Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Ang Kahalagahan Ng Pagkakaunawa Sa Mga Hudyong Idyoma
Upang maunawaan nang tama ang isang banyagang wika, mahalaga na maunawaan ang mga idyoma na karaniwan sa kulturang iyon.
|
Upang maunawaan nang tama ang isang banyagang wika, mahalaga na maunawaan ang mga idyoma na karaniwan sa kulturang iyon. Maaari mong maisip kung paano ang isa na hindi nagmula sa Amerika na maaaring tumauli kung sila’y kailangang “bolahin nang labis (butter someone up)” upang makuha ang kanilang pabor o ang hapunan sa isang magastos na restawran ay gagastusan ng isang “napakalaking salapi” (arm and a leg). Kung wala ang kaalaman ng tunay na kahulugan ng mga ganoong parirala, ang hindi pa nakakaalam ay naiwan na “tanggapin ang isang bagay na walang pag-aaral” (face value).
Ang maling komunikasyong ito ay maaaring maganap kapag ang Kasulatan na isinulat mula sa isang tradisyonal na Hebraikong kaisipan ay isinalin tungo sa Ingles/Tagalog. Kung ang mambabasa ay walang kamalayan ng mga idyomang ginamit, ang pagkalito ay maaaring sumunod. Sapagkat siniyasat ng isang tagapangasiwa ng software ng Bibliya:
Napakadaling basahin ang Banal na Kasulatan na parang ito’y isinulat kahapon. Ngunit kung bubuksan ang ating sarili sa dakilang maling pagpapaliwanag kapag binabasa natin ang Bibliya sa pamamagitan ng isang modernong lente. Kung ninanais natin na maunawaan ang Bibliya, kailangan nating makita ito sa pamamagitan ng mga mata ng tao mula sa kultura kung saan ito isinulat… Hindi mo maaaring maunawaan ang Kristyanismo nang walang tamang pagkakaunawa ng Hudaismo.1
Habang napakaraming Hebraismo ang matatagpuan sa Kasulatan, ang tampulan ng pahayag na ito ay para suriin ang mga sumusunod na idyoma: upang “pumarito sa sanlibutan,” para sabihin ang isang tao o isang bagay na “hindi taga sanlibutan,” at maging “sinugo sa sanlibutan.” Ang mga pahayag na ito ay madalas ginamit upang itaguyod ang ideya na si Yahushua ay umiral bago isinilang sa langit bago pumarito sa lupa. Ngunit gaya ng makikita natin, ang mga ito’y nangangahulugan na ganap na naiiba.
Ano ang naunawaan ng mga unang siglong Hudyo noong narinig nila na si Yahushua ay “pumarito sa sanlibutan?”
|
Juan 3:17 “Sapagkat hindi sinugo ni Yahuwah ang Anak sa sanlibutan upang hatulan ang sanlibutan; kundi upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan niya.”
1 Juan 4:9 “Dito nahayag ang pagibig ni Yahuwah sa atin, sapagkat sinugo ni Yahuwah ang kaniyang bugtong na Anak sa sanlibutan upang tayo’y mabuhay sa pamamagitan niya.”
1 Timoteo 1:15 “Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, na si Kristo Yahushua ay naparito sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito.”
Dahil tayo’y naturuan na si Yahushua ay umiral bago isinilang sa langit bilang logos o salita ni Yahuwah bago nabatid sa sinapupunan ni Maria, maraming Kristyano ay ipinaliwanag ang mga sipi sa ibabaw, at mga katulad nito, upang mangahulugan na si Yahushua ay literal na pumarito mula sa lagpas na mataas na himpapawid tungo sa lupa. Ngunit ito ba ang nilayon ng mga Biblikal na may-akda upang ipagbigay-alam? Ano ang naunawaan ng mga unang siglong Hudyo noong narinig nila na si Yahushua ay “pumarito sa sanlibutan?”
Umiral Bago Isilang vs Umiral Bago Isilang
Ang Biblikal na Hebraikong konsepto ng umiral bago isilang–mga bagay na umiral na ngunit sa diwa na sila’y umiiral sa kaisipan o paunang kaalaman ni Yahuwah–ay lubos na naiiba mula sa ideya ng isang literal na umiral bago isilang na hawak ng mga Ama ng Simbahan. Ang may-akda at mananalaysay ng Simbahan na si Kegan Chandler ay isinulat:
Anong tatawagin natin na klasikong Hudyong pananaw ng umiral bago isilang ay lubos na naiiba [mula sa literal na umiral bago isilang ng Griyegong pilosopiya]. Ang pinakamatandang Hebreong kabatiran ay hindi sa literal at ontolohikong diwa ng mga Griyego; sa halip, ito’y umiiral lamang sa “paunang kaalaman” o “paunang ordinasyon” ng Diyos. Sa diwang ito, ang mga mahahalagang pigura, bagay, at simbulo ay unang “umiral” sa langit kasama ang Diyos bago ginawang katunayan sa kanilang itinalagang panahon. Ang mga bagay na ito ay literal at pisikal na nananahan sa ilang malayong-malayong dimensyon kundi personal na nabatid ng Diyos sa Kanyang walang hanggang plano para sa sanlibutan.2
Marami sa mga Ama ng Simbahan ay nagpadala sa mga pagtuturo ng mga pilosopo gaya nina Heraclitus, Plato, at Philo, na nagturo na ang lahat ng mga bagay ay literal na umiral bago umiral.
|
Marami sa mga Ama ng Simbahan ay nagpadala sa mga pagtuturo ng mga pilosopo gaya nina Heraclitus, Plato, at Philo, na nagturo na ang lahat ng mga bagay ay literal na umiral bago umiral. Halimbawa, lahat ng kaluluwa ay imortal at umiral bago isilang sa langit bago nagkatawang-tao at pumarito sa sanlibutan.
Isa pang tagapagtaguyod ng literal na umiral bago ang pagsilang ng mga kaluluwa ay si Justin Martyr, isang Apostolikong Ama ng ikalawang siglo,3 ay ang una na nagpaliwanag ng pagtuturo ni Philo ng walang hanggan, hindi personal na Logos bilang umiral bago isilang na Yahushua. Gayunman, para sa maagang Simbahan, ang logos ni Yahuwah ay binuo ng mga kaisipan, ideya, plano, layunin, karunungan, atbp. ni Yahuwah, ipinahayag sa mga salita. Dagdag pa, ang konsepto na si Yahuwah ay magkakatawang-tao mismo sa sinapupunan ng isang birhen ay salungat sa tradisyonal na kaisipang Hebreo. Ipinahayag ng The Encyclopedia of Ethics and Religions, “Sa Lumang Tipan ay walang indikasyon ng katangian ng Pagkadiyos; ito ay isang anakronismo upang hanapin ang alinman sa doktrina ng Pagkakatawang-tao o Trinidad sa mga pahina nito.”4 Dagdag pa, si Michael Goulder, propesor at Biblikal na iskolar, ay isinulat:
Ito ay ang patuloy na pagkiling ng orthodoxy para makaligtaan ang mga gitnang tuntunin. Ang pinakamaagang simbahan [ay hindi natatanaw si Yahushua] bilang Diyos Anak, kundi isang tao na pinalaki ni Yahuwah at [itinalaga] ang Banal na Espiritu na bumuhos sa iglesya (Mga Gawa 2:33).5
Ano ang naunawaan ng mga unang siglong Hudyo noong narinig nila na si Yahushua ay “pumarito sa sanlibutan?”
Pumarito Sa Sanlibutan
Para sa Biblikal na Hebraikong kaisipan, ang “pumarito sa sanlibutan” ay isang tayutay na nangahulugan na dumating sa pag-iral at isilang. Halimbawa, ginamit ni Yahushua ang idyomang ito upang ikumpara ang pighati at galak na mararanasan ng kanyang mga alagad matapos ang kanyang kamatayan na may mga damdamin ng isang bagong ina.
Para sa Biblikal na Hebraikong kaisipan, ang “pumarito sa sanlibutan” ay isang tayutay na nangahulugan na dumating sa pag-iral at isilang.
|
Juan 16:21 “Ang babae pagka nanganganak ay nalulumbay, sapagkat dumating ang kaniyang oras: ngunit pagkapanganak niya sa sanggol, ay hindi na niya naalaala ang hirap dahil sa kagalakan sa pagkapanganak sa isang tao sa sanlibutan.”
Syempre, mula sa konteksto, nakikita natin na “pagkapanganak sa sanlibutan” ay nag-ugnay sa isinilang. Ayon sa Merriam Webster’s Dictionary, ang idyomang ito ay ginamit ng mga mananalitang Ingles/Tagalog ngayon.”6 Gayunman, kapag binabasa natin ito na may kaugnayan kay Yahushua, ang kahulugan ay bumababa sa pumukaw na Platonikong pananaw ng mga Ama ng Simbahan sa literal na pag-iral bago isilang na si Yahushua sa langit.
Nakikita rin natin ang tayutay na ginamit ni Pablo sa kanyang sulat kay Timoteo:
1 Timoteo 6:7 Sapagkat wala tayong dinalang anuman sa sanlibutan, at wala rin naman tayong mailalabas na anuman.
Narito, ang kahulugan ay pareho: upang isilang. Sa isa pang halimbawa, muli si Yahushua ay guinagamit ang pariralang ito noong humarap siya kay Pilato:
Juan 18:37 Sinabi nga sa kanya ni Pilato, “Ikaw nga baga’y hari?” Sumagot si Yahushua, “Ikaw ang nagsasabing ako’y hari. Ako’y ipinanganak dahil dito, dahil dito ako naparito sa sanlibutan, upang bigyang patotoo ang katotohanan. Ang bawat isang ayon sa katotohanan ay nakikinig ng aking tinig.”
Sa siping ito, ginagamit ni Yahushua ang isang literaryong kasangkapan na nalalaman bilang isang “kasingkahulugan na paralelismo” na sinasabi ng Encyclopaedia Britannica na “isinasangkot ang pag-uulit sa ikalawang bahagi ng ano ang ipinahayag sa una, habang iniiba lamang ang mga salita.”7
Sapagkat ako’y isinilang [unang bahagi] at sapagkat ako’y naparito sa sanlibutan [inulit ang unang bahagi gamit ang mga naiibang salita]. Juan 18:37.
Ang pagsilang at ang pagdating sa sanlibutan ay magkahulugan.
|
Sa ibang salita, ang pagsilang at ang pagdating sa sanlibutan ay magkahulugan. Isa pang halimbawa ng Hebraismo na ito ay matatagpuan sa pagtatagpo nina Yahushua at Marta bago ang kanyang kapatid na si Lazaro ay bumangon mula sa mga patay.
Juan 11:25-27 Sinabi sa kaniya ni Yahushua, Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama’t siya’y mamatay, gayon ma’y mabubuhay siya; 26 At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man. Sinasampalatayanan mo baga ito? 27 Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon: sumasampalataya ako na ikaw ang Kristo, ang Anak ni Yahuwah, sa makatuwid baga’y ang naparirito sa sanlibutan.
Pansinin na ipinahayag ni Marta si Yahushua ang Kristo (ang pinahiran), ang Anak ni Yahuwah, isang Mesianikong titulo. Katulad ng ibang tradisyonal na Hudyo, si Marta ay hindi nagpadala sa ikalawang siglong palagay na niyakap ni Justin Martyr na si Yahushua ay umiral bago isilang sa langit bago nagkatawang-tao. Ang pananaw na ito ay anakronistiko at banyaga sa Kasulatan. Sa halip, naunawaan ni Maria na si Yahushua ay ang Hudyong Mesias na ang panahon ay dumating, hindi na naglakbay siya sa mga kosmos patungo sa lupa.
Dagdag pa, ang umpukan ng ilang libo, na himalang pinakain ni Yahushua, ay hindi hawak ang Platonikong pananaw na ang mga umiral bago isilang na kaluluwa ay naglalakbay sa panahon at kalawakan upang manahan sa lupa. Sa halip, naunawaan nila na ang propeta na ipinangako ni Yahuwah na sinugo ay isinilang at, maging ngayon, nasa kalagitnaan nila.
Upang “paririto sa sanlibutan” ay matalinghagang ginamit upang ilarawan ang “kapanganakan” ng kasalanan.
|
Juan 6:13-14 Kaya’t kanilang tinipon, at nangapuno ang labingdalawang bakol ng mga pinagputol-putol sa limang tinapay na sebada, na lumabis sa nagsikain. 14 Kaya’t nang makita ng mga tao ang tandang ginawa niya, ay kanilang sinabi, “Totoong ito nga ang propeta na paririto sa sanlibutan.”
Upang “paririto sa sanlibutan” ay matalinghagang ginamit upang ilarawan ang “kapanganakan” ng kasalanan. Isinulat ni Pablo:
Roma 5:12 Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanlibutan, at ang kamataya’y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito’y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagkat ang lahat ay nangagkasala:
Ang kasalanan ay hindi literal na nananahan sa ilang malayong inter-kosmikong kalawakan, ginamit lamang ni Pablo ang parirala bilang isang metapora upang ilarawan ang pagpasok ng kasalanan sa malinis na paglikha ni Yahuwah.
Hindi Taga Sanlibutan
Isang parirala na katulad ng “pumarito sa sanlibutan” na ipinaliwanag nang mali ng ilan bilang patunay ng literal na pag-iral bago isilang na Yahushua ay ang pariralang “hindi taga sanlibutan.” Nakikita natin ito na ginamit ni Yahushua sa anong tinatawag na kanyang “dakilang saserdoteng panalangin.”
“Hindi sila [mga alagad] taga sanlibutan, na gaya ko [Yahushua] naman na hindi taga sanlibutan.” (Juan 17:16)
|
Juan 17:14-16 “Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita: at kinapootan sila ng sanlibutan, sapagkat hindi sila taga sanlibutan, gaya ko naman na hindi taga sanlibutan. 15 Hindi ko idinadalangin na alisin mo sila sa sanlibutan, kundi ingatan mo sila mula sa masama. 16 “Hindi sila taga sanlibutan, na gaya ko naman na hindi taga sanlibutan.”
Pansinin na walang aktwal na sanggunian sa langit sa siping ito. Sa halip, ang konteksto ay ipinapakita na si Yahushua ay ginamit ang parirala upang mangahulugan na siya ay hindi nabibilang o tumatakbo ayon sa sistemang ito ng sanlibutan. Paano natin nalalaman ito? Sapagkat sa anumang paraan ginamit ni Yahushua ang parirala, ito’y naaangkop rin sa atin, dahil sinabi niya na ang kanyang mga alagad ay “hindi taga sanlibutan (iyon ay sa kaparehong paraan) ako’y hindi taga sanlibutan.” Kaya dahil dito, ang “hindi taga sanlibutan” ay hindi maaaring mangahulugan na si Yahushua ay literal na dumating mula sa langit dahil mangangahulugan rin na literal rin tayong dumating mula sa langit.
Sinugo Sa Sanlibutan
Isa pang parirala na katulad ng idyoma na pumarito sa sanlibutan ay ang pariralang “sinugo sa sanlibutan.” Sa halip na kahulugan na isinugo ni Yahuwah si Yahushua sa sanlibutan mula sa labas (iyon ay langit), ang parirala ay nangangahulugan na isinugo nang heograpiko upang gawin ang gawa ni Yahuwah. Gaya ni Yahushua na sinugo ni Yahuwah sa sanlibutan, tayo rin ay sinugo upang gawin ang kalooban ng Ama. Nanalangin si Yahushua:
Gaya ni Yahushua na sinugo ni Yahuwah sa sanlibutan, tayo rin ay sinugo upang gawin ang kalooban ng Ama.
|
Juan 17:18 at 20-21 “Kung paanong ako’y iyong sinugo sa sanlibutan, sila’y gayon ding sinusugo ko sa sanlibutan…20 “Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi sila rin naman na mga nagsisisampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita; 21 Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at ako’y sa iyo, na sila nama’y suma atin: upang ang sanlibutan ay sumampalataya na ako’y sinugo mo.”
Ang panalangin ni Yahushua ay ang mga mananampalataya ay patungo sa sanlibutan “kung paano” (sa parehong paraan) si Yahushua ay isinugo ni Yahuwah sa sanlibutan. Sa ibang salita, sila’y pinalakas ni Yahuwah upang gawin ang kalooban ni Yahuwah. Sa halip, tayo’y kinomisyon na “Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo ang ebanghelyo sa lahat ng nilikha.” Marcos 16:15.
Bilang pagwawakas, ang mga tiyak na Hudyong idyoma gaya ng “pumarito sa sanlibutan” kapag tumingin sa isang Platonikong salaan ng isang literal na umiral bago isilang ay tila nagpapahiwatig na si Yahushua ay umiral sa langit bago dumating sa lupa. Gayunman, sa tamang Hebraikong balangkas sa kinalalagyan nito, makikita natin na ang mga idyoma ay nagdadala ng mas matuwid na pagliwanag at isa na mas angkop sa maka-Kasulatang pananaw ng umiral bago isilang: si Yahushua, na umiral na sa kaisipan o plano ni Yahuwah, sa tamang panahon ay isinilang tungo sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan.
1 Pedro 1:20 Na nakilala nga [Yahushua] nang una bago itinatag ang sanlibutan, ngunit inihayag sa mga huling panahon dahil sa inyo.
1 Timoteo 1:15 Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, na si Kristo Yahushua ay naparito sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito.
1 Kaleb Cuevas, “Reading Scripture Through the Proper Lens,” Logos.com, Hulyo 21, 2015, nakuha noong 04-29-19, https://blog.logos.com/2015/07/reading-scripture-through-the-proper-lens/
2 Kegan A. Chandler, The God of Jesus in Light of Christian Dogma, (McDonough, GA: Restoration Fellowship, 2016), p. 342.
3 Ang mga Apostolikong Ama, hindi malilito sa mga apostol ni Yahushua, ay mga teologo na namuhay noong una at ikalawang siglo. Sila’y tinawag na “apostoliko” dahil sila’y sinabi na nalalaman ang isa o marami sa 12 apostol o naimpluwensya sa kanila.
4 “God,” Encyclopedia of Ethics and Religion, ed. James Hastings, (Edinburgh: T. & T. Clark, Vol. 6, 1919), p. 254
5 Michael Goulder, Incarnation and Myth: the Debate Continued, (Eerdmans, 1979), p. 143.
6 “to come into the world,” Merriam Webster’s Dictionary, nakuha online noong 4-28-19 https://www.merriam-webster.com/dictionary/come%20into%20the%20world
7 “Ketuvim,” Encyclopaedia Britannica, nakuha noong 04-17-19, https://www.britannica.com/topic/biblical-literature/The-Ketuvim#ref1096330
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://oneGodworship.com/Jesus-came-into-the-world/
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC