Ang Dalawang Saksi Sa Kasulatan (Pahayag 11 Ipinaliwanag)
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Sino sa daigdig ang Dalawang Saksi ng Pahayag 11, at paano natin dapat ipaliwanag ang siping ito ng Kasulatan? Kung ika’y dumating na may mga katanungan, ngayo’y may mga kasagutan ako. Simulan natin sa isang teksto. Sinasabi ng Pahayag 11:3-6 ang sumusunod:
“Bibigyan ko ng kapangyarihang magpahayag ng propesiya sa loob ng 1,260 araw ang aking dalawang saksi na nakasuot ng damit panluksa.”
4 Ang mga saksing ito’y ang dalawang puno ng olibo at dalawang ilawang nakatayo sa harap ng Panginoon ng lupa. 5 Kung may magtangkang saktan sila, lalabas sa kanilang bibig ang apoy na lalamon sa kanilang mga kaaway. Sinumang magtatangkang saktan sila ay papatayin sa ganitong paraan. 6 Sila’y may kapangyarihang isara ang langit upang huwag umulan sa mga araw na nagpapahayag sila ng propesiya. At mayroon din silang kapangyarihang gawing dugo ang tubig at bigyan ng anumang uri ng salot ang lupa, anumang oras nila ito naisin.
Gaya sa kaso ng anuman sa Pahayag ni Juan, walang bago rito, tanging mga lumang bagay lamang—iyon ay, mga bagay sa Lumang Tipan—sa bagong pananamit, at ang Dalawang Saksi ay walang pagkakaiba.
|
Gaya sa kaso ng anuman sa Pahayag ni Juan, walang bago rito, tanging mga lumang bagay lamang—iyon ay, mga bagay sa Lumang Tipan—sa bagong pananamit, at ang Dalawang Saksi ay walang pagkakaiba. Ang mga sumusunod na pitong pahayag ay makatutulong sa atin na tukuyin ang mga kinatawan na ito. Ang mga ito’y mangunguna rin sa atin sa ilang nakakagulat na kabatiran tungo sa kaisipang mundo ng Bibliya.
1. Ang Dalawang Saksi Ay Sila Moises At Elias.
Pansinin ang teksto. Tumatawag si Elias ng apoy mula sa langit (1 Mga Hari 18). Si Elias ang nagsara ng kalangitan kaya hindi umulan. Tinamaan ni Moises ang Ilog Nilo at ang tubig nito ay ginawang dugo. Tinamaan din ni Moises ang lupain ng Egipto ng mga salot. Kung ang Kasulatan ay may anumang paggamit sa pagkilala sa dalawang kinatawan na ito, ang Kasulatan ay ipinupunto ang mga ito na sila Moises at Elias.
2. Ang Parehong Dalawang Saksi Ay Nagpakita Sa Pagbabagong-Anyo.
Kung naiisip mo, “Subalit sila Moises at Elias ay matagal na patay—hindi na sila magpapakita pang muli,” kailangan mong bisitahing muli ang kwento ng Pagbabagong-Anyo (Transpigurasyon) sa Mateo 17. Naririto, sila Moises at Elias ay nagpakita para sa isang pagsasama kay Yahushua, matapos ang paglitaw ng isang ulap at isang tinig mula sa langit. Pansinin na sa pag-akyat ng dalawang saksi sa Pahayag 11:12, mayroong isang ulap at isang tinig mula sa langit. Tila taglay ni Juan ang kwento ng pagbabagong-anyo sa kaisipan noong sinasabi niya ang tungkol sa dalawang saksi. Marahil dahil siya’y naroroon.
3. Ang Dalawang Saksi Ay Naninindigan Para sa Kautusan At Mga Propeta.
Bakit ang dalawang taong iyon? At bakit pa sila magpapakita upang makipag-usap kay Yahushua? Simple lamang—sila Moises at Elias ay kumakatawan sa Kautusan at mga Propeta. Sa pananalitang Hudyo sa Unang Siglo, “Ang Kautusan at ang mga Propeta” ay takigrapya para sa Bibliya. Hindi lamang mga bahagi ng Bibliya, kundi ang buong Bibliya gayong sumasa kanila ito (ikumpara sa Mateo 7:12, 22:40, Lucas 16:16, at iba pa). Itinuring si Moises na responsable para sa limang aklat ng Torah (ang Kautusan), at si Elias ay nagiging isang tipolohikong propetikong katauhan (tingnan ang pagtutulad ni Juan Bautista kay Elias bilang isang dagdag na punto ng sanggunian). Magkasama, sila ang buod ng lahat ng patotoo ni Yahuwah. Ito’y kung bakit sila nasa bundok ng Pagbabagong-Anyo: sila’y nagbibigay-pahintulot kay Yahushua. Dagdag pa, sila’y nawala at nanatili si Yahushua dahil si Yahushua ang katuparan at buod ng lahat ng nasa loob ng Kautusan at mga Propeta.
4. Ang Dalawang Saksi Ay Mga “Puno Ng Olibo” Dahil Sila’y Nagbibigay Ng Langis Na Nagliliwanag Sa Mga Lampara Ng Ekklesia.
Maaari itong malabo habang nakukuha ito, ngunit sa Zacarias 4, ang propeta ay nakikita ang isang pangitain ng dalawang puno ng olibo at dalawang lampara. Ang mga puno ng olibo ay nagbibigay ng patuloy at palagiang langis sa mga lampara upang panatilihin ang liwanag ng mga ito. Kinuha ni Juan ang larawan ni Zacarias at inangkop rito. Dahil dito, kung ang Dalawang Saksi ay ang mga puno ng olibo at ang pitong ekklesia ay ang mga lampara, pagkatapos ang punto ni Juan ay matapat: ito ay ang Kautusan at mga Propeta na nagbibigay ng panggatong kung saan ang liwanag ng ekklesia ay kumikinang. Kung ika’y wala sa Kasulatan, sa ibang salita, ang iyong liwanag ay nasa landas na mawala.
Nakita na nating nawala sila Moises at Elias mula sa pagbabagong-anyo habang nananatili si Yahushua. Siya ang nagiging, at nananatili, ang buod ng lahat ng kalooban ni Yahuwah sa kasaysayan.
|
5. Ang Dalawang Saksi Ay Ibinuod Ni Yahushua.
Nakita na nating nawala sila Moises at Elias mula sa pagbabagong-anyo habang nananatili si Yahushua. Siya ang nagiging, at nananatili, ang buod ng lahat ng kalooban ni Yahuwah sa kasaysayan. (Tingnan rin ang Kordero na karapat-dapat na bukas ang balumbon ng kasaysayan sa Pahayag 5.)
Ngunit mayroon ibang ebidensya din. Noong ang mga saksi ay pinatay, may sinasabi si Juan na bahagyang kakaiba sa berso 8, “Ang kanilang mga bangkay ay ikakalat sa lansangan ng malaking lungsod, na sa pananalitang espirituwal ay Sodoma at Egipto, kung saan ang kanilang Panginoon ay ipinako sa krus.” Ngayon, napakalinaw, sa kamatayan, muling pagkabuhay, at pag-akyat ng mga Saksi na ito, mayroon tayong Yahushua sa pananaw rito. Ngunit si Juan ay ginagawa ito na isang bahagyang mas hayagan noong ipinupunto niya na sila’y pinatay sa Sodoma/Egipto/Jerusalem.
Upang gawin itong mas tahasan, karapat-dapat na ipahayag na ang lahat ng tinupad ni Yahuwah sa kasaysayan ay ibinuod kay Yahushua. Siya ang palara, o ang solusyon, sa hiwaga ng kasaysayan. Dahil dito, nararamdaman ni Juan na malayang ipahayag ang parehong kwento nang sabay—ang kwento ng Dalawang Saksi ni Yahuwah bilang Yahushua at ang kwento ni Yahushua bilang Dalawang Saksi ni Yahuwah.
6a. Ang Dalawang Saksi Ay Nagsasagawa Ng Isang Deuteronomikong Tungkulin—Iyon Ay Naninindigan Sila Sa Paghahatol.
Narito, ngayon, ay kung saan ang mga bagay ay nagsisimulang maging kawili-wili. Nababasa natin sa Deuteronomio 17:6, “Sa bibig ng dalawang saksi, o ng tatlong saksi ay papatayin ang dapat mamatay; sa bibig ng isang saksi ay hindi siya papatayin.” Katulad din, sa Deuteronomio 19:15, “Isang saksi ay huwag titindig laban sa kanino man sa anomang kasamaan, o sa anomang kasalanang kaniyang pinagkasalahan: sa bibig ng dalawang saksi, o sa bibig ng tatlong saksi ay pagtitibayin ang usap.” Ang Dalawang Saksi, sa ibang salita, ay tinutupad ang Deuteronomikong pangangailangan bago ang pagpapasa ng isang sentensya ng kamatayan laban sa lupa. Ang dalawang ito—sila Moises at Elias, ang Kautusan at ang mga Propeta, ang Banal na Kasulatan—ay mga saksi na nagpapatibay ng sentensya ng kamatayan laban sa sanlibutan.
6b. Ikumpara Sa Mateo 18.
Narito, nauugnay na huminto at isaalang-alang ang isa sa mga lugar kung saan sinisipi ni Yahushua ang siping ito sa Deuteronomio: Mateo 18. Sa konteksto ng disiplina ng ekklesia, sinasabi ni Yahushua, “Inuulit ko, na kapag ang dalawa sa inyo ay nagkasundo dito sa lupa tungkol sa anumang bagay na kanilang hinihiling ay gagawin iyon para sa kanila ng aking Amang nasa langit. 20 Sapagkat kung saan may dalawa o tatlong nagpupulong sa aking pangalan, naroroon ako sa gitna nila.” “Dalawa o tatlo” ay ang bilang ng mga saksi na kailangan upang magpasa ng isang sentensya—dahil dito, ito’y hindi isang sipi tungkol sa pagbubuo ng isang korum para sa ekklesia, kundi tungkol sa pagsasagawa ng mga tamang ekskomunikasyon. (Pansinin na gumagamit si Pablo ng kaparehong wika sa 1 Corinto 5:3-5 kapag nagtatalakay ng pagpapatalsik ng imoral na kapatid.)
Noong si Yahushua ay isinusugo ang mga alagad nang dalawa sa dalawa (tingnan ang Marcos 6:7-13), inutusan niya ang mga ito na magsagawa ng dalawang tungkulin—ang isa ay upang maging saksi sa Kaharian, at ang isa pa ay upang bigkasin ang mga sumpa laban sa mga tatanggihan ang patotoo.
|
6c. Ikumpara Sa Pagpapadala Ni Yahushua Ng Kanyang Mga Alagad Nang Dalawa Sa Dalawa.
Ngunit isa pang paghahambing ay higit pang nakamamangha. Noong si Yahushua ay isinusugo ang mga alagad nang dalawa sa dalawa (tingnan ang Marcos 6:7-13), inutusan niya ang mga ito na magsagawa ng dalawang tungkulin—ang isa ay upang maging saksi sa Kaharian, at ang isa pa ay upang bigkasin ang mga sumpa laban sa mga tatanggihan ang patotoo. Sinasabi pa nga ni Mateo (10:15) na mas kaaawaan pa ang lupain ng Sodoma at Gomorra kaysa sa bayang iyon sa Araw ng Paghuhukom. Implikasyon? Ang pagpapadala sa pangkat ng dalawang alagad ay mayroong isang hudikaturang tungkulin sa anumang bagay. Ang mga pares ng mga alagad ay nagsilbi bilang dalawang saksi na kinakailangan upang parusahan ang isang lugar na tinanggihan ang ebanghelyo.
7. Ang Kwento Ng Dalawang Saksi Ay Ang Kwento Ng Gawa Ni Yahuwah Sa Buong Kasaysayan.
Ang panghuling punto na ito ay kinuha mula sa sipi ng Pahayag nang mas malawak. Sa kabanata 10, inutusan si Juan na kainin ang isang balumbon na matamis sa bibig ngunit mapait sa kanyang tiyan. Ang matamis-mapait na balumbon ay ang salita ng patotoo ni Yahuwah sa buong kasaysayan—matamis sa bibig dahil ang mga paghahatol ni Yahuwah ay magkakatotoo, mapait sa tiyan dahil sa sakit at kamatayan ang ibig sabihin ng mga paghahatol na iyon para sa sanlibutan.
Ang balumbon na iyon, nabuksan, ay ang kwento ng Dalawang Saksi ni Yahuwah sa kasaysayan. Sila’y nagpatotoo buhat ng bukang-liwayway ng panahon tungkol sa katangian at mga pamamaraan ni Yahuwah (tingnan ang Roma 1). Ang mga bayan ng daigdig ay tinanggihan ang mga pamamaraan ni Yahuwah (tingnan ang Awit 2). Ang mga bayan ng daigdig, sa paghihimagsik, ay pinatay ang mga propeta ni Yahuwah—lalo na ang espesyal na propeta ni Yahuwah, si Yahushua. Ngunit ang saksi ni Yahuwah, at ang propeta ni Yahuwah, ay hindi maaaring mawasak, at ang hininga ni Yahuwah (tingnan ang Ezekiel 37) ay magbabalik upang muling buhayin ang kanyang mga tagapagbalita. Ang resultang ito (tingnan rin ang Ezekiel 38) ay ang panghuling hatol sa lupa at ang mga kaaway ni Yahuwah.
Ang Kautusan at ang mga Propeta ni Yahuwah ay ang Dalawang Saksi na magpapasa ng kahatulan laban sa sanlibutan. Ang sanlibutan ay tinanggihan at patuloy na tinatanggihan si Yahuwah, ngunit ang mga pamamaraan ni Yahuwah ay nananatiling matagumpay.
|
Kaya paano natin ibubuod ang lahat ng ito? Ang Kautusan at ang mga Propeta ni Yahuwah ay ang Dalawang Saksi na magpapasa ng kahatulan laban sa sanlibutan. Ang sanlibutan ay tinanggihan at patuloy na tinatanggihan si Yahuwah, ngunit ang mga pamamaraan ni Yahuwah ay nananatiling matagumpay.
Ano ang ibig sabihin para sa Ekklesia? Bueno, ito’y nangangahulugan na napakaraming bagay. Ibig sabihin nito’y tayo ang liwanag para sa sanlibutan kapag sinisilaban ang langis ng Kautusan at ang mga Propeta—iyon ay kapag tayo’y isang maka-Kasulatan na bayan. Ibig sabihin nito’y nababatid natin ang nilalaman ng ating saksi—at ang kapangyarihan nito—na nagmula sa ating Kasulatan at hindi sa ating sarili. Nalalaman natin na kung tayo’y matapat na magpapatotoo, gagawin tayong mga kaaway ng sanlibutan (iyon ay ang ‘matagumpay’ na saksi ay mananagot para makuha tayo at papatayin). Nalalaman natin iyon, matapos ang padron ng Kautusan, mga Propeta, at ating Panginoon, upang magsalita ng mga salita ng ebanghelyo ay upang ipahayag ang isang bagay na parehong isang sumpa at isang pagpapala (isang pagpapala sa mga sumasampalataya, isang sumpa sa mga hindi sumasampalataya). Nalalaman natin kung papatayin tayo o hindi, muli tayong bubuhayin ni Yahuwah mula sa mga patay kasama ni Kristo Yahushua, at kaya wala tayong dapat katakutan. At nalalaman natin na ano pa man ang nagaganap, si Yahuwah ang magtatagumpay sa huli. Ang salita na itinuturo natin ay nagiging totoo.
At naririto, ang paghuhubog ng pangitain ni Juan ay kumukuha ng isang huling tira—hindi lamang ang mga Saksi ng Kautusan at mga Propeta, sila Moises at Elias, at ang Panginoong Kristo Yahushua, kundi sila’y ikaw rin at ako rin kapag matapat tayong nagpapatotoo sa mga sumasampalataya at laban sa sanlibutan. Ang Pahayag 11 ay hindi lubos na isang paglalarawan ng hinaharap na parang isang paglalarawan ng trabaho ng kasalukuyan. At iyon ay isang bagay na pinakamahusay nating pagnilay-nilayan nang taimtim.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Jeremy Rios.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC