Ang pamamatnubay ng Bibliya at praktikal na mga pagsasaalang-alang ay mahalaga. Ang simpleng katunayan ay wala kahit isang sekta na umiiral na kumapit sa lahat ng Sampung Utos. Karamihan ay umayon sa karamihan ng mga utos, ngunit wala sa lahat ng mga ito. Sa totoo lang, walang sekta ang nanindigan kahit pa sa tatlong utos lang: isang Eloah, ang Sabbath, at pagbabawal sa pagpatay. Kaya para sa mga dahilang praktikal, ang tunay na mananampalataya ay hindi maaaring lumahok sa anumang relihiyong itinatag.
Habang mayroong ibang mga isyu na dapat isaalang-alang bukod sa sampung utos, ang mga ito’y bumuo ng isang mabuting patakaran sa ilalim ng kapangyarihan. Pinagsarhan sila ng lahat ng simbahan sa simula pa lang. Ngunit ang pagdalo sa iasang ekklesia ay hindi solusyon ano pa man. Ang pambahay na ekklesia ay maaaring makilahok sa kaparehong mga huwad na doktrina na itinuturo ng mga sekta. Ang paghahanap o pagtatatag ng isang pambahay na ekklesia ay nangangailangan ng maingat na malasakit sa maka-Kasulatang pagpatnubay.
Ang unang pantahanang ekklesia, ang nag-iisa at nananatiling uliran, ay ang kay Adan at Eba. Kasama nila si Yahuwah sa pagsamba sa bawat gabi gayon din tuwing Sabbath. (Genesis 3:8) “At narinig nila ang tinig ni Yahuwah Elohim na lumalakad sa halamanan sa kulimlim ng araw.”
Ang paglalakad kay Yahuwah ay ang batayang anyo ng pagsamba. Ito’y nagpatuloy kay Enoc (Genesis 5:24) “At lumakad si Enoc na kasama ng Elohim: at di siya nasumpungan, sapagka't kinuha ng Elohim.” Itong araw-araw na pagtitipon ng pamilya kay Yahuwah sa pagsamba, itong paglalakad kasama Niya, ay paghahanda para kunin mula sa lupa sa tamang panahon upang makasama ang Panginoon sa kalangitan. Yung mga araw ni Enoc na pinabayaan ang anyo ng pagsamba na itinatag kay Adan at Eba ay winasak sa Pagbaha sa huli. Ang mga nagpanatili nito ang naligtas. (Genesis 6:9) “Si Noe ay lalaking matuwid at sakdal noong kapanahunan niya (iyon ay, pamilya o pantahanang ekklesia): si Noe ay lumalakad na kasama ng Elohim.”
Ang orihinal na pantahanang ekklesia na sinanay ay lumawak sa panahon ni Abraham (Genesis 14:14) “At pagkarinig ni Abram, na nabihag ang kaniyang kapatid ay ipinagsama ang kaniyang mga subok na lalake, na mga ipinanganak sa kaniyang bahay, na tatlong daan at labing walo, at kanilang hinabol sila hanggang sa Dan.” Kahit sa ganung kalaking bilang, ang pantahanang ekklesia ni Abram ay nahati gayong inilarawan sa Genesis 13:8. Habang ang dahilan para sa paghihiwalay ay labanan, ang paghihiwalay ay nalutas ang labanan, sa halip na nagpatuloy. Iyon ay tiyak ang salungat sa anong karaniwang nangyayari sa loob ng pambahay na ekklesia ngayon, at iyon dapat ang maging nagtuturong babala. Ang pambahay na ekklesia ngayon, maliban kung ang grupo ay batay sa tunay na mga alituntuning Biblikal, ay isa pang pagpapahayag ng pananampalatayang Babilonyan.
Isa sa mga dahilan ang pambahay na ekklesia na maliligaw ngayon ay ang paglapag sa pang-aabuso ng kapangyarihan. Itinatag ng mga tao na mapaghihinakit dahil hindi sila makakuha ng kapangyarihan na hinahangad nila sa kongregasyon na kung saan ay kasapi sila. Ang Bibliya ay naglalaman ng isang alituntunin na napakalayo ang narating upang maiwasan iyon. Ang responsibilidad para sa organisasyon ng pambahay na pagtitipon ay dapat sa pinakamatandang anak na lalaki. Ang alituntunin ng karapatan ng unang isinilang ay nakasentro sa pantahanang ekklesia sa aklat ng Genesis. Kapag ang bata ay binigyan ng tungkulin sa pagbabasa ng Banal na Kasulatan sa pagdinig ng mga nagtipon at sa ibang paraan ay nakikita, saka walang problema para sa kapangyarihan, sapagkat ang ginagawa nila sa pantahanang ekklesia ay minsan pang mas pantao kaysa sa mga itinatag na kongregasyon.
Sa katunayan, ang paglilingkod sa pagsamba ay maaaring maging napakasimple kahit pa ang musmos na bata ay may kayang manguna sa panalangin. Kapag nagsimula sa tahimik na panalangin, kung saan ang mga natipon ay maaaring basagin ang katahimikan sa kanilang kahilingan, tapos magpapatuloy sa nangunang bata na nagbabasa ng aral ng kasulatan, matapos na kung saan ang pag-aaral o pagtalakay ay magaganap, walang punto kung saan ang nangunang bata ay nangailangang maramdaman na ang kanyang papel ng pamumuno ay inilipat. Ang mga nakakatanda ay maaaring mag-ambag sa pag-aaral ng Bibliya, magbigay ng mga patotoo at mga pangaral, lahat nang walang pag-angkin sa pamumuno ng pagpupulong.
Ang alituntunin ng karapatan ng unang isinilang ay sa katunayan ang bagay na tinalikdan nung ang pambansang sistema ng pagsamba ay itinatag sa mga Israelita. Ang karapatan ng unang isinilang ay itinago sa alituntunin, ngunit ang kasanayang ng unang isinilang ay tinubos sa pagbibigay ng salapi sa mga pari, na kumuha ng kanilang karaniwang tungkulin. Ang sistemang ito ay nanaig sa ilalim ng mga hukom at mga hari. Subalit gaya ng poligamya, hindi ito ang orihinal na plano ni Yahuwah.
May mga dahilan sa pagbabago ng mga institusyon sa panahon ng mga hukom at mga hari. Sa pagdating ng Mesias, ito ay ibabalik sa orihinal na plano. Itinatag ni Yahushua ang orihinal na ayos ng maliit na sukat na pagsamba sa Mateo 16-18, nagbigay ng tiyak na detalye kung gaano kaorganisa ang pagsamba.
Ang batayang institusyon ay nasa (Mateo 18:19) Tandaan din ninyo: kung ang dalawa sa inyo ay nagkaisa dito sa lupa sa paghingi ng anuman, ito'y ipagkakaloob sa inyo ng aking Ama na nasa langit. (Mateo 18:20) Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa pangalan ko, naroon akong kasama nila.
Binawasan ni Yahushua ang minyan ng mga Hudyo o binaba ang bilang na kailangan para sa mga pang-kongregasyon na panalangin sa dalawa o tatlo. Dalawa o tatlo ay maaaring magbigkis ng isang paksa, iyon ay, pagtatatag ng ekklesia na sinusunod lamang ang order ng Magandang Balita nang tiyak. Ang mga alituntunin ay narito:
- Ang ekklesia ay itinatag sa pagpapahayag ni Pedro na si Yahushua ang anak ni Yahuwah. (Mateo 16:16-18)
- Ang ekklesia ay ang makapangyarihang kumakatawan ng kaharian ni Yahuwah sa lupa. (Mateo 16:19)
- Ang ekklesia ay nananatili sa mapagpakumbabang anyo, maging sa panahon ay isang lihim na pangkat, sapagkat nasa digmaan laban sa kaharian ni Satanas sa mundong ito. (Mateo 16:20)
- Ang ekklesia ay batay sa plano ng kaligtasan kung saan nakasentro ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo. (Mateo 16:21-23; 17:22-23)
- Ang ekklesia ay saligan ng kasanayan para sa pagkait sa sarili na kinakailangan para sa kaligtasan. (Mateo 16:24-26)
- Ang ekklesia ay batay sa inaasahang pagbabalik ni Kristo. (Mateo 16:27-28)
- Ang ekklesia ay nakakapukaw at propetiko, dinadala ang mga tinipon tungo sa direktang pakikitungo sa propetikong pahayag mula sa Langit. (Mateo 17:1-9)
- Ang ekklesia ay ang sasakyan ng banal na pagpapala sa buong mundo sa pagtuturo at pagpapagaling, pinalakas ng panalangin at pag-aayuno. (Mateo 17:14-21)
- Ang ekklesia ay matalino sa anuman upang maiwasan ang sagupaan sa Roma. (Mateo 17:24-27)
- Ang sentrong kahalagahan na dapat panatilihin ng ekklesia ay ang kababaang-loob, at isang magiliw na saloobin sa mga mababang-loob. (Mateo 18:1-14)
- Ang ekklesia ay isang sasakyan ng pagkakasundo sa mga pangyayari ng sagupaan, at ito’y may obligasyon na paalisin ang mga lumahok sa mga pagkakasala sa kanilang mga kapatid. (Mateo 18:15-17)
- Ang ekklesia ay itinatag sa gawa ng dalawa o tatlong nagtitipon sa ngalan ni Kristo para sa layuning iyon. (Mateo 18:18-20)
- Si Kristo ay hindi nakikita ngunit Siya mismo ay naroroon sa pagtitipon ng ekklesia. (Mateo 18:20)
- Ang ekklesia ay ang sasakyan ng banal na kapatawaran, kung saan ay nahatid sa kaparehong sukat sa mga kasapi nito na patawarin ang bawat isa. (Mateo 18:21-35)
Ang labing-apat na mga alituntunin ng Magandang Balita ay mahalaga sa kaharian ni Yahuwah kung saan ang Magandang Balita ay ipinapahayag. Kapag alinman sa mga ito ay nawawala, ang institusyon ay hihinto sa pagiging isang tunay na ekklesia. Ang ekklesia ay hindi isang institusyong hinatid ng apostolikong paghalili. Ito ay itinatag nang direkta ni Yahushua mismo, na naroroon sa pagkakatatag na iyon at sa bawat pagtitipon.
Ang apostolikong ekklesia ay karaniwang pagtitipon sa mga tahanan o panlabas sa mga tagong lugar.... Ito ay laganap na sistema bago imperyal na Kristyanismo, na nagpasimuno ng pagtatayo ng mga malalaking gusali upang madaling makontrol ang mga tao at turuan sila sa paghihimagsik. Ang pantahanang ekklesia ay itinatag na mas malapit sa isa’t-isa, gayong nakatago, tila sa kanyang tahanan, sa dyakonisang Phebe sa Cenchrea, lakad lamang ang distansya sa Corinto, kung saan isa pang ekklesia ang tinipon.
Ang ekklesia ng Magandang Balita ay hindi isinama ang pangangailangan ng mga nakakatanda at mga dyakono. Ang mga opisinang ito na itinatag sa apostolikong ekklesia upang matugunan ang mga tiyak na pangangailangan sa panahong iyon. Sa panahon ang mga mahiwagang relihiyon ay naging mas tanyag sa imperyong Roma. Ang mga ito’y kalahating-lihim na mga grupong pantahanan na mayroong anyo ng bunsod na kapareho ng bautismo, ngunit minsan ay sangkot sa mga nakasusuklam na madugong ritwal ng paghuhugas, mayroong sagradong pagkain, sumasamba sa taong-diyos na umangkin na namatay at nabuhay muli, at umaawit ng mga himno at nagbabasa ng kasulatan sa epekto nun. Ang pagkakapareho sa ekklesia ng Magandang Balita ay napakalapit, napakalapit kaya ang mga Hudyo at mga Hentil ay minsa’y nahihirapan na sabihin ang pinagkaiba. Sa kontekstong ito, ang mga opisina ng mga dyakono at mga nakakatanda ay kailangan upang manatili ang order ng Magandang Balita. Ipinagkaloob na hinaharap din natin ang kaparehong pagsubok ngayon, daan-daang anyo ng paganismo na lahat ay inaangkin na maging Kristyano, ang mga dyakono at mga nakakatanda ay nagsilbi na isang tunay at madalas kailangang papel ngayon din.
Isinulat ni Pablo sa detalye ang tungkol sa mga opisinang ito sa 1 Timoteo 3. Habang marami ngayon ang iniisip na ang apostolikong paghalili ay gumagawa ng isang tunay na ordinasyon, ito ay hindi totoo. Tanging si Kristo lamang ang maaaring magtalaga, at si Kristo lamang ang naroroon sa pagtitipon sa ngalan Niya upang gawin ang dapat. Ang ordinasyon sa panalangin at ang paghahawak-hawak ng mga kamay ng mga natipun-tipon sa isang tunay na ekklesia ng Magandang Balita ay tunay na ordinasyon lamang.
Ang ekklesia ay mayroong tungkulin na gawin ang tiyak na mga ordinansa bukod sa pagtatalaga ng mga nakakatanda at mga dyakono, karaniwan sa pamamagitan ng mga direktibang ito, kapag sila’y naroroon sa pagtitipon. Isinama nila ang mga sumusunod:
- Ang paglilingkod ng Salita. (Pahayag 1:3)
- Ang Bautismo sa paglulubog ng mga nagbigay ng patunay sa kanilang pananampalataya sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo. (Roma 6:4) TANDAAN: Sa isang maliit na grupo, ang mga naghahanap ng katotohanan ay maaaring binyagan ang isa’t-isa nang walang proseso ng ordinasyon.
- Ang paghuhugas ng mga paa sa pagsisimula ng komunyon ng paglilingkod. (Juan 13:14)
- Ang hapunan ng Panginoon ng tinapay na walang pampaalsa at walang asim na katas ng ubas. (1 Corinto 11:23-33)
- Pagpapala sa mga bata. (Mateo 19:14)
- Panalangin sa mga may karamdaman. (Santiago 5:14)
Ang kahulugan ng ekklesia ay ang grupo ng mga tinawagang umalis o lumayo, at kailanman ay hindi ginamit na kumakatawan sa isang gusali. Sila ay tinawagang lumabas mula sa mga sinagog ni Satanas, na mga itinatag na pananampalataya ng mundo. Ang ekklesia ay kinabibilangan ng mga tao na may tiyak na mga espirtwal na pagpapala para pakinabangan ng mga nakapaligid sa kanila. Ang mga ito’y tinalakay sa detalye sa 1 Corinto 12-14. Ang listahan ng mga kaloob na iyon ay ibinigay sa 1 Corinto 12:28.
“Naglagay si Yahuwah sa ekklesia, una, ng mga apostol; ikalawa, ng mga propeta; at ikatlo, ng mga guro. Naglagay rin siya ng mga gumagawa ng mga himala, mga nagpapagaling ng mga maysakit, mga tagatulong, mga tagapangasiwa, at mga nagsasalita sa iba't ibang mga wika.” (1 Corinto 12:28)
Lahat ng labing-apat na alituntunin ng Magandang Balita, ang walong espiritwal na kaloob, at ang institusyon ng mga nakakatanda at mga dyakono, ay lumitaw sa mga unang Adventist na nagpanatili ng kautusan. Ang pinakaunang mga isinulat ni Ellen White ay nagbigay ng malinaw na mga paglalarawan ng mga ganung pagtitipon. Ang pantahanang ekklesia ng pamilya White ay pinangunahan ng panganay na anak na si Henry, ang kanilang “matamis na mangangawit.” Inilarawan ni Ellen White ang pagsasanay na kailangan upang ibigay sa mga bata ang kakayahang manguna sa pantahanang pagsamba.
“Ang pagtuturo sa pantinig na kultura ay dapat ibigay sa pantahanang kapisanan. Dapat turuan ng mga magulang ang kanilang mga anak na magsalita nang malinaw para ang mga nakikinig ay maaaring maunawaan ang bawat salita na sinasabi. Dapat ituro sa kanila ang pagbabasa ng Bibliya sa malinaw, natatanging pagbigkas, sa paraan na pararangalan [si Yahuwah]. At huwag hayaan ang mga lumuhod sa altar ng pamilya na ilagay ang kanilang mga mukha sa kanilang mga kamay at kanilang mga kinalalagyan kapag kanilang binati [si Yahuwah]. Hayaang itaas ang kanilang mga ulo at, sa banal na paghanga at katapangan, lumapit sa trono ng pagpapala.” – Adventist Home, p. 435.
Ang alituntunin ng pagtitipon sa pantahanang ekklesia ay naunawaan na at sinanay nang kasing aga ng taong 1844 sa mga Adventist na nagpanatili ng kautusan.
“Ito ay hindi katagal matapos ang paglipas ng panahon, noong 1844, nung ang unang pangitain ay ibinigay sa akin. Binisita ko si Ginang Haines sa Portland, isang minamahal na kapatid kay Kristo, na ang puso ay nangunot sa akin; lima kami, lahat ay kababaihan, ay nakaluhod nang tahimik sa altar ng pamilya. Habang kami’y nananalangin, ang kapangyarihan [ni Yahuwah] ay dumating sa akin na hindi ko pa nararanasan noon pa.” – Christian Experience and Teaching of Ellen G. White, p. 57.
Ang kabiguan sa pagtatatag ng isang pantahanang ekklesia ay ipangatwiran ng kakulangan ng paraan, pang-ekonomiko at pang-personal. Nakita na natin na sapat na mayroong isang tao na sanay na sa pagbabasa ng Bibliya. Kahit na kapag walang literatong tao ang mahahanap, isang ekklesia ang maaaring tipunin sa palibot ng Salita na batid mula sa alaala. At kapag walang naroroon na maaaring ulitin ang isang teksto ng Bibliya sa puso, saka ang katahimikan ay ginintuan, at ang tinig ay maaaring laging itaas sa panalangin at kahilingan kay Yahuwah.
“Ang kahirapan ay hindi magpapatahimik sa atin mula sa pagpapakita ng mabuting pakikitungo. Tayo ay narito upang ipabatid ang anumang mayroon tayo. May mga nagsusumikap para sa kabuhayan at iyong mga may dakilang kahirapan sa paggawa ng kikitain upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan; ngunit iniibig nila [si Yahushua] sa katauhan ng Kanyang mga hinirang at handa na ipakita ang mabuting pakikitungo sa mga mananampalataya at hindi nananalig, sinusubukang gawin ang kanilang pagbisita na kapaki-pakinabang. Sa lupon ng pamilya at ang altar ng pamilya ang mga bisita ay malugod na tatanggapin. Ang panahon ng panalangin ay ginagawa ang impresyon nito sa mga nakatanggap ng libangan, at kapag ang isa ay bumisita ay marahil ang pagliligtas ng isang kaluluwa mula sa kamatayan. Para sa gawang ito, [si Yahuwah] ay gumawa ng pagtaya, sinasabi: ‘Ako ang nagbayad.’” – Adventist Home, p. 451.
Ang tungkulin ng lalaki at babae sa pantahanang pagsamba ay nagdadala mula sa pang-araw-araw na kasanayan sa pagtitipon sa Sabbath din.
“Bago lisanin ang bahay para sa paggawa, lahat ng pamilya ay dapat magsama-sama; at ang ama, o ang ina sa pagliban ng ama, ay dapat manawagan nang taimtim [kay Yahuwah] para panatilihin sila sa buong araw. Dumating sa kababaang-loob, na may pusong puno ng lambot, at isang diwa ng tukso at panganib sa harap mo at ng iyong anak; sa pananalig ay magbibigkis sa kanila sa harap ng altar, dumalangin sa kanila ang pag-aalaga [ni Yahuwah]. Ang mga naglilingkod na anghel ay gagabayan ang mga bata na nakatuon [kay Yahuwah].” – Child Guidance, p. 519.
Ito ay higit sa lahat ang impluwensya ng Seventh-day Baptists na binago ang mga unang mananampalataya sa pagtatatag ng mga institusyon. Ang mga institusyon ay itinatag sa panghuling bahagi ng 1800s na itinulad sa mga Baptists, sa mga lupon, mga asosasyon, at mga pagpupulong. Ang mga ito, bagama’t hindi mali, ay sa huli’y inabuso sa pamamagitan ng labis na pagpapakandili sa organisasyon, kaya ang nauna, mga tamang alituntunin ng pantahanang ekklesia ay naglaho. Nanawagan si Ellen White para sa reporma sa bagay na ito, at isang pagbabalik sa orihinal na mga alituntunin ng pantahanang ekklesia na makikita sa aklat ng Genesis.
“Ikaw na nagpahayag na umiibig [kay Yahuwah], tanggapin [si Yahushua] kasama mo saan ka man pumunta; at, gaya ng mga patnyarka ng luma, magtayo ng altar [kay Yahuwah] saanman mo itatayo ang iyong tolda. Isang repormasyon tungkol rito ang kailangan, isang repormasyon na dapat malalim at malawak.” – Testimonies, vol. 5, pp. 320, 321
Hindi natin kailangan ang isang bagong organisasyon, at hindi rin natin kailangan na makilahok sa mga institusyong sumama sa paghihimagsik. Ang pantahanang ekklesia na itinatag sa Eden, apirmado sa Magandang Balita, at pinanatili ng naunang Adventist na nagpanatili ng kautusan na umiiral ngayon ay hindi nagbago. Ito ay ang kaparehong ekklesia kung saan si Ellen White, James White, ang Waggoners, Joseph Bates, at mga iskor ng iba ay nabibilang at nakilahok. Sapat nang magtipon gaya ng pamilya sa altar ng pamilya araw-araw, at magsama-sama gaya ng mga mananampalataya na may parehong kaisipan sa isang itinalagang tahanan sa araw ng Sabbath at sa pinahintulutang mga okasyon.