Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Sa loob ng pinakamahabang panahon, ako’y hindi disidido sa aking pananaw sa eskatolohiya, at ito’y isang mahabang panahon bago ako tumingin sa paksa ano pa man. Bilang isang may hangganang tao at hindi makakayang magbungkal nang patas sa bawat paksa, nagbigay ako ng prayoridad sa ilang paksa sa iba pa. Noong nagsimula ako sa pag-aaral ng apolohetika at teolohiya, nagbigay ng higit na prayoridad sa pag-aaral at pagsasaliksik ng Likas na Teolohiya, Makasaysayang Apolohetika, ang pagtatalo sa paglikha/ebolusyon, at soteryolohiya sa halip na mga bagay gaya ng pagtatalo sa sesasyonalismo (na hindi ko pa nakukuha hanggang ngayon) at eskatolohiya. Sa huli, lumibot ako sa pag-aaral ng eskatolohiya at nagulat nang malaman na ang teolohiya ng “Left Behind” na itinuro sa akin sa simbahan ay hindi pangkalahatang hawak ng mga Kristyano. Isang malawak na tanghal ng mga paniniwala ang isinilang, katulad sa paglikha at soteryolohiya. Dagdag pa, ang aklat na pinag-aralan ko, eskatolohiya (The Apocalypse Code ni Hank Haangraaf), ay nakipagtalo laban sa futuristang pananaw na itinuro sa akin. Ito’y nakipagtalo sa preterismo. Nagsimula akong magduda nang lubusan sa futurismo sa puntong iyon at nagsimulang sumandal sa preterismo. Kinamamayaan, nabasa ko ang aklat ni R.C. Sproul na The Last Days According To Jesus, at iyon ay ginawa akong mas umasa nang mabigat sa preterismo.
Ang preterismo ay ang pananaw sa eskatolohiya (iyon ay ang pag-aaral ng katapusan ng panahon) na nagsasabi na karamihan (Bahagyang Preterismo) o lahat (Ganap na Preterismo) ng mga propesiya ng Bibliya ay natupad na, at ang mga propesiyang ito ay natupad noong unang siglo. Ito’y sumasalungat sa futurismo, na nagpapahayag na ang Pahayag, Mateo 24-25, at iba pang eskatolohikong teksto ay nananatiling hindi pa natutupad.
Sa panahon ngayon, ituturing ko ang aking sarili bilang isang preterista. Nakikita ko ang bahagyang preteristang posisyon, sa kasalukuyan, mas makatuwiran kaysa sa mga alternatibong pananaw na tiningnan ko. Nais kong ibahagi ang ilang dahilan sa blog post na ito.
DAHILAN 1
Ang Mateo 24-25 ay isang tanyag na eskatolohikong teksto. Narito’y tila sinasabi ni Yahushua ang tungkol sa pagkawasak ng Templo ng Jerusalem noong 70 AD, ibinigay na agaran bago ang Olibong Diskurso, nahulaan ni Yahushua ang pagkawasak ng templo. Nahulaan ni Yahushua ang pagkawasak ng templo (Mateo 24:2), at agaran pagkatapos, sinasabi ng kasulatan na ang mga alagad ay nagtanong sa kanya, “Kailan magaganap ang mga bagay na ito at ano ang palatandaan ng iyong pagdating, at ng katapusan ng panahon?” (berso 3), at pagkatapos ang Olibong Diskurso ay mabilis na sumusunod. Ang agarang konteksto ay magpapahiwatig na sinasabi ni Yahushua ang tungkol sa pagkawasak ng templo sa halip na ang katapusan ng sanlibutan. Para sa akin, ito’y tila ang mga alagad ay nagtatanong ng dalawang katanungan na sinundan ng kasagutan mula kay Yahushua: (1) Magaganap ba ito (iyon ay ang pagkawasak ng templo), at (2) kailan ang tanda ng iyong pagdating? Kung ito ang kaso, ito’y nagbabawal sa karaniwang teksto na ginamit upang makipagtalo para sa rapture na sasabihin para sa rapture, gayong ang mga tekstong patunay ay matatagpuan sa kabanata 24. Kung ang Olibong Diskurso ay hindi tungkol sa mga kaganapan sa hinaharap kundi mga kaganapan malapit sa pagwawakas ng unang siglo, ang tanyag na tekstong patunay ng rapture na matatagpuan sa Mateo 24 ay hindi maaaring tungkol sa hindi na nagaganap na rapture. Sinabi iyon, maaari mo pa ring magamit ang isa sa 1 Tesalonica dahil ang konteksto ng tekstong patunay ng rapture ay sinasalita ang mga kaganapan sa hinaharap (buhat nang sinasabi ni Pablo ang tungkol sa muling pagkabuhay ng mga patay sa pagbabalik ni Kristo). Hindi lamang iyon, kundi ang katunayan na sinasabi ni Yahushua, “Hindi lilipas ang salinlahing ito” bago ang lahat ng mga ito ay dumating sa katuparan (berso 34) ay nagpapahiwatig na si Yahushua ay hindi sinasabi ang tungkol sa katapusan ng sanlibutan kundi ang wakas ng panahon ng mga Hudyo sapagkat syempre, ang sanlibutan ay hindi pa nagwawakas. Ang panahon ng mga Hudyo ay nagwakas sa pagkawasak ng templo ng Jerusalem. Habang may mga tangka na ipaliwanag ang berso 34 sa mga paraan na alinsunod sa futurismo, hindi ko natatagpuan ang mga pagpapaliwanag na ito na malapit na makatuwiran sa isa na preterista, pangunahin dahil ang nalalabi ng sipi ay tila itinataguyod ang isang preteristang pagpapaliwanag nang mas mabigat.
DAHILAN 2
Sa Olibong Diskurso, sinasabi ni Yahushua, “Ang mga nasa Hudea ay tumakas na at pumunta sa mga bundok. Huwag nang bumaba ang nasa ibabaw ng bahay upang kumuha ng anuman sa loob ng kanyang bahay. At ang nasa bukid ay huwag nang bumalik upang kumuha ng kanyang balabal. Ngunit kay saklap para sa mga buntis at mga nagpapasuso ang mga araw na iyon! Kaya’t ipanalangin ninyo na ang pagtakas ninyo ay hindi matapat sa taglamig o sa araw ng Sabbath. Sapagkat sa panahong iyon ay magkakaroon ng matinding kapighatiang hindi pa nangyari mula sa pasimula ng sanlibutan hanggang ngayon, at hindi na kailanman mangyayari pa” (Mateo 24:16-21). Ngunit kung ang mga kaganapan na sinabi ni Yahushua, na nauna at nagpatuloy sa mga bersong ito, ay tungkol sa apokalipsis, pagkatapos ay may saysay ba sa iyo na tumakbo saanman? Ano pa man, ang sanlinbutan ay paparating sa isang katapusan! Hindi mahalaga kung saan ka sa sanlibutan tatakbo! Dagdag pa, kung ang sanlibutan ay nagwawakas, tila patotoo sa sarili na sabihin na ang pangangamba sa mga araw na iyon ay hindi na kailanman mangyayari pa. Syempre, hindi na. Si Yahuwah ay lumilikha ng isang bagong lupa na wala nang paghihirap pa (Pahayag 21:4). Ngunit ang wika na ginamit ni Yahushua ay ikinumpara ang pagkabagabag sa mga araw na iyon sa pangangamba na darating matapos iyon, sinasabi na ang mga susunod ay hindi magiging kasing-sama.
DAHILAN 3
Ang kasuklam-suklam na kalapastanganan na tinutukoy ni Yahushua sa anyo na nahulaan ni propeta Daniel sa Daniel 9. Gayunman, sa sipi ng Daniel 9, sinasabi nito na ang pinahiran (Mesias) ay ilalagay sa kamatayan, sinundan ng “mga tao ng prinsipeng darating” at wawasakin ang siyudad. Ang mga ito’y nahulaan sa berso 26. Ang bersong ito ay nahuhulaan ang parehong kamatayan ng mesias at pagkawasak ng Jerusalem. Pagkatapos ay sinasabi ng berso 27, “At pagtitibayin niya ang tipan sa marami sa isang sanlinggo: at sa kalahati ng sanlinggo ay kaniyang ipatitigil ang hain at ang alay; at sa pakpak ng mga kasuklam-suklam ay paroroon ang isang maninira; at hanggang sa wakas, at pagkapasiya ay mabubuhos ang poot sa maninira.” Ang Daniel 9 ay tila hinuhulaan ang mga kaganapan noong unang siglo AD. Buhat nang tinutukoy ni Yahushua ang Daniel 9 sa kanyang Olibong Diskurso, hindi ba nito itinataguyod ang isang preterisyang pagkakaunawa ng teksto? Iyong kasuklam-suklam na kalapastanganan ay isang unang siglong Romanong emperador (Nero) sa halip na isang panghinaharap na Anti-Kristong anyo? Sa tingin ko’y ganon.
DAHILAN 4
Tungkol sa aklat ng Pahayag, retorikang tanong ng mga preterista, “Kung si Juan ay inilalarawan ang isang lubos na panghinaharap na siyudad, at iyon kung bakit ang mga larawan sa aklat ng Pahayag ay lubos na marahas at nakakalito, bakit pa pinukaw ni Yahuwah ang kanilang mga salita ano pa man? Ang aklat ba na ito sa Bibliya ay walang saysay sa karamihan sa mga Kristyano sa lahat ng kasaysayan?” Sa tingin ko’y sila ay gumagawa ng isang mabuting punto. Walang bunga para kay Yahuwah na magpukaw ng isang aklat na hindi pakikinabangan ng simbahan mula sa 2,000 taon na lumipas at magagawa lamang na ipaliwanag nang malabo sa ilang taong nalalabi bagong ang pagbabalik ni Kristo at sinasabing, “Oo! Ang mga balang na may maiingay na pakpak ay mga helikoptero! Ang ‘buhay na istatwa ng anti-Kristo’ ay animatroniko! Ang mga kabayong nagbubuga ng apoy mula sa kanilang mga bibig ay mga tangke!” Sinasabi ng 2 Timoteo 3:16 na ang lahat ng kasulatan ay hininga ni Yahuwah at matulungin para sa pagtuturo, pagsaway, pagsasanay sa katuwiran, atbp. Ngunit maliban sa ilang anyo ng preterismo na nararapat, paano ito? Sasabihin namin na kahit papaano ang aklat ng Pahayag ay hindi matulungin, kahit papaano’y hindi hanggang ika-21 siglo.
Bakit Hindi Ko Maaaring Yakapin Ang Ganap Na Preterismo
Ngayon, hindi ko maaaring yakapin ang ganap na preterismo. Ang mga tiyak na teksto ay sinasabi ang tungkol sa mga kaganapan na hindi pa natutupad. Halimbawa, sinasabi ng 1 Tesalonica 4:16-18 ang tungkol sa muling pagkabuhay ng mga patay sa pagbabalik ni Kristo. Ngayon, ang propesiyang ito ay hindi natupad sa unang siglo. Kung ang lahat ng mga patay ay muling nabuhay noong unang siglo, mahuhuli nito ang pansin ng maraming may-akda noong unang siglo. Mismo, mababanggit ito nila Josephus o Tacitus. Mismo, ang mga maagang ama ng simbahan ay maitatala ito. Ang muling pagkabuhay ng mga tao sa buong sanlibutan sa kaparehong panahon ay isang napakahirap na bagay na panatilihin mula sa pagkakatala sa kasaysayan sapagkat ito ay isang dramatikong kaganapan.
Natanto ng mga Ganap na Preterista ang suliraning ito, kaya sila’y sinusubukang makipagtalo na ang muling pagkabuhay ay naganap sa unang siglo subalit isang “espiritwal” na muling pagkabuhay sa halip na isang pisikal, literal na muling pagkabuhay ng katawan. Ang espiritu ng mga patay ay umakyat sa Langit, sinasabi nila, sa halip na ang mga katawan ng mga taong ito ay bumangon. Ang problema ay sinasabi ng Bibliya na ang muling pagkabuhay ni Yahushua ay isang pisikal, muling pagkabuhay ng literal na katawan (1 Corinto 15:12-20, Lucas 24:41-43), at sinasabi rin ng Bibliya na ang muling pagkabuhay ni Yahushua ay nagbabadya sa atin (Filipos 3:20-21). Sa kasong iyon, kung ang ating muling pagkabuhay ay espiritwal, ang kay Yahushua ay espiritwal rin. Kung ang ating muling pagkabuhay ay pisikal, ganon din si Yahushua. Subalit ang kay Yahushua ay hindi espiritwal. Ito ay pisikal! Mula roon, sinusundan nito na ang atin ang ganon din. Mula roon, sinusundan nito na ito’y hindi pa nagaganap sapagkat hindi madalumat na ang muling pagkabuhay ng literal na katawan ng mga patay sa buong mundo ay hindi makikita mula sa napakaraming dokumento mula sa panahong iyon.
Mayroon tayong mabuting dahilan na isipin na ang ganap na preterismo ay huwad. Gayunman, ang bahagyang preterismo ay marami pang nagpapatuloy para rito.
|
Ibig sabihin rin nito na ang muling pagdating ni Kristo ay hindi pa nagaganap mula nang ang 1 Tesalonica 4 ay idinudugtong ang muling pagkabuhay ng katawan ng sangkatauhan sa pagbabalik ni Kristo. Ang mga kaganapan ng 70 AD ay katulad lamang ng isang munting apokalipsis, at muling dumating si Yahushua sa isang espiritwal na diwa, ngunit hindi pa siya dumarating sa isang pisikal na diwa. Ang isa ay maaaring sabihin na ang “munting apokalipsis” na ito ay nagbabadya ng mas dakilang apokalipsis na hindi pa dumarating. Ang espiritwal na “pagdating” ni Kristo noong 70 AD ay nahulaan ang pisikal na pagdating ni Kristo sa ika-21 o ilang susunod na siglo.
Dagdag pa, mismo ang Pahayag 21 ay hindi natupad noong unang siglo sapagkat ang kabanata ay nagsasalita ng wala nang kamatayan, pagdadalamhati, pagtatangis, o sakit dahil ang mga dating bagay ay lumipas na (berso 4). Bueno, mayroon pa ring kamatayan, pagdadalamhati, pagtatangis, at sakit. Kung medyo nagdududa ka pa tungkol doon, tumutok lamang sa mga balita.
Kaya may mabuting dahilan tayo na maniwala na may mga ilang propesiya pa na matutupad, mayroon tayong mabuting dahilan na isipin na ang ganap na preterismo ay huwad. Gayunman, ang bahagyang preterismo ay marami pang nagpapatuloy para rito.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Evan Minton.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC