Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami'y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Ang mga kasapi ng simbahan ay ugaling tanggapin nang walang maingat na pagsisiyasat ang “Yahushua” na ipinakita sa kanila sa simbahan. Ang katanungan ng pinagmulan ng isang tao ay mahalaga. Ang isang tao ay binigyang-kahulugan sa kanyang pinagmulan. Tayo’y madalas naghahangad para sa impormasyong ito kapag tayo’y nagtatanong, “Saan ka nagmula?”
Ang pinakamahalagang katanungan na itatanong na may kinalaman sa Anak ni Yahuwah ay tungkol sa kanyang pinagmulan. Saan siya nanggaling, paano at kailan? Mayroong humihikab na bangin ng pagkakaiba sa pagitan ng isang tao na umiral para sa walang hanggan … at nagsisimulang umiral sa sinapupunan ng kanyang ina!
|
Ang pinakamahalagang katanungan na itatanong na may kinalaman sa Anak ni Yahuwah ay tungkol sa kanyang pinagmulan. Saan siya nanggaling, paano at kailan? Mayroong humihikab na bangin ng pagkakaiba sa pagitan ng isang tao na umiral para sa walang hanggan bilang walang hanggang Yahuwah, bago nagkatawang-tao, at isa na nagsisimula sa sinapupunan ng kanyang ina. Isang marapat at lehitimong tao, sa kahulugan nito, ay nagsisimulang umiral sa sinapupunan ng kanyang ina!
Mayroon ding bangin ng pagkakaiba sa pagitan ng isang tao na nagmula bilang isang anghel at ibinaba ang kanyang sarili, o ibinaba ni Yahuwah bilang isang sanggol at isinilang ng isang ina. Ang Hebreo 1:5 at 13 ay tiniyak na sinabi nang dalawang beses na si Yahushua ay hindi, hindi kailanman naging anghel! Ngunit ito ay hindi iniwasan ang mga nasa pitong milyong Saksi ni Jehovah mula sa pagpapahayag ng lubos na kabaligtaran — na si Yahushua sa katunayan ay isang anghel, si Miguel. Ang ganitong kapangyarihan, na inilarawan, ay panlilinlang sa isang dakilang antas!
Upang maging karapat-dapat bilang ipinangakong Mesias. Si Yahushua ay dapat na isang tao, isang angkan, kamag-anak sa dugo at inapo ni Haring David. Ang Awit 132:11 at 89:35-37 (at Lucas 1:69) ay ginawa itong napakalinaw. Ang Mesias ay kailangan na isang direkta, byolohikong inapo ng maharlikang hari ng Israel (ang talaangkanan ni Jose bilang legal na ama at ni Maria bilang aktwal na ina na matatagpuan sa mga Mabuting Balita, parehong sumusubaybay sa maharlikang angkan kay Natan, ang anak ni David, Lucas 3:31).
Ang Mesias sa katunayan ay ang sukdulan at ang panghuling maharlikang hari ng Israel, at siya ay magdadala ng kapayapaan sa ating mundong napunit sa mga digmaan. Iyon ang kabuuang punto ng Mabuting Balita tungkol sa paparating na Kaharian. Ang pamahalaan ng mundo ay ibibigay sa kanyang pamamahala (Isaias 9:6). Tumingin ka sa paligid at ito’y hindi pa nangyayari! Ngunit ito’y mangyayari.
Si Lucas ay isang metikuloso, edukadong Kristyanong mananalaysay, determinadong ilatag sa pagkakasunod ang tumpak na nilalaman ng Kristyanong pananampalataya (Lucas 1:3-4), kaya si Theophilus, na pangalang may kinalaman kay Lucas, ay maaaring tiyakin ang sukdulang katumpakan ng mga Kristyanong katunayan na tinanggap niya bilang tanging totoong pananampalataya.
Kami rin ay lubos na pinagpala ng pagkakaroon ng mga nakapupukaw na salita ni Lucas, binibigyang-kahulugan sa malinis na kapayakan ang tunay na Yahushua at ang tunay na Kristyanong pananampalataya, makukuha sa lahat ng mga taong lilipas.
Ang mahalagang isyu ay kung tayo’y nakahanda na paniwalaan na si Yahushua na isang ganap na tao, nagmula kay David, ang ikalawang Adan – at syempre, dinala sa pag-iral mula sa sinapupunan ng kanyang ina, sa pamamagitan ng himala (Lucas 1:35; Mateo 1:18, 20, 1 Juan 5:18).
Ang aking layunin sa artikulong ito ay para ipakita ang napakagandang likhang talaan ni Lucas tungkol sa pinagmulan ni Yahushua, ang Anak ni Yahuwah na pinahina, sa katunayan ay tinanggihan ng mga nagsisimba, na hindi sinasadya at hindi kritikal na tinanggap at patuloy na tinatanggap sa simbahan ang isang matagal nang tradisyon tungkol kay Yahushua na pinawawalang-bisa, sinisira at tinatanggihan ang talaan na ibinigay ni Lucas (at ni Mateo).
Ito’y lubos na maselang bagay ng pagkakakilanlan at posibleng maling pagkakakilanlan! Ang isyu ay marapat sa ating taimtim na pagsisiyasat ay sa Berea (Mga Gawa 17:11).
Ang totoo tungkol sa pagkakakilanlan ng tanging lehitimong Yahushua ng Bibliya ay may dakilang kahalagahan kaya si Yahuwah ay angkop na isinugo ang anghel na si Gabriel upang ipabatid ang mga mahahalagang katunayan ng pagkakakilanlan na kinakailangan para sa malinaw na pagkakaunawa. Kapag ang mga anghel ay nagsasalita, tayo ay dapat na magbigay ng malapit na pansin!
|
Ang totoo tungkol sa pagkakakilanlan ng tanging lehitimong Yahushua ng Bibliya ay may dakilang kahalagahan kaya si Yahuwah ay angkop na isinugo ang anghel na si Gabriel upang ipabatid ang mga mahahalagang katunayan ng pagkakakilanlan na kinakailangan para sa malinaw na pagkakaunawa. Kapag ang mga anghel ay nagsasalita, tayo ay dapat na magbigay ng malapit na pansin! Kapag ang mga anghel ay nakipag-usap, maaari natin itong balewalain na sila’y sapat nang mahusay sa mga salita na napakadaling maunawaan.
Ang Bibliya ay hindi kailanman nilayon na isang makabasag-utak, mahiwagang palaisipan na naaangkop lamang sa mga natutong eksperto! Ikaw, bilang isang tapat na umiibig kay Yahuwah at Yahushua, ay maaaring maunawaan kung sino si Yahushua! At marapat sa iyo, sa kabila ng kirot ng pananatili sa isang dakilang gusot at maling pagkakaunawa ng madaling wika.
Natatandaan natin na si Gabriel ay inatasan na magsagawa ng tungkulin sa ngalan ni Yahuwah sa dalawang napakahalagang kaganapan. Una sa Daniel 9, kung saan si Daniel, sa malalim na pagkabalisa sa mapaminsalang kondisyon ng Jerusalem at ng Templo, nagmakaawa kay Yahuwah na patawarin ang kanyang pagkakasala at ang pagkakasala ng bansa at muling ibalik ang kapayapaan at kaligtasan sa Israel. Ang makapukaw-damdaming pagsamo ni Daniel ay natugunan ng isang ekstraordinaryong pagbisita ni Gabriel, nagsasalita para sa Isang Yahuwah. Binigyan si Daniel ng pinagpalang katiyakan, sa kasagutan sa kanyang patuloy na katanungan ukol sa “gaano katagal” bago ang panghuling pagpapanumbalik ay dumating. Sinabi sa kanya na sa katapusan ng ng panahon ng 70 “pito,” 490 taon, ang lahat ay magiging mabuti na. Ang panunumbalik ay darating sa Jerusalem at Israel.
Ang isa pang napakahalagang panahon kung kailan si Gabriel ay inatasan sa isang kahanga-hangang misyon, ay ang kanyang pagbisita sa isang dalagang Hudyo, ang birheng Maria, na malapit nang ikasal kay Jose. Sila’y mga kasapi ng maharlikang tahanan ni David, masinop na itinala ng mga talaangkanan, hindi man kasalukuyang namumuno bilang maharlikang pamilya, at sa pamilyang iyon ang Mesias ay isisilang. Ang integridad ng buong Kasulatan ay nakataya.
Si Lucas ay pinakatiyak sa kanyang pagbibigay ng detalye kung paano at kailan at saan ang ipinangakong Mesias ay magmumula. Ang unang mahalagang katunayang tatandaan ay si Lucas ay hindi inilarawan ang pagdating, mula sa labas ng sinapupunan, ng isang “umiral na bago isilang” na ikalawang kasapi ng isang tatluhang Diyos! Ito’y pinagsisisihang pagkakalito na basahin ang sariling mga tradisyon ng isa tungo sa talaan ni Lucas at kaya ito’y babaguhin, gagawing mali, nang marahas. Ito ay hindi makatuwirang pagtrato sa Banal na Kasulatan. Kusang hindi isinama ni Lucas ang anumang ideya na ang Anak ni Yahuwah, na sinasabi ni Lucas na himalang ipinagkaloob kay Maria at isinilang ni Maria, ay buhay na bago pa ipanganak! Maaari ba na ang maling pagbabasa ng iyong simbahan kay Lucas ay nagbibigay ng kalituhan sa pagkakakilanlan ni Yahushua?
Narito kung paano binigyan ng detalye ni Lucas ang lubos na mahalagang pangyayari ng pinagmulan at pagkakakilanlan ng Anak ni Yahuwah, si Yahushua. Sinariwa muna ni Lucas na si Zacarias ay pinarusahan ng kawalan ng pananalita sa loob ng siyam na buwan, dahil tinanggihan na maniwala sa matapat na mga salita ni anghel Gabriel: na ang kanyang matandang asawa na si Elizabeth ay, taliwas sa normal na inaasahan, ay mabubuntis at isisilang si Juan Bautista (Lucas 1:19-20).
Pagkatapos ay dumating ang mahalaga at kahanga-hangang pagbisita ni Gabriel, sa ikaanim na buwan ng pagdadalang-tao ni Elizabeth (Lucas 1:26). Ang anghel ay tiniyak si Maria, na karaniwang nagugulantang sa hitsura ng isang arkanghel sa kanyang tahanan, na siya ay huwag matakot (Lucas 1:30).
Ipinaliwanag ni Gabriel sa madali, malinaw at maikling wika, kung paano at kailan ang ipinangakong Mesias ay darating sa pag-iral. Ang mga Biblikal na salita ay inalok sa ating lahat bilang makapangyarihan, nabubuong impormasyon, tiyak na hindi isang bagay para sa argumento o pagtatalo!
“Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Yahuwah” ay para liliman si Maria, at “sa gayon (dio kai), ang isisilang mo'y banal at tatawaging Anak ni Yahuwah” (Lucas 1:35).
|
“Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Yahuwah” ay para liliman si Maria, at “sa gayon (dio kai), ang isisilang mo’y banal at tatawaging Anak ni Yahuwah” (Lucas 1:35). Upang tawagin na Anak ni Yahuwah, maging Anak ni Yahuwah, ay isang pahayag ng pagkakakilanlan. Ang Anak ni Yahuwah ay eksakto sa isa na bugtong na anak = dinala tungo sa pag-iral! Walang anumang kahirapan o kumplikasyon tungkol sa walang katumbas na talaang ito. Ito’y maningning na maliwanag. Ito’y dapat na paniwalaan bilang isang batayang pundasyon ng gusali ng Kristyanong pananampalataya.
Ito’y hangad na depinitibo at mapagpasya, at karapat-dapat na pagkatiwalaan. Nagkakaisa at kumakalinga. Ang bawat manunulat ng Bagong Tipan ay ibinatay ang kanyang pagkakaunawa ng kung sino si Yahushua sa mga nakapupukaw na pagtuturo ni Gabriel. Ang Bagong Tipan ay hindi ipinakita ang walang pag-asa, litong-litong denominasyonal na eksena ng kasalukuyan. Ang kaguluhan ay dapat maging alerto sa atin sa katunayan na isang bagay na lubos na mali ang naganap! Ito ba ang problema?
“Ang Kristyanong katawan ay winakasan na ang Kristyanismo nang walang kamalayan nito” (Soren Kierkegaard, sinipi sa Time magazine, Dec. 16, 1946).
Ang Mesias ay maliwanag na konektado kay David sa pagsilang mula sa sinapupunan ng isa na may dugong maharlika, at ang taong iyon, na isinilang, ay ang Anak ni Yahuwah, tiyakan para sa isang madaling dahilan na ito — si Yahuwah ang Ama ni Yahushua sa byolohikong himala na hinatid sa pamamagitan ng banal na espiritu, ang malikhaing kapangyarihan ni Yahuwah. Ang himalang ito ay naganap sa ina ni Yahushua, si Maria. Sa paraang ito rin, ang anak ni Maria o Anak ni Yahuwah ay angkop bilang ikalawa at huling Adan, na isa ring anak ni Yahuwah (Lucas 3:38).
Tayo ay pinagpala sa pagkakaroon ng isang napakahusay at detalyadong talaan at komentaryo sa mga salaysay ng kapanganakan ng yumaong si Raymond Brown. Ito ay isang klasikong pagsisiyasat ng detalye ni Lucas at talaan ni Mateo ng pinagmulan ng Anak ni Yahuwah, si Mesias Yahushua.
Nagbigay ng punto si Brown sa isang kahanga-hangang katunayan! Ang tradisyon ng simbahan tungkol sa isang ikalawang kasapi ng tatluhang Diyos ay binura ang talaang ibinigay ni Lucas, binago ito at ipinaliwanag ito nang malayo. Ang mga komento ni Brown ay dapat na magdulot ng agarang muling pag-iisip. Sila’y dapat magdulot ng alarma. Inilatag ni Brown na ang isang batayang nagpapahina sa mga salita nila Lucas at Gabriel ay naganap noong ang huling tradisyon ay binago ang talaan, sa pagpapatupad sa mga ito ng isang banyagang ideya na ang Anak ni Yahuwah ay HINDI nagsisimula sa sinapupunan ng kanyang ina, gaya ng bawat tao sa pakahulugan ay marapat lang.
Sinabi ni Brown, “Para sa pag-iral bago isilang…ang kapanganakan [ni Yahushua] ay ang simula ng isang makalupang karera ngunit hindi ang pagdadala tungo sa pag-iral ng Anak [ni Yahuwah].” Ang huling ideya ng isang “umiral na bago isilang” na Anak ay pinapawalang-bisa at sumasalungat sa talaan ni Lucas ng pagsisimula ng Anak ni Yahuwah. “Ang malabirhen na pagsilang,” tumpak na sinasabi ni Brown, “ay hindi na nakikita bilang pagdadala sa pag-iral ng Anak ni Yahuwah, kundi bilang Pagkakatawang-tao ng isang Anak na umiral na bago isilang, at iyon ay naging pinagkaugaliang doktrina” (The Birth of the Messiah, p. 141). Nawa’y ang aming mga mambabasa ay makakatanggap ng isang salutaryong gulat mula sa kahanga-hangang pag-amin na ito.
Ang talaan ni Lucas ay direktang sumasalungat at pinawawalang-bisa ng huling pananaw na naging kaugalian, iyon ay kinailangan ng doktrina na paniniwalaan ng mga kasapi ng simbahan. . . . Sina Lucas at Gabriel ay, sa ibang salita, ay hindi na pinaniniwalaan bilang mga nagpapakita ng tunay na talaan ng pinagmulan ng Anak ni Yahuwah!
|
Tandaan na ang talaan ni Lucas ay direktang sumasalungat at pinawawalang-bisa ng huling pananaw na naging kaugalian, iyon ay kinailangan ng doktrina na paniniwalaan ng mga kasapi ng simbahan. Sapagkat sinabi ni Brown, habang ang huling idinagdag na teorya ng pag-iral bago isilang ay naging batayang pinagkaugaliang paniniwala, “ang malabirhen na pagsilang ay hindi na nakikita bilang pagdadala sa pag-iral ng Anak ni Yahuwah.” Sina Lucas at Gabriel ay, sa ibang salita, ay hindi na pinaniniwalaan bilang mga nagpapakita ng tunay na talaan ng pinagmulan ng Anak ni Yahuwah! Ang punto ng pinagmulan at ang pagkakakilanlan ni Yahushua, ang Anak ni Yahuwah, ay radikal na binago. Ang pagka “Orthodoxy” ay sumasalungat at pumapalit kay Lucas, Gabriel at sa Bibliya! Ang paglilipat na ito ay dapat na tawagin sa katunayan na — isang paglisan mula sa Kasulatan at ang pagpapataw ng isang bago at naiibang pagkakakilanlan sa Anak ni Yahuwah. Wala bang nagulantang sa muling pagkakakilanlan ng Anak ni Yahuwah? Wala bang may nakikita ng nakakagambala na posibilidad na isang “naiibang Yahushua,” isang “naiibang Kristo” ang ipinuslit? Ang “simbahan” ay maaaring higit pa sa isang “tagpuan ng krimen” kaysa sa naiisip mo!
Ang bagong hindi biblikal na pinagmulan at pagkakakilanlan ng Anak ni Yahuwah na iyon ay pinalitan ang maka-Kasulatan na ipinahayag ni Yahuwah sa pamamagitan ni Gabriel, at ang bagong hindi maka-Kasulatan na talaan ay kinuha ang pananahanan bilang kaugalian at batayan sa lahat ng mga denominasyon! Iilan lamang ang naisip tungkol sa mga kahihinatnan ng anumang paghahadlang kay Lucas at Mateo tungkol sa mga susi sa tunay na Anak ni Yahuwah.
Nakita natin kung paano nakakapresko ang katapatan ni Raymond Brown sa kanyang klasikong talaan ng The Birth of the Messiah. Ipinunto niya ang madayang paglilipat kung saan ang tradisyon ay pinawalang-bisa sina Lucas at Gabriel. Ang talaan ni Lucas ay “hindi na” pinapayagan na sabihin sa simbahan, noong pumalit na ang tradisyon. Ang tradisyon ay pinalubog sina Lucas at Gabriel at sila’y pinalulubog pa rin hanggang sa panahong ito.
Ayon kay Lucas, si Maria ang isa sa pamamagitan niya kung saan ang Anak ni Yahuwah ay hinatid sa pag-iral, nilikha sa pamamagitan ng himala, natatanging bugtong na Anak ni Yahuwah. Si Yahushua ay ang Anak ni Yahuwah mula sa sandali ng pagsisimula ng pag-iral, iyon ay pagbuo na naganap sa sinapupunan ni Maria. Ito ay malinaw at hindi dapat pumukaw ng argumento. Hindi naman nakipagtalo si Maria kay Gabriel, hindi rin mali ang pagkakaunawa sa kanya, ngunit ngayon ay marami nang handang ibaon ang katotohanan ng mga salita ni Gabriel sa makabasag-utak na pagtatalo!
Itinala ni Brown ang “tagpuan ng krimen” kung saan ang simpleng talaan ni Lucas ay naging paksa.
“Ilan sa mga ama ng simbahan at mga medyebal na teologo ay inisip na ang sanggunian sa Lucas 1:35 [‘ang banal na espiritu at kapangyarihan ni Yahuwah’] ay magkasunod na tinukoy ang ikatlo at ikalawang Katauhan ng Trinidad, kaya ang ‘kapangyarihan’ na nasa ikalawang Katauhan ay bumaba upang ‘magkatawang-tao’ sa sinapupunan ni Maria. Sapagkat nakikita natin, walang ebidensya na naisip ni Lucas ang Pagkakatawang-tao ng isang Anak na umiiral na bago pa isilang” (p. 290).
Ang nakapanlulumong paglalatag kay Lucas ng mga paganong pilosopikong ideya ng isang Tatluhang Ulo ng Diyos ay dapat na ilantad at tanggihan.
|
Ang nakapanlulumong paglalatag kay Lucas ng mga paganong pilosopikong ideya ng isang Tatluhang Diyos ay dapat na ilantad at tanggihan. Tumungo si Brown na magbigay ng komento kung paano ang Lucas 1:35 ay nakakahiya sa mga lider ng simbahan. Sinabi niya ang napakahalagang pananahilang “sa gayon” sa Lucas 1:35. Ito’y nagdudugtong sa malabirheng kapanganakan na malinaw kay Yahushua bilang Anak ni Yahuwah.
“Ito’y nagbigay ng kahihiyan sa maraming teologong orthodox, sapagkat sa Kristolohiya ng umiral bago isilang [Trinitaryan], isang kapanganakan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu sa sinapupunan ni Maria ay hindi magdadala ng pag-iral ng Anak ng Diyos. Si Lucas ay walang kamalayan ng ganoong Kristolohiya. Para kay Lucas, ang kapanganakan ay may kinalaman sa banal na Pagka-anak” (p. 291).
Mayroong isang nanlilisik na hindi pagtutugma sa pagitan ni Lucas at ng Kasulatan at anong umunlad mula sa ikalawang siglo bilang paniniwala.
Ang garapal na kontradiksyon ni Lucas ng “teolohiya” ay dapat na hindi laktawan, sapagkat ito’y nananawagan ng katanungan sa buong tradisyon para sa nakalipas na 1900 taon. Hinatid ni Raymond Brown ang kanyang punto sa asilo:
“Hindi ko maaaring sundan ang mga teologong iyon na sinusubukan na iwasan [sinusubukan na iwasan ang Bibliya!] ang konotasyon sa pariralang ‘sa gayon,’ na nagsisimula ng linyang ito. Sila’y nagtalo na para kay Lucas na ang pagsilang ng bata ay hindi nagdadala sa Anak na umiral, kundi nagpapagana lamang sa atin na tawaging siyang Anak ng Diyos na Anak na ng Diyos.”
Ibinuod ni Brown ang kanyang mga biblikal na tuklas dito: “Ang parehong salaysay ay nagpaunlad ng Kristolohikong kabatiran [kung paano bigyang-kahulugan ang pagkakakilanlan ng tunay na Yahushua] na si Yahushua ang Anak ng Diyos mula sa unang sandali ng kanyang kapanganakan” (p. 561). Hindi bago nito!
Iyon ay syempre matapat at makatotohanan, at ito dapat ay magdulot sa mga mambabasa na mamangha sa ilang pagkamadalian kung sila’y natututo sa tunay na talaan ng tunay na pagkakakilanlan ng tunay na Yahushua ng kasaysayan, ng Bibliya at ng pananampalataya.
Ang kontradiksyon ay simple lang: sina Lucas at Mateo ay ibinatay ang batayang pagkakakilanlan ng Anak ni Yahuwah, ang Mesias, sa kahanga-hangang himala na isinagawa ni Yahuwah kay Maria. Ang koneksyon ay makatuwiran at lubos na malinaw. Ang kahulugan nito ay hindi maaaring iwasan. Si Gabriel ay kaaya-ayang malaya sa nakakalitong wika na madalas matatagpuan sa ilang isinulat para sa Bibliya.
Ang dahilan ng walang katapusang argumento at kawalan ng katiyakan, at ang madalas na marahas na dogmatismo, ay tunay nga na ang tradisyon ng simbahan na inilayo tayo sa Kasulatan.
|
Ang dahilan ng walang katapusang argumento at kawalan ng katiyakan, at ang madalas na marahas na dogmatismo, ay tunay nga na ang tradisyon ng simbahan na inilayo tayo sa Kasulatan. Kung itatapon ang tradisyon, maaari nating maranasan ang kasiyahan ng pakikipag-ugnay nang direkta sa mga nakapupukaw na salita nila Lucas, Mateo at Gabriel.
Titigil na tayo sa paggamit kay Juan upang sumalungat kay Mateo at Lucas. Hindi na tayo magmamadali sa Juan 1:1 at basahin ito sa isang paraan na magbibigay ng kalituhan at kaguluhan kay Mateo at Lucas. Nakita si Juan bilang pag-aanunsyo ng plano at disenyo ni Yahuwah: ang salita, hindi ang Salita, mula sa simula. Hindi ang pag-iral ng isang ikalawang Yahuwah (ang Anak) na lumalabag sa kredo ng Israel at ni Yahushua (Marcos 12:29; Juan 17:3) at pinapawalang-bisa ang halatang kabaligtaran sa pagitan ng Isang Yahuwah (Yahweh) at ng Mesias na hindi Diyos “panginoon” (adoni) ng Awit 110:1. Ito ang pinakapaboritong berso mula sa Lumang Tipan sa Bagong Tipan at ito’y dapat magsilbi na isang hadlang na babala laban sa mga nanghihimasok sa anumang landas sa pinakamahalaga sa lahat ng kautusan, pinatunayan ni Yahushua sa Marcos 12:29 at Juan 17:3. Si Yahuwah ay iisang Banal na Katauhan, kaya inilarawan ng libu-libong isahang personal na panghalip!
Marami pa sa Tagpuan ng Krimen: ang “Nunc Stans”
Ano ito, naitanong mo? Ito ang pariralang Latin (“nakatayo ngayon”) na ang ibig sabihin ay ilarawan ang ideya na para kay Yahuwah, ang lahat ng panahon ay kasalukuyan!
Ang “nunc stans” ay ang “walang hanggang kasalukuyan,” ang ideya ng walang hanggan na nananatiling nakatayo sa kasalukuyan. Maaari kang mag-akala ng palaging nandyan nang walang hanggan bilang palaging nandyan upang panoorin ang lahat ng kasaysayan ay nagaganap magpakailanman, ngunit ang ideya ng nunc stans ay habang nararanasan mo ang lahat ng panahon sa iisang sandali na hindi nagwawakas. Kaya ang Nag-iisang Yahuwah na nakikita ang nunc stans ay malalaman ang lahat na naganap at iyon ay magaganap sa kaparehong sandali para sa lahat ng walang hanggan. Ito’y parang magagawang makita ang lahat ng panahon na kumalat sa harap Niya sa iba pang dimensyon o isang bagay.
Ngayo’y dumating ang langutngot! Hayaan natin ang mga mambabasa na tumigil at mag-isip dito! Sa Awit 2:7 nabasa natin ang isang maningning na pahayag tungkol sa pinagmulan ng Anak ni Yahuwah. Si Yahuwah mismo ang nagbigkas ng sumusunod na proposisyon: “Ikaw [ang Mesias] ang Aking Anak, mula ngayo’y ako na ang iyong Ama = naghatid sa iyo sa pag-iral.”
Kapag ikaw ay pumupunta sa simbahan sa isang Protestante o Katolikong tagpuan, ikaw ay inilalaan ang iyong sarili sa paniniwala na ang “kasalukuyan” ng pag-anak, dumating sa pag-iral ng Anak (Awit 2:7; inulit sa Awit 110:3) ay hindi isang araw sa panahon, kundi isang walang hanggang araw, sapagkat kay Yahuwah ay walang kasalukuyan!
Sa simbahan kung saan ang mga nakaupo sa bangkuan ay tila katiting ang interes sa batayan ng kanilang pinangakong paniniwala. Nalalaman ba nila o may pakialam ba sila…?
|
Ang argumentong ito ay nilikha ng mga ama ng simbahan ng ikaapat na siglo upang pangatuwiranan ang paniniwala na si Yahushua ay ang walang hanggang Anak ni Yahuwah, na walang simula sa panahon. Sapagkat isinulat ng isa sa mga ama ng simbahan, “Ang Anak ay mayroong walang simulang pagsisimula.”
Ngayon ang kritikal na katanungan: Ang nosyon ba ng isang “walang simulang pagsisimula” at ang kasamang ideya na ang “kasalukuyan” kasama si Yahuwah ay nangangahulugang walang hanggang panahon ay isa bang matapat at karapat-dapat na konsepto? O ito ba’y dakilang pagkagambala at pagkalito ng isang madaling wika?
Ang isa ay pinaaalahanan ng isang kumpanya ng gamot na nagbebenta ng mga benepisyo ng bago nitong terapewtika. Ngunit nakatago mula sa publiko ay ilan sa mga katakut-takot na mga epekto. Sa simbahan kung saan ang mga nakaupo sa bangkuan ay tila katiting ang interes sa batayan ng kanilang pinangakong paniniwala. Nalalaman ba nila o may pakialam ba sila na ang mga inhinyero at mga tagagawa ng kanilang sentrong doktrina tungkol kay Yahushua bilang Yahuwah ANAK, ang “walang hanggang bugtong na Anak,” na tapat na sabihin na ang paniniwala sa Yahuwah ang Anak ay awtomatikong nagtatangka sa iyo na paniwalaan na ang “kasalukuyan kay Yahuwah ay hindi at hindi maaaring mangahulugang ‘ngayon’”? Ang “walang simulang pagsisimula” ay isang angkop na parirala ba para sa makatuwiran, matatalinong tao? Paano naman ang “1+1+1=1” na milyun-milyong mananampalataya ay hindi nag-aatubiling ipahayag bilang sentrong doktrina?
Tapusin natin sa pag-imbita sa iyo na pagnilayan ang mga salita ng tanyag na Kristologong si Dr. James Dunn: “Syempre mayroong posibilidad na ang ‘tanyag na paganong pamahiin’ ay maging ‘tanyag na Kristyanong pamahiin,’ sa pamamagitan ng isang unti-unting paglalagom at pagkalat ng paniniwala sa antas ng tanyag na kabanalan” (Christology in the Making, p. 251).
Ito ay pinakaiksi mula sa isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Anthony Buzzard (http://thehumanYahushua.org/2016/02/01/losing-luke-and-jumping-to-john/).
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC