Sina Enoc at Elias ay Wala sa Langit! Ngunit alam mo ba ang sinasabi ng Bibliya kung nasaan sila?
Ang mga Kristyano ay matagal nang naniwala na sina Enoc at Elias ay “inilipat” sa Langit. Ang paniniwalang ito, gayunman, ay batay sa isang maling pagpapalagay. Matutunan kung ano ang sinasabi ng Bibliya kung anong tunay na nangyari matapos silang kunin ni Yahuwah. Hindi ito ang sinabi sa iyo! |
May pinaniwalaan ka ba na totoo subalit matutuklasan mo lamang sa huli na ikaw ay mali . . . at ito’y dahil ang iyong paniniwala ay batay sa isang maling pagpapalagay? Mayroon ako! At palagi ako namamangha na matutunan ang totoo dahil, kadalasan, ang mga katunayan ay nandyan lamang, nakakaligtaan ko lamang sila dahil hindi sila naaayon sa aking pagpapalagay.
Iyon ang nangyari sa mga kwento nila Enoc at Elias. Ipinalagay natin na noong “kinuha” sila ni Yah, sila’y kinuha Niya sa Langit. Ngunit hindi ganito ang kaso at maaari kong patunayan ito mula sa Bibliya!
Enoc
Karamihan sa mga nalalaman natin kay Enoc ay matatagpuan sa apat na berso sa Genesis 5:
At nabuhay si Enoc na anim na pu't limang taon, at naging anak si Matusalem: At lumakad si Enoc na kasama ni Yahuwah, pagkatapos na maipanganak si Matusalem na tatlong daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae: At ang lahat na naging araw ni Enoc ay tatlong daan at anim na pu't limang taon: At lumakad si Enoc na kasama ni Yahuwah: at di siya nasumpungan, sapagka't kinuha ni Yahuwah. (Genesis 5:21-24, ADB)
Kawili-wili na tandaan na si Moises ay hindi sinabi na si Enoc ay nananatiling lumalakad kasama ni Yahuwah. Tiyak na gagawin niya ito; may mga salita siya para ipahayag iyon! Ngunit hindi niya ginawa. Sa halip, hinanay niya ito bilang isang bagay na nagawa na ni Enoc. Dagdag pa, malinaw na ipinahayag ni Moises: “At ang lahat na naging araw ni Enoc ay tatlong daan at anim na pu't limang taon.” Kung si Enoc ay dinala sa Langit gaya ng ipinalagay natin, ang bilang ng kanyang panahon ay patuloy na tataas. Subalit hindi iyon ang sinabi ni Moises.
Simple lang ang dahilan: Namatay si Enoc. Malamang sa panahon ng marahas, bago ang Pagbaha, ang tagapagturo ng katuwiran na ito ay pinatay. Ang sagradong talaan ay tahimik sa partikular na ito. Gayunman, isang katunayan ang maaari nating malaman nang malinaw na si Enoc ay namatay. Ilang libong taon ang lumipas, ang minamahal na si Juan, sa ilalim ng pagkapukaw, ay isinulat: “Walang sinumang nakaakyat sa langit maliban sa kanya na bumaba mula sa langit, ang Anak ng Tao.” (Juan 3:13, FSV) Ito ay tinatawag na pahayag na pangkalahatan. Napapabilang dito ang lahat: “Walang sinumang nakaakyat sa langit.”
Ang pagkalito ay pumasok sa salitang “inilipat.” Ipinahayag ng Hebreo 11:5: “Sa pananampalataya si Enoc ay inilipat upang huwag niyang makita ang kamatayan; at hindi siya nasumpungan, sapagka't siya'y inilipat ni Yahuwah: sapagka't bago siya inilipat ay pinatotohanan sa kaniyang siya'y naging kalugud-lugod kay Yahuwah.” Pansinin na hindi nito sinabi na si Enoc ay kinuha patungong Langit noong siya’y inilipat. Ipinahayag na hindi siya nasumpungan.
Ang salitang “inilipat” ay nagmula sa salitang Griyego na, metatithemi. Ang pangunahing kahulugan ng salitang ito ay “para dalhin sa ibang lugar . . . [para] ilipat.”1 Ito ang kaparehong salitang Griyego na, sa Mga Gawa 7:16, ay isinalin na “inilipat” noong ipinapaliwanag iyon matapos ang kamatayan ni Jacob, ang kanyang katawan ay inilipat/dinala/metatithemi sa Shechem kung saan inilibing siya kasama ang kanyang mga magulang sa yungib ng Machpelah. Sa ibang salita, ginawa ni Yahuwah kay Enoc ang ginawa Niya rin kay Moises: “Sa gayo'y si Moises na lingkod ni Yahuwah ay namatay roon sa lupain ng Moab ayon sa salita ni Yahuwah. At Kaniyang [Yahuwah] inilibing siya [Moises] sa libis sa lupain ng Moab na nasa tapat ng Beth-peor; nguni't sinomang tao ay hindi nakaaalam ng libingan niya hanggang sa araw na ito.” (Deuteronomio 34:5-6, ADB)
Para sa parirala na si Enoc ay inilipat “upang huwag niyang makita ang kamatayan,” tandaan na ang Kasulatan ay nagtuturo ng dalawang kamatayan: mayroong kamatayan ng katawan na resulta ng kasalanan, at mayroong kamatayan (sukdulang pagkawasak) ng kaluluwa. Ang kapalarang ito ay naghihintay sa lahat ng tatangging bumalik kay Yah para sa pagsisisi. Ito ang ikalawang kamatayan na tinukoy ng may-akda ng Hebreo 11 dahil sa huli, sa kaparehong kabanata na iyon, malinaw na sinabi, “Ngunit ang lahat ng mga ito, bagaman kinalugdan ni Yahuwah dahil sa kanilang pananampalataya, ay hindi tumanggap ng ipinangako.” (Hebreo 11:39) Lahat ay nakalista sa Hebreo 11—at kabilang doon si Enoc—na namatay sa pisikal na kamatayan, ngunit dahil sa pananampalataya, hindi nila “makikita” ang ikalawang kamatayan ng pagkawasak.
Elias
Ang kwento ni Elias ay sadyang nakakaintriga dahil hindi lamang siya “inilipat” ni Yahuwah sa ibang lugar sa pamamagitan ng isang maalab na karwahe, ngunit ang Kasulatan ay ipinapakita na siya ay namuhay sa lupa sa loob ng apat hanggang limang taon matapos nito!2
Ipinahayag ng 2 Mga Hari 2:11 na “si Elias ay sumampa sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo.” Ang salitang “langit” sa Kasulatan ay tumutukoy sa ilang iba’t ibang antas. Mayroong Langit—ang ikatlong langit—na tahanan syempre ng Manlilikha. Mayroong ikalawang langit na kabilang ang mga makalangit na katawan, ang araw, ang buwan, at mga bituin. Ang langit na tinukoy sa 2 Mga Hari 2:11 ay ang unang langit: ang atmospera. Halatang-halata, para magkaroon ng ipoipo, ito dapat ay nasa unang antas ng “langit.” Habang nauunawaan natin, ang mga ipoipo ay hindi umiiral nang lagpas sa palyo na bumabalot sa atmospera sa ibabaw ng lupa.
Mas nakakaintriga pa ay anong nangyari kay Elias matapos ito. Ang Kasulatan ay hindi sinabi kung saan, tiyakan, dinala si Elias, ngunit ang katunayan na ang manta ng pamumuno ay ipinasa kay Eliseo habang patuloy na nabuhay si Elias ay nagiging malinaw kapag natutunan mo ang kasaysayan ng mga hari ng Juda at Israel. Bago kinuha si Elias, isang bagong hari ang dumating sa trono ng Israel. Nakakalito para sa mga modernong mambabasa, ang bagong hari ng Israel ay may kaparehong pangalan sa hari ng Juda. Sila’y parehong tinawag na Joram! (Tingnan ang 2 Mga Hari 1:17.) Ang Joram ng Juda ay kasamang namumuno ang kanyang ama, si Josaphat, sa loob ng dalawang taon sa panahong ito. Apat na taon ang lumipas, namatay si Haring Josaphat noong 845 BCE. Si Joram, ang hari ng Juda, ay agad pinaslang ang kanyang mga kapatid upang matiyak ang trono. Lumipat rin siya upang muling itatag ang paganismo sa buong Juda. Naitala ng Kasulatan, “sapagka't kaniyang pinabayaan si Yahuwah, ang Elohim ng kaniyang mga magulang.” (2 Paralipomeno 21:10, ADB) Subalit matapos nito, isang bagay na kahanga-hanga ang naganap! Isang bagay na imposible kung patay na si Elias o nasa Langit na kasama ni Yahuwah. Nakatanggap ang masamang haring Joram ng isang sulat.
Bukod dito'y kaniyang [Joram ng Juda] ginawa ang mga mataas na dako sa mga bundok ng Juda, at pinasamba sa diosdiosan ang mga taga Jerusalem, at iniligaw ang Juda. At dumating ang isang sulat sa kaniya na mula kay Elias na propeta, na sinasabi, Ganito ang sabi ni Yahuwah, ng Elohim ni David na iyong ama, sapagka't hindi ka lumakad ng mga lakad ni Josaphat na iyong ama, o ng mga lakad man ni Asa na hari sa Juda: Kundi ikaw ay lumakad ng mga lakad ng mga hari sa Israel, at iyong pinasamba sa diosdiosan ang Juda at ang mga nananahan sa Jerusalem, gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab; at iyo rin namang pinatay ang iyong mga kapatid sa sangbahayan ng iyong ama, na lalong mabuti kay sa iyo: Narito, si Yahuwah ay mananalot ng malaki sa iyong bayan, at sa iyong mga anak, at sa iyong mga asawa, at sa lahat ng iyong pag-aari: At ikaw ay magkakasakit ng mabigat, na sakit ng iyong tiyan, hanggang sa lumabas ang loob ng iyong tiyan dahil sa sakit araw-araw. (2 Paralipomeno 21:11-15, ADB)
Ito’y kahanga-hanga talaga! Ang sulat na ito ay dumating humigit-kumulang apat na taon matapos si Elias “ay sumampa sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo.” (2 Mga Hari 2:11) Habang hindi natin nalalaman kung saan siya namuhay sa nalalabi ng kanyang karaniwang buhay, ito’y hindi sa Langit. Malinaw, gaya ng sinabi ni Juan halos isang libong taon ang lumipas, “walang sinumang nakaakyat sa langit.” (Juan 3:13) Sina Enoc at Elias, bilang mga matatapat na alagad ng Kataas-taasan, ay namamahinga sa libingan at naghihintay sa pagbabalik ni Yahushua kung kailan, kasama ang lahat ng mga matatapat ng lahat ng panahon, ay babangon nang walang dungis upang mabuhay magpakailanman sa lupa na ginawang bago.
1 Greek-English Lexicon of the New Testament, 1969 edition.
2 Ang paglilipat sa pamamagitan ng Espiritu ni Yahuwah ay hindi na naririnig. Mayroon kahit isa, malamang ay dalawang insidenteng ibinigay sa Kasulatan. Ang una, naitala sa Lucas 4, noong ang mga taong-nayon ng Nazaret ay tinangkang patayin si Yahushua sa Sabbath:
Pagkarinig dito, nagngitngit sa galit ang lahat ng nasa sinagoga. Nagtindigan sila at itinaboy siya papalabas ng bayan at dinala siya sa bingit ng burol na kinatatayuan ng kanilang bayan upang ihulog siya roon. Ngunit siya ay dumaan lamang sa kalagitnaan nila at umalis. Bumaba siya patungong Capernaum na isang bayan ng Galilea. Doon ay nagturo siya sa kanila sa araw ng Sabbath. (Lucas 4:28-31, FSV)
Ang ikalawang kaganapan ay matapos bautismuhan si Felipe ng eunukong taga Ethiopia:
Nang umahon sila sa tubig, biglang inagaw ng Espiritu ng Panginoon si Felipe, at hindi na siya nakita ng eunuko. Nagagalak itong nagpatuloy sa kanyang paglalakbay. Samantala, natagpuan si Felipe sa Azotus. Mula roon ay ipinangaral niya ang Magandang Balita sa lahat ng mga bayan hanggang sa makarating siya sa Cesarea. (Mga Gawa 8:39-40, FSV)