Nakatuon ang World’s Last Chance sa pagsisiwalat ng katotohanan at katotohanan lamang sapagkat ito’y natuklasan mula sa Kasulatan. Maraming organisasyon at indibidwal ang pinili na pabayaan o ibaon ang anumang bagong patotoo na hindi pumapabor sa kanilang mga naunang ipinahayag na paniniwala, ipinapalagay na ang mga tao ay mawawalan ng pananalig sa kanila kung sila’y gagawa ng isang kursong pagtatama. Kapag nalimbag sa mga aklat, itinuro sa mga kongregasyon o inilathala sa isang website, ang mga matagal nang paniniwala ay tila ipinasok sa kongkreto.
Naniniwala ang World’s Last Chance na ang patotoo ay patuloy na sumusulong at nakipagtipan upang dalhin sa website nito ang sumusulong na patotoo sapagkat ito’y natutupad. Magkakaroon, dahil dito, sa mga dating materyal ng tila hindi katugon sa mga bagong lathala. Gayunman, naramdaman na ang mga ibang patotoo sa mga naunang naisulat na artikulo ay nananatiling mahalaga at hindi dapat alisin at iwaksi dahil sa kawalan ng pagpabor.
Isang halimbawa ay ang paggamit ng tamang pangalan ng Manlilikha, Yahuwah, at Kanyang Anak, Yahushua. Maraming artikulo, video, at eKurso sa World’s Last Chance ang patuloy na may pangalan gaya ng Hesus, Diyos, Panginoon, atbp. Ang mga ito’y itatama gayong pinahihintulutan ng panahon, subalit napakaraming bagong materyal na isusulat kaya ang pangkat ng WLC ay pinili na kumilos sa paglalathala ng bagong materyal, bago pa ang lahat ng mga naunang materyal ay itama.
Sinasabi ng Kasulatan na ang Manlilikha ay pinalalampas ang ating panahon ng kamangmangan (Mga Gawa 17:30). Ganito kabuti at maunawain si Yahuwah! Kung ikaw ay may nakasalubong na dating paganong pangalan na ginamit, magiliw na padalhan kami ng kopya ng URL at ang agrabyadong talata para sa aming pagtatama.
Karamihan sa mga tao ay sanay na marinig ang makalangit na Ama na tawaging "Panginoon" o “Diyos.” Hindi iyon ang Kanyang pangalan, gayunman! Sa mga panahon sa Bibliya, hindi Siya kailanman tinawag sa katagang iyon. Ang “Diyos” ay ang salita na ginamit ng mga paganong Teutonikong tao ng Hilagang Europa para sa kanilang makademonyong bagay ng pagsamba. Noong sila’y naging Kristyano, inilipat lamang nila ang salita mula sa kanilang mga demonyong diyos tungo sa Manlilikha. Maaaring hindi isang paraan upang parangalan ang makalangit na Ama!
Kapag ang isang salita ay inilipat mula sa isang wika tungo sa isa pa, ito marahil ay isinalin o isinatitik. Kapag ito’y isinalin ang kahulugan ng salita ay ang inilipat. Kapag ito’y isinatitik ang tunog ng salita ay ang inilipat. Ang pagsasatitik ng personal na pangalan ng Ama, gayong ibinigay sa Kasulatan, sa katunayan ay YHWH, binigkas bilang Yahuwah. Ang pagsasalin ng pangalang ito ay Ako Yaong Ako Nga. Ipinapahiwatig nito na ang Isa na nagtataglay ng pangalan ay umiiral sa sarili mula sa walang hanggang nakaraan tungo sa walang hanggang hinaharap. Noong si Moises ay nagtanong kung paano siya dapat tumugon kapag ang mga Israelita ay nagtanong kung sino ang nagsugo sa kanya para sa kanila, ang tugon ay: “AKO YAONG AKO NGA . . . Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA.” (Exodo 3:14)
Habang “Hesus” ang karaniwang ginamit upang tukuyin ang Anak, sa katunayan, ito’y nagmula sa Griyego na “Iesus,” tumutukoy sa paganong diyos, Zeus. Ang pangalan ng Anak ni Yahuwah ay lubos na kagaya ng Kanyang sarili: Yahushua. Tulad ng sariling personal, banal na pangalan ng Ama, ang kahalagahan ng pangalan ng Anak ay matatagpuan sa kahulugan nito. Ang napakagandang kahulugang nakapaloob sa pangalan ng Tagapagligtas ay isang sumasaklaw sa lahat na rebelasyon ng makapangyarihang kaligtasang inalok sa mga makasalanan. Ibig sabihin ng Yahushua ay:
- Tumubos si Yahuwah! (Isang sigaw ng tulong sa Isa na maaaring makatulong.)
- Nagliligtas si Yahuwah! (Isang magalak na pahayag ng katunayan.)
- Tagapagligtas si Yahuwah (Isang panahunang kasalukuyang agarang aksyon.)
- Kaligtasan ni Yahuwah! (Isang sumasaklaw sa lahat na pahayag ng sino at ano ang Tagapagligtas.)
Noong si anghel Gabriel ay isinugo kay Maria upang ipahayag na magdadalang-tao siya ng Anak ni Yahuwah, sinabi niya kay Maria ang pangalan ng sanggol: “Magdadalang-tao ka at magsisilang ng isang lalaki, at tatawagin mo siya sa pangalang Yahushua.” (Lucas 1:31) Sinabi rin kay Jose ang kaparehong bagay ng anghel: “Magsisilang siya ng isang lalaki at ang ipapangalan mo sa kanya ay Yahushua sapagkat ililigtas niya ang kanyang sambayanan mula sa kanilang mga kasalanan.” (Mateo 1:21)
Sa Kasulatan, mayroong mahigit 360 pangalan o titulo para sa Ama at Anak, mula sa Rosas ng Sharon, hanggang sa Tagapagbigay. Ibang pangalan na inangkop sa Ama at Anak ay: Ang Liryo ng Lambak, Aking Pastol, Aking Manggagamot, Aking Bandila (sa Digmaan), Aking Gabay, Aking Liwanag, Aking Tinapay, Aking Buhay. Ang Elohim, Eloah, o El, ay nangangahulugang Makapangyarihan. Sa sinaunang panahon, ang mga magulang ay ibig pangalanan ang kanilang mga anak sa ilalim ng pagkapukaw kay Yahuwah. Ito ay nakita sa maraming pangalan na naglalaman ng mga sanggunian kay Yahuwah (Yah) at El.
- Abijah – AbiYah: tagasamba ni Yah
Azariah – AzarYah: tumulong si Yahuwah
Azaziah – AzazYahu: nagpalakas si Yahuwah
Daniel – DaniEl: hukom ng El
Elijah – EliYah: El ng Yah (Makapangyarihan ng Yahuwah)
Elisabeth – Elisbet: El ng panunumpa
Ezekiel – YechzqEl: El ang magpapalakas
Gabriel - Gabriy'El: tao ng El
Isaiah – YeshaYah: nagligtas si Yahuwah - Ismaiah – YishmaYah: makikinig si Yahuwah
Israel – YisraEl: mamamahala siya (bilang) El
- Jedidiah – YediydeYah: minamahal ni Yah
Jeremiah – YermeYah: babangon si Yahuwah
Joel – Yah’El: si Yah (ang kanyang) El (Makapangyarihan)
Jonathan – Yahownathan: kaloob ni Yahuwah
Joshua – Yehushuwa: nagliligtas si Yahuwah - Josiah – YoshiYah: itinatag ni Yahuwah
Michaiah – MiykaYah: sinong gaya ni Yah?
Michael – Miyka’El: sinong gaya ng El?
Mishael – Mysha’El: sino kung ano ang El
Samuel – Shemuw’El: narinig ng El
Zechariah – ZekarYah: inalala si Yahuwah
Ang World’s Last Chance ay ginagamit ang mga tunay na pangalan nina Yahuwah at Yahushua, sa halip na mga pangalan at mga titulo na unang inangkop sa mga paganong diyos.
Gayunman, ang Kanyang banal na pangalan ay dapat na palaging gamitin nang maingat at nang may sukdulang paggalang at respeto. Ang mga salita ni Yahuwah ay mayroong kapangyarihan! Ipinapakita ng Kasulatan na ang Makapangyarihan ay napakalakas kaya maging ang Kanyang mga salita ay sapat na ang awtoridad upang gawin kung ano ang salita. (Tingnan ang Isaias 55:11.) Ito ay kung bakit, noong nilikha Niya ang sanlibutan, gagawin Niya lamang ay bumigkas: “Magkaroon ng liwanag,” at nagkaliwanag! Upang sabihin ang mismong pangalan na ibinigay mismo ng Makapangyarihang Manlilikha ay para bigkasin ang isang banal na salita na naglalaman ng walang hanggang kapangyarihan. Kapag ang mga banal na anghel ay sinalita ang Kanyang pangalan, binabalutan nila ang kanilang mga mukha bilang paggalang sapagkat ito ay banal at makapangyarihan gaya ng Isa na tinutukoy nila.
___________________________________________________________
Nauugnay na Video:
- Pangalan Niya’y Kahanga-hanga | Bahagi 1 – Tumawag sa Kanyang Pangalan!
- Pangalan Niya’y Kahanga-hanga | Bahagi 2 - Yahuwah: Pangalan ng Pangako
- Pangalan Niya’y Kahanga-hanga | Bahagi 4 – Ang Pangalan Niya’y Nasa Noo
Nauugnay na Artikulo:
eKurso:
___________________________________________________________
Why does WLC believe that rendering the Son's Name as "Yahusha" is incorrect?