Mga Bagong Buwan, Mga Sabbath, at ang Kalendaryong Gregorian
Katotohanang ipangingilin ninyo ang Aking mga Sabbath; sapagka't isang tanda sa akin at sa inyo sa buong panahon ng inyong mga lahi, upang inyong makilala na ako si Yahuwah na nagpapabanal sa inyo. Inyong ipangingilin ang Sabbath nga; sapagka't yao'y pangilin sa inyo . . . na pinakapalaging tipan. (Tingnan ang Exodo 31:13, 14, 16)
Ang Sabbath ay isang “palaging tipan,” isang walang katapusang |
Ang Sabbath ay isang “palaging tipan,” isang walang katapusang kasunduan, sa pagitan ni Yahuwah at Kanyang bayan. Ito ay ang tanda na nagtatangi ng mga matapat na tagasunod ni Yahuwah mula sa mga natitira ng buong mundo. Hindi lamang anumang araw ang Biblikal na Sabbath, “Nguni't ang ikapitong araw ay Sabbath kay Yahuwah mong Elohim.” (Tingnan ang Exodo 20:8-10.) Maraming Kristyano ang sumasamba sa araw ng Linggo upang parangalan ang muling pagkabuhay. Tinawag nila ang araw ng Linggo na “araw ng Panginoon” at naniniwala na ang ikapitong araw ng Sabbath ay “napako sa krus.” Ang kautusan ni Yahuwah ay palagian. Pinanatili ni Yahushua ang Sabbath noong Siya ay nasa lupa, at ganon din ang lahat ng mga apostol at mga maagang Kristyano. Inangkin ni Yahushua ang pag-aari ng ikapitong araw ng Sabbath noong ipinahayag Niya: “Sapagkat ang Anak ng Tao ay Panginoon ng Sabbath.” (Mateo 12:8, FSV) Ang totoong “araw ng Panginoon” ng Kasulatan ay ang ikapitong araw ng Sabbath!
Sapagkat ang totoong Sabbath ay isang tiyak na araw, napakahalaga na ang tamang paraan ng pagsukat ng oras ay gamitin upang kalkulahin ang tiyak na araw na iyon. Sa buong kasaysayan, iba’t ibang paraan ng pagsukat ng oras ang ginamit. Sa Aprika at Timog Amerika, mga sanlinggo ng tatlo at limang araw ang ginamit. Ang mga taga-Egipto at Republikang Pranses ay gumamit ng mga kalendaryong solar na may mga sanlinggo na sampung araw ang haba. Ang modernong Islamikong kalendaryo ay isang kalendaryong lunar na batay lamang sa paggalaw ng buwan. Ang taong lunar ay mas maiksi sa taong solar, kaya ang Ramadan ay lumalabas na lulutang paatras sa taon ng kalendaryong Gregorian. Ang kalendaryong Gregorian ay batay sa haba ng panahon na tatahakin ng araw para makumpleto ang isang pag-ikot sa kalangitan ng langit, mula sa isang equinox hanggang sa kaparehong equinox. Ito ay isang kalendaryong solar.
Walang mali sa pagsukat ng panahon gamit ang anuman sa mga paraang ito. Lahat ng ito’y nagsusukat ng oras, naiiba lamang ang paraan. Kapareho din, ang sistemang metriko ay gumagamit ng mga metro at ang sistemang imperyo ay gumagamit ng mga yarda: parehong sistema na nagsusukat ng haba. Ang pagsukat ng panahon ay maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan din. Gayunman, ang totoong ikapitong araw ng Sabbath ay isang partikular na araw. Upang mahanap ang tiyak na araw na iyon, isang partikular na paraan ng pagkalkula ng oras ang dapat gamitin. Ang tao na inutusang pumunta sa “ikapitong tahanan sa kanan” ay hindi mahahanap ang tamang tirahan kapag siya ay nasa maling kalsada. Dapat siya muna ay nasa tamang kalsada bago magsimulang magbilang hanggang sa ikapitong tahanan. Ang tanging paraan ng pagpapanatili ng oras na nagpapakita ng tunay na ikapitong araw ng Sabbath, ay ang kalendaryong luni-solar ng Paglikha. Tanging ang kalendaryong Biblikal ay maaaring tumpak na makalkula ang partikular na araw na tanda sa pagitan ni Yahuwah at Kanyang bayan.
Totoo na ang araw ng Sabado ay ang ikapitong araw ng modernong sanlinggo. Gayunman, hindi nito ginagawa ang araw ng Sabado na ikapitong araw ng Sabbath ng Kasulatan. Ang modernong sanlinggo ay nagmula sa paganong planetaryong sanlinggo. Noong ito’y inampon ng kalendaryong Julian, ang pitong araw na planetaryong sanlinggo ay nagsimula sa araw ng Sabado! Ang modernong kalendaryong Gregorian ay hindi maaaring gamitin para kalkulahin ang totoong ikapitong araw ng Sabbath dahil ito’y nagkukulang ng isang lubos na mahalagang tampok ng Biblikal na pagsukat ng oras: mga buwang lunar. Ang kalendaryo ng Manlilikha ay sinisimulan ang bawat buwan ng Bagong Buwan. Ang unang araw ng bawat bagong buwan ay ang araw ng Bagong Buwan:
At sinabi ni David kay Jonathan, “Narito, bukas ay Bagong Buwan, at ako'y di marapat na di sumalo sa hari.” . . .
Nang magkagayo'y sinabi ni Jonathan sa kaniya, “Bukas ay Bagong Buwan, at ikaw ay pupunahin, sapagka't sa iyong upuan ay walang nakaupo.” . . .
Sa gayo'y nagkubli si David sa parang: at nang dumating ang bagong buwan, ang hari ay umupong kumain. . . nguni't sa upuan ni David ay walang nakaupo. (1 Samuel 20:5, 18, 24-25, ADB)
Ang salitang Hebreo para sa “buwan,” chodesh, ay nangangahulugang:
“Bagong buwan; buwan.” Ang Chodesh ay maaaring tumukoy sa isang “buwan,” o panahon mula sa isang bagong hanggang sa isa pa. (Chodesh, #2320, The New Strong’s Expanded Dictionary of Bible Words.)
Sapagkat ang Biblikal na buwan ay nagsisimula sa Bagong Buwan, ang mga sanlingguhang Sabbath ay tunay na nakadugtong sa buwan. Ang araw ng Bagong Buwan ay muling sinisimulan ang sanlingguhang pag-ikot. Nilikha ni Yahuwah ang mga tanglaw sa kalangitan para sa hayagang layunin ng pagkalkula ng oras.
“Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon . . . .” (Genesis 1:14, ADB)
Ang salitang “panahon” ay nagmula sa salitang mo’ed.
“Mo’ed o mo’adah; kongregasyon, pagtitipon; takdang araw, hudyat. . . . Simula noong ang mga kapistahang Hudyo ay naganap sa mga karaniwang agwat, ang salitang ito ay nagiging mas malapit na tinukoy sa kanila. Ang Mō’ĕd ay ginamit sa isang malawak na kahulugan para sa lahat ng mga pagtitipong pangrelihiyon. Ito ay malapit na nauugnay sa tolda mismo . . . Kasama [ni Yahuwah] ang Israel sa tiyak na oras na ito para sa layunin ng pagpapakita ng Kanyang kaloob. Ito ay karaniwang katawagan para sa pagtitipon at pagsamba ng bayan ni Yahuwah.” (#4150, Hebrew-Greek Key-Word Study Bible)
“Kaniyang itinakda ang buwan sa mga panahon [mo’ed].” (Awit 104:19, ADB) |
Ang Mga Awit ay pinagtibay ang katunayan na ang buwan ay nilikha para sa tiyak na layunin ng pagkalkula ng “mga panahon” o mo’ed.
“Kaniyang itinakda ang buwan sa mga panahon [mo’ed].” (Awit 104:19, ADB)
Ang mga Bagong Buwan ay nakatali sa mga ikapitong araw ng Sabbath sa buong Kasulatan. Lahat ng ito’y mga espesyal na klase na mga araw ng pagsamba.
Ganito ang sabi ni Yahuwah Elohim, “Ang pintuang-daan ng lalong loob na looban na nakaharap sa dakong silanganan ay sasarhan sa anim na araw na iginagawa; nguni't sa Sabbath ay bubuksan, at sa kaarawan ng Bagong Buwan ay bubuksan.” (Tingnan ang Ezekiel 46:1.)
Ang mga taunang kapistahan ay hindi mahihiwalay na nakadugtong sa mga Bagong Buwan dahil imposible na makalkula ang mga ito sa anumang bagay maliban sa isang buwang lunar.
Magsihihip kayo ng pakakak sa Bagong Buwan, sa kabilugan ng buwan, sa ating dakilang kapistahan. Sapagka't pinakapalatuntunan sa Israel, ayos ng Elohim ni Jacob. (Tingnan ang Awit 81:3 at 4.)
Ang araw ng Bagong Buwan ay isang panahon ng muling pangako kay Yahuwah. Walang pangangalakal ang isasagawa sa mga araw ng Bagong Buwan. Ang mga tumalikod na Israelita ay madalas walang pasensya ng mga pagpigil na ang mga pagtalimang pangrelihiyon ay inilagay sa kanilang mga ginagawang negosyo.
“Kailan daraan ang bagong buwan, upang tayo'y makapagbili ng gugulayin at ang sabbath, upang ating mailabas ang trigo?” (Amos 8:5, ADB)
Sapagkat ang bawat buwang lunar ay nagsisimula sa araw ng Bagong Buwan, ang mga petsa ng bawat buwang lunar ay palaging tumatapat sa mga kaparehong araw ng sanlinggo. Ang araw ng Bagong Buwan ay ang unang araw ng bawat buwan. Ito’y susundan ng unang araw ng paggawa sa ikalawang araw ng bawat buwan. Ang mga ikapitong araw ng Sabbath ay tatapat sa ika-8, ika-15, ika-22 at ika-29 ng bawat buwang lunar. Ito’y inilarawan sa buong Kasulatan.
Dahil ang sanlingguhang pag-ikot ay nagsisimula sa bawat Bagong Buwan, lumilitaw na ang lunar Sabbath ay “lumulutang” sa sanlingguhang Gregorian. Sa katunayan, ang mga buwang Gregorian ay lumulutang sa mas naaayon na ayos ng mga buwang lunar. Noong ang Manlilikha ay nilikha ang Kanyang ganap na paraan ng pagpapanatili ng oras, ginamit Niya ang parehong araw at buwan upang lumikha ng tumpak at napakagandang kalendaryo: ang kalendaryong luni-solar. Ang buwan ay nangangasiwa sa mga buwan; ang araw naman sa mga taon.
Ang araw ng Sabado ay isang huwad ng totoong ikapitong araw ng Sabbath. Ang kalendaryong Gregorian ay isang kalendaryong solar. Ito ay gumagamit lamang ng araw bilang batayan ng pagpapanatili ng oras. Ang mga Bagong Buwan ay hindi napapansin sa kalendaryong Gregorian. Sila’y tiyak na hindi ginamit para tukuyin ang ikapitong araw ng Sabbath. Habang ang anumang kalendaryo ay maaaring gamitin sa pagbibilang ng oras, tangi lamang ang pinagsamang aksyon ng parehong buwan at araw sa kalendaryong luni-solar ng Paglikha ang maaaring gamitin para sa pagtukoy ng banal na mo’ed ng Langit: ang sanlingguhang ikapitong araw ng Sabbath at ang mga taunang kapistahan.
Ipinahayag ni Satanas na ibig niyang baguhin ang “panahon at kautusan.” (Tingnan ang Daniel 7:25.) Nagawa niya ito sa pangunguna sa buong mundo na magkaisa sa paggamit ng isang huwad na sistema ng pagsukat ng oras: ang solar na kalendaryong Gregorian.
Ipinahayag ni Yahuwah: “Ako si Yahuwah, ay hindi nababago.” (Tingnan ang Malakias 3:6.) Ang Sabbath ay umiiral ngayon gaya nung sa katapusan ng sanlinggong Paglikha noong “binasbasan [Niya] ang ikapitong araw at Kaniyang ipinangilin, sapagka't siyang ipinagpahinga ng [Elohim] sa madlang gawang Kaniyang nilikha at ginawa.” (Genesis 2:3, ADB) Sa lahat ng walang hanggang hinaharap, lahat ng matapat sa Kaharian ng Langit ay magpapatuloy na sambahin ang Manlilikha sa Kanyang kalendaryo. Ang kalendaryo na ginamit para kalkulahin ang Sabbath ay ang kalendaryong luni-solar. Ang mga Bagong Buwan at ang ikapitong araw ng Sabbath ay muli na isang panahon ng pagsasaya at pasasalamat kapag ang isang magkatugmang daloy ng pag-ibig at pasasalamat ay aagos mula sa isang nagkaisang Paglikha pabalik sa pinagmulan ng lahat ng pag-ibig, lahat ng kagalakan at lahat ng kasiyahan: si Yahuwah ang Manlilikha.
“Sapagka't kung paanong ang mga bagong langit at ang bagong lupa, na aking lilikhain ay mananatili sa harap ko, sabi ni Yahuwah, gayon mananatili ang inyong lahi, at ang inyong pangalan. At mangyayari, na mula sa Bagong Buwan hanggang sa panibago, at mula sa isang Sabbath hanggang sa panibago, paroroon ang lahat na tao upang sumamba sa harap ko, sabi ni Yahuwah.” (Tingnan ang Isaias 66:22 at 23.)