Hindi Kailanman Nahulaan Ni Yahushua Ang Katapusan Ng Mundo
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal ng WLC. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
“At kasunod agad ng kapighatian sa mga araw na iyon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kanyang liwanag, at ang mga bituin ay mahuhulog mula sa langit, at ang mga kapangyarihan ng kalangitan ay mayayanig.” – Mateo 24:29
Ang apokaliptong wika na ginagamit ni Yahushua upang ilarawan ang pagkawasak ng Templo sa Jerusalem ay madalas naunawaan nang mali bilang tungkol sa katapusan ng sanlibutan at muling pagdating ni Kristo.
Sa pagsisimula ng anong tinatawag na “Olibong Diskurso,” si Yahushua at kanyang mga alagad ay nasa Templo. Ang mga alagad ay ipinunto ang mga bato at namangha sa mga ito. Sinasabi nila, “Tingnan mo, Guro! Napakadakilang bato! Kahanga-hangang mga gusali!”
At tumugon si Yahushua, “Hindi ba’t nakikita ninyo ang lahat ng mga ito? Tinitiyak ko sa inyo, wala ritong maiiwan kahit isang bato na nasa ibabaw ng isa pang bato. Lahat ng mga ito’y pawang ibabagsak.”
Ito’y gumambala sa kanila, kaya tinanong nila si Yahushua: “Sabihin mo po sa amin, kailan magaganap ang mga bagay na ito?”
Matapos iyon, ang lahat ay isang kasagutan sa dalawang katanungang iyon.
Ang “katapusan ng panahon” ay hindi ang “katapusan ng mundo.” Ang panahon na paparating sa isang wakas ay ang panahon ng mga Hudyo dahil ang kanilang kaparian, ang kanilang pang-araw-araw na pag-aalay, ang kanilang templo, at ang kanilang estado bilang isang bansa ay malapit nang mabura sa ibabaw ng lupa.
Sa kontekstong ito, ang “pagdating ng Panginoon” ay kapareho sa anong sinabi tungkol kay Yahuwah na nakasakay sa kaulapan sapagkat Siya ay naghahatid ng hatol laban sa Egipto:
“Narito, si Yahuwah ay nakasakay sa isang matuling alapaap, at napasasa Egipto: at ang mga diyos-diyosan ng Egipto ay makikilos sa kaniyang harapan, at ang puso ng Egipto ay manglulumo sa gitna niyaon.” – Isaias 19:1
Sumakay ba si Yahuwah sa isang ulap at nakasakay habang dumadaan sa himpapawid noong hinatulan Niya ang bansang Egipto? Hindi, hindi iyon ang nangyari.
Ang mga hukbo mula sa isa pang bansa ay inatake ang Egipto, at naranasan nila ang “pagdating ng Panginoon,” na “nakasakay sa isang matuling alapaap” laban sa kanila.
Ito ang anong nilalayon ni Yahushua sa pakikipag-usap noong, sa konteksto ng pagpapahayag ng isang parehong paghahatol laban sa Jerusalem at kanilang Templo, sinasabi niya:
“At ang Anak ng Tao ay makikitang dumarating na nasa ulap, may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian.” – Marcos 13:26
Tumungo pa si Yahushua nang mas malayo para malaman nila ang takdang panahon ng mga katuparan ng mga kaganapang ito:
“Tinitiyak ko sa inyo na hindi lilipas ang lahing ito hanggang maganap ang mga ito.” – Marcos 13:30
At tama si Yahushua. Ang templo ay nawasak noong 70 AD, gaya ng kanyang nahulaan na magaganap ito, walang batong maiiwang nasa ibabaw ng isa pa at sa panahong nabubuhay ng mga nakarinig sa kanya na ipinapahayag ang propetikong hatol na ito.
TALA NG WLC: Agaran matapos mahulaan ang tungkol sa pagdating ng Propeta/Mesias (Deuteronomio 18:18-19), sinabi ni Yahuwah: “Ngunit ang propeta na magsasalita ng salitang may pagpapalalo sa Aking pangalan, na hindi ko iniutos sa kaniyang salitain o magsasalita sa pangalan ng ibang mga diyos, ay papatayin nga ang propetang yaon. At kung iyong sasabihin sa iyong puso: Paanong malalaman namin ang salita na hindi sinalita ni Yahuwah? Pagka ang isang propeta ay nagsasalita sa pangalan ni Yahuwah, kung ang bagay na sinasabi ay hindi sumunod ni mangyari, ay hindi sinalita ni Yahuwah ang bagay na yaon: ang propetang yaon ay nagsalita ng kahambugan, huwag mong katatakutan siya.” (Deuteronomio 18:20-22) Sinuman na nagbabasa ng mga ebanghelyo matapos lumipas ang lahing iyon ay mayroong isang tumpak na batayang Biblikal para sa pagtatanggi kay Yahushua bilang ipinangakong Mesias kung ang mga kaganapan na nahulaan niya ay hindi naganap nang tumpakan gayong nahulaan niya, at nasa loob ng malinaw na ipinahayag na linya ng panahon. Kung maging ang isa sa mga prediksyon ni Yahushua ay bigo na maganap sa lahing iyon (na malinaw na iginiit niya – Mateo 23:35-36; 24:34; Marcos 13:30; Lucas 21:32), pagkatapos ang kanyang mga tagapakinig/mambabasa ay mayroong isang pinahintulutan ni Yahuwah na dahilan para sa pagpapawalang-bisa ng kanyang mga angkin na maging nahulaang Propeta/Mesias (Juan 5:46). Ito ay isang napakahalagang punto. |
Ano naman ang kung saan tinutukoy ni Yahushua ang mga bagay gaya ng araw at buwan na hindi ibibigay ang kanilang liwanag? Ano naman ang tungkol sa kanyang propesiya na ang mga bituin ay babagsak mula sa kalangitan? Hindi ba ibig sabihin nito na ang mundo at ang sanlibutan ay mawawasak?
Oo at hindi.
Katulad ng naunang paggamit ng “ang mga uod nila at ang apoy ay hindi namamatay” na wikang nabanggit sa ibabaw, ito ay apokaliptong hayperbola.
Narito ang ilan sa mga halimbawa:
Hula ni Isaias laban sa Babilonya:
“Sapagkat ang mga bituin ng langit at ang mga gayak niyaon, hindi magbibigay ng kanilang liwanag: ang araw ay magdidilim sa kaniyang pagsikat, at hindi pasisilangin ng buwan ang kaniyang liwanag. At aking parurusahan ang sanglibutan dahil sa kanilang kasamaan, at ang mga masama dahil sa kanilang kabalakyutan; at aking patitigilin ang kahambugan ng palalo, at aking ibababa ang kapalaluan ng kakilakilabot.” – Isaias 13:9-11
Hula ni Ezekiel laban sa Egipto:
“At pagka ikaw [Paraon] ay aking nautas, aking tatakpan ang langit, at padidilimin ko ang mga bituin niyaon; aking tatakpan ng alapaap ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag. Lahat na maningning na liwanag sa langit ay aking padidilimin sa iyo, at tatakpan ko ng kadiliman ang iyong lupain, sabi ni Panginoong Yahuwah.” – Ezekiel 30:18; 32:7-8
Hula ni Amos laban sa Israel kung paano ang mga Asiryan ay wawasakin sila:
“At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoong Yahuwah, na aking palulubugin ang araw sa katanghaliang tapat, at aking padidilimin ang lupa sa maliwanag na araw.” – Amos 8:9
Hula ni Isaias laban sa Edom:
“...Dinggin ninyo, ninyong mga bayan: dinggin ng lupa. ...At ang lahat na natatanaw sa langit ay malilipol, at ang langit ay mababalumbong parang isang ikid. ...Sapagkat ang aking tabak ay nalango sa langit: narito, yao'y bababa sa Edom, at sa bayan ng aking sumpa, sa kahatulan. Sapagkat kaarawan ng panghihiganti ng Panginoon.” – Isaias 34:1-8
Napansin ang anuman?
Nakikita mo ba kung paano ang mga propetang ito ay nagpahayag ng isang tunay na paghahatol laban sa kanila subalit ginamit ang mga wika ng kosmikong pagkawasak?
Pansinin kung paano sila nangangako na ang mga bituin ay magdidilim o ang mga nasa kalangitan ay malilipol at mababalumbong parang isang pergamino? Pansinin kung paano nila nahulaan na ang pagkawasak na ito ay minarkahan ng araw at buwan na hindi magbibigay ng kanilang liwanag?
Lahat ng iyon? Ito’y apokaliptong hayperbola—mga propetiko at patulang malabis na pahayag tungkol sa mga kosmikong-antas ng paghahatol na paparating sa kanilang lahat.
Patula, hindi literal.
Walang bituin ang nasaktan sa pagkawasak ng Edom, walang buwan o araw ang pinatayan ng liwanag noong ang Babilonya at Egipto ay parehong sinibak, at walang kalangitan ang binalumbon gaya ng isang taco.
Hayperbola.
Ngayon, bumalik at basahin kung ano ang sinasabi ni Yahushua tungkol sa pagkawasak ng Templo at ang “katapusan ng panahon” na paparating sa Jerusalem sa loob ng iisang lahi. Kung gagawin mo, mapapansin mo na gumagamit siya ng eksaktong parirala, at noong ginagawa niya, ang mga alagad ay nauunawaan na ang buwan, ang araw, ang mga bituin, at ang kalangitan ay hindi magiging kulay ng dugo, matutupok, babagsak, o mababalumbon sa isang lastiko.
“Pagkawasak Ng Templo, 70 AD” ni Francesco Hayez
Nalaman nila – kung saan hindi natin nakita upang malaman – na ito ay isang laganap na istilo ng Lumang Tipan na apokaliptong wika na ginamit upang makipag-usap tungkol sa isang lehitimong araw ng pagkawasak at paghahatol na malapit nang maganap.
Ang wika ay matalinghaga, ngunit ang pagkawasak ay lubos, lubos na totoo.
Pansinin ang ilan pang halimbawa ng uri ng apokaliptong hayperbola na ito:
“Aking lubos na lilipulin ang lahat na bagay sa ibabaw ng lupa, sabi ng Panginoon… At ang mga katitisuran na kasama ng mga masama; at aking ihihiwalay ang tao sa ibabaw ng lupa” – Sofonias 1:2-3
Tala: Naghula si Sofonias laban sa Juda bago ang Babilonyang pagkawasak ng Jerusalem noong 587 BC. Sa pangyayaring ito, hindi winasak ni Yahuwah ang buong mundo o binura ang lahat mula sa ibabaw ng lupa.
Noong si propeta Joel ay naghula laban sa Juda, sinasabi niya ang tungkol sa hukbo na ginamit upang dalhin ang paghahatol ni Yahuwah sa katuparan:
“Ang lupa ay nayayanig sa harap nila; ang langit ay nanginginig; ang araw at ang buwan ay nagdidilim at itinitigil ng mga bituin ang kanilang kislap…” – Joel 2:4-11
Muli, ito ay hindi isang pangako na tatanggalin ang araw at buwan o tupukin ang mga bituin sa kalangitan. Ito’y nangangako na magdadala ng isang pasabog na sentensya sa Juda dahil sa kanilang mga kasalanan.
Nakuha na?
[Umaasa ako]
Narito ang isang dagdag na halimbawa para sa iyo.
Noong sinabi ni Yahushua:
“Sapagkat sa panahong iyon ay magkakaroon ng matinding kapighatiang hindi pa nangyari mula sa pasimula ng sanlibutan hanggang ngayon, at hindi na kailanman mangyayari pa” [sa Mateo 24:21]…
…nalalaman mo na kung anong sinusubukan niyang sabihin rito, tama?
Syempre naman. Sa Lumang Tipan, ang ganitong wika ay ginamit nang paulit-ulit upang magpahayag nang labis sa kalubhaan at katatakutan ng paghahatol na paparating:
“At aking gagawin sa iyo ang hindi ko ginawa, at hindi ko na gagawin pa ang kaparis, dahil sa iyong lahat na kasuklamsuklam.” – Ezekiel 5:9
Ito ay tungkol sa papalapit na pagkawasak ng Jerusalem noong 586 BC. Inangkop ni Yahushua ang kaparehong wika sa nalalapit na pagkawasak ng Jerusalem noong 70 AD (Mateo 24:21). Sa karaniwang hayperbola ng araw, ang parehong kaganapan ay sinalita sapagkat ang bawat isa ay natatangi ang pagkakilabot, ngunit ito lamang ay para sa pagbibigay-diin.
Ang mga balang na salot na nabanggit sa Exodo 10:14 ay inilarawan gamit ang kaparehong wika, subalit ang Joel 2:2 ay tila inilalarawan ang isa pang balang na salot, na natatangi rin ang pagkakilabot at “hindi nagkaroon kailan man ng gaya niyaon,” atbp.
Ang punto — at naisip ko na nagawa ko — ay ang hayperbola ay hindi kailanman na literal, ngunit ang pagkawasak ay ang palaging literal.
|
Ngunit maaari ba ang tatlong kaganapang ito ay ang pinakamalala sa lahat ng panahon at hindi na magaganap pa? Syempre hindi, subalit hindi iyon ang punto rito. Ang hayperbola ay hindi literal, ngunit ang pagkawasak ay literal.
Katulad din, sinabi ang tungkol kay Solomon na natatangi ang talino at kadakilaan, ginagamit ang kaparehong hayperbola (1 Mga Hari 3:12-13). Subalit nalalaman natin ang isa [si Yahushua] na “mas dakila kaysa kay Solomon” (Mateo 12:42).
Ang “hindi kailanman at hindi na muli” na wika ay tipikal na hayperbola ay hindi dapat dalhin sa isang pagkaliteral na lagpas sa nilayon sa anumang paggamit ng mga ito.
Sa Daniel 9:12, sinasabi niya ang pagkawasak ng Jerusalem sa ilalim ni Nabucodonosor:
“At kaniyang pinagtibay ang kaniyang mga salita, na kaniyang sinalita laban sa amin, at laban sa aming mga hukom na nagsihatol sa amin, sa pagbabagsak sa amin ng malaking kasamaan; sapagka't sa silong ng buong langit ay hindi ginawa ang gaya ng ginawa sa Jerusalem.”
Tunay ba? Bueno, marahil hanggang sa puntong iyon, ngunit tiyakan lamang para sa ilang panahon.
Ang punto — at naisip ko na nagawa ko — ay ang hayperbola ay hindi kailanman na literal, ngunit ang pagkawasak ay ang palaging literal.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Keith Giles.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC