4 na Simpleng Hakbang para Pataasin ang Iyong Pananalig!
Ang pananalig ay ang kamay na umaangkin ng mga pangako ni Yah, nagdadala ng mga pinakadakilang pagpapala sa mapagpakumbabang mananampalataya.
|
Ang kataasan ng Kristyanismo sa lahat ng ibang relihiyon ay ipinapakita nito ang isang Diyos sa pagluhod, inaabot ang isang kamay para sa tulong, nagsasalita nang banayad, mapagmahal na tinig, nililigawan ang kaaway ng kabutihan, gumagawa ng anumang kailangang gawin para iligtas ang Kanyang iniibig—iyong mga napopoot sa Kanya. Lahat ng bagay na kailangan para sa ating kaligtasan ay makukuha natin bilang kaloob ng banal na kagandahang-loob. Ang ating parte ay tanggapin ito sa pananalig.
Ang parehong kaligtasan at tagumpay kay Yahushua ay depende sa pagsasanay ng pananalig. Dahil dito, ito ay sa iyong pinakamahusay na interes na matutunan kung paano patataasin ang iyong pananalig!
Ang pananalig ay isang kaloob!
Sa buong buhay ng Tagapagligtas sa lupa, pinuri niya ang pananampalataya saanman niya ito makita. “Babae, napakalaki ng iyong pananampalataya!” sinabi niya sa isang Syro-poenikong babae habang pinapagaling ang kanyang anak na babae. Matapos sinabi ng Romanong senturyon kay Yahushua na ang kailangan lang niya ay “magsalita lamang ng salita” at ang kanyang lingkod ay gagaling na, bulalas ni Yahushua, “Totoong sinasabi ko sa inyo, kaninuman sa Israel ay hindi ko nakita ang ganito kalaking pananampalataya.” (Mateo 8:10, FSV)
Madali na ipalagay na ang pananalig ay isang pambihirang espiritwal na katuparan, ang ilang tao ay nakamit ito habang ang iba ay hindi. Ang katunayan ay, gayunman, habang ang pananalig ay kailangan para angkinin ang mga pangako ni Yah, ang pananalig mismo ay isang kaloob! Ipinahayag ni Pablo nang maliwanag na si Yahuwah “ay ibinahagi sa bawat isa ang kasukatan ng pananampalataya.” (Tingnan ang Roma 12:3.) Kung nais mo na pataasin ang iyong pananalig, ang unang bagay na gagawin mo ay manalangin at makiusap para sa mas marami pa. Ang bawat isa ay binigyan ng sapat na pananalig na maniwala na ikaw ay bibigyan pa ng marami, kung pinili mo na maniwala.
1. Gawin ang pasya
Ang pananalig ay isang kaloob, ngunit mayroon kang malayang kalooban na tanggapin o tanggihan ito. Hindi pinipilit ni Yah ang Kanyang mga kaloob sa sinuman. Nasa iyo na pumili at kung kailan sa pananalig dapat kang gumawa ng nalalamang pasya na kunin si Yah sa Kanyang salita.
Ang pananalig ay hindi damdamin! Sa katunayan, ang pananalig ay kailangan kapag ang iyong damdamin ay nasa pakikidigma sa iyong mga paniniwala. Ang talatinigan ay binigyang-kahulugan ang pananalig bilang:
Paniniwala; ang pagsang-ayon ng kaisipan sa patotoo ng ano ang ipinahayag ng iba, nananahan sa kanyang awtoridad at katapatan [pagkamatapat na ugali], nang walang ibang ebidensya; ang paghatol na ipinapahayag ng iba o pinatotohanan ay ang katotohanan ...
[Ang pananampalataya] ay ang pagsang-ayon ng kaisipan sa patotoo ng isang paksang isinulong ng iba.
[Ang pananampalataya] ay ang pagsang-ayon ng kaisipan sa patotoo ng banal na pahayag, sa awtoridad ng patotoo [ni Yah], sinamahan ng isang tapat na pagpayag ng kalooban o pagpapatibay ng puso; isang ganap na pag-asa o tiwala sa katangian [ni Yah] at mga doktrina ni Kristo, sa isang walang pasubaling pagsuko ng kalooban sa kanyang patnubay, at pagkadepende sa kanyang merito para sa kaligtasan. Sa ibang salita, ang matatag na paniniwala sa patotoo [ni Yah], at ng patotoo ng mabuting balita, na nag-iimpluwensya sa kalooban, at humahantong sa isang ganap na pag-asa kay Kristo para sa kaligtasan.1
Ang pananampalataya ay isang hakbang ang lamang sa paniniwala. Ang pananampalataya ay ang pagsang-ayon o kasunduan ng kaisipan na ang sinasabi ng iba ay ang mismong totoo nang walang ibang ebidensya. Ang ganitong tiwala ay dumarating lamang kapag nakilala mo at nagtitiwala ka sa ibang tao. Kaya, ang susunod na hakbang para pataasin ang iyong pananalig ay makilala si Yahuwah para sa iyong sarili.
2. Harap-harapan kasama si Yah
Kapag tungkol sa kaligtasan, hindi ito kung ano ang nakikilala mo kundi sino ang nakikilala mo. Ang mang-aawit ay nag-imbita: “Oh inyong tikman at tingnan ninyo na asi Yahuwah ay mabuti: mapalad ang tao na nanganganlong sa Kaniya.” (Tingnan ang Awit 34:8.) Ang tanging paraan ng sinuman na maaaring tanggapin ang salita ni Yah sa halaga ng karangalan, hindi na nangangailangan ng ibang ebidensya, kung siya’y nakuha ang pagkilala sa Kanya sa isang lubos na personal, napakalapit na antas.
Kung nais mong pataasin ang iyong pananalig, gawing kaugalian na simulang sanayin ang pananampalataya sa pang-araw-araw na batayan. Hanapin ang pangako na naaangkop sa iyong pangangailangan at angkinin ito! Manalangin nang lubos na tiyakan. Sinabi na ang pananalig ay isang halaman na lalaki at lalago kapag inalagaan. Kaya, simulan na ng pag-aalaga nito! Ang paraan na gagawin mo ay sa pamamagitan ng pasya na gawing pang-araw-araw na kaugalian ang pagsasanay ng pananampalataya.
3. Pananalig sa paglulubog
Ang susunod na hakbang para pataasin ang iyong pananalig ay nakakagulat na simple ngunit lubos na epektibo: palubugin ang iyong sarili sa salita ni Yah. Sinabi ni Pablo sa mga taga-Roma: “Kaya ang pananampalataya ay nanggagaling sa pakikinig, at ang naririnig ay sa pamamagitan ng pangangaral ng salita ni Yah.” (Tingnan ang Roma 10:17.) Ang salita ni Yah ay naglalaman ng talulikas na kapangyarihan na matupad ang sinasabi ng salitang iyon.
Sapagka't kung paanong ang ulan ay lumalagpak at ang niebe ay mula sa langit,
at hindi bumabalik doon,
kundi dinidilig ang lupa,
at pinasisibulan at pinatutubuan ng halaman,
at nagbibigay ng binhi sa maghahasik
at pagkain sa mangangain;
Magiging gayon ang Aking salita na lumalabas sa bibig Ko:
hindi babalik sa Akin na walang bunga,
kundi gaganap ng kinalulugdan ko,
at giginhawa sa bagay na Aking pinagsuguan. (Isaias 55:10 at 11.)
Kapag pinalubog mo ang iyong kaisipan sa mga pangako ni Yah, ang iyong pananalig ay tataas!
4. Magpasalamat!
Panghuli, gumawa ng isang punto ng pagkamalay sa mga kaloob ni Yahuwah, at magpahayag ng pagkalugod sa mga ito. Kapag namamalayan mo na ang presensya ni Yah sa iyong buhay at ang mga pagpapala na patuloy Niyang ibinubuhos, ang pag-ibig ay magigising sa iyong puso. Ang pag-ibig na iyon ay magpapataas ng iyong tiwala sa Kanyang salita, na magtatayo pa ng marami at tumataas na pananalig.
Hindi mo pinapataas ang iyong pananalig sa pagpapakilos ng malakas na damdamin sa iyong sarili sa pamamagitan ng lubos na tapang at determinasyon. Sa halip, ang pananalig ay isang likas na resulta ng isang mapagmahal, malapit na pagkakaibigan kay Yah bilang iyong pinakamatalik na kaibigan. “Sapagkat kay Kristo Yahushua, hindi na mahalaga kung ang pagiging tuli o di-tuli, kundi ang pananampalatayang pinatutunayan sa pamamagitan ng pag-ibig.” (Tingnan ang Galacia 5:6.)
Ang pananalig ay hindi isang bagay na makakamit mo, hindi ito isang bagay na maaari mong makamit sa pawis ng iyong noo at sa iyong sariling pagsisikap. Ngunit sa pamamagitan ng pakikipagtulungan kay Yah, hinahanay ang iyong kalooban sa Kanya, maaari kang pagkalooban ng mismong pananampalataya ni Yahushua, at ang mga tagumpay ay sumainyo.
“Sapagkat ang sinumang anak na ni Yah ay nagtatagumpay sa sanlibutan. At ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanlibutan, ang ating pananampalataya.” (Tingnan ang 1 Juan 5:4.)
Para matutunan kung paano gamitin ang kaloob ng pananalig na makapagbabago ng iyong pagsunod mula sa pagkabagot hanggang sa kagalakan, hanapin ang “Pagsunod na nagmumula sa pananalig” sa YouTube! Maaari mo ring basahin ang artikulo sa WLC: Pagsunod na Nagmumula sa Pananalig
|
1 Noah Webster, American Dictionary of the English Language, 1828 ed.