Mula Langit Hanggang Sa Lupa: Ang Kristyanong Pag-Asa Sa Muling Pagkabuhay
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
“Kung hindi muling mabubuhay ang mga patay, kahit si Kristo ay hindi sana muling binuhay. At kung si Kristo ay hindi muling binuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral, at wala ring kabuluhan ang inyong pananampalataya.” Pablo, 1 Corinto 15:13-14
Sa Mga Gawa 17:16-34, ang apostol na si Pablo, habang nasa Atenas, ay dinala sa Areopagus dahil siya ay nangangaral ng “mabuting balita tungkol kay Yahushua at muling pagkabuhay.” Ang Atenas ay ang sentro ng Griyegong pilosopiya. Ang tanyag na pananaw ng muling pagkabuhay sa mga Griyego ay… bueno, wala. Ang isang tao ay naniniwala na ang patay ay maaaring bumangon, pagkatapos ay hindi, ayon sa mga Griyego, walang maaaring bagay katulad ng “muling pagkabuhay.”
Griyegong Pilosopiya
“Kung hindi muling mabubuhay ang mga patay, kahit si Kristo ay hindi sana muling binuhay. At kung si Kristo ay hindi muling binuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral, at wala ring kabuluhan ang inyong pananampalataya.” Pablo, 1 Corinto 15:13-14
|
Ang Platonikong pananaw ay itinuro na ang makalangit na kaligayahan ay isang pagtakas mula sa ating pisikal na katawan para sa isang ganap na espiritwal na pag-iral kung saan ang mga “anino” ay nagiging katunayan, ngunit sa isang walang katawan na estado. Hindi nakapagtataka na ang kanilang tugon kay Pablo ay, “Bago sa aming pandinig ang mga itinuturo mo, kaya nais naming malaman ang kahulugan ng mga ito” (Mga Gawa 17:20).
Ang mga Griyego, ang pinakamatalino sa mga matatalino, ay hindi tinanggap ang isang literal at pisikal na pagbangon ng mga patay. Ang Muling Pagkabuhay, o anastasis (upang bumangon muli), ay maaari lamang mangahulugan na isang espiritwal na muling pagsilang o gnosis ng mga walang hanggang bagay, hindi isang aktwal na patay na katawan na muling nagbabalik sa buhay. Para sa mga Griyego, ito’y lumalagpas sa paniniwala na ang isang patay na tao ay maaaring mabuhay muli. Ang pagtanggi sa muling pagkabuhay ay itinatag sa pilosopikong ideya na ang pisikal na mundo ay masama at tanging isang anino lamang ng ganap na espiritwal na daigdig na iyon.
Ang Griyegong pilosopiya ay higit sa lahat na niyakap ang ideya na ang kaluluwa ay kailangan na pakawalan mula sa materyal na mundo ng mga hindi kasakdalan tungo sa walang hanggang sansinukob ng mga ideya. Ang ilan ay naniniwala na ibig sabihin nito’y walang moral na kodigo dahil ang mga materyal na bagay ay walang kahihinatnan.
Ang iglesya ng Corinto ay nakita ang mga ideyang ito bilang nagbabanta sa komunidad nito. Ang imoralidad ay tinanggap sa mga hinirang, at sila’y nagtipon ng mga isa o dalawang indibidwal sa paraan ng pagsasanay ng Griyegong pilosopiya. Ito’y nananatiling tanyag ngayon.
“Nasaan ang taong marunong? Nasaan ang dalubhasa sa batas? Nasaan ang magaling makipagtalo ng kapanahunang ito? Hindi ba’t ginawa ni Yahuwah na kahangalan ang karunungan ng sanlibutan?... Ngunit sa mga nasa hustong gulang ay nagsasalita kami ng karunungan, gayunma’y hindi ang karunungan ng kapanahunang ito, o ng mga pinuno sa kapanahunang ito, na pawang mawawalan ng kabuluhan. Sa halip, ang sinasabi namin ay ang hiwaga at itinagong karunungan ni Yahuwah…” Pablo, 1 Corinto 1:20, 27; 2:6-7
Walang puwang para sa mensahe ni Pablo ng muling pagkabuhay, kung ito man ay panlasang Istoiko o Epikuryan. Ayon sa mga Griyego, ang mga patay na tao ay hindi maaaring bumangon, at hindi rin sa ninanais natin. Dahil dito, maraming lider ay tinanggihan ang ideya, ngunit ang iba ay muling mapapakinggan si Pablo at nagiging tagasunod ni Kristo Yahushua (Mga Gawa 17:32-34).
Tayo, dahil dito, ay dapat na magpasya kung ano ang gagawin natin tungkol kay Yahushua at kanyang naitalang muling pagkabuhay mula sa mga patay. Ang lahat ay nakabatay sa muling pagkabuhay—lahat ng bagay. Pipiliin natin na ihanay ang ating sarili sa pinagkaugaliang Kristyanong paniniwala o matangay ng tumataas na taog ng mga ereheng doktrina ng mga demonyo.
Buhay Matapos Ang Kamatayan
Ang mga kapanahon na pananaw ng “matapos ang buhay” ay naninindigan sa ganap na pagkakaiba sa natatangi na Kristyanong pag-asa sa muling pagkabuhay ng mga patay. Kunin natin ang isang sandali upang dagliang siyasatin kung ano ang pinaniniwalaan ng iba tungkol sa banal na kapalaran ng tao.
Ang mga kapanahon na pananaw ng “matapos ang buhay” ay naninindigan sa ganap na pagkakaiba sa natatangi na Kristyanong pag-asa sa muling pagkabuhay ng mga patay.
|
Nakita na natin ang Platonikong pananaw ng pagiging imortal ng kaluluwa. Ang pananaw na ito ay naghahangad na bigyang-diin ang indibidwal. Sa paningin na ito, ang ating mga buhay ay hahantong sa sukdulan sa kamatayan kapag ang kaluluwa ay pinakawalan mula sa katawan at tayo’y pinalaya mula sa mga hindi kasakdalan ng materyal na mundo.
Ayon sa pananaw na ito, ang pagwawaksi ng katawan ay kinakailangan upang maabot ang sansinukob ng mga walang hanggan na ideya at mahawakan ang banal.
Isa pang prominenteng pananaw ay nagtuturo na tayong lahat ay itinalaga para sa isang pinaghalong pag-iisa sa banal. Ang mga tagapagtaguyod ng ideyang ito ay naniniwala na si Yahuwah ay walang pinipili at nagkukulang ng mga personal na pagtatangi. Upang maging “kaisa” ng banal sa katunayan ay para mawala ang lahat ng iyong pansariling personalidad at higupin ng “dakilang espiritu” sa kalangitan.
Ang paningin na ito ay bumagbag sa katauhan at katangian ni Yahuwah, ganon din sa personal na kalikasan ng sangkatauhan.
Ang muling pagkakatawang-tao ay tumutungo ng isang hakbang sa ideyang ito ng pag-iisa sa banal. Batay sa pananaw na ito, hindi tayo agarang hahalo sa banal, ngunit matapos ang isang serye ng mga “muling pagsilang” na nagpapatuloy hanggang ang kaluluwa ay maabot ang kasakdalan. Buhat nang ang pag-ikot ng muling pagsilang na ito ay aktwal na hindi nagwawakas, ang buhay sa hinaba-haba ay walang kabuluhan. Pinaniniwalaan nito na ang tunay na katauhan lamang ay ang kaluluwa na gumagalaw mula sa katawan tungo sa isa pang katawan.
Panghuli, hindi natin maaaring iwan ang mga naniniwala na ang isang tao ay tumitigil sa pag-iral sa kamatayan. Ang paniniwalang ito ay maaari lamang na pinakamalungkot sa lahat ng mga bagay na pinipiling yakapin ng isang tao. Ang paniniwala na ang lahat ng bagay ay tumitigil sa kamatayan ay tinatanggihan ang nilikhang tuntunin ni Yahuwah upang pangunahan tayo sa kaalaman tungkol sa Kanya (Roma 1:20). At tinatanggihan nito ang panloob na paghahangad para sa buhay na lagpas pa sa libingan.
Ang taong ito ay dapat na itigil ang pagsisiyasat sa mga kapanahunan. Ang Taglamig ay maaaring kakila-kilabot, ngunit ang Tagsibol ay paparating.
Kulturang Patok Na Kristyanismo
“Pakinggan ninyo ang sasabihin kong isang hiwaga. Hindi tayong lahat ay mahihimlay, ngunit tayong lahat ay babaguhin—sa isang saglit, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng trumpeta. Sapagkat tutunog ang trumpeta at ang mga patay ay bubuhaying muli na walang pagkasira at tayo’y babaguhin.” Pablo, 1 Corinto 15:51-52
|
“Pakinggan ninyo ang sasabihin kong isang hiwaga. Hindi tayong lahat ay mahihimlay, ngunit tayong lahat ay babaguhin—sa isang saglit, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng trumpeta. Sapagkat tutunog ang trumpeta at ang mga patay ay bubuhaying muli na walang pagkasira at tayo’y babaguhin.” Pablo, 1 Corinto 15:51-52
Kahit papaano ang mga mananampalataya ay kailangan na makilala na ang Kasulatan ay nagtuturo na ang kasukdulan ng ating makalupang buhay ay matatagpuan sa panghinaharap na muling pagkabuhay ng mga patay kung kailan ang Panginoon ay lulusot mula sa kaulapan ng langit at itatatag ang kanyang Kaharian sa lupa. Nakaligtaan nila ang pahayag ni Juan ng banal na siyudad na “bumababa mula sa langit, galing kay Yahuwah” (Pahayag 21:2).
Sa halip, marami ay niyakap ang isang eskatolohikal na pananaw na nagpapalaganap ng ilan sa mga paniniwala ng mga paganong ideya na tinalakay na. Nakikita natin ito na pinakamalinaw sa mga Kristyanong libing at mga kilalang pagtuturo mula sa mga pulpito at pluma ng mga tagapagturo saanman.
Ang kulturang patok na Kristyanismo ay nangangaral na isang baluktot na pananaw ng kamatayan at ng mga huling araw. At ako’y naniniwala na ito’y isinilang mula sa isang paglaban sa pagdurusa sa anyo ng Bagong Tipan. Sinasabi natin na mayroon tayong Kaharian sa kaisipan sa pamamagitan ng “nagwawagi ng kultura” sa pagsasabatas ng kasalanan kapag, sa katunayan, hindi natin ninanais na umasa sa kamangmangan ng krus at paghihirap gaya ni Kristo sa pag-ibig ng pagtitiis. Tulad ng sanlibutan, tayo’y lumalaban sa kamatayn sa halip na yakapin ito nang may pag-asa sa muling pagkabuhay.
Ang Amerikanong Kristyanismo ay ginawa itong posible para sa atin na tumanaw sa mga salita ni Pablo, “Totoo ngang ang lahat ng ibig mabuhay bilang tagasunod ni Kristo Yahushua ay daranas ng pag-uusig” (2 Timoteo 3:12) at “Sapagkat ipinagkaloob sa inyo alang-alang kay Kristo Yahushua, hindi lamang ang manampalataya sa kanya, kundi ang magdusa rin alang-alang sa kanya” (Filipos 1:29). Tayo ang magtatayo para sa ating sarili ang isang pananalig na nagnanais ng walang iba kundi kaginhawaan sa mundong ito.
Nabigo tayo na malaman ang tunay na pag-asa na nagmumula sa unang paghaharap sa katakutan at katunayan ng kamatayan. Para makayanan ang “kagat” ng kamatayan, tayo’y dumudulog sa mga balighong paniniwala na mas sumasalamin sa mga paganong pagtuturo kaysa sa ating natatanging Kristyanong pag-asa sa muling pagkabuhay.
Ang Ebangelikong Kristyanismo ay laganap na pinagtibay ang mga paganong ideya ng “matapos ang buhay” na nagpapahintulot sa atin na patuloy sa pagpapalaganap ng “walang pagdurusa para sa akin” na teolohiya.
Ang seryeng Left Behind ay gumawa nang lubos upang dagdagan ang ideya na anong kailangan natin ay para makatakas, kunin o ma-“raptured” mula sa napakasamang mundo na ito at ang ating mababa, huklubang mga katawan para sa isang panghinaharap na “espiritwal” na pag-iral sa kabilang panig ng kosmos.
Samantala, natututo tayong ibaba ang alalahanin tungkol sa kaluluwa ng isang terorista, pumupuksa ng lahi, at maraming paraan na sinisira natin ang mundo.
Anong mahalaga kapag ang Kristyanong buhay ay maaaring ibuod bilang “tutungo sa langit kapag ika’y namatay,”… na isinasalin bilang: ang mundong ito ay hindi lubos na mahalaga ano pa man!
Narinig mo ito nang maraming beses sa mga libing at marahil ay sinabi mo sa ilang punto: “Sila’y nasa mas mabuting lugar na… sila’y umuwi na.” Ang ating mga himno ay sumasalamin pa nga sa Platonikong ideya na ito ng pagtakas ng kaluluwa mula sa katawan.
|
Narinig mo ito nang maraming beses sa mga libing at marahil ay sinabi mo sa ilang punto: “Sila’y nasa mas mabuting lugar na… sila’y umuwi na.” Ang ating mga himno ay sumasalamin pa nga sa Platonikong ideya na ito ng pagtakas ng kaluluwa mula sa katawan.
Talaga? Tayo ba’y lumilipad, o tayo’y naghihintay ng muling pagkabuhay ng mga patay para sa isang bagong pag-iral kapag ang langit ay dumarating sa lupa?
Ito ba ay parang tunog ng isang pagtuturo na sumasalamin sa ating pag-asa sa muling pagkabuhay ng mga patay? Ito ba ay isang paglalahad o isang paglilihis mula sa Ebanghelyo na nagpapatotoo na ang langit ay nakahandang bababa sa dumadaing na lupa at ang paghahari ni Yahuwah ay makikilala sa lahat ng mga bansa? Ayon sa Bagong Tipan, ito’y naiiba mula sa Ebanghelyo ng “kapayapaan sa lupa.”
Bakit natin iginigiit ang pagsusulong ng isang madilim na pananaw ng Kristyanong pag-asa?
Dapat tayong huminto at muling isaalang-alang ang ating pag-asa ng muling pagkabuhay ng mga patay kapag ang pagkakilabot ng kamatayan ay tumama sa isang mananampalataya. Sa sukdulang kaganapan ng muling pagkabuhay, makakapasok tayo sa ating kapahingahan.
“Ang doktrina ng muling pagkabuhay ay nagpapatunay na hindi tayo papasok tungo sa kabuuan ng walang hanggan nang hiwalay sa katawan, kundi sa katawan lamang.”
Stanley Grenz, Theology for the Community of God, pg. 588
Kung naniniwala tayo na mayroong buhay matapos ang kamatayan nang wala ang katawan, kadakilaan ang hindi pagkakaunawa sa ating pag-asa sa muling pagkabuhay ng mga patay. Lahat ng mga hinirang ng nakaraan at kasalukuyan ay naghihintay ng paparating na paghuhukom at muling pagkabuhay ng mga patay. Ito’y parang ang lahat ng mga nilikha ay nasa dulo ng kanilang kinalalagyan, sumisigaw para sa pagdaan mula sa kamatayan tungo sa buhay (Roma 8:22; Pahayag 6:9-11).
Ang langit at lupa ay sumisigaw, “Halika, Panginoong Yahushua! Halika!”
“Ngayon, sa sukdulan ng kaligtasan ni Yahuwah sa muling pagkabuhay ng mga katawan ng mananampalataya, ang panghuling kalaban ay natalo na, ang panghuling tagumpay ay nakamit.” Michael S. Gorman, Apostle of the Crucified Lord, pg. 281
Tayo’y nabubuhay sa pag-asang iyon hanggang ang langit ay dumarating sa lupa at muling nililikha ni Yahuwah ang mundo para sa ating bagong muling binuhay na pag-iral. Nabubuhay tayo upang magpatotoo ng pagdating ng Kaharian ni Yahuwah. Naririto na ang Taglamig, at ang mga oras ay kakila-kilabot, ngunit ang Tagsibol ay paparating!
Lalong lumalago ang kalinawan sa akin na ang kulturang patok na Kristyanismo ay isinilang at pinanatili sa isang matatag na dyeta ng mga walang ingat na hermenutiko at isang binaluktot na pananaw kay Yahushua. Binuksan nito ang simbahan sa mga makademonyong panlilinlang at ginawang mas maramdamin sa mga paganong kapangyarihan upang pahinain ang ating pag-asa sa natupad na gawa ni Kristo.
Dahil sa pagsalakay na ito sa Kristyanong pinagkaugalian at ang mga taon ng pagpapalaganap ng isang pananaw kay Yahuwah na mas malapit ang pagkakatulad sa Griyego-Romanong mitolohiya kaysa sa Abba ni Yahushua, dapat nating pagtibayin ang diwa ng Berean at magkasundo sa isang apostolikong pananaw ni Yahuwah na gaya ni Kristo at katugon sa walang hanggang layunin (Efeso 1-3; Colosas 1:15-23).
Tayo’y huminto at muling isaalang-alang kung ano ang itinuturo ng Kasulatan tungkol sa langit, impyerno, at muling pagkabuhay ng mga patay. Anong paniniwalaan natin tungkol sa hinaharap ay malalim na makakaapekto sa kung paano tayo mamumuhay sa kasalukuyang panahon ng kasamaan na ito.
Langit: Ating Huling Tahanan?
Dapat nating palayain ang sarili sa mantra na ito na nagsasalita ng pagpunta sa langit kapag tayo’y namatay gayong kung darating tayo sa katapusan ng ating paglalakbay.
|
“Sapagkat narito, ako’y lumilikha ng mga bagong langit, at ng bagong lupa, at ang mga dating bagay ay hindi maaalaala, o mapapasa isip man.” Isaias 65:17
Ang paglilikha ng “mga bagong langit, at ng bagong lupa” ay binabago ang mga dating bagay. Ito ay isang sanlibutan na nagbagong-anyo katulad sa pisikal na katawan ni Panginoong Yahushua (Mateo 17:1-9). Ang muling binuhay na katawan ni Kristo ay uri nito. Mayroong pagpapatuloy ng dating katawan at pagpigil rin (Lucas 24:13-35, 36-49; Juan 20:1-18, 24-3; 21:1-14).
Sa Pahayag 21-22, hindi natin nakikita ang mga mananampalataya na lumilipad sa isang walang katawan na espiritwal na pag-iral sa kabilang panig ng kosmos. Hindi, nakikita natin ang langit na paparating sa lupa. Nakikita natin ang langit, ang pook ni Yahuwah, pumaparito at ganap na tumutugon sa pisikal na tahanan na tinatawag nating Lupa. Maaari natin itong makita sa muling binuhay na katawan ni Kristo: langit na nagsasalubong sa lupa.
Dapat nating palayain ang sarili sa mantra na ito na nagsasalita ng pagpunta sa langit kapag tayo’y namatay gayong kung darating tayo sa katapusan ng ating paglalakbay. Ang langit ay ang lugar kung saan naroroon ang Panginoon, ngunit hindi ito ang ating panghuling tahanan (Awit 14:2; 20:6; 33:13; Mangangaral 5:2; Isaias 66:1; Daniel 2:44; 7:27; Pahayag 11:15). Ang natapos na gawa ni Kristo ay hindi ganap na natanto hanggang si Yahuwah ay tinutupad ang kanyang tahanan sa lupa.
Ang nais ni Yahuwah ay palaging tuparin ang kanyang mabuting gawa sa nilikhang sanlibutan kung saan ang bawat tao ay nabuhay. Para sa isang Hudyo, mayroong isang matibay na paniniwala na si Yahuwah ay ibabalik ang paglikha at tutuparin ang kanyang tipan sa kanyang bayan. Ang Panginoon ng langit at lupa ay tuluyang magsasama mula sa dalawa tungo sa isang katunayan.
Ang muling binuhay na mundong ito ay tinawag na “Bagong Jerusalem” at ang “Banal na Lungsod” (Pahayag 21:2). Ang bagong muling nilikha na mundong ito ay ang ating panghuling destinasyon. Naririto ang Kaharian ni Yahuwah ay ganap na matatanto. Sa Pahayag 21:5, sinasabi ni Kristo Yahushua:
“Ngayon, Ginagawa Kong Bago Ang Lahat Ng Bagay.”
Ang ating pag-asa ay nasa isang panghinaharap na pag-iral sa “bagong langit at bagong lupa.”
|
At si Kristo ang mayroong awtoridad na sabihin ang mga ganoong bagay, sapagkat siya ang una na muling binuhay at nakadamit ng walang pagkasira.
Ang ating pag-asa ay nasa isang panghinaharap na pag-iral sa “bagong langit at bagong lupa.” Sa lupang ito nanalangin si Yahushua, “Dumating nawa ang iyong kaharian, matupad nawa ang iyong kalooban, dito sa lupa tulad ng sa langit” (Mateo 6:10). Tunay nga na ang langit ay paparating sa lupa. Nanawagan si Yahushua para sa pagpapanibago at muling pagkabuhay nito!
“Ang langit, sa Bibliya, ay hindi isang panghinaharap na kapalaran kundi ang iba, nakatagong dimensyon ng ating ordinaryong buhay—dimensyon ni Yahuwah, kung ninanais mo. Nilikha ni Yahuwah ang langit at lupa; sa huli ay muling Niyang lilikhain ang dalawa at pagsasamahin magpakailanman.” N.T. Wright, Surprised by Hope, 19
Muling Pagkabuhay Sa Hinaharap
“Ito ang ibig kong sabihin, mga kapatid: ang laman at dugo ay hindi magmamana ng kaharian ni Yahuwah; ni ang may pagkabulok ay magmamana ng walang pagkabulok… Sapagkat ang may pagkabulok ay kailangang magbihis ng walang pagkabulok, at itong may kamatayan ay magbihis ng kawalang kamatayan.” Pablo, 1 Corinto 15:50, 53
Ilan sa mga kababayan mo ay naniniwala na ang muling pagkabuhay ay naganap na sa espiritwal na diwa at mayroon, dahil dito, wala nang kailangan para sa isang pisikal na muling pagkabuhay ng ating mga katawan. Ang pananaw na ito ay itinatangi ang gawa ng krus ngunit nakakaligtaan ang kahalagahan at kapangyarihan ng isang pisikal na muling pagkabuhay upang mapanatili ang nakakalasong eskatolohiya nito.
Ang pagbibigay-diin ni Pablo sa muling pagkabuhay ng katawan ni Kristo sa 1 Corinto 15:12-58 ay upang tiyakin sa mga hinirang na matatanggap rin ang kapareho nito.
|
Hindi natin matitiis na pabayan ang pinakamaagang Hudyong kahulugan ng pariralang muling pagkabuhay. Ang muling pagkabuhay ay palaging tinutukoy ang isang bagong katawan sa pag-iral. Ang pagbibigay-diin ni Pablo sa muling pagkabuhay ng katawan ni Kristo sa 1 Corinto 15:12-58 ay upang tiyakin sa mga hinirang na matatanggap rin ang kapareho nito.
Dapat rin na kapwa tanggapin bilang kanyang layunin para sa pagpapahayag sa mga mananampalataya sa taga-Tesalonica (1 Tesalonica 4:13-18). Ang mga mananampalataya rito ay nakikitungo sa mga kamatayan ng kanilang mga mahal sa buhay sa paligid nila. Sila’y “natutulog” bago ang pagdating ni Kristo.
Tungkol sa Kristyanong pag-asa sa kamatayan, isinusulat ni Stanley Grenz:
“Bilang mga Kristyano, gayunman, ang ating pag-asa ay hindi nakatuon sa anumang pagkabatid ng buhay matapos ang kamatayan. Kabaligtaran, ang ating pag-asa ay direkta sa pangako ng muling pagkabuhay. Dahil dito, anumang bagay na sinasabi natin tungkol sa estado ng mga patay ay dapat na lumitaw tungo sa ating pag-asa para sa muling pagkabuhay.” Created for Community, p.271
Ito ay sa pamamagitan ng kamatayan ni Kristo sa krus na tayo’y namatay. Ngunit ito ay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Kristo na maaari tayong mabuhay. “Kung gayon, sa pamamagitan ng bautismo ay namatay na tayo at inilibing na kasama niya upang kung paanong si Kristo ay muling binuhay sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo naman ay lumakad sa panibagong buhay.”
Nagpapatuloy si Pablo, “Sapagkat kung nakiisa tayo kay Kristo sa kamatayan tulad ng sa kanya, tiyak na tayo ay makakasama niya sa muling pagkabuhay na tulad ng sa kanya” (Roma 6:4-5).
Kung wala ang pisikal na muling pagkabuhay ng ating mga katawan, hindi tayo maaaring pumasok sa kabuuan ng bagong paglikha. Ito ay nasa pisikal na muling pagkabuhay ng mga patay at ang paghuhukom kaya ang “huling kaaway” ay nawasak (1 Corinto 15:26). Wala nang kamatayan pa!
“Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang mga sumasampalataya sa akin ay mabubuhay kahit na siya ay mamatay, at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman.” Yahushua, Juan 11:25-26
Muling Pagkabuhay Sa Kasalukuyan
Mayroon bang anumang epekto sa atin sa kasalukuyan ang muling pagkabuhay ni Kristo sa ikatlong araw? Naniwala si Pablo na maaari nating makilala ang kapangyarihan ng muling pagkabuhay ni Kristo maging sa ngayon.
“Ang naisin ko’y makilala siya at ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay at makibahagi sa kanyang mga pagdurusa, at matulad ako sa kanya maging sa kanyang kamatayan, upang hangga’t maaari ay makamtan ko ang muling pagkabuhay mula sa kamatayan.” Pablo, Filipos 3:10-11
|
“Ang naisin ko’y makilala siya at ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay at makibahagi sa kanyang mga pagdurusa, at matulad ako sa kanya maging sa kanyang kamatayan, upang hangga’t maaari ay makamtan ko ang muling pagkabuhay mula sa kamatayan.” Pablo, Filipos 3:10-11
Isinulat ni Pablo, “bagaman ang aming panlabas na pagkatao ay nabubulok, binibigyan naman ng panibagong lakas sa araw-araw ang aming panloob na pagkatao” (2 Corinto 4:16). Paano ito na ang muling pagkabuhay ay nagsimula na sa isang panloob na paraan? Ito ay naganap sa pamamagitan ng kamatayan, libing, at muling pagkabuhay ni Kristo. Gayong isinulat ni N.T. Wright, ito ay nasa muling pagkabuhay ni Kristo kaya ang sanlibutan, ngayon mismo ay “isinilang kasama si Yahushua” (SH, 73).
Sinabi ni Yahushua, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay…” at ang pagtanggap sa kanyang naninirahang Espiritu ay pagtanggap sa muling binuhay na buhay (Juan 12:24; 14:15-31; 16:5-16; Mga Gawa 1:8). Ang Kaharian ni Yahuwah ay lumagpas tungo sa lumang tuntunin ng mga bagay at nagsimula nang gumawa ng muling pagkabuhay rito at ngayon. Ito’y paggawa ng tungkulin sa loob ng puso ng mga tao.
“Ang Kaharian ni Yahuwah ay nabibilang sa hinaharap, at subalit ang mga pagpapala ng Kaharian ni Yahuwah ay pumasok tungo sa kasalukuyang Panahon upang palayain ang mga tao mula sa pagkaalipin kay Satanas at kasalanan. Ang walang hanggang buhay ay nabibilang sa Kaharian ni Yahuwah, sa Panahong Darating; ngunit ito rin, ay pumasok sa kasalukuyang masamang Panahon kaya ang mga tao ay maaaring maranasan ang walang hanggang buhay sa gitna ng kamatayan at pagkabulok. Maaari tayong pumasok tungo sa karanasang ito ng buhay sa pamamagitan ng bagong kapanganakan, muling pagsilang.” George Eldon Ladd, The Gospel of the Kingdom, p. 71
Paano ang muling pagkabuhay ay nakakaapekto sa ating mundo ngayon? Ano ang hitsura ng Kaharian? Naniniwala ako kay Gregory Boyd na lubos na inilalarawan ang kalikasan at kapangyarihang ito.
Sinasabi niya na ang Kaharian ni Yahuwah ay “palaging parang [si Yahushua]—mapagmahal, nagsisilbi, at mapagmalasakit para sa lahat ng mga tao, kabilang ang kanyang mga kaaway. Sa saklaw na ang isang indibidwal, simbahan, o samahan na katulad nito, ito’y nagpapahayag ng Kaharian [ni Yahuwah]. Sa saklaw na hindi kahalintulad nito, hindi ganito.” The Myth of a Christian Religion, p. 14
Ngunit tayo’y mamamayan ng langit at naghihintay tayo ng Tagapagligtas mula roon, ang Panginoong Kristo Yahushua. Babaguhin niya ang kalagayan ng ating mga hamak na katawan upang maging katulad ng kanyang maluwalhating katawan.” Filipos 3:18-21
|
Kung ikaw ay ayaw magdugo gaya ni Yahushua, hindi natin makikilala ang kapangyarihan ng kanyang muling binuhay na buhay. Palaging mayroong isang krus bago ang isang pagsambulat na nagmumula sa walang laman na libingan. Dapat tayong bumalik kay Kristo at ang kamangmangan ng kanyang krus kung hinihiling natin na itanghal ang muling pagkabuhay. Ang kanyang kaharian ay hindi isang bagay ng usapan kundi ng kapangyarihan (1 Corinto 4:20).
Ang muling pagkabuhay ay nagaganap rito at ngayon kapag ang ekklesia ay sumasalamin sa buhay gayong ito ay nasa bagong langit at lupa.
At ang buhay na iyon ay palaging kamukha kay Kristo Yahushua ng Nazaret.
“Sapagkat maraming namumuhay bilang mga kaaway ng krus ni Kristo gaya ng madalas kong sabihin sa inyo noon, at ngayo’y muli kong sinasabi na may kasama pang luha. Ang wakas nila ay kapahamakan; ang diyos nila ay ang sarili nilang tiyan; ang ipinagmamalaki nila ay mga bagay na dapat sana nilang ikahiya, at ang tanging iniisip nila ay ang mga bagay na makalupa. Ngunit tayo’y mamamayan ng langit at naghihintay tayo ng Tagapagligtas mula roon, ang Panginoong Kristo Yahushua. Babaguhin niya ang kalagayan ng ating mga hamak na katawan upang maging katulad ng kanyang maluwalhating katawan, sa pamamagitan ng kapangyarihang kumikilos sa kanya upang maipailalim niya sa kanyang sarili ang lahat ng bagay.” Filipos 3:18-21
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni David D. Flowers.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC