Gaya ng kaligtasan, ang pagsunod mismo ay isang kaloob. Ang pagsunod na umaagos mula sa ating pansariling pagsisikap ay walang iba kundi mga gawa at hindi katanggap-tanggap kay Yah.
|
Hindi nagustuhan ni Martin Luther ang aklat ni Santiago. Sa katunayan, sa kanyang paunang salita sa Bagong Tipan, tumungo siya nang mas malayo noong tinawag ang sulat ni Santiago na isang “katiting na sulat” nang kinumpara sa Mabuting Balita ni Juan at mga sulat ni Pablo.
Malamang ang reaksyon ni Luther kay Santiago ay aasahan. Pagkatapos ng lahat, ginamit ni Yahuwah si Luther nang buong lakas para muling ibalik ang patotoo ng pagkamatuwid sa pananalig, hindi sa mga gawa. Ang aklat ni Santiago, gayunman, ay mayroong isang lubos na mahalagang lugar sa sagradong kanoniko. Ito’y nagbibigay ng malinaw na pagpapaliwanag ng pag-uugnay sa pagitan ng pananalig at mga gawa.
Pananalig laban sa mga Gawa
Dietrich Bonhoeffer (1906-1945) |
Walang duda, ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya. Malinaw na ipinahayag ni Pablo: “Dahil sa biyaya kayo'y iniligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito'y hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; ito'y kaloob ni Yah, hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang walang sinumang makapagmalaki.” (Tingnan ang Efeso 2:8-9.)
Subalit maging ang napakagandang patotoong ito ay pinasama ni Satanas. Sapagkat lubos na walang magagawa ang sinuman para “makamit” ang kaligtasan, ang diyablo ay isinama sa anong tinukoy ni Dietrich Bonhoeffer na “baratong biyaya.” Para sipiin si Bonhoeffer, ang baratong biyaya ay “ang pagsesermon ng kapatawaran nang walang kailangang pagsisisi … Ang baratong biyaya ay biyayang walang pagiging alagad, biyayang wala ang krus, biyayang walang Kristo [Yahushua].”1
Sa baratong biyaya, ang diin ay inilagay sa mga pakinabang ng Kristyanismo nang wala ang anumang pagkilala ng mga sangkot na kabayaran. Ito ay, nalalaman man o hindi, niyayakap ang baratong biyaya, iyong nagpapataas ng mga akusasyon ng “legalismo” laban sa lahat ng pinapanatili ang nagbubuklod na kalikasan ng kautusan ni Yah.
Nagbigay si Santiago ng resolusyon sa pagitan ng dalawang magkasalungat na kampong ito.
Pananalig at mga Gawa
Kapag pinagtalunan ang pananalig at gawa, ang isang pangunahing puntong nakakalimutan ng mga tao ay ang lahat ng bagay na kailangan para sa kaligtasan ay isang kaloob o biyaya—kabilang ang pananampalataya! Ang “sukat ng pananampalataya na ibinahagi ni Yahuwah sa bawat isa.” (Roma 12:3, ASND) Ang “sukat” ng pananampalatayang iyon ay sapat na para angkinin ang salita ni Yah na nangangako ng kaligtasan.
Ngunit ang pagsunod din mismo ay isang kaloob! At iyon ang karamihan sa mga tao na hindi maunawaan. Pero naunawaan ni Santiago. Binuksan niya ang kanyang sulat sa isang maamong babala: “Huwag kayong padaya, mga minamahal kong kapatid. Ang bawat mabuti at ganap na kaloob ay nagmumula sa itaas, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Hindi Siya nag-iiba o nagdudulot man ng anino dahil sa pagbabago. Ipinanganak Niya tayo ayon sa kanyang kalooban sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang tayo'y maging mga unang bunga sa Kanyang mga nilalang.” (Santiago 1:16-18, FSV)
Kabilang rito ang pagsunod! Gaya ng pananampalataya na isang kaloob, ganon din ang pagsunod.
Mga Gawa na Umaagos mula sa Pananalig
Ang Kristyanismo ngayon ay nagpapakita ng isang pagkakasalungat: marami sa mga pinakamakamundong Kristyano ay madalas lumilitaw na pinakabalot ng kasiyahan. Habang, kabaligtaran, marami sa mga pinakalegalistikong Kristyano, ay mga pinakamatapat—kahit na nagtatrabaho sa ilalim ng isang mabigat na pasanin ng pagkakasala!
Ang mga makamundong Kristyano na balot ng kasiyahan ay niyakap ang patotoo ng pagkamatuwid sa pananampalataya lamang, ngunit madalas nabibitag sa pagtanggi sa pagsunod gayong walang iba kundi legalismo. Ang mga legalistiko, mabibigat ang pasaning Kristyano na nauunawaan ang pamamalagi ng banal na kautusan, gayunman, nagpupunyagi dahil habang tinatanggap ang kaloob ng kaligtasan, nararamdaman nilang dapat silang makipagtulungan kay Yah sa paglaban sa mga tukso ni Satanas gamit ang kanilang pansariling lakas. Ang parehong partido ay bigo na maunawaan na ang pagsunod mismo ay isang kaloob.
Naunawaan ito ni Santiago. Sinabi niya:
Kaya't talikuran na ninyo ang lahat ng karumihan at laganap na kasamaan, at tanggaping may pagpapakumbaba ang salitang itinanim sa inyong puso.
Ang salitang ito ang may kapangyarihang magligtas sa inyo. Maging tagatupad kayo ng salita ni Yah, at hindi tagapakinig lamang. Kung hindi, dinadaya ninyo ang inyong sarili. Sinumang nakikinig ng salita at hindi tumutupad nito ay katulad ng taong tumitingin sa kanyang mukha sa salamin at pagkatapos makita ang kanyang sarili ay umaalis at kaagad nalilimutan ang kanyang anyo. Subalit ang taong masusing tumitingin at nagpapatuloy sa sakdal na kautusang nagpapalaya sa tao, siya ang pagpapalain ni Yah sa kanyang mga gawain, kung siya'y tagatupad at hindi lamang tagapakinig na lumilimot ng kanyang narinig. (Tingnan ang Santiago 1:21-25.)
Pansinin na ito ay “salitang itinanim” na nagpapagana sa tatanggap na maging mga tagatupad ng salita. Tangi lamang kapag tinanggap natin ang kaloob ng pananalig sa kaloob ng pagkamatuwid ni Yah na itinanim sa ating mga puso ay maaari nating ibigay ang pagsunod.
Pananalig na Gumagawa
Naunawaan ni Yahushua na ang pagsunod ay tunay lamang na katanggap-tanggap kay Yah kapag ito’y likas na umaagos mula sa isang pusong dalisay kung saan ang kautusan ni Yah ay isinulat. Sa pagpapaliwanag ng konseptong ito sa mga Pariseo, sinabi niya:
Alinman sa gawin ninyong mabuti ang puno at mabuti ang bunga nito o gawin ninyong masama ang puno at masama rin ang bunga nito. Sapagkat nakikilala ang puno sa pamamagitan ng bunga nito. Kayong lahi ng mga ulupong! Sadyang hindi kayo makapagsasalita ng mabubuting bagay sapagkat kayo'y masasama! Sapagkat kung ano ang nilalaman ng dibdib, iyon ang mamumutawi sa bibig. Ang mabuting tao mula sa kanyang mabuting kayamanan ay naglalabas ng mabubuting bagay, at ang masamang tao mula sa kanyang masamang kayamanan ay naglalabas ng masasamang bagay. (Mateo 12:33-35, FSV)
Ito ay hindi isang sermon para paramihin ang kanilang mga gawa. Sa halip, ito ay isang apela na nagpapahintulot sa Ama na linisin ang kanilang mga puso. Pagkatapos ang mga gawa na tinatangka nilang gawin sa pamamagitan ng kanilang mga pagsisikap, ay aagos nang madali at likas, isang resulta ng nagbagong puso na ipinagkaloob sa kanila ng banal, malikhaing kapangyarihan.
Ang pagsunod ay bumubulwak mula sa pananalig. Ang pananalig ay hindi ginawa matapos sumunod ang isa. Sa katunayan, imposible na sumunod nang hindi muna biniyayaan ng pananalig. Nagpabatid si Santiago sa kaparehong tuntunin, ipinahayag:
Mga kapatid, ano ang pakinabang kung sabihin man ng isang tao na mayroon siyang pananampalataya, ngunit hindi naman ito nakikita sa gawa? Maililigtas ba siya ng ganoong uri ng pananampalataya? Halimbawang ang isang kapatid ay walang maisuot at walang makain sa araw-araw, at ang isa sa inyo ay magsabi sa kanya, “Pagpalain ka ni Yah; magbihis ka't mabusog,” ngunit hindi naman ninyo ibinibigay ang mga kailangan ng kanyang katawan, ano'ng pakinabang niyon? Gayundin naman, ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay patay.
Ngunit may magsasabi: Mayroon kang pananampalataya, at mayroon naman akong gawa. Ipakita mo sa akin ang pananampalataya mong walang kalakip na gawa, at ipapakita ko naman sa iyo ang aking pananampalataya sa pamamagitan ng aking mga gawa. Sumasampalataya kang iisa si Yahuwah? Mabuti! Ang mga demonyo man ay sumasampalataya at nanginginig pa. Nais mo ba ng katibayan, O taong hangal, na walang kabuluhan ang pananampalataya na walang kasamang gawa?
Hindi ba't kinalugdan ni Yah ang ating amang si Abraham dahil sa kanyang mga gawa, nang ihandog niya sa dambana ang anak niyang si Isaac? Dito'y makikita mong magkalakip ang kanyang pananampalataya at kanyang mga gawa, at naging ganap ang pananampalataya dahil sa kanyang mga gawa. Natupad ang sinasabi ng Kasulatan, “Si Abraham ay sumampalataya kay Yahuwah, at dahil dito, siya'y itinuring na matuwid,” at tinawag siyang kaibigan ni Yah.
Dito ninyo makikita na ang tao'y itinuturing na matuwid dahil sa kanyang mga gawa at hindi dahil sa kanyang pananampalataya lamang. Gayundin, hindi ba't ang masamang babaing si Rahab ay itinuring na matuwid dahil sa mga gawa, nang patuluyin niya ang mga espiya at nagturo ng ibang daan upang makatakas?
Sapagkat kung paanong ang katawang walang espiritu ay patay, ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay patay. (Tingnan ang Santiago 2:14-26.)
Ang kaloob ng pagsunod ay ang resulta ng biyaya ng isang nagbagong puso.
Ang Kaloob ng Pagsunod
Hindi mo kailangang tanggihan ang pamamalagi ng kautusan ni Yah dahil natatakot ka na hindi mo maaaring mapanatili ito. Ang katotohanan ay: hindi mo talaga ito makakayang panatilihin! Hindi sa iyong sariling kapangyarihan, sa anumang klase. Ang pagsunod ay isang pagpupunyagi at isang pasanin … kapag tinangka mo itong gawin sa iyong pansariling lakas. Ngunit si Yahuwah ay hindi na iyon inaasahan pa mula sa sinuman! Siya ay nag-aalok sa iyo ng kaloob ng isang dalisay, bagong puso at ang Kanyang kautusan ay nakasulat rito.
“Bibigyan Ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan Ko ang loob ninyo ng bagong diwa; at Aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at Aking bibigyan kayo ng pusong laman. At Aking ilalagay ang Aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin Ko kayo ng ayon sa Aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang Aking mga kahatulan, at isasagawa.” (Ezekiel 36:26-27, ADB)
Sang-ayon si Pablo, sinabi: “Sapagkat si Yahuwah ang gumagawa sa inyo, upang naisin ninyo at gawin ang kanyang mabuting layunin.” (Tingnan ang Filipos 2:13.)
Ito ay isang kaloob. Ito ay isang gawa ng banal, malikhaing kapangyarihan. Noong natupad ito ni Yahuwah nang walang anumang tulong mula sa atin, ang ating tugon ay magiging katanggap-tanggap kay Yah. Magsasaya tayo sa isang awit, “Aking kinalulugurang sundin ang iyong kalooban, Oh Yahuwah ko; Oo, ang iyong kautusan ay nasa loob ng aking puso.” (Tingnan ang Awit 40:8.)
Tanggapin ang kaloob ngayon at ang pagsunod ay hindi na magiging isang pasanin, kundi isang likas na agos ng iyong bagong puso.
1 Dietrich Bonhoeffer, The Cost of Discipleship.