Pagmamalaki ng Kapapahan sa Pagbabago ng Kalendaryo
Ang pasya ng Konseho ng Nicaea na talikuran ang Biblikal na kalendasyon ay kinumpirma lamang ni Constantine sa isang maharlikang kautusan. Ang mga obispo ay nais na wasakin ang anumang relasyon sa Hudaismo. Ang anti-semetismo ay gumanap ng papel, sapagkat makikita sa siniping pahayag ni Constantine: “Simula ngayon hanggang sa susunod pa na huwag tayo magkaroon ng pagkakahawig sa mga kasuklam-suklam na mga taong ito [ang mga Hudyo] . . . .” (1)
Si Patrick Madrid, sa isang panayam sa radyo noong Enero 5, 2006, ay gumawa ng isang punto nito:
Mayroong isang kakaibang pagtigil sa pagitan ng mga kailangan ng Lumang Tipan: ang mga ritwal at Mosaik na tipan ay nangailangan ng pakikitungo sa pagsamba sa Sabbath at pag-aalay ng hayop, at iyong uri ng bagay. At nais nilang ipakita na ang Kristyanismo ay kakaiba mula sa Judaismo. Ito ay nagmula sa Judaismo, ngunit ito’y naiiba mula rito. (2)
Sa pagsisikap na ipakita ang pagkakaibang ito, hindi lamang ang pagtalima sa ikapitong araw ng Sabbath na inilipat sa araw ng Linggo ng kalendaryong Julian, kundi ang lahat ng mga taunang kapistahan na, hanggang sa panahong iyon ay inaalala, ay pinalitan ng mga tanyag na paganong pagdiriwang, binigyan ng Kristyanong bansag at binuong mga Kristyanong pangalan.
Upang mapagkasundo ang mga pagano sa mga naturingang Kristyanismo, ang Roma, ipinagpatuloy ang karaniwang polisiya nito, ay gumawa ng mga panukala na pag-isahin ang mga kapistahang Kristyano at Pagano, at, sa pamamagitan ng magulo ngunit mahusay na pag-aayos ng kalendaryo, ito’y natuklasan nang walang mahirap na bagay, sa pangkalahatan, na makuha ang Paganismo at Kristyanismo – ngayo’y matagal nang lubog sa idolatrya . . . upang makipagkamayan. (3)
Si T. Enright, Obispo ng St. Alphonsus Church, ay malinaw na ipinahayag:
Ito ay Simbahang Katoliko na gumawa ng batas na nag-obliga sa amin na panatilihing banal ang araw ng Linggo. Ang simbahan ay ginawa ang batas na ito matapos maisulat ang Bibliya. Kaya ang nasabing batas ay wala sa Bibliya. Ang Simbahang Katoliko ay binuwag hindi lamang ang Sabbath, kundi ang lahat ng mga pagdiriwang ng mga Hudyo. (4)
Sa kaparehong sulat, magbibigay si Enright ng $1000 “sa sinuman na maaaring makapagpatunay sa akin mula sa Bibliya lamang na ako ay tiyak, sa ilalim ng mabigat na kasalanan, na pinanatiling banal ang araw ng Linggo.” Walang pagdududa na ang Simbahang Katoliko ay responsable para sa pagbabago:
Ang Sampung Utos, o ang Dekalogo . . . Isinulat ng daliri ng Diyos sa dalawang tableta ng bato, ang Banal na Kodigo ay tinanggap mula sa Makapangyarihan ni Moises sa gitna ng mga pagkulog sa Bundok Sinai . . . Ipinagpatuloy ni Kristo ang mga Kautusang ito sa dobleng tuntunin ng kawanggawa – ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa; ipinahayag Niya ang mga ito na umiiral sa ilalim ng Bagong Kautusan sa Mateo 19 at sa Sermon sa Bundok (Mateo 5). Pinatotohanan at ipinaliwanag niya ang mga ito, . . . Ang Simbahan, sa ibang dako, matapos ang pagbabago sa araw ng pamamahinga mula sa maka-Hudyong Sabbath, o ikapitong araw ng sanlinggo, patungo sa unang araw, ginawa ang Ikatlong Utos na pantukoy sa araw ng Linggo na araw na pananatilihing banal bilang Araw ng Panginoon. Ang Konseho ng Trent ay hinahatulan ang mga ayaw tanggapin na ang Sampung Utos ay umiiral sa mga Kristyano. (5)
Hindi tunay na makatarungan na akusahan ang mga Katoliko ng kawalan ng katapatan sapagkat sinabi nila na ang kanilang simbahan ay binago ang araw ng pagsamba sa araw ng Linggo. Ang mga sumusunod ay isang patikim ng mga napakaraming pahayag na ginawa ng mga Katoliko na matapat na ipinahayag na sila ang responsable sa pagbabago ng kalendaryo na naglipat ng pagsamba patungo sa dies Solis:
- “Ang Araw ng Linggo . . . ay ganap na gawa lamang ng Simbahang Katoliko.” American Catholic Quarterly Review, Enero 1883
- “Ang Araw ng Linggo . . . ay ang kautusan na araw ng Simbahang Katoliko lamang . . .” American Sentinel (Catholic), Hunyo 1893
- “Ang araw ng Linggo ay isang Katolikong institusyon at tinanggap sa pagtalima na maaari lamang sumangguni sa mga tuntunin ng Simbahang Katoliko. . . Mula simula hanggang katapusan ng Bibliya, walang anumang kasulatan ang nagpapahintulot ng paglipat ng sanlingguhang pagsamba mula sa huling araw ng sanlinggo tungo sa unang araw.” Catholic Press, Sydney, Australia, Agosto, 1900
- “Sila [ang mga Protestante] ay naniniwala sa kanilang tungkulin na panatilihing banal ang araw ng Linggo. Bakit? Sapagkat sinabi sa kanila ng Simbahang Katoliko na gawin ito. Wala silang iba pang dahilan . . . Ang pagsamba sa araw ng Linggo ay tumungo na maging pansimbahang batas na lubos na magkaiba sa Banal na Kautusan ng pagtalima sa Sabbath . . . Ang may-akda ng batas ng Linggo . . . ay ang Simbahang Katoliko.” Ecclesiastical Review, Pebrero 1914
Sapagkat ang pagbabagong ito ay naganap nang napakatagal na panahon, ang mga tao ngayon ay nakalimutan ang mga katunayan ng kasaysayan. Imposible na mahanap ang Biblikal na Sabbath sa pamamagitan ng paganong kalendaryo; dahil dito, ang araw ng Sabado ay hindi maaari ang tunay na Sabbath. Hindi ito nalalaman, ang mga Sabadong sabbataryan ay ipinalagay na ang araw ng Sabado ay ang Sabbath kung saan ang pagsamba ay tinanggal. Totoo na may mga sipi mula sa mga Katolikong manunulat na tumutukoy sa araw ng Sabado na “Sabbath”:
- “Syempre ang Simbahang Katoliko ay inangkin na ang pagbabago na iyon (araw ng Sabado na Sabbath sa araw ng Linggo) ay kanyang likha...At ang gawa ay isang tanda ng kanyang pansimbahang awtoridad sa mga bagay na pangrelihiyon.” H. F. Thomas, Chancellor of Cardinal Gibbons.
- “Ang araw ng Linggo ay itinatag, hindi ng kasulatan, kundi ng tradisyon, at natatanging institusyong Katoliko. Gayong walang kasulatan para sa paglipat ng araw ng pamamahinga mula sa huli tungo sa unang araw ng sanlinggo, pinanatili ng mga Protestante ang kanilang Sabbath sa araw ng Sabado at kaya naiwan sa mga Katoliko ang ganap na pag-aari ng araw ng Linggo.” Catholic Record, Setyembre 17, 1893.
- “Ang Protestantismo, sa pagwaksi sa awtoridad ng Simbahang Katoliko, ay walang mabuting dahilan para sa teorya ng araw ng Linggo nito, at makatuwirang kinailangan na panatilihin ang araw ng Sabado bilang Sabbath.” John Gilmary Shea, American Catholic Quarterly Review, Enero 1883.
- “Malamang ang pinakamapangahas na bagay, ang pinaka rebolusyonaryong pagbabago na nagawa ng Simbahan sa lahat, ay naganap sa unang siglo. Ang banal na araw, ang Sabbath, ay binago mula sa araw ng Sabado patungo sa araw ng Linggo. ‘Ang araw ng panginoon’ ay ang napili, hindi mula sa anumang direksyon na naitala sa mga Kasulatan, kundi sa diwa ng pansariling kapangyarihan ng Simbahan...Ang tao na naiisip na ang mga Kasulatan ay dapat na nag-iisang awtoridad, ay makatuwiran na dapat maging Seventh Day Adventists, at panatilihin ang araw ng Sabado na banal.” St. Catherine Church Sentinel, Algonac, Michigan, Mayo 21, 1995.
- “Hindi ba na-obliga ang bawat Kristyano na pabanalin ang araw ng Linggo at para umiwas sa araw na iyon mula sa mga hindi kailangang trabaho? Hindi ba ang pagtalima sa kautusang ito ay kabilang sa mga pinaka-prominente ng ating mga sagradong tungkulin? Ngunit maaari mong basahin ang Bibliya mula sa Genesis hanggang sa Pahayag, at wala kang makikitang isang linya na nagbibigay ng awtoridad sa pagpapakabanal sa araw ng Linggo. Ang mga Kasulatan ay pinagtibay ang pagtalimang pangrelihiyon sa araw ng Sabado, isang araw na hindi natin pinabanal.” James Cardinal Gibbons, The Faith of Our Fathers (1917 edition), p. 72-73 (16th Edition, p. 111; 88th Edition, p. 89).
Ang mga katunayan ng kasaysayan ay nakalimutan ng karamihan sa mga tao, maraming Katolikong manunulat ay ginamit ang terminolohiya ng planetaryong sanlinggo (iyon ay araw ng “Sabado”), na maaaring ituring na mapanlinlang. Mas malamang na marami sa mga Katolikong manunulat mismo ay walang kamalayan ng buong kasaysayan sa likod ng modernong sanlinggo. Ang mga Katolikong iskolar ay palaging nalalaman ang katotohanan, gayunman. Sapagkat ipinahayag ng konserbatibong Katolikong iskolar at tagapagtanggol na si Patrick Madrid:
Ang ating kalendaryo na sinusunod natin, kabilang ang Seventh-day Adventists, ay hindi lamang isang kalendaryo na isinaayos ng Simbahang Katoliko, kundi ito rin ay isang kalendaryo na batay sa taong solar, hindi ang taong lunar. At ang kalendaryong Hudyo na siniyasat noong panahon ni Kristo . . . sinusunod ang kalendaryong lunar, na ilang araw na mas maiksi sa kalendaryong solar. Kaya ang dakilang kabalintunaan na kahit ang Seventh-day Adventist mismo ay hindi sumasamba sa eksakto at kaparehong araw ng Sabbath gaya ng mga Hudyo ng panahon ni Kristo. (6)
Sa nakalipas na mga siglo, habang ang katunayan ng mga kasaysayan ay nakalimutan, ang araw ng Sabado ay ipinalagay na Biblikal na ikapitong araw ng Sabbath. Gayunman, noong ang kalendaryong Julian ay ipinatupad sa mga Kristyano para sa eklesiastikong paggamit, wala pa sa panahong iyon ang nalilito sa dies Saturni at Sabbato. Nalalaman ng lahat na mayroong dalawang naiibang araw sa dalawang naiibang sistema ng kalendaryo. Ang isang mahusay na halimbawa ng “araw ng Sabado” na nalalaman o hindi nalalamang ipinalit para sa “Sabbath” ay makikita sa mga kanoniko ng Konseho ng Laodicea.
Matapos ang kautusan ng Nicæa, ang mga apostolikong Kristyano ay patuloy sa pagsamba gamit ang kalendaryong luni-solar. Ang Konseho ng Laodicea ay tinipon humigit-kumulang 40 taon matapos na ipatupad ang pagtanggap ng “araw ng Panginoon” sa lugar ng lunar Sabbath.
Upang makamit ang katuparan ng kanyang orihinal na layunin, naging kailangan para sa simbahan na masiguro ang lehislasyon na papatay sa lahat ng pagkalibre, at pagbabawal sa pagtalima sa Sabbath gayong para pawiin ang makapangyarihang protestang iyon [laban sa pagsamba sa araw ng Linggo]. At ngayon . . . ang “tunay na banal na utos” ni Constantine at ang Konseho ng Nicaea na “wala” dapat “may pagkakahawig sa mga Hudyo,” ay ginawa ang batayan at ang awtoridad para sa lehislasyon, tuluyang sinira ang pagtalima sa Sabbath ng Panginoon, at para itatag ang pagtalima sa araw ng Linggo lamang sa lugar nito. (7)
Ang Canoniko 29 ng Konseho ng Laodicea ay naghahangad:
Ang mga Kristyano ay hindi dapat ma-Hudaismo at manatiling nakatigil sa araw ng Sabado, ngunit dapat ay gumawa sa araw na iyon; subalit ang araw ng Panginoon ay dapat tiyak na paparangalan, at, bilang mga Kristyano, ay dapat, walang gagawing trabaho sa araw na iyon. Kung gayunman, sila’y natagpuang na-Hudaismo, sila’y dapat pagsarhan mula kay Kristo.
Ang Katolikong obispo, si Karl Josef von Hefele (1809-1893), ay ipinahayag na ang salitang “Sabado” ay ibinigay sa modernong pagsasalin. Si Von Hefele ay isang lubos na kapani-paniwala na awtoridad sa piniling orihinal na salitang ginamit sa Konseho ng Laodicea. Isang Alemanyang iskolar, teologo at propesor ng kasaysayan ng Simbahan, siya ay nag-aral sa Unibersidad ng Tϋbingen. Isa sa kanyang pinakadakilang gawa ay ang History of the Councils of the Church from the Original Documents. Bilang isang obispo at teologo, tiyak na siya ay may daanan sa mga orihinal na dokumento sa mga arkibos ng Vatican!
Ayon kay von Hefele, ang orihinal na salitang ginamit sa parehong Griyego at Latin ay sa katunayan, “Sabbath.” Ang salitang “anathema” (isinumpa) ay ginamit sa lugar ng “pagsarhan.” Ang bersyong Latin ay malinaw na hindi naglalaman ng anumang sanggunian sa dies Saturni (araw ng Sabado) ngunit sa halip ay gumamit ng Sabbato, o “Sabbath”:
Quod non oportet Christianos Judaizere et otiare in Sabbato, sed operari in eodem die. Preferentes autem in veneratione Dominicum diem si vacre voluerint, ut Christiani hoc faciat; quod si reperti fuerint Judaizere Anathema sint a Christo.
Ito’y nagdadala ng pag-ulit: ang mga Kristyano sa panahon ng pagbabago ng kalendaryo ay hindi nalito sa araw ng Sabado na Sabbath. Nalalaman ng lahat na ang dies Saturni ay kamakailan lang inilipat mula sa unang araw ng paganong sanlinggo tungo sa huling araw ng paganong sanlinggo, habang ang Sabbato ay ang ikapitong araw ng kalendaryong luni-solar ng mga Hudyo kung saan walang sinuman sa kapangyarihan ang hiniling na maugnay. Muli, ang mga ito’y dalawang naiibang araw sa dalawang naiibang sistema ng kalendaryo.
Si Eusebius ng Caesarea, isang mananalaysay ng simbahan na kapanahon ni Constantine at kanyang manghihibok, ay madalas magsipi tungkol sa lehislasyon ng araw ng Linggo ng panahon. Ito’y pangkalahatang pinaniwalaan na siya ang pari na tuluyang nagbinyag kay Constantine sandali bago ang kanyang kamatayan. Sa seremonya ng pagbubukas ng Konseho ng Nicaea, si Eusebius ay nakaupo sa kanan ni Constantine at nagbigay ng pagbubukas na talumpati.(8) Si Eusebius ay lubos na malinaw na ang pagtataas ng dies Solis ay sa Sabbato ng Hudyo at hindi sa paganong dies Saturni.
Lahat ng bagay na ano pa man, ito ay tungkulin na gagawin sa Sabbath, ang mga ito’y ililipat sa araw ng Panginoon, bilang mas nararapat, ang pangunahin, ang una, at mas marangal kaysa sa Sabbath ng mga Hudyo. (9)
Ito ay sa panahon na si Sylvester I, Obispo ng Roma sa panahon ng Konseho ng Nicaea, tinangka na muling pangalanan ang mga araw ng paganong sanlinggo ng mga Biblikal na pangalan ng araw ng sanlinggo. “Ito ay ang panahon ng Dakilang Constantine, kung kailan ang pampublikong posisyon ng Simbahan ay lubos na bumuti, isang pagbabago ang tiyak na gagawin na lubos na mapapansin sa Roma.” (10)
Ang mga Katoliko, nalalamang nang ganap at mabuti na walang Biblikal na dahilan para sumamba sa araw ng Linggo, ay nakita kung paano nagiging salungat ang mga Protestante.
- “Mabuting ipaalala sa mga Presbyterians, Baptists, Methodists, at lahat ng ibang Kristyano, na ang Bibliya ay hindi sila itinataguyod saanman sa kanilang pagtalima sa araw ng Linggo. Ang araw ng Linggo ay isang institusyon ng Simbahang Katoliko, at ang mga tumatalima sa araw na iyon ay tumatalima sa utos ng Simbahang Katoliko.” Priest Brady, sa isang talumpating naiulat ng The News, Elizabeth, New Jersey, Marso 18, 1903.
- “Sino Ang Aming Iginagalang at Binibigyan ng Parangal sa Pagpapanatili sa Araw ng Linggo Na Banal? Mula rito maaari naming maunawaan kung paano kadakila ang kapangyarihan ng simbahan sa pagbibigay ng kahulugan at pagpapaliwanag sa amin ng mga utos ng Diyos – isang kapangyarihan na kinikilala sa pangkalahatang kasanayan ng buong Kristyanismo, maging iyong mga sekta na nagpahayag na kunin ang Banal na Kasulatan bilang kanilang nag-iisang batayan ng pananampalataya, simula noong kanilang pinagmasdan bilang araw ng pamamahinga ay hindi ang ikapitong araw na hiniling ng Bibliya, kundi ang unang araw. Kung saan nalaman namin na panatilihing banal, mula lamang sa tradisyon at turo ng Simbahang Katoliko.” (Henry Gibson, Catechism Made Easy, #2, 9th edition, vol. 1, pp. 341-342.)
- “Ito ay ang Simbahang Katoliko na...naglipat ng pamamahingang ito patungo sa araw ng Linggo bilang pag-alala sa muling pagkabuhay ng Panginoon. Kaya ang pagtalima sa araw ng Linggo ng mga Protestante ay isang parangal na binabayaran nila, sa kabila nila, sa awtoridad ng Simbahang Katoliko.” Monsignor Louis Segur, Plain Talk About the Protestantism of Today, 1868, p. 213.
- “Ang mga Protestante...ay tinanggap ang araw ng Linggo sa halip na araw ng Sabado bilang araw para sa pampublikong pagsamba matapos ginawa ng Simbahang Katoliko ang pagbabago...Ngunit ang kaisipang Protestante ay tila hindi natatanto na...sa pagtalima sa araw ng Linggo, tinatanggap nila ang awtoridad ng tagapagsalita para sa simbahan, ang Santo Papa.” Our Sunday Visitor, Pebrero 15, 1950.
- “Ang Simbahang Katoliko ay binago ang pagtalima sa Sabbath sa araw ng Linggo sa pamamagitan ng karapatan ng banal, hindi nagkakamaling awtoridad na ibinigay ng kanyang tagapagtatag, si Hesu-Kristo. Ang pag-aangkin ng Protestante na ang Bibliya ay ang tanging patnubay ng pananampalataya, ay walang kapangyarihan sa pagtalima sa araw ng Linggo.” The Catholic Universe Bulletin, Agosto 14, 1942, p. 4.
Ang isang Katoliko na naniniwala na si Kristo ay muling nabuhay sa araw ng Linggo ay lubos na mas naaalinsunod kaysa sa isang Protestanteng sumasamba sa araw ng Linggo na inaangkin na ibinabatay ang lahat ng kanyang paniniwala sa Bibliya at sa Bibliya lamang. Ang mga Katoliko ay inilagay ang tradisyon at mga kautusan ng kanilang mga papa nang higit sa Bibliya, kaya walang pagkakasalungat para sa kanila sa paniniwala na ang araw ng Linggo ay ang araw ng muling pagkabuhay. Para sa kanila, ang katotohanan ay anumang tradisyon at kautusan ng kanilang papa.
Gayunman, para sa isang Protestante na tinutuligsa ang mga Katoliko para sa pagsunod ng tradisyon sa halip na Bibliya, at subalit ay patuloy na sumasamba sa araw ng Linggo, ay sukdulang hindi naaayon. Dagdag pa, para sa mga Hudyo at mga sumasamba sa araw ng Sabado na ipinipilit na ang Tiyak, Tamang Araw ay mahalaga kay Yahuwah, at pagkatapos ay pinapanatili ang ikapitong araw sa pagano, planetaryong kalendaryo ay mas hindi naaayon! Mahalaga nga na sumamba sa tunay na araw ng Sabbath, pagkatapos ay ang orihinal na kalendaryo, itinatag ni Yahuwah sa Paglikha, kailangan na gamitin para kalkulahin kung kailan darating ang Sabbath.
Kapag ang mga makasaysayang katunayan ng kalendaryong Julian ay naunawaan, malinaw na itinatag na ang araw ng Linggo ay hindi lamang ang araw na itinatag sa paganong kalendasyon. Ang araw ng Sabado, o ang dies Saturni, ang orihinal na unang araw ng planetaryong sanlinggo ay isang huwad ng tunay na ikapitong araw ng Sabbath ng Bibliya.
Isang sinaunang kasabihan ang inangkin: “Siya na kumukontrol sa kalendaryo, ay kumukontrol sa buong mundo.” Sinong kumukontrol sa iyo? Ang araw kung kailan ka sumasamba, kalkulado ng alinmang kalendaryong ginagamit mo, ay ipinapakita kung sinong Diyos/diyos ang iyong sinasamba.
Nauugnay na Artikulo:
(1) Heinrich Graetz, History of the Jews, (Philadelphia: The Jewish Publication Society of America, 1893), Vol. II, pp. 563-564.
(2) Patrick Madrid, komento sa “Open Line,” EWTN, Global Catholic Radio Network, Enero 5, 2006.
(3) Alexander Hislop, The Two Babylons, (New Jersey: Loizeaux Brothers, 1959), p.105, binigyang-diin.
(4) Sulat ni T. Enright, Obispo ng St. Alphonsus Church, St. Louis, Missouri, Hunyo, 1905, binigyang-diin.
(5) Charles George Herbermann, Knights of Columbus Catholic Truth Committee, The Catholic Encyclopedia, (Harvard University: Encyclopedia Press, 1908), p. 153, binigyang-diin.
(6) Patrick Madrid sa “Open Line,” EWTN, Global Catholic Radio Network, Enero 5, 2006. Para mabasa o marinig ang mga komento ni Madrid sa kabuuan, bisitahin: 4angelspublications.com/articles/catholic_scholar.php.
(7) A. T. Jones, The Two Republics, (Ithaca, Michigan: A. B. Publishing, Inc., n.d.), p. 321, binigyang-diin.
(8) Catholic Encyclopedia, “Eusebius of Caesarea,” www.NewAdvent.org.
(9) Eusebius, Commentary on the Psalms, Psalm 91 (Psalm 92 in the A.V.), in J. P. Migne, Patrologia Graeca, Vol. 23, column 1172, salin ng may-akda, sapagkat sinipi sa R. L. Odom, Sunday Sacredness in Roman Paganism, Review & Herald Publ. Assoc., 1944, p. 141.
(10) “Pope Sylvester I” (d. December 31, 335), Catholic Encyclopedia, www.newadvent.org.