Mayroon Bang “Mga Tanda” Ng Muling Pagdating Ni Kristo?
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Ilan sa mga tao ay ginagawa ang prediksyon na ang pagbabalik ni Yahushua ay isang ganap na libangan. Ang Mateo 24 ba ay naglalaman ng mga tanda na kailangan upang mahulaan ang pagbabalik ni Kristo Yahushua?
Ang kasaysayan ng simbahan ay puno ng mga halimbawa ng mga nakagigilalas na “propeta” na umakit sa pampublikong atensyon sa pag-aangkin na nalalaman ang panahon ng pagbabalik ng Panginoon.
Ang kasaysayan ng simbahan ay puno ng mga halimbawa ng mga nakagigilalas na “propeta” na umakit sa pampublikong atensyon sa pag-aangkin na nalalaman ang panahon ng pagbabalik ng Panginoon.
|
Si William Miller, tagapagtatag ng samahang Adventist, inanunsyo na si Kristo ay darating sa taong 1843; noong nabigo ang prediksyon na iyon, isang rebisyon ang ginawa at ang taong 1844 ay itinakda. Ang “propesiya” na iyon ay napatunayan na tila kinapos sa tanda.
Si Joseph Smith, ng katanyagang Mormon, itinuro na darating si Kristo nang hindi lalagpas ng 1891, ngunit nabigo rin siya.
Si C. T. Russell, ang tagapagtatag ng organisasyong Watchtower, ipinahayag na ang Muling Pagdating ay magaganap sa taong 1914.
Isa sa mga pinakabagong prognostikador ay si Hal Lindsay, may-akda ng tanyag na aklat, The Late Great Planet Earth, na nakipagtalo na ang mga “tanda” ng Mateo 24 ay nagpapahiwatig na si Yahushua ay babalik sa lupa sa taong 1988.
Dumarating si Lindsay na pagtatapos na ito sa pagpapahiwatig na ang “salinlahi” na nasaksihan ang muling pagsilang ng Israel noong 1948 ay masasaksihan rin ang pagbabalik ng Panginoon. Sapagkat ang isang salinlahi ay ipinalagay na humigit-kumulang 40 taon, ang sapantaha ni Lindsay ay babalik si Kristo para tuparin ang “rapture” (isang nosyon na walang biblikal na taguyod) sa taong 1988. Dagdag niyang tinatapos na buhat ang rapture ay susundan ng isang pitong taong panahon ng “tribulasyon,” makikita ang paglitaw ni Yahushua sa taong 1995 upang mapagtagumpayan ang “Labanan sa Armageddon” at kaya ang pagsisimula ng kanyang milenyal na paghahari.
Nabanggit natin sa ibabaw, ang diumano’y patotoo para sa pananaw na ang Panginoon ay babalik sa taong 1995 o sinabi na matatagpuan sa Mateo, kabanata 24.
Ang Olibong Sermon ay hinati sa dalawang pangunahing bahagi: una, inilabas ni Yahushua ang nalalapit na pagkawasak ng Jerusalem at ang mga “tanda” ay magpapahayag ng kaganapang iyon; ikalawa, sinalita niya ang kanyang huling pagbabalik at ang kakulangan ng mga tanda na maglalarawan ng kaganapang iyon.
Ang Olibong Sermon ay hinati sa dalawang pangunahing bahagi: una, inilabas ni Yahushua ang nalalapit na pagkawasak ng Jerusalem at ang mga “tanda” ay magpapahayag ng kaganapang iyon; ikalawa, sinalita niya ang kanyang huling pagbabalik at ang kakulangan ng mga tanda na maglalarawan ng kaganapang iyon.
|
Gayong umalis ang Panginoon mula sa Jerusalem (Mateo 24:1, 2), ang kanyang mga alagad ay tinawagan ang kanyang atensyon sa mga gusali sa templo. Nagtanong ang Panginoon: “Hindi ba't nakikita ninyo ang lahat ng mga ito? Tinitiyak ko sa inyo, wala ritong maiiwan kahit isang bato na nasa ibabaw ng isa pang bato. Lahat ng mga ito'y pawang ibabagsak.”
Sa kanilang pag-upo sa Bundok ng Olibo, ang mga alagad ay tinanong ang Panginoon kung kailan ang “mga bagay na ito” at ano ang “tanda” ng kanyang pagdating at katapusan ng panahon. Malamang ay ipinalagay nila na ang pagkawasak ng templo at ang kawakasan ng panahon ay magkasabay. Si Kristo Yahushua, sa diskurso na susundan, ay hinangad na itama ang kanilang maling akala.
Ang Olibong Sermon ay hinati sa dalawang pangunahing bahagi: una, inilabas ni Yahushua ang nalalapit na pagkawasak ng Jerusalem at ang mga “tanda” ay magpapahayag ng kaganapang iyon (4-34); ikalawa, sinalita niya ang kanyang huling pagbabalik at ang kakulangan ng mga tanda na maglalarawan ng kaganapang iyon (35-sumusunod pa).
Walang duda na isang malungkot na trahedya na ang mga isterikong mananapalaran sa propesiya ng Bibliya ay kukunin ang mga “tanda” na iyon na may kaugnayan lamang sa pagkawasak ng sinaunang Jerusalem at nagtatangka na bigyan ang mga ito ng isang modernong paggamit sa konteksto ng isang nuklear na Armageddon!
Ang Mga Tanda
Ang mga tanda na nabanggit ng Panginoon ay matatagpuan sa Mateo 24:4-14. Hindi natin kukunin ang panahon upang talakayin ang mga ito sa artikulong ito. Patuloy, sapat nang sabihin na ang bawat isa sa mga ito ay natupad sa loob ng 40 taon sa pagitan ng diskurso ng Panginoon at ng pagkawasak ng Jerusalem noong 70 AD. Ating itagubilin ang tatlong mabubuting pinagkukunan ng materyal sa koneksyong ito:
- J. Marcellus Kik, Matthew XXIV, Presbyterian & Reformed, 1948.
- Roy Deaver, “Matthew 24” sa Premillennialism — True Or False?, Wendell Winkler, Ed. , 1978, pp. 105ff.
- Cecil May, “Matthew 24,” The Biblical Doctrine of Last Things, David Lipe, Ed., 1984, pp. 115ff.
Ang mga ito’y mahuhusay na kasangkapan para sa pag-aaral ng temang ito.
Sa timbang ng artikulong ito, nais kong tiyakang ipakita na ang mga “tanda” ng Mateo 24:4-14 ay hindi matatagpuan ang kanilang katuparan sa panghuling pagbabalik ni Kristo.
May apat na malalakas na mga argumento na nagpapakita na ang mga tanda sa Mateo 24 ay nauugnay sa pagkawasak ng Jerusalem noong 70 AD.
“Hindi lilipas ang salinlahing ito, hanggang . . .”
Ang pagpapahayag na “ang lahat ng mga ito” ay tinutukoy ang mga tanda na ibinigay ng Panginoon. At “ang lahat ng mga ito”—ay magaganap bago “ang salinlahing ito” ay lilipas.
|
Una, sa dakilang berso na iyon na nagtatakda ng “kontinental na pagkakahati” ng kabanata. Malinaw na sinabi ni Yahushua: “Tinitiyak ko sa inyo, hindi lilipas ang salinlahing ito, hanggang hindi nagaganap ang lahat ng mga ito” (berso 34). Ang pagpapahayag na “ang lahat ng mga ito” ay tinutukoy ang mga tanda na ibinigay ng Panginoon. At “ang lahat ng mga ito”—ay magaganap bago “ang salinlahing ito” ay lilipas.
Ang katanungan ay—ano ang kahulugan ng “salinlahing ito”? Ang mga dispensasyonalista ay mahilig sa pagsabi na ang “salinlahi” na iyon ay tinutukoy ang “lahi;” kaya, ito lamang ay parunggit sa lahi ng mga Hudyo; at kaya, ang Panginoon ay nagpapahiwatig na ang mga tanda na ito ay matutupad habang ang lahing Hudyo ay pinanatili (ikumpara sa The Scofield Reference Bible).
Gayunman, ang ganoong pananaw ng “salinlahi” ay nasa pagkakaiba sa paggamit ng salitang iyon sa Bagong Tipan. Sa kanilang Greek Lexicon, nagkomento sina Arndt & Gingrich na ang genea [“salinlahi”] ay batayang tinutukoy “ang kabuuan ng mga isinilang sa kaparehong panahon, lumawak sa pagsama ng lahat ng mga nabubuhay sa isang ibinigay na panahon ng henerasyon, mga kapanahunan” (p. 153). Isang pagsisiyasat ng marami sa mga sipi sa ebanghelyo ni Mateo ay agarang kinukumpirma ito (ikumpara sa 11:16; 12:39, 41, 42, 45; 16:4; 17:17; 23:36). Malinaw dahil dito, ang mga tanda ng Olibong aral ay limitado sa unang siglo.
Mga Mahahalagang Sinaunang Detalye
Bagama’t sina Lindsay at iba pa ay nakipagtalo na ang mga paglalarawan ng Mateo 24 ay nagpapahiwatig ng isang ika-20 siglo na pandaigdigang nuklear na labanan, ang mga kontekstwal na pagsasaalang-alang ay ipinapakita na ang Panginoon ay mayroong malinaw na sanggunian sa isang sinauna at lokal na kalagayan.
Isaalang-alang ang mga sumusunod na dahilan:
- Tiniyak ni Kristo na ang paparating na pagkawasak ay sangkot ang lugar ng sinaunang templo [“ang banal na lugar” – 24:15] at ang siyudad ng Jerusalem (ikumpara sa Lucas 21:20).
- Ang mga alagad sa Hudea ay binalaan na “tumakas na at pumunta sa mga bundok” (16) —mga pagtuturo na halos hindi nararapat sa isang panahon ng atomikong atake! Gayunman, ayon sa patotoo ng mananalaysay na si Eusebius, ang mga Kristyano ay tumakas tungo sa Pella, silangan ng Ilog Jordan bago ang paglusob sa Jerusalem at kaya naligtas ang kapalaran ng mga Hudyo.
- Nagbabala ang Panginoon: “Huwag nang bumaba ang nasa ibabaw ng bahay upang kumuha ng anuman sa loob ng kanyang bahay” (17). Muli, ang ganoong pagtuturo ay halos walang saysay kung ang Tagapagligtas ay sinalita ang isang modernong nuklear na paglusob. Ngunit ginagawa nito ang sakdal na saysay dahil ang mga kabahayan sa lumang Jerusalem ay patag ang bubungan at magkakatabi sa isa’t isa. Naaayon, ang mga Kristyano ay maaaring magpatuloy, sa “kalsada ng mga bubong,” hanggang sa hangganan ng siyudad at tumakas (ikumpara sa Edersheim, Sketches of Jewish Social Life, p. 93).
- Ang paalala na “ipanalangin ninyo na ang pagtakas ninyo ay hindi matapat sa taglamig” (20) ay inaasahan ang mga primitibong kondisyon kapag ang paglalakbay ay magiging napakahirap.
- “Ipanalangin ninyo na ang pagtakas ninyo ay hindi matapat … sa araw ng Sabbath” ay kinukuha sa talaan ang katunayan na ang mga tarangkahan ng sinaunang siyudad ay sarado sa araw ng Sabbath (ikumpara sa Nehemias 13:19), isang katunayan, syempre, na hindi nakamit matapos ang pagkawasak ng siyudad.
Ang Pagtuturo Ni Yahushua Tungkol Sa Muling Pagdating
Ang mga paglalarawan na ipinakilala ni Yahushua upang matiyak ang paghahanda para sa kanyang Muling Pagdating ay pinagsarhan ang posibilidad ng mga tanda na ibinigay upang tukuyin ang panahon ng kaganapang iyon.
Sa maraming matitingkad na mga makasaysayang paglalarawan, ang Panginoon ay ipinahayag na walang tagapaghiwatig ng panahon ang ibibigay upang maghudyat ng kanyang pagbabalik; sa halip, ang Araw ng Paghuhukom ay mahuhuli ang mga tao na walang kamalayan..
|
Sa maraming matitingkad na mga makasaysayang paglalarawan, ang Panginoon ay ipinahayag na walang tagapaghiwatig ng panahon ang ibibigay upang maghudyat ng kanyang pagbabalik; sa halip, ang Araw ng Paghuhukom ay mahuhuli ang mga tao na walang kamalayan.
Itala ang mga sumusunod:
- Habang ang mga tao sa panahon ni Noe ay nagpatuloy sa kanilang normal na ginagawa “hanggang sa araw” na dumating ang baha, “gayundin naman sa pagdating ng Anak ng Tao” (38, 39).
- Ang mga tao ng sinaunang Sodoma ay walang kamalayan ng papalapit na sakuna hanggang sa “araw na umalis si Lot sa Sodoma,” gayunman, “ganoon din ang mangyayari sa araw na maihayag ang Anak ng Tao” (Lucas 17:28-30).
- Ipinahayag na Kristo ay darating nang hindi inaasahan, gaya ng isang magnanakaw. “Unawain ninyo ito: Kung alam ng may-ari ng bahay kung anong bahagi ng gabi darating ang magnanakaw, magbabantay siya at hindi niya hahayaang malooban ang kanyang bahay. Dahil dito’y maging handa rin kayo, sapagkat ang Anak ng Tao ay darating sa oras na hindi ninyo aakalain” (43, 44; ikumpara sa 1 Tesalonica 5:2; 2 Pedro 3:10).
- Ang talinghaga ng mga dalaga sa Mateo 25 mismo ay nagtuturo ng aral ng patuloy na paghahanda, sapagkat ang lalaking ikakasal ay darating sa pinaka hindi inaasahang oras [ang oras sa hatinggabi — isang pinaka nakagugulantang na oras para sa isang kasal!].
Wala sa Mateo 24 na nagtataguyod ng teorya na si Kristo ay nagbigay ng ilang tanda na magpapahayag ng kawakasan ng panahon.
Mismong Mga Salita Ni Yahushua
“Subalit tungkol sa araw at oras na iyon ay walang nakaaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, maliban sa Ama.” (Mateo 24:36)
|
Isa sa mga pinaka mapanghikayat na punto na nagpapakita na ang Panginoon ay walang ibinigay na tanda kung saan ang katapusan ng panahon ay maaaring bilangin ay ang katiyakan sa berso 36. “Subalit tungkol sa araw at oras na iyon ay walang nakaaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, maliban sa Ama.”
Ang argumento ay nagwawasak: bagama’t nagbigay ng mga tanda si Yahushua sa Mateo 24:4-14, maging siya ay hindi nalalaman kung kailan ang panahon ng kanyang Muling Pagdating. Ito dapat ay halata sa sinuman (iligtas iyong mga ganap na nalinlang) na ang mga tanda ng Mateo 24 ay hindi maaari sa anumang paraan na gamitin upang tukuyin ang panahon ng Pagbabalik ng Panginoon!
Hindi ba tila kakaiba na ang mga modernong “propeta” ay maaaring basahin ang Mateo 24 at mahulaan ang panahon ng katapusan ng panahon; subalit maging si Kristo Yahushua ay hindi mabigkas o mabasa ang mensahe ng kanyang pagbabalik?!
Walang tanda tungkol sa panahon ng katapusan ng panahong ito. Tayo’y magsikap, dahil dito, na palaging maghanda para sa pagbabalik ng Panginoon, o sa kamatayan, alinman ang mauuna.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Wayne Jackson.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC