Ang Alak ay Manunuya | Dapat bang Uminom ng Alkohol ang mga Kristyano?
Ito ay sa pagpapanumbalik ng banal na larawan sa bumagsak na sangkatauhan kaya ipinadala ni Yahuwah ang Kanyang bugtong na Anak sa ganung mapanganib na misyon. Bago ang Kanyang kamatayan, ipinakita ni Yahushua ang sukdulang plano ng Ama para sa mga natubos ng Kanyang kamatayan:
Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi sila rin naman na mga nagsisisampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita; Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at ako'y sa iyo, na sila nama'y suma atin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo.
At ang kaluwalhatiang sa aki'y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; upang sila'y maging isa, na gaya naman natin na iisa; Ako'y sa kanila, at ikaw ay sa akin, upang sila'y malubos sa pagkakaisa; upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila'y iyong inibig, na gaya ko na inibig mo. (Juan 17:20-23, ADB)
Ang pag-ibig ng Ama at ng Anak para sa‘yo ay nilampasan ang anumang makalupang pag-ibig. Nais Nilang dalhin ka sa malapit, matalik na relasyon kasama Nila; isang relasyon na napakalapit, ito lamang ay maaaring mailalarawan kapag naging KAISA ka Nila.
Ang apostol na si Pablo ay inilabas ang posibleng lalim ng pagkamalapit na isinulat niya na:
O hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo, na tinanggap ninyo sa Eloah? at hindi kayo sa inyong sarili; Sapagka't kayo'y binili sa halaga: luwalhatiin nga ninyo ng inyong katawan si Yahuwah. (Tingnan ang 1 Corinto 6:19-20.)
Bawat pagkakasalang iyong nagawa ay sumisira sa pag-iisa, ang malapit na komunyon na kinasasabikan ni Yahuwah na ibahagi sa iyo. Imposible na maging KAISA ng banal na Elohim at paglingkuran si Satanas sa patuloy na pagkapit sa kasalanan. “Sinoma'y hindi makapaglilingkod sa dalawang panginoon: sapagka't kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa: o kaya'y magtatapat siya sa isa, at pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod kay Yahuwah at sa mga kayamanan.” (Mateo 6:24)
Ang pagkonsumo ng alkohol ay isang lugar na nagdulot ng pagkalito sa ibang tao. Sapagkat tinukoy ng Bibliya ang pag-inom ng alak ng mga iba’t-ibang matuwid na tao na nagmahal at pinaglingkuran si YAH, lumabas ang katanungan, ito ba ay isang bagay na maaaring gawin ng bayan ni Yahuwah nang walang pagkakasala? Sinipi ang Deuteronomio 14 bilang patunay na ang pag-inom ng alkohol ay katanggap-tanggap kay Yahuwah. Sa siping ito, ipinaliwanag ni Yahuwah na kapag ang pamilya na namumuhay nang malayo mula sa tolda upang madaling makuha ang kanilang mga bahagi para sa mga taunang kapistahan, maaari nilang gawing salapi ang mga bahagi nila at bilhin anumang nais upang maging espesyal ang kapistahan sa kanila:
Iyo ngang pagsasangpuing bahagi ang lahat na bunga ng iyong binhi na nanggagaling taontaon sa iyong bukid.
At kung ang daan ay totoong mahaba sa ganang iyo, na ano pa't hindi mo madadala, sapagka't totoong malayo sa iyo ang dako, . . .
Ay iyo ngang sasalapiin, at iyong itatali ang salapi sa iyong kamay at paroroon ka sa dakong pipiliin ni Yahuwah na iyong Elohim:
At iyong gugulin ang salapi sa anomang nasain mo sa mga baka, o sa mga tupa, o sa alak, o sa matapang na inumin, o sa anomang nasain ng iyong kaluluwa: at iyong kakanin doon sa harap ng Panginoon mong Dios, at ikaw ay magagalak, ikaw at ang iyong sangbahayan. (Tingnan ang Deuteronomio 14:22-26.)
Gumagawa si Yahuwah sa bayan kung nasaan sila. Hindi Niya pangunguhan ang mga ito nang mas mabilis pa sa maaari nilang sundin. Sa lambing at awa, ang bawat kaisipan ay hahantong sa katotohanan habang ito’y kanilang nauunawaan. “Ang mga panahon ng di-pagkaalam ay hindi na nga pinansin [ni Yahuwah]. Ngunit ngayon ay iniuutos niya sa sa lahat mga tao sa bawat dako na magsisi.” (Mga Gawa 17:30, ASND) Habang pinapayagan ni Yahuwah ang di-pagkaalam, nananawagan Siya sa lahat para sa mas mataas na pamantayan ng pagkamatuwid. Kahit nung kinilala Niya ang kagustuhan ng mga Israelita na uminom ng alak o malakas na inumin, ito ay sa tiyak na oras at hindi maaaring sumobra na hahantong sa pagkalasing.
Kapag ang kaisipan ay nalasing, ito’y hindi makapag-isip nang malinaw. Kaya, imposible na tanggapin ang tahimik na dagilin ng Banal na Espiritu. Ang Monarka ng Sanlibutan ay hindi nagsasalita sa Kanyang mga anak sa maingay na pagpapakilala. Habang natuto si Elijah nung lumayo sa Bundok Horeb, si Yahuwah ay hindi nasa hangin, lindol o apoy. Si Yahuwah ay patuloy sa maliit na tinig. Anumang bagay na nagpapamanhid sa pandama ay nagpapatahimik sa patuloy na maliit na tinig ni Yahuwah. Kapag ang tao ay bahagyang nalasing, ang kanyang mga pandama ay pinahina. Nawawalan siya ng kakayahang mag-isip nang makatuwiran. Ang kawalan ng pagpapasya ay nagaganap kapag ang tao’y lasing at ito ay palaging isang pagkakasala. Responsable ang tao para sa ginawang mga aksyon at mga pagkakamali sa iba habang nasa impluwensya ng alkohol.
Puno ng mga babala ang Kasulatan laban sa malayang pagkonsumo ng alkohol: “Ang alak ay manunuya, ang matapang na alak ay manggugulo; at sinomang napaliligaw sa kaniya ay hindi pantas.” (Kawikaan 20:1, ADB) Sapagkat ang alkohol ay nakakaadik, maraming tao na nagsisimula bilang mga “sosyal na manginginom” lamang ay nagtatapos sa, hindi sinasadya, mga maglalasing. Ang paghihirap at pighating dulot ng alkohol ay hindi mabilang. Ang mga nawalan ng trabaho, nasirang pamilya, ang pisikal, pangkaisipan at emosyonal na pang-aabuso ng mga kaibigan at mga kasapi ng pamilya, ay nalalaman lamang sa Langit.
Nung ang isang anghel ay ipinadala kay Manoa at sa kanyang asawa upang paghandaan nila ang pagsilang ni Samson, ang tagubilin mula sa Langit ay malinaw: “Ngayon nga'y magingat ka, isinasamo ko sa iyo, at huwag kang uminom ng alak o ng inuming nakalalasing, at huwag kang kumain ng anomang maruming bagay: Sapagka't, narito, ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalake; at walang pangahit na daraan sa kaniyang ulo: sapagka't ang bata ay magiging Nazareo [kay Yahuwah], mula sa tiyan: at kaniyang pasisimulang iligtas ang Israel sa kamay ng mga Filisteo.” (Mga Hukom 13:4, 5, ADB)
Ang tagubiling ito ay inulit ni Gabriel nang pinabatid kay Zecarias na ang kanyang asawa, Elizabet, ay magbibigay ng pagsilang sa palatandaan ng Mesias: “Datapuwa't sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Zacarias: sapagka't dininig ang daing mo, at ang asawa mong si Elisabet ay manganganak sa iyo ng isang anak na lalake, at tatawagin mong Juan . . . Sapagka't siya'y magiging dakila sa paningin [ni Yahuwah], at siya'y hindi iinom ng alak ni matapang na inumin; at siya'y mapupuspos ng Espiritu Santo, mula pa sa tiyan ng kaniyang ina.” (Lucas 1:13, 15, ADB)
Ang pagkonsumo ng alkohol ay hindi kailanman naaayon sa ganap at buong dedikasyon kay Yahuwah. Ang mga tao na sumalang sa panatang Nazarite ay hindi umiinom sa panahon ng kanilang panata, gayon ang aksyong iyon ay maaaring sumira ng panata. Ang alkohol ay laging iniiwasan ng mga naghahanap ng malapit na pagkakaugnay sa kabanalan. Isang tao ang tumungo nang napakalayo nung inutusan ang kanyang mga anak na umiwas sa alkohol magpakailanman sa buong lahi nila! Ilang daang taon ang lumipas, nang inilahad sa alkohol, ang tugon ng kanyang mga inapo ay:
Kami ay hindi magsisiinom ng alak; sapagka't si Jonadab na anak ni Rechab na aming magulang ay nagutos sa amin, na nagsasabi, Huwag kayong magsisiinom ng alak, maging kayo, o ang inyong mga anak man, magpakailan man: Ni huwag mangagtatanim sa ubasan, . . . At aming tinalima ang tinig ni Jonadab na anak ni Rechab na aming magulang sa lahat na kaniyang ibinilin sa amin na huwag magsiinom ng alak sa lahat ng mga araw namin, kami, ang aming mga asawa, ang aming mga anak na lalake o babae man; . . . ni huwag kaming mangagtangkilik ng ubasan, . . . at kami ay nagsitalima, at nagsigawa ng ayon sa lahat na iniutos sa amin ni Jonadab na aming magulang. (Jeremias 35:6-10, ADB)
Walang sinuman na naghahanap ng pakikiisa kay Yahuwah ang pipiling uminom ng alkohol. Iyong mga KAISA ni Yahuwah ay mapupuno ng Kanyang Espiritu. Lalayo sila sa anumang bagay na kontaminado, nakakalasing o sa kung hindi man, nagpapatahimik sa patuloy na maliit na tinig ng Banal na Espiritu. “Hindi baga ninyo nalalaman na kayo'y templo ni Yahuwah, at ang Espiritu ni Yahuwah ay nananahan sa inyo? Kung gibain ng sinoman ang templo ni Yahuwah, siya'y igigiba ni Yahuwah; sapagka't ang templo ni Yahuwah ay banal, na ang templong ito ay kayo.” (Tingnan ang 1 Corinto 3:16, 17.)
Ang huling naitalang mga salita ni Yahushua sa Kasulatan ay naglalaman ng babala: “Makinig kayo! Darating na ako! Dala ko ang mga gantimpalang ibibigay sa bawat isa ayon sa kanyang ginawa!” (Pahayag 22:12, MBB) Isang pagsusuri ang gagawin ng bawat buhay na indibidwal. Ang lihim na mga saloobin, ang nakatagong mga motibo ay ilalatag nang lantad lahat sa harap ng nanonood na sanlibutan. Ang gantimpala sa bawat tao ay malalaman. Ang mga pangalan ng mga dinala ang kanilang mga buhay sa pakikiisa sa Tagapagligtas ay masusulat sa Aklat ng Buhay. Ang mga napahamak, gayon din, ay masusulat ay aklat ng talaan ng kaparusahan: walang hanggang kamatayan. “At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.” (Daniel 12:2, ADB)
Lahat ng mabubuhay nang walang hanggan ay dapat harapin ang taimtim na katunayan ng pagpapasya. Upang mapatawad, unahin nilang makapagsisi at talikuran ang kasalanan. Ito ay tiyak na gagawin upang ihanda ang mga puso para sa Araw ng Pagtubos.
Ang Araw ng Pagtubos ay nilalayon upang dalhin ang mga nagsisising makasalanan tungo sa PAG-IISA kay Yahuwah. Subalit upang madala sa pag-iisa sa Banal na Ama ay nangangailangan ito ng pagpapakumbaba ng puso at paghahanap sa kaluluwa.
Ito ay patuloy pa rin. Gaya ng mga sinaunang Israelita na “pinagdalamhatian” ang kanilang mga kaluluwa, tayo ring lahat na naghahanap ng pag-iisa kay YAH ay gagawin ito. Wala sa mga sinaunang Israelita ang uminom ng alkohol sa mga taimtim na araw na hahantong sa Araw ng Pagtubos. Bawat isa ay pagdalamhatiin ang kanyang puso at tiyakin na walang mananatili sa landas ng mga pagkakasala na inalis na. Iyong mga hindi nakisama sa taimtim na gawang ito ng paghahanap sa puso ay pinaalis mula sa Israel.
Ang taimtim na babala para sa sinaunang Israel ay pananawagan rin para sa espiritwal na Israel:
At nang araw na yao'y tumawag si Yahuwah, ang Elohim ng mga hukbo, sa pagiyak, at sa pagtangis, at sa pagkakalbo, at sa pagbibigkis ng kayong magaspang. At, narito, kagalakan at kasayahan, pagpatay ng mga baka at pagpatay ng mga tupa, pagkain ng karne, at paginom ng alak: Tayo'y magsikain at magsiinom, sapagka't bukas tayo ay mangamamatay.
At si Yahuwah ng mga hukbo ay naghayag sa aking mga pakinig, Tunay na ang kasamaang ito ay hindi malilinis sa inyo hanggang sa kayo'y mangamatay, sabi ni Yahuwah, na Elohim ng mga hukbo. (Tingnan ang Isaias 22:12-14.)
Lahat ng naghahangad ng buhay na walang hanggan ay tatalikuran ang alkohol at bawat nakamamanhid sa isipan at nakakaadik na kasanayan. Ang pagiging KAISA kay Yahuwah ang magiging pangunahing tampulan sa dakilang Araw ng Pagtubos. Ngayon ang hindi oras na itanong na, “Ano ang pinakamaliit na maaari kong gawin at maligtas pa rin?” kundi, “Ano ang kaloob ni Yahuwah? Paano ako magiging KAISA Niya?”
“Kaya't yamang nakukubkob tayo ng makapal na bilang ng mga saksi, itabi namang walang liwag ang bawa't pasan, at ang pagkakasalang pumipigil sa atin, at ating takbuhing may pagtitiis ang takbuhing inilagay sa harapan natin” (Hebreo 12:1, ADB)
Ngayon at araw-araw, hanapin ang kabanalan. Isantabi ang anumang bagay na humahadlang sa pagitan mo at ng iyong Manlilikha. Maging KAISA ni Yahuwah.