Natuklasan Ba Ng Mga Kristyano Ang Doktrina Ng Trinidad Sa Panalanging Shema?
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
ni Rabbi Tovia Singer
Tanong:
Mayroon akong kaibigang Kristyanong born-again na darating para bisitahin ako sa susunod na katapusan ng linggo. Siya ay naging sangkot sa Mesyanikong Hudaismo (bagama’t siya ay isang Hentil) at nalalaman ko na magkakaroon kami ng dakilang usapan. Nais kong sumagot sa kanya nang matalino. Nalalaman ko ang tiyak na ibabato niya sa akin at nais ko ng tulong sa kasagutan. Sasabihin niya ang tungkol sa panahon sa Bibliya (hindi ko matandaan kung saan ito) noong bumili uli ng isang muwestra ng mga prutas sa ipinangakong lupain. Malinaw na sinasabi nito na sila’y bumili ng mga ubas na “echad.” Ang salitang “echad,” bagama’t tinutukoy ang ISA, ay sinasalita ang tungkol sa isang BUNGKOS ng mga ubas. Dahil dito, kapag pinag-uusapan namin ang tungkol sa “Adonai Echad,” maaari naming pag-usapan ang tungkol sa tatluhang diyos sa isa.
Wala sa mga taginting na ito ang totoo para sa akin, ngunit nais kong maging handa sa lahat ng ito. Maaari mo ba akong tulungan sa lalong madaling panahon. (Darating siya sa katapusan ng linggo!)
Sagot:
Ako’y nalulugod na naitanong mo ang katanungang ito; tiyak ko na marami sa aming mambabasang Hudyo ang magugulat sa iyong problema. Isipin ang nakapagtatakang reaksyon ng isang Hudyo nang matuklasan na ang mga misyonaryo ay ginamit ang itinatanging pambansang kredo, “Dinggin mo, Oh Israel: ang Panginoon nating Dios ay isang Panginoon” (Hebreo: echad), upang patunayan ang doktrina ng Trinidad. Para sa ikagugulat ng marami, ang mga Trinitaryan ay madalas gagamitin ang pinakabanal na sipi na nagpapahayag ng pagiging isa ng Diyos upang itaguyod ang kanilang paniniwala sa isang tatluhang kalikasan ng Diyos. Ang doktrina ng Trinidad ay hindi mas dakilang kaaway sa deklarasyon sa Deuteronomio 6:4. Ating siyasatin itong ginamit nang hustong argumento ng mga misyonaryo nang mas mabuti.
Upang itaguyod ang kanilang angkin na mayroong maraming katauhan sa loob ng ulo ng diyos, ang mga misyonaryo ay ipinipilit na ang salitang Hebreo na echad, nangangahulugan na “isa,” sa katapusan ng Deuteronomio 6:4 ay hindi nangangahulugan na lubos na isa. Sa halip, katuwiran nila, ang bersong ito ay maaari lamang magpahiwatig ng isang “langkapang pagkakaisa,” o maraming bagay sa isa. Sila’y madalas magsipi ng dalawang berso upang itaguyod ang pagpapahayag na ito. Ang unang teksto na nabanggit mo: “At sila’y dumating sa libis ng Escol, at sila’y pumutol doon ng isang sangang may isang (echad) kumpol na ubas, at dinala sa isang pingga ng dalawa; sila’y nagdala rin ng mga granada, at mga igos” (Mga Bilang 13:23).
Ang ikalawa ay sa Genesis 1:5 na binabasa: “At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw, at tinawag niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang (echad) araw.”
Mula sa mga bersong ito, ipinipilit nila, malinaw na ang salitang Hebreo na echad ay maaari lamang isang pagsasama ng isang bilang ng mga bagay tungo sa isa.
Bagama’t ang pagpapahayag na ito ay may kapintasan gaya ng doktrina na hinahangad nitong itaguyod, para sa mga nagkukulang ng panimulang kaalaman ng wikang Hebreo, ang argumentong ito sa halip ay maaaring tuliro.
Ang salitang echad sa wikang Hebreo ay tumatakbo nang tiyakan sa kaparehong paraan gaya ng salitang “isa” sa wikang Ingles. Sa wikang Ingles, maaaring sabihin, “Ang apat na upuan at isang mesa ay bumubuo sa isang kainan,” o kahalili, “Mayroong isang sentimo sa aking kamay.” Gamit ang dalawang halimbawang ito, madaling makita kung paano ang salitang Ingles na “isa” ay maaaring mangahulugan na maraming bagay sa isa, gaya sa kaso ng kainan, o nag-iisa lamang, sa kaso ng sentimo.
Bagama’t ang salitang Hebreo na echad ay tumatakbo sa eksaktong kaparehong paraan, ang mga ebanghelikong Kristyano ay hindi na mag-aalok ng mga biblikal na halimbawa kung saan ang ibig sabihin ng salitang echad ay “isa lamang.” Sa gayon, sa pagpapakita lamang ng mga berso tulad ng Genesis 1:5 at Mga Bilang 13:23, ito’y lumilikha ng ilusyon sa isang baguhan na ang salitang echad sa anumang paraan ay kasing-kahulugan ng isang langkapang pagkakaisa. Walang bagay, syempre, ang maaaring lumagpas mula sa patotoo. Halimbawa, sinabi sa Deuteronomio 17:6: “Sa bibig ng dalawang saksi, o ng tatlong saksi ay papatayin ang dapat mamatay; sa bibig ng isang (echad) saksi ay hindi siya papatayin.”
Binabasa sa Mangangaral 4:8: “May isa (echad) na nagiisa, at siya’y walang pangalawa; oo, siya’y walang anak o kapatid man…”
"Dinggin mo, Oh Israel: Si Yahuwah nating Elohim ay Isang Yahuwah!”
|
Sa dalawang nabanggit na berso, ang eksaktong kaparehong salitang Hebreo ay ginamit, at malinaw na ang salitang echad ay tinutukoy ang isa lamang, hindi isang “langkapang pagkakaisa.” Mayroong katanungan na agad darating sa kaisipan: Kung ang salitang Hebreo na echad ay maaaring magpahiwatig ng isang langkapang pagkakaisa o isa lamang, paano sasabihin ng sinuman kung aling kahulugan ang may bisa kapag pinag-aaralan ang isang berso? Ang kasagutan ay nananahan sa konteksto, na palaging nagtatakda. Sa eksaktong kaparehong paraan ang salitang “isa” ay naunawaan sa wikang Ingles, iyon ay, mula sa konteksto. “Ang apat na upuan at isang mesa ay bumubuo sa isang kainan” ay isang langkapang pagkakaisa, at ang “Dinggin mo, Oh Israel: Si Yahuwah nating Elohim ay Isang Yahuwah” ay walang bahid na monoteismo.
Nagpapasalamat ako para sa iyong katanungan, at nawa’y ang Maawaing Isa ay gabayan ka sa iyong proseso ng pagbabagong-loob.
Taos-pusong iyo,
Rabi Singer
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni Rabi Tovia Singer.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC