Ang Malasakunang Pagkubkob Ng Jerusalem Noong 70 AD At Ang Salpok Nito Sa Hudaismo At Kristyanismo
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Ang Pagbagsak ng Jerusalem noong 70 AD ay nagtatakda ng isang mahalaga at malalim na kaganapan ng kahihinatnan sa kasaysayan ng Hudyo at Romano.
Ang malasakunang kaganapang ito ay nagtakda ng wakas ng Unang Digmaang Hudyo-Roma, nagtatapos sa pagkawasak ng Ikalawang Templo, ang puso ng relihiyon, pulitikal, at kultural na buhay ng mga Hudyo.
Ang pagbagsak at ang resulta nito ay humugis sa diaspora ng mga Hudyo, nag-impluwensya ng paglalahad ng Hudaismo at Kristyanismo, at nagtakda ng isang matagumpay ngunit hindi mapalagay na panahon sa Imperyong Romano.
Kumukulong Tensyon Sa Pagitan Ng Mga Hudyo At Romano
Sa mga taon bago ang 70 AD, ang Jerusalem ay napakalaki ang kahalagahan bilang pulitikal, kultural, espiritwal na sentro ng Hudyong pamumuhay.
Ang Ikalawang Templo, itinayo matapos ang pagbabalik mula sa Babilonyang Pagkakatapon noong ikaanim na siglo BC, tumatayo bilang tampulan ng pagsambang pangrelihiyon ng mga Hudyo.
Ang Hudea, ang rehiyon na nakapaligid sa Jerusalem, ay naging isang kliyenteng kaharian ng Roma noong 63 BC matapos ang matagumpay na pagkubkob ng Romanong heneral na si Pompey sa Jerusalem.
Sa mga nakalipas na ilang dekada, ang relasyon sa pagitan ng Roma at mga sakop nitong Hudyo ay malubha.
Isang serye ng mga Romanong gobernador, napagtanto ng maraming Hudyo na tiwali at walang pakiramdam sa mga kautusang Hudyo at tradisyon, nagpalala sa mga tensyong ito.
Dagdag pa, ang napakabigat na buwis na ipinataw ng Roma ay nagpagana ng kaligaligan sa mga mamamayan ng Hudyo.
Ang Paghihimagsik Ng Mga Hudyo (66-70 AD)
Ang Unang Digmaang Hudyo-Romano, madalas tinawag na Paghihimagsik ng mga Hudyo, ay nagsimula noong 66 AD.
Ang pag-aalsa ay isang reaksyon sa isang serye ng pulitikal at pangrelihiyong tensyon, kabilang ang mga pagkakataon ng maling tuntunin ng mga Romano at isang lumalaking nasyonalistikong kaalaban sa mga pangkat ng mga Hudyo.
Ang himagsikan ay sinimulan ng tagumpay ng mga rebeldeng Hudyo, na nagawang paalisin ang maliit na Romanong garison na naka-istasyon sa Jerusalem.
Gayunman, dagliang ipinadala ng Roma ang isang mas malaking pwersa upang sugpuin ang rebelyon, nagbubuo ng entablado para sa pagkubkob at sa huli’y pagbagsak ng Jerusalem.
Ang Mga Pangunahing Manlalaro Ng Pwersa
Vespasian: Ang Romanong Emperador
Si Vespasian ay ang Romanong emperador na nagpasimula ng kampanya laban sa paghihimagsik ng mga Hudyo noong 66 AD. Gayunman, sa panahon ng digmaan, siya’y tinawagan pabalik sa Roma sa gitna ng isang pulitikal na krisis at pagkatapos ay lumitaw sa kapangyarihan bilang emperador noong 69 AD, nag-iiwan sa kanyang anak na si Titus bilang pinuno ng kampanyang Hudea.
Titus: Ang Romanong Heneral
Si Titus, ang anak ni Vespasian, ay ang Romanong heneral na pinangunahan ang pagkubkob at pagkawasak ng Jerusalem noong 70 AD. Siya ay nagsilbi sa ilalim ng kanyang ama sa kampanya laban sa paghihimagsik ng mga Hudyo at nakuha ang kapangyarihan matapos bumalik si Vespasian sa Roma. Si Titus ay kilala sa kanyang kakayahang militar at pamumuno, na napakahalaga sa matagumpay ngunit mabangis na pagkubkob sa Jerusalem.
Josephus: Ang Mananalaysay At Saksi
Si Flavius Josephus, orihinal na Yosef ben Matityahu, ay isang Hudyong mananalaysay at militar na lider na naging Romanong mamamayan. Una siyang lumaban sa mga Romano sa panahon ng pag-aalsa ngunit sumuko at naging bilanggo.
Sa huli, nakuha niya ang pabor ni Vespasian at naglingkod bilang kanyang tagapagsalin at tagapayo. Nagsulat si Josephus ng isang komprehensibong talaan ng Paghihimagsik ng mga Hudyo, kabilang ang Pagbagsak ng Jerusalem, sa kanyang gawa na “The Jewish War.”
Ang kanyang mga gawa ay nagbibigay ng isa sa pinakadetalyadong kapanahunang mga talaan, bagama’t dapat nilang basahin nang kritikal, isaalang-alang ang kanyang kumplikadong personal na kasaysayan at ang potensyal sa pagkiling.
Mga Lider At Pangkat Ng Mga Hudyo
Sa panahon ng paghihimagsik at paglusob, ang Jerusalem ay hindi pinagkaisa sa ilalim ng iisang lider ngunit naging asilo sa maraming pangkat ng mga Hudyo.
Kabilang sa mga ito ang mga Panatiko, mga militanteng nasyonalista na gumanap ng isang mahalagang papel sa pagsisimula ng rebolusyon laban sa Roma; ang mga Pariseo, na mga eksperto sa kautusang Hudyo at mayroong isang mahalagang pangrelihiyong kapanalig; at ang mga Saduceo, na karamihan ay mga aristokratikong kaparian.
Ang kawalan ng pagkakaisa at alitan sa mga pangkat na ito ay nag-ambag sa kahirapan sa pagbuo ng isang magkakasamang depensa laban sa mga Romano.
Ang Pagkubkob Sa Jerusalem
Noong tagsibol ng 70 AD, tinipon no Titus ang kanyang hukbo sa paligid ng Jerusalem. Ang kanyang hukbo ay binuo ng humigit-kumulang 60,000 tauhan, kabilang ang mga Romanong lehiyon, reserba, at mga tropa na ibinigay ng mga rehiyonal na kaalyado. Ang pwersang Romano ay mahusay ang armas at may karanasan, sumagupa na sa mga pag-aalsa ng Hudyo sa loob ng ilang taon. Sa loob ng siyudad, ang mga Hudyong manananggol ay nasa isang estado ng kaguluhan dahil sa alitan sa mga iba’t ibang pangkat. Sa kabila nito, sila’y naghanda para sa paglusob sa pag-iimbak ng pagkain at pagpapatibay ng mga pader ng siyudad. Ang heograpikong posisyon ng Jerusalem sa mataas na lupa at ang mabigat na mga muog ay nagpakita ng isang dakilang hamon sa mga Romanong mananalakay. Ang pagkubkob ay tumagal ng humigit-kumulang limang buwan. Sa simula, tinangka ng mga Romano na butasin ang mga pader ng siyudad gamit ang tore ng pagkubkob at pambayo ng pader.
Nang ito’y nabigo, sila’y dumulog sa pagbangkalong, layunin na gutumin ang buong siyudad hanggang sumuko.
Ang mga kondisyon sa loob ng siyudad ay agad naging desperado. Ang pagkain at suplay ng tubig ay lumiit, at kumalat ang sakit sa mga naninirahan. Ang labanan sa mga pangkat ng Hudyo ay nagpatuloy, lalong nagpahina sa mga depensa ng siyudad.
Ayon sa mga makasaysayang talaan, ang mga Romanong sundalo ay sinunog ang Templo, binalewala ang kautusan ni Titus na hayaan ito. Ang Templo, isang kahanga-hangang istruktura na itinuring na puso ng pangrelihiyong buhay ng Hudyo, ay naging abo.
|
Noong tag-init ng 70 AD, ang mga Romano ay tuluyang nasira ang Ikatlong Pader, pagkatapos ang Ikalawa, at sa huli ay nabutas ang mabigat na pinatibay na Unang Pader, pumapasok sa Mataas na Siyudad.
Patayan At Pagkawasak
Isa sa mga pinakamahalaga at nakakadurog ng pusong kaganapan sa panahon ng pagbagsak ng Jerusalem ay ang pagkawasak ng Ikalawang Templo.
Ayon sa mga makasaysayang talaan, ang mga Romanong sundalo ay sinunog ang Templo, binalewala ang kautusan ni Titus na hayaan ito. Ang Templo, isang kahanga-hangang istruktura na itinuring na puso ng pangrelihiyong buhay ng Hudyo, ay naging abo. Naganap ito sa ikasiyam na araw ng Hebreong buwan ng Av, isang petsa na patuloy na tinatalima ng mga Hudyo ngayon bilang Tisha B'Av, isang araw ng pagdadalamhati at pag-aayuno. Ang pagbagsak ng Jerusalem ay sinamahan rin ng napakalaking kawalan ng buhay. Si Josephus ay nagbibigay ng isang talaan ng pagpatay, nagpapahayag na ang mga Romano ay pumatay ng marami sa mga naninirahan sa siyudad. Ang eksaktong bilang ay pinatalunan at marahil ay pinalala sa talaan ni Josephus, ngunit malinaw na ang sukat ng pagpatay ay napakalaki.
Iyong mga hindi pinatay ay kinuha bilang mga alipin, marami ang ipinadala sa mga minahan sa Egipto o ibinenta sa merkado. Ang mga Romano ay lubusang sinibak ang siyudad ng Jerusalem. Ang mga gusali, tahanan, at pader ay sinira, iniiwan ang siyudad sa pagguho. Ang antas ng pagkawasak ay ganon kaya inangkin ni Josephus na iyong mga binisita ang siyudad matapos ang pagkawasak ay maaaring bahagyang paniwalaan na ito’y tinirahan.
Ang mga Romano ay dinala ang mga kayamanan ng Templo bilang mga samsam ng digmaan, kabilang ang Menorah, na tanyag na inilarawan sa Arko ni Titus sa Roma.
Ang Mga Laganap Na Salpok Ng Pagbagsak
Ang pagbagsak ng Jerusalem ay mayroong mga kagimbal-gimbal, pangunahing kahihinatnan sa mga Hudyo. Libu-libo ang namatay sa panahon ng pagkubkob, at iyong mga nakaligtas ay hinarap ang pagkakaalipin, pagkakatapon, o buhay sa isang gumuhong siyudad. Ang pagkawala ng Ikalawang Templo ay partikular na mapaminsala, sapagkat ito ay hindi lamang sentro ng pagsambang pangrelihiyon kundi isang simbulo rin ng pambansang pagkakakilanlan.
Ito’y nagtatakda ng pagsisimula ng isang mahabang diaspora para sa bayan ng Hudyo. Sa siyudad na gumuho at ang Ikalawang Templo ay nawasak, maraming Hudyo ang pinaalism ibinenta sa pagkakaalipin, o pinili na lisanin ang rehiyon.
Sila’y nagtatag ng mga komunidad sa buong Imperyong Romano at lagpas pa, malalim na hinuhugis ang Hudyong karanasan at pagkakakilanlan.
Sa pagkawasak ng templo, ang kasanayan ng Hudaismo ay kailangang umangkop, nangangailangan ng isang mahalagang pagbabago sa kaisipan at kasanayang pangrelihiyon, humahantong sa paglalahad ng Rabinikong Hudaismo.
Para sa Imperyong Romano, ang pagbagsak ng Jerusalem ay isang napakahalagang tagumpay, nagpapalakas ng pamumuno ni Emperador Vespasian at kanyang anak na si Titus.
Ang tagumpay ay ipinagdiwang sa Roma sa isang pagdiriwang prusisyon, sapagkat inilarawan sa Arko ni Titus, at pinagtibay ang kanilang kapangyarihan matapos ang hindi mapalagay na Taon ng Apat na Emperador.
Ang pagkawasak ng Jerusalem ay mayroon din isang malalim na salpok sa maagang Kristyanong samahan. Maraming tagasunod ni Yahushua ay nilisan ang siyudad bago ang paglusob, ipinapalaganap ang kanilang paniniwala sa ibang bahagi ng Imperyong Romano. Para sa ilan, ang pagkawasak ng Templo at ang siyudad ay pinatunayan ang mga propetikong babala ni Yahushua tungkol sa pagbagsak ng Jerusalem.
Ang Kristyanismo ay nagsimulang umunlad nang wala ang isang sentrong Hudyong awtoridad sa Jerusalem at nakakalat na mga Hudyong komunidad.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://www.historyskills.com/classroom/ancient-history/siege-of-jerusalem-ad-70/
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC