Ang Pagbabalik Ni Yahushua Ay Magiging Biglaan At Pinaka Hindi Inaasahan
Ang Banal na Espiritu ni Yahuwah Ama ay nagpahanga sa amin ng pangangailangan na muling suriin ang makasaysayang pamamaraan ng pagpapaliwanag ng mga propesiya ng Bibliya sa ating paghahangad ng katotohanan. Ang aming dating denominasyonal na pamana ay puspos ng historisismo, lubusang nakaapekto sa aming pag-aangkop at pagkakaunawa ng mga kaganapan sa huling araw. Gayunman, noong muli naming pinag-aralan ang paksang ito, ang mga antas ay bumagsak sa aming mga mata, at maaari naming makita na napakalinaw kung paano ang historisismo ay isang hadlang na pumipigil sa amin mula sa nararapat na pagkakaunawa ng Aklat ng Pahayag at ang Olibong Diskurso.
Historisismo
Ang historisismo ay ipinapalagay ang mga propesiya ng kawakasan ng panahon ng Daniel at Pahayag ay natupad sa buong kasaysayan; kaya, ang pangalan. Ang pag-aabandona sa historisismo ay nagpwersa sa amin na burahin ang daan-daang artikulo, episodyo ng radyo, at mga vidyo.
Ang pagwawaksi ng mga kamalian at pagpapalit sa mga ito ng biblikal na patotoo ay palaging isang kagalakan para sa mga lehitimong naghahangad ng patotoo. Gayunman, ang pagwawaksi sa historisismo ay naghatid ng mga mala-unos na pagbabago sa aming mga paniniwala, na itinuring na kaligtasan. Sinasabi naming kaligtasan sapagkat ang historisismo, na pinagkakatiwalaan namin sa nakaraan at karaniwang pinanghahawakan ng dakilang karamihan ng mga Kristyanong denominasyon, pinipigilan ang mga tagasunod nito mula sa pagkakaunawa ng mga pagtuturo ni Panginoong Yahushua sa Aklat ng Pahayag at ang mga Ebanghelyo, tiyakan ang Olibong Diskurso. Sa ibang salita, ang historisismo ay tumatakbo nang salungat sa mga malilinaw na pagtuturo ni Yahushua.
Ang historisismo ay sumasalungat sa mga pagtuturo ni Yahushua sa mga sumusunod na paraan:
1. Pinangunahan nito ang mga Kristyano ng bawat panahon upang asahan ang pagbabalik ni Kristo sa kanilang panahon.
Kaya, ang bawat henerasyon ay naabisuhan na tumingin para sa mga partikular na tanda ng panahon na nagaganap sa kanilang kapanahunan. Ilan sa bawat henerasyon ay tumungo nang malayo sa pagtatakda ng mga petsa, gaya ng ginawa ng mga Millerittes noong 1840s, noong ipinahayag nila ang Oktubre 22, 1844, bilang petsa ng pagbabalik ni Yahushua sa lupa. Marami noong 1840s sa Amerika at, sa isang mababang antas, sa Europa at saanman ay nasasabik tungkol sa pagtuturong ito at alinsunod na humugis sa kanilang mga buhay. Kaya, naranasan nila ang isang mapait na kabiguan noong ang kanilang mga inaasahan ay hindi natupad. Ang ‘dakilang kabiguan’ na ito ay pinatigas ang puso ng maraming manunuya at, mas malala, nagbigay ng paglitaw sa bagong denominasyon, ang Seventh-day Adventist Church. Sa halip na pagwawaksi ng bigong historisismong pamamaraan ng pagpapaliwanag ng propesiya ng Bibliya, ang denominasyong ito ay nagpatuloy sa pagtatayo ng mga natatangi nitong doktrina na pumipigil sa milyun-milyon sa buong mundo mula sa tamang pagkakaunawa ng mga pagtuturo ni Yahushua sa mga Ebanghelyo at ang Aklat ng Pahayag.
2. Pinangunahan nito ang mga Kristyano na maging ‘tagamasid ng tanda’ sa halip na pagtutok sa pag-aaral ng Kasulatan.
Kaya, ang mga kasalukuyang kaganapan at pagsubaybay sa mga balita ang naging tampulan. Ang bawat panganahing kaganapan ay ipinaliwanag bilang isang tanda ng panahon—mga lindol, taggutom, digmaan, alingawngaw ng digmaan, alitang sibil, atbp. Sa WLC, kami rin, ay bumagsak mula sa panlilinlang na ito at nagsimulang kunin ang mga kasalukuyang sakuna bilang isang tanda ng nalalapit na pagbabalik ni Yahushua. Ito ay nagawa dahil mali ang aming pagkakaunawa sa Olibong Diskurso at ang Aklat ng Pahayag. Naisip namin na ang mga tanda na ibinigay ni Yahushua sa Olibong Diskurso ay maaaring iangkop sa bahagi sa pagbagsak ng Jerusalem kundi mga mahalagang tanda ng muling pagdating ni Yahushua.
Gayunman, ang ganoong pagkakaunawa ay mali at salungat sa anong ipinagtapat ni Yahushua kay Pedro, Andres, Santiago, at Juan. Ang mga tanda na mayroon si Yahushua sa Olibong Diskurso ay mga tanda ng nalalapit na pagkawasak ng Templo at Jerusalem noong 70 AD at walang kinalaman sa muling pagdating ni Yahushua.
Walang Ibinigay Na Tanda Si Yahushua Ano Pa Man Ng Kanyang Pagbabalik.
Ang tanging pahiwatig na ibinigay ni Yahushua sa mga alagad ay ito’y magiging biglaan at kung kailan pinaka hindi inaasahan.
Dagdag pa, hindi kagaya ng pagkawasak ng templo at Jerusalem, kung saan si Yahushua ay nagbigay ng mga tiyakang tanda at isang balangkas ng panahon para sa kaganapang ito, ipinahayag niya na walang sinuman (maging siya) ang nakakaalam ng araw o oras ng kanyang pagbabalik maliban sa Ama (Mateo 24:36).
Ngunit nagpahiwatig si Yahushua na ang kanyang pagbabalik ay maaantala. Makikita natin ang mga pahiwatig na ito sa mga sumusunod na talinghaga:
Ang Talinghaga tungkol sa mga Talento: “Sapagkat maihahalintulad dito ang kaharian ng Diyos: May isang taong maglalakbay… Pagkaraan ng mahabang panahon, dumating ang panginoon ng mga aliping iyon, at kanyang inalam kung ano na ang nangyari sa kanyang salapi.” (Mateo 25:14)
Ang Talinghaga ng Tapat at ang Di-tapat na Alipin: “Matatagalan pa ang aking panginoon.” (Mateo 24:48)
Ang Talinghaga tungkol sa Sampung Dalaga: “Ang kaharian ng langit ay maihahalintulad sa sampung dalaga na kumuha ng kani-kanilang ilawan at lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal… Habang natatagalan pa ang pagdating ng lalaking ikakasal ay inantok silang lahat at nakatulog. Ngunit nang hatinggabi na ay may sumigaw, ‘Narito na ang lalaking ikakasal! Lumabas kayo at salubungin siya.’” (Mateo 25:1-6). Ang mga dalaga ay naisip na ang lalaking ikakasal ay paparating, at kaya lumabas upang salubungin siya. Ngunit hindi siya dumating noong naisip nila na darating siya. Ang pagdating ng lalaking ikakasal ay tumagal sa inasahan. At kaya sila naghintay. Ngunit sa mas matagal na paghihintay, mas inaantok sila. Sa wakas, ang kanilang mga mata ay naging mas mabigat, at lahat sila (ang parehong matatalino at mga hangal) ay nakatulog. Sa paghahati ng gabi, dumating siya. Kaya sa talinghagang ito, nakukuha natin ang pahiwatig ng isang pagkaantala at ang pagkabigla ng kanyang pagdating. Walang tanda kung kailan ang lalaking ikakasal ay darating.
Ang buhay sa Daigdig ay magiging lubos na normal kapag si Kristo Yahushua ay biglaang nagbabalik.
Ito ay isang kakaibang pahayag na mula sa WLC sa liwanag ng aming mga nakaraang nakagigilalas na vidyo tungkol sa mga trumpeta at ang pagkawasak na dulot ng mga trumpetang ito sa ating daigdig, na aming binura dahil ang mga ito’y ganap na spekulasyon na nasa direktang kontradiksyon sa anong itinuro ni Yahushua sa Olibong Diskurso.
Tayo’y makinig sa anong ipinahayag ni Yahushua tungkol sa kondisyon ng mundo bago ang Kanyang pagbabalik.
Gaya noon sa panahon ni Noe
“Subalit tungkol sa araw at oras na iyon ay walang nakaaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, maliban sa Ama. Kung paano noong kapanahunan ni Noe, gayundin naman sa pagdating ng Anak ng Tao. Sapagkat kung paano noong mga araw na iyon bago dumating ang baha, ang mga tao'y kumakain at umiinom, nag-aasawa at pinag-aasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong. At wala silang kaalam-alam hanggang sa dumating ang baha, at tinangay silang lahat. Gayundin naman sa pagdating ng Anak ng Tao.” Mateo 24:36-39
Sinabi ni Yahushua na ang kanyang pagbabalik ay magiging katulad sa panahon ni Noe. Kaya, anong nalalaman natin sa mga araw na iyon? Iyon ay mga araw ng dakilang kasamaan at sukdulang karahasan. Iyon ay mga araw ng mga higante at Nephilim kasama ang mga bumagsak na anghel na sinusubukang pasamain ang sangkatauhan. Iyon ay mga araw ng matitigas na puso sa mga mensahe ng babala na dumating sa pamamagitan ni Noe. Maaaring ginamit ni Yahushua ang mga puntong ito upang ikumpara ang panahon ni Noe at iyong sa kanyang pagbabalik.
Dapat tayong maging handa para sa pagbabalik ni Yahushua sa araw-araw ng ating mga buhay, sapagkat siya ay darating sa isang panahon na hindi natin inaasahan. Mas marahil ay pumanaw na tayo sa anumang araw kaysa sa pagbabalik ni Yahushua sa isang tiyakang araw. Sapagkat hindi natin makontrol kung kailan tayo mamamatay, marapat tayo na palaging handa araw-araw sa ating mga buhay.
|
Ngunit hindi Niya ginamit ang anuman sa mga ito.
Anong sinabi niya na ginagawa nila sa panahon ni Noe, na magiging kapareho kapag siya ang nagbabalik? Sila’y kumakain, umiinom, nag-aasawa at pinag-aasawa ang kanilang mga anak. Sa isa pang sipi sa Lucas 17, nagsasalita rin siya tungkol sa panahon ni Lot. Muli, maaari niya pag-usapan ang tungkol sa kasamaan at sekswal na imoralidad kung nais niya.
Ngunit hindi Niya ginawa.
Sila’y kumakain, umiinom, nag-aasawa, bumibili, nagbebenta, nagtatanim at nagtatayo. Ganito marahil ang mga magaganap kapag si Yahushua ay nagbabalik. Kaya, ano ang binibigyang-diin ni Yahushua? Binibigyang-diin niya na ang buhay ay magiging normal kapag siya ay biglaang nagbabalik sa Lupa. Ang mga tao ay walang ideya na sa panahon ni Noe na ang paghuhukom ay paparating ngunit kumikilos sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Sigurado, mayroong isang baliw na Noe kasama ang kanyang pamilya na nagtatayo ng isang malaking bangka para sa nalalabing dekada, ngunit pinabayaan na lamang siya at ipinahayag siya na isang matandang luku-luko. Gayundin, ang mga tao ay walang ideya na ang paghuhukom ay paparating sa panahon ni Lot. Sila’y gumagawa ng anong palagi nilang nais gawin, iyon ay kumakain, umiinom, bumibili, nagbebenta, nagtatanim at nagtatayo. Sa parehong kaso, ito’y karaniwang buhay hanggang ang mga matutuwid ay inilagay sa isang kanlungan ng kaligtasan, at pagkatapos ang paghuhukom ay dumating.
Kaya, anong maaari nating matutunan mula sa lahat ng nabanggit?
Dapat tayong maging handa para sa pagbabalik ni Yahushua sa araw-araw ng ating mga buhay, sapagkat siya ay darating sa isang panahon na hindi natin inaasahan. Mas marahil ay pumanaw na tayo sa anumang araw kaysa sa pagbabalik ni Yahushua sa isang tiyakang araw. Sapagkat hindi natin makontrol kung kailan tayo mamamatay, marapat tayo na palaging handa araw-araw sa ating mga buhay.
Pagwawakas
1. Nagbigay si Yahushua ng isang tanda para sa kanyang muling pagdating.
2. Nagpahiwatig si Yahushua na mayroong isang pagkaantala sa kanyang pagdating.
3. Nagpahiwatig si Yahushua na ang kanyang pagbabalik ay nasa pinaka hindi inaasahan at magiging ina ng lahat ng mga pagkabigla.
4. Dapat tayong maghanda sa pang-araw-araw ng ating mga buhay, sa malakas na posibilidad na ang ating kamatayan ay maaaring mas malapit na kaysa sa kanyang pagbabalik. Ang mga tanda ay hindi nauuna alinman sa ating biglaang kamatayan o kanyang pagbabalik.
5. Ang buhay ay magiging normal sa Daigdig bago siya biglaang nagbabalik. Ito ay kung bakit ang karamihan sa mga Kristyano ay mabibitag sa pagkagulantang kapag siya ay bumabalik. Gayunman, ang mga handa ay hindi.
Pangwakas Na Panalangin:
Yahuwah Ama,
Maraming salamat sa pangunguna sa WLC na iwaksi ang historisismo nang tuluyan kaya maaari naming maunawaan ang mga pagtuturo at mga babala ni Yahushua nang tama. Maraming salamat para sa pagpapatawad sa amin mula sa mga nakaraang kamangmangan at sa mga maling gawain, kung saan kami pinaka nagsisisi. Tulungan mo kaming mamuhay sa araw-araw upang maging handa kami na harapin ang kamatayan o salubungin si Panginoong Yahushua pabalik sa lupa. Pinupuri namin ang iyong pangalan magpakailanman dahil sa iyong walang hanggang awa at pagtitiis sa iyong pakikitungo sa amin.
Sa Ngalan ni Yahushua, kami’y nananalangin sa iyo.
Amen.