Ang Pinakamakapangyarihang Pangako sa Lahat ng Sanlibutan!
Ang Kasulatan ay naglalaman ng isang pangako na pinakamakapangyarihan sa lahat. |
Mayroon akong lihim na nais ibahagi sa iyo. Hindi naman talaga ito isang lihim. Ang impormasyon ay nakalabas para sa mga nais na maghukay para dito. Ngunit ang kaalaman ay sinadyang itago, at naglaho. Ang lihim ay: ang banal na pangalan na naglalaman ng pinakamakapangyarihang pangako sa sanlibutan.
Itinago ni Satanas ang pangakong ito, ikinubli ito sa ilalim ng mga panlahatang titulo ng panginoon, at diyos—mga titulo na angkop rin sa mga paganong diyos.
Nais ni Yahuwah na ang pangako na nakapaloob sa Kanyang pangalan ay makilala at magamit. Ito ay kung bakit ang Kasulatan ay paulit-ulit na hinihimok ang mga mananampalataya na “Tumawag sa pangalan ni Yahuwah,” (1 Paralipomeno 16:8) at ang lahat ng gumawa nito ay pinangakuan ng kasagutan (Awit 50:15). Ito ay dahil may kapangyarihan dito! Isang pangako! Isang pangako na nilikha upang umangkop sa anuman at bawat pangangailangan na maaaring lumitaw.
Isang Hindi Pangkaraniwang Pangalan
Ang Manlilikha ay ang bukal na pinagmulan ng lahat ng buhay. Ang Kanyang pangalan, gayong hindi pangkaraniwan, ay sakdal na naglalarawan ng Kanyang estado bilang Isang Makapangyarihan, Umiiral sa Sarili. Ang Kanyang pangalan ay isang pandiwa ng katauhan. Ang mga pandiwa ng katauhan ay: ako ay, ako nga, ako yaong, at maging ako. Lahat ng ito’y sakdal na angkop sa Kanya na Siya nga, at Siya ay, at maging Siya magpakailanman.
Sa nasusunog na palumpong noong si Moises ay tinanong kung sino ang nagsugo sa kanya at dapat niyang sabihin, ang tugon, na isinalin sa Tagalog, ay “AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA.” (Exodo 3:14, ADB)
Ang aktwal na salita, gayunman, ay: maging. “Maging! Maging! Sabihin na Maging ang nagsugo sa iyo.”
Ang Maging, sa Hebreo, ay hayah.
Kapangyarihan sa Pangalan!
Mayroong kapangyarihan sa banal na pangalan. Ang isang sinaunang sigaw ng digmaan sa Korea ay, “Hayah!” Maging sa kasalukuyan, ang mga tao na nag-aaral ng sining ng pagtatanggol ay tinuruan na ang pagsigaw ng “hiyah” ay magpapalakas ng pisikal na pwersa ng mga suntok o sipa.
Ang mga propeta ni Yahuwah ay naunawaan ang kapangyarihan ng banal na pangalan. Sa Genesis 12:2, sinabi ni Yahuwah kay Abraham: “Ikaw ay aking pagpapalain, at padadakilain ko ang iyong pangalan; at ikaw ay maging isang kapalaran.”
Pinagpala na si Abram, kaya ang pahayag [ni Yahuwah] ay ipinagkaloob sa kanya ang isang panghinaharap na pagpapala. Ang paggamit ng hayah sa ganitong sipi ay nagpapahayag ng aktwal na paglabas ng kapangyarihan, kaya tiyak ang katuparan—pagpapalain si Abram dahil itinalaga ito [ni Yahuwah].
Ginamit ng mga propeta ang hayah upang ipanukala ang pamamagitan [ni Yah] sa hinaharap. Sa paggamit ng pandiwang ito, binigyang-diin nila … ang pinagbabatayang banal na pwersa na lilikha sa kanila … Kapag ginawa ang mga tipan sa pagitan ng dalawang magkasama, ang mga pormula ay kadalasang isinasama ang hayah.
Isa sa pinaka pinagtatalunang paggamit ng hayah ay naganap sa Exodo 3:14 kung saan sinabi [ni Yah] kay Moises ang Kanyang pangalan. Sinabi Niya: AKO YAONG (Hayah) AKO NGA (Hayah).
Mula noong ang banal na pangalan, [Yahuwah] ay kilala na … ang rebelasyong ito ay tila binibigyang-diin na ang Diyos [Eloah] na gumawa ng tipan, ay ang Diyos [Eloah] na nag-ingat ng tipan. Kaya ang Exodo 3:14 ay higit pa sa isang simpleng pahayag ng pagkakakilanlan: “AKO YAONG AKO NGA;” ito ay isang deklarasyon ng banal na kontrol sa lahat ng mga bagay.1
Ito ang lihim ng kapangyarihan na nakatago sa banal na pangalan, at ito ang pangalan na pinakamakapangyarihang pangako sa sanlibutan.
Ang Pangako sa Pangalan
Ipinapakita ng Isaias 55:11 ang kahanga-hangang katunayan na ang salita ni Yah mismo ay naglalaman ng kapangyarihan na gawin kung ano ang sinasabi nito: “Hindi babalik sa akin na walang bunga, kundi gaganap ng kinalulugdan ko, at giginhawa sa bagay na aking pinagsuguan.”
Ang kaalamang ito, kasama ang kapangyarihan na likas sa banal na pangalan, ay bubuksan ang lahat ng mga kayamanan ng Langit, at papakawalan ang lahat ng kapangyarihan ng kabanalan sa ngalan ng mapagpakumbabang tagasunod na, sa pananalig, ay hahawakan ang banal na pangako at, gaya ni Jacob na minsang nakipagbuno sa anghel, tumangging pakawalan.
Para sa paggaling—pisikal, mental, o emosyonal; para sa proteksyon; para sa kapatawaran, paglilinis, at pagpapanumbalik; para sa tagumpay sa kasalanan … para sa literal na anumang bagay na kailangan mo, ang banal na pangalan mismo ay isang pangako na maaari mong angkinin. At ang kapangyarihan upang tuparin ang pangakong iyon ay nakapaloob sa salita mismo!
Ito ay kung paano ang sanlibutan ay hinatid tungo sa pag-iral. Ang makapangyarihang pangalan ni Yahuwah ay paulit-ulit na ginamit.
Ipinaliwanag ni David kung paano nilikha ang sanlibutan: “Matakot nawa ang buong lupa sa Panginoon: magsitayo nawang may takot ang lahat ng taga sanglibutan sa kaniya. Sapagka’t siya’y nagsalita, at nangyari; siya’y nagutos, at tumayong matatag.” (Awit 33:8-9, ADB) At anong sinabi Niya, paulit-ulit, ay ang Kanyang pangalan.
Maging Maliwanag!
Nagkaroon ng liwanag.
Maging Lupa!
Nagkaroon ng lupa.
Maging Mahalaman!
At nagkaroon ng mga halaman.
Lahat ng bagay na umiiral ay dumating sa pamamagitan ng banal na kapangyarihan na nakipag-ugnay gamit ang banal na pangalan.
Angkinin ang Pangako
Ito ay kung bakit hindi maaaring magsinungaling si Yahuwah. Kung may isang bagay na hindi pa umiiral noong una, sa pagbigkas ng mga salita, tiyak itong darating sa pag-iral.
Ito rin ay kung bakit dapat tayong tumawag sa pangalan ni Yahuwah. Ito ay kung paano natin mapagtatagumpayan ang laban sa kasalanan. Literal na anumang bagay na kailangan mo para sa buhay, kalusugan, kaligayahan, at tulong sa pagtagumpayan ang kasalanan ay nakapaloob sa kapangyarihan ng banal na pangalan.
Ang Kanyang pangalan, Maging, isinama sa iyong pangangailangan, ay nagiging isang pangako na ito’y matutupad kapag inangkin mo ito sa pananalig.
Kaya, anong kailangan mo? Ang Kanyang salita sa iyo ay:
- Maging magaling mula sa sakit.
- Maging tagatanggap ng kaloob.
- Maging malakas.
- Maging maginhawa.
- Maging matapang
- Maging pinatawad,
- Maging malinis.
- Maging likhang muli sa banal na larawan.
Ito ang ibig sabihin na tumawag sa pangalan ni Yahuwah. Dahil ang mga salita ni Yahuwah ay naglalaman ng mismong kapangyarihan na tawagin ang sanlibutan sa pag-iral, ang mga salitang iyon din, binigkas sa pananalig kapag namuhay sa ganap na pagsuko sa Kanyang kalooban, ay nagiging propesiya na tumutupad sa sarili nito.
Kaya kapag ika’y tumawag sa pangalan ni Yahuwah, kapag ang iyong pananalig ay hinawakan ang pangako ng pangalan, ang Kanyang salita sa iyo ay matutupad. Naunawaan ni Pablo ang makapangyarihang konseptong ito. Sa Hebreo 11, ipinaliwanag niya: “Ang pananampalataya ay pagiging tiyak sa mga bagay na inaasahan at paninindigan sa mga bagay na hindi nakikita.”
Sinabi ni Yahushua, “Gagawin ko anumang hilingin ninyo sa aking pangalan, upang ang Ama ay maluwalhati sa pamamagitan ng Anak.” (Juan 14:13, FSV) Ito ay hindi isang banal na makinang pangalakal: sabihin ito at makukuha ito. Palagian, ang mga pangako ni Yah ay ibinigay sa kondisyon ng pagsunod sa Kanyang ipinakitang kalooban.
Gayunman, ang makapangyarihang pangakong ito ay nilayong paraan ni Yah para sa ating pagtatagumpay. Kapag hinawakan ng iyong pananalig na ang kapangyarihan na tuparin ang pangako ay nakapaloob sa mismong salita ni Yah, malalaman mo na maaari mo itong ipahayag at ito ay gayon, hindi dahil sa anumang kabutihan sa iyo, kundi dahil kung sino Siya: ang Manlilikha; at ano Siya: ang iyong Ama na umiibig sa iyo.
Tumawag sa pangalan ni Yahuwah. Nais Niya ito! Ang Kanyang salita para sa iyo ngayon ay: “Hanggang ngayon hindi pa kayo humihingi ng anuman sa aking pangalan. Humingi kayo at kayo'y tatanggap upang ang inyong kagalakan ay maging ganap.” (Juan 16:24, FSV)
1 Hayah, The New Strong’s Expanded Dictionary of Bible Words.