Selyo Ni Yahuwah: Natanggap Mo Ba Ito? (Parte 1)
Aming ibinalik sa website ng WLC, sa Banal na Kasulatan ay sinipi ang mga Pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito’y orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. I-click rito upang idownload ang Restored Names Version (RNV) ng Banal na Kasulatan. Ang RNV ay isang hindi-WLC na pinagkukunan. –Pangkat ng WLC |
Ang isang “selyo” ay marahil ang pinakamahalagang bahagi ng isang legal na dokumento. Kung wala ang selyo, ang mga salita sa papel ay, bueno, mga salita lamang sa papel. Ang mga ito’y walang kapngyarihan. Kung may nakalagay na selyo o tatak, gayunman, ang mga salita ay nagiging batas. Ang selyo ay nagdadala ng buong bigat ng awtoridad at kapangyarihan na nabibilang sa monarka o tao na nagmamay-ari ng selyo.
Lahat ng mga selyo ay naglalaman ng tatlong elemento. Kung wala ang mga ito, ang isang selyo ay hindi maaaring tumakbo; hindi ito kakatawan sa monarka na dapat ay sumasagisag rito. Ang tatlong pangunahing elemento ay:
![]() |
Noong ipinagkaloob ni Reyna Elizabeth ang pahintulot para sa kanyang apo, si Prinsipe William, na mapangasawa si Catherine Middleton, nilagdaan niya ang isang Alumana ng Aprobasyon. Sa ibaba ng dokumento, kalakip ng gintong tirintas, ay isang malaki, pulang waks na Dakilang Selyo ng Kaharian. |
1. Ang pangalan ng tagabigay ng batas;
2. Ang titulo ng tagabigay ng batas;
3. Ang awtoridad ng tagabigay ng batas; ang kapangyarihan na pinamumunuan niya.
Ang isang selyo ay tipikal na iminomolde sa pagsisimula ng paghahari ng soberano. Kung ang selyo ay nagiging lubos na pudpod sa paggamit, isang bago ang ginawa at ang lumang selyo ay dinungisan kaya hindi na ito maaaring gamitin upang tatakan ang mga legal na kautusan. Dakilang pag-iingat ang kailangan upang protektahan ang opisyal na selyo. Kung wala ito, wala (kabilang ang lagda) ang opisyal. Ngunit kung mayroon nito, ang isa lamang piraso ng papel ay nagiging isang makapangyarihang kautusan, nagdadala ng buong bigat ng hari.
Ang Monarka ng Sanlibutan ay mayroon ding isang selyo. Ang selyong ito, katulad ng mga selyo ng mga makalupang monarka, ay matatagpuan sa Kanyang kautusan. Sa katunayan, ito ay bahagi ng Kanyang kautusan. Ang banal na kautusan na mamamahala sa lahat ng mga intelihenteng nilalang sa sanlibutan ay ang Sampung Utos. Ang unang apat na kautusan ay sumasaklaw sa tungkulin ng tao sa kanyang Manlilikha; ang huling anim ay namamahala ng mga kilos ng tao sa kapwa niya.
Sa lahat ng mga kautusan, tanging ang ikaapat na kautusan ang naglalaman ng pangalan, titulo, at awtoridad ng dakilang Tagabigay ng Kautusan.
Alalahanin mo ang araw ng Sabbath upang ipangilin. Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain. Ngunit ang ikapitong araw ay Sabbath ni Yahuwah mong Elohim: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong tagaibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan: Sapagkat sa anim na araw ay ginawa ni Yahuwah ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; na ano pa’t pinagpala ni Yahuwah ang araw ng Sabbath, at pinakabanal. (Tingnan ang Exodo 20:8-11.)
Kaya ang ikaapat na utos ay mismo ang selyo ni Yahuwah dahil ito’y naglalaman ng tatlong elemento na kinakailangan para sa lahat ng mga selyo – dagdag pa – ito rin ay may isang PETSA!
- PANGALAN: Yahuwah
- TITULO: Elohim
- AWTORIDAD & KAPANGYARIHAN: Langit at lupa, ang dagat, at lahat ng naroroon
- PETSA: Araw 7 – iyon ay ang petsa sa Lupa – matapos ang Paglikha.
Ang katunayan na ang Sabbath mismo ay ang selyo ni Yahuwah ay lubos na mahalaga at ginawa Niya itong malinaw mula sa simula.
– Itinatag Niya ito / binasbasan / Kanyang ‘ipinangilin,’ ang mismong susunod na araw matapos Niyang likhain si Adan. Pagkatapos ay ibinigay ito sa kanya bilang isang kaloob.
– Tingnan ang Genesis 1:26-31, 2:1-3.
At sinabi niya sa kanila, “Ang Sabbath ay ginawa para sa tao, at hindi ang tao para sa Sabbath.” Marcos 2:27
Sa lahat ng mga kautusan, ang ikaapat na kautusan ay ang pinaka kinayayamutan.
Magmula nang hindi na maalala, gamit ang iba’t ibang istratehiya at pangangatuwiran, … [si Satanas] ay nagawa ang kanyang sukdulan upang pangunahan ang mga tao na labagin o kaya’y pabayaan ang napakahalagang kautusan na ito.
|
Palaging nalalaman ni Satanas na ito’y naglalaman ng selyo ng Kataas-taasan. Magmula nang hindi na maalala, gamit ang iba’t ibang istratehiya at pangangatuwiran, … [si Satanas] ay nagawa ang kanyang sukdulan upang pangunahan ang mga tao na labagin o kaya’y pabayaan ang napakahalagang kautusan na ito.
Nahuhulaan ang lahat ng ito, hindi na nakapagtataka na si Yahuwah ay ginawa ito na tanging kautusan na nagsisimula sa – ‘A-L-A-L-A-H-A-N-I-N’ – Alalahanin mo ang araw ng Sabbath upang ipangilin. Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain. Ngunit ang ikapitong araw ay Sabbath ni Yahuwah mong Elohim: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong tagaibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan … Exodo 20:8-11
Ngayon, dalawa sa pinaka karaniwang dahilan kung bakit ang mga tao ay nilalabag ang ikaapat na utos:
- “Si Hesus ay muling nabuhay sa araw ng Linggo, kaya dapat tayong sumamba sa araw na iyon upang parangalan ang muling pagkabuhay.” (Ang katuwiran na ito ay nagwawalang-bahala ng katunayan na ang lahat ng mga apostol at mga maagang Kristyano ay pinanatili ang ikapitong araw ng Sabbath sa loob ng maraming siglo matapos ang muling pagkabuhay at pag-akyat ng Tagapagligtas.)
- “Ang Sabbath ay ‘napako sa krus’ at hindi na umiiral.” (Ang lohika na ito ay salungat sa pag-aamin na ang lahat ng ibang siyam na utos ay patuloy na umiiral.)
Ang katunayan ay, ang ikaapat na kautusan ay, sapagkat palaging ganito, ang selyo ng Manlilikha. Si Yahuwah ay hindi nagbabago. Siya mismo ay sinabi ito: “Sapagkat ako, si Yahuwah, ay hindi nababago.” (Tingnan ang Malakias 3:6.) Magiging mas naaalinsunod nang lubusan para sa mga makalupang monarka na baguhin ang kanilang sariling kautusan kaysa sa Hindi Nagbabago na itakda ang Kanyang sakdal na kautusan.
Ilan na sumasamba sa araw ng Sabado, ay tinatanggihan ang Lunar Sabbath dahil: “Ang kailangan lamang ng Diyos na ikaw ay sasamba sa ikapitong araw ng anumang kalendaryo na ginagamit ng kalipunan.” Ang pagdadahilan na ito ay sumasalungat rin dahil kung mahalaga na sumamba sa isang tiyak na araw (ang ikapito), pagkatapos ay mahalaga rin na ang kalendaryong ginagamit ng isa upang magbilang sa ikapitong araw ay ang Biblikal na kalendaryo.
Bilang opisyal na selyo ni Yahuwah, ang Sabbath ay may tatlong tungkulin: 1) Ito’y nagbibigay ng proteksyon; 2) Ito’y nagpapatibay; 3) Ito’y isang tanda ng katapatan.
Isang Selyo Na Nagbibigay Ng Proteksyon
Kapag ang isang bagay ay tinatakan, ito’y nagbibigay ng proteksyon sa tinatakan. Ang isang babae na naggagarapon ng pagkain ay protektado ang pagkain sa garapan, kapag siya ay nagproseso ng mga garapon sa kumukulong tubig kaya ang takip ay mahigpit ang selyo. Noong sinelyohan ni Herod ang libingan ni Yahushua, ito ay para sa layunin ng proteksyon sa katawan ng Tagapagligtas kaya ang kanyang mga alagad ay hindi darating, nakawin ang kanyang katawan at angkinin na siya ay muling nabuhay. Anumang bagay na nasa ilalim ng selyo ay protektado.
Iyong mga pinaparangalan ang kanilang manlilikha sa pagsamba sa Kanya sa Kanyang banal na Sabbath ay nasa ilalim rin ng Kanyang proteksyon. Ang banal na proteksyong ito ay lubos na totoo. Ito’y umaabot sa lahat na nagpapanatili sa araw ng Sabbath na banal.
Lubos na may kamalayan si Satanas na ang lahat ng sumasamba sa tunay na Sabbath ay nasa ilalim ng proteksyon ng banal na selyo na ito. Napopoot siya sa katunayang ito! Noong inakusan niya si Job ng paglilingkod kay Yahuwah para sa mga makasariling layunin, nagreklamo si Satanas, “Natatakot ba ng walang kabuluhan si Job sa Elohim? Hindi mo ba kinulong siya, at ang kaniyang sangbahayan, at ang lahat niyang tinatangkilik, sa bawat dako?” (Job 1:9, 10, ADB)
Ang banal na kautusan ay nagbibigay ng isang bakod, isang pader ng proteksyon sa paligid ng lahat ng tumatalima sa kautusan na iyon. Iyong mga nabubuhay sa pagtalima ay nasa ilalim ng selyo ni Yahuwah at kaya nasa ilalim rin ng Kanyang direktang proteksyon.