Ang Kaso Para Kay Nero Caesar Na Ang Halimaw Ng Pahayag
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Ang halimaw na nabanggit sa Aklat ng Pahayag ay nakakuha ng maraming atensyon mula sa Kristyano. Ang mga haka-haka ay sagana tungkol sa pagkakakilanlan ng napakasamang nilalang na ito na nakikipagdigma laban kay Yahuwah at sa Kanyang mga hinirang. Karamihan sa mga Kristyano ay ipinalagay lamang na sinuman ang Halimaw, siya ay isang tao o entidad sa hinaharap na maghahari sa daigdig sa loob ng pitong taon bago ang pagbabalik ni Kristo, at siya ay ilalagay ang bilang na 666 sa kanilang mga noo at kamay at pipigilan ang sinuman na walang 666 mula sa pagbili at pagbenta. Ipinalagay rin na ang “Anti-Kristo” at ang Halimaw ay dalawang titulo para sa iisang entidad. Sa buong kasaysayan ng simbahan, maraming kandidato ang iminungkahi kung sino ang Halimaw/Anti-Kristo mula kay Adolf Hitler, ang Santo Papa, Ronald Reagan, at maging si Barack Obama!
Subalit ano kung ang pagpapalagay sa likod ng mga haka-haka na ito ay mali? Ano kung ang Halimaw ay hindi isang panghinaharap na malapit nang dumating na anyo ano pa man? Ano kung siya ay isang unang siglong halimaw na dumating na at nagpunta? Sa artikulong ito, nagpapanukala ako na ang Halimaw na inilarawan sa Pahayag ay ang unang siglo na emperador na si Nero Caesar. Ipapaliwanag ko ang tatlong susi ng pagpapaliwanag na humahantong sa akin na isipin na ang Aklat ng Pahayag ay naglalarawan ng isang unang siglo na anyo sa una pa lang. Pagatapos ay ibibigay ko ang ebidensya na nagpupunto kay Nero Caesar nang tiyakan bilang umaangkop sa paglalarawan ng Halimaw.
Susi Ng Pagpapaliwanag #1: “Mga bagay ang MALAPIT nang mangyari.”
Ang unang piraso ng ebidensya na nagpupunto sa isang unang siglo na anyo, ang Halimaw ng Pahayag, ay matatagpuan sa mismong pinakaunang berso ng Aklat ng Pahayag. Ang aklat ay nagbubukas sa mga salitang ito: “Ito ang pahayag ni Kristo Yahushua na ibinigay ni Yahuwah sa kaniya upang ipakita sa kaniyang mga alipin kung anong mga bagay ang malapit nang mangyari. Ito ay kaniyang pinatotohanan nang ipinadala niya ito sa kaniyang aliping si Juan sa pamamagitan ng kaniyang anghel” (Pahayag 1:1, binigyang-diin). Sinabi ni Juan na si Yahushua ay ipinakita sa kanya ang mga bagay na dapat MALAPIT nang maganap.
Isinulat ni Keith Mathison ng Ligonier Ministries, “…ang mismong aklat ay nagpapahiwatig kung kailan ang mga hindi bababa sa karamihan sa mga propesiya nito ay matutupad. Sa parehong una at huling kabanata, sinasabi ni Juan sa kanyang mga mambabasa ng unang siglo na ang mga bagay na ipinakita sa aklat ay “malapit nang mangyari” (1:1; 22:6) at ang “nalalapit na ang panahon” (1:3; 22:10). Ang mga pahayag na ito ay mga paglalahat, kaya hindi na nangangailangan ang mga ito na ang bawat kaganapang nahulaan sa aklat ay dapat na matupad sa unang siglo, kundi ang mga paglalahat ay nagbibigay sa atin ng isang “pangkalahatang” ideya kung paano natin dapat maunawaan ang aklat. xviii Ang karamihan ng propesiya ni Juan ay tungkol sa isang bagay na nalalapit na sa kanyang panahon.”5
Lagpas sa hindi kapani-paniwala na isipin na naisip ni Juan na ang malawak na bahagi ng kanyang aklat na naghula ng mga kaganapan ay hindi magaganap sa loob ng libu-libong taon, subalit sinasabi niya sa kanyang mga mambabasa na ang mga ito’y magaganap “malapit na,” “daglian,” at “agaran.” Sa anong diwa maaaring maisip ng sinuman na ang mahigit 2000 taon, sa anumang diwa, ay “malapit na”? Isang malinaw na pagbabasa ng mga teksto ay nagpapahiwatig na si Juan ay inasahan ang mga bagay na nahulaan niya ay magaganap sa loob ng isang sandaling panahon. Sa berso 3, tumungo si Juan na ulitin ang kalapitan ng mga pangyayari sa pagsasabi, “Pinagpala ang bumabasa ng mga salita ng propesiyang ito sa mga tao, at ang mga nakikinig at tumutupad ng mga bagay na nakasulat dito, sapagkat malapit na ang takdang panahon.”
Ito ay mas malamang kapag titingnan mo ang isang pahayag na ginawa ng apostol sa isa sa kanyang mga sulat; “Munting mga anak, huling oras na! Tulad ng inyong narinig, ang anti-Kristo ay darating. At ngayon, marami na ngang anti-Kristo ang dumating. Kaya’t alam natin na huling oras na” (1 Juan 2:18). Sinabi ni Juan na siya at ang kanyang mga mambabasa ay nabubuhay sa “huling oras na.” Ang kanyang mga mambabasa ay narinig na “ang anti-Kristo ay darating,” at sinasabi niya rin na maging ngayon, maraming anti-Kristo ang dumating, at iyon ang nalalaman nila na huling oras na. Ang wikang “huling oras na” ay nagpapahiwatig na naisip ni Juan na ang katapusan ay malapit na, hindi libu-libong taon sa hinaharap.6 Dagdag pa, kung ang isa ay naniniwala na “Ang Anti-Kristo” at ang Halimaw ng Pahayag ay iisa, ang wikang ito na malapit na ay konektado sa pahayag ni Juan ng pagdating ng Anti-Kristo na magpapalakas ng paniniwala sa isang unang siglong anyo ng Halimaw ng Pahayag.
Noong sinabi ni Juan, “Tayo’y nasa huling oras na,” “Ipinakita ni Yahushua ang mga bagay sa akin na malapit nang mangyari,” at “ang takdang panahon ay malapit na,” ang kanyang mga propesiya ay hindi pa matutupad sa loob ng ilang libong taon. Natagpuan ko ito na lubhang hindi kapani-paniwala.
Susi Ng Pagpapaliwanag #2: “Bilangin Ang Bilang Ng Halimaw.”
Dagdag pa, mayroon tayong katunayan na sinasabi ni Juan sa kanyang mga mambabasa na bilangin ang bilang ng halimaw. Sinasabi niya, “Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagkat siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay 666.” (Pahayag 13:18). Ayon sa sinabi ni Hank Hanegraaff sa kanyang aklat, The Apocalypse Code: “Walang alinlangan, walang bigat ng karunungan at kabatiran ang magpapagana ng isang unang siglong tagapakinig upang bilangin ang bilang ng isang ika-21 siglong halimaw. Magiging marahas at mapanganib na nakaliligaw para kay Juan upang ipahiwatig sa mga Kristyano ng unang siglo na maaari nilang tukuyin ang halimaw kung ito ay isang ika-21 siglong indibidwal o institusyon.”1 At saka, ano pa ang ibig sabihin ni Juan sa “pagbilang ng bilang ng halimaw?” Paano ang pagbibilang ng bilang ng halinaw?
“Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagkat siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay 666.” (Pahayag 13:18).
|
Sa The Apocalypse Code ni Hanegraaff, sinabi niya, “Dagdag pa, hindi katulad ngayon, ang pagbabago ng mga pangalan tungo sa mga bilang (gematria) ay karaniwan sa unang panahon. Halimbawa, sa Lives of the Twelve Caesars, ang Romanong mananalaysay na si Suetonius ay tinutukoy si Nero sa isang numerikong pagtatalaga na katumbas sa isang masamang gawa. Ang katumbas na bilang nito (isomorpismo) ay ibinuod sa parirala: “Bilangin ang mga numerikong katumbas ng mga letra sa pangalan ni Nero, at sa ‘pagpatay sa kanyang ina,’ at matatagpuan mo ang kanilang suma na iisa.” Sa Griyego, ang numerikong katumbas ng mga letra sa pangalan ni Nero (Griyego: Nevrwn, Ingles na pagsasatitik: Neron) ay 1,005, gaya ng ginawa sa mga bilang sa pariralang pagpatay sa kanyang ina. Ang sinaunang numerikong kriptogram ay sumalamin sa malawakang kaalaman na pinatay ni Nero ang kanyang ina.”2
Higit na makatuwiran na ipahiwatig na ang apostol ay hinikayat ang kanyang mga mambabasa na gamitin ang Gematria sa bilang ng Halimaw upang dumating sa kanyang pangalan. Sapagkat ang Gematria ay bihira nang isinasagawa ngayon, tila na hindi wasto na si Juan ang mayroong ika-21 o ika-22 siglong tagapakinig. Syempre, ang pagsipi sa ibabaw ay itinuturo si Nero bilang ang Halimaw, at sinabi ni Hanegraaff, ang kanyang pangalan ay lumabas sa bilang na 1,005. Babalik ako sa paksang ito mamaya.
Susi Ng Pagpapaliwanag #3: “Huwag Mong Takpan Ng Tatak Ang Mga Salita Ng Propesiya Ng Aklat Na Ito!”
Sa Daniel 12, matapos matanggap ang mga propesiya, isang anghel ang nagsabi sa kanya, “Ngunit ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo’t parito, at ang kaalaman ay lalago” (Daniel 12:4). Bilang kabaligtaran, sa Pahayag 22:10, sinabi ng anghel kay Juan, “At sinabi pa niya sa akin, ‘Huwag mong takpan ng tatak ang mga salita ng propesiya ng aklat na ito, sapagkat ang panahon ay malapit na.’”
Kaya, mayroon tayong pagkakaiba rito. Sa nauna, sinabi ng anghel na isara at tatakan ang mga salita ng aklat. Sa nahuli, sinabi ng anghel na huwag isara ng tatak ang mga salita ng aklat. Bakit? Sa kanyang aklat na End Times Bible Prophesy: It’s Not What They Told You, sinabi ni Brian Godawa na “….kapag ang isang propesiya ay hindi pa magaganap sa loob ng ilang libong taon, sinabi ng anghel na ‘isara at tatakan ang aklat’ (Daniel 12:4); ngunit kapag ang isang propesiya ay tungkol sa magaganap sa panahong nabubuhay ang propeta, sinabi niya, ‘Huwag mong takpan ng tatak ang aklat’ (Pahayag 22:10). Kung ang Aklat ng Pahayag ni Juan ay magaganap sa loob ng ilang libong taon ang lilipas sa ating modernong panahon, ang dapat sinabi ng anghel ay isara at tatakan ang aklat, ngunit hindi ito.”9
Ang Ebidensya Ay Nagpupunto Nang Tiyakan Kay Nero
Ngayon na natukoy natin ang Halimaw ng Pahayag ay isang bagay o isang tao sa unang siglo, ipapakita ko kung paano ang makasaysayang ebidensya ay ipinupunto si Nero Caesar nang tiyakan bilang unang siglong halimaw na ito.
*Ang Pitong Ulo Ng Halimaw
Ano pa man ang kanilang eskatolohikong posisyon, karamihan sa mga teologo na nabasa ko tungkol sa Halimaw ng Pahayag ay sumasang-ayon na ang Halimaw ay kumakatawan sa higit pa sa isang bagay. Minsan, ito’y nangangahulugan na isang tao; sa ibang pagkakataon, ito’y kumakatawan sa isang kaharian.
Sa ilang lugar, ang isang Halimaw ay mayroong pitong ulo, na sama-samang itinuring na pitong hari. Sa Pahayag 13:1, itinala ni Juan na “nakita ko ang isang halimaw na umaahon mula sa dagat. Mayroon itong sampung sungay at pitong ulo.” Ang talaan ng Pahayag 17:10 ay tahasan na ang pitong ulo ay kumakatawan sa “pitong hari.” Kaya dahil dito, ang Halimaw ay pangkalahatang inilarawan bilang isang kaharian.
Ngunit sa mga katulad na konteksto, ang Halimaw ay nagsalita bilang isang indibidwal, bilang isa sa mga ulo, bilang isang partikular na bahagi ng halimaw. Hinihimok ni Juan ang kanyang mga mambabasa na “bilangin ang bilang ng hayop; sapagkat siyang bilang ng isang tao” (Pahayag 13:18). Sa Pahayag 17:11, sinasabi ng anghel kay Juan, “At ang halimaw na buhay noon at ngayo’y wala na ang ikawalo, ngunit kabilang din sa pito.” Ang tampok na ito ay kinilala ng karamihan sa mga komentarista ng iba’t ibang paaralan ng interpretasyon, kabilang maging ang mga dispensasyonalista.
Ang Pahayag 17 ay nagbibigay ng pangitain ng pitong-ulong Halimaw. Ang mga berso 9 at 10 ay nagsasalaysay sa atin nito tungkol sa Halimaw: “Nangangailangan ito ng isip na may karunungan: ang pitong ulo ay pitong bundok kung saan nakaupo ang babae. Sila rin ang pitong hari, at lima sa kanila ay bumagsak na, ang isa’y buhay pa, ang isa ay hindi pa dumarating; at sa kanyang pagdating, sandali lang siyang mananatili” (Pahayag 17:9-10).
Anong mahalagang tandaan tungkol sa dalawang bersong ito ay ang sanggunian sa pitong bundok. Karamihan sa mga iskolar ng Bagong Tipan ay sumasang-ayon na ang sanggunian sa pitong bundok ay kumakatawan sa Roma. Bakit? Bueno, sapagkat sa unang panahon, ang Roma ay tanyag sa pagiging “Ang siyudad sa pitong burol.”10 Parang katulad sa kung paano natin tinutukoy ang New York bilang “ang siyudad na hindi natutulog.” Isinulat ni Dr. Kenneth L. Gentry, “Ang orihinal na mga tatanggap ng Pahayag ay nabuhay sa ilalim ng pamamahala ng Roma, na pangkalatang kinilala sa pitong burol nito. Paano ang mga tatanggap, nabubuhay sa pitong makasaysayang iglesya ng Asya Minor at nasa ilalim ng imperyong pamumuno ng Roma, ay nauunawaan ang pangitain ni Juan bilang anumang bagay maliban sa heograpikong tampok na ito.”3
*Ang Ikaanim Na Hari
“Nangangailangan ito ng isip na may karunungan: ang pitong ulo ay pitong bundok kung saan nakaupo ang babae. Sila rin ang pitong hari, at lima sa kanila ay bumagsak na, ang isa’y buhay pa, ang isa ay hindi pa dumarating; at sa kanyang pagdating, sandali lang siyang mananatili.” – Pahayag 17:9–10
Tanong ni Pilato, “‘Ipapako ko ba sa krus ang inyong hari?’ Ang mga pinunong-saserdote ay sumagot: ‘Wala kaming hari maliban kay Caesar’” (Juan 19:15). Itinuturing nila si Caesar na naghahari sa panahon na siya ang kanilang hari.
|
Narito, sinasabi ni Juan na ang pitong ulo ay hindi lamang kumakatawan sa pitong bundok kung saan ang babae (iyon ay ang Roma) ay nakaupo, kundi ang pitong ulo ng Halimaw ay kumakatawan rin sa pitong hari. Sinasabi ni Juan na ang lima ay bumagsak na (iyon ay namatay na), isa ay patuloy na nananatili, at may isa pang paparating. At si Juan ay sinasabi na ang haring ito, na hindi pa dumarating, ay hindi magtatagal sa pamumuno nito. Ngayon, sinu-sino ang mga haring ito.
Agaran, ilan sa mga futurista ay tumutol sa mga ito bilang mga Romanong emperador dahil ang isang emperador at isang hari ay hindi magkaparehong tungkulin, gaya ng isang pangulo at isang punong ministro na magkaiba. Ang problema sa pagsalungat na ito ay bigong maunawaan ang sinaunang kaisipan ng mga Hudyo. Oo, sa pinaka maalituntuning diwa, ang isang emperador ay hindi isang hari. Gayunman, iyon ang katawagan ng mga Hudyo sa kanilang mga emperador. Tandaan na sa ebanghelyo ni Juan kung saan si Pilato ay hawak si Yahushua sa harap ng madla at pinapili sila kung pakakawalan si Yahushua sa kanila o si Barabas (Juan 19)? Tanong ni Pilato, “Ipapako ko ba sa krus ang inyong hari? Ang mga pinunong-saserdote ay sumagot: ‘Wala kaming hari maliban kay Caesar’” (Juan 19:15). Itinuturing nila si Caesar na naghahari sa panahon na siya ang kanilang hari. Sa katunayan, ang “hari” ay isa lamang karaniwang termino na ginamit nila sa sinuman na namumuno sa kanila. Samakatuwid, hindi malayong mangyari na akalain na gagamitin ni Juan ang terminong ito para sa mga Romanong emperador.
Isinulat ni Suetonius na si Nero ay ang ikaanim na hari ng Roma. Sina Julius, Augustus, Tiberius, Gaius, at Claudius ay ang naunang lima. At isa pang tumpak na katuparan ng mga salita ni Juan sa kanyang panahon, ang Caesar matapos si Nero ay si Galba, na naghari sa loob lamang ng pitong buwan. Sa ibang salita, “sandali lamang siyang mananatili,” sapagkat sinabi ni Juan.12
Isinulat ni Kenneth Gentry, “Tiyak na hindi aksidente na si Nero ay ang ikaanim na emperador ng Roma. Si Flavius Josephus, ang Hudyong kapanahon ni Juan, ay malinaw na ipinupunto na si Julius Caesar ay ang unang emperador ng Roma at sinundan nila Augustus, Tiberius, [Caligula], Cladius, at, ikaanim, si Nero (Antiquities, books 18 and 19). Ang bagay ay kinumpirma sa sandaling nakalipas sa mga kasulatan ng mga Romanong mananalaysay: kabilang si Suetonius, Lives of the Twelve Caesars and Dio Cassius, Roman History.”4
*666: Ang Bilang Ng Kanyang Pangalan
Tandaan, maaga sa artikulong ito, sinabi ko na ang gematria ay isang karaniwang kasanayan sa unang panahon. Ang mga tao noon ay nagtalaga ng isang numerikong katumbas sa mga letra ng alpabeto. Isa sa mga pagsalangsang kay Nero bilang emperador ay kapag ginamit mo ang gematria sa kanyang pangalan, ito’y lumalabas na 1,005, hindi 666. Kaya kung ang pangalan ni Nero ay binilang na 1,005, paano siya ang sinasabing halimaw ng Pahayag?
Ang kasagutan ay habang nagsulat si Juan sa Griyego, ang kanyang kaisipan ay sa Hebreo. Oo, ang pangalan ni Nero ay lumalabas na 1,005 sa Griyego! Ngunit hindi kung binibilang mo ang Hebreong pagsasatitik ng kanyang pangalan, Nrwn Qsr. Kapag ginamit mo ang gematria sa Hebreong pagsasatitik ng kanyang pangalan, ito’y lumalabas na eksaktong 666! Pagkakataon lamang? Sabihin mo sa akin.
Ngunit ano naman ang tanda? Mismo, si Nero ay walang isang hukbo ng mga Romanong sundalo na umaaligid na may panulat na Sharpie at naglalagay ng mga 666 sa kamay at noo ng mga tao, tama? Walang sinaunang mananalaysay ang nagtatala na ginagawa ito ni Nero. Ah, pero kinukuha mo ang tanda ng halimaw nang lubos na literal. Naniniwala ako na ang tanda ng halimaw ay simboliko. Hindi ko ito sinasabi nang walang pagkakaunawa. Ang Anti-Kristo ay mayroong isang tanda, ngunit anong madalas nakakaligtaan ay si Kristo Yahushua ay mayroong sariling tanda na inilalagay niya sa kanyang bayan. Sinasabi ng Pahayag 14:1, “Pagkatapos ay tumingin ako, at naroon ang Korderong nakatayo sa bundok ng Zion! Kasama niya ang isandaan apatnapu’t apat na libo na ang pangalan niya at ng kanyang Ama ay nakasulat sa kanilang mga noo” (binigyang-diin). Walang sinuman ang nalalaman ko ang naiisip na kapag tayong lahat ay tutungo sa Langit, makakasama natin si Yahushua na nakatayo sa mukhang perlas na pintuan, isinusulat ang kanyang pangalan at ang pangalan ng Ama sa paraang gematria sa ating mga kamay at noo. Si Yahuwah ay hindi magbibigay sa lahat ng isang tatu o isang tatal ng komputer sa pagpasok sa Kanyang kaharian. Kaya pagkatapos, bakit maiisip na ang tanda ng halimaw ay anumang mas literal kaysa sa tanda ng Kordero?
Gayong naitala ni Brian Godawa sa kanyang aklat na End Times Bible Prophesy: It’s Not What They Told You, ang pagtatatak ay isang espiritwal na metapora ng pag-aari. Halimbawa, sinasabi ni Pablo ang tungkol sa mga tinatakan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu sa Efeso 1:13. Ikinukumpara at may pagkakaiba ang mga pag-aari ng Halimaw sa mga pag-aari ni Yahuwah.5
Naniniwala ako na si Juan ay tinutukoy ang imperyal na kulto ng Roma, kung saan ang mga mamamayan ng Roma ay kinailangan na sumamba kay Caesar at maghandog ng mga alay sa kanya. Sapagkat ipinapaliwanag ni N.T. Wright, “Ang ebidensya ay makukuha na ngayon, kabilang ang mula sa epigrapiya at arkeolohiya, lumalabas na ipinapakita na ang kulto ni Caesar, napakalayo mula sa pagiging isang bagong relihiyon sa marami sa Romanong mundo, ay umiiral na sa panahon ng paglilingkod ni Pablo hindi lamang ang naghaharing kulto sa malaking bahagi ng imperyo, tiyakan sa mga lugar kung saan aktibo si Pablo kundi isang paraan (salungat sa lantad na malakihang presensya ng militar) kung saan ang mga Roman ay nagawang makontrol at pamahalaan ang mga malalaking lugar na dumating sa ilalim ng kanilang ugoy. Ang napakalawak na presensya ng emperador ay ginawa sa lahat ng dako sa pamamagitan ng batayang pamamaraan ng mga estatwa at mga sensilyo (ginawang pangunahing daluyan ng masa sa sinaunang mundo), sumasalamin ang kanyang larawan sa buong teritoryo niya; siya ay isang dakilang tagatangkilik sa pamamagitan niya nagmumula ang mga dakilang pagpapala ng katarungan at kapayapaan, at isang hukbo ng mga mababa sa kanya, na binuhusan sa panlabas ng mga mamamayang mapagpasalamat — na sumasamba sa kanya, nagpaparangal sa kanya, at nagbabayad sa kanya ng buwis.”15
Mayroong isang piraso ng kaluwagan para sa mga Hudyo. Si Nero ay hindi sila kinailangan na maghandog ng alay sa kanya hangga’t sila’y naghahandog ng mga alay sa kanyang ngalan.7 Isang kompromiso na pinaunlakan ang Kasulatan na nagbabawal sa mga Hudyo mula sa pakikilahok sa mga ganoong gawain (Exodo 20:2-3). Ang mga Kristyano, gayunman, ay hindi tatanggapin ang kompromiso. Dahil dito, sila’y pinagkaitan nang panlipunan at pangkabuhayan. Sa ibang salita, sila’y hindi maaaring magbili o magbenta ng anumang bagay.17
Si Nero ay mayroong isang imperyal na kulto kung saan kinakailangan niya sa mga tao na sambahin siya. Itinuro niya sa mga tao na maghandog ng alay sa kanya o kahit papaano sa kanyang ngalan. Ang mga Kristyano ay hindi gagawin ito, kaya sila’y hindi pinahintulutan na magbili o magbenta, pinagkakaitan sila nang panlipunan at pangkabuhayan. Ang tanda ng halimaw ay hindi isang tatu o isang tatal ng komputer; ito’y panunumpa ng katapatan sa halimaw. Iyong mga sumamba sa halimaw ay nabibilang sa halimaw (iyon ay ang kanyang tanda, Pahayag 16:2). Iyong mga sumamba sa Nag-Iisa At Tunay Na Yahuwah ay mayroong tanda ng Kordero (Pahayag 14:1).
*Pakikidigma Laban Sa Mga Hinirang
Sinasabi ng Bibiliya na ang Halimaw ng Pahayag ay ibinigay ang kapangyarihan na makipagdigma laban sa banal na bayan ni Yahuwah at daigin sila (Pahayag 13:7).
Hindi na lihim na noong taong 64, nagpasiklab si Nero ng isang kagimbal-gimbal na pag-uusig laban sa Ekklesia. Isinulat ni Tacitus, “Dahil dito, upang pigilan ang sali-salitaan [na itinakda niya ang Roma sa pagkakasunog], siya [Emperador Nero] ay huwad na siningil ng pagkakasala at pinarusahan sa pinaka nakakatakot ng mga pagpapahirap, ang mga tao na karaniwang tinatawag na mga Kristyano, na [karaniwang] kinasusuklaman sa kanilang mga kalubhaan. Si Christus, ang tagapagtatag ng pangalang iyon, ay hinatulan ng kamatayan bilang isang kriminal ni Pontio Pilato, prokurador ng Hudea, sa paghahari ni Tiberius. Nananatili, ang nakapipinsalang pamahiin – pinigilan sa isang panahon, muling sumiklab, hindi lamang sa Hudea – kung saan nagmula ang aligutgot, kundi sa buong siyudad ng Roma rin, kung saan ang lahat ng mga bagay na kagimbal-gimbal at kahiya-hiya ay umaagos mula sa lahat ng mga sulok, gaya sa isang sisidlan, at kung saan sila’y nahikayat. Naaayon, una, iyong mga dinakip na inamin na sila’y mga Kristyano; sumunod, sa kanilang impormasyon, isang malawak na kawan ng tao ang hinatulan, hindi masyado sa akusasyon ng pagsusunog ng siyudad gaya ng ‘pagkapoot sa sangkatauhan.’” (Annals, book 15)
Tumungo si Tacitus sa pagsasabi, “Sa kanila mismong mga kamatayan sila’y ginawang mga paksa ng libangan: sapagkat sila’y pinaligiran ng mga kubli ng mga mababangis na hayop, at niligalig sa kamatayan ng mga aso, o ipinako sa krus, o sinilaban nang buhay, at nang magtakipsilim, nasunog upang magsilbing liwanag sa gabi. Inalok ni Nero sa kanyang mga manlalaro ng harin para sa palabas at ipinakita ang isang larong Circensian, walang pinipiling paghahalo sa mga karaniwang tao sa pananamit ng isang mangangabayo o sinumang nakatayo sa kanyang kalesa. Sa kadahilanang ito, isang pakiramdam ng pakikiramay ang bumangon sa mga nagdurusa, bagama’t nagkasala at karapat-dapat ng ulirang pangunahing kaparusahan, dahil sila’y tila hindi dapat lagutin para sa kagalakan ng madla, kundi sila’y mga biktima ng kabagsikan ng isang tao.”
Ang mananalaysay ng simbahan na si J. L. von Mosheim ay isinulat ang pag-uusig ni Nero: “Nangunguna sa ranggo ng mga emperador, na kinatatakutan ng simbahan bilang kanyang taga-usig, tumatayo si Nero, isang prinsipe na ang tuntunin sa mga Kristyano ay umaamin nang walang pagkukubli, ngunit sa huling antas ay napakasama at hindi makatao. Ang kagimbal-gimbal na pag-uusig na naganap sa utos ng maniniil na ito ay nagsimula sa Roma sa kalagitnaan ng Nobyembre, sa taong 64 ng ating Panginoon…. Ang kagimbal-gimbal na pag-uusig ay nagwakas sa kamatayan ni Nero. Ang imperyo, nalalaman, ay hindi tinubos mula sa kalupitan ng halimaw na ito hanggang taong 68, noon tinapos ang sarili niya mismong buhay.”8
*Ang Mga Hindi-Kristyanong Mananalaysay Ay Itinala Ang Sukdulang Kasamaan Ni Nero
Ang Romanong mananalaysay na si Tacitus (A.D. 56–117) ay sinalita ang “malupit na kalikasan” ni Nero na “naglagay sa kamatayan ng napakaraming inosenteng tao.” Inilarawan ni Pliny the Elder (A.D. 23–79) si Nero bilang “ang tagapagwasak ng sangkatauhan” at “ang lason ng daigdig.” Ang Romanong satirista na si Juvenal (A.D. 60–140) ay sinasalita ang “malupit at madugong paniniil ni Nero.” Saanman, tinatawag niya si Nero na isang “malupit na maniniil.”
Si Apollonius ng Tyana ay isinulat, “Sa aking mga paglalakbay, na mas malawak kaysa sa sinumang nakamit ng tao, nakakita ako ng marami, maraming mababangis na hayop ng Arabya at Indya; ngunit ang hayop na ito, na karaniwang tinawag na isang Malupit, hindi ko nalalaman kung ilan ang ulo nito, hindi rin kung ito ay binaluktutan ng kuko at armado ng mga kalagim-lagim na mga pangil…. At sa mga mababangis na hayop, hindi mo maaaring sabihin na sila’y nalalaman na kinain ang sarili nilang ina, subalit si Nero ay naluluha ang sarili sa dyeta na ito.”
*Ang Halimaw Na Lumitaw Mula Sa Patay
Sino o ano ang babaeng ito? Ipinapasa ko sa iyo na ang babaeng nangangalunya na nakasakay sa Halimaw ay ang tumalikod na Israel. Pag-isipan itong mabuti. Ang babaeng ito ay “lasing sa dugo ng mga banal ni Yahuwah at ng mga nagpatotoo para kay Yahushua.”
|
Hanggang sa ngayon, si Nero ay isang mahusay na kandidato sa pagiging Halimaw na tinukoy sa Aklat ng Pahayag. Noong sumalang ako sa pag-aaral ng eskatolohiya gayunman, isang bagay ang palaging umabala sa akin tungkol sa ideya na si Nero ang Halimaw ng Pahayag. Hindi ba ang Bibliya ay sinasabi na ang Halimaw ay matatanggap ang isang nakamamatay na sugat at pagkatapos ay babalik mula sa patay (Pahayag 13:3)? Walang anumang talaan na namatay si Nero at muling bumalik sa buhay. Anong gumagawa sa paglalarawang ito ng Halimaw na tinatanggap ang isang nakamamatay na sugat at pagkatapos ay gumagaling mula rito?
Si Nero ay ang ulo ng Halimaw (Imperyong Romano) na tumanggap ng isang nakamamatay na sugat. Ang mga tao sa panahong iyon ay naisip na ang Imperyong Romano ay tiyak na sa kapahamakan buhat nang namatay si Nero. Ang Halimaw (Ang Imperyong Romano) ay muling nabuhay matapos ang mga digmaang sibil matapos ang kamatayan ni Nero. Ang Imperyong Romano ay nabuhay matapos ang kamatayan ni Nero.9
Bono: Sino Ang Babaeng Nakasakay Sa Halimaw Sa Pahayag 17?
Sino o ano ang babaeng ito? Ipinapasa ko sa iyo na ang babaeng nangangalunya na nakasakay sa Halimaw ay ang tumalikod na Israel. Pag-isipan itong mabuti. Ang babaeng ito ay “lasing sa dugo ng mga banal ni Yahuwah at ng mga nagpatotoo para kay Yahushua.” Ang Aklat ng Mga Gawa ng mga Apostol ay nagtatala ng pag-uusig sa mga maagang Kristyano ng mga Hudyo na hindi sumasampalataya kay Yahushua (halimbawa; Mga Gawa 6-8). At saka, ang sanggunian sa babae na “nakadamit ng kulay-ube at pula, at nababalutan ng ginto at mamahaling bato at perlas” ay tumutukoy sa baluti sa dibdib na sinusuot sa kaparian. Dagdag pa, ang bansang Israel ay makasaysayan na nalalaman na “patutot” sa mga paganong diyos (tingnan ang mga halimbawa; Jeremias 2:20-24; 3:2-3; Ezekiel 23:9-20). Ang aklat ng Hosea ay tungkol lahat sa kung paano ang Israel ay gumagawa ng espiritwal na pakikiapid laban kay Yahuwah. Isa pa, sa The Apocalypse Code, itinala ni Hank Hanegraaf ang maraming ibinahaging kaharayaan sa Ezekiel 16 at Pahayag 17. Sa parehong biblikal na mga aklat na ito, “ang patutot ay gumagawa ng pakikiapid sa mga hari sa lupa; nakadamit sa karangyaan; kumikinang sa ginto at mga mamahaling bato; at nalasing sa dugo ng mga hinirang.”
Pagwawakas
Ang Halimaw ng Pahayag ay si Nero Caesar.
MGA TANDA:
1: Tingnan ang Hank Hanegraaff, “The Apocalypse Code” (Nashville, W Publishing Group, 2007)
2: ibid.
3: Kenneth L Gentry, mula sa artikulo online na “The Beast Of Revelation Identified”, inilathala noong Setyembre 2008, https://www.truthaccordingtoscripture.com/documents/eschatology/beast.php#.W6JN2s5KiUk
4: Kenneth L Gentry, mula sa artikulo online na “The Beast Of Revelation Identified”, inilathala noong Setyembre, https://www.truthaccordingtoscripture.com/documents/eschatology/beast.php#.W6JN2s5KiUk
5: Godawa, Brian. End Times Bible Prophecy: It’s Not What They Told You (p. 116). Embedded Pictures Publishing. Kindle Edition.
6: N.T. Wright, “Paul’s Gospel and Caesar’s Empire,” in Ed. Richard A. Horsley, Paul and Politics: Ekklesia, Israel, Imperium (Penn., Trinity Press, 2000), 161.
7: Flavius Josephus, The Wars of the Jews, 2.409-410 (2.17.2).
8: (L. von Mosheim, Historical Commentaries, I:138,139).
9: https://preterismmatters.webs.com/thebookofrevelation.htm
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Evan Minton.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC