaari ang bundok ng Seir. Kayo’y bibili sa kanila ng pagkain sa pamamagitan ng salapi, upang kayo’y makakain; at kayo’y bibili rin sa kanila ng tubig sa pamamagitan ng salapi, upang kayo’y makainom. Sapagka’t pinagpala ka ni Yahuwah mong Elohim, sa lahat ng gawa ng iyong kamay; kaniyang natalastas ang iyong paglalakbay dito sa malawak na ilang; sa loob nitong apat na pung taon ay sumaiyo si Yahuwah mong Elohim; ikaw ay di kinulang ng anoman.” (Tingnan ang Deuteronomio 2:2-7.)
Marami ay kinuha nang mali ang hinaing ng Israel tungkol sa mana sa Mga Bilang 11 upang mangahulugan na pinahintulutan lamang sila na kumain ng mana.
“At ang halohalong karamihan na nasa gitna nila ay nahulog sa kasakiman: at ang mga anak ni Israel naman ay muling umiyak at nagsabi, ‘Sino ang magbibigay sa atin ng karneng makakain? Ating naaalaala ang isda, na ating kinakain sa Egipto na walang bayad; ang mga pipino, at ang mga milon, at ang mga puero, at ang mga sibuyas, at ang bawang: Nguni’t ngayo’y ang ating kaluluwa ay natutuyo; walang kaanoanoman: sa ating harapan ay walang anoman kundi ang manang ito.’” (Mga Bilang 11:4-6, ADB)
Dumadaing ang Israel na “sa ating harapan ay walang anoman kundi ang manang ito” ay malinaw na isang pagmamalabis at isang salamin ng kanilang pagnanasa para sa sobra-sobrang karne ng hayop at mga luho na marami sa kanila ay tinangkilik sa Egipto. Dapat nating tandaan, rito, na maraming taga-Egipto ang sumama sa Israel sa panahon ng kanilang exodo mula sa lupain ng Egipto.
“At ang angkan ni Israel ay naglakbay mula sa Rameses hanggang sa Succoth, na may anim na raang libong lalake na naglakad, bukod pa ang mga bata. At isang karamihang samasama ang sumampa rin namang kasabay nila; at mga kawan, at mga bakahan, na napakaraming hayop.” (Exodo 12:37-38, ADB)
Hindi lamang ang Israel ay pinagpala ng kasaganaan ng mga hayop, langis, at harina na ihahanda sa hapag-kainan, kundi sila rin ay pinahintulutan na bumili at mangalakal kung kinakailangan sa iba’t ibang bayan na niloob na dumating tungo sa kanila. |
Marahil ang mga taga-Egipto na sumama sa Israel na gumagawa ng karamihan sa mga hinaing rito, matigas ang ulo na dumadaing para sa kanilang dating pangunahing pagkain.
Ang mana ay malinaw na hindi lamang ang pagkain na makukuha ng Israel sa panahon ng kanilang pananatili sa ilang. Ito ay dagdag na patotoo na ang mana ay hindi pa ibinibigay hanggang sa ikalawang buwan ng Israel sa ilang.
At sila’y naglakbay mula sa Elim, at ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay dumating sa ilang ng Sin, na nasa pagitan ng Elim at Sinai, nang ikalabing limang araw ng ikalawang buwan, pagkatapos na sila’y makaalis sa lupain ng Egipto. . . . At si Yahuwah ay nagsalita kay Moises, na sinasabi, “Aking narinig ang mga pagupasala ng mga anak ni Israel: salitain mo sa kanila, na iyong sasabihin, ‘Sa kinahapunan ay kakain kayo ng karne, at sa kinaumagahan, ay magpapakabusog kayo ng tinapay; at inyong makikilala na ako si Yahuwah ninyong Elohim.’” (Tingnan ang Exodo 16:1, 11-12.)
Ano ang kinakain ng mga anak ng Israel sa panahon ng kanilang unang buwan sa ilang? Sila’y kumakain mula sa kanilang kasaganaan ng mga hayop, at mula sa mga panustos na nakuha noong nilooban ang mga taga-Egipto.
Ano, pagkatapos, ang punto ng mana kung hindi ipapakain sa Israel? Ang pangunahing layunin ng mana ay upang ituro sa Israel ang mga mekanika ng makalangit na kalendaryo ni Yahuwah, na itinatag at itinalaga sa Paglikha.
“At sinabi ng Elohim, ‘Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon.’” (Genesis 1:14, ADB)
Ang layunin ng mana ay upang gawing malinaw kung paano ang mga Araw ng Sabbath ay binibilang. Malamang ang mana ay tumapat lamang sa anim na araw ng paggawa na nauna sa bawat Ikapitong Araw ng Sabbath. Isinasailalim ni Yahuwah sa pagsusulit ang Kanyang bayan upang makita kung sila’y tumatalima sa Kanyang Kautusan. |
Marahil ang mana ay hindi tumapat sa mga Araw ng Bagong Buwan o sa ika-30 araw ng buwan dahil ito ay hindi karaniwang mahalaga. Ang mga anak ng Israel ay pinagpala ng isang kasaganaan ng pinagkukunan, at napakaraming kakainin, maliban sa makalangit na mana. Ipinapaliwanag nito kung bakit ang pagluluto ay hindi ipinagbabawal sa mga araw na ito. Ang layunin ng mana ay upang gawing malinaw kung paano ang mga Araw ng Sabbath ay binibilang. Malamang ang mana ay tumapat lamang sa anim na araw ng paggawa na nauna sa bawat Ikapitong Araw ng Sabbath. Isinasailalim ni Yahuwah sa pagsusulit ang Kanyang bayan upang makita kung sila’y tumatalima sa Kanyang Kautusan.
Nang magkagayo’y sinabi ni Yahuwah kay Moises, “Narito, kayo’y aking pauulanan ng pagkain mula sa langit; at lalabasin at pupulutin ng bayan araw-araw ang bahagi sa bawa't araw; upang aking masubok sila, kung sila’y lalakad ng ayon sa aking kautusan, o hindi. At mangyayari sa ikaanim na araw, na sila’y maghahanda ng kanilang dala, na ibayo ng kanilang pinupulot sa araw-araw.” (Tingnan ang Exodo 16:4-5.)
Si Yahuwah, sa Kanyang dakilang awa at walang hanggang karunungan, ay tinuturuan ang Israel kung ano ang nilaan nilang 400 taon ng pagkakalimot, sa Kanyang kalendaryo! Ngayon, ang ating mapagmahal na Ama ay muling ibinabalik ang Kanyang kalendaryo. Nagbibigay Siya ng pagsusulit sa mga inangkin na nabibilang sa Kanya upang makita kung sila’y naglalakad sa Kanyang Kautusan. Ikaw ba, ngayon, ay isasama ang sarili bilang matapat ni Yahuwah? Manunumpa ka ba ng iyong katapatan kay Yahuwah, at maglalaan ng pagtalima sa mga banal na araw sa Kanyang itinalagang kalendaryo?
Sapagka’t Siya’y ating Elohim, at tayo’y bayan ng kaniyang pastulan, at mga tupa ng kaniyang kamay. Ngayon, kung inyong didinggin ang kaniyang tinig! Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong puso, gaya sa Meriba, gaya sa kaarawan ng Masa sa ilang. (Tingnan ang Awit 95:7-8.)
Ang pasya ay nasa iyo…
1 Karapat-dapat na tandaan na ang Kasulatan ay hindi nagbibigay ng mga detalye tungkol sa kung paano ang mana ay nauugnay sa mga Araw ng Kapistahan, alinman. Halimbawa, walang banggit kung meron o wala ang mana ay tatapat sa Araw ng Pagbabayad-sisi, na isang taimtim na araw ng pag-aayuno at walang paggawa (Levitico 23:27-32). Ito, gayunman, ay hindi pinatotohanan na ang Araw ng Pagbabayad-sisi ay hindi bahagi ng kalendaryong Hebreo!
2 Kahit isaalang-alang ang malawak na dami ng kailangang handog at ang karaniwang pagkain ng karne ng hayop ng mga anak ng Israel, marahil na ang bilang ng mga hayop ay tumaas nang maramihan (sapagkat sila’y nagkakaroon ng mga supling) sa panahon ng pananatili ng Israel sa ilang.
3 Tingnan rin ang Mga Bilang, Kabanata 28 at 29, para sa ilang malawak na listahan ng mga inutos na handog at alay.