Paglikha? O Ebolusyon? Alin ang paniniwalaan mo?
Isang kagulat-gulat na bilang ng mga Kristyano ay palihim na mga ebolusyonista sa kanilang mga espiritwal na buhay. Ito'y nagmumula sa maling pagkakaunawa sa pagtubos ng Tagapagligtas bilang ating kinatawan at pamalit. |
Isa ka bang nakatuon sa paglikha? O isang ebolusyonista?
Ito’y isang lehitimong katanungan. May mga Kristyano na inaangkin na naniniwala sa Bibliya at subalit naniniwala rin sa Teoryang Big Bang ng ebolusyon.
Ngunit ang paglikha at ebolusyon ay higit pa sa mga teorya sa pinagmulan ng buhay sa daigdig. Ang mga ito’y nagpapakita ng patotoo tungkol sa pagkamatuwid at pagpapakabanal na dapat maunawaan ng lahat.
Ang pinagmulan ng sanlibutan
Ang creationism (nakatuon sa paglikha) ay ang paniniwala na ang sanlibutan at lahat ng bagay na narito ay nilikha ng walang iba kundi ng salita ni Yah.
Ang ebolusyon ay ang eksaktong kabaligtaran. Ang ebolusyon ay inangkin na ang buhay sa daigdig ay nagmula sa pamamagitan ng progresibong pag-unlad na tumagal ng bilyun-bilyong taon. Ito’y sumasalungat sa Kasulatan:
Sa pamamagitan ng salita ni Yahuwah ay nayari ang mga langit;
at lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig.
Sapagka't siya'y nagsalita, at nangyari;
siya'y nagutos, at tumayong matatag. (Tingnan ang Awit 33:6 at 9.)
Ito ay isang mahalagang katunayan na mawatasan dahil kapag naunawaan mo kung paano ang mundo’y tinawag sa pag-iral, mauunawaan mo kung paano gumagana ang pagkamatuwid at pagpapakabanal.
Ang nakakita ay ipinapakita ang hindi pa nakikita
Nilikha ni Yahuwah ang daigdig para ipakita ang malalim, espiritwal na mga aral. Naunawaan ito ni Pablo, ipinaliwanag: Ang kanyang hindi nakikitang kalikasan—ang kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Elohim—ay maliwanag na nakikita at nauunawaan dahil sa mga bagay na kanyang ginawa. Kaya't ang mga gayong tao'y wala nang maidadahilan pa. (Tingnan ang Roma 1:20.)
Gaya ng mundo na nilikha ng walang iba kundi salita ni Yah, ganon din, ang puso ng isang makasalanan ay muling nilikha ng kaparehong malikhaing salita.
Ang ebolusyon ay tumatama mismo sa puso ng pinakamakapangyarihan, pinukaw ng pananampalatayang mga patotoo sa Kasulatan, at iyon ay: anumang sabihin ni Yah, magaganap. Agad-agad.
Ipinaliwanag ng Isaias 55 ang mahalagang katunayang ito, ginamit ang paglalarawan ng paano ang ulan na isang aktibong ahente ay nagpapabago ng tuyo, tigang na lupa, tungo sa sagana, produktibong bukirin.
Sapagka't kung paanong ang ulan ay lumalagpak at ang niebe ay mula sa langit,
at hindi bumabalik doon,
kundi dinidilig ang lupa,
at pinasisibulan at pinatutubuan ng halaman,
at nagbibigay ng binhi sa maghahasik
at pagkain sa mangangain;
Magiging gayon ang aking salita na lumalabas sa bibig ko:
hindi babalik sa akin na walang bunga,
kundi gaganap ng kinalulugdan ko,
at giginhawa sa bagay na aking pinagsuguan. (Isaias 55:10-11, ADB)
Ang salita ni Yahuwah mismo ay naglalaman ng kapangyarihan na makamit kung ano ang sinasabi nito.
Madalian? O unti-unti?
Ang muling paglikha ng puso ng tao, gaya ng paglikha ng sanlibutan, ay ganap sa kapangyarihan ni Yah. Inilarawan ng Kasulatan ang malikhaing kapangyarihan ni Yah: “Sapagka't siya'y nagsalita, at nangyari; siya'y nagutos, at tumayong matatag.” (Awit 33:9, ADB)
Sa paglikha, kailan lumabas ang resulta ng mga salita ni Yah? Noong nais Niya ng liwanag, sinabi Niya ito sa pag-iral, ngunit kailan lumabas ang liwanag? Limang minuto na lumipas? Isang oras? O ang liwanag ay agad lumabas noong sinabi Niya ang salita?
Kung naiisip mo na mayroon kahit isang segundo sa pagitan ng sinabi ni Yahuwah na “Magkaroon ng liwanag” at noong tiyak na nagkaroon ng liwanag, pagkatapos, ikaw ay isang ebolusyonista na naniniwala na ang paglikha ng sanlibutan na nalalaman natin ngayon ay dumating sa pamamagitan ng proseso.
Ngayon, iangkop ang tuntunin sa pagkamatuwid na ito sa iyong espiritwal na buhay.
- Kung ika’y naniniwala na ang pagkamatuwid sa pananampalataya ay nagsisimula sa Kristyanong paglalakad, ngunit pagkatapos ay nasa iyo na tapusin ang trabaho sa pamamagitan ng pang-araw-araw na mga debosyon ...
- Kung ika’y naniniwala na matapos kang bigyan ng katuwiran, nasa iyo na panatilihin ang iyong estado ng pagkamatuwid sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Yah at iyong mga sariling pagsisikap ...
- Kung ika’y naniniwala na upang manatiling matuwid, ikaw ay dapat na sumunod sa isang mahabang listahan ng mga tiyak na dapat at hindi dapat gawin ...
... pagkatapos, mga kapatid, ikaw ay isang ebolusyonista.
Ito’y tapos nang panukala! Ngayon!
Kapag ang tao ay tinatanggap sa pananalig ang kamatayan ng Tagapagligtas sa kanyang ngalan, kinukuha ni Yahuwah ang mga merito ng walang kasalanang buhay ni Yahushua at ibinibigay-karangalan ang mga ito sa talaan ng mananampalataya. Ipinapahayag ni Yah ang mananampalataya na isang matuwid. Sa sandaling iyon, ang nagsising mananampalataya ay nakatayo sa harap ni Yah na parang hindi siya nagkasala. Ito ay ang pagkamatuwid sa pananampalataya. Si Yahushua bilang ating pamalit, tayo ngayon ay may pakikipagkasundo na kay Yahuwah.
Kaya't yamang tayo'y itinuring nang matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya, mayroon na tayong pakikipagkasundo kay Yahuwah sa pamamagitan ng ating Panginoong Kristo Yahushua. Sa pamamagitan din niya ay nabuksan ang daan upang tamasahin natin ang kagandahang-loob ni Yah sa pamamagitan ng pananampalataya. Dahil dito ay nagagalak tayo, dahil na rin sa pag-asang makikibahagi tayo sa kaluwalhatian ni Yah. (Tingnan ang Roma 5:1-2.)
Ngayon, naging matuwid na, kailan ka magkakaroon ng pakikipagkasundo kay Yahuwah?
Kapag tumigil ka na sa paninigarilyo?
Kapag tumigil ka na sa panonood ng porno?
Kapag tumigil ka na sa pag-iinit ng ulo?
Kapag matagumpay na pigilan ang tukso para gumawa ng ilang malihim na kasalanan?
Hindi! Ayon sa salita ni Yah—ang salita na naglalaman ng kapangyarihan na gawin kung ano ang sinasabi nito—mayroon ka nang pakikipagkasundo kay Yah ngayon.
Ipinahayag na matuwid
Kapag binigyang-matuwid ka ni Yahuwah, (ipinahayag na matuwid), tinatanggap ka Niya, sa mismong sandaling iyon, bilang ganap na Kanyang anak. Hindi mo na kailangang maghintay hanggang ika’y banal na ipahayag na matuwid. Ang pagkamatuwid ay isang kaloob ng kagandahang-loob at ito’y sinisimulan ang proseso ng pagpapakabanal.
Itinuro ni Yahushua ang patotoong ito saanman siya magtungo. “Dinala sa kanya ng mga tao ang isang paralitikong nakaratay sa isang banig. Nang makita ni Yahushua ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, “Patatagin mo ang iyong loob, anak. Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.” (Tingnan ang Mateo 9:2.) Pansinin: ang “na” ay isang pangkasalukuyang pandiwa! Sinasabi ni Yahushua sa lalaki, “Ang iyong mga kasalanan ay pinatawad na sa ngayon mismo!”
Para sa babaeng nahuli sa pakikiapid, sinabi ni Yahushua, “Hindi rin kita huhusgahan; humayo ka, at huwag nang magkasala.” (Juan 8:11, FSV) At ang kapangyarihan na sumunod ay nakapaloob sa mapagmahal na utos na iyon.
Nasa kapayapaan kasama si Yah
Ang Juan 1: 12 ay ipinapakita na “sa lahat ng tumanggap sa kanya [Yahushua], sa mga sumampalataya sa pangalan niya, sila'y binigyan niya ng karapatang maging mga anak ni Yahuwah.” Ito ay pagpapakabanal! At ito’y nagsisimula sa sandaling ang makasalanan ay ipinahayag na matuwid.
Ikaw ba ay isang ebolusyonista, naniniwala na ikaw ay bibigyan ng katuwiran kapag napatunayan mo kung gaano ka nakaaawa sa pag-iwas mula sa kasalanan sa isang takdang bilang ng beses sa hinaharap?
O ikaw ay isang nakatuon sa paglikha, handa at kusang-loob na tatanggapin ang kaloob ng pagkamatuwid at pagpapakabanal ni Yah ngayon din?
Wala kang maaaring gawin para makamit ang pagkamatuwid at kapatawaran, anumang higit na maaari mong gawin sa sarili mo na banal, ngunit ang pagkuha nito ay ganon pa rin. Hindi mo na kailangang maghintay at mapabuti ang iyong sarili, bago ka nalinis, natuwid, at binigyan ng kapangyarihan na maging anak ni Yah. Iyon ay makukuha mo ngayon din, mismo sa sandaling ito.
Masdan ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig na ibinigay sa atin ng Ama, upang tayo'y tawaging mga anak ni Yahuwah; at tayo nga'y kanyang mga anak. Dahil dito, hindi tayo nakikilala ng sanlibutan, sapagkat hindi nito kinikilala si Yah.
Mga minamahal, tayo'y mga anak na ni Yahuwah ngayon. Hindi pa nahahayag kung ano ang magiging katulad natin sa panahong darating. Ito ang alam natin: kapag nahayag na ang Anak, tayo'y magiging katulad niya, sapagkat makikita natin siya sa kanyang tunay na kalikasan. (1 Juan 3:1-2, FSV)