Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Isang nangingibabaw na kamalian na si Satanas na inilagay sa sangkatauhan ay ang paniniwala na isang kaluluwa ay tutungo sa langit matapos ang kamatayan. Maraming tao ang nagpapalagay na ang pariralang Kaharian ni Yahuwah ay kasingkahulugan sa langit. Patuloy, ang Bibliya ay itinuturo na kapag si Kristo Yahushua ay nagbabalik, ang Kaharian ni Yahuwah ay itatatag sa lupa!
Ang Bibliya ay itinuturo na kapag si Kristo Yahushua ay nagbabalik, ang Kaharian ni Yahuwah ay itatatag sa lupa!
|
Una, pansinin kung paano ang Bibliya ay ganap na pinabulaanan ang paniwala ng “pagpunta sa langit” matapos ang kamatayan. Sinasabi ni Pedro sa madla sa araw ng Pentecostes, “Mga kapatid, buong katiyakang sasabihin ko sa inyo na ang ating ninunong si David ay namatay at inilibing. At ang libingan niya’y nasa atin hanggang ngayon. . . . Sapagkat hindi umakyat si David sa mga langit” (Mga Gawa 2:29, 34). Ang “lalaking ito na malapit sa puso ni Yahuwah” ay wala sa langit, kundi nananatili sa libingan! Ang ating Tagapagligtas ay pinagtitibay ito sa Juan 3:13: “Walang sinumang nakaakyat sa langit maliban sa kanya na bumaba mula sa langit, ang Anak ng Tao.”
Ang mga namatay na hinirang ng parehong Luma at Bagong Tipan ay natutulog sa kanilang mga libingan, naghihintay ng muling pagkabuhay – hindi nalalaman ang anuman (Mangangaral 9:5, 10). Inilalarawan ni Job ang paghihintay para sa muling pagkabuhay sa paraang ito: “Kung ang isang tao ay mamatay, mabubuhay pa ba siya? Lahat ng araw ng aking pakikipagbaka ay maghihintay ako, hanggang sa dumating ang pagbabago. Ikaw ay tatawag, at ako’y sasagot sa iyo. . .” (Job 14:14-15).
Maraming berso ang tumutukoy sa mga patay na “natutulog,” at ang pagkakatulad na ito ay nagmumula sa katunayan na kapag ang isang tao ay natutulog nang malalim, maraming hindi nabilang na oras ang maaaring lumipas. Gayundin, sa panahon na tayo’y patay na, wala tayong malalaman, walang kamalayan. Maraming taon ang maaaring dumaan sa pagitan ng panahon na tayo’y mamamatay at ating muling pagkabuhay, ngunit wala tayong kamalayan ng paglipas ng panahon. Ito’y magiging katulad ng ating pagkurap ng mga mata, at pagkatapos ay buhay na muli tayo. Kaya mula sa pananaw ng pagkamalay, ito’y parang nawala mula sa pisikal na katawan tungo sa espiritwal nang agaran, sa kabila ng marahil maraming taon ng agwat sa kamatayan at muling pagkabuhay.
Itinuturo ni Pablo sa 1 Corinto 15 na ang muling pagkabuhay ay hindi magaganap hanggang si Kristo Yahushua ay nagbabalik – sa puntong iyon, ang mga “namatay kay Kristo” ay muling bubuhayin sa espiritwal na katawan, at ang mga nabubuhay na hinirang ay babaguhin sa espiritu “sa isang saglit, sa isang kisap-mata” (berso 52). Kung ang mga hinirang ay awtomatikong tutungo sa langit matapos ang kamatayan, anong pang kailangan sa isang muling pagkabuhay? Sa berso 53, sinasabi pa nga ni Pablo na ang “may pagkasira” ay “magbihis ng walang pagkasira,” nangangahulugan na wala pa tayo ngayon nito (tingnan rin ang Roma 2:7). Tanging si Yahuwah lamang ang walang kamatayan ngayon (1 Timoteo 6:15-16).
Sa Mapalad ng Mateo 5, sinasabi ni Yahushua na ang mapagpakumbabang-loob ay matatanggap ang “kaharian ng langit,” habang ang maamo ay “mamanahin ang lupa” (Mateo 5:3, 5; tingnan rin ang Awit 37:11). Pinaghiwalay ba ni Yahuwah ang hinirang na “mapagpakumbabang-loob” mula sa hinirang na “maamo”, isinusugo sila sa naiibang lugar? Kung ang isang hinirang ay maamo at mapagpakumbaba, mamanahin niya ba ang langit at lupa? Hindi – ang malinaw na palaisipan na ito ay mapapawi kapag matatanto natin na si Mateo ay ginagamit ang pariralang “kaharian ng langit,” samantalang ang ibang manunulat ng ebanghelyo ay tinutukoy ang “kaharian ni Yahuwah.” Ang “kaharian ni Yahuwah” ay hindi nangangahulugan na ang Kaharian ay matatagpuan kay Yahuwah kundi nabibilang kay Yahuwah. Sa kaparehong paraan, ang “kaharian ng langit” ay nangangahulugan na ang Kaharian na pag-aari ng “langit,” kung saan naroroon ang luklukan ni Yahuwah. Ang mapagpakumbabang-loob ay mamanahin ang kaparehong Kaharian na mamanahin ng maamo – at ang Kaharian na iyon ay itatatag sa lupa.
Sinasabi ng Galacia 3:29 na kung tayo ay nabibilang kay Kristo, tayo’y itinuturing na binhi ni Abraham at kaya mga tagapagmana (bagama’t hindi pa magmamana) ng mga pangako sa kanya. Anumang namamana ni Abraham sa muling pagkabuhay, mamanahin din natin. Sinasabi ng Genesis 13:15 na ang pamana ay walang hanggan, at ipinapaliwanag ng Roma 4:13 na ang pangako ay pinalawak upang isama ang buong sanlibutan. Ang “langit,” gayunman, ay hindi isang bahagi ng mga pangako kay Abraham, Isaac, at Jacob o sa atin.
Ang Bibliya ay nagpapakita na ang Kaharian ni Yahuwah ay itatatag sa lupa: “At ginawa mo silang isang kaharian (dugong bughaw na lahi) at mga paring naglilingkod sa aming Diyos, at sila’y maghahari sa daigdig!” (Pahayag 5:10). Pansinin rin ang Pahayag 11:15, na nahulaan na ang Kaharian ni Kristo ay papalitan ang lahat ng mga kaharian sa lupang ito:
Pagkatapos, hinipan ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta, at sa langit ay narinig ang malalakas na tinig na nagsasabi, “Ang kaharian ng sanlibutan ay naging kaharian ng ating Panginoon at ng kanyang Kristo, at maghahari siya magpakailanman.”
Maraming siglo ng paganong tradisyon ay nakumbinsi ang mga tao na ang langit ay kanilang “tahanan” at kanilang gantimpala kapag sila’y namatay. Gayunman, ang biblikal na talaan ay malinaw: ang Kaharian ni Yahuwah ay itatatag sa lupa na nilikha Niya, at ito ang magiging isang walang hanggang Kaharian.
|
Tatlong beses sa Aklat ng Pahayag, ang apostol na si Juan ay inilalarawan ang “banal na lungsod,” ang Bagong Jerusalem, bumaba mula sa langit, sa halip na nasa langit (Pahayag 3:12; 21:2, 10). Ang Bagong Jerusalem ay itatatag sa bago – pinalinis at dinalisay – na lupa. Si Yahuwah mismo ay kasamang mananahan sa mga tao – hindi sa langit kundi sa Bagong Jerusalem sa lupa:
Pagkatapos, nakakita ako ng bagong langit at ng bagong lupa; sapagkat lumipas na ang unang langit at ang unang lupa, at wala na ang dagat. Nakita ko ring bumababa mula sa langit, galing kay Yahuwah, ang banal na lungsod, ang bagong Jerusalem, inihandang tulad ng isang babaing ikakasal na inayusan para sa kanyang asawa. At mula sa trono, isang malakas na tinig ang aking narinig, “Masdan ninyo, ang tahanan ni Yahuwah ay kasama na ng mga tao. Maninirahan Siya sa kanila bilang Diyos nila; sila’y magiging bayan Niya, at si Yahuwah mismo ay makakasama nila at magiging Diyos nila; papahirin Niya ang bawat luha sa kanilang mga mata. Hindi na magkakaroon ng kamatayan; ni magkakaroon ng pagluluksa at pagtangis, at kahit kirot ay di na rin mararanasan, sapagkat lumipas na ang mga unang bagay. . . . Ang nagtatagumpay ay magmamana ng mga ito, at ako ang magiging Diyos niya, at siya'y magiging anak ko.” (Pahayag 21:1-4, 7)
Maraming siglo ng paganong tradisyon ay nakumbinsi ang mga tao na ang langit ay kanilang “tahanan” at kanilang gantimpala kapag sila’y namatay. Gayunman, ang biblikal na talaan ay malinaw: ang Kaharian ni Yahuwah ay itatatag sa lupa na nilikha Niya, at ito ang magiging isang walang hanggang Kaharian. (Para sa mas marami pang halimbawa ng Kaharian na itatatag sa lupa, tingnan ang Awit 2:6-8; 47:1-9; Jeremias 23:5; Ezekiel 37:21-28; Daniel 2:44-45; 7:17-18, 27; Mikas 4:1-5; Zacarias 9:9-10; 14:9, 16-17; Pahayag 2:26-27.)
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Pinagkunan: https://www.truegospel.org/index.cfm/fuseaction/basics.tour/ID/4/Where-Will-Kingdom-Be-Established.htm
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC