Matutunan ang mga Kaloob ng Pagkamatuwid sa Pananampalataya!
Ang pagkamatuwid sa pananampalataya ay ang kaloob na nagpapatuloy sa pagbibigay. Ito ay palagian, walang katapusang donasyon ng sariling pagkamatuwid ni Kristo na nagdadala ng iba pang kaloob sa bakas nito. |
Ang pagkamakatuwiran sa pananampalataya ay ang mismong puso ng ebanghelyo. Si Yahuwah na iniibig ang mga makasalanan nang lubos, gagamitin Niya ang mga merito ng pagkamatuwid ni Yahushua sa lahat ng tumatanggap nito sa pananampalataya ay nagpapakita ng isang kalaliman ng pag-ibig na ang mismong walang hanggan ay hindi ito maaaring ilantad nang ganap. At kung hindi pa sapat iyon, ang pagkamakatuwiran sa pananampalataya ay nagdadala ng mas marami pang kaloob na nagpapabago sa makasalanan patungo sa banal na larawan.
Ngunit si Yah, na mayaman sa awa, dahil sa Kanyang dakilang pag-ibig sa atin, kahit noong tayo'y mga patay pa dahil sa ating mga pagsuway, ay binuhay niyang kasama ni Kristo. Dahil sa biyaya tayo'y iniligtas. At dahil kay Kristo Yahushua, tayo'y muling binuhay na kasama niya, at iniluklok na kasama niya sa kalangitan, upang sa mga panahong darating ay Kanyang maipakita ang walang kapantay na kayamanan ng Kanyang biyaya sa pamamagitan ng Kanyang kabutihan sa atin na matatagpuan kay Kristo Yahushua.
Dahil sa biyaya kayo'y iniligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito'y hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; ito'y kaloob ng Diyos, hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang walang sinumang makapagmalaki. (Tingnan ang Efeso 2:4-9.)
Ang plano ng katubusan ay niyayakap ang higit pa sa kapatawaran lamang para sa mga kasalanan na lumipas na. Ang katubusan, kung walang ganap na pagpapanumbalik, ay hindi kumpletong kaligtasan. Dahil dito, mas marami pang kaloob ang ibinuhos ni Yahuwah sa mga mananampalataya. Ang mga kaloob na ito ng banal na kagandahang-loob ay muling binabalik ang kaluluwa sa ganap na salamin ng banal na larawan. Ito ang kahalagahan ng kaloob ng pagkamatuwid ni Yahuwah.
Pagkamatuwid
Ang sandali na ang pananampalataya ng nagsisising makasalanan ay nakuha ang pangako na babalutan ng dumanak na dugo ni Yahushua ang kanyang mga kasalanan. Agad-agad, itinatala ni Yahuwah sa talaan ng isang mananampalataya ang lahat ng mga merito ng walang kasalanang buhay ni Yahushua at pagbabayad-sala na kamatayan. Ito ay isang kaloob. Ito’y hindi maaaring makamit sa mga mabubuting gawa, pagkamapagtiis, o maging sa pagsisisi.1 Muli, ito ay isang kaloob.
Sapagkat walang sinumang ituturing na matuwid sa harapan ni Yah sa pamamagitan ng mga gawang batay sa Kautusan, sapagkat sa pamamagitan ng Kautusan ay nagkaroon ng kamalayan sa kasalanan.
Subalit ngayon ay nahayag na ang pagiging matuwid mula kay Yah, at ito ay walang kinalaman sa Kautusan. Pinatunayan ito mismo ng Kautusan at ng Mga Propeta.
Ang pagiging matuwid mula kay Yah ay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo Yahushua. Ito ay para sa lahat ng mga sumasampalataya yamang sa lahat ay walang pagkakaiba.
Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at hindi nakaaabot sa kaluwalhatian ni Yahuwah.
Subalit dahil sa kagandahang-loob ni Yah, sila ngayon ay itinuturing na matuwid sa pamamagitan ng pagpapalaya na ginawa ni Kristo Yahushua.
Siya ang inialay ni Yah bilang handog na makapapayapa sa kanyang galit dahil sa kasalanan ng sanlibutan, upang sa pamamagitan ng pananampalataya sa bisa ng kanyang dugo ay mapatawad ang kasalanan ng lahat ng sasampalataya sa kanya. Ginawa niya ito upang ipakita ang kanyang katarungan. Dahil sa kanyang banal na pagtitiis, pinalampas niya ang mga kasalanang ginawa noon ng tao.
Ginawa niya ito upang patunayan sa kasalukuyang panahon ang kanyang katarungan, na siya'y matuwid at siya ang nagtuturing na matuwid sa may pananampalataya kay Yahushua. (Tingnan ang Roma 3:20-26.)
Imposible sa paanuman na makamit ang pagkamatuwid ni Kristo. Ang kaligtasan ay hindi maaaring makamit sa anumang pagsisikap o gawa ng indibidwal. Tanging sa pananampalataya lamang maaaring maging matuwid ang sinuman, nakatayo sa harap ni Yah na parang hindi nagkasala. Ang pagkamakatuwiran ay hindi isang kaloob na minsan lang. Ito ay isang palagiang donasyon ng pagkamatuwid ni Kristo na nagbabalot ng ating karumihan sa pamamagitan ng mga merito ng dalisay, banal na buhay, at kamatayan ni Yahushua.
Pagpapakabanal
Kapag ang tao ay piniling tanggapin ang mga kaloob ng pagkamatuwid, ang mga bahaghari ng pinagkukunan ng mga pagpapala ng Langit ay binuksan at mas marami pang kaloob ang ibubuhos. Isa sa mga kaloob na ito ay pagpapakabanal, o pagbabago patungo sa banal na larawan.
Inilarawan ni Ezekiel ang prosesong ito:
At ako'y magwiwisik ng malinis na tubig sa inyo, at kayo'y magiging malinis: sa buo ninyong karumihan, at sa lahat ninyong mga diosdiosan, lilinisin ko kayo.
Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa; at aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at aking bibigyan kayo ng pusong laman.
At aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang aking mga kahatulan, at isasagawa. (Ezekiel 36:25-27, ADB)
Ang banal na kautusan ay ang kautusan ng pag-ibig. Binibigyan ni Yahuwah ang bawat matuwid na mananampalataya ng mahalagang kaloob ng isang bagong puso kung saan ang kautusan ng pag-ibig na iyon ay inukit. Sa kaloob na ito, ang iyong mga lihim na nais, ang iyong nakatago, panloob na puso ay nalinis na. Ngayo’y kagalakan na ang makikita sa kabanalan at mapopoot na sa kasalanan.
Hindi nito ibig sabihin na sa anumang punto bago ang pagkaluwalhati, ang sinuman ay makakayang angkinin ang pagiging ganap. Tayo ay patuloy pa rin sa ating bumagsak na kalikasan at may mga pagkabigo at kahinaan pa ng laman ng tao. Ang pinagkaiba lamang, gayunman, ay ang pinakamalalim na nais ng puso ay naging kaisa na sa Ama.
Sa katunayan, ito ang huling panalangin ni Yahushua bago pumasok sa Getsemani: “Nakikiusap ako hindi lamang para sa mga taong ito, kundi para rin sa mga sumasampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita, upang silang lahat ay maging isa, tulad mo, Ama, na nasa akin at ako'y nasa iyo, na sila rin ay mapasaatin, upang ang sanlibutan ay maniwala na ako'y isinugo mo.” (Juan 17:20-21, FSV)
Ang kaloob ng isang bagong puso ay ang kasagutan ni Yah sa panalangin ng Tagapagligtas.
Pagkaluwalhati
Ang pagkaluwalhati ay ang pagpaparangal sa plano ng kaligtasan.
- Ang pagkamatuwid ay ginagamit ang mga merito ng dugo ni Yahushua sa nagsisising makasalanan at siya ay nakatayo sa harap ni Yahuwah na parang hindi siya nagkasala.
- Ang pagpapakabanal ay ang kaloob ng isang bagong puso kung saan ang kasalanan ay nagiging kapoot-poot sa indibidwal.
- Ang pagkaluwalhati ay ang kaloob na nagtatanggal ng bumagsak na kalikasan ng tao, at binabago ang katawan at kaluluwa nang ganap sa banal na larawan. Ito’y magaganap sa muling pagkabuhay ng mga matuwid, kapag si Yahushua ay dumating muli.
Ang pagkaluwalhati ay ang kaloob na ganap na nagpapabago sa mapagpakumbabang mananampalataya patungo sa larawan ng banal: “Ngunit tayo'y mamamayan ng langit at naghihintay tayo ng Tagapagligtas mula roon, ang Panginoong Kristo Yahushua. Babaguhin niya ang kalagayan ng ating mga hamak na katawan upang maging katulad ng Kanyang maluwalhating katawan, sa pamamagitan ng kapangyarihang kumikilos sa Kanya upang maipailalim Niya sa Kanyang sarili ang lahat ng bagay.” (Tingnan ang Filipos 3:20-21.)
Inilarawan ni Pablo kung ano ang nangyayari kapag ibinigay sa atin ang kaloob na ito:
At kung paanong tinaglay natin ang larawan ng taong mula sa alabok, tataglayin din natin ang larawan ng taong mula sa langit. Ito ang ibig kong sabihin, mga kapatid: ang laman at dugo ay hindi magmamana ng kaharian ni Yah; ni ang may pagkabulok ay magmamana ng walang pagkabulok.
Pakinggan ninyo ang sasabihin kong isang hiwaga. Hindi tayong lahat ay mahihimlay, ngunit tayong lahat ay babaguhin—sa isang saglit, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng trumpeta. Sapagkat tutunog ang trumpeta at ang mga patay ay bubuhaying muli na walang pagkasira at tayo'y babaguhin. Sapagkat ang may pagkabulok ay kailangang magbihis ng walang pagkabulok, at itong may kamatayan ay magbihis ng kawalang kamatayan. (Tingnan ang 1 Corinto 15:49-53.)
Isang bagong puso ang ibinigay sa mga hinirang sa pagkamakatuwiran. Ngayon, ang kaloob ng bagong espiritwal na katawan na hindi na mamamatay ay nagmumula sa kaloob ng isang mas mataas na kalikasan. Ang mga hinirang ay ganap nang sumasalamin sa banal na larawan. Sila ang mga anak ni Yahuwah at maglalaan ng walang hanggan kasama Siya.
Ang kaligtasan mismo ay isang kaloob! Ganon din ang pagkamatuwid, pagpapakabanal, at pagkaluwalhati. Tanggapin ang kaloob ng pag-ibig ni Yahuwah ngayon! Wala kang maaaring gawin para makamit ito. Tanggapin lamang ito nang mapagpasalamat sa pananampalataya. Kapag ginawa mo ito, gagawin ka ni Yahuwah na handang-handa na.
“Sapagkat si Yahuwah ang gumagawa sa inyo, upang naisin ninyo at gawin ang Kanyang mabuting layunin.” (Tingnan ang Filipos 2:13.)
1 Ang pagsisisi mismo ay isa ring kaloob. Kapag hindi nais na ganap na sumuko kay Yah, maaari kang makiusap na gawin kang sabik na gumawa ng isang ganap na pagsuko. Maaari ka pa nga na makiusap na maging handa, maluwag sa kalooban, na sumuko. Anuman ang kailangan mo para sa kaligtasan, nangako si Yahuwah na magbibigay.